Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[Twenty-Four] Part.2- Somethin' Stupid





"POLICE!!!"





"POLICE!!!"





Bigla na lang akong nakarinig ng sigawan at mabilis na pag alarma ng mga tao sa loob. "Paul, Anong nangyayari?!" Kabado kung sabi.





Hinatak niya ako mula sa aking kinauupuan. "Makakatakbo ka ba!?" Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyayari pero alam kung hindi ito maganda. Wala naman din akong magawa kundi tumakbo na lang din.





Habang tumatakbo may mga tao kaming nakakabangga at alam ko din na may mga humahabol sa amin. "Sorry donita! Pero kailangan pa nating bilisan, maaabutan na tayo ng mga pulis!" Hingalong sabi ni Paul sa akin. Sinunod ko naman si Paul, tumakbo din ako ng mabilis hanggat kaya pa ng mga paa ko. Hindi ko alam kung saan kami makakarating sa kakatakbo halos magpasikot sikot kami ng daan maligaw lang yung mga humahabol sa amin.





Inakyat na nga din namin yung pader para lang makatawid sa kabilang kanto. "Dahan-dahan donita!" Saktong pag-abot ni Paul ng mga kamay niya sa akin ay bigla akong na-out of balance at nahulog sa mga bisig niya. Pagkakataon nga naman, Ohoh!





Patayo na sana ako ng sandaling mapatingin ako sa kanyang mukha, Oo alam ko at alam nating lahat na ako'y bulag na, wala ng makita. Ni anino ko nga hindi ko na makita. Nakailang beses na din ba akong paulit ulit na sinasabi ito? Hindi ko na nga din mabilang. But I believe on my own quotes, If the eyes can't see, The heart can feel. And I feel, That there is something wrong. I feel something that I can't even explain, Why..?





"Donita?" Biglang nagising ang utak kung lumilipad sa tawag niya. Agad akong tumayo at umiwas.





"PAUL! SAKAY DALI!!!" Sigaw ng boses lalake. Sumakay kami ni Paul sa kotse ng kung sino mang lalake yun na nagpasakay samin, I think kilala naman ni Paul yun dahil kilala siya nito.





Pero infairness kay Paul, habang tumatakbo kami ni hindi niya ako iniwan at ni hindi nga rin niya binitawan yung kamay ko kanina kahit malapit na kaming mahuli. So may meaning na yun para sayo donita?! Assumera ka talaga! Oo na assumera na kung assumera! Bakit ko ba kausap ang sarili ko.





Paghinto ng kotse may narinig akong tawanan at iba't-ibang klasing ingay.





"Paul! Thankfully your ok!" Boses babae na papalapit samin. Malamang sila sila din yung mga kaibigan ni Paul sa disco bar kanina.





"Si Paul pa ba?! Malupit yang maglaro ng hide and seek! Haha!" Isa pang boses lalake.





"Favorite game niya kasi 'to!" Kantiyaw pa ng isang lalake kay Paul. Tapos nag-apiran at tawanan sila.





"Ako na naman ang nakita niyo? Sige lang, Basta ba enjoy kayo!" Sagot naman ni Paul sabay nagtawanan ulit sila.





"Tigil tigilan niyo nga si Paul!" Pagtanggol ng boses babae kay Paul.





Hinawakan naman ni Paul yung kamay ko. "Tara sa loob, Medyo maingay dito!" Pagyaya ni Paul. Sunod sunudan naman ako.





"Paul!" Pagtawag ng isang lalake pagkapasok na pagkapasok namin sa loob. Parang may hinagis ito sa kanya.





"Donita, Drinks you want?" Sabay abot sa akin. Uhaw na uhaw na din ako kaya hindi na ko naginarte.





"Sorry pala ulit, Naging disaster tuloy yung gabi mo. Timing kasi yung mga pulis bumisita kanina. hehehe!" Paliwanag ni Paul.





"Ayos lang Paul, Pero kailangan ko na talagang umuwi. Sabihin mo na lang sa akin kung saan ako pwedeng makasakay, kaya ko namang umuwi mag-isa." Kung hindi ako nagkakamali mag-aalasdos na. Nag-aalala tuloy ako na baka malaman ni kuya joshie na wala ako sa kwarto ko.





"Masyadong delikado kung ikaw lang mag-isa uuwi, Hayaan mong ihatid na lang kita." Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko.





"Cam! Hihiramin ko muna yung kotse mo, Ihahatid ko lang si Donita." Paalam niya. Si Cam pala ito.





"Ohh! Ingat kayo, Baka may mga nagkalat pang buaya sa daraanan niyo." May hinagis ulit siya. Tunog susi. Marahil sisi ng kotse iyon.





"Wag ka mag-alala magaling naman ako magtago. Thanks! Kita na lang tayo mamaya." Lumabas kami ni Paul sa loob at sumakay ng kotse.







"Sana naman magkita pa tayo pagkatapos ng gabing to." Biglang salita ni Paul na kanina pa tahimik na nagmamaneho ng kotse.





Hindi ako agad nakasagot kaya napangiti na lang ako.





Akala niya siguro nadisappoint ako sa nangyari kanina, Pero nagenjoy talaga ako kahit alam kung delikado yun.





Bigla akong nakarinig ng pagswitch ng radio.





I promise that one day I'll be around
I'll keep you safe
I'll keep you sound




Right now it's pretty crazy
And I don't know how to stop or slow it down




Hey
I know there are some things we need to talk about




And I can't stay
Just let me hold you for a little longer now



Take a piece of my heart
And make it all your own
So when we are apart
You'll never be alone [2x]



You'll never be alone
When you miss me close your eyes
I may be far but never gone




When you fall asleep tonight just remember that we lay under the same stars




And hey
I know there are some things we need to talk about




And I can't stay
Just let me hold you for a little longer now




And take a piece of my heart
And make it all your own
So when we are apart
You'll never be alone [6x]





Parang bigla na namang huminto ang oras dahil sa narinig ko. Yung kanta. Pero mas nanaig sa aking isipan yung boses ng kumakanta. Alam ko narinig ko na ang boses na yun minsan pero hindi ko matandaan kung saan at kelan.





"Paul, Kilala mo ba kung sino yung kumakanta?" Kabado kung tanong kay Paul. Hindi ko ba alam kung bakit ganito na lang ang pakiramdam ko sa tuwing maririnig ko ang boses na yun.



"Seryoso ka, Hindi mo siya kilala? Sikat na sikat siya! Noon." Biglang nagbago yung tono ng pananalita ni Paul. Parang nalungkot siya.





"Bakit? Nasaan na ba siya?" Curious talaga akong malaman ito. Hindi ko alam kung bakit.





"Nabalitaang patay na siya. Iba-iba ang kwento ng media, Pinatay, Nalunod, Nagsuicide, Nagtago sa malayong lugar, Nagkapamilya na, ewan! Basta walang nakakaalam ng totoong nangyari sa kanya. Sayang lang, Gusto ko pa naman din ang mga music niya." Bigla din akong nalungkot sa mga sinabi ni Paul. Ang buhay ng taong yun ay katulad lang din kay chicken head. Walang basihan din ang paglaho.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro