Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Magaling Na Engineer

Dedicated to Klicel


***
ISANG ARAW namatay ang isang napakagaling na Engineer. Ngunit pagdating nya sa puting pintuan ng langit sya ay nasentensyahang ipadala sa Impiyerno. Noong nabubuhay pa sa lupa ang Engineer na ito, kinasanayan nya ang marangyang pamumuhay kaya naman hindi sya komportable sa kalagayan nya ngayun sa Impiyerno.. Napagdesisyunan nyang kausapin si Satanas at sinabi nya ang kanyang mga plano...

Hindi nagtagal, nagkaroon ng mga sumusunod sa Impiyerno:

~aircondtioning
~flush toilet
~escalator

Tapos may plano pa ang Engineer na magtayo ng Supermarket at Sinehan...

Isang araw, tinawagan ng Diyos si Satanas...

"O, kamusta na kayong mga taga- Impiyerno?"

"Heheheh masaya Bosing... Naka-jackpot ako sa Engineer na ni-reject ninyo!" nakangiting wika ni Satanas.

"Bakit?" tanong ng Diyos.

"Magaling pala ang Engineer na iyon. May aircon na dito sa Impiyerno. Sya rin ang gumawa ng escalator at flush toilet! Bukas ay sisimulan na namin ag supermarket, sinehan at spa.

"Natatandaan ko, sya ang Engineer na hinahanap ko noon pa dahil nagkamali si Saint Peter sa pagpapadala sa kanya sa Impiyerno. Sa langit dapat sya!" wika ng Diyos.

Biglang nagalit si Satanas...

"Hindi pwede yan! Hindi ko sya ibibigay sa Iyo. Dito lang sya. Marami pa kaming project na gagawin!"

"Aba't hinahamon mo ba Ako, Satanas ka?"

"Eh ikaw? Ano ba gusto mo?" sagot nya.

"Idedemanda kita kapag di mo ibinigay sakin ang Engineer na yan..!"

Natawa si Satanas...

"Har-har-har! Bosing, saan ka kukuha ng abogado?"

"What do you mean?" nagtaka ang Diyos.

"Narito silang lahat sakin, at hindi kita bibigyan kahit isa! Blehhh!!!!"
----


A;N
Wahahahh, nabasa ko lang po ito sa dyaryo.. Joke only.. Sa mga Engineers, wag pong magalit ha, peace tayo.. (*,*)

-marwa

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro