Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Milk Monster

Hindi lahat ng gatas ay masustansya...

LAHAT ng mga matang maligaw nang tingin kay Lady Rose ay tiyak na magugulat. Ang dalawang dibdib ba naman niya ay literal na kasing laki ng pakwan. Agaw-pansin at talagang takaw tingin.

Sa labas ay parang magnetang dumidikit ang paningin ng mga tao sa tuwing mapapalapit kay Lady Rose.

Parang may gayuma na hinuhugot ang titig ng sinumang makasalubong.

Kapag tumakbo siya, parang mga bolang tumatalbog-talbog.

Marami ang nagtatawa. Marami rin ang napapaisip. May sakit ba ito? Bakit ganoon na lang kalaki ang dibdib nito?

Ang mga babaeng mala-pader ang dibdib ay hindi nakaramdam ng inggit sa dibdib ni Lady Rose. "Hindi na baleng wala kaming dede, huwag lang sana ganyan kalaki! Pagtanda n'yan aabot hanggang lupa ang lawlaw n'yan!"

Labas lang sa kabilang tainga ang lahat ng matitinik na salitang natatanggap ni Lady Rose. Palibhasa'y mas malaki pa ang kanyang dibdib sa kinabukasan ng mga ito kaya idinadaan na lang sa pangungutya.

"Mamatay kayo sa inggit!"

Kung mayroon mang naaakit sa 'the great giant' niya, ito ay ang mga lalaking maharot at puro kalibugan ang laman ng utak.

"Hey girl! Remember me?" asik sa kanya ng isang matangkad na lalaking kahawig ni Johnny Sins. Ang pangalan niya ay Gabriel.

Napahinto sa paglalakad si Lady Rose at pinagmasdang mabuti ang lalaki. Saglit niyang binitawan ang hawak na cart nang maalala ito. "Yes I remember you! Gabriel, right?"

"Wow! Akala ko nakalimutan mo na ako!"

"Sino ba naman ang makakalimot sa 'yo? Ikaw kaya ang Johnny Sins ng Pilipinas! He's my ultimate crush kaya nga nang makita kita, parang tinamaan na rin ako sa 'yo."

Ang lakas ng tawa ng lalaki. "Woah! Great to hear that! By the way, ano pala'ng ginagawa mo rito sa grocery?"

"Eh, di namimili malamang! Gagawa kasi ako ngayon ng salad."

"Really? Wow! I love salad!"

"Why don't you come with me? Para matikman mo ang salad ko."

"Hmmm... Parang iba ang gusto kong matikman, eh," parinig ni Gabriel, "pero sige sasama na ako!"

"Good!"

Iyon lang at inuwi nga ni Lady Rose ang lalaking nakilala niya sa club noong nakaraang linggo.

Pinanood lang siya ng lalaki habang ginagawa ang mga sangkap ng fruit salad. Pagkatapos niya ay naupo sila sa sofa sa sala at doon nag-usap.

"Ano ba'ng sikreto ng napakalaki mong bobelya?" maharot na tanong sa kanya ng lalaki, sabay hawak sa legs niya.

"Well, I was born this way."

"Sure? Hindi ka ba nagpa-injections lang?"

"I never do that! Kahit marami akong pera, wala akong pinagawa sa kahit anong part ng body ko. Lahat ng nakikita mo sa akin ay natural. Fresh from the farm!"

"If you say so." Inilapit ng lalaki ang kanyang mga labi sa mukha ng babae.

"Alam mo, medyo nanghihina ako ngayon, eh! I think kailangan ko makainom ng gatas para sumigla ako. Can I taste your milk?"

Nagpakawala ng mapanuksong ngiti ang babae. "Well, hindi lahat ng gatas ay masustansya. Ipapatikim ko sa 'yo ang gatas ko, pero huwag kang magsisisi sa magiging kapalit, ha?"

"Wala akong pagsisisihan. I've never been so sure in my life before. All I want is to taste your milk."

Sandali pa, makikita na ang lalaking pinupunit ang pink na sandong suot ng babae. Saka niya iginapang ang kanyang dila sa malulusog nitong mga dibdib.

Napapikit naman si Lady Rose at sinabayan ng ungol ang bawat gapang ng agresibong dila ni Gabriel.

Sa tindi ng nagbabagang temptasyon sa katawan ni Lady Rose, hindi niya naiwasan ang paglabas ng gatas sa kanyang dibdib na agad namang sinalo ng bibig ni Gabriel.

Bawat patak ng gatas ay dinidilaan ni Gabriel.

Hindi nga siya nagsisi. Mas masarap pa ito sa lahat ng gatas na natikman niya. May kakaiba itong tamis na habang tumatama sa dila niya ay lalo siyang ginagayuma.

Halos kagatin na niya ang dibdib ng babae.

Nang maubusan ng katas ay saka pa lang nahinto ang dalawa. Inabot ng ilang oras ang kanilang maiinit na sandali.

"I think matigas na 'yong salad sa fridge. Siguro iyon naman ang tikman natin." Kinuha ni Lady Rose ang salad at pinagsaluhan nila ng lalaki.

Nang mabusog si Gabriel ay nagpaalam na siyang uuwi. "I think I need to go home now. Malayo pa ang uuwian ko at maggagabi na pala. Thank you for your milk, Lady Rose!"

"You're fucking welcome, baby!"

MASAYANG umuwi si Gabriel sa condo niya. Inabutan niyang natutulog na sa kama ang girlfriend niyang tila kanina pa naghihintay sa kanya.

Pagkabihis ng damit pantulog ay dahan-dahan siyang tumabi sa kama at niyakap ang kasintahan.

Sindak kinabukasan si Gabriel nang magising. Binalot siya ng pagkagimbal nang makita ang sarili na dumoble ang laki at halos sakupin na ang buong kama.

Hindi na siya makatayo sa ganoong kalagayan. Pati ang girlfriend niya ay napaiyak nang makita siya. "Ano'ng nangyari sa 'yo, Gabriel!"

Lumabas saglit ang babae para humingi ng tulong. Naiwan mag-isa si Gabriel sa condo na lalo pang lumalala ang kalagayan.

Ramdam niya sa sarili na lalo pang lumalaki ang kanyang katawan. Parang lobo na palaki nang palaki at anumang sandali ay biglang sasabog.

Kalahating oras ang lumipas bago nakabalik sa condo ang nobyang si Lana. May kasama siyang dalawang guwardya at grupo ng medical team.

Ngunit pagbalik nila sa kuwarto, isang nakakahilakbot na eksena ang bumungad sa kanila.

Nagkalat sa paligid ang iba't ibang bahagi ng katawan at lamangloob ni Gabriel. Sa tindi ng pagsabog ng katawan nito ay halos mapinturahan ng dugo ang buong kuwarto.

Sindak na nagsisigaw si Lana at bumigay ang mga tuhod sa sahig. Bakas din ang kilabot sa anyo ng mga kasama nito.

Naging isang malaking palaisipan ang nangyari kay Gabriel. Walang makapagsabi kung paanong lumobo nang ganoon kalaki ang katawan nito at sumabog na parang bomba.

Pati mga gamit nila sa kuwarto ay nawasak.

NATAWA lang si Lady Rose nang mapanood ang balitang iyon. Sanay na siya sa ganoong mga balita. Lahat kasi ng mga lalaking nakatikim ng gatas niya ay ganoon ang sinasapit.

Hindi na nga niya mabilang kung ilan na ang biktima niya, kabilang na rito si Gabriel.

SA SUMUNOD na araw, may bagong lalaki na nakilala si Lady Rose. Ito ay ang delivery boy na si Romel.

Um-order siya ng gas noong isang araw at ang lalaking ito ang naghatid sa bahay niya. Tulad ng mga naunang lalaki, nabihag din ng maalindog na dibdib niya ang kiliti ng lalaking ito.


Inimbitahan niya ang lalaki na maki-sleepover sa bahay niya. Alas-siete ng gabi ito nakarating at may dalang bag na naglalaman ng pagkain at damit pantulog.

"Hindi ka na sana nag-abala pa. Marami naman akong pagkain dito."

"Sorry! Hindi ko alam, eh." Sa ngiti pa lang ng lalaki ay litaw na ang pagkamanyak. Mabilis itong naghubad at boxer shorts lang ang itinira.

Sabay na bumagsak ang katawan nila sa kama at doon nagsimula ang lahat.

Natagpuan na lang ni Romel ang sarili na sinasalo sa dila ang bawat gatas na inilalabas ng dibdib ni Lady Rose habang sumasabay ang maharot na musika sa radyo.

Boobs scary boobs scary boobs

Every time I see you

Boobs scary boobs scary boobs

I want to know you

Boobs scary boobs scary boobs

Hope you feel the same too

And I go boobs scary-cary-cary boobs

I think I love you

Busog na busog ang lalaki sa gatas. Pagkatapos nilang paglaruan ang isa't isa ay hindi na nakabangon sa pagod ang lalaki.

"Romel, I just wanna ask a question." Tumabi sa kanya si Lady Rose.


"Ano 'yon, babe?"

"Paano kung isang araw bigla ka na lang sumabog at mamatay? What will you do?"

"What will I do? Ano pa ba ang magagawa ko kung mamamatay na ako? Siyempre wala na. Ano bang klaseng tanong 'yan?"

"Wala naman. Sinusumpong lang siguro ako ng kawirduhan ko." Bumangon ang babae at akmang lalabas na sa pinto nang pigilan siya ng lalaki.

"Teka, saan ka pupunta?"

"Doon ako matutulog sa kabilang kuwarto."

"Ano? Iiwanan mo 'ko rito? Ano pang silbi na pinatulog mo ako sa bahay mo kung hindi ka naman pala tatabi sa akin!"

"Just enjoy your night. Malay mo huling gabi mo na 'to. If you want to extend your life, don't sleep tonight."

Natawa lang ang lalaki. "Alam mo, ang weird mo talaga! Kaya nga gustong-gusto kita, eh!"


"I like you too. Good night!" Nag-flying kiss pa ang babae bago lumabas ng kuwarto.

Kinaumagahan, pakanta-kantang nagtungo sa kusina si Lady Rose at kinuha ang isang pakwan sa pridyider.

Inilapag niya ito sa lamesa at gamit ang kabilang dibdib, ipinukpok niya ito sa pakwan hanggang sa mahati sa dalawa.

Ganoon kalakas ang malulusog na dibdib ni Lady Rose. Kahit anong prutas ay kaya niyang hatiin gamit lang ang dibdib niya.

Hiniwa niya sa maliliit na piraso ang pakwan at kumuha ng isa. Sunod naman siyang nagtungo sa kuwarto kung saan natutulog si Romel.

Napamulagat na lang siya nang makita ang lumobong katawan ng lalaki. Naging dambuhala sa sobrang taba ang katawan nito.

Bakas sa anyo ng lalaki ang pagkasindak. Sino ba naman ang mag-aakalang sa paggising niya ay ganoon na kalaki ang katawan niya. Halos maiyak siya sa naging kalagayan.

"Bakit nagkaganito ako?" mangiyak-ngiyak na bungad ni Romel kay Lady Rose na nakatayo sa harap ng pinto.

"I warned you, Romel. Sinabi ko nang huwag kang matutulog para hindi mangyari sa 'yo 'yan. Pero hindi ka nakinig sa akin kaya sorry na lang."

"Ano? Ano bang sinasabi mo?"

"You know? Never pa akong nagmahal ng lalaki sa buhay ko. Never ako naging seryoso sa love life ko. Nakasanayan ko nang paglaruan ang mga lalaking tulad mo. I love playing games!"

"Ano bang pinagsasabi mo! Ano ba'ng nangyayari sa akin?"

"Don't you get it? Iyan ang epekto ng gatas ko! Kung hindi ka lang sana natulog kagabi, hindi sana aabot sa ganyan. Pero hindi ka nakinig sa biro ko kaya sorry na lang talaga!"

"Nababaliw ka ba?" hindi na alam ni Romel ang nangyayari. Gulong-gulo ang isip niya.

"I don't need to explain anything, Romel. Isa lang ang gusto kong sabihin sa 'yo. I love cheating on men!" Sabay kagat sa pakwan na hawak niya.

"Oh! I almost forgot!" Dinukot ni Lady Rose ang cellphone sa bulsa at kinuhanan ng video ang lalaki.

"I don't wanna miss this moment. Gusto kong makita nang harapan kung paano sumabog ang katawan mo."

"Hindeeeee!" Naramdaman ni Romel ang lalong paglobo ng kanyang katawan, mula sa tiyan, braso, binti, leeg.

Lumobo nang lumobo, lumaki nang lumaki, halos hindi na makapagsalita ang lalaki.

Hindi nagtagal ay parang bomba na sumabog ang katawan nito. Maraming mga gamit ang nawasak. Nagtalsikan sa paligid ang dugo at mga lamangloob.

Pati si Lady Rose ay naligo sa sumabog na dugo ng lalaki. Buti na lang at nakuhanan niya ng maayos sa video ang eksaktong pagsabog ng katawan nito.

"That's disgusting!"

Nang sumunod na araw, in-upload ni Lady Rose sa internet ang video ng lalaki gamit ang kanyang anonymous account.

Madaling nag-viral ang video at kumalat sa iba't ibang website. Nakarating pa nga ito hanggang sa dark web.

Naging malaking misteryo sa mga nakapanood kung paano sumabog nang ganoon ang katawan ng lalaki, at kung bakit naging ganoon ito kataba.

Pati ang siyensiya ay walang maibigay na paliwanag.

Walang kaalam-alam ang buong mundo kung bakit maraming mga lalaki sa balita ang naitalang tumataba nang sobra-sobra at mauuwi sa pagsabog ang katawan.

Hindi nila matukoy kung isa ba itong sakit, epidemya o sumpa.

Habang binabalot ng pagtataka ang utak nila sa kakaisip ng posibleng dahilan, si Lady Rose naman ay abala sa kama habang may kalampungan na bagong lalaki.

Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro