Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ENTRY #7

Killer, Killer. Who's the KILLER?
by @Queenomegaaa

Its Friday the 13th, sabi nila malas daw ang araw na ito. Pero hindi ako naniniwala sa kanila dahil mukhang hindi naman totoo yun nakita ko nga si Gray Silvan eh ang ultimate crush ko.

"Kyaaahhhhhhhhhhhh bessshhh ang gwapo gwapo ni Gray"sigaw ko sa bestfriend ko sabay yugyog.

"Alam mo bagay talaga kami eh"sabi ko pa sabay tingala at imagine na magkasama kami ni gray at magkahawak ng kamay.

Hinawakan naman ako ng bestfriend ko sa balikat.

"You know what bes! Stop imagining"napairap nalang ako sa kaniya panira siya ng trip eh!

"MAY AMBER NA SIYA KAYA BACK OFF KANA"sabay naming sabi, 'yan lang naman ang favorite niyang tagline na sinasabi sakin.

Ako nga pala si Gabriela Soriano Grade 11 ABM students ng Bridle High at si Alisah Torente na bestfriend at classmate ko since elementary.

Noon pa man gusto ko na talaga si Gray kaso kada lalapit ako sa kaniya may biglang Amber na susulpot. Kaya heto ako nangangarap na mapansin niya kahit hibla ng buhok ko.

"Ay beshh kilala mo ba yung palaging kasama nila amber at gray"umiling nalang ako dahil nawalan nako ng gana.

*Krrrrriiiiinnnnggggg

"Ohh shocks!"sabay naming sigaw at nagtatakbo pa punta ng canteen.

Si Sir Andalis pa naman ang Prof. namin, napaka-strikto no'n pag dating sa oras. Bawal kang malate kahit na isang minuto.

Pagdating namin, hingal na hingal kaming tinulak ang pinto. Naramdaman ko na nakatingin sila sa'min.

Shocks kasi!

"Sir sorry we're late"sabi ko at kinakabahang nag angat ng tingin. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil wala pa namang teacher sa harap.

HAYYOP! Nakakahiya.

"Excuse me!"nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at dahan dahang lumingon.

At di nga ako nagkamali. It's Gray!

Naglakad siya papasok sa room habang nasa loob ng bulsa nito ang kamay.

"Everyone! Pinapasabi ni Sir Andalis na hindi siya makakarating ngayon but you're not allowed to go out"kalmanteng sabi niya at naglakad na palabas.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo at nakatitig sa kaniya, hanggang makaalis na siya nakatingin parin ako sa direksyon kung saan siya lumabas.

"Whaaaa bessss! Pakinsheeeyytt ang gwapo niya"sabi ko sabay paypay pa sa sarili gamit ang kamay. Umupo naman na kami sa upuan namin.

"Kainis si sir anong tingin niya sa'tin elementary"pagmamaktol ni Angela classmate namin, nakaupo siya sa harap namin.

"He sucks dapat sa kaniya pinapatay"napalingon naman kami sa kaklase naming si Zoe. Nakakapangilabot talaga ang babaeng to. She's a kind of girl na puro patayan yung dinadrawing at sinasabi.

"Nga pala 'bat ang konti natin ngayon?"tanong ko para mas mag light yung atmosphere.

"As usual umulan lang saglit akala ng iba wala ng pasok"sabat naman ng secretary namin sa room. Si Anjo! Ang bakla naming kaklase na may pagkamataray. Kung bibilangin nasa bente lang ata kami.

"Gusto niyo mag joke ako para sumaya naman kayo"biro ni Bert ang joker ng room.

"Stop it Bert! Mapagalitan pa tayo"as usual the striktang president namin na si Precious.

"You know what guys! Ang boring, ano kaya kung maglaro tayo?"biglang sabat ni Alisah. Well ako ang treasurer at si Alisah ang auditor kami ang corrupt ng room. Hahaha Charot!

"Anong laro tagu taguan?"pambabara ni Ken isa sa mga bully sa room.

Ano naman lalaruin namin sa loob ng room? Sa totoo lang ang liit lang ng room namin at di pa kami pwedeng lumabas.

"Charade?"pagtatanong ni Precious.

"Seven up"suhestiyon ni Bert.

"Have you remember guys may ginamit tayong baraha sa experiment natin?"sabi ni Anthony, isa sa mga bully at player sa room. Tumakbo naman si Anthony papunta sa ilalim ng table at kinuha 'to.

"Ano namang pwedeng malaro diyan?"tanong ni Alisah. Napangiti naman ako at kinuha ang baraha sabay balasa dito.

"Killer Game"sabi ko sabay kindat sa kanila.

"Killer Game?"pag uulit na patanong ni Jessica.Binalasa ko na muna ang baraha.

"First of all, form a circle"sabi ko, nagmadali naman na inayos ng mga kaklase ko ang upuan pabilog.

"Hoy nerd di ka sasali?"sigaw ni Anthony kay Maricel na nerd naming kaklase

"Hoy Anthony napakabully mo hayaan mo na 'yan"saway ni Alisah, kaya naman umupo na sila sa kaniya kaniya nilang upuan.

"So ano na nga ba ang laro na 'yan?"tanong ni Anjo

"Killer game! Simple lang ang rule ng game na ito kapag nakita ka patay ka"pagpapaliwanag ko at ngumiti sa kanila.

"In cards there is King, Queen, Jack, Ace and numbers 2 to 10, Kayong mga makakabunot ng numbers from 2 to 10 ay ang mga victims, kailangan niyong hindi magpahuli sa killer which is the king--"sabay pakita ko sa kanila ng baraha na king. "at ang Queen naman ang role mo dito ay witness, tutulungan mo ang police which is the ace na hanapin at hulihin ang killer bago pa nito maubos ang mga victims, at syempre ang Jack ang magsisilbing judge, kapag nakuha mo ito means safe ka! Bawal kang patayin ng killer ang kailangan mo lang din gawin ay mag observe, pero bawal kang magsalita kahit na alam mo na kung sino ang killer."pagpapaliwanag ko sa kanila. Natawa naman ako dahil napansin kong natahimik sila at talagang nakikinig sa pagpapaliwanag ko.

"Anong gagawin ko kapag nabunot ko ang King? Pano ko sila papatayin?"seryosong tanong ni Bert.

"Saksakin mo para patay agad"napalingon kami kay zoe ng bigla itong magsalita. Ang creepy niya talaga

"Whooo! Wag niyo ng pansinin. To kill them kindatan mo lang ang sa tingin mo ay mga dapat mong biktimahin make sure na hindi ang mga official dahil once na makindatan mo sila talo ka na."sagot ko kaya tumango tango naman sila

"At kapag nakindatan naman ako anong sasabihin ko?"nginitian ko naman si james sabay naglapag sa sahig ng isang pirasong baraha.

"I'm dead"

"Ano Game na?"tanong ko, tumango naman sila kaya binalasa ko na ulit ang baraha.

Bali sampu lang kaming kasali sa game,isang Killer, isang witness, isang police, isang judge at magiging anim lang ang victim

Precious the president,

Anjo the secretary.

Jessica the muse.

Me and Alisah the corrupt.

Ken, Anthony and James the bullies.

Angela the RichKid.

Bert the joker.

Pinamigay ko na isa isa ang mga baraha. Dahan dahan kong tinignan ang akin

number 10

Shems victim ako!

Lumingon naman ako sa mga kalaro ko at mukang busy pa silang tinitignan ang baraha nila, kaya pasimple akong bumulong kay Alisah.

"Besh anong nabunot mo? Victim ako"nanlalaki ang mata niyang tumingin sakin kaya nagpeace sign ako.

"Andaya mo Gabriela! Pero don't worry victim din ako"sabi niya sabay mabilis na pakita sakin ng card niyang nabunot which is number 3.

"Whoo judge ako safe ako!"biglang sigaw ni Bert kaya napatingin ako sa kaniya at nilapag niya ang card niyang nabunot. Natawa naman kami kahit kailan siraulo talaga ang lalaking to eh.

"I'm dead"Natahimik naman ang lahat ng magsalita si Anjo, at ilapag ang baraha niya.

"I'm dead"What? Si Angela naman ngayon! Ang bilis naman pumatay ng killer.

"I'm dead"Anthony

"I'm dead"Jessica, whoa sunod sunod na ang nahuhuli, kinakabahan siguro sila

"I'm dead"James, Omy! Apat na ang namamatay means kaming dalawa nalang ni Alisah ang natitira.

"WHAT ARE YOU DOING"sa gulat namin ng marinig ang sigaw ni Sir Andalis, pinagsama sama agad namin ang mga baraha at inayos ang upuan namin.

"ANONG KALOKOHAN NANAMAN ANG PINAG GAGAWA NIYO? NAWALA LANG AKO SAGLIT NAGLOLOKO NANAMAN KAYO!"sigaw niya pa.

"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA INYO NA CLASSROOM TO HINDI PLAYGROUND"natawa nalang ako ng pasimple dahil lumalabas na ang ugat ni sir dahil sa galit.

Ilang minuto niya rin kaming sinermonan bago namin narinig ang mahiwagang bell na magliligtas sa amin.

"Miss Torente and Miss Soriano go to the faculty room."sabi pa ni Sir Andalis, kaya naman inayos muna namin ang gamit namin bago kami umalis ng room. Kami nga ang pinakahuling umalis ng room eh.
- - - - - - - - - - - - - -
Pabalik na kami ngayon ni Alisah sa room para kunin ang bag namin.

"Besh sa tingin mo sino yung killer?"napaisip din ako sino nga kaya yung killer? sayang lang hindi namin natapos ang game.

"Isa lang yan sa tatlo besh kay precious, ashley o psalms"sabi ko. Nakarating na kami sa tapat ng room at binuksan ang nakasarang pinto.

Napaatras ako sa aking nakita.

"AHHHHHHHHHHHHH"sigaw ni Alisah, Hindi 'to totoo!

"Anong nangyayari?"sigaw ni bert mula sa aking likuran, pero hindi ko siya nagawang lingunin dahil hindi ko maalis ang mata ko sa katawan ni Anjo na napapaliguan ng dugo.

"Bakit ka--"hindi na rin natapos ni Bert ang sasabihin nang makita niya ang duguang katawan ni Anjo.

Puno ng dugo ang mga braso at kamay nito habang may hawak na kutsilyo. Napatingin din ako sa blackboard kung saan may nakasulat na letra gamit ang dugo

N A T R Y N

Anong ibig sabihin nito?

"Anong ginagawa niyo sa room na iyon ng oras na iyon?"tanong ni Detective Tross, kilala ko siya dahil kagaya ng tatay ko isa rin siyang detective.

Nandito na kami sa baba ng building namin at si Alisah naman ay hindi parin tumitigil sa pag iyak habang si Bert tulala lang.

"Galing kaming faculty tapos---tapos"hindi na natapos ni Alisah ang pagsasalita dahil umiyak nanaman siya.

"Balak lang sana naming kunin yung bag namin sa room pero hindi namin ineexpect ang makikita namin"medyo pumipiyok pang sabi ko sa kanila.

"Sige mabuti pa magpahinga na muna kayo ngayon, Sa ngayon masasabi kong maaring suicide ang nangyaring insidente pero magiimbestiga pa kami"tumango naman ako at inalalayan si Alisah na tumayo.

Imposibleng suicide ang nangyare! Kanina lang ang saya saya pa namin.
- - - - - - - - - - - - -
Nandito kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Anjo.

"Guys restroom lang ako ah"paalam ni angela kaya tumango nalang kami at patuloy na nakinig sa pari.

Natapos ng ilibing si Anjo pero si Angela hindi padin bumabalik.

"Nasan na ba ang babaeng iyon?"tanong ni jessica na medyo irita na. Kaming lima kasi ang magkakasabay, ako si Alisah, bert, jessica at Angela.

"Kanina pa yon sa restroom ah"sabi ko at tinignan ang oras sa relo ko

"mabuti pa sunduin na natin at mukang na stranded"sabi ni bert kaya naglakad na kami papunta sa restroom.

Hindi ko ba alam parang may kakaiba nanaman akong nararamdaman

Habang papalapit kami sa restroom humangin ng malakas.

Nang tuluyan na kaming makalapit. Napatakbo kami ng may makita kaming paa na sa may pinto ng Restroom.

Nanginig ako ng makita ko ang katawan ni Angela,dugo dugo rin ang braso niya at may hawak siyang kutsilyo.

Narinig ko rin ang paghagulgol ni Alisah at Jessica, dinaluhan naman sila ni Bert.

Kahit na nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko dali dali akong pumasok sa rest room at pinagsisipa ang cubicle doon, nagbabakasakaling nandon ang pa ang suspect.

"Mukang nakatakas na--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagtingin ko sa salamin may mga letrang nakasulat gamit ang dugo.

N A G U B A L
- - - - - - - - - - -
It was middle of the night at hindi padin ako makatulog. Bakit? Bakit sila magpapakamatay? tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Two persons died!

Naputol ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko.

"Sino naman tatawag ng gantong oras?"bumangon ako para abutin ang cellphone ko.

Alisah Calling

"Problema mo? Gabing gabi napatawag ka?"

"Si--si Anthony"

" Oh anong meron sa kaniya?Yiiiiee ikaw ahh! May hidden desire ka sa kaniya no"

Natahimik siya at wala akong sagot na natanggap. Tanging tunog ng aircon lang ang naririnig ko. Napatingin ako sa cellphone baka sakaling pinatay niya ngunit hindi pa naman at maya maya'y narinig ko ang impit niyang iyak.

"Patay na siya Gabriela at gaya nila anjo at angela nagpakamtay din daw sila."

Halos manginig ang buong sistema ko sa narinig ko.

Kinabukasan, Pumunta ako sa police station.

Hindi pwedeng wala akong gawin, imposibleng wala lang itong nangyayari.

"Good morning hija ang sadya mo at naparito ka?"tanong ni detective tross sakin.

"Sir pwede ko po ba makita ang file ng mga kaklase kong namatay?"tanong ko tinaasan naman niya ako ng kilay pagkatapos ay iginiya niya ako paupo.

"Bakit hija? May alam ka ba sa nangyayari?"tanong niya sakin, umiling naman ako pero naramdaman kong tumutulo ang luha ko.

"Wala po sir pero nararamdaman ko na hindi sila nagpakamatay! May pumapatay sa kanila. Please sir hayaan niyo po akong tumulong para malutas ito"bumuntong hininga naman siya at maya maya kinuha ang folder na nasa desk niya.

"Ibibigay ko sayo ito ngunit ipangako mo na mag iingat ka at dapat walang makaalam na involve ka para masigurado ko ang kaligtasan mo"tumango naman ako.

Ang pagkamatay ni Anthony halos kaparehas lang din ng ng kay Anjo at Angela may hawak na kutsilyo at duguan ang braso. Kapansin pansin din ang mga letrang nakasulat sa sahig gamit ang dugo

W R F F V P N

Anong connect ng mga letrang ito sa pagkamatay nila? Napahawak nalang ako sa sentido ko.

Gulong gulo ang isip ko ng pumasok ako sa school.

Pagdating ko sa room namin nakita kong hawak hawak ni Bert si Zoe sa damit nito.

"Bert anong ginagawa mo?"sigaw ko at halos itulak si Bert palayo kay Zoe.

"Itong babaeng ito lang naman ang mahilig sa patayan at laging nambabanta diba? Umamin kana Zoe bat mo pinatay ang mga kaklase natin?"halos lumabas na ang ugat ni Bert sa galit.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong kinalaman diyan"napatingin ako kay zoe ng magsalita ito, dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya at lumabas ng room.

"Oh bert wag ka ng sumunod"sigaw ko dito, at mabilis na sinundan si Zoe.

"Zoe!"sigaw ko pero hindi ako nito pinapansin at nagpatuloy parin sa mabilis na paglalakad.

Natigil ako sa paglalakad ng may makita akong nagkukumpulang tao sa harap ng building namin. Ayoko na sana makiusisa dahil sinusundan ko pa si Zoe, pero parang may kung anong nagtulak sakin para lumapit don.

Laking gulat ko ng makita ko ang katawan ni Jessica. Halos mapatakip nako sa bibig ko at masuka dahil sa kadiring katawan ni jessica na nasa harapan ko ngayon.

Halatang naglaslas muna siya bago tumalon sa building. Pero ang nakakapagtaka ay may sulat ang damit niya. Halatang bago pa lang ito dahil pentelpen ang pinansulat dito

W N Z R F

- - - - - - - - - - - - - - -
Nandito kami ni Alisah sa canteen nakatingin kay Gray at Amber na mukang nag aasaran pa.

"Bess sigurado ka ba talaga dito sa naiisip mo?"tumango naman ako sa tanong ni Alisah sa akin.

"Wala na tayong choice kailangan natin malutas kung ano nga ba ang nangyayari sa mga kaklase natin. Imposible na coincidence lang ang nangyayari."paliwanag ko sa kaniya pagkatapos ay tumayo na ako at naglakas loob na lumapit sa upuan nila Gray at Amber.

"G--Gray"medyo utal ko pang pagtawag sa kaniya. Natigil naman sila sa pag uusap ni Amber at napatingin sa amin ni Alisah.

"H-help us"medyo nanginginig ko pang sabi.

Pinaupo naman kami ni Amber sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Anong maitutulong namin sa inyo?"tanong ni Gray sa amin.

"It was Friday, July 13 ng magpakamatay ang kaklase naming si anjo--"napatigil ako sa pagsasalita dahil bumalik nanaman sa alala ko ang mga itsura nila. "Sabi ng mga detective nagpakamatay daw siya pero imposible yun dahil naglaro pa kami ng killer game bago mangyari ang insidente at ang saya pa namin--"halos mangiyak ngiyak na pagpapaliwag ko sa kanila

"Killer game?"napatigil naman ako ng nagtanong si amber.

"Oo laro yun kung saan ang makakabunot ng king ay killer at pedeng patayin lahat ng victims which is ang number 2-10"dugtong pa ni Alisah.

"Ano naman ang nabunot niyo?"dugtong na tanong ni amber.

"Parehas numbers ang nabunot namin ni Alisah so victims kami pero since hindi namin natapos ang laro hindi kami napatay ng killer"paliwanag ko sa kaniya.

"Sino naman ang killer?"sa totoo lang naiinis nako dito kay amber si Gray naman talaga sadya namin pero siya ang tanong ng tanong

"Hindi namin alam dahil hindi kami kasama sa napatay niya sa game ang mga napatay niya ay sina Anjo, Angela, Anthony at James"si Alisah na ang sumagot dahil alam niyang pinagseselosan ko si Amber kaya baka kung ano pa masabi ko.

"Okay. I'm just curious with the game, Balak ko din kasi sanang laruin with my classmate"ngiting sabi ni Amber sa'min

"Hmm kayo ba ay may napapansing kahina hinala?"tanong samin ni Gray na ngayon ay nakahawak na sa kaniyang baba at mukang iniisip ang mga nangyayari.

"Yes meron!"sabi ko sa kaniya at inilabas ko ang mga pictures na pinrint ko ng nakaraang gabi

"Ito ang mga litrato ni Anthony--"sabay lapag ko ng picture na kuha ang katawan ni Anthony kasama ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang mga letrang nakita ko gamit ang dugo at yun ay ang N A T R Y N.

"Kailan nga ulit yung araw na nangyari ito?"tanong ni Amber habang pinagmamasdan padin ang picture

"Friday, which is July 13"sagot ni Alisah sa kaniya nagkatinginan naman si Gray at Amber na mukang alam na kung anong nangyayari.

"The next one who died is Angela. Am I right?"tanong ni Gray at napatango naman ako sabay lapag ng picture ni Angela.

"Followed by Anthony?"wala sa sariling napatango nalang ako ang galing nila.

"Miss--"tanong ni Gray sa akin.

"Ohh, I'm Gabriela and this is Alisah"dugtong ko at ngumiti sa kaniya.

"Miss Gabriela, pwede ko bang mahiram ang mga pictures na meron ka?"tumango naman ako at binigay sa kaniya lahat ng kopya tungkol sa insidente na meron ako.

"Also this is my number contact me please"napangiti ako ng tanggapin niya ang papel kung saan nakasulat ang number ko.

"Ikaw bess ahh sumesegway ka kay Gray"biglang sabi ni Alisah, at kiniliti pako sa tagiliran.

"Shhh wag ka maingay bes mamaya marinig tayo"painosenteng sabi ko, pero deep inside kinikilig talaga ako.

- - - - - - - - - - -

Nagmamadali kaming tumatakbo nila Gray, Amber at Alisah papuntang rooftop ng building namin. Habang naguusap kasi kami nabalitaan namin na nakita daw ang katawan ni James sa rooftop na wala ng buhay.

Pagkadating namin doon ang daming taong nakikiusyoso kaya naman nakipagsiksikan kami sa kanila.

Halos masuka ako ng makita ko ang katawan ni James. Kagaya ng mga nauna naming kaklase sinabing nagpakamatay din daw siya at may mga letra rin kaming nakita sa sahig.

T N O E V R Y N
- - - - - - - - - - - - - -
Third Person's POV

Nasa loob ng isang classroom sina Gray, Amber, Bert, Zoe, Alisah, Precious, Gabriela, at Ken.

"Ano ba ginagawa natin dito?"tanong ni precious habang nakatingin kay Gray at Amber na nakatayo sa kanilang harapan.

"Simple lang maglalaro tayo ng killer game"ngiting sabi sa kanila ni Amber

"Ayokong sumali"tatayo na sana si Zoe, ngunit pinigilan siya ni Gray.

"No one can't back out to this game. Dahil from the start palang lahat kayo ay involve na"seryosong sabi sa kanila ni Gray, Kaya wala ng nagawa ang mga tao sa loob ng room kung hindi ang umupo.

Sinimulan ng ibigay ni Gray ang card sa kanila. Ang napuntang card kay Gabriela ay number 5, kay Alisah ay number 4, kay Ken ay ang ace, kay precious ang queen, kay bert ay ang jack, kay Zoe ay number 10, kay Gray ay number 7 at kay Amber ay ang number 2.

"Judge ako!"biglang baba ni Bert ng kaniyang card. Pasimpleng kinindatan ni Gray si Zoe.

"I'm dead!"at binaba nito ang baraha.

"I'm dead"kasunod na sabi ni amber at binaba ang baraha.

"Boom!"sabi ni ken sabay turo kay Gray. Ngumiti naman si Gray at pinakita ang baraha sa kanila. Bakas sa muka nila ang gulat.

"Bawal kang pumatay kung hindi king ang nabunot mo"sabi ni Gabriela kay Gray.

"That's the point! dahil simula palang wala naman talagang King sa baraha. Tama ba ako GABRIELA?"hindi naman nakasagot si Gabriela at nanginig ito ng titigan siya ni Gray.

"Plinano mo ang lahat tama ba ako! Ang sunod sunod na pagkamatay ng mga nabiktima mo sa baraha ay siya ring pagkasunod sunod na pagkamatay nila sa totoong buhay"dugtong ni Amber sabay hampas sa lamesang nasa harap nito.

"Anong sinasabi niyo? Victim ako! Ba't ko naman sila papatayin, May ebidensya ba kayo?"sunod sunod na sabi na nito at halos bumilis na ang paghingang ginagawa niya.

"The game, the code, lahat 'yon plinano mo! Remember sinabi mo number ang nabunot mo sa baraha which is victim ka"tumango tango si Gabriela kahit na medyo naguguluhan ito sa nangyayari.

"Pero bakit ikaw ang kumikindat sa kanila"biglang sabat ni Zoe. "Nakita kita Gabriela, oo hindi ako kasali pero pinapanood ko kayo"hindi naman nakasagot si Gabriela sa sinabing iyon ni Zoe.

"Bakit mo ginawa yun?"halos galit ng sigaw ni precious at handa ng sugurin si Gabriela ngunit pinigilan siya ni Alisah.

"Wala kayong ebidensya na siya ang gumawa no'n---"humarap naman siya sa nakayukong si Gabriela "Bess tell me hindi totoo yung sinasabi nila diba? Hindi mo magagawa yun right?"medyo maluha luha nitong sabi. Nagulat naman silang lahat ng tumawa ito.

"HAHHAHAHAHHAHAHA--"patuloy niyang pagtawa, ngunit ng tumagal napalitan ito ng iyak at tumingin siya ng masama kay Gray.

"Gray gusto ko lang naman mapansin mo ko kaya nagawa ko 'yon, Tignan mo ngayon kilala mo na ako diba? Kalimutan na natin ang nangyari, let's move on"ngiting sabi nito. Mabilis naman lumayo sa kaniya ang kaibigan niyang si Alisah.

"Nababaliw ka na Gabriela! Sa kadahilanang gusto mong mapansin lang ni Gray pumatay ka? Ghaad Gabriela hindi na kita kilala!"mangiyak ngiyak na sabi nito.

"Hindi pagmamahal ang tawag sa ganiyan Gabriela, kabaliwan yan!"sigaw ni amber sa kaniya, handa na sana siyang sugurin ni gabriela ng may pumasok na police at doctor upang hawakan siya.

"Sino kayo?--"lingong pa nito at nagpupumiglas sa hawak ng police at doctor sa kaniya "Gray mahal na mahal kita! Please let me go"patuloy na sigaw nito hanggang tuluyan na silang makaalis.

"Pano niyo nalaman ang lahat?"tanong ni Alisah kay Gray ng seryoso.

"Simple lang ng lumapit kayo samin para humingi ng tulong at ibigay ang mga litrato ng kaklase niyong namatay"sagot ni Amber, medyo naguguluhang tumingin naman si Alisah sa kaniya.

"Lahat ng letra na nakasulat sa mga katawan ng kaklase niyong namatay ay iisa lang ang handwritten, kaya naman naisipan namin na iyon ang pagkakasunod sunod ng mamamatay, pero sa katawan ni James kung saan may mga letrang T N O E V R Y N na kapag bumilang ka ng 13 pagkatapos ng letra ang kakalabasan ay G A B R I E L A"

- - - - - - - - - - -
3 years passed

"Okay Class may bago kayong kaklase"anunsyo ng teacher nilang lalaki, pumasok naman ang babae ng malawak ang ngiti, may soot na salamin at may bangs.

"Goodmorning everyone, I am your GABRIELA SORIANO your new classmate"

The end.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro