Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12 | Bothered By The Four-Letter Word


***


Biglang tuwid na tumayo si Kirsten matapos marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito'y naging mailap, ang morenang pisngi ay bahagyang namutla. Hindi ito nakasagot kaagad, kaya muli siyang nagsalita.

"Well?"

"W—Well what?" ulit nito, ang pansin ay ibinaling sa ibang direksyon.

"What are you hiding from me, and why is it so hard for you to be honest? Hindi ba at sinabi ko na sa'yong magpakatotoo ka? That's the only thing I want from you."

And he should throw her out of his house, shouldn't he? Dahil hindi nito sinunod ang patakaran niya, dapat ay palayasin na niya ito.

But why couldn't he? What's stopping him?

"T—Tingin mo ba talaga sa akin ay... sinungaling?"

"Hindi ba?"

"Syempre hindi."

"Then why are you stuttering?"

Lalong umuklo ang ulo nito. "Hindi ba ang mahalaga'y hindi ako kriminal at wala akong ina-agrabyadong tao? Kung may... itinatago man ako, iyon ay dahil nais kong panatilihing pribado ang buhay ko."

"You want to keep your privacy, and here you are, asking about my personal life." He tsked and turned his attention back to the stove. Inalis niya ang takip at nang makitang luto na iyon ay pinatay na niya ang stove saka kinuha ang omelette sa pan.

"Nobody in this town knew my full name, Kirsten."

He placed the omellete on the plate and then handed it to her. Nakita niya sa mukha nito ang pagkagulat na ikina-iling niya. Marahil ay napagtanto nito kung saan ito nagkamali kaya natigilan.

"Ikaw pa lang—maliban sa buo kong pamilya—ang nakaaalam ng buo kong pangalan. When I was still studying, my schoolmates called me Jaque, only my professors knew my complete name. And since I moved here in Montana, I never told anybody about it—the locals used to call me 'Jaque', dahil iyon ang unang pangalang ginamit ko rito. But when I built this shop, and I have my name printed on the signboard, people had started calling me Quaro. Pero wala ni isa man sa mga taga-rito ang nakaaalam ng buo kong pangalan. So... kung wala kang itinatagong lihim at hindi ka nagsisinungaling sa akin, how the hell did you learn my full name, Kirsten?"

Nanatiling tahimik si Kirsten; ang mukha'y patuloy na namutla.

"How exactly did you learn my full name? All my documents are stored in a safe which I'm sure you haven't opened, otherwise, the device would have sent me a signal. I only have two IDs; my passport which is also kept in the safe, and my driver's license which I have lost a long time ago. And I don't have social media—where the hell did you get the information?"

Kirsten opened her mouth to say something, but changed her mind and closed it again. Nakita niya ang mariin nitong paglunok bago ito yumuko upang ikubli ang pagkabahala sa anyo.

"See? You are hiding something, And you have been lying about everything. What exactly do you need from me?"

Umiling si Kirsten—nakikita niya ang magkahalong pangamba at pagkalito sa anyo nito. He had reached his limit, he was done with all her lies and pretentions. Alam niya—ramdam niyang may itinatago ito at nagsisinungaling, at sapat nang batayan iyon upang palayasin na niya ito nang sagayon ay matapos na ang lahat.

Pero... imbes na palayasin ito ay iba ang lumabas sa kaniyang bibig;

"Fine. I'll leave you and your lies alone—as long as wala kang dadalhing gulo sa buhay ko ay hindi kita pakekealaman."

Nag-angat ng ulo si Kirsten; ang anyo ay nag-bago. Nagkaroon ng... pag-asa.

"I won't invade your privacy as long as you stop invading on mine. You know by now how I hate to be with another person in my own place, let alone be questioned about my personal life."

Inilapag niya ang plato sa ibabaw ng mesa at nilampasan ito. Tinungo niya ang percolator, nagsalin ng kape roon at tubig. Ramdam niyang nakasunod ang tingin sa kaniya ni Kirsten, at nagpasiya siyang bigyan ito ng sapat na oras upang pag-isipang mabuti ang isasagot sa kaniya.

Naninibago siya sa sarili. Dapat ay pinalayas na niya ito, sa dami ng kababalaghan tungkol sa tunay nitong pagkatao, mga kasinungalingan, mga lihim, dapat ay pinaalis na niya ito para matahimik nang muli ang buhay niya.

But he couldn't.

Damn, he just couldn't.

At sana ay walang kinalaman ang inaakto niya sa halik na namagitan sa kanila kagabi.

"Hay naku."

Kunot-noo niya itong hinarap nang marinig ang inusal nito.

Kirsten pouted her lips when she turned her back on him and walked towards the stairs.

"May kukunin lang ako," anito bago umakyat.

Salubong ang kilay na pinanatili niya ang tingin sa hagdan; naghihintay sa muli nitong pagbaba. At hindi nga nagtagal na bumaba na si Kirsten, sukbit sa balikat ang school bag nito.

Lumapit ito sa kaniya at may inabot.

Bumaba ang tingin niya roon, at lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang pamilyar na card sa kamay nito. Kaagad niya iyong kinuha, sandaling sinuri, bago itinaas sa tapat ng mukha ni Kirsten.

It was his driver's license that he thought he'd lost a few months ago!

"Where did you find this?"

"Nakasiksik sa ilalim ng La Z Boy. Nahanap ko nang minsang naglinis ako."

His eyes narrowed in suspicion. "Hinanap ko na ito roon dati pero—"

"Pero hindi mo nahanap." Bumuntong-hininga si Kirsten. "Gusto mo na namang palabasin na nagsisinungaling ako?"

He was still not convinced, but he chose to go with her flow.

"Okay, so you found this and learned my info. Narito sa ID na ito ang araw ng kapanganakan ko pero nagpanggap ka kaninang hindi alam at nitanong pa ako. Why are you pretending, Kirsten? At bakit hindi mo ibinalik sa akin itong identification noon pa lang?"

Muling napanguso si Kirsten saka yumuko. "Gusto ko lang ng... remembrance."

"So, maliban sa sinungaling ay magnanakaw ka rin? Not to mention you have broken all my rules. God, now I have enough reasons to kick you out."

Kirsten suddenly raised her head in panic. Ang mga mata nito'y namilog sa nadinig. "Teka lang naman! Parang ID lang 'yan, ah? Maaari ka pa rin namang kumuha niyan ng panibago lalo at sa susunod na taon na rin naman ang expiration niyan! At iyong mga ingredients na kinuha ko sa pantry mo, ibinalik ko matapos kong bawasan—"

"Ah, Kirsten, you are getting into my nerves!" Muli niya itong tinalikuran. Inisiksik niya ang ID sa backpocket, kumuha ng mug sa cup board saka nagsalin ng kape roon. At habang nagsasalin ay napabuntong-hininga siya. "Gusto na kitang palayasin pero mas nangingibabaw ang awa ko sa sitwasyon mo."

Really, Quaro? tuya niya sa sarili. Awa ba talaga ang rason at hindi ang nangyari kagabi?

Shit.

"Fine," he said, "I'll give you one more chance." Ibinaba niya ang percolator at muling hinarap si Kirsten na tila nakahinga ng maluwag matapos marinig ang huling sinabi niya. "Pero simula sa araw na ito ay titigilan mo na ang pagsisinungaling at pangengealam mo sa pantry ko, otherwise, I'll kick you out."

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Kirsten, bago matamis na ngumiti. And that stunned him.

"Ang bait mo talaga, Quaro. Kaya love kita, eh." Pagkasabi niyon ay mabilis itong tumalikod at tinungo ang backdoor.

Lalo siyang natigalgal sa huling narinig. She said that four-letter word so nonchalantly like she was just greeting him a good morning. How could she say things like that so carelessly?

Hanggang sa makalabas si Kirsten ay hindi pa rin siya makausad. Tulala siyang nakatitig sa likod ng pinto at paulit-ulit na inisip ang mga sinabi ng dalaga bago umalis.

But wait... Why was he making it a big deal?


___________________________________________________________


Nang hapong iyon ay dumating ang truck na nagde-deliver ng mga ingredients niya sa pag-gawa ng tinapay. Naging abala siya sa pagtanggap niyon, at pag-aayos ng pantry katulad ng madalas na mangyari sa tuwing dumarating ang mga stock niya.

Buong araw siyang mag-isa sa shop dahil pumasok sa unibersidad si Kirsten.

Sa tuwing naaalala niya ito'y para siyang tandang na hindi mapakali. Bumabalik sa isip niya ang huling mga salitang lumabas sa mga labi nito nang umagang iyon.

"Ang bait mo talaga, Quaro. Kaya love kita, eh."

Kung tutuusin ay hindi na bago sa kaniya ang makarinig ng ganoon. How many girls in the past had told him that? Countless of them—kung hindi man sa mga letters at text messages ay harapang sinasabi sa kaniya, lalo na noong nag-aaral pa siya. And besides, naisip niyang kaswal na rin naman sa mga estudyante ngayon ang gumamit ng ganoong salita sa mga malalapit na kaibigan—he realized that the four-letter, cring word had become part of a casual talk nowadays.

Pero... bakit binabagabag siya ng salitang iyon mula kay Kirsten?

Pabalibag niyang ini-sara ang pinto ng pantry sa inis. Hindi niya alam kung bakit hindi siya pinatahimik ng mga huling sinabi ni Kirsten, at kung bakit ito ang laman ng isip niya buong araw.

Oh well, they kissed last night and he was not able to move on from it yet. At simula nang magdikit ang mga labi nila kagabi ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya tungkol sa dalaga. Kahit ang mga salitang kaswal lang naman ang pagkakasabi ay binibigyan niya ng kahulugan!

Ahh, fuck it.

"I'm home!"

Napa-pitlag siya nang marinig ang tinig ng babaeng kanina pa laman ng isip niya.

Dagli siyang lumingon sa pintong pumapagitan sa working station at kusina, at doo'y nakita niya si Kirsten na nakasilip ang ulo.

Dati-rati ay wala siyang pakealam kung nakauwi na ito, o kung nasa paligid. Pero ngayon ay bakit parang nag-iba ang pakiramdam niya?

"Missed me?'

At dati-rati ay kay daling sagutin ng tanong na iyon. Bakit ngayon ay tila siya natilihan, naguluhan, at nawalan ng salitang itutugon?

All he needed to say was No. What's the fuss, Quaro?

"Sabi nila, silence means yes."

Napa-kurap siya sa ini-dugtong ni Kirsten. He should be rebutting that, shouldn't he?

"Cat got your tongue?"

Natauhan siya sa huling sinabi nito. Malakas siyang tumikhim, umiwas ng tingin saka muling binuksan ang pinto ng pantry; nagkunwaring may hinahanap kahit wala naman. "Ang dami mong sinasabi."

"At wala ka namang maisagot."

Lihim siyang napabuntong-hininga. She's right; bakit nga ba wala siyang maisagot?

"May iniisip lang ako," aniya bago ini-sarang muli ang pantry at humakbang patungo shop. He went to the entry and stared at the empty space.

Anong gagawin niya roon? Malibang tapos na niyang iligpit ang lahat ng mga kailangan niyang iligpit doon ay madilim na ang area; wala naman siyang gagawin doon pero bakit ang shop ang hinayo niya?

At bakit tila siya natataranta?

Bakit siya... umiiwas?

Fucking hell, what's happening to me?!

"Siya nga pala, Quaro... Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako gumawa ng cake kagabi?"

Yeah, sabihin mo sa akin ang dahilan kaya ginawa mo ang bagay na naging sanhi ng pagkakaganito ko.

"Just spit it out," ang tanging nasabi niya.

"Birthday ko kasi ngayon."

Surprised, he turned to her.

"Why didn't you tell me?"

And since when did he start to care?

Nagkibit ng mga balikat si Kirsten. "Kailangan bang malaman ng landlord ko ang kaarawan ko?"

Ginaya niya ang ginawa nitong pagkibit-balikat. "Hindi mo ako landlord dahil hindi ka nagbabayad sa pagtira mo sa pamamahay ko—"

"Kung ganoon, ano ka? A good Samaritan?"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Sino pa ang naka-a-alam ng kaarawan mo maliban sayo?"

"Ako, si Papa, ang ilan sa mga kapitbahay namin noon, at mga dati kong ka-klase. Dito sa Montana ay ako lang, at ngayon ay alam mo na rin. So on my next birthday, that's 365 days from now, obligado ka nang batiin ako at bigyan ng regalo." Sinundan iyon ni Kirsten ng pagkindat.

On your next birthday? he repeated mentally. What made you think that you will still be around during that time?

Pero imbes na iyon ang sabihin ay iba ang lumabas sa mga labi niya, "Do you want to celebrate tonight?'

Kung anuman ang itsura ng mga bituing nagkikislapan sa langit tuwing gabi ay iyon ang nakita niya sa mga mata ni Kirsten. Tila ito pinagbuksan ng pinto sa paraiso kung kuminang ang mga mata nito sa galak.

"T—Talaga ba, Quaro?"

Wala sa loob na tumango siya. Sa puntong iyon ay hindi na niya maalis ang tingin sa mukha ni Kirsten.

It was always her eyes that stunned him. Kung hindi apoy ang nakikita niya sa mga iyon ay mga bituin naman. At kung bakit niya nakikita ang mga iyon ay hindi niya maipaliwanag.

But one thing's for sure...

He was captivated.

"What would you like to eat?"

"Kahit ano basta ikaw—I mean, luto mo."

He deliberately ignored her first sentence, ayaw niyang lalong guluhin ang isip.

"Okay, I'll cook and bake something for you as a birthday gift."

Umawang ang bibig nito sa pagkamangha.

"Do you like pasta?"

Ang mga mata ni Kirsten ay pinamunuan ng mga luha; na ikinalungkot niya sa pagkakataong iyon dahil naisip niyang labis siguro itong nalulungkot na ipagdiwang ang kaarawang hindi kasama ang ama. This was her first birthday without her father, and he felt sorry for her.

"Favorite ko ang lahat ng pasta dishes..." sagot ni Kirsten sa garalgal na tinig.

"Which sauce would you prefer? White or red?"

"Kahit ano basta may balls—I mean, meatballs."

"Spaghetti with meatballs, then?"

Tumango ito.

"Okay—manood ka habang naghahanda ako. You must learn how to cook—hindi habang buhay ay sunog na itlog ang kakainin mo."


­___________________________________________________________



Cheesy spaghetti with meatballs and red velvet cake—iyon ang mga inihanda ni Quaro para sa kaniya.

Una nitong ini-handa ang cake, at habang minamasa nito ang dough ay naroon siya't nakatunganga lang rito. She was silently watching him, which he preferred dahil ayaw raw nito ng maingay kapag nagluluto o may inihahanda sa kusina.

She was gaping at him like an idiot the whole time. She liked watching him cook in his kitchen as he wore his white apron and black headband. Seryoso itong gumagawa na tila nakasalalay sa iniluluto ang buhay nito. At naroon lang siya, nakatunganga, inililipat ang tingin sa mukha nito, sa maskuladong braso, at pababa sa maugat nitong mga kamay. At habang nakamasid siya'y hindi niya naiwasang mapalunok ng mariin.

Sa isip ay itinatanong kung anong parte pa ng katawan nito ang maugat.

Oh well, she could only guess...

Pina-una siya ni Quaro sa theater room at sinabihang doon maghintay. Dala ang isang bote ng red wine na ipinabitbit nito sa kaniya at humayo na siya.

Hindi nagtagal ay umakyat na nga ito— hawak-hawak sa isang kamay ang isang tray habang sa kabila naman ay ang red velvet cake na ginawa nito kanina.

Inilapag ni Quaro ang mga dala sa carpet, at napangiti siya nang mabasa ang pagbating ini-sulat nito sa ibabaw ng cake. Pero ang ngiti niya ay kaagad na nagmaliw nang makitang isang plato lang ng pasta at isang wine glass ang nakapatong sa tray.

Kakain akong mag-isa?

"Come here and blow your candle."

I'd rather blow something else...

She giggled at her own thoughts. Naupo siya paharap dito saka niyuko ang cake.

Si Quaro ay may inilabas mula sa bulsa ng suot na pantalon; an aluminum plated lighter. Gamit iyon ay sinindihan nito ang thin candle na nakatusok sa cake.

"There you go," he said after a while. Muli nitong ini-siksik sa bulsa ang lighter. "Make a wish and blow your birthday candle."

Sandali siyang napatitig sa kandila at pinagmasdan ang paglagablab ng apoy roon. She still couldn't believe Quaro would prepare something special for her birthday. Nang sinabi niya ang tungkol doon kanina ay wala siyang inasahang kung ano; ni hindi rin niya alam kung bakit niya sinabi ang totoo rito.

Was she feeling lonely today, kaya nagsabi siya rito para may isang taong bumati sa kaniya?

Maybe...

Suddenly, her throat contracted and her eyes welled with tears.

"Maraming salamat dito, Quaro. Hinding-hindi ko makakalimutan itong ginawa mo."

He said nothing and gestured at her to blow the candle. Tumango siya, ipinikit ang mga mata, saka tahimik na humiling.

I wish... to be part of Quaro's life—permanently..

She opened her eyes and blew the candle. Matapos iyon ay muli niyang sinalubong ang mga mata ni Quaro. "Sana matupad ang nihiling ko."

"Believe in it and it will surely come true."

Hindi niya napigilang ngumisi. "Amen, Quaro. Amen."

Hindi na ito sumagot pa at inusog na ang tray patungo sa kaniya. Muli niya iyong niyuko.

"Bakit iisa lang ang plato?"

"Wala akong gana."

"Oh. Akala ko pa man din ay magsasalo tayo at magsusubuan." She giggled at her own joke, while Quaro shook his head in amusement.

"You and your crazy jokes," anito bago ini-patong ang isang braso sa nakataas na tuhod. "Kailangan mong ubusin ang lahat ng iyan, including the cake."

"Hindi mo ako tutulungang ubusin ang cake?" Nalipat ang tingin niya sa red velvet cake—na bagaman hindi naman kalakihan ay siksik ang laman at siguradong hindi niya mauubos.

"I don't eat cakes."

Ang mga matang nakatutok sa cake ay umangat upang salubungin ang mga mata nito. She frowned. "Kahit mismong gawa mo?"

Umiling itong muli. "You probably didn't notice, but I don't eat the products I sell."

Napasinghap siya kasabay ng panlalaki ng mga mata. "May inilalagay ka bang gayuma sa mga tinapay mo kaya ganoon na lang ang pagkahumaling ng mga babae sayo at kaya hindi mo kinakain? Oh, I knew it!"

Sandali lang natigilan si Quaro sa mga sinabi niya bago ito natawa. At nang makita niya itong nakatawa ay siya naman ang sunod na natigalgal.

Iyon ang unang pagkakataong nakita niya itong nakatawa. Oh, he used to smile at her at the time when she was still a paying customer, but that changed when she started to use his shop as her stomping ground. Simula noo'y lagi na itong nakasimangot sa kaniya, o kung hindi man ay tila bato ang mukha sa tigas sa tuwing kausap siya.

Kaya ang makita itong nakatawa dahil sa sinabi niya'y naghahatid sa kaniya ng kakaibang saya.

"No, silly," wari ni Quaro makaraan ang ilang sandali. Tumigil na ito sa pagtawa at nakangiti nang nagsalita. "I don't eat them because I already know what they taste. At naumay na ako sa amoy nila kaya nawalan na ako ng interes na kainin pa. Besides, kulang pa sa mga customers ng shop ang mga tinapay, kaya bakit ko pa babawasan ng isa?"

Hindi siya nakasagot dahil hindi pa rin siya nakababawi sa nakitang pagtawa nito. Nanatili siyang nakatitig dito; tulala na parang loka.

Si Quaro, nang makita ang pagkatigalgal niya'y natahimik at nagseryosong muli.

Sandali silang nagtitigan; she was gaping like an idiot while Quaro was staring back with an empty face. None of them would take their eyes off each other; and she wondered what he was thinking.

Iniisip pa rin kaya niya ang tungkol sa nangyari kagabi?

Binabagabag din ba siya ng halik na pinagsaluhan namin katulad ng kung papaano niyon binagabag ang buong sistema ko?

Naniwala kaya siyang hindi ko maalala ang nangyaring iyon?

A deep sigh escaped her lips.

I wish I could you tell what I truly feel for you, Quaro...

Patuloy silang nagtitigan sa loob ng mahabang sandali, at para sa kaniya ay tila tumigil sa pag-ikot ang mundo. She could feel her heart thumping so hard, kaya hindi niya napigilang itaas ang isang kamay at dalhin sa tapat ng dibdib.

Sumunod ang mga mata ni Quaro roon—sandaling pinanatili ang tingin sa kamay niyang imbes na sa tapat ng puso bumaba'y sa kaliwang dibdib. At noon lang niya iyon napagtanto. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya, at bago pa man niya maitanggal ang kamay mula sa dibdib ay nauna nang umiwas ng tingin si Quaro.

"Eat your food," anito bago nag-akmang tumayo. Subalit naging maagap siya at pinigilan ang braso nito.

Nahinto nga si Quaro; ang mga mata'y bumaba sa kamay niyang nakahawak dito.

"Samahan mo naman ako hanggang sa maubos ko ang pagkain."

Ibinalik nito ang pansin sa kaniya. "I have other things to do."

"Pfft, alam ko na ang schedule mo kapag ganitong oras, 'no. Alam kong pagdating ng alas otso ng gabi ay naliligo ka na't natutulog."

"There you go—maliligo na ako at matutulog. So, finish your meal and wash the dishes afterward."

Subalit hindi siya bumitiw.

"Please?"



_________________________________________________________



NEXT CHAPTER >>

CHAPTER 13 – Flirtatious Phase



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro