[Nine] "The Fault in Our Stars"
Donita's Pov
"Donita! Gising!!!! dali!!!!" Pagmamadali ni Josh na gisingin ako.
"Wala akong pasok." Antok na antok na sagot ko. sinulit ko kasi ang pagpupuyat para lang makapagtwitter kagabi. nagbabakasakaling itweet ako ng dalawang my famous "LL" as in, Louis at Luke hahaha! ambisyosa talaga!
"Bruha! May nagaabang sayong cute guy sa baba! Dali gising na!!!!" Tinulak ako, hanggang sa matumba ako sa kama.
"A-AANO???!! SI-SI-SINO?????!!" Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa pinto. hindi ko na naisip na maghilamos at magsuklay. pero kung sabagay hindi naman talaga ako nagsusuklay ng buhok. pabaya kasi ako sa sarili ko.
Pagbukas ko ng pinto.
O________O?? ME
>___________>?? HIM
"CHICKEN HEAD?"
"STICK?"
"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga mo naman ata." Pagtataka ko.
"Maaga pa sayo yung ala una? hapon na kaya! tulog mantika ka kasi. puyat pa!" Parang tatay na umasta. kakaiba sya ngayon. at pano naman kaya nya nalaman na nagpupuyat ako. ganun na ba talaga ka obvious yung eyebugs ko?
"HAPON NA????!!" Hindi ako makapaniwala.
"Magbihis ka kaya muna. halatang hindi ka pa naliligo. babae ka ba talaga?! baka nakakalimutan mo yung deal natin? pagod na kung magpaalala. kaya dalian mo na lang ok!" Sabay naupo sya sa may simento.
Napatingin ako sa suot ko. nakapangtulog papala ako. kaya dali-dali kung sinara yung pinto.
fast forward.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko.
"Sa tingin mo. ano bang ginagawa sa sinehan? natutulog?" Pilosopo nyang sabi. medyo may similarities pala kami ng taong to.
"Ano naman yung papanoorin natin?" Tanong ko ulit. medyo nahihiya at naiilang ako. first time ko kasing manood ng sine na may lalaking kasama. bakla ang kuya ko diba.
Nasa loob na kami ng sinehan. magkatabi. may tag-iisang popcorn at softdrinks na hawak-hawak. biglang dumilim, maguumpisa na ang palabas.
"THE FAULT IN OUR STARS!!! BAKIT LOVE STORY??!!" Gulat na reaksyon ko. napatingin sa akin yung mga nasa unahan namin.
"S-sorry." Bulong ko.
"Bakit love story? ayoko ng love story? gusto ko horror or action? bakit love story???!!!" Pagiinarte ko pero pabulong. promise ayoko talaga ng drama maslalo kung about love. kasi ayoko. basta ayoko.
"Edi lumabas kana kung ayaw mo! dami mong rekla--!" He said.
"SSSSSHHHHHHH!!!" Sabi ng mga nanonood.
"Tandaan mo yung deal." Pagpapaalala nya. sabay subo ng popcorn. naiinis naman ako pero wala akong nagawa kaya kumain na lang ako ng kumain ng popcorn.
Boring na boring ako kaya wala akong ginawa kundi kumain, makinig ng music ng 5sos at 1d. sabay nakaidlip. tapos ginising na lang ako ni chicken head ng matapos na yung pelikula.
"Nakakalungkot pala yung pelikulang yun." Sabi nya. hindi nya na kailangan pang sabihin because i'm not interested.
"Kasi may cancer yung babae, tapos may nakilala sya. nainlove sila sa isa't-isa, kaso mamamatay na sya kaya hindi happy ending. sus! laos na yan e!" Sumbat ko. para kasi sakin paulit-ulit na lang mga palabas maslalo yung lovestory.
"Kung hindi mo kasi tinulugan baka nalaman mo yung totoong kwento." Paliwanag naman nya.
"Hindi ako interesado. paulit-ulit lang naman ang kwento." Sagot ko. ang hard ko no.
"Bakit ba parang inis na inis ka? Hindi ka pa kasi naiinlove kaya ganyan ka." He said. napastop ako sa paglalakad. bakit ba ganyan sya magsalita, nakakapanibago talaga. ganyan ba talaga sya?!
"E ano naman sayo ngayon kung hindi pa ko naiinlove?! tsaka, hindi mo ba alam na inlove na inlove ako sa mga sikat na banda! 5SOS at 1D! malamang hindi mo alam yun. pero pag dating sa ibang usapang love wala sa bokabularyo ko ang salitang INLOVE, ok." Depensa ko naman. hate being inlove.
"Nasasabi mo lang yan ngayon dahil wala pang naiinlove sayo. haha! ang lungkot naman ng buhay pag-ibig mo!" Aba! ang yabang! parang sinasabi nyang walang naiinlove at maiinlove sa akin.
"Ok lang! NO NEED! ACTUALLY, I HATE BOYS! MANHATER AKO NO!" Pagalit kung sabi.
"Sabi na nga ba, insecure ka sa aming mga lalake. kasi may puso kang lalake." He said. Joke yun? nangiinis na naman ata itong mokong na 'to.
"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin sakin." Sagot ko. Pikon na ko pinipigilan ko lang magalit dahil sa deal.
"Pakinggan mo yung theme song nila." Pagiba nya ng topic. nahalata din ata nya na pikon na ko. buti naman kung ganon.
"Try ko." Sabi ko naman. inlove ba sya. grabe, hindi ko alam na mahilig pala sya sa love story. napaka wierdo nya talaga.
Nang nasa tapat na kami ng bahay ko. "Bye!" Pagpapaalam nya.
"Bye." Sabi ko. Habang tinitignan sya palayo.
"Ikaw ha! wala kang kinukwento sa akin ha!" Pagsulpot ni Josh sa tabi ko.
**
The fault in our stars is now playing..
:(
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro