[Twenty-Three] Somethin' Stupid
A/N: Hi There! Just wanted to share this chapter for you. Thanks for the vote and comment on this story! Hope you'll keep support 'Show you fanfic' till the end! TYSM! ^__^ V
You guys Inspired me! xoxo much! Hope you like it~ : ))
~~~~~ ♥
Donita's Pov
Alas tres na ng madaling araw pero tulala pa din akong nakahiga sa kama ko, nagiisip-isip kung wag ko na kayang pag-antayin pa si Gray. Saglit, teka lang! Hindi ko naman siya pinag aantay, siya lang itong may sabing maghihintay.
"AHHHHHHHhHHHhHHHhhH!!!! Naguguluhan na ako!" Kinamot at ginulo gulo ko ang buhok ko. Sabay nagpagulong-gulong sa kama.
"Parang gusto kung lumabas at magpahangin." Kinapa-kapa ko ang study table ko. Umakyat ako at binuksan ang bintana ko, sabay lumabas at tumapak ng dahan-dahan sa bubungan namin.
Kahit hindi na ko nakakakita alam kung mataas ang kinalalagyan ko ngayon, napalunok ako ng laway. "Hindi naman siguro ako mamamatay? Pero expected ko ng mababalian ako ng buto. Kaya ko ito! Ako pa ba?" Itinakip ko ang kanang kamay ko sa ilong ko at ipinatong ko naman ang kaliwang kamay ko sa kanang balikat ko, imaginin nyo na lang yung itsura ng mga magdadive sa swimming pool. Ayon, walang pag-aalinlangang tumalon ako.
Gwjxjwnaoxjwnskxsmnjfosjwndh!!
Dhssidemdidjwzhatwwhfjxieowifh!!!
Yun ang sound epek ng paghulog ko sa puno bago ako bumagsak sa damuhan namin.
Booooooommmm!!!!
"Ahh-rayy.." Bulong ko. sabay hawak sa bewang ko at nagstretching ng konti. Pigil na pigil ako sa boses ko, baka pagsumigaw ako sa sakit magising ang mga kapitbahay at si joshie.
Habang naglalakad napadaan ako sa rentahan ng mga bisikleta, kabisado ko ang lugar kaya alam ko kung saan ako pupunta. naghulog ako ng coins sabay nagbukas na yung lock ng bike.
Kinapa-kapa ko saka ako sumakay at nagbike, hindi pa ako nakakalayo sa pinagrentahan ko ng bike sumemplang ako agad.
"Awwwwwwww!!!" Hirap palang magbike kapag.. kapag.. first time in the history. Tsaka, saan ba kayo nakakita ng bulag na nagbabike? Nangapa ulit ako tsaka ko itinayo ulit yung bike at nagtry ulit ako.
"Masasabi kung, Isa itong extreme world record!"
Nagulat ako at napangiti sa tuwa dahil tuloy tuloy ang pagbabike ko. "A-ha! Ha.haha! Walang imposible sabi na eh! Hahaha! Nagawa ko!" Binilisan ko pa ng konti.
Pero bigla akong nawalan ng balanse at sumigzag zigsag ang bisikleta ko. "I'M DEAD! AAAAHHhhHHHH!!!"
"WOOOAAAAHH!!" Isang boses ang narinig ko. Biglang may isang malakas na pwersa ang pumigil sa bike ko, bago pa ako tumilapon sa kung saan.
Mabilis ang pagpintig ng puso ko at naghahabol pa din ako ng aking hininga. "May balak ka bang magpakamatay?" Hingalo din niyang tanong sa akin.
Pakurap-kurap ako. Sobra talaga akong kinabahan, akala ko end of the world ko na. "S-so-sorry. Hindi ko sinasadya!" Takot kong sabi. Mahigpit kung hinawakan yung handle ng bike ko.
"Oo, Dahil kamuntikan na kayong magkaharap ni kamatayan!" Sumbat niya pa.
"Mabuti pa sigurong bumaba kana diyan sa bike mo." Utos niya. Agad naman akong bumaba at muntik na akong maout balance ng bigla niya akong saluhin.
Nagulat at bigla akong natense. Hindi ko sinasadyang mahawakan yung dibdib niya. Yung tibok ng puso ko kasing bilis agad ng pagtakbo ng stop watch.
Hinawakan niya ang aking mga braso. "Ayos ka lang ba?" Marahang tanong niya. Bigla naman akong dumistansya sa kanya.
Ngumiti ako ng bahagya. "A-ah-hh. Oo! Ayos lang ako. Maraming salamat talaga sa tulong mo, pero kailangan ko ng umalis. Sige!" Nagdali dali ako sa paglalakad.
"Pano yung bike?" Pahabol niyang tanong. Narinig ko yung pagandar ng bike papunta sa akin.
Kinuha niya yung kamay ko. Parang alam niyang bulag ako, nahalata niya na siguro. Akala ko iaabot niya na yung bike sakin. "Call me Paul, Ikaw?" Nakipagshake hands lang pala.
"Donita. Paul, kailangan ko ng umuwi. Nice to meet you na lang! Yung bike? Renta ko lang kasi yan." Wika ko. Ayoko namang bastusin siya pero anong petsa na at baka malagutan ako ng hininga kapag nalaman ni joshie na naggala ako ng mag-isa.
"Kung hindi mo mamasamain, sasamahan na kitang isauli yung bike." Sabi niya. Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin, hinayaan ko na lang siyang samahan ako magsauli ng bike.
"Bakit mo nga pala naisipang magbike, sa ganyang kalagayan? Alam mo bang delikado talaga yung ginawa mo?" Tanong niya habang naglalakad kami. Sabi na e, alam niyang bulag ako.
"Alam ko, Gusto ko lang maexperience. Isa kasi ito sa mga hindi ko nagawa ng, nakakakita pa ko." Sagot ko naman.
"Nag enjoy ka naman ba? Nandito na pala tayo, ibabalik ko na yung bike." Sabi niya. Napangiti na lang ako.
Nang maibalik na namin yung bike.
"Malapit na lang yung bahay ko dito! Salamat ulit Paul!" Paalam ko, sabay ngiti.
"Sige," Sagot niya.
"Donita?!" Pagtawag niya ulit sa akin. Napaharap naman ako agad.
"Pwede kaba ulit mamayang gabi? Gusto sana kitang yayain pumunta sa isang lugar, ok lang naman kung ayaw mo. Kakakilala pa lang kasi natin." Wika niya.
Napaisip ako saglit. "Sige!" Nagdadalawang isip ako pero, why not! hindi naman siguro masama kung sasama ako sa isang stranger.
~~~~~
Pagkadating ko sa rentahan ng bike. "Donita!" Pagtawag sakin. Siya na siguro yun.
Tinapped niya ng mahina yung balikat ko. "Paul?" Tanong ko.
"Yup! Halina!" Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa sinasabi niyang lugar.
Hindi pa kami nakakapasok sa loob nakarinig na ako ng ingay. Mukhang disco bar yata itong pinuntahan namin. Lalo pang nakakabingi ang tunog ng pumasok na kami sa loob. Naramdaman ko yung siksikan ng mga tao sa loob at mga hiyawan, tugtog ng nakakapraning na music, at ang amoy ng sigarilyo't alak.
Hindi ni Paul binitawan yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang table at inalalayan niya akong umupo. "Donita!!? Hindi ko nasabi sayo! na dito kita dadalhin!" Bulong niya sa tenga ko. Sobrang ingay kasi.
Lumapit ako ng konti, para madinig niya ang boses ko. "Ayos lang Paul! Gusto ko ding maranasan ito!" Sigaw ko.
"Alam mo bang!! 99% sure ako! na hindi ka sasama kapag sinabi kung dito kita dadalhin!?" Wika niya pa.
Napangiti ako. "Haha! Bakit naman?!" Tanong ko. Napatingin ako sa kanya kahit hindi ko siya nakikita.
Bigla siyang napatawa. "Haha! Kasi, ikaw yata yung tipo ng babae na hindi mahilig sa mga ganito! Makipag socialize! Maingay! Magulo!" Wika niya.
Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. "Siguro nga.."
"Paul!!!" Pagtawag sa kanya ng boses lalake. Naramdaman kung napatayo siya sa couch.
"Dudes!!!" Bati naman ni Paul sa lalake.
"Cam! Si Donita nga pala! Donita, si Cam friend ko!" Pagpapakilala ni Paul.
"Hi!" Pagbati sakin nung Cam.
"Hindi siya..Nakakakita." Nadinig kong bulong ni Paul sa kaibigan niya.
"Donita, Anong gusto mong drinks?" Tanong ni Paul.
Napangiti ako. "Pinya colada!" Sagot ko. Hindi ko pa natitikman yun, masarap daw yun sabi ni kuya joshie. sorry, inosente talaga ako pagdating sa mga alak.
Nadinig kong nagtawanan yung mga kaibigan ni Paul. Hindi lang pala yung Cam na yun ang nasa harapan ko ngayon, mukhang mga lima sila kasama na si Paul. Medyo na bad trip ako.
"Wait me here Donita, Kukuhanan lang kita. I"ll be right back!" Paalam ni Paul.
"Halika Paul, sayaw tayo!" Pagyaya ng boses babae kay Paul. Mukhang wala na akong mapapala dito.
Hindi pa ako nasanay, ganito na noon pa man. Bulag man ako o hindi, wala namang tumatagal na makipag-kaibigan sakin. Forever akong loner! Pero, kung nandito siguro si Gray.. kung alam ko lang hindi na sana ako sumama kay Paul.
"Donita!" Boses ni Paul. Akala ko hindi niya na ako babalikan. Kinuha niya ang kamay ko at ibinigay ang isang baso. Inamoy ko ito, amoy pinya!
Napangiti ako. "Pinya colada! Salamat Paul." Masayang masaya na ako nun. Nilasap ko talaga bawat laman ng baso.
"Ang sarap nga naman! Hehehe! Favorite ko na ito simula ngayon Paul!" Parang kumikinang ang mga mata ko. Yun ang pakiramdam ko ngayon.
Natawa naman si paul. Bahala siya kung anong isipin niya sa akin. "Wag kang mahiyang magsabi sa akin kung gusto mo pa! Pero may 5% alcohol yan, donita. Nakakalasing din yan kapag nakarami ka, Isa or dalawa siguro pwede na." Paalala naman ni Paul. Mukang mabait naman talaga siya.
"Donita, Pwede ba kita ulit yayain bukas sa place ko?" Tanong ni Paul.
"Huh? Ano kasi Paul.."
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro