32 | Someone's Carrying A Life
"Maagang umalis sina Quaro at Aris, hija. They are going to Aris' place, but Quaro had asked Lee to take you home. I still can't believe my eldest son is living with a girl, oh my!"
Nakita niya ang pagguhit ng galak sa anyo ni Felicia nang sabihin nito iyon. She was obviously pleased. Sana lahat ng manugang ay ganoon. Sana lahat ng mga oldies ay ganoon ang mindset at hindi mapanghusga. Na kahit pangit sa paningin ng mga nakaaalalam ang sitwasyon nila'y hindi naging negatibo ang reaksyon nito.
But—she didn't expect him to leave. Iniwan siya nito roon sa bahay ng pamilya nito.
Ito pa talaga ang may ganang gawin iyon. Hindi ba dapat ay siya ang umalis?
Ang lakas ng loob nitong sabihin na responsibilidad siya nito pero ito naman ang nang-iwan!
"Kung gusto mo'y maaari kang manatili rito kahit hanggang kailan mo naisin. My house is—"
"May pasok pa po ako sa university, Tita," she said, faking a smile. Kung alam lang nito kung gaano ka-sakit ang puso niya sa mga sandaling iyon. Sakit na ini-dulot ng magaling nitong panganay. "Gustuhin ko man pong manatili ay hindi maaari."
Gusto niyang magsinungaling at sabihin kay Felicia na araw ng pagtatapos kinabukasan tulad ng alam ni Quaro—oh well, pagtatapos ng mga nasa huling taon sa kolehiyo at hindi siya. Pero hindi niya magawang magsinungaling sa ginang. She did nothing but be kind and sweet to her.
"Oh, sayang naman," sabi ni Felicia, halata sa mukha nito ang pagka-dismaya. "But please visit me again next time. I'll show you how to cook Quaro's favorite beef caldereta."
Ayaw niyang paasahin ang ina ni Quaro, pero hindi niya napigilang tumango. Gustuhin man niyang bumalik para muli itong bisitahin ay hindi na maaari. Her time with Quaro was coming to an end.
"Good morning, Ma."
Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Lee. Nakita niya ang pagbaba nito sa hagdan at ang paglapit nito upang halikan sa pisngi ang ina.
"Good morning, Kirsten. How was your sleep after the argument last night?"
Umawang ang bibig niya; hindi kaagad naka-apuhap ng isasagot.
"You and Quaro had an argument?" nag-aalalang tanong ni Felicia na lihim niyang ikina-ngiwi. Damn Lee for being nosy.
"Katabi ko ang silid ni Quaro and I heard your argument, hindi ko lang narinig kung tungkol saan, but he seemed so pissed—kung ang pagbabasehan ay ang pagbagsak ng pinto. You both okay?"
Hambalusin kaya kita r'yan, Lee?
Ngayon ay kailangan pa niyang magpaliwanag kay Felicia. At ano ang sasabihin niya?
"Maaga siyang nagpaalam at nagsabing sasama kay Aris—they both had something important to do, pero alam kong isa sa mga dahilan kung bakit siya umalis ay para umiwas sa'yo. Man oh man..." Pumalatak ito at niyuko ang ina. "Mukhang sa susunod na taon ay makikilala na ninyo ang pinaka-una ninyong apo, Ma. Your eldest son has found his match."
Lalong umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Habang naghahapunan sila kagabi ay napansin niyang si Lee ang mahilig magkwento sa lahat. Phillian was also a great conversationalist, but Lee was the most talkative. Pero hindi niya inakalang ganito ka-tabil ang dila nito.
At ano ang karapatan nitong paasahin siya? Durug na durog na siya kagabi sa mga sinabi ni Quaro, tapos ngayon ay paaasahin siya nitong muli?
Apo, huh.
Kung maaari lang niyang ilaglag si Quaro at sabihin sa ina nito kung paano nitong sambahin ang patung-patong na mga kahon ng extra large rubbers nito sa cabinet, siguradong babagsak ang kastilyong buhangin ni Felicia Zodiac.
"I don't want to disappoint you, but—"
"Kaya ba umalis si Quaro at sumama kay Aris?" putol ng ginang sa dapat na sasabihin niya. "Because you two had an argument last night?"
Muli ay lihim siyang napangiwi. She gazed at Lee who just smiled like an idiot—she was hoping he'd help her explain, pero mukhang inilagay lang talaga siya nito sa apoy at hinayaang masunog.
Damn Lee.
Gusto niyang pasalamatang hindi binigyang pansin ni Felicia ang sinabi ng anak tungkol sa pagkakaroon ng apo—ayaw niyang paasahin ang matanda.
"M—Maliit lang na hindi pagkakaunawaan, Tita..."
"What is it?"
"Tungkol sa... isang bagay."
"Dahil ba sa ini-sama ka nina Taurence at Phillian sa bayan kagabi? He went to me at around 9:00pm asking about you. I was not aware he didn't know."
Tumikhim siya. "H—Hindi po tungkol doon..."
"Nah," si Lee na hindi na maaalis-alis ang ngiti sa mga labi. "It was just something about an agreement."
Oh, ang tsismoso ng isang 'to!
"Agreement?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Felicia; pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Lee.
"Let's not worry about it, Ma. It's just a simple case of lover's quarrel." Muling hinalikan ni Lee ang ina sa pisngi. "Maaga akong aalis ngayon at isasabay ko na si Kirsten as per Quaro's instructions. I'll see you in two weeks."
***
"Are you sure na dito ka na bababa?"
Tumango siya saka binuksan ang pinto ng mamahaling sasakyang dala ni Lee. Bago bumaba ay muli niya itong nilingon.
"Salamat sa paghatid mo."
"I couldn't say no to my eldest brother." He then gave her a wink.
Sa loob ng anim na oras na byahe nila pabalik sa Montana ay hinayaan siya ni Lee na maka-idlip. She had a three-hour nap, and when she woke up, Lee started a conversation. Marami itong nitanong tungkol sa kaniya; na sinagot niya ng kaparehong detalyeng sinabi niya kay Quaro. Sana lang ay tumugma lahat...
Bumaba na siya at bago isara ang pinto ay muli niya itong hinarap. "Mag-iingat ka sa pag-uwi."
Lee gave her a soft smile. "Dalawang oras na biyahe pa mula rito sa Montana bago ko marating ang bayan kung saan ako nakatira. Kung gusto mong mamasyal doon, just let Quaro know."
Tumango siya at muling nagpasalamat.
Ilang sandali pa'y sinusundan na niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Lee. At nang tuluyan na iyon nawala sa tanaw niya'y saka niya nilingon ang transient house na nasa kabilang kalye.
Iyon ang bahay na in-okupa niya sa nakalipas na anim na buwang pananatili niya sa Montana. She continued to pay her rent kahit na hindi siya nakatira roon dahil sa mga gamit niyang nanatili roon sa loob ng bahay. Mga gamit tulad ng maletang dala niya at ilang mga kagamitang pinamili nang lumipat siya roon; like the automatic washing machine, coffee maker, microwave, flat screen TV, and flat iron. She had lived there for three months before Quaro took her in.
Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang malinlang si Quaro sa mga ka-dramahan niya. Pasalamat na lang siya at walang gaanong nakakakilala sa kaniya roon bilang tenant ng transient house—the landlady wasn't living in Montana and the neighbors were all just tourists passing by town or staying for a night or two.
May kalayuan ang area na iyon sa panaderia ni Quaro at sa university, kaya hindi siya nag-aalala. And she just went back there to pack up. Apat na araw na lang at matatapos na ang napagkasunduan nila ni Quaro. She told him that she would be graduating from college, and she even asked him to attend her graduation. Pero tulad ng inasahan niya'y tumanggi ito—which was good dahil wala namang mangyayaring graduation sa kaso niya.
Kung sakaling pumayag naman ito'y kay daling magdahilan.
Sinulyapan niya ang magkabilang kalsada, at nang makitang malayo pa ang mga sasakyan ay mabilis siyang kumilos at tumawid. Mula sa bulsa ng suot na pantalon ay dinukot niya ang keychain at hinanap ang susing kailangan.
Nang makapasok na siya sa loob ng nire-rentahang transient house ay kaagad siyang nag-empake. Sunod niyang inayos ang mga gamit saka naligo at nagbihis.
Hapon na nang lumabas siya. Dadalhin niya ang lahat ng mga nabiling gamit kaya pupunta siya sa department store sa bayan upang bumili ng malaking box, o panibagong maleta. May sarili namang box ang washing machine at TV kaya hindi siya mahihirapang dalhin ang mga iyon. Or maybe she would just send them via courier?
Doon sa transient house na rin siya magpapalipas ng gabi; bukas ng umaga ay pupunta siya sa shop upang ayusin ang mga gamit at kausapin si Quaro. Kahit na masama ang loob niya sa mga sinabi nito kagabi ay nais pa rin niyang malaman kung nais na siya nitong umalis o manatili pa.
Pero matapos nang naging sagutan nila kagabi ay duda siyang gugustuhin pa nitong manatili siya roon—at kahit siya rin naman, ano! Kung hindi nito babawiin ang mga sinabi sa kaniya, o humingi ng pasensya, ay hindi na rin siya mananatili roon. Kagabi pa niya tinanggap sa sariling natalo siya sa sugal na pinasok niya. Kaya na nga siya nag-ayos ng mga gamit niya.
Uuwi na siya sa lolo niya na siguradong naghihintay na sa kaniyang pagbabalik. Hindi niya nagawang tawagan ito tulad ng pangako niya kay Daday, pero sigurado siyang sinabi na rito ng kaniyang kaibigan na nasa maayos siyang kalagayan.
Mula sa transient house ay naglakad lang siya hanggang sa bayan. It took her fifteen minutes to reach the town, at habang naglalakad siya'y wala siyang ibang inisip kung hindi ang sunod nilang paghaharap ni Quaro.
Kung saan-saan na umabot ang isip niya, at nang muli siyang nag-angat ng tingin upang sana ay tumawid muli ay nahinto siyang bigla nang makita si Paige. Kalalabas lang nito sa salaming pinto ng OB-Gyne clinic na dati na rin nitong pinuntahan—doon sa tabi ng laboratory na pinuntahan niya rin noong nakaraan.
Nahinto siya at sinundan ng tingin si Paige na mabilis na tumawid sa kalsada at sumakay sa sasakyang nakaparada roon—doon din sa dating pinagparadahan nito ng sasakyan noong una niya itong makita.
Nang makaalis ang sasakyan ni Paige ay muli niyang sinulyapan ang clinic. Gusto niyang pabayaan na si Paige sa buhay nito, but her curiousity won. Bago pa man niya napigilan ang sarili ay humakbang na siya patungong clinic, at nang akma na niyang itutulak ang pinto at bumukas naman iyon at sinalubong siya ng babaeng naka-suot ng puting slacks at blouse.
Nagkagulatan pa sila, subalit kaagad na nakabawi ang babae na sa hula niya'y ang assistant ng doctor doon. Nagpaumanhin ito sa kaniya at hangos na lumabas bitbit ang isang brown envelop. Hinayon nito ng tingin ang kalsada, at marahil ay hindi nakita ang hinahanap kaya naka-ngusong bumalik.
Nang makita siya nitong nanatiling nakatayo sa harap ng pinto ng clinic at nakasunod lang ang tingin ay napangiti ito.
"Magsasara na po kami, Ma'am. May kailangan po kayo?"
Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong envelop. Sa likod niyon ay nakita niya ang pangalan ni Paige.
"Resulta ba 'yan ng test ni Paige?"
"Kilala niyo po si Miss Sheng?"
"Kaibigan namin siya ng boyfriend ko."
"Oh! Nakalimutan po niya itong test result niya."
"Iyan na ba ang resulta ng pregnancy test niya?" Nanghuhula lang talaga siya. Kung mali, eh 'di mali.
"Opo, Maam. Kailangan niyang uminom ng ilang iron supplements at bitamina para sa anemia niya, at nasa loob ng envelop na ito ang reseta. Sarado ang clinic bukas dahil wedding anniversary ni Doktora, maaari po bang makisuyo na lang nito sa kaniya, Maam?"
Paige is pregnant...
Paige is pregnant... pero may kasintahan ba siya, o asawa, o ibang lalaking kinikita?
Who could be the father?
Maaari kayang si...
"Ma'am?"
Napakurap siya at ibinalik ang pansin sa staff na nanatiling nakatayo sa harapan niya.
"A—Anong sinabi mo?"
"Pakikisuyo ko lang po sana itong test result at reseta ni Ms.Sheng..."
"Oh." Wala sa loob na inabot niya ang envelop mula rito. Kung bakit siya nakikisawsaw sa pagbubuntis ni Paige ay wala siyang ideya. But it's too late to turn her back now.
"Ano nga po pala ang pangalan nila, Ma'am?"
Muli siyang napakurap; ang kamay na nakahawak sa envelop na inabot niya mula rito ay nanginginig sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
"K—Kirsten."
"Kirsten...?"
"Kirsten May... de Casimiro."
"Sige po, Ma'am. Magpapadala na lang po ako ng email kay Miss Sheng para ipaalam na ipinaki-suyo ko po sa inyo ang result."
She wanted to stop the lady staff, but no words came out of her lips. Samut-saring damdaming ang pumupuno sa dibdib niya sa mga sandaling iyon pero hindi niya alam kung papaanong pakitutunguhan ang mga iyon.
After a while, she had found herself walking on the road, back to her transient house. Doon siya dumiretso bitbit ang result, at nang marating iyon ay basta na lang niyang ibinagsak ang sarili sa kama.
At sa mahabang sandali ay nanatili lang siyang nakatitig sa kisame, hanggang sa nag-umpisang sumakit ang kaniyang lalamunan at nanlabo ang kaniyang paningin.
Sa isip ay ilang ulit na niyang minura si Quaro—dahil kahit hindi pa kompirmado ay malakas na ang kaniyang kutob na ito ang potensyal na ama ng ipinagbubuntis ni Paige.
Because if he's not, then who?
***
NEXT >>
CHAPTER 33 – Talk About Feelings
A/N:
5 more chapters and I'll wrap this up.
Handa na ba kayo sa nalalapit na pagtatapos?
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro