[Two] NEWS UPDATE: I Hug a Maggot!
Donita's Pov
"Donita! Bumangon ka na nga diyan, kung ayaw mong masambunutan kita!" Sabay minulat ko 'yong mga mata ko na halatang puyat na puyat dahil may ginawa akong kababalaghan kagabi.
Nag-twitter lang naman ako. Inaabangan ko kasing i-tweet ako nila Luke Hemmings ng 5 Seconds Of Summer at Harry Styles ng One Direction. FAMOUS BAND!
I know what you're thinking, I was just hoping for nothing, Yah know! Change topic na nga lang baka masambunutan na 'ko ng beking kuya ko.
"Donita!"
"Oo na, babangon na." Dumiretso ako papuntang banyo.
"Ligpitin mo 'yong higaan mo ha! Wala kang personal maid." Whatever! Ang aga-aga binubungangaan ako, bakit ba 'ko nagkaroon ng kuyang bakla pwede namang kuyang matcho tapos ipagtatanggol ka sa mga mapang-api. E,hindi e, mukhang ako pa magtatanggol sa lamya-lamyang patpating katawan ng kuya ko at mas sexy pa sa akin.
While walking inside the campus.
"Cute!"
Bigla akong napahinto sa paglalakad nang marinig iyon. What the hell? Lumingon-lingon ako sa paligid wala namang tao. "Oh well, nevermind."
"Cute!"
Alam kong cute ako pero ako ba 'yong tinatawag? At saka, dapat bang ulit-ulitin? Urgh!
"Uy, cute! Dito sa may pader!" Kailan pa nagkaroon ng maligno rito sa campus? Biglang may nag-wave ng kamay sa may gilid ng pader. Lumingon-lingon ako sa paligid sabay turo sa sarili ko kung ako nga 'yong tinatawag niya, naninigurado lang baka mapahiya e. Dahan-dahan akong lumapit.
"Excuse me, hindi po cute ang pangalan ko at saka bakit ka nagtatago diyan sa may pader?" Ang weirdo ng lalaking 'to. May berdeng pintura 'yong buo niyang mukha. Halloween na ba?
Bigla siyang tumawa ng malakas.
"Seriously?" May saltik ata itong lalaking 'to. Pinagtatawanan niya ba ko, totoo naman 'yong sinabi ko.
"What so funny? Do I look like a clown to you?" Inangasan ko 'yong pananalita ko.
Tinignan niya 'ko ulo hanggang— "Are you girl? Hindi mo 'ko siguro naaalala. It's me, the mailman, remember now?" aniya.
Bigla ko siyang tinitigan ng mabuti, ONW as in OH NO WAY, siya nga! Siyang-siya nga! Siya nga talaga! Hindi ko siya agad namukaan dahil sa pintura sa face niya.
Natulala ako bigla.
"Hello! Are you still there?" Kumaway siya sa mukha ko.
Isang malalim na paghugot nang hininga ang ginawa ko. Nagtaka naman siya sa ginawa ko.
"Are you—"
"Yeah, of course, I'm fine. Nafuzetsu lang ako." Sabay kamot sa ulo ko. Japanese anime term 'yon mahilig din kasi 'ko sa anime.
"Fuzetso?" Paggaya niya. Siguro kanina pa siya nawi-wirduhan sa akin. Anyways, who cares.
"Fuzet-su! Hindi, fuzet-so!" pagkorek ko sabay tawa.
"Whatever it calls," masungit niyang saad. Pikon? Hindi lang pala ako sa daigdig na to ang madaling mapikon may mas malala pa pala sa akin.
Dinuro-duro ko siya. "Whatever talaga! Late na late na 'ko sa klase ko, it's all because of you! Siguro magka-cutting classes na lang ako." Sabay malalaking hakbang ang ginawa ko palayo sa asungot.
"Late na tuloy ako, anong gagawin ko? Hate ko pa naman 'yong first subject teacher namin ngayon."
"Cute!"
Bigla akong napalingon boses na iyon at sa hindi inaasahang pangyayari. Mabilis ang mga pangyayari at nakita ko na lamang na.
Napayakap siya sa akin, na out of balance kami ng lumingon ako dahil natapakan ko 'yong left foot niya tapos natumba kami sa sahig. What a mess!
Bigla akong tumayo, namula at kinilabutan. Ang daming nakakita sa amin parang nagkaroon ng disaster na eksena. Dali-dali akong tumakbo palayo sa kaniya. Wow, ako na ang sikat puwede na kong maging drama actress ang matagal ko ng pinapangarap masasakatuparan na.
Pag-uwi ko nag-post agad ako sa twitter.
"I HUG A MAGGOT." *PUKE*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro