35 | No Certainties
~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.
Reader discretion is advised~
***
Kirsten woke up for a start. She opened her eyes and gazed at the white ceiling in Quaro's room. Ang bintana sa kabilang bahagi ng silid ay nakabukas pa rin, at mula roon at dinig niya ang busina ng mga sasakyan mula sa highway. The noise was faint and it didn't really bother her, lalo at nakikisabay ang huni ng mga ibon sa ingay na iyon.
Kung pagbabasehan niya ang liwanag mula sa nakabukas na bintana, siguradong magtatanghali na.
Nilingon niya ang kabilang bahagi ng kama at nang makitang wala na roon si Quaro ay kinuha niya ang unang ginamit nito at sinamyo iyon. She liked smelling his scent through the pillow, it smelt like... home.
Yeah... Quaro was her home. Nothing else. Sa araw na iyon ay kakausapin niya ito at aalamin ang nais nitong mangyari sa pagitan nilang dalawa. Kung kahapon ay tanggap na niya ang pagkatalo sa sugal na pinasok niya at nakapagpasiya nang tatapusin ang namamagitan sa kanila ni Quaro, ngayong paggising niya'y muling nagbago ang kaniyang plano.
She wanted to stay; she would stay and wait for Quaro to develop feelings for her. Alam niyang hindi siya mahirap na mahalin...
But, she needed to confess her true identity first. Nagpasiya siyang sasabihin na kay Quaro ang totoo, mula umpisa—lahat ng detalye. Pati na rin sa kung ano ang mga ginawa niya upang makuha ang atensyon nito. She just hoped that Quaro would appreciate her efforts, and the gamble that she had made for him.
At kapag nasabi na niya ang lahat dito ay saka niya ito tatanungin kung nais pa nitong manatili siya o umalis na. She was aware how Quaro hated lies, at iyon ang pinag-aalala niya.
Pero, kung ang pagbabasehan niya ay ang desisyon, mga ikinilos, at mga sinabi ni Quaro kagabi, sa tingin niya'y may pag-asa sa pagitan nilang dalawa.
And because of that, she was having a great mood.
Bumangon siya at hinayaang bumagsak ang kumot na nakatakip sa katawan niya. She then raised her hands in the air and stretched her body.
Geeze, she felt so tender. Nangangalay ang balakang niya katulad ng madalas na mangyari lalo kapag nagiging halimaw sa kama si Quaro. When it came to sex, Quaro was unstoppable. He was like a wild beast—he liked to devour his prey.
Ibinalik niya ang tingin sa kama at inumpisahan iyong ayusin bago siya hubo't hubad na naglakad patungo sa banyo. She took a quick shower and changed her clothes. Ang kapiranggot na mga damit niyang nakasilid na sa backpack at nakapatong sa sahig ay nakahanda na sa pag-alis niya. Pero mukhang ibabalik niya ang mga iyon sa cabinet dahil malaki ang pag-asang hindi na siya paalisin ni Quaro.
Oh well... nakadepende rin sa kung papaano niya sasabihin dito ang totoo tungkol sa pagkatao niya.
Matapos niyang mag-ayos ay bumaba na siya. Hindi niya alam kung nagbukas ng shop si Quaro o nakasara pa rin dahil sa renovation notice. Tatanungin niya ito mamaya kung bakit nito ipapaayos ang shop.
Pagdating niya sa kusina ay kaagad niyang napansing may nakasalang sa oven. It smelt chicken, so it could be for lunch. Quaro didn't normally eat for lunch, lagi itong abala sa shop sa mga ganoong oras at sa gabi na kumakain.
Napangiti siya. Baka nagluto ito para sa kanilang dalawa?
Pero ang ngiting iyon ay kaagad na napalis nang may marinig siyang mga tinig na nag-uusap sa shop. Kunot-noong napasilip siya roon, at noon lang niya napansing maliban sa kusina ay nakabukas din ang ilaw sa shop.
At kilala niya kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng mga tinig na nag-uusap doon.
It was Quaro's and Paige's!
Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. Sigurado siyang hindi nagbukas ng shop si Quaro dahil nakapatay ang ilaw sa working station at wala siyang naaamoy na tinapay na nakasalang sa oven. Ibig sabihin ay ang dalawa lang ang naroon sa shop sa mga sandaling iyon.
At kapag ganoong nagkakasarilinan ang mga ito ay hindi niya maiwasang mag-isip ng may malisya. Bakit hindi? Quaro and Paige used to be fuck buddies—lantarang ipinamukha sa kaniya ni Quaro ang katotohanang iyon noon.
Pero gaano ba ka-sabik si Quaro sa sex kung buong gabi nila iyong ginawa? Why would he still fuck Paige?
Ipinilig niya ang ulo. Siguradong hindi ang pagniniig ang dahilan kung bakit nagkasarilinan ang dalawa sa shop.
Maingat siyang humakbang patungo roon—she didn't want to make any noise and interrupt the conversation between the two. Nasa gitna na siya ng working station nang may biglang naaalala dahilan kaya natigilan siya.
Hindi kaya nagtungo roon si Paige upang ipaalam at ipakita kay Quaro ang resulta ng pregnancy test nito? Si Quaro nga kaya ang...
Itinaas niya ang isang palad sa bibig upang pigilan ang pagsinghap.
No! It... It can't be!
"I'm worried, Quaro..." narinig niyang sabi ni Paige. Mula sa kinatatayuan ay dinig na niya ang tinig nito.
"Don't worry, Paige. I'll always be here to support you," sagot naman ni Quaro na ikina-atras niya. Gentleness could be heard in his voice. "I will speak to your parents and let them know that I will take responsibility."
"But—"
"All you need to do is to give birth to a healthy baby and I'll take care of everything else."
Humigpit ang pagkaka-takip niya sa bibig nang marinig ang sinabi ni Quaro. Sapat nang kompirmasyon ang narinig niya. Her assumption wasn't wrong after all.
Quaro fathered Paige's baby.
At nasasaktan siya dahil alam na niya kung saan babagsak ang pag-asang nasa dibdib niya kanina.
Sa basura.
Because Quaro cared for the baby, and he also had a great relationship with Paige. Kung paninindigan ni Quaro ang ipinagbubuntis ni Paige—na mukhang iyon nga ang lagay base sa narinig niya mula rito—bakit pa siya mananatili sa bahay nito?
Wala na siyang lugar doon.
Baka nga magsama na rin ang dalawa dahil sa kasalukuyang kondisyon ni Paige. Pregnant women needed all kinds of support. They needed to be taken care of. They needed affection.
At bilang ama ng batang nasa sinapupunan ni Paige ay nararapat lang na gampanan ni Quaro ang tungkulin nito.
Oh, para siyang sinaksak sa dibdib sa mga sandaling iyon. She was terribly hurt.
"How about... Kirsten?"
Nanigas ang buong katawan niya nang marinig si Paige na binanggit ang pangalan niya. Hindi niya alam kung gugustuhin niyang marinig ang isasagot ni Quaro o tatakbo na siya pabalik sa itaas.
But then, she chose to stay.
Nanatili siya sa kinatatayuan at pigil hiningang hinintay ang sagot nito.
Until...
"H'wag mo siyang isipin, Paige. She is not your concern—just focus on your health and the baby. I'll take care of Kirsten. Kung kinakailangang itali ko siya at iuwi sa kanila ay gagawin ko."
Doon bumukal ang mga luha sa kaniyang mga mata.
Mukhang nakapag-pasiya na nga si Quaro.
Pinili nito ang mag-ina.
Tumalikod siya at mabilis na humakbang pabalik sa kusina. Pagdating sa hagdan ay halos inisang hakbang lang niya ang tig-dalawang baitang. At habang umaakyat siya ay nag-umpisa nang bumagsak ang kaniyang mga luha.
Nang nasa itaas na siya ay maingat niyang ini-sara ang pinto, sumandal siya sa likod niyon at pinagbigyan ang sariling ilabas ang sakit na naipon sa dibdib.
Akala pa man din niya ay mananalo na siya sa sugal na pinasok niya. Pinaniwala niya ang sariling mananalo siya nang makakita ng pagkakataon kagabi, kaya hayon at tumaya na naman siya. Turned out that she picked up the wrong card. Now, she had no choice but to leave before she'd think of gambling what she had left in her pocket;
Her pride.
*
*
*
Bitbit ang backpack na namumukol sa gamit ay bumaba si Kirsten sa kusina. She had cried for a good ten minutes in the room. Kinalma na muna niya ang sarili bago muling nag-ayos at inisilid lahat ng gamit sa kaniyang bag. Matapos iyon ay bumaba na siya upang kausapin si Quaro.
She wanted to thank him for everything—the last 98 days were great. Hindi niya makakalimutan ang bawat araw na nakasama niya ito sa ilalim ng bubong na iyon. She also wouldn't forget the heartache he caused her.
Pero hindi—hindi siya galit dito. Wala siyang kinikimkim na galit. She was grateful that she met him, she would live her life missing him but that's alright.
Sumugal siya at natalo, but at least she had great memories that she would treasure forever. Memories with the person she truly loved. Iyon ang importante.
Ganoon naman kasi talaga ang pag-ibig—you always take risks. Sabi nga ng iba, 'great love always involved great risks'.
At kung hindi siya sumugal ay baka buong buhay niyang itatanong sa sarili na...
Paano kung sinubukan niya?
Paano kung naghihintay rin ito ng babaeng babago sa buhay nito?
Paano kung kailangan lang nito ng babaeng kayang sumugal para rito?
What if it works out?
Ayaw niyang mabuhay ng maraming kwestiyon, kaya mainam nang sinubukan niya at ibinigay lahat ng kaya niya. At least now, she got her answers. At least she was able to kiss him, hug him, made love to him. At least she was able to spend time with her dream man.
So, she had no regrets. And she forgave him for not returning her feelings. Ano'ng magagawa niya kung hindi ito ang tipo ng taong kayang magmahal ng iba? At ano ang magagawa niya kung hindi talaga sila ang nakatadhana sa isa't isa?
Besides, losing wasn't really losing at all. She didn't lose, she learned.
Pagdating niya sa baba ay humugot muna siya ng malalim na paghinga. Wala si Quaro sa kusina pero bukas ang ilaw sa working station at may naririnig siyang kaluskos mula roon. Ini-sukbit niya ang backpack sa balikat at tinungo iyon.
Doon ay nakita niya si Quaro na nasa harap ng pantry nito, inaayos ang mga nakahilerang kahon ng mga ingredients at fillings. He was in his usual get-up; a white T-shirt with sleeves rolled up to his broad shoulders and faded blue jeans hugging his muscular thighs. Oooh, those thighs...
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. She shouldn't be lusting over this guy—she should be getting over him.
Nagmulat siya at muling huminga ng malalim bago tumikhim upang kunin ang pansin nito.
Si Quaro ay kaagad na lumingon, and just as she expected, he got this blank expression on his face.
Oh well, nakahanda na rin marahil itong kausapin siya upang paalisin sa bahay nito. And he didn't even need to tie her just like what he told Paige because she would willingly leave!
Quaro's eyes went down to her backpack, and for a split second there, she saw something in his eyes. Something like... confusion and... panic?
Imposible.
Iyon ang gusto niyang maramdaman nito sa mga sandaling iyon kaya iyon marahil ang ipinapakita ng utak niya sa kaniya. Everything was psychological.
Muli siyang tumikhim. "Aalis na ako."
Hindi ito sumagot, subalit ang mga mata'y muling ibinalik sa kaniya.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy sa akin. And... thank you for the good times." She paused and swallowed hard. Bakit parang maiiyak na naman siya?!
"Why are you leaving?" Quaro asked; face still void of any emotions.
"Dahil iyon ang dapat kong gawin."
"That doesn't answer my question."
She paused for a while to control her emotions. Nararamdaman niya ang unti-unting pananakit ng kaniyang lalamunan at pag-init ng magkabila niyang mga mata. Sunud-sunod siyang kumurap upang pigilan ang pamumuo ng mga luha.
"Gusto ko nang umalis dahil patapos na ang agreement natin. Besides... ayaw ko na rito."
"Why?"
Wala siyang planong sabihin ditong narinig niya ang usapan nito at ni Paige, pero mukhang hindi siya makakalabas sa lugar na iyon nang hindi niya nabibigay rito ang sagot na kailangan nito. "Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Paige sa shop kanina."
Doon nagbago ang eskpresyon ng mukha ni Quaro. "You did?"
"Yeah. And I think I should leave."
"Paige and I are—"
"I know, Quaro. I heard about her pregnancy."
Muli ay sandali itong natahimik. Ang anyo ay bumalik sa pagiging blanko.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag. Hindi niya alam kung bakit hindi pa siya tumalikod at umalis na. Why was she still wasting her time there? Was she expecting him to change his mind and stop her to leave? O, hinihintay niya si Quaro na totohanin ang sinabing tatalian siya upang paalisin sa bahay nito at iuwi sa kanila?
"Paige and I made an arrangement that if she gave birth—"
"Sa tingin ko'y wala ako sa posisyon na malaman ang plano niyong dalawa ni Paige para sa bata, Quaro. Malinaw kong narinig na paninindigan mo ang ipinagbubuntis niya, at sapat nang dahilan iyon para umalis ako. I don't belong here. Besides, patapos na rin ang lodging agreement ko, kaya mas mabuting maaga akong umalis." At hindi mo na ako kailangan pang talian para pauwiin nang sagayon ay magkaroon ng lugar si Paige dito—kaya kong umalis mag-isa!
No, she had to keep calm. Talunan na nga siya, hahayaan pa niyang magmukhang talunan sa harap nito?
Muli ay natahimik si Quaro. He was staring straight into her eyes, probably trying to see if she was telling the truth. Pero ano pa ba ang kailangan nito sa kaniya? Hindi nga ba at gusto na siya nitong paalisin?
"Bakit, Quaro? Ayaw mo ba akong paalisin?" Sige, Kirsten, durugin mo pa ang sarili mo.
It took a while before Quaro was able to give her an answer, "If you want to leave, leave. Hindi ko ugaling pigilan ang sinomang gusto nang kumawala."
Muli itong tumalikod at hinarap ang pantry.
Muli niyang naramdaman ang pananakit ng lalamunan at ang pag-init ng mga mata. Bakit kailangan pa nitong magpanggap na tila ayaw siyang paalisin, when all along, he was already preparing to ask her to leave! May pa-"hindi ko ugaling pigilan ang sinomang gusto nang kumala"- pa itong nalalaman!
Inis niyang kinusot ang mga mata upang alisin ang pamumuo ng mga luha. Muli siyang humugot ng malalim na paghinga bago nagsalita,
"I'm glad I met you, Quaro. I had a great time. Thanks for everything."
Tumalikod na siya at nag-akmang babalik sa kusina nang magsalitang muli si Quaro;
"Sa susunod na manghihingi ka ng tulong sa ibang tao, just be truthful to them, Kirsten. Ikapapahamak mo 'yang kasinungalingan mo."
Muli siyang napalingon; si Quaro ay nanatiling nakatalikod.
"What?"
"Don't play dumb. Pagod na ako sa mga pagpapanggap mo. I have asked you many times, gave you many chances to say the truth, but you never did. You continued to pretend. Anyway, just leave. Mukhang atat ka na rin namang umalis."
'Ta 'mong gagong, 'to. Gusto ko lang umalis ng tahimik para sa kanila ni Paige, tapos ngayon ay makaririnig ako ng ganito mula sa kaniya? Papalabasin pang napagod sa kasinungalingan ko? How dare this idiot?
Huminga siya ng malalim, sunud-sunod.
"Okay," she said, trying to control her annoyance. "Goodbye, Quaro."
Muli siyang tumalikod, at sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang backdoor.
Gusto niyang lumabas sa lugar na iyon sa pinakamabilis na paraan—gusto na niyang makalabas para makapagmura na siya. She wanted to curse him—no, she actually wanted to hurt him. Pikon na pikon siya dito. Sa kama lang ito magaling, pero kapag hindi nakapatong sa kaniya ay para lang siyang hangin dito!
She had given him up, tinanggap na niyang talo siya. They had great sex last night at kahit gusto na nitong paalisin siya'y hindi ba nito magawa man lang na magpasalamat sa kaniya sa gabi-gabing pagbibigay niya ng ligaya rito?
Kung hindi man pasalamat, he could have just told her to take care of herself and live her life to the fullest!
Gago ka talaga, Quaro!
Nasa backdoor na siya at akma na iyong itutulak pabukas nang muling marinig ang tinig ni Quaro;
"Hey."
Nahinto siya subalit hindi lumingon.
"If you find yourself pregnant, you know how and where to find me."
Nanlaki ang mga mata niya, biglang pinagpawisan ng malapot.
She didn't think of that!
Oh yes, that damned son-of-a-gun didn't use protection last night! How did it slip her mind? Safe ba siya kagabi? When was her last period? Was she fertile?
Eh, ano naman kung mabuntis ako? Kaya kong buhayin ang sarili ko. I have my own savings, I have finished a management course, I can easily find a job! Kaya kong bumuhay ng anak! Hindi kami makikisiksik dito sa inyo ni Paige kapag nangyari 'yon, gago!
Pero imbes na iyon ang sabihin ay pinili niyang maging kalmado. She looked over her shoulder and gave him a nasty look.
"I'll take care of it when it happens."
Si Quaro, na nakatayo sa entry ng working station, at naningkit ang mga mata.
"Don't you dare consider abortion, Kirsten. I wouldn't allow it—not until I'm dead. Hahabulin kita hanggang kamatayan kapag ginawa mo 'yon."
Mangha niya itong hinarap. "If you are too worried about me getting pregnant, why are you letting me go?"
"You decided to leave, didn't you?"
"Yes!"
"Then, what's the drama? You have the freedom to decide for yourself. I wouldn't stop you if that's what you want. Ang gusto ko lang sabihin ay hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko kung sakaling nabuntis kita. Kaya h'wag kang mag-iisip na gumawa ng mali. I will be here for... the baby."
Hindi niya alam kung bakit labis siyang napikon sa sinabi nito. Kung sakaling nabuntis siya ay sa bata lang ito magiging interesado at hindi sa kaniya. Pero si Paige at ang anak nito ay sasagutin pareho ng gago? Ano ba'ng mayroon sa babaeng iyon na wala sa kaniya?
Bago pa niya napigilan ang sarili ay ibinaba niya ang backpack, humakbang palapit dito, at walang kung anu-anong sinapak ito sa mukha. At dahil hilam ng luha ang kaniyang mga mata ay hindi niya nakita ang emosyong dumaan sa mga mata ni Quaro.
"Gago! Gago ka, Quaro!"
He reached for her but she struck his hand angrily. At bago pa man nito muling subukang hawakan siya ay mabilis na siyang tumalikod at humakbang pabalik sa pinto kung saan naroon at naghihintay ang backpack niya.
Initulak niya ang pinto at pabalya iyong ini-sara.
***
NEXT >>
CHAPTER 36 - Audio Recorded Confession
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro