Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

25 | Missed Miss







***




 Maingat na ini-silid ni Kirsten isa-isa ang mga resulta ng medical test nang matapos niyang makuha iyon sa laboratory and medical clinic na pinuntahan niya. Requirement iyon ng unibersidad para sa taunang medical check up. She had to pay for her own dahil crash course lang ang kinuha niya at hindi kasama sa mga binayaran niya ang medical check up mula sa university's lab clinic.

Dapat ay hindi na siya magpapasa ng ganoon; she was finishing her crash course in a few weeks, anyway.

Paglabas niya sa lab ay kaagad siyang napatingala sa langit; tina-tantiya kung kaya niyang suungin ang may kalakasang ambon nang hindi na kinakailangang gumamit pa ng payong. Pero mukhang kailangan niya. Kung hindi ay mababasa ang suot niyang uniporme.

Halos isang linggo nang masama ang panahon; ang mga tao ay hindi komportable sa araw-araw, ang ilang kalsada ay maputik, ang ibang kanal ay barado, there were trash—plastics and styrofoam—scattered on the street.

Ayaw din niya ng maulang panahon—pakiramdam niya'y kay lungkot ng araw kapag ganoon.

Nilabas niya ang folding umbrella mula sa backpack, binuksan iyon, at akma na sanang susuong sa ulan nang bumukas naman ang glass door ng katabing clinic. Wala sa loob na napalingon siya roon matapos marinig ang mahinang pagmumura ng babaeng lumabas mula roon.

Nang makilala kung sino ang naroon ay nahinto siya sa akmang pag-alis. Pinanatili niya ang tingin sa magandang babaeng sumimangot at niyakap ang sarili dahil sa paghampas ng malamig na hangin. Tila naramdaman nito ang pagtitig niya dahil napasulyap ito sa kaniyang direksyon; sandali siyang tinitigan, at nang makilala ay tipid itong ngumiti. Humakbang ito palapit sa kaniya.

"Kirsten, right?"

Ginantihan niya ito ng tipid ding ngiti. "Sinabi ba ni Quaro sa'yo?"

"Ang pangalan mo? Yes."

"Bakit, may iba pa ba siyang sinabi sa'yo maliban sa pangalan ko?"

Paige's weak smile disappeared. Inalis nito ang tingin sa kaniya at tiningala ang langit. "Ang sitwasyon mo lang at kung bakit ka nakatira sa kaniya." Nagbaba ito ng tingin at ibinalik sa kaniya. "Other than that, mayroon pa ba siyang dapat sabihin sa akin?"

Nagkibit siya ng mga balikat at itinuon ang pansin sa kalsada. Maglalakad lang siya mula roon sa lab pauwi sa shop at aabutin siya ng dalawampung minuto dahil may kalayuan na iyon doon sa street nila. Kailangan na niyang magmadali dahil mag-a-alas sinco na; she promised Quaro that she'd cook dinner. Ibinida niya ang recipe na nakita niya sa internet at sinabing kaya niya iyong lutuin.

Now, the man challenged her and she needed to show off.

"Quaro was unpredictable sometimes. Nagulat ako nang sabihin niyang tinanggap ka niya at pinayagang tumira sa bahay niya sa loob ng isandaang araw. You're lucky."

Muli niya itong nilingon at nakita ang pagkalambong ng mga mata nito. "Mahal mo ba siya?"

Gaga, ano'ng klaseng tanong 'yan? suway niya sa sarili. Pero huli na para bawiin ang nasabi niya.

Paige looked her in the eye. "One reason why Quaro and I matched in some aspects was that we both didn't believe in love. So, to answer your question—no. I never loved him. But I cared for him and I enjoyed his company."

Do you mean, you enjoyed the sex you've shared?

Well, hindi rin niya masisi si Paige.

"Anyway, why are you asking this? Alam ba ni Quaro na ang housemate niya ay alam ang namamagitan sa aming dalawa at interesadong malaman ang damdamin ko? I suggest you don't talk to him about love; that's gonna be the end of everything."

Kinunutan siya ng noo sa huling sinabi nito. End of everything? Did Paige mean, the free lodging?

Akma na sana siyang magsasalita upang linawin kung ano ang ibig nitong sabihin nang umalis na si Paige sa kinatatayuan. Sa malalaking mga hakbang ay tumawid ito sa kalsada. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makatawid ito. Doon sa kabila ay may nakaparadang sasakyan, sa driver's side pumasok si Paige. Nang makaalis ang sasakyan nito ay salubong ang mga kilay na tiningala niya ang pangalan ng clinic na nilabasan nito;

Mendez OB-Gyn Ultrasound Clinic.

Ano ang... ipina-konsulta niya sa Ob-Gyn? nagtataka niyang tanong sa isip.

C'mon, Kirsten. Do you really need to ask?

Pero... may kasintahan ba si Paige?

Hindi naman kaya si...

Sunud-sunod siyang umiling. No. Imposible.

Halos sambahin ng lalaking iyon ang patung-patong na box nito ng condoms, tapos makabubuntis?

Oh well, some condoms were not manufactured properly and would most likely rip during intercourse. Some were torn during removal from their packets. And those instances... could lead to pregnancy. Hindi rin isandaang porsyento ang effectivity ng rubber, at kahit imported brand pa ang gamit ni Quaro ay...

Muli siyang umiling—sunud-sunod. He wouldn't allow it, would he?

Huminga siya ng malalim at inalis ang tingin sa clinic.

Oh well, maliban sa pregnancy ay marami rin namang maaaring ikonsulta sa isang OB-GYN, bakit ba siya parang napa-praning? At eh, ano naman kung nakabuntis si Quaro ng ibang babae? Kaya naman nitong bumuhay ng anak at wala naman siyang pakealam sa buhay nito dahil ano ba siya? Sino ba siya?

Ah, shit. That's enough, Kirsten.

Itinuloy na niya ang pagtawid, pilit na inalis sa isip ang mga posibilidad. Ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang sarili dahil unang-una, wala siya sa lugar upang mag-alala. She was just another woman in Quaro's life. She didn't have the right to react this way.

Habang nasa ganoon siyang kaisipan ay tumawid siya sa kalsada at hindi napansin ang paparating na minivan. Malakas na busina ang nagpalingon sa kaniya, at nang makitang halos nasa malapit na iyon ay napa-igtad siya sabay bitiw sa dalang payong.

Lagitnit na gulong ang maririnig sa sumunod na mga sandali. Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki sa pagkagulat, at sa isip ay lihim na nagpapasalamat dahil hindi siya inabot. Huminto iyon ilang dipa lang mula sa kinatatayuan niya.

Tutok na tutok ang kaniyang mga mata sa bumper ng minivan at bahagya lang narinig ang pagbukas ng pinto ng passenger's seat. Mula roon ay may lumabas na babae, at doon nalipat ang kaniyang tingin.

Muli siyang pinanlakihan ng mga mata nang makilala ang sakay niyon

"Miss Kirsten?" anang babae na lumabas mula sa van.

Oh no. Oh... no.

"Diyos ko po, Miss Kirsten!"

Hindi niya alam kung babatiin ito o tatakbo upang takasan.

Pero makakatakas pa ba siya ngayong alam na nitong nasa Montana siya?

"Daday?" she muttered. How the hell did she find her here?

Si Daday ay napa-iyak at sa malalaking mga hakbang ay nilapitan siya. Pagka-lapit nito'y kaagad siyang hinawakan sa magkabila niyang mga braso at pahagulgol na nagsalita,

"Miss Kirsten! Salamat sa Diyos at nahanap ko na rin kayo!"

"P—Papaano..." Naguguluhan at nag-aalala niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa humahagulgol na si Daday at kay Paco, ang kasintahan nitong bumaba sa driver's seat at nakangiti silang pinagmasdan.

"Halos anim na buwan kaming naghanap sa inyo, 'di namin akalain na dito kayo sa Montana mapapadpad!" Luhaang yumakap sa kaniya si Daday. "Buong akala namin ay may nangyaring masama sa inyo!"

Hindi niya napigilang gantihan ito ng yakap. Sa kabila ng magkahalong pagkamangha at pagkabala ay maligaya siyang makita itong muli.

Si Daday ay kababata niya at anak ng isa sa mga trabahador ng lolo niya sa pabrika. Ang nanay nito ang nag-asikaso sa kaniya simula noong anim na taong gulang siya habang abala ang kaniyang lolo sa pamamalakad ng negosyo nito. Sabay silang lumaki ni Daday, at nihiling niya sa kaniyang lolo na ipasok din ito sa pribadong eskwelahang pinasukan niya upang maging ka-klase sila. Nang dumating sila sa kolehiyo ay nahinto si Daday sa ikatlong taon dahil nabuntis ito ng kasintahan, kaya sandaling nagpahinga sa pag-aaral.

Sina Daday at ang ina nito'y naging tapat sa pamilya nila, kaya hindi na rin iba ang mga ito sa kanila. They were like family, at naiintindihan niya kung bakit emosyonal ito nang makita siya.

"Umuwi na tayo, Miss Kirsten," ani Daday bago humiwalay sa kaniya. Patuloy ito sa pagluha nang magsalita. "Nag-aalala na si Senior Oscar. Hindi niya maintindihan kung bakit kayo nag-layas, wala kaming alam kung ano ang dahilan ng pag-alis ninyo. Bigla na lang kayong naglaho dala ang iba niyong mga gamit. Diyos ko po, kung alam niyo lang. Ilang linggo nang masama ang pakiramdam ng lolo niyo."

"Masama ang... pakiramdam?"

Tumango ito. "Simula nang naglayas kayo ay kumain-dili na si Senior Oscar, ilang tauhan niya ang pinadala niya sa iba't ibang lungsod at bayan para hanapin ka, lahat ay bumalik sa Mercedez nang walang resulta sa paghahanap. Diyos ko, kung hindi pa ako nag-enrol sa kolehiyo para sa susunod na taon ay hindi ko pa malalamang ginamit mo ang pangalan ko para makapag-enrol sa unibersidad dito sa Montana. Kaya pala nanghingi ka ng kopya ng mga papeles ko noon, ang sabi mo'y ia-apply mo ako ng insurance—"

"Which I did, Daday, ano ka ba! Pero oo, inaamin kong ginamit ko ang ilan sa mga papeles na iyon para makapag-enrol sa unibersidad."

"Na nakapagtataka dahil tapos na kayo sa pag-aaral."

Napangiwi siya. "Kumuha ako ng crash course. Customer Service."

Muling pinamunuan ng luha ang mga mata ni Daday. "Paano ka nabubuhay? Iniwan mong lahat ang mga cards mo sa kwarto mo—"

"May isa akong card na hindi alam ni Lolo. It was my personal savings." Pino siyang ngumiti at masuyo itong dinama sa pisngi. Ang mga luha nito'y ayaw tumigil sa pagbagsak. "H'wag mo akong alalahanin."

Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay saka muling nagtanong. "Saan ka ngayon nakatira? Walang hotel na maayos dito sa Montana maliban sa mga transient house at maiingay na dormitories."

"May tinirhan akong transient house sa naunang mga buwan at naroon pa rin ang ilan sa mga gamit ko. Pero ngayon ay nakatira ako sa..." she trailed off. Hindi niya maaaring sabihin kay Daday kung saan siya nakatira dahil sigurado siyang sa loob ng beinte cuatro oras ay darating ang mga tauhan ng lolo niya—o ito mismo—para damputin siya at i-uwi sa bayan nila—sa Mercedez.

And yes. Everything she said to Quaro was a lie. She wasn't homeless.

The only truth she told him was about her parents. Na wala na siyang mga magulang.

Her mother died after giving birth whilst her father had an accident when she was still a little baby. He died in the hospital soon after. Nang mamatay ang mga magulang niya ay napunta siya sa bahay-ampunan na bahagi ng organisasyon ng simbahan sa bayang iyon. She stayed there for six years until her grandfather, her mother's father, found her. He was a rich man who owned a big furniture factory in Mercedez; isa sa pinakamalaking bayan sa norte.

Ang narinig niyang kwento sa Yaya Miling niya, ang ina ni Daday, ay itinakwil ng lolo niya ang kaniyang ina noong nalaman nitong nagdadalangtao at ang ama ay isa sa mga tauhan ng pabrika. Dating mata-pobre ang lolo niya, at hindi nito matanggap na sa isang hamak na trabahador lang napunta ang nag-iisang anak.

Her parents moved to the next town and lived there until she was born. Nagkaroon ng komplikasyon sa panganganak ang kaniyang ina kaya maaga itong nawala sa kanila. Ilang buwan nakalipas at ang ama naman niya ang nawala nang magkaroon ng sunog sa pinagta-trabahuang pabrika ng sabon. Siya, na noo'y apat na buwan pa lang at inaalagaan ng kaibigan ng kaniyang itay ay dinala sa bahay-ampunan.

Huli na nang makarating sa lolo niya ang balita tungkol sa nag-iisang anak nito. Inabot ng ilang taon bago siya nahanap dahil ang taong naghatid sa kaniya sa bahay-ampunan ay nangibang-bayan na rin.

Her grandfather blamed himself for the death of his daughter. Kung hindi raw nito initakwil ang anak ay baka naging maayos ang sitwasyon nito at hindi maagang nawala. Since then, her grandfather gave her everything; nagbago na rin ito. He started helping and caring for his people.

And she loved her grandfather—not until the day he arranged for her to marry someone she hadn't met! Akala pa man din niya ay nagbago na ito, pero mukhang gustong siguraduhin ng lolo niya na hindi siya mapunta sa kung sinu-sino lang na lalaki. Na hindi siya matulad sa nanay niyang pumili ng trabahador. Gusto nitong siguraduhing ikakasal siya sa lalaking galing rin sa may sinasabing pamilya!

Nope, nay nay. Not gonna happen.

She would never marry someone she didn't choose for herself. Wala sila sa teledrama para gawin sa kaniya ng lolo niya iyon. Ang buhay pa lang ng mga magulang niya noon ay naging teledrama na ang wakas.

Muling nanakit ang dibdib niya nang maalala ang sinapit ng mga magulang, at nang muling pumasok sa isip ang mga narinig noong araw na marinig ang plano ng lolo niya;

"Don't worry, kompadre. Sisiguraduhin nating may kasalang mangyayari. Ako ang bahala sa apo ko."

Ang pagpasok niya sa opisina ng lolo niya ay nahinto nang marinig ang sinabi nitong iyon. Hindi nakasara ang pinto kaya dire-diretso na sana siya upang magpaalam. She was about to visit Daday and her six-month-old daughter that day.

"Ah, h'wag kang mabahala. Siguradong papayag si Kirsten. Kapag sinabi ko na sa kaniya ang sitwasyon ay hindi siya magdadalawang isip na sundin ang hiling ko. Ako ang bahala sa kaniya, at ikaw na ang bahala sa anak mo."

Napa-atras siya. Hindi makapaniwala sa narinig.

Ipakakasal siya ng lolo niya? Kanino? Ni wala itong ipinapakilala sa kaniyang binatang anak ng mga kompadre, bakit kasal na agad? At anong sitwasyon? May problema ba ito sa kalusugan, at bago man lang ito magpaalam ay kailangan munang makita ang apo sa tuhod? The heck? Nasa soap opera ba sila?

Biglang nagrebolusyon ang dibdib niya.

No, effing way. She would never allow her grandfather to manipulate her life—nay nay.

Kaya nang araw na iyon, imbes na dumalaw kina Daday, ay nagkulong siya sa silid at pinag-isipang mabuti ang gagawin.

Nang gabing iyon, habang tulog ang lahat ay naglayas siya. Bitbit ang may kalakihang maleta ay bumiyahe siya patungong Montana—bayan na halos sampung oras ang layo mula Mercedez.

"Miss Kirsten?"

Napakurap siya at muling nagbalik sa kasalukuyan.

"Saan ka nakatira ngayon?" ulit na tanong ni Daday.

"Sa... tabi-tabi lang."

Nagsalubong ang mga kilay ni Daday. Ayaw niyang patuloy itong magtanong tungkol sa tirahan niya kaya inunahan niya ito ng tanong.

"Kaya kayo narito para puntahan ako?"

"Papunta na sana kami ni Paco sa unibersidad ng Montana para magtanong ng impormasyon tungkol sa'yo—kay liit naman pala ng bayan na ito dahil kaagad kitang nakita—"

She panicked. "Alam ba ni Lolo na nahanap mo ako rito?"

Umiling si Daday. "Si Nanay lang ang nakaaalam. Alam kong may dahilan kaya ka naglayas, at gusto kong malaman muna iyon bago ko sabihin sa lolo mo ang kinaroroonan mo. Kung ginamit mo ang pangalan ko ay siguradong nagtatago ka, kung bakit ay kailangan mong sabihin sa akin. Diyos ko, Miss Kirsten, kahit si Nanay ay nag-alala sa inyo."

"How about Chichi?" Daday's one-year-old baby.

Masuyo itong ngumiti. "Si Nanay ang nag-aasikaso." Ang ngiti nito'y kaagad ding nagmaliw at napalitan ang ekspresyon nito sa mukha ng pag-aalala. "Paano kang nakakakain? Ultimo pritong itlog ay hindi mo maluto—"

"Daday, malaki na ako, kaya ko nang asikasuhin ang sarili ko. Balak na nga akong ipakasal ni Lolo sa anak ng kompare niya, eh."

"Ipakasal?"

Tumango siya. "Iku-kwento ko sa'yo mamaya."

"Kung ganoon ay hali na kayo at doon tayo mag-usap sa tinutuluyan niyo—"

"N-No, wait."

Muling nagsalubong ang mga kilay nito.

"H'wag kang magugulat kung... kung saan ako nakikitira ngayon. At gusto ko ring sabihin na... hindi pa ako maaaring umuwi sa Mercedez. Pagkatapos nating mag-usap ay kayong dalawa pa rin ni Paco ang uuwi doon, hindi ako sasama."

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Daday.

Napatingin siya sa balikat nitong unti-unting nang nababasa ng ambon. "May hinihintay pa akong... mangyari."

Akmang muling magtatanong si Daday nang mula sa likuran ng van ay may bumusinang truck ng mga gulay. Masyado iyong malaki parang makadaan sa two-way street, ang ibang papasalubong na mga sasakyan ay bahagyang gumilid.

Nisapo ni Daday ang noo, muli siyang hinarap saka hinila sa kamay. "Sumama ka sa amin—"

"We will talk, pero pagkatapos ay aalis kayo ni Paco na hindi ako kasama." Binawi niya ang kamay rito. "Sabihin mo kay Lolo na maayos lang ako at uuwi din ako matapos ang... dalawang linggo."

And probably with a broken heart...

Because in two weeks, the 100-day lodging agreement would finish and it's up to Quaro whether he'd like to have her still... or let her go as they initially agreed. Hihintayin niya itong magsabi. Ayaw niyang pati sa extension ay sa kaniya pa manggagaling. Pero kahit ano pa ang maging desisyon ni Quaro ay uuwi pa rin siya sa Mercedez upang kumustahin ang lagay ng lolo niya.

Hindi niya alam kung ano ang magiging kapalaran niya sa pagbalik niya sa Mercedez. Hindi pa rin siya papayag na ikasal sa taong hindi niya mahal, at kung ipagpipilitan ng lolo niya ay aalis na lang siya sa poder nito. Nakapagtapos siya ng pag-aaral at hindi magiging mahirap sa kaniyang maghanap ng trabaho.

"Hali ka na, Miss Kirsten. Pumunta na tayo sa tinitirhan mo."



***


NEXT >>

CHAPTER 26 –
The Knight In Tattered Jeans





A/N:

'Yong naka-hula d'yan na galing sa mayamang pamilya si Kirsten. May isang box ka ng Chuckie pag nakapasyal ako d'yan sa inyo! HAHAHAHA!

PS. Hayan ah, walang sabong sa chapter na 'to. LOL

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro