Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(2) Ginhawang Dulot ng Papel

para kay JustMunch, salamat sa
pagpapayakap sa akin nung
time na need ko talaga, hehe.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

JIEUEL FLORES has always been seeing me as her happy pill. Siya kasi 'yung tipo ng tao na kaunting biro mo lang, malulungkot na agad. She is very sensitive lalo na't when it comes to her physical appearance. Kaya as her friend, nandito ako para icheer up ang kaniyang gloomy world. But then one certain day, bumaliktad ang ikot ng buhay.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"Jieuel, nabasa mo na itong meme na 'to?" May bakas ng halakhak sa aking boses nang iharap ko sakaniya ang aking cellphone. "Pangarap kong maging seaman, pero kung 'di papalarin, asawa nalang ng seaman!"

Humalagapak ako ng tawa. Sinamaan ako nito ng tingin at pabirong hinampas. Psh, kinikilig lang 'yan eh. Papaano kasi may crush yan sa marine department. Mario ang pangalan pero yung apelyido ay hindi ko alam kasi ayaw niyang sabihin saakin. Baka raw agawin ko sakaniya. Huwaw naman. Loyal ata 'to kay Jace, joke.

"Pereng tenge te enebe," tila may kung anong bumara sa lalamunan ni Jieuel sa paraan ng pagsasalita niya. Siya naman ang pabiro kong binatukan. Matapos ito ay nagtawanan lang kami. Lumipas ang ilang minuto at nagkwentuhan kami sa kung ano-anong mga bagay.

"Kapag tinitignan mo ako, ano ang naiisip mong magiging profession ko?" Natigil ang pagtawa ko sa joke na ako rin naman ang nagsabi. "Sayo kasi nakikita na kita bilang isang Psychiatrist. Ako kaya?"

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa kaniyang biglaang papuri. Umiwas ako ng tingin para ipakitang hindi ako masyadong nasiyahan sa kaniyang sinabi. Jnstead, I just watch her face. I examine her body na tila isa akong manghuhula na kayang sabihin sa kaniya ang kaniyang kinabukasan.

"Artist," ang kusang lumabas sa aking manipis na labi. Sa oras na marinig ito ng aking kaibigan ay agad umaliwalas ang kaniyang mukha. Nawala rin ang tensyon sa kaniyang balikat na para bang nakahinga siya ng maluwag sa aking sinabi.

"Talaga?" puno ng saya ang kaniyang mukha na para bang nanalo siya sa isang lotto. "Artist? Sa tingin mo magiging artist ako sa future?"

Nagbigay ako sakaniya ng maliliit ngunit sunod-sunod na tango habang sinisipat pa rin ang buong siya. "Well, with or without a title, you create artworks so well. Depende nalang siguro sayo 'yun if you will pursue your passion or not."

Napabalikwas ako sa aking arm chair nang bigla itong tumayo kasabay ng paghampas niya sa kaniyang lamesa. "Dahil sa sinabi mo, MJ, I am now decided. I will pursue my dream no matter what."

"H-Ha. . . ?" Kinakabahan kong tanong. Dahil sa sinabi ko? "Baliw ka talaga! Huwag ka ngang basta-basta nalang nagdedesisyon ng ganyan nang dahil lang sa sinabi ng isang tao."

"Isang tao? Hindi ka naman isang tao lang MJ, kaibigan kita kaya naniniwala ako sa sinabi mo. Unless nalang kung. . ." unti-unting lumungkot ang boses nito at napaupo sa kaniyang upuan.

Iniling ko agad ang aking ulo, "Jieuel sa tingin mo ba ay magsisinungaling ako sayo?"

Nakayuko lamang siyang umiling sa akin. Huminga ako ng malalim. Paniguradong nag-ooverthink na naman ito. Tumayo ako sa upuan at yumuko upang makita ko ang itinatago niyang mukha. Hindi na ako nagulat nang makita ang nangingilid na luha sa kaniyang mga maamong mata.

"Baka totoo 'yung sinasabi ng mga pinsan ko na hindi naman ako magaling magpinta. Sinabi mo lang talaga na nakikita mo ako bilang isang artist dahil kaibigan mo ako at ayaw mo akong masaktan."

Bumuntong hininga ulit ako sa tinuran nito. Jieuel Flores never let a day passed without overthinking things. Lalo na't kung negative ito. Kahit na negative ito in a positive way o hindi naman kaya positive talaga, nakagagawa pa rin ng paraan ang kaniyang utak para gawing total negative ang lahat. 

Ang best example nito ay noong time na isinali niya ang kaniyang painting sa isang contest. Natalo siya at nakarecieve ng isang critique. Nabasa ko ng buo yung binigay sakaniyang comment, pinuri pa nga siya sa kung gaano siya kagaling sa pagpipinta. But all she could see is that one negative comment: too common. Yaan ang dalawang salitang nagbigay ng kalungkutan saaking kaibigan for weeks.

Hindi ko naman siya masisisi. Kahit akong isang writer ay ayoko rin sanang makabasa ng ganoong kumento, pero hindi naman maiiwasan 'yun. Sa halip pa nga ay magagamit ko iyon sa mga susunod kong pagsusulat. Gamit ang mga kritiko ng mga dalubhasa ay magagawa kong paunladin ang aking kasanayan bilang isang manunulat.

But Jieuel wasn't like that. Para siyang isang ligaw na dahon na kung tawagin ay makahiya, kaunting puna mo lang ay magsasarado na ang kaniyang tenga at magmumukmok nalang sa isang tabi. Kaya't nandito ako palagi para tulungan siyang muling magbukas ng sarili sa mundo.

"Jie, totoo ako noong sinabi kong artist talaga ang nakikita ko para sayo. Pero 'wag ka naman sanang gumawa ng desisyon nang dahil lang sa sinabi ko o ng ibang tao. Mali kasing mabuhay ka na ayon lamang sa expectation ng iba. What if sinabi ni ganito na nakikita ka niya as a successful business woman, so doon ka na agad dahil lamang narinig mo ang word na successful? Paano kung mali pala siya tapos sinunod mo? Sisisihin mo siya sa failure na nangyari sayo?"

Napaangat ang tingin nito sa akin na tila may isang bagay na nakakuha ng kaniyang atensyon. Nakahinga ako ng maluwag nang sumagi sa isip ko na baka nakuha niya na ang aking ipinupunto. 

"Failure? You think I will fail as an artist?" I can know have a clear vision of her teary eyes. "Ganoon ba 'yun, MJ? Kaya mo ako pinipigilan kasi tingin mo ay hindi ako magiging successful sa tatahakin kong daan?"

Napailing nalang ako. Mukhang mahabang pag-eexplain na naman ang sasabakin ko ah. . . Jieuel talaga, nako.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"MJ, anak. . ."

Nakuha ni Mama ang aking atensyon. Ibinaba ko ang hawak na ballpen at humarap sa pinto ng kwarto kung nasaan siya.

"Ma? Bakit po?"

Nababahala ako sa lungkot ng matang iginagawad sa akin ni Mama. Tila ba pasan-pasan niya ang buong mundo sa sobrang paghihirap sa kaniyang mukha. Naglakad ito palapit sa akin gamit ang kaniyang mga hakbang na mararahan.

Tumayo na rin ako upang lumipat sa paanan ng aking kama. Sa aking tabi ay doon siya puwesto. Pinanood ko lamang siyang tahimik na humaplos sa aking kanang kamay. Paminsan-minsan rin ay nagnanakaw ito ng tingin sa mukha ko ngunit agad niya ring iniiwas sa tuwing nabubungaran siya ng nagtatanong kong mata.

"Ano pong problema, Mama?" binabaan ko ang tono ng aking boses, umaasang magagawa nitong mapagaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ng aking ina.

Tanging katahimikan at mapait na ngiti lamang ang isinagot nito sa akin. Ilang minuto ang pinalipas ko at nasa ganoong posisyon lamang kami: siya na nakahawak sa aking kamay at ako na napinapanood ang maliliit niyang kilos.

Unlike my friend, Jieuel na gustong nakaririnig ng mga comforting words, kabaligtaran nito si Mama. What my mother prefer is silence. Na para bang gamit ang katahimikan na ito ay nagagawa niyang ikwento sa akin ang mga bahalang naglalaro sa kaniyang isipan. Na para bang sapat na ang aking presensya upang pagaanin ang kaniyang loob. 

"Miss na miss ko na ang Papa mo. . ." Napahinto ang pagpapaagos ko sa aking mga iniisip at naging sentro ngayon ng aking atensyon ang realidad. "Sobrang namimiss ko na siya."

"Mama. . ." Sinakop ng dalawa kong braso ang katawan ni Mama. Gamit ang yakap na ito ay ipinadama ko sa kaniyang kakayanin niya ito. Nalampasan niya na ito dati, magagawa niya ulit itong lampasan ngayon.

Ipinagpatuloy ko ang marahang paghaplos sa likod ni Mama. Ibinaon ko rin ang aking ulo sa kaniyang balikat at mas hinigpitan pa ang yakap. Umusbong naman ang maliit na ngiti sa aking labi nang maramdaman ko ang pagsukli niya ng yakap. Maya-maya pa ay narinig ko na ang hikbing lumalabas sa bibig niya sa tuwing inaatake siya ng pagkaulila sa aking yumaong ama.

"Sa tingin mo, masaya kaya ang Papa mo ngayon sa langit na kasama na niya ang k-kapatid. . . m-mo?" tuluyan nang nabasag ang boses ni Mama sa huling pantig ng tinuran.

Peke akong umubo para alisin ang bara sa lalamunan bago sumagot, "Syempre naman, 'Ma. Masaya nila tayo ngayong binabantayan. Kaso isipin mo, Mama, nandito sila ngayon at nakikita kang nalulungkot dahil sa kanila. Sa tingin mo po ba ay magugustuhan nilang umiiyak ka?"

My mother answered silence. With this cue, I proceed talking, "Mama, kakayanin natin ito. Oo, malungkot kung iisipin kasi pakiramdam natin ay iniwan nila tayo sa ere. Pero 'Ma, hindi naman ginusto ni James at Papa na mauna na sila, hindi ba? Hindi nila ginustong saktan tayo. 'Ma, alam ko pong mahirap. Sobrang hirap po. Pero kung magtutulungan tayong dalawa; kung sabay tayong babangon; kung susubukin ulit nating maging masaya, magagawa po nating makabalik sa dati nating buhay. Hindi dahil 'tayo lang' ang naiwan kundi tayo ang naiwan dahil sa isang rason na hindi pa natin nalalaman."

Bumitiw ako sa aming pagkakayakap at hinarap ko si Mama. May bahid man ng luha sa kaniyang mukha ay masaya ako dahil kahit papaano ay inihinto na nito ang pagluha. Sinuri ni Mama ang aking buong mukha nang may munting ngiti sa labi.

"Anak, bakit napakalakas mong tao?" hinaplos nito ako sa mukha matapos alisin ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa aking mukha. 

Pinigilan kong pumait ang timpla ng aking mukha. Bagkus ay ipinuwersa kong ilabas ang aking mabait na ngiti. Wala naman akong magagawa. Ganito na ata ang role ko sa aking buong buhay: tagapagpagaan ng loob ng mga taong malulungkot.

It's ironic to consider that I can make people breathe as I am slowly drowning in my own confusion. 'Yung iba naisasalba ko, bakit kapag ako na ay parang ang hirap hirap nitong gawin?

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Lunes ngayon ng madaling araw pero gising pa rin ako. Nag-aabang kasi ako noong resulta sa international writing contest na sinalihan ko. Nakasanayan ko na kasing gumamit ng lengguwaheng Ingles dahil sa mga paperworks na kailangan sa aking pag-aaral. Kaya naman kapag nagsusulat ako ng mga maiikling storya na kadalasan ay kwentong pambata, hindi na bago sa akin na gamitin ang wikang Ingles. 

Ang malas ko nga lang dahil 6:45 ng umaga ang oras ng pasok ko at 3:02 am na ay gising pa ako. Bahala na bukas, makakatagong idlip naman siguro ako sa library kapag break time or lunch.

Umayos ako ng pagkakaupo sa kama at idinungaw ang ulo sa bintana. Mabuti nalang at kahit alas tres na ng madaling araw, malakas ang ulan sa labas. Ayan tuloy, imbes na matakot ako sa kadiliman ng gabi ay napangingiti pa ako ng wala sa oras.

Hay. . . is this a sign of my achievement? It's been an exhausting weekend afterall. Baka ito na ang regalo sa akin.

Tsaka isa pa, napansin ko kasing sa tuwing may writing contest akong sinasalihan at nanalo ako, umiiyak ang kalangitan. Hindi ko alam kung palagi nalamang bang nagkakataon ito pero kasi straight record ay ganito talaga ang nangyayari. Kaya ayun, napagdesisyunan kong gawin itong sign as my up coming achievement. 

Lumipas ang trenta minutos ngunit wala pa ring lumalabas na bagong post ang page ng sinalihan ko. Namumungay na rin ang aking mata. Kung hindi lamang dahil sa biglaang kulog at kidlat ay hindi ako magigising. Grabe naman ang support saakin ng kalangitan, todo kung todo. Mas lalo akong nasiyahan.

Nang mahimasmasan ay sinilip ko ulit ang cellphone. Napamura nalang ako sa tuwa nang lumabas na ang announcement of winners na kanina ko pa inaabangan. 

"Shit, salamat kulog at kidlat! Nagising ako ng wala sa oras dahil sainyo. My gods!" nag-uumapaw sa kasiyahan ang nararamdaman ko. 100 entrants ang nakasali ngunit matapos ang cut off na 25. Nakasali ako rito ngunit  mas naging mahigpit na ang labanan. Ngayong bilang nalang sa daliri ang mga kasali, at sampu lamang ang kanilang kukunin, sobra ang kabang nararamdaman ko.

Pero umuulan. . . Pagpapalubag ko sa sarili. Tiwala lang, makakasali ka diyan.

Bumilang muna ako ng tatlo at huminga ng malalim bago pinindot ang buong artikulo ng sampung piling nanalo. Nanigas ako sa pwesto. Wala sa sarili akong napasandal sa pader ng aking kwarto. Kita ko ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan at nabigyan nito ng sandaling liwanag ang aking kwarto. Sumunod naman ang kulog na sinabayan ng malakas na hampas ng hangin na may kasamang ulan. 

Tatlong beses kong inulit basahin ang mga salitang naka-display sa screen ng aking cellphone. Ilang segundo pa ay unti-unting dumulas saaking kamay ang hawak kong gadget. 

Wala... wala ang pangalan ko sa listahan ng mga nanalo.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"MJ, kamusta ka diyan?" nahimigan ko ang ngiting nakaprinta sa kaniyang labi. "Ang saya ano? Walang pasok. Tapos ang lamig-lamig pa. Hay, ang sarap matulog!"

Mahina akong nahawa sa ginawa nitong paghagikhik, "Ayos naman ako dito. Buti nga at hindi nagblack-out eh."

"Hala! Ang swerte talaga ng mga naka-MERALCO! Kami kasi PELCO eh. Kaunting ulan lang. . . boom, patay," natawa siya sa kaniyang sinabi na kahit ako ay natawa rin. Hindi na bago sa akin ang rant niya about sa kuryente nila.

"So black out sainyo diyan ngayon?" napangisi ako. Mabuti nalang talaga at MERALCO kami, though alam ko naman na kahit anong kable ng kuryente ay bibigay kapag sobrang lakas na talaga ng ulan. Sadyang ngayon ay nagkaroon kami ng pagkukumparang nagawa ni Jieuel. Hay.

"Oo. Maiinis na nga sana ako dahil sa nangyaring pagkawala ng kuryente kung hindi lang dahil sa nangyari kaninang madaling araw!" Inilayo ko sa aking tenga ang cellphone na hawak dahil sa biglaan nitong pagtili sa kabilang linya. 

"Jie? Anong meron?" nalilito kong tinanong, "Bakit ang saya-saya mo? Nagchat ba sayo si Mario?"

"How I wish na magchat nga siya saakin. . ." tumawa ito, "Pero hindi! Hindi ito dahil kay Mario. Dahil galing ito sa isang art gallery kung saan nakatanggap ako ng isang napakagandang offer, OMG!"

Nanlambot ang kamay ko. Nanginig ang labi at nanubig ang mata.

"Ikaw ba? Diba nagtext ka sa akin kagabi na madaling araw mo malalaman ang announcement noong wricon na sinalihan mo? Anong kinalabasan? Nanalo ka ba?"

Tulala akong napailing na para bang makikita niya ang ginawa kong pagsagot.

"Hello? MJ?" Natauhan ako bigla.

"A-Ah, w-wala eh. N-Natalo. Tsaka ang c-cheap pala nung c-contest na nasalihan..." I continued talking non sense. Nagpatuloy ang aming usapan na puno lamang ng aking pagpapanggap na masaya ako para sa kaniya.

"Mukhang nalipat sa akin ang swerte mo sa tuwing umuulan ah?" Maloko ang boses na ginamit nito, nang-aasar. "Paano ba 'yan, MJ, mukhang ako na ang papalit sa pwesto mo sa iyong lucky chair ah?"

Agad kong pinutol ang linya sa takot na may kung ano akong masabi na pagsisisihan ko lang sa huli. Madali lang naman bigyan ng rason 'yang si Jieuel. Hindi na 'yan magtatanong pa ng malalim kaya kaya ko nang lusutan ang biglaan kong pagbaba sa kaniya.

Binuksan ko ang aking wattpad account at nagtipa ng tula. Hinayaan ko ang kamay na gumawa ng kaniyang sariling daan patungo sa tunay na nararamdaman. Hindi ko ito pinigilan sa kung ano ang nais nitong ibahagi sa ibang tao. 

Ilang oras akong nagbabad sa pagtitipa ng mga tula. Wala akong ginawang pagpapahinga, tuloy-tuloy na pagtunog lamang ng keyboard ang rinig sa buong kwarto.

Tahimik. Umuulan. Bumabagyo.

Siguro nga ay nakikiayon pa rin sa akin ang ulan. Hindi naman ibig sabihin na hindi ako nito napagbigyan ng isang beses ay hindi na ako nito mahal. Bakit? Kasi. . . kasi may isang dumating sa buhay ko na nagawang pagaanin ang loob ko. Ay mali. Matagal na pala siyang nasa harapan ko, ngayon lamang ako natauhan sa katotohanang ito. 

Totoo nga ang sinasabi ng manunulat na kaibigan ko: Sometimes, only paper will listen.

━━━━━━━━━━━━━━━━━
051820

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro