Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VACATION GONE WRONG

TITLE : Vacation Gone Wrong
WRITTEN BY : sciitorER

Amber's POV


NAGULAT ako ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Sino kaya itong tumatawag?
I immediately grab my phone and answered the call.

"Hello?"
"Hi Amber!"

It's Math. Sa matinis na boses niya palang , alam ko ng si Math talaga ito.

"Yes, Math? Napatawag ka?"
"Are you busy? Gusto ko sanang makipagkita sa inyo ni Gray at Jeremy."

She wants to meet us? I'm curious.

"Why?"
"May sasabihin kasi sana ako, kung 'di lang naman kayo busy dyan. It's not that urgent din naman kasi eh."

Not urgent? But I can sense the urgency in her voice.

"Okay. I'll tell them , then I will just get back to you for their response."
"Okay Amber. Thank you!"

After ending the call with Math, si Gray naman ang tinawagan ko para sabihin sa kanila na magkita kami sa cafeteria.

"So why do you want to meet us here?
"Math called me. She said she wanted to meet us if we're not busy."
"Bakit daw bessy? Magbebenta siya ng furniture sa atin?"

I glared at Jeremy. He is still pushing the "furniture shop owner" title for Math.

"Ewan ko sa'yo Je, but to answer your first question, she did not tell me why she wanted to meet us."
"Okay then. Tell her that we will come and meet her. Itext mo nalang kami ni Jeremy tsaka magkita tayo sa gate para sabay-sabay na tayong pumunta sa kung saan man gustong makipagkita ni Math."

I nodded at Gray.

"Seriously, Gray? Pupunta ka? Bibili ka talaga ng furniture kay Math?!"

He glared at Jeremy and drag him back to their dorm.

After meeting with Jeremy and Gray I called Math to inform her na pumayag na kaming makipagkita sa kanya.

"That's great then!"
"Saan ka ba namin hihintayin?"
"Remember the café in front of our school? Do'n nalang tayo para convenient sa inyo. Let's meet there tomorrow at 10 a.m."
"Okay. Noted. I will tell them."
"Thank you Amber. See you tomorrow."

Pagkatapos kong sabihin kay Gray kung kailan at saan namin kikitain si Math, pinagpatuloy ko na ang pagbabasa. I'm at the peak of the story already but I was disturbed by Math's call kaya itutuloy ko na ngayon.

Kinabukasan, nagkita muna kami nina Gray at Jeremy sa may gate ng school bago pumunta sa café sa tapat ng eskwelahan.
Upon entering the café, we saw Math sitting at a four person table on the right corner of the café.
Pagkaupo namin, nag-order muna kami bago kami nagsimulang mag-usap.

"So what's with the meet-up, Math? Is there something wrong? Something happened?"

I'm not in the mood to start the conversation kaya hinayaan ko na si Gray ang manguna.

"Ganito kasi. 'Di ba wala tayong pasok? Halos dalawang buwan na. Kaya naisipan kong umuwi muna sana sa Iligan."
"And we're in that picture because?"
"Gusto ko sana kayong ayain na samahan ak---"

Before she can even finish her sentence I cut her off.

"I have to say no. I'm not fond of traveling. I prefer to stay at home and read than move my feet and travel."
"B-but , Amber! Minsan lang ito. We should grab this opportunity since we have no class."

What's with her? Why is she pushing it? Is she even aware of the news right now?

"Math, are you okay? I mean, are you  aware of the reason kung bakit wala na tayong pasok?"

She looked at me with disbelief written on her face.

"What do you think of me, Amber? Stupid?! Of course I know! Kaya nga gusto kong umuwi 'di ba?"
"Then why drag us with you? Can't you just go home on your own?"

Pagkatapos kong magsalita ay sumabat din si Jeremy sa mga sinabi ko.

"Hindi sa pumapanig ako kay bessy ah, which is lagi kong ginagawa but today, I genuinely agree with what bessy said. I mean,  'di ba delikadong bumiyahe ngayon dahil sa pandemic? Kung sasama kami sa'yo maaari kaming mahawaan ng virus kasi medyo marami ang cases doon sa lugar niyo."
"Amber, Jeremy, relax, you two. Alam kong galit na kayo but let her explain first."

Gray was looking at us especially with me using his pleading eyes.

Am I really too much?

Fine. They won.

Tiningnan ko si Math at tumango sakanya as a signal that I am letting her explain her side.

She inhaled deeply before speaking again.

"The truth is, ayaw ko talagang umuwi but my aunt called me. Na-ospital raw ang lola ko."
"Lola niya naman eh, ba't niya pa tayo isasama?"

I kicked Jeremy's feet under the table dahil sa binulong niya sa akin. He just smiled at me with a peace sign but instead, I glared at him, signaling him to shut up.

"Gusto ko kayong isama dahil baka bigla nalang akong mag-breakdown doon. Please, I really need your presence and your support." 

I felt guilty all of a sudden after she told us her reason. I shouldn't have said those words.

"Malala ba ang kondisyon ng lola mo, Math?"

Tumingin siya sa akin sabay iling.

"I don't know. Hindi kasi sinabi ng tiyahin ko noong tumawag siya. She said that she wanted to tell me in person about the condition of my grandmother."
"Magpapaalam muna ako kay mommy at kay dad. If they will allow me to go, then I will go with you."
"Thank you, Gray. I hope na payagan ka ni tita at tito. How about you, Amber? Jeremy?"
"Magpapaalam din muna ako kay mommy. Kung papayagan niya ako, why not."

Sagot ko kay Math. Pagkatapos ay napatingin kaming tatlo kay Jeremy habang hinihintay ang sagot niya.

"Ako? Sasama ako kung sasama si Bessy."
"How about your parents? Hindi ba sila magagalit?"
"Yiee. Concern si Maya----este si Math."

Math rolled her eyes.

"Huwag kang mag-alala 'di sila magagalit."

After we bid our goodbyes, umuwi na kaming tatlo sa dorm habang nagpa-iwan naman si Math doon sa café.

At dahil pinayagan kami ni Gray, we are now riding the plane bound to Laguindingan Airport. Math told us that from there, we're going to ride a taxi (since she doesn't want to ride the bus) that would take us directly to Iligan.

Math promised na siya ang magbabayad sa pamasahe namin sa taxi kaya pumayag nalang kami.

After one hour and 20 minutes of riding the plane, we are here, atlast.

Pagkatapos naming makuha ang aming mga bag, lumabas na kami para sana magtawag na  ng taxi. Kaya lang, may biglang sumalubong sa amin na isang unipormadong babae.

"Excuse me, Ma'am and Sir? Galing po ba kayo sa Maynila?"

We look at each other bago sumagot. Nagdadalawang-isip pa nga kaming um-oo dahil baka kung ano ang gawin sa amin. Iba kasi ang kutob ko dito.

"Uh. Opo. Bakit po?"

She smiled first before speaking again.

"Kailangan muna kasi kayong i-quarantine bago kayo papayagan na makapasok ng tuluyan sa Iligan."

Nagulat ako sa sinabi niya. We never expected this, since Math told us na hindi na kami ipapasok sa quarantine pagkarating namin dito dahil under GCQ na raw ang Iligan sabi ng auntie ni Math.

"Wait, what?! I thought Iligan is under GCQ na? That's what my aunt told me who is working in LGU of Iligan."
"Yes, Ma'am tama po ang sinabi sa inyo. Kaso po, pinabalik into ECQ ang Iligan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito. Kaya pasensya na po talaga at kailangan talaga namin kayong i-quarantine."

Math was about to reason out again, but Gray stopped her.

"Let's just follow their protocol, Math. Walang maidudulot na maganda kong kokontra pa tayo."

Math was left with no choice kaya napabuntong hininga nalang siya at unti-unting tumango. 

..............

Third Person's POV

Wala nang nagawa sina Math, Gray, Amber at Jeremy ng tuluyan na silang pinasakay sa sasakyang magdadala sa kanila papunta sa quarantine facility ng Iligan.

Dismayado man sa naging kinahinatnan nila, wala pa rin namang mababakas na pagsisi sa pagsama nila kay Math.

Tahimik lamang silang apat , ng bigla itong binasag ni Math.

"Guys, I'm so sorry. I did not expect this. Akala ko talaga okay na. Akala ko hindi na tayo ilalagay sa quarantine  but here we are now. Sabi kasi ng tiyahin ko na okay na raw kaya inaya ko kayo. I'm really sorry that I put you under this situation."
"Nah. It's okay Math. It's not your fault, okay? Hindi mo naman hawak ang pangyayari dito kaya ayos lang. Isa pa, wala namang ni isa sa atin na inexpect ito kaya 'wag ka nang mag-alala."
"Thank you Gray. Amber, Jeremy, galit ba kayo sa akin dahil napunta tayo sa ganito?"

Sabay namang umiling si Amber at Jeremy. 

"Of course not Math. Gaya nga ng sabi ni Gray, hindi mo naman kasalanan kasi hindi mo rin naman alam na nagchange pala sila into ECQ."
"Oo nga Maya----este Math."

Math smiled at them and sighed in relief.

After 10 minutes of travel from the airport, they finally arrive in the facilty.

Iginiya sila papasok sa loob ng kani-kanilang mga kuwarto na pamamalagian nila habang naka-undergo sa quarantine.

"Huwag niyo pong alalahin ang pagkain at iba niyo pa pong pangagailangan, dahil kami na po ang bahala. Pagkatapos po ng 14 days ay papalabasin na po namin kayo dito."

Huling paalala sa kanila bago sila pinapasok sa kaniya-kaniyang silid.

.............

Amber's POV

We are on our last two days of quarantine and true to their words, they really provided all of our needs.

Napalingon ako sa pinto ng may biglang kumatok.

"Magandang umaga Ma'am. Punta na po kayo sa mess hall. Handa na po ang pagkain n'yo doon."
"Sige susunod ako. Salamat."

Pagkaalis ng health worker ay inayos kong muli ang sarili at lumabas na patungong mess hall.

Pagdating  ko doon, ay nando'n na silang tatlo. Bago umupo ay kumuha muna ako ng pagkain sa may counter.

"Two more days and we'll be out from here atlast. Konting tiis nalang talaga."
"Yeah. Medyo nababagot na rin ako dito sa loob. I can't wait to go outside again."

We ate in silence. Wala rin naman kaming dapat pag-usapan. Habang kumakain, inilibot ko ang paningin ko sa loob ng mess hall.

No windows, pero hindi naman mainit dahil sa aircon. They only have a single door, which serves as both entrance and exit. May dalawang C.R. din dito, isa para sa babae at isa rin para sa lalaki.

After scanning the building's interior, sunod namang napadako ang tingin ko sa mga tao dito sa loob.

There are a total of atleast ten people including us who is under quarantine , base on their uniforms. May 15 health workers dito sa loob, na siyang nagse-serve ng pagkain at naglilinis. May dalawang doctor at nurse  rin dito sa loob. It looks like they know each other.

Binalik ko na ang tingin ko sa pagkain ko, kaya lang. 

"AAAAAAAAHHHHHHH!"

Napalingon agad ako sa bandang kanan ko. I am sure the shout came from that direction and that direction is where the table of the doctors and nurses is.

Nakabulagta na ang isa sa mga doctor habang bumubula ang bibig.

Dali-daling lumapit sina Gray at Math doon habang inutusan ko naman ang isa sa mga health worker na isara ang pinto.

"'Wag mong hahayaang may makalabas mula dito okay? Panigurado nandito pa sa loob ang suspect. Tumawag ka na rin ng pulis."

Bakas man ang takot at pangamba sa itsura niya, nagawa niya paring tumango sa inutos ko.

"Noooo! Kallllll!"

Hahawakan sana no'ng isa sa mga nurse ang katawan, kaya lang pinigilan ko siya.

"Don't touch the body. You might ruin the possible evidence we can find. You should that right? You're a nurse afterall."

Tinabig niya ang kamay ko at tiningnan ako gamit ang nanlilisik niyang mga mata na puno ng luha.

"ALAM KO! PERO FIANCEE KO SIYA! AT NAMATAY SIYA HARAPAN KO! ANO SA TINGIN MO ANG MAGIGING REASKIYON KO, HA?! At saka, sino ka ba? Sino ba kayo? Kung makahawak at maka-examine kayo sa katawan ni Kalleo, akala n'yo naman mga detective kayo."
"Oo nga, kung makapagbawal kayo sa amin na huwag hawakan si Kal, kala n'yo naman mga pulis kayo. Nasaan na ba kasi ang mga pulis?"

Gray answered their questions.

"Yes. We are detectives, we may look young but we are used to this kind of thing."
"Pinagloloko niyo ba kami? Kayo, mga detective?"
"Kung ayaw n'yong maniwala bahala kayo. Pero doctor at nurse kayo 'di ba? So dapat alam n'yo na hindi dapat hawakan ang katawan nitong biktima."

Napatahimik naman sila sa sinagot sa kanila ni Gray.

"'Wag kayong mag-alala, nagpatawag na rin kami ng pulis. Kaya habang wala pa sila, wala munang lalabas dito. "

Dagdag ko sa sinabi ni Gray.

"Sino ba kayo ha?! 'Wag nga kayong umastang magaling. Mga estudyante lang kayo eh."
"Atleast, may ginagawa kami para tumulong. Isa pa, alam namin ang ginagawa namin. Tumutulong lang kami para mapadali ang trabaho ng mga pulis. Bawal kayong lumabas dito dahil nandito pa sa loob ang suspek sa pagpatay."

Mataray na sagot ni Math sa nagtanong.

"Kaya sumunod nalang kayo. Wala naman sigurong mawawala sainyo kung susunod kayo. Unless of course kung kayo ang suspek."

Pahabol niyang sabi sabay tingin sa bawat isang nandito sa loob.

Aside sa mga kasama ni Dr. Kalleo Armaggedon, ang pangalan ng biktima ayon na rin sa mga nakausap namin, wala ng ibang lumapit sa kanya. Sunod naman naming kinausap ang apat na kasama ni Dr. Kalleo.

"Kaano-ano mo si Dr. Kalleo?"

Tanong ni Gray sa kasamang doctor ng biktima.

"I'm Dr. Jac Arrevalo, bestfriend ko si Kal. Sinasabi ko sa inyo, hindi ko pinatay si Kal. Kaibigan ko siya at sobrang bait ni Kal, kaya bakit ko siya papatayin?"

Sunod niya namang tinanong si Nurse Katherine Bueno. Ang fiancee ni Dr. Kalleo.

"I am his fiancee. Bakit ko siya papatayin, eh mahal na mahal ko siya?"
"Pano kung may pinagselosan ka o 'di kaya'y pinagdudahan mo siyang may kalaguyo, pwede mo siyang patayin."

Sunod naman ay si Nurse Kevin Jonas.

"Look, Kal is my cousin. At wala rin akong galit sakanya o ano mang motibo para patayin siya. Kaya hindi ko talaga 'yan magagawa."

Si Math naman ang nagtanong sa kanila habang si Jeremy, ay panay ang bulong sa gilid ni Gray. 

Imbes na makisawsaw pa do'n sa pag-iinterview nila, pinuntahan ko nalang ang crime scene para maghanap ng pwedeng ebidensiya laban sa suspek.

Hindi muna namin ginalaw ang katawan hangga't hindi pa dumadating ang mga pulis.

I look closely at the body. There's nothing peculiar in it aside from his hand grasping a handkerchief. Wearing the latex gloves, dahan-dahan kong kinuha at tiningnan ang panyo na nasa kamay ng biktima. The word 'JEALOUS' was embroided on the right part of the handkerchief.  Agad kong inilagay sa zip lock bag ang panyong hawak ng biktima.

Pagkatapos ay tiningnan ko ang mesa nila. May apat na plato na wala ng laman at apat rin na baso kung saan bawat isa may lamang tubig na mukhang nainoman na. 

Napa-lingon ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Nandito na pala ang mga pulis. Agad na lumapit ang isa sa kanila dito sa kinordon naming area. Binigay ko rin sa kanya ang panyo ng biktima.

Buong akala ko ay papaalisin na kami sa crime scene kaya laking gulat ko na pinayagan pa rin kaming mag-imbestiga. 

Napag-alaman ko, na kakilala pala ni Math ang inspector na may hawak ng kasong ito kaya kami pinayagang tumulong.

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko kanina. Buti nalang dumating na ang mga pulis kaya na-autopsy na ang katawan ng biktima at maging ang mga nasa mesa nila ay napa-examine na rin.

Ayon sa autopsy report, namatay ang biktima dahil sa lason, which is the acconite or the wolfsbane. Inhaling too much acconite can kill a person.

Ayon din sa autopsy report, ang kamay ng biktima ay puno ng traces of acconite. Ibig sabihin, he injested the poison from his hand.

While the all the plates left on the table,  has no trace of the poison at all. Sa kubyertos naman, puno pa rin ng lason ang kubyertos ng biktima habang malinis naman ang sa tatlo nitong kasama. They also found nothing on the water left on the glasses.

I continued my search on the crime scene to find more clues , until I saw something.

A lucky charm bracelet. As far as I remember, that person was wearing this awhile ago.

Pinulot ko ito at tiningnang mabuti. This was really it. Nakita ko talaga itong suot ng taong 'yon kanina. Maybe that person dropped this without knowing?

But my question is, bakit ito nandito? Hindi kaya siya ang pumatay?

Agad akong lumapit sa isa sa mga pulis at nagtanong kung pwede ba nilang ipa-examine ang bracelet na 'yon. Tumango naman siya sa akin at agad na umalis.

Hinanap ko si Gray at agad ko siyang nakita na kausap si Math. Lumapit ako sa kanila para sabihin ang mga naisip ko.

...............

Third Person's POV

Pagkalapit ni Amber kay Gray at Math, agad niyang sinabi ang na-diskubre niya kanina sa paghahanap sa crime scene.

"I saw something. It might lead us to the suspect."

Ani Amber, kaya napatingin sa kanya ang dalawa.

"What is it?"

Tanong ni Gray kay Amber.

"I saw the victim grasping a handkerchief even if he is dead and the word 'JEALOUS' was embroided on the right part of it. Must be the brand."
"Hmm. That's interesting."

Habang naglilibot, nakita ni Jeremy na nag-uusap na ang tatlo niyang kaibigan na hindi man lang siya tinawag.

'Aba , kinakalimutan na nila ako ah."

Sa isip ni Jeremy. Kaya agad siyang lumapit sa tatlo.

"Aba kinakalimutan n'yo na ako ah."

Muntik namang mapatalon si Amber sa biglaang pagsasalita ni Jeremy.

"Ba't ka ba nang gugulat Je?"
"Hindi ako nang gugulat bessy. Ikaw itong walang pakialam sa akin at hindi man lang ako tinawag na nag-uusap na pala kayo dito."

Amber rolled her eyes at Jeremy's remark.

"So ano ng napag-usapan n'yo?"

Tanong ni Jeremy sa kanila. Napa-buntong hininga naman si Amber at nagsimula nalang ulit sa sinabi niya kanina.

"As I was saying awhile ago, I saw the victim grasping a handkerchief even if he is dead, and the word 'JEALOUS' was embroided on the right part of it. Which I think is the brand of that handkerchief."
"Lah. Jealous by Nick Jonas? ~I still get jealous~."

Sinamaan naman ng tingin ni Amber si Jeremy pero tinawanan lang siya nito.

"I also saw a lucky charm bracelet. Which is very identical to the one that person was wearing awhile ago. I am only waiting for results of the examination of that bracelet and if it turns out na may acconite 'yon, siya na talaga ang pumatay.
"You're right. I saw that person wearing that noong kumakain pa sila pero during my interview with them, it was gone."
"We have the same person in mind. I've been observing him as well kanina pa, and he looks agitated. Parang may hinahanap siya kasi panay ang kapa niya sa bulsa ng scrub suit niya."

Sang-ayon ni Gray at Math sa teyorya ni Amber, habang wala namang kaide-ideya si Jeremy sa pinag-uusapan ng tatlo.

Maya-maya pa ay may lumapit sa kanilang pulis at iniabot ang resulta ng pina-examine ni Amber. At lumabas nga ang inaasahan nila. 

Agad nilang pinatawag ang tatlong suspek at si Inspector Lacero para sabihin na kung sino ang salarin.

"So kilala n'yo na kung sino ang pumatay, Math hija?"
"Opo, Inspector.  Alam na po namin, salamat kay Amber."
"O' s'ya Amber , hija sabihin mo na."

Tumango si Amber at naglakad papunta sa gitna. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Kevin Jonas killed the victim."

Nanlaki naman ang mata ni Kevin sa sinabi ni Amber.

"Nahihibang ka naba? Bakit ko naman papatayin ang pinsan ko ha?!"
"Because of jealousy. Nagseselos ka sa kanya. You like his fiancee right? At pa'no ko nasabing ikaw ang pumatay? Dahil sa mga ito."

Itinaas ni Amber ang dalawang zip lock bag na may lamang panyo at lucky charm bracelet.

"Tingnan mo 'yang towel na nasa balikat mo, magka-pareho sila ng brand ng panyong ito. At base rin sa examination, nakita ang mga fingerprints mo dito sa panyo. At itong bracelet, hindi ba't sa'yo ito? Nakita kong suot mo ito kanina habang kumakain pa kayo pero nawala na ito noong interviewhin kayo ni Gray."
"Nakita 'yan ni Amber sa ilalim ng mesang pinagkainan n'yo. Nahulog mo ata 'yan kanina no'ng nabunggo mo ang mesa dahil sa dali-dali mong pagtayo at kunwaring pagluhod sa tabi ng biktima."

Dagdag ni Gray.

"Hindi mo rin siguro napansin ang paghila ng biktima sa panyo mo galing sa bulsa ng damit mo. Hinila niya ito bilang clue na ikaw ang lumason sa kanya. How did you poison him? Bakit puno ng acconite ang bracelet mo?"

Tanong ni Math sa salarin na wala ng nagawa kundi ang yumuko na lamang.

"I coated my bracelet with acconite dahil alam kong hahawakan ako ni Katherine sa braso. At dahil hahawak siya panigurado sa kamay ni Kal, 'yon ang naisip kong paraan para patayin ang pinsan ko. Mahilig si Kal na hawakan ang ilong niya at singhutin ang kamay niya kaya sigurado akong mamatay siya pag nilagyan ko ng acconite ang mga kamay niya."

Nanlisik naman ang mga mata ni Katherine at akmang susugurin na si Kevin buti nalang at napigilan siya ni Jac.

"HAYOP KA! TINULUNGAN KA NI KALLEO! ANG BAIT NIYA SA'YO! TAPOS ITO ANG ISINUKLI MO?! WALANG HIYA KA!"

Napayuko lalo si Kevin sa sinabi ni Katherine pero bigla siyang nagsalita.

"Sorry , Kath. Nagseselos kasi ako sa kanya. Alam niya kasing may gusto ako sa'yo kaya niligawan ka niya at niyayang magpakasal. Galit kasi siya sa akin dahil nagkagusto rin noon ang girlfriend niya sa akin kaya gumanti siya. Sorry Kath,  hindi ko talaga sinasadya."

"Look at what love can do."  Sa isip ni Amber habang nakamasid sa pagkuha ng pulis kay Kevin at sa umiiyak na si Katherine.

Agad namang nagpasalamat si Inspector Lacero sa kanila dahil sa pagtulong nila sa kaso.

Pinabalik  na sila sa kani-kanilang kuwarto para makapagpahinga. Bukas, ay lalabas na sila dito dahil matatapos na ang 14 days quarantine nila.

"Bessy, kung hinawakan ni Katherine ang bracelet na may acconite, bakit walang trace of acconite na nakita sa kamay niya?"

"Naghugas ng kamay si Katherine pagkatapos nilang kumain kaya nawala na ang acconite sa kamay niya. Tama ba , Amber?"

Napatango naman si Amber kay Gray.

"Ah. So that was it. Anyways , see you tomorrow guys. Diretso muna tayo sa bahay bago tayo pumunta sa ospital gaya ng sabi ko."

Sabi ni Math, bago tuluyang pumasok sa kuwarto niya. Agad naring pumasok ang tatlo para makapag-pahinga.

...............

Amber's POV

Nandito na kami sa bahay nila Math. Kahit medyo pagod pa, ay agad pa rin kaming naghanda papuntang ospital.

Pagkarating namin, nakita namin doon ang tiyahin ni Math. Humingi rin ito ng dispensa dahil hindi niya nasabi na ECQ na ulit dito sa Iligan.

"Good thing that the doctor said na ayos na raw si Lola. Buti nalang naagapan pa ng mga gamot."
"That's really good news, Math. "

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Math. Hindi rin naman kami gaanong nagtagal doon sa ospital lalo na't ayos na ang Lola ni Math. Nakaupo kami ngayon sa sala nila habang nagmi-mirienda. Sa susunod na araw, ay uuwi na rin kami sa Maynila.

Mahirap na kung magtatagal pa kami dito, dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso nila dito.

"I won't forget this vacation, ever. Medyo weird man ang nangyari sa atin, but it was memorable. What do you think?"

Napatango naman kaming tatlo kay Math.

"Hindi ko makakalimutan ang quarantine experience ko. First time ko 'yon eh."

Napatawa naman kami sa sinabi ni Jeremy.

Math's right , though. This vacation is kinda weird but it was worth remembering.

###

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro