Si Future at ang Insecurity
"Hello Kram." Si Love.
Nakangiti siya kay Kram. Ngumiti rin si Kram sa kanya. Nasa harap na ako niyan ni future a. Wala talaga. Pagdating kay Love natutulala siya at talagang ngingiti.
Hindi katulad noong ako ang nagha-hi. Pahirapan pang ngumiti si future. Siguro mga ilang seconds pa ang lilipas, pag-iisipan niya kung ngingitian niya ako o hindi.
Samantalang kapag si Love, ngiti agad.
Eish! Nakaka-imbyerna na!
Tumayo ako. "Una na ako."
"Wait Maze." Hinawakan ni Love ang kamay ko kaya naman 'di natuloy ang pagwo-walk out ko.
"Bakit?" Walang ganang tanong ko.
Ngumiti siya. Ang ganda ng ngiti niya. Pero kahit ga'no pa kaganda ang ngiti niya hindi ko siya magawang ngitian pabalik.
Susme! Hindi ko kayang makipag-plastikan!
Someone! Anyone! Kahit sino! Pakilayo ako sa babaeng 'to!
Pero fail. Hindi naman 'to ala-story na may darating para ilayo ka sa sitwasyon na meron ka ngayon.
"Can I talk to you?" Ani Love.
"A, naguusap na tayo."
Nakita ko ang pagkibot ng labi ni Love. Parang 'di ata siya sanay na mabara.
"Maze, she's talking to you. Sumeryoso ka naman," pukaw ni Kram kaya nilingon ko siya. Walang reaksyong pinakatitigan ko siya sa mata. Nakita kong bahagya siyang natigilan at para bang natauhan.
"Kayo na lang mag-usap. May gagawin ako sa faculty office." Nilingon ko si Love at nginitian. Oo. Ngumiti na ako. 'Di naman ako gano'n kasama. Sadya lang talagang ganyan siya kumilos.
At nakakababa ng self confidence.
Lalo na kung mapapansin mo namang espesyal ang tingin ni Kram sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro