Ikaanim na Kabanata
"Argh! Sheez! I can't take this anymore!" padabog na umupo si Gemini sa kanyang silya at sinipa ang upuang kaharap niya. Sakto namang may naka-usling pako dun kaya nasaktan siya, buti na lang at hindi bumaon at natamaan lang niya, pero masakit pa rin yun. Napasigaw nalang siya sa inis.
"Gemini! Baka masira mo yang notebook ko!" biglang saad ni Vanessa, isa sa mga ka-grupo ni Gemini pagdating sa pangbu-bully. Siya ang maituturing na pinaka-close kay Gemini dahil dakilang bully rin siya. Tiniim niya ang kanyang bagang dahil sa malakas na paghampas ni Gemini sa notebook niya.
Tinignan siya ni Gemini ng masama at tinaasan siya ng kilay. "And so? Di ko naman 'to notebook! And hey, ako ba sinisigawan mo?! Ha?!" napatayo si Gemini at tinulak tulak si Vanessa. "Fudge you!"
Samantala, ang dalawa namang kaibigan pa ni Gemini ay nandodoon lang din, at pinagtutuunan ng pansin ang nail polish nila.
"Nag-away na naman..." napangisi nalang si Riri. Tinignan niya ang kuko niya at feeling niya ay perpekto na ito. "Tss!"
"What the heck. Wag ka ngang maingay!" inis na turan ni Ria kay Riri. Wait, nasabi ko na bang kambal sila? If not, then okay. Kambal silang dalawa ni Riri at Ria. Parehas na sosyalista, pero magkaiba sa attitude.
"What? Ako pa sinisita mo?" napatigil si Riri sa pagtingin sa kuko niya. "Excuse me?!" dagdag pa ni Riri.
"Dadaan ka? Go, daan na." bored na sagot ni Ria sakanya. Mas lalong nainis si Riri.
"You..." tinignan niya ng masama si Ria. "Isusumbong kita kay mommy! Swear!" at kumaripas siya ng takbo paalis sa kwartong iyon. Napangisi nalang si Ria habang iniikot-ikot ang dulo ng kanyang buhok.
Okay, balik tayo kina Gemini. "Ano ba!" gigil na sabi ni Vanessa kay Gemini.
"Ano?! Papalag ka?!" ngumisi si Gemini kay Vanessa. "Baka gusto mong ipakain ko sa'yo 'tong mga kuko ko?!"
Biglang namutla si Vanessa. "S-Sabi ko nga eh. Diba? Diba..Ria?" ngumiti siya kay Ria. Tumango naman si Ria wearing her bored face.
Napasalampak silang lahat sa sahig. "Kainis!!"
"This is Juana's freak fault! Nakaka-bv siya! How dare she seduce Prince Nate? Ayan, he likes her na tuloy!" sabay-sabay nilang sabi as if pinag-practice-an nila 'yon.
~
"Umm, nurse, okay na po ba siya?"
"Yes. May mga sugat lang siya pero wala namang na-injury sakanya. Ah, hijo, may tanong lang ako. Ano bang nangyari sa nobya mo at nagkaganyan siya?"
"Ah!" biglang namula si Nathan. Asus, kilig pek--hahaha. "H-hindi ko po siya nobya...at binully kasi siya." sabay flash ng ngiting weird sa nurse.
Mabuti at hindi 'yon napansin ng nurse. "Oh," tumango-tango ito. "Okay. Anyways, sige pagpahingahin mo nalang muna siya ha? Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka. And---wait, na-bully siya?" enebe. ang late reaction naman nitong nurse na 'to.
"Y-yes."
"Isumbong mo siya! Hindi na uso ang takot takot ngayon. Hindi pwede ang pambubully ano!" paghi-hysterical ng nurse. "Sabihin mo nga sakin hijo, sino ang nambully sakanya?"
"A--" hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nang may biglang pumasok na estudyante sa loob ng clinic. "Nurse, masakit po ang ulo ko!"
Nakahinga ng maluwag si Nate nang maglakad ang nurse palapit sa estudyante at ito na ang inasikaso nito. Pumasok na siya sa kwarto na pinagpapahingahan ni Juana na tanging tela lang ang pagitan sa iba. Napangiti siya nang maka-upo na siya sa plastic chair sa tabi ni Juana. Hinipo niya ang pisngi nito. "Juana..."
Omg! Nainlove na nga si Nate kay Juana. Pero bakit parang ang bilis naman yata?
"Because love occurs everywhere, everytime!" ngumiting bigla si Nathan sa kawalan. Ay, sinagot yung tanong ko? Aba matinde. Okay.
"Hmm," napatingin siya kay Juana nang marinig niya itong umungol. Pagtingin niya ay nakadilat na pala ito. "Nathan?"
Napa-ayos siya ng upo. "O-oh, gising ka na pala!" ngiting-ngiting turan niya kay Juana.
"Ay hinde. Hologram ko lang 'to. Chura neto." umirap sa kanya si Juana.
Pero imbis na mainis siya sa ginawa ni Juana ay feeling niya ay nahulog pa siyang lalo dito. Napangiti nalang siya habang tinititigan si Juana.
Habang ako ay nandidiri naman sa itsura ni Nate. Chos joke lang. Ang gwapo niya nga e. Parang may mga sparking lights sa paligid niya habang tinititigan si Juana. He then smiled wider.
Pero nabigla siya nang mapatingin sakanya si Juana at tinaasan siya ng kilay. "Hoy. Baka naman matunaw ako niyan, ah!"
Bigla siyang napaayos ng upo. Napalunok siya at tumingin ng diretso sa harapan niya kahit wala namang tao. "H-hindi naman kita tinitignan eh. Wag ka ngang feeler. Tss."
"Oh talaga? Duh. May peripheral view kaya ako, at kitang-kita ko na nakatingin ka sakin at nakangiti ka pa!" napangiti si Juana nang may biglang kalokohang pumasok sa isip niya. "Yiiee, may crush ka sakin 'no?" dagdag na tanong ni Juana na siyang ikinapula ng pisngi ni Nathan.
"A-asa ka. L-lul!" futahamnida. Nauutal pa siya. Ayie, masyadong malandi. Mga galawan kasi ni Nate e, pang-higad.
"Hahaha! Eh ba't ka namumula? Defensive!" kinurot pa ni Juana ang tagiliran ni Nathan. Kung may makakakita man sa kanila, malamang iisipin nila na mag-syota silang dalawa. Landi eh.
Anyways, nakakapanibago si Juana ah?
"Ang kulit mo! Hindi nga sabi! Tss." at lumayo sakanya si Nathan. Mga one distance away lang. Huta, parang ayaw talagang humiwalay eh.
"Weh--" hindi na natuloy pa ni Juana ang kanyang sasabihin nang biglang bumukas ang telang nagsisilbing pintuan ng clinic room niya. Laking gulat nilang dalawa nang makita nila ang isang maliit na babae at isang matangkad na lalaking nakatingin sakanila. Hinihingal at pinagpapawisan pa ito.
At ang mukha ng lalaking 'yon ay sobrang pamilyarado kay Juana. "Ian!" bulalas ni Juana at biglang napatayo at niyakap si Ian. Siya si Ian, ang childhood bestfriend ni Juana. Matagal na magmula nang magkita sila dahil pumunta ito ng ibang bansa para ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Matalino kasi ito, eh.
"Juana!" at niyakap niya ring pabalik si Juana. "Namiss kita, grabe!" saad ni Ian na sinang-ayunan naman ni Juana. "Namiss din kita, Ih!"
'Ih' ang tawag niya kay Ian. Samantalang ang tawag naman ni Ian kay Juana ay--
"Yah! Ang sweet mo naman, Na!" edi ikaw na nagsabi Ian. Oo, 'Na' naman ang tawag niya kay Juana.
Nagyakapan sila hanggang sa kapusin na sila ng hininga. Chos;; kumalas na sa yakap si Juana kay Ian at napatingin sa maliit na babaeng kasama nito. "Sino siya Ih?"
"Ah, yan? Si Angela yan. Pinsan ko."
Tumango si Juana. "Ah, okay. Hi Angela!"
Ngumiti lang sakanya si Angela at kusang pumasok sa clinic room. Tumabi pa talaga ito kay Nathan. "Psst, uy." kinalabit ni Angela si Nathan na kasalukuyang nakatingin kay Ian at Juana. Para siyang nagseselos.
Napatingin naman sakanya si Nate. "Yes?"
"Wow ah, maka-'yes' akala mo hindi siya nagseselos." may pang-aasar na sabi ni Angela kay Nate. "Alam ko namang na-iinlove ka na kay ate Juana, eh." ngumiti siya ng malapad.
Para namang nabato sa kinauupuan niya si Nate. "A-ano?"
Sige Nate, practice-in mo lang ang pagiging mautal na lalaki. Very good. "Sabi ko," huminga ng malalim si Angela. "ALAM KO NAMANG NAIINLOVE KA NA KAY ATE--" hindi na natuloy pa ni Angela ang sasabihi niya nang takpan ni Nate ang bibig niya. Narinig niya naman talaga ang sinabi ng maliit na batang 'to pero tila nagpantig lang ang tainga niya.
"Hoy Angela. Wag ka ngang mabunganga! At ano 'yang pinagsasabi mo? Ikaw ah." nakahinga ng maluwag si Nate nang lumapit si Ian kay Angela at patayuin ito. Tumingin siya kay Juana. "Wait lang Na, ah? Papakainin ko lang 'tong si Angela. Nalipasan yata kaya nababaliw nanaman." napatawa nalang si Juana atsaka tumango.
Lalabas na sana sila nang may maalala si Ian. "Ah, baka gusto mong sumama?" aya nito kay Juana.
"Ha? Osig--"
"Hindi!" nangibabaw ang boses ni Nathan sa buong clinic. "A-ah, kasi nga nahimatay siya! Kailangan niyang magpahinga, dude! Yun ang sabi ng nurse." napatingin si Nathan kay Angela na biglang napangisi sa sinabi niya.
"Oh? Sino ka?" parang ngayon lang napansin ni Ian na may kasama si Juana.
Tumayo si Nathan at hinarap si Ian. "Nathan Alvarez, dude." ngumisi siya.
Napataas ang kilay ni Ian sakanya pero tumango lang ito. "K." saad nito. Binalingan nito si Angela. "Tara na, Angela. Ah, Juana. Sige ah? Babalik rin kami." at iniwan muna ni Ian si Nathan ng isang tingin bago ito umalis. Hindi alam ni Nathan kung anong tingin iyon pero isa lang ang sigurado siya: kakaiba ang tingin na 'yon. Para bang kakainin siya ng buo nito anumang oras.
Nagkatinginan nalang si Nathan at Juana. Pero agad din silang nag-iwasan. Nyare?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro