Lakas ng Tama Pero Di Wasak
PAUWI ng bahay si Lolita Bangs dala ang isang sako na may lamang aso. Nagwawala pa ang aso at bakas sa tinig ang nararamdamang hirap. Kung nakakapagsalita lang ito, tiyak na aaray talaga ito.
Sino ba namang nilalang ang hindi aaray kapag kinaladkad habang nasa loob ng sako? Para sa mga hayop, oo. Pero kay Lolita Bangs, normal na senaryo na lang ito.
Matagal na niyang ginagawa ang pagdukot sa mga ligaw na hayop para kainin nang buhay. Mas natatakam siya kapag sariwa at gumagalaw pa ang pagkain.
Nilapag niya sa lamesa ang sako at kinuha roon ang aso. Iginapos niya ang mga paa nito upang hindi makawala.
Kinuha lang ni Lolita Bangs ang mga gamit na panghiwa sa aso saka niya itinutok ang camera sa harap niya.
First time niyang gagawin ang Mukbang Challenge na nauuso ngayon sa iba't ibang bansa. Una itong sumikat sa South Korea bago naging trend sa buong mundo.
Isa itong online audiovisual broadcast kung saan kumakain ang host ng iba't ibang pagkain sa harap ng camera habang nakikipag-interact sa mga audience.
May isang YouTuber nga na nagngangalang Ssoyoung ang nag-viral dahil sa pagkain nito ng buhay na octopus at iba't ibang seafood.
Marami ang bumabatikos dito dahil sa diumano'y animal cruelty na ginagawa nito.
Likas nang kinakain ng tao ang seafood pero sana'y patayin na lang sa mabilis na paraan at hindi na kailangang pahirapan.
Dahil tulad ng tao, ang mga hayop ay may damdamin din at nararamdaman nila ang sakit habang kinakain sila ng buhay.
Pero hindi uso ang ganoong usapan kay Ssoyoung. Talagang live nitong ipapakita sa camera kung paano isubo ang mga galamay ng octopus na nagwawala pa sa bibig niya.
Marami sa online ngayon ang gumaya rito at tumikim din ng buhay na mga seafood.
Pero dahil gusto ni Lolita Bangs na maging kakaiba ang mga content niya sa online, naisipan niyang buhay na mammals ang kainin sa halip na seafood.
Sikat din sa online si Lolita Bangs dahil sa mga makeup tutorial niya pati sa pagsuot ng iba't ibang outfit na nagpapakita ng Pastel Goth fashion.
Ngunit ang hindi alam ng mga tao ay nagmula siya sa pamilya ng mga kumakain ng buhay na hayop. Isa na itong malalim na tradisyong sinusunod nila hanggang ngayon.
"Hello sa lahat! This is your girl Lolita Bangs, and this is my first time to do the Mukbang Challenge guys! Nakikita n'yo ba itong aso sa harap ko? Ang dumi niya 'no? Galing kasi sa lansangan 'yan. Mamaya ay titikman natin ito pero bago iyon dapat muna natin siyang linisin."
Pinaliguan ni Lolita Bangs ang aso habang nakagapos ang mga paa. Ibinuhos niya ang isang balde ng tubig sa buong katawan nito.
Nagwala ang aso at kinagat ang kabilang kamay niya. Umiyak na parang bata si Lolita Bangs saka hinampas ng pamalo ang ulo ng aso. "Aray ko! Kinagat ako ng aso, diyos ko po! Sobrang sakit guys! Mas masakit pa sa breakup!"
Doon nagsimulang magtaka ang mga viewers na nanunuod sa kanya ng live.
"Teka, ano'ng nangyayari? Bakit ginaganyan mo 'yong aso? Kawawa naman!"
"Oy, huwag mo naman paluin 'yong aso!"
"Are you fucking serious, Lolita Bangs? This is not the content I'm expecting from you!"
Kinuha ni Lolita Bangs ang isang itak at itinutok sa ulo ng aso. "This is it, guys! Titikman na natin ang doggy na ito. Pero bago ang lahat, don't forget to share, subscribe, and click the notification bell for more updates. Without further do let's get started!"
Binuksan ni Lolita Bangs ang isang radyo na nasa bandang likuran niya. Mas ginaganahan siyang kumain kapag may musika sa paligid.
Saktong pinatugtog sa istasyon ang kantang BAAM ng Momoland na isa sa mga paborito niya. Napasayaw pa siya habang nilalaro ang hawak na itak.
"Okay, okay, magsimula na tayo!"
Marahang hinawakan ni Lolita Bangs ang ulo ng aso saka tinabas ang kabilang tainga nito. Lalong nagwala ang aso at halos tumirik ang mga mata.
Dinig na dinig hanggang sa online ang pagtangis nito na parang baboy na kinakatay.
Sariwa pa ang tainga na isinubo ni Lolita Bangs at nginuya-nguya. Nanlaki ang dalawang mata niya habang nakatitig sa camera.
"Medyo malambot siya sa bibig pero mahirap nguyain, guys. Hindi siya agad-agad nadudurog pero masarap siya."
Sunod niyang binutas ang tiyan ng aso para tikman ang lamang-loob nito. Habang hinihiwa ang tiyan ay muling nagwala ang aso at lumakas pa ang pagtangis.
Unti-unting tumulo ang sariwang dugo habang bumubulwak ang mga laman. Si Lolita Bangs naman ay umiiyak habang binubutas ang tiyan ng nagwawalang aso.
Bakas ang takot sa mukha niya at kung umasta ay parang siya ang biktima.
Ang live video tuloy niya ay inuulan na ng batikos.
"Hoy! Animal cruelty na 'tong ginagawa mo! Hindi ka man lang nahiya at baka may bata pang makapanood dito?"
"Tang ina mo ire-report ko 'tong channel mo hayop ka! Mas masahol ka pa sa hayop, gago!"
"Baliw yata 'tong babae na 'to, ah. Sa dami ng puwedeng kainin bakit 'yong aso pa? Wala ka na bang makain dahil sa quarantine?"
Hindi pansin ni Lolita Bangs ang mga batikos. Patuloy lang siyang umiiyak at sumisigaw habang kinakatay nang buhay ang aso sa harap ng camera.
"Naku po! Naku po! Tingnan n'yo 'yong dugo, guys! 'Yong dugo tumutulo na sa bibig niya! Nakakadiri, diyos ko po! Oh my god! Oh my goooooood! Ayoko na!"
Diring-diri at takot na takot si Lolita Bangs sa nangyayari sa aso pero hindi siya natatakot sa sarili niyang ginagawa pati sa reaksyon ng mga taong nanonood sa kanya.
"Ang lakas din ng tama mo, ano? Kaya pinarurusahan na ng Diyos ang mundong ito dahil sa mga taong katulad mo!"
"Bakit pinapanood n'yo pa ito? I-report n'yo na lang at dapat makulong ang babae na 'yan!"
"Dalhin na sa mental 'yang putang inang 'yan! Hindi man lang naawa sa aso. Hindi yata mahal ng mga magulang niya 'yan kaya nagkakalat ng kabaliwan sa social media!"
Kahit anong batikos pa ng iba ay walang talab kay Lolita Bangs. Ni wala nga siyang reaksyon kahit puro angry emoticons na ang lumilipad sa screen. Puro mura na rin ang inaabot niya sa mga viewers pero tuloy pa rin ang show niya.
Sunod-sunod na isinubo ni Lolita Bangs ang mga laman at bituka ng aso. Parang pancit na unti-unti niyang hinigop sa bibig ang mahahabang mga laman habang dinidilaan sa daliri ang mga dugo.
"Napakalambot niya! Yun nga lang medyo mahirap talaga siya nguyain dahil matagal bago madurog pero masarap talaga, guys."
Nagwawala pa rin ang aso ngunit mahahalata na sa kilos nito ang panghihina. Bilang na lang ang hiningang lumalabas sa bibig nito. Patuloy pa rin ito sa pag-ungol na tila nagmamakaawa.
Kinuha ni Lolita Bangs ang isang mas malaking itak at itinutok sa leeg ng aso.
Nagsimula na namang umiyak si Lolita Bangs habang dahan-dahang hinihiwa ang leeg ng aso.
Napapaiyak siya dahil nababahiran ng dugo ang mga kamay niya. Diring-diri siya sa sariling anyo nang mga oras na iyon.
"Dapat pala nagsuot ako ng gloves! Nakakadiri, promise! Nadumihan tuloy itong skin ko," mas matindi pa ang pag-iyak ni Lolita Bangs kaysa sa aso. Umiiyak siya dahil nadumihan ang makinis at maputi niyang balat.
Bumagyo na ng batikos ang comment section ng live video niya. Kulang na lang ay pasukin ng mga taong ito ang camera para sabunutan at dumugin siya.
"Hoy babaeng baliw! Iiyak-iyak ka pa d'yan ikaw na nga itong nagto-torture ng hayop? Ang lakas talaga ng tama mong haliparot ka! Putang ina ka! Kung makapunta lang ako d'yan ikaw mismo ang kakatayin ko at ipapakain sa mga aso!"
"I'm praying for your soul. Hindi mo alam ang ginagawa mo. Diyos na ang bahala sa 'yo."
"Please someone report this to the police! Ang lakas ng loob na i-live ang pagpatay niya sa aso! Dapat talaga ipatupad na ang death penalty sa Pinas at iyang Lolita na 'yan ang unang bitayin!"
Itinaas ni Lolita Bangs ang kamay habang hawak ang napugot na ulo ng aso. Inilapit pa niya ito sa camera at ipinakita ang lawit nitong dila.
"Nakikita n'yo ba ito, guys? Nakakadiri, grabe! Pero titikman din natin kung masarap ba itong head part niya."
Dinukot ni Lolita Bangs ang dalawang mata ng aso saka isinubo. Muli siyang tumitig sa camera habang nginunguya ang sariwang mata.
"Medyo mapait ito, guys! Hindi ko gutso 'yong lasa!" Tinikman din niya ang iba pang bahagi ng ulo ngunit hindi siya naging satisfied sa lasa nito.
"Wala akong mahanap na delicious part sa ulo ng aso. I don't know kung ganoon ba talaga ang lasa o baka dahil hindi lang luto. Pero I think hindi talaga masarap itong head part, guys. Balat na lang itong kinain ko pero 'yong laman medyo ayaw ko."
Binitawan niya ang ulo ng aso na halos buto na lang ang natira. Hindi raw masarap pero naubos pa rin niya. Malakas lang talaga ang tama ni Lolita Bangs.
Nilakihan niya ang hiwa sa katawan ng aso at inilabas ang mga lamang-loob. Nagkalat pa ito sa lamesa at tumulo ang dugo sa sahig.
Muling umiyak si Lolita Bangs na parang bata habang pinagmamasdan ang gutay-gutay na katawan ng aso.
Siya na ang pumatay rito pero nagawa pa rin niyang iyakan. "Kita n'yo ba 'tong body ni doggy, guys? Wala na siya. Patay na siya. Nakakaawa 'yong hitsura ng katawan niya ngayon. Hindi ko maiwasan maging emosyonal, pasensiya na!"
Hindi napigilan ni Lolita Bangs ang pagtulo ng mga luha. Hindi naman niya magawang punasan dahil puno ng dugo ang dalawang kamay niya.
"I'm sorry. Masyado lang talaga akong emotional, guys. Pero don't worry mahal na mahal ko kayo," sabi pa niya sa mga viewers na halos isumpa na siya.
"Hoy tarantado ka! Ikaw pa talaga ang umiiyak daig mo pa ang namatayan! Kung sa 'yo ko kaya gawin iyan tapos ikaw ang iiyakan ko. Matutuwa ka ba?"
"Grabe this is too much of an animal abuse! Kung anu-ano na lang ang kinakain ng mga ito kaya lalong dumadami ang virus, eh!"
"Sana naman hindi mo na ipinublic 'yong ganitong video. Sa tingin mo may natutuwa d'yan sa ginagawa mo? Dahil dito dapat talagang gawin na ulit ang death penalty! Hindi sapat dito ang ikulong lang!"
Inilapit ni Lolita Bangs ang sarili sa camera saka pinapak ang mga lamangloob. Ang lalaki pa ng mga subo niya. Para siyang dayukdok na gustong isilid sa bibig ang lahat ng laman. Kahit mabulunan ay hindi pa rin humihinto sa pagnguya.
Nilagay niya sa malaking container ang mga natira at isinilid sa pridyider. Hindi na niya ito maubos kaya ilalaan na lang niya para bukas.
Naglabas siya ng Drinking Jar at dalawang bote ng red horse. Ibinuhos niya ang laman ng dalawang bote hanggang sa mapuno ng alak ang Jar.
Nilagyan niya ito ng yelo at hinalo-halo gamit ang malaking kutsara. "Nauhaw ako sa kinain ko, grabe!" Tinungga niya ang Jar na naglalaman ng red horse beer. Ininom niya ito na parang softdrinks. Diri-diretso. Walang hinto-hinto.
Ganoon katibay ang sikmura niya.
"So guys, dito na nagtatapos ang ating first Mukbang Challenge. Grabe, sobrang sarap nung kinain ko. Talagang nabusog ako roon kita n'yo naman itong tiyan ko halos hindi na 'ko makahinga. Pero sulit naman dahil napakasarap ng natikman nating aso. Anong animals naman sa susunod na video ang gusto n'yong tikman ko? Pusa? Ahas? Daga? Ibon? Kabayo? Paniki? Lahat 'yan titikman natin in my next videos kaya don't forget to subscribe para wala kayong makaligtaang updates from me. This is your girl Lolita Bangs, thank you and goodbye!"
Doon niya tinapos ang live video saka nilagyan ng pamagat na: "My First Mukbang Challenge (Eating Live Dog) SO DELICIOUS!"
Kinabukasan ay pumutok sa balita ang live video ni Lolita Bangs. Lahat ng headline ay ito ang laman.
"Isang YouTuber na nagngangalang Lolita Bangs, kumain ng buhay na aso!"
"The famous Pastel Goth girl Lolita Bangs has shocked the world today after eating a live dog."
"Lolita Bangs, isang sikat na makeup artist sa internet, brutal na kinatay ang isang aso sa live video!"
Marami ang nabahala rito. Agad nakarating sa awtoridad ang balita pati ang kopya ng live video nito. Tinunton nila ang tirahan ng naturang babae ngunit pagkarating ay wala na ito sa bahay.
Wala na ring mga gamit na natira sa tahanan nito. Tila alam ng babae ang mangyayari kaya tumakas na agad at ngayo'y hindi alam kung saan nagtatago.
Marami ang nagulat at nasindak sa pagkatao ni Lolita Bangs. Ang isa pang ikinababahala nila ay walang nakakaalam kung saan ito nagpunta o nagtago. Bigla na lang itong nawala at walang iniwang bakas.
SAMANTALA, tuwang-tuwa naman si Lolita Bangs habang nililibot ang bago niyang tirahan na malapit sa isang bukid.
Ang bukid na iyon ay malayo sa kabihasnan. Ang laki ng tuwa niya habang pinagmamasdan ang iba't ibang mga hayop sa bukid.
"Alin kaya rito ang uunahin ko mamayang gabi?"
Wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro