Ikaapat na Kabanata
Author's note: Okay. Fyi hindi 'to puro short updates ftw. May hint dito. May hint kung bakit every updates pinag-uusapan si Nathan at si Juana. Yung usap nilang lagi? Okay. Wag kayong mabored kuno at walang plot ito HAHAHAHA.
Alam niyo yung feeling na may kasama pa 'kong glutton? At alam niyo ba yung feeling maubusan ng pera ng dahil sakanya?
Kung hindi, tara palit tayo buhay. Huhuhu kaurat na!
"Mm! Ang sarap!" sabi niya habang ninanamnam yung spaghetti na kinakain niya.
Napairap ako sa kawalan. Wah, gusto ko ng matulog!
"Pwede paki-bilisan? Inaantok na ko e." Kanina pa kasi nag-uwian, at sa palagay ko isang oras mahigit na kaming nasa Canteen.
"Mamaya nadjj." ano daw?
"Ano?" ulit ko.
Lumunok muna siya bago magsalita. "Sabi ko mamaya na." kumagat siya ng siopao.
=_________________________________=.
Anong klaseng araw ba 'to? Puro kamalasan ang bagsak sakin. Tsk. May araw rin kayo sakin, teacher, Gemini girls, at lalong lalo na ang tukmol na 'to.
I swear. Bwahahaha!
~
Meanwhile in Jina's house again...
"Hon, kanina ka pa paikot-ikot dyan ah? Try mo kaya umupo." sabi ng asawa ni Jina. Teka hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ng asawa niya 'no? Well, ang tatay lang naman ni Juana ay nagngangalang 'Juancho'.
"Kasi naman hon e," napakamot sa batok si Jina. "Gusto ko na talagang sumipag si Juana! Kita mo, sa katamaran ng batang yun hanggang ngayon di pa umuuwi! Tinamad nanaman siguro umuwi. Tsk." napapadyak si Jina sa inis atsaka naupo sa tabi ng asawa niya. Napasandal siya sa balikat nito.
Hinagod ni Juancho ang likod ng asawa. "Wag kang magmadali, Jina. Darating rin si Juana dyan."
"Eh...kailan?" napa-ayos ng upo si Jina. "What if, walang magmahal sakanya kasi nga tamad siya? Paano kung hindi na siya sipagin? Paano kung forever ng ganun ang anak natin? Juancho, di ko kakayanin yun! Alam mo ba ang history ng 'Don't loose your pen'? Ganun ang mangyayari kay Juana pag nagkataon! Natatakot akong magkaroon siya ng pangit na future!" napaluha si Jina pagkatapos niya y'on sabihin.
"Ano ka ba, ang nega mo naman!"
"Ay!" napasigaw ang mag-asawa nang marinig nilang may kakaibang boses pang nasa kwarto nila. Pagtingin nila kung sino ito, nakita nanaman nila ang maliit na bata kanina. Nasa bintana nila ito nakaupo.
"Hi!" kumaway sakanila si Angela. Nanlaki naman ang mata ng mag-asawa at napa-atras.
"I-ikaw nanaman?!"
"No other than me...Angela!" tumalon si Angela papasok ng kwarto ng mag-asawa.
"Trespassing! Trespassing!" napatayo si Juancho at akmang bubuksan na ang pintuan ng kwarto nang mabilis na tumakbo si Angela papunta doon para haranigin siya.
"Ano ba? Anong tres ka dyan? Mag-isa lang kaya ako. Duh." umirap siya sa kawalan then she crossed her arms. Taray ng english. HAHAHA.
"S-sino ka ba?!" this time, si Jina naman ang nagtanong. Lumapit siya sakin--este, kay Angela at tinignan ito.
"Ako nga si Angela! Ano ba, paulit-ulit?! Unli?! Teh wala akong pera! Pa-combo text ka nalang please. Hihihi." saad ng maliit na bata. Umupo siya sa kama ng mag-asawa at dumekwatro. Aba feeling home naman 'to.
"What I mean is...sino ka? Bakit ka nandito?" gulung-gulo na si Jina. Una ay pinoproblema niya si Juana, sumunod naman itong paslit na 'to. Tsk.
"Ako kasi ang author ng story na 'to!" tumawa siya--este, humalakhak pala. Okay sareh, typo lang lol.
"Author? Story? What?" tanong ni Juancho.
Inikot ulit niya ang mata niya sa kawalan. "Okay fine. Sabi ko nga tama si Rozwelda eh. Sa epilogue ko nalang i-introduce ang sarili ko. Anyways, ang pinunta ko lang naman dito ay para pagsabihan kayo..." tumayo na siya at lumapit sa mag-asawa pero inatrasan lamang siya nito. Napataas tuloy ang kilay niya.
"So ano, atrasan? Excuse me! Mas malaki at mas matanda kayo kaya hindi bagay na matakot kayo sakin. Gets?" ngumuso ang bata. "Anyways, so yun nga. Pagsasabihan ko lang kayo na wag kayo masyadong magmamadali dahil may twist pang darating sa anak niyong si Juana. Just let her life go with the flow. Ikaw kasi Jina, wag mo ng intindihin ang anak mo. Malaki na 'yon, at kahit tamad siya, e mature na naman siya. Mas mabuti kung wag nalang din kayong mag-isip ng negative about her. Stay positive. Isa kayo sa parte ng kanyang buhay. Okay? So kung di niyo na-gets, pucha sayang script kong kinabisado ko pa. Pag di niyo na-gets, search niyo nalang sa Google. Thanks, kbye." kumaway ang maliit na bata at tumalon sa bintana. Nagulat at napatili pa nga ang mag-asawa pero paghabol nila ng tingin kung nalaglag ba ang maliit na bata, nakasakay na pala ito sa isang helicopter. Sosyal, taray.
Nagkatinginan nalang ang mag-asawa. "O...kay?"
~
"Hay salamat, natapos ka na ring kumain!" sabi ko kay Nathan. Kinuha ko ang tissue at pinadausdos sa bibig niya. "Okay ka na? O sige pwede na ko umuwi ah? Bye!"
"Wait!" napatigil ang maganda kong exit nang tawag niya akong muli. Nilingon ko siya. "Ano nanaman? Inaantok na ko, please."
Lumapit siya sakin. "Thank you..." wait, ito yung sinabi niya nung una kaming nagkita diba? Wag mong sabihing yayakapin niya nanaman ako ulit?
Bago niya pa ako machansingan, lumayo na ako sakanya at winagayway ang kamay ko sa tapat ng mukha niya. "Okay, welcome! Bye! Sana di na tayo magkitang tukmol ka!" tumakbo na ako palayo sakanya.
Pag-uwi ko sa bahay, napahilata agad ako sa sahig. Tsk. Ang layo pa kasi ng kwarto ko eh. Sa 2nd floor po. Napa-nguso nalang ako at nag-isip ng plano kung paano ko magagantihan si teacher at ang Gemini girls. Napag-isipan ko nalang din na hindi ko nalang din gagantihan ang tukmol na Nathan na 'yon, since sa palagay ko naman ay hindi na kami magkikita. And if ever man, iiwasan ko nalang siya.
Ano kayang gagawin ko kay ma'am Bantos?
"Oh may basahan pala tayo dito eh. Ano ka ba naman--JUANA?!" napatakip ako sa magkabila kong tenga nang biglang tumili si mama.
"Anak! Bakit ka nakahilata dyan sa sahig?! Hindi pa nakakapag-mop si Tasya!" napa-hysterical si mama at hinigit ang kamay ko. Napatayo tuloy ako. Enebe. Ang sakit kaya.
"Mop? So? At ma, sino si Tasya?"
"Ay jusmiyo!" napakamot si mama ng batok niya. "Si Tasya, yung kasambahay natin ano ka ba!"
"Eh mama naman e." napasimangot ako. "Wala na kaya tayong kasambahay! Sinong Tasya?"
"Gaga! Si Tasya, bagong hire kasi yun! Puro ka kasi tulog kaya wala kang alam sa mga nangyayari sa mundo! Hala sige magbihis ka na nga! Talaga 'tong batang 'to." pinagpagan ni mama ang palda ko atsaka luminga linga sa paligid. "Manang Tasya! Paki-kuha nalang yung basahan!"
"Yes ma'am!" rinig kong sigaw pabalik kay mama. Ah, okay. May bago pala kaming kasambahay. XD.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. After nun, hindi na ako kumain at natulog na lang ako agad...
sa sahig. Alamnadis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro