[Twenty-Two] Love Keep Us Alive
A/N: Howdy Guys! Long time no updates.. Kinda busy working on something, YAH KNOW! life! life! Anyway, Let's finish this chap!
Donita's Pov
Isang napaka lakas na ulan at malalaking alon ang bumangga sa sinasakyan naming bangka, sa kasamaang palad ay tumaob agad ang bangka namin. nawasak ito at nagkapirapiraso dahil sa bigat ng alon na humahampas dito. Hindi ko na din sila makitang dalawa, piling ko ito na talaga ang katapusan ko.
"DONITAAA!!!!!!" Isang malakas na boses ang tumawag sa aking pangalan. Nagdadalawa na ang aking paningin ng mga oras na iyon, konti na lang ay lulubog na ako sa ilalim ng tubig. ito na ang sinasabi kung katapusan ko na nga.
Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, ay biglang may humatak sa aking mga kamay.
"Stick! Stick! Gumising ka!"
Napakurap-kurap pa ang mga mata ko. "Chicken He--" Sabay doon na ako natuluyan. KRICCCKKKK!!! Paalam mga minamahal kong sila luke and louis..
Three Years later...
Tatlong taon na din pala ang lumipas ng mawala ang aking paningin. Oo, tama ang nababasa ninyo.. nabulag ako pagkatapos ng trahedyang nangyari sa amin doon sa isla. hindi ko na gusto pang balikan ang bawat detalye ng mga pangyayaring iyon. past is past ika nga nila.
Busy na ako ngayong college life. Medyo nagmartured na din ng konti ang pag-iisip ko, pero favorite ko pa din ang mga kwentong nakakatakot at maraming misteryo.
Sa totoo lang, Medyo mahirap ang mabuhay sa dilim. maslalo na kung hindi mo nakasanayan ang mabuhay sa ganitong sitwasyon. Pero paningin ko lang naman ang nawala at hindi ang pandinig ko, pasalamat din ako dahil sa taong hindi ako iniwan sa lahat ng nangyari sa akin.
Biglang may humawak sa aking magkabilaang braso. "Donita, Tara na?" Tanong ni Gray sa akin. Kinapa-kapa ko ang kanyang mukha, naninigurado lang naman. hehe.. Si Gray ay nanatili sa tabi ko, hindi siya bumalik ng canada at mas pinili niyang dito na tapusin ang kolehiyo niya kasama ko.
Ngumiti ako bigla. "Yes please, sir!" Masayang sagot ko naman.
Habang naglalakad kami sa labas at nakahawak ako sa braso ni Gray. "Saan ba tayo pupunta Gray?" Pagtatakang tanong ko sa kanya. Inalalayan niya ako papasok sa loob ng kotse.
"Malapit na tayo." Wika niya sa akin.
Biglang huminto ang kotse. "Nandito na tayo donita." Masayang sabi niya. yun kasi ang nararamdaman ko.
Inalalayan niya ulit akong pumasok at umupo sa loob. "Hi donitz!!!" Masayang boses iyon ni Rossy. Namiss ko din ang lugar na ito. bibihira na lang din kasi ako pumunta dito dahil busy nasa college life.
Kiniss ako sa pisngi ni rossy at ganun din ang ginawa ko. namiss ko siya sobra. "Gray! Ako na ang bahala sa inyo, alam kung special ang araw na ito para sa inyong dalawa! dyan muna kayo!" Umalis agad si rossy.
"Gray, Anong meron ngayon? May nakakalimutan ba akong okasyon ngayon?" Pagtatakang tanong ko naman kay gray. hinawakan niya lang ng mahigpit ang aking kamay.
"Wala naman, donita. special lang talaga ang araw na ito." Sagot niya. Hinawakan ko ang kalahati ng mukha niya papunta sa labi niya.
"E bakit ka nakasimangot?" Tanong ko.
Napangiti ako ulit. "Gray.."
"Anu yun?" Sagot niya.
"Thank you talaga! Pinapasaya mo ako lagi, lagi kang nandyan para sakin. hehehe! ayoko magdrama ngayon, special ang araw nato sabi mo diba?" Sabi ko. Positive dapat ako. masaya ako dahil kasama ko si gray.
Biglang may pinatugtog na music..
I love it when you just don't care
I love it when you dance like there's nobody there
So when it gets hard, don't be afraid
We don't care what them people say
"May gusto akong sabihin sayo, donita.."
Yung boses na yun..
I love it when you don't take no
I love it when you do what you want cause you just said so
Let them all go home, we out late
We don't care what them people say
"Donita?"
Imposible..
We don't have to be ordinary
Make your best mistakes
"Donita?!" Bigla kung narinig yung boses ni Gray.
'Cause we don't have the time to be sorry
So baby be the life of the party
Nagulat ako. kanina pa yata niya ako tinatawag. "A-ano yun gray?"
I'm telling you to take your shot it might be scary
Hearts are gonna break
'Cause we don't have the time to be sorry
So baby be the life of the party
"Gusto mo bang sumayaw?" Tanong niya. Agad ko namang pinaubaya sa kanya ang kamay ko. Inalalayan ako ni gray sa floor at pumwesto. Hinawakan niya ako sa bewang ko at inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg niya. Sabay nagpatugtug ng romantic song.
Hindi nagbabago si gray ng pagtrato sa akin. After this years, He still the same guy that I used to know. I was luckily to have him, right? pero bakit ganito pa din ang pakiramdam ko? masaya ako sa kanya pero, parang may kulang pa din? May namiss ako. Oo, namimiss ko pa din siya at hindi ko pa din matanggap na wala na siya. wala na si chicken head. patay na siya..
Minsan, Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya nawala, kung bakit pa niya ako niligtas, akala ko ba siya ang taong walang pakialam sa iba! makasarili at arrogante. siguro baka sa mga oras na ito, siya ang kasama ko ngayon. siya ang kasayaw ko ngayon, siya ang kayakap ko ngayon.
Siguro nga, Ito na ang tamang panahon para kalimutan ko na siya..
"Donita.." Bulong ni Gray sa akin.
Bigla akong kinabahan sa boses niyang iyon.
"Bakit, Gray?" Kabado kung tanong.
"Gusto ko ng magtapat sayo. matagal ko ding inantay ang mga sandaling ito, at alam kung ito na yung right time para malaman mo na..." Bigla siyang napahinto sa pagsasalita. napahinto din ako sa pagsasayaw. hinawakan niya ang aking mukha.. nagbablushed yata ang pisngi ko.
DUGDUG! DUGDUG! DUGDUG!
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Donita?" Tanong niya. Ang lamig ng mga kamay niya, Mukhang kinakabahan din siya.
"Haha! Ano ba iyong sasabihin mo Gray? Pinapakaba mo naman ako e!" Dinaan ko na lang sa tawa. Ayoko na yata madinig ang susunod niyang sasabihin.
"..I Love you, Will you be my girl?"
Natuliro ako. Hindi ko narinig ang mga sinabi niya o sadyang nagbingi-bingihan lang ako. pero totoo, nagbingi-bingihan ako. dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. matagal ko ng iniiwasan itong mangyari at hindi ko alam na mangyayari na pala.
"Umm, Gutom na ako gray." Sagot ko.
"Ahh sige! Tara kumain na tayo." Sabay Umupo na kami at kumain. Ang awkward moment naming dalawa. Bigla siyang natahimik, ganun din ako sa kanya.
Pagkatapos nun ay hinatid niya na ako sa labas ng bahay. "Gray!" Pagtawag ko.
"Anu yun donita?" Tanong niya.
"Sana ayos lang sayo, kung pag-iisipan ko muna lahat ng mga sinabi mo." I should give him a chance. Bakit kailangan kung magdusa at maghintay sa wala. Infact, Si Gray lang ang taong nagpapasaya at nagbibigay pagasa sakin ngayon. He was always there whenever I need someone to talk to.
"Sure Donita, I'll be waiting.." Ayoko siyang paasahin pero parang ganun ang magiging kalabasan ngayon. sana hindi ako nagkamali.
END OF CHAPTER 22
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro