Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

HIS BOSS MA'AM|ALOUETTE VIÑAS

IT’S BEEN three months since I transferred to Hogar De Guererros University and I can say that things... turned out quite interesting.

Like for example I really didn’t expect that I’ll be good— great at class. I became one of the so-called role model in the university. Hindi ko kasi alam na may utak pala ako, ngayon ko lang na-discover.

Tama nga ako nang naisip ko na Mrs. Blair and Dagian are related. Dagian is actually Mrs. Blair's son and Mrs. Blair is my ninang and my mom’s ex rival but they became close friends. What a small world.

“Loulou!” mula sa pagsi-cellphone ay napatingin ako sa direksyon ng tumawag sa akin. It was Dagian, siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng “Loulou.”

Nakangiting kumaway ito habang papalapit sa pwesto ko. I smiled back and put my phone down, hinihintay siyang makarating sa pwesto ko.

Who would have thought that Dagian and I will become this close? Simula ng i-tour niya ako sa buong university, hanggang sa pagsabay niya sa akin ng lunch ay halos hindi na kami mapaghiwalay.

He is actually the president of the Archery club at inaya niya akong sumali doon. I really like archery because it is one of my hobbies, I signed up and ta-dah! I became his Vice president.

“Hey,” he said before sitting down next to me.

“Hey, himala late ka today ha?” pang-aasar ko sa kaniya kasi ayaw na ayaw niya ang nauunahan ko siya sa pagpasok kapag hindi kami sabay.

Tumawa siya at nilagay ang kaniyang bag sa kaniyang likuran pagkatapos ay ipinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat ko.

Binalewala ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya. I’m not denying to myself that I have a crush on him. Who wouldn’t? He’s sweet, Smart, handsome, gentleman, and he’s good at archery too!

Dagian is a walking green flag. He is actually my dream guy, he doesn’t know that I have a crush on him though.

“Si Dainah kasi nagpatulong pa sa akin sa project nila. Alam mo naman ang katigasan ng ulo no’n,” Dagian explained. Dainah is his little sister, she’s 7 years old and a brat but we like each other naman.

I hummed softly and was about to get my phone to calm myself. Paano ba naman ang puso ko ay halos lumabas na sa katawan ko at kinakabahan ako baka marinig niya.

Natigil ako sa pagkuha ng aking cellphone ng hulihin niya ang aking kamay ang ending ay parang naghoholding hands kami ngayon!

Namumulang napatingin ako sa mga kaklase namin na ngayon ay nakatingin na rin sa amin. Ang iba ay nanunukso ang tingin, merong masama at matalim ang tingin sa akin pero wala ni isa ang nagtangkang magsalita sa nakikita nila.

“Where do you wanna go later? Wala tayong archery mamaya at sigurado naman akong papayagan ka nila Tito at Tita,” sabi niya habang pinaglalaruan ang aking kamay na hawak hawak niya.

He already met my parents noong bumisita sila sa bahay. Nakita ko din ang kaniyang ama na si Tito Darion na napakagwapo kahit nasa 50's niya na. Tito Darion looks like a ruthless man, ’yong kapag tumingin sa ’yo ay laging galit at nangaakit. Nakuha ni Dagian ang ganoong tingin ng ama niya.

“Shopping?” hindi siguradong sagot ko. Inalis niya ang ulong nakasandal sa aking balikat pero ang kamay ko ay hawak niya parin.

Pinigilan ko ang pagsinghap ng mapansin na sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. He licked his lower lips while staring at my eyes.

Dagian, the fuck don’t do this to me.

“Shopping and then?” seryosong tanong niya.  Napaiwas ako ng tingin tapos ay nagkunwaring nag iisip.

“Let’s eat na din sa favorite restaurant mo,” sagot ko habang nakatingin sa table ko.

Dagian loves to spoil me. Naalala ko noong isang beses na nag-shopping ako tapos ay sumama siya.

Pagkababa ko ng hagdan ay nabigla ako nang makita ko siyang nakaupo habang kausap si Daddy.

“There she is!” sabi ni Dad ng makita niya akong pababa. Tumayo naman si Dagian at tumingin sa direksyon ko kasi nakatalikod siya sa hagdan kanina.

“Good morning, Daddy! Good morning, Dagian, What are you doing here?” I asked and greeted them before kissing my Dad on the cheek.

“Good morning! Well, Tito Louis and Tita Aliara asked me a favor if I can accompany you to the mall today.” he smiled sweetly. Napatunganga pa ako sa kaniya at natauhan lang ako ng tumikhim si Daddy.

“Sweetie, I know you won’t mind lalo na at mabait naman itong si Dagian.” tinignan ako ni Daddy naayroong pang-aasar. He knew I have a crush on Dagian that’s why!

“O-Of course...” mariin kong tinignan si Daddy habang may pilit na ngiti sa labi at siya naman ay nakangisi sa akin. Sige, Daddy. Isa kang traydor.

“Sige na, umalis na kayo. Dagian, ingatan mo ang Unica iha namin ha?” tinapik pa ni Dad ang balikat ni Dagian habang malawak ang ngiti sa labi.

“I will, Tito. Paano po alis na kami?” nakangiting sagot ni Dagian. Mabilis na tumango naman si Daddy at nagbabantang tumingin sa akin.

“Ikaw, Alouette Viñas, ’wag mong pahirapan si Dagian!” bilin niya habang nakatingin sa akin na may pagbabanta. Bumusangot naman ako at narinig ko pang tumawa si Dagian sa aking tabi.

“Dad! Ang kulit mo po, aalis na kami. Tell mom to text me if she meron siyang gustong ipabili sa akin,” sabi ko at hinalikan siya muli sa pisngi.

Nadaanan namin ang mga kasambahay na nanunukso ang tingin at ngiti, nangunguna pa si Nana. Nang makasakay na kami sa kotse niya ay nakabusangot parin ako.

Kumaway pa si Dagian sa kanila bago sumasakit sa driver’s seat, natawa pa siya nang makita ang nakabusangot kong mukha.

“What’s with the face?” tanong niya habang kinakabit ang seat belt ko. I scoff and roll my eyes.

“Sila Daddy kasi!” pagsusumbong ko. Tumawa naman si Dadian at ginulo ang buhok ko.

“Hey, my hair!” I pinched his arm. Umiling na kinabit niya din ang seat belt niya bago ay pinaandar ang sasakyan.

“I’ll stare, you’ll drive, Okay?” pagpapaalala ko.

“Yes, Boss Ma’am!” sagot niya at sumaludo pa. Dagian had this habit kasi na kapag nagda-drive ay hindi siya pwedeng istorbohin kasi nawawala ang focus niya.

I remember last time noong sabay kami papunta ng school I talked to him at nawala focus kiya sa pagda-drive, muntik pa kaming makabangga ng aso. Kaya kapag kasama niya ako at nagda-drive siya ay tumitig lang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa pupuntahan namin.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagdadrive siya. Why is he so gorgeous? Napatingin ako sa mga kamay niya na nasa manibela. Napalunok ako ng makita kung gaano kalaki ang kaniyang kamay at napakahaba ng kaniyang mga daliri. Lumalabas din abg mga ugat sa kaniyang kamay habang nagmamaneho.

Nakarating kami sa mall na sabog ako. Umayos lang ako ng makita ang favorite brand ko kaya dali-dali ko siyang hinila papunta doon, nakangiting nagpahila siya sa akin habang ang isang kamay niya ay nasa isang bulsa ng pantalon niya.

“Ano ang mas maganda? This or this?” tanong ko sa kaniya na nakatingin sa akin habang nakangiti at ang dalawang kamay niya ay nasa mga pulsa ng pantalon niya na. He looks like a supermodel to be exact.

Tinignan niya ang dalawang dress na hawak ko. The first one was a Bohemian dress habang ang isa ay isang white off shoulder dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko.

“Both,” he answered. Napanguso naman ako at hinawakan ang dalawang dress sa isang kamay ko nang kunin niya ’yon kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya.

“Ako na ang hahawak para hindi ka mahirapan,” sabi niya at ngumisi pa. Namumulang tumango nalang ako.

Ilang minuto na kami rito ay hindi ko man lang narinig na nagreklamo si Dagian, nakangiti lang siya buong oras.

Ako ang kumukuha at pinapapili ko siya pero laging both ang sagot niya. No’ng tinanong ko siya kung bakit ang sagot niya lang ay “Bagay sa iyo ang lahat. Who am I to lie?”

Napagod na ako sa pagpili ay napagpasyahan na naming bayaran ang mga gusto ko na hawak niya lahat, dagdag pa ang malagkit na tingin sa kaniya ng mga saleslady sa loob ng store kaya mas gusto ko talagang umalis.

“Total of 14,673, Sir. Cash or card po?” maharot na tumingin pa ang cashier sa lalaking kasama ko na nakangiti lang kaya uminit ang aking ulo.

“Excude me, Miss. Ako ang bibili hindi siya, focus on your work. Ihiwalay mo ang kaharutan mo sa trabaho mo,” mataray na sita ko. Namula naman agad ang cashier at humingi ng paumanhin.

“Here’s my card—” natigil ang pagabot ko ng credit card ko sa kaniya ng unahan ako ni Dagian. Holy hell, is that a black credit card?

“Sorry for my Boss Ma'am’s behavior. Ako na ang magbabayad ng mga napili ng Boss Ma’am ko,” nakangiting sabi ni Dagian. Namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. Boss Ma'am NIYA? AKO? napayuko ako at ngumiti.

Simula no’n ay siya na palagi ang sumasama sa akin kapag may lakad ako at kahit kailan ay hindi siya nagrereklamo. He’s always sweet and gentleman.

Napaayos ako ng upo nang pumasok ang teacher namin gano’n din ang iba naming kaklase maliban kay Dagian na nakatitig sa magkahawak naming kamay. Nagtangka pa akong bawiin ang aking kamay pero mas hinigpitan niya lang ito at ibinaba kaya ngayon ay natatakpan na ng aming mesa ang magkahawak naming mga kamay.

Nakangangang pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ngumiwi lang ay at nilagay ang kaniyang hintuturo sa gitna ng kaniyang mga labi.

“Ssh, Boss Ma'am, no one will know.” kinindatan niya pa ako bago ay tumingin sa hapat kung saan kasalukuyang nagtuturo ang aming guro.

Oh, Dagian...

——

Dagian- Dey-gi-an.

Alouette- A-lou-wit

Dainah- Da-ya-na.

Louelou- Loh-loh

Louis- Lo-wis

Aliara- A-li-ya-ra

Blair- Bleyr

Darion- Dar-yon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro