Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ENTRY #5

DF Memoire 
by  @dpurplepony

Amber's Point of View

Pagkapasok ko ng room ay pumunta agad ako sa pinakasulok na upuan sa dulo at yumukyok sa desk. It's too early in the morning and I'm too sleepy. How I wish I can have a peaceful day today.

"Good morning bestie!" Sabi ko nga hindi ako magkakaroon ng peaceful day. I mumble a good morning too and just continue laying my head down. Naramdaman kong tumabi sakin si Je sa upuan ni Gray pero hinayaan ko lang.

'Di ko namalayan kung ilang minuto na ako na nakayuko ng mapansin ko na hindi ako kinukulit ni Jeremy. Nakakapagtaka.
Dahan dahan kong itinaas ang tingin ko at nakita ko siyang nagbabasa ng libro.
What? So the nerdy Jeremy is back?

"Anong binabasa mo? Bumabalik ka na ba sa dati?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok at mukha ko. Napatingin ako sa relo ko at nakitang may halos 15 minutes pa bago mag simula ang klase.

"Hindi bestie. May kinakabisa lang ako." Sagot niya at tuloy pa din sa pagbabasa.

"Ano ba yang binabasa mo?"

"How to make great jokes by Calixto Brigg."

"What?" Napangiwi na lang ako sa sagot niya.

"Good morning Amber!"

"Morning." Sagot ko sa pagbati ni Math.

Bago pa makaupo si Math ay nagbangayan na naman sila ni Jeremy na hindi ko na inalam kung ano dahil yumuko ulit ako sa mesa.

"Good morning."

"Andyan ka na pala, Abo. Teka, dito ka na umupo. Hoy Maya, tabi tayo."

"Dun ka na sa tabi ni Amber, si Gray na lang sa tabi ko."

"A.yo.ko! Gray, upo na!" Ang ingay naman! Sabi ko gusto ko ng peaceful day.

"Good morning Amber."

"Too." Sagot ko sa kanya habang nakayuko pa din.

"Are you sleepy?"

Tumango ako habang nakayuko at 'di ko alam kung nagets nya pero bahala na siya. He's Gray Silvan, after all.

"Bestie nandyan na yung teacher. Bangon na." Napamulat agad ako ng marinig ko na yung tunog ng stiletto ni Ms. Panganiban. Nag ayos na lang ulit ako ng buhok at mukha bago nag focus sa harapan.

"Ano ba naman yang mga teacher na yan? First day of school tapos may homework agad? Shibalyo!" Rant ni Jeremy matapos ang klase namin.

"What is shibalyo?" Gray ask and we wait for Jeremy's answer.

"Shibal is a type of cuss in Korea. In short, badword siya. Kaya lang may -yo sa dulo kasi-," Tumayo na ako at hindi na tinapos pakinggan ang sinasabi ni Math dahil baka masabi niya din ang pinagmulan ng word na yun. Tama nang alam ko na badword yun.
Si Jeremy kung ano ano napupulot sa Internet eh.

"Babalik ka na sa dorm nyo?" Nilingon ko si Gray na humabol sakin sa paglabas ng room. It's already 4pm at kakatapos lang din ng last subject namin.

"Yeah. Gusto kong matulog." I massage my head as I continue walking.

"Bakit ka kasi nagpuyat alam mo namang first day of class ngayon?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"It's your entire fault, jerk!" I hissed at him.

" Bakit ako? What did I do?"

I know I blush when I remember what happened last night and what he did.

"Wala! Mauna na ako!" Tumakbo na ako palayo sa kanya at 'di na pinansin ang pagtawag niya.

He did kiss me again last night, after our date. Inaya niya kasi akong kumain sa labas kahapon but Jeremy labeled it as a date.

"I like you. A lot, Amber. More than anyone knows."

Napailing ako dahil sa naalala kong sabi niya kagabi. Gray Ivan Silvan, you're so weird. At ang weird ko na din ata kasi nung naalala ko yung sinabi niya kagabi, a smile spread on my lips. Argh!

Pagdating ko sa dorm, nakahiga sa kama si Andi and she's sleeping soundly. Hindi daw kasi sya papasok dahil masakit daw ulo nya sabi nya kanina, kaya hindi na ako nag ingay at nagpalit na lang agad ng damit tsaka lumabas.

I wanna visit Dad's graveyard. Pagtapos ng pagbisita ko ay dumiretso ako ng dorm at natulog.

Nagising ako bandang alas otso ng gabi at nanibago ako ng walang gumising sakin para kumain ng dinner.

Nang tumayo ako, napansin ko na may sulat na nasa lampshade.

Amber. Hindi na kita ginising at mukhang antok na antok ka. May pinuntahan lang ako! Babalik din agad ako.

Tinabi ko na ang sulat ni Andi at nag ayos na para bumaba at kumain. First day of school, hindi siya pumasok tapos gumala pa. Si Andi talaga.

Kakapasok ko pa lang sa cafeteria ay sinigaw agad ni Jeremy ang pangalan ko kaya lumapit ako sa kanya.
"Hi bestie! Buti naabutan mo kami dito. Saan ka galing?"

"In my room. Kakagising ko lang."

"Ah. Hintayin naten sila Gray saka tayo umorder. Pababa na daw sila." I arched my eyebrow in confusion.

"Pababa na sila? Sino kasama ni Gray?"

"Uy, interested si bestie."

"Sino nga?" Di ko na pinansin ang pang aasar niya.

"Si Maya." Nakangising sagot niya. Why are they together?

"'Wag ka na magselos bestie. Pinapunta kasi sila ni Mam Shanon sa art room sa taas para ibalik yung mga materials. 'Di na ako sumama para may mauna na dito."

"I'm not jealous. Nagtatanong lang ako."

"Nako bestie. Oo na lang. Ay! Eto na lang, may quiz ako sayo. Pampa good vibes." I mentally rolled my eyes when he mentioned the word quiz.

"Je, ako na oorder para sating apat. Hintayin mo na lang sila dito, okay?" Tumayo na ako bago pa man siya makapagreklamo.

Nakapila na ako sa counter ng tumunog ang phone ko.
"Hello, Andi?"

"Amber!"

"Nasaan ka? Gabi na Andi, ah."

"Amber pagtakpan mo naman ako ha? Manonood lang kami ng mga kaibigan ko ng sine. I'll be back before 1am."

"Sinong mga kaibigan? Saka gabi na oh. Bakit 1 am pa?"

"Kasama ko sila Fritz."

"Who's Fritz?" hindi ko kilala yung nabanggit niya. Halos kilala ko mga kaibigan ni Andi dito sa school.

"Friend ko. Kasama din namin si Jacob." Mas naguluhan ako.

"Wait Andi. Who's Jacob?"

"Boyfriend ko, diba? Yung pinakilala ko sayo last time." Inisip ko naman kung sino. Probably, nung pinakilala niya sakin ay wala akong pakialam.

"Oh. Umu-" naputol yung sasabihin ko dapat ng ako na pala yung susunod na oorder. "Andi, tatawagan kita pabalik ha? Mag ingat ka. Oorder na kasi ako."

"Text na lang Amber. Gotta go narin. Bye! See you later!"

It's nearly 12am pero hindi pa din nagrereply si Andi. I tried calling her many times, and send her text mesages but to no avail. Sabi niya before 1 am uuwi na siya.

Napapitlag pa ako ng nag vibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag si Andi.
"Thank God Andi! Where are you? Bakit 'di mo sinasagot calls ko?"

"Sorry Amber. Nawili kami sa panonood. I'm on my way na pauwi dyan."

"You sure? Mag ingat ka. Aabangan kita sa pinto, okay?"

"Sige sige. Baba ko na 'to."

"Ihahatid ka ba ng guy mo?" Tanong ko. Siguro naman ihahatid siya since gabi na, at delikado. I wonder if ganto din nararamdaman nila ni Therese nun pag lumalabas ako ng gabi.

"Nah, di ko na siya inabala. Nakipag break na ako."

"What? Why? Paano ka uuwi?"

"I'll just commute. Sige na Amber, waiting na ako ng taxi dito sa tapat ng mall. Hintayin mo ako, bye!"

I sigh when she drop the call and go to my bed at humiga. Pumikit ako at Inorasan ang pag uwi niya dahil pag nag taxi simula mall hanggang dito, probably 20-30 mins. Madaling araw na naman so I expect mabilis na lang.

I immediately open my eyes and I sighed in frustration ng makita kong maliwanag na ang sikat ng araw. Tumayo agad ako at tumingin sa kama ni Andi para mag sorry, but I freeze when the bed is empty.

Tumayo ako at pumunta ng bathroom kung nandoon siya pero walang tao sa loob ng CR. Wala ring bakas na may naligo na doon. Bumalik ako sa kama ko at agad kong kinuha ang phone ko at nakita kong naka 5 misscalls ako mula kay Andi and dalawang message. I opened the message that she sent.

From: Andi
Amber, nakasakay na ako ng taxi. But I find it weird. Sabi nya mag so short cut daw siya kaya umiba sya ng daan.

From: Andi
Amber! Answer my call! Yung driver nilock yung pinto ng c-

Hanggang dyan lang yung last message nya and I began to panic!

Agad kong dinial ang number ni Gray.

"Good morning, mahal na prinsesa. Ang aga mo tumawag ah."

"Gray, h-help me. Si A-andi!" Pumiyok ako sa dulo ng pag sasalita ko. Suminghot ako ng ilang beses para mapigil ang pagpatak ng luha ko.

"Anong nangyari? Where are you?"

"Please, puntahan mo ako dito sa dorm. Mag bibihis lang ako." Pagka baba ko ng call ay agad akong naligo at nag ayos. Kinuha ko ang phone ko at may message na pala si Gray.

"Nandito na ako sa baba." Text niya kaya nagmadali akong bumaba at nang makita ko siya ay hindi siya nag iisa.

"Je, Math." He's with Jeremy and Math. Bakit niya naman sila kasama ng gantong ka-aga?

"What happened? Anong tulong kailangan mo?" Tumingin muna ako sa kanilang tatlo bago inabot sa kanila ang phone ko.

Tahimik na binalik sakin ni Gray ang phone ko.

"Ano ba nangyari kagabi bakit siya nasa labas?" Tanong ni Math at ikinwento ko naman mula sa nag iwan si Andi ng note hanggang sa huling kausap ko sa kanya sa phone.

Nagbabadya na naman ang mga luha sa mata ko but Gray pulled me and wrap me in his arms.
"Sssh. We're going to find Andi."

"Oo nga bestie. Hahanapin natin si Andi."

"Inulit mo lang sinabi ni Gray eh." Inirapan lang ni Je si Math dahil sa komento nito.

"First things first. May contact ka ba dun sa Fritz na sinasabi nila?"

"Wala. Ni hindi ko nga kilala yung mga yun." Sagot ko kay Math. Pinunasan ko naman yung ilang luha na tumakas sa mga mata ko. Nakakahiya, napaka iyakin ko talaga.

"Tawagan mo kaya parents ni Andi at tanungin?" Sabat ni Jeremy pero pinigilan siya ni Gray.

"Don't. Baka mag alala agad sila, hahanap tayo ng paraan to find her. Pwede mo bang tingnan ang mga gamit ni Andi sa room nyo? Try to find contacts na malapit dun sa Fritz na sinasabi niya." Tumango ako at agad akong umakyat sa taas. Sumunod naman sakin si Math.

"Where's Andi's stuffs?" Tinuro ko ang kaliwang bahagi ng room at dumiretso kami dun. Si Math ay pumunta sa study table ni Andi while ako ay sa bookshelf naghanap.

"Here. May isang spare phone. Teka, I'll open it." hinayaan ko si Math na kalikutin ang phone while hinahanap ko pa din yung notebook ni Andi.

"Anong hinahanap mo?"

"Yung notebook niya. She likes to write infos about anything. Nandun din ang info namin ni Therese, baka nagsulat siya dun."

"Ah. Well, lobat yata tong phone na 'to. Ayaw mag open." Nilingon ko ang phone na hawak niya.

"Dati niyang phone yan. Kabibili niya lang ulit weeks ago, ayaw kasing mag open na." Sabi ko habang patuloy pa din sa paghahanap. Puro books kasi at kalat kalat ang bookshelf namin, at aaminin ko ako ang pinaka madaming libro. Mahilig din kasi mag singit si Andi ng kung ano ano sa kung saan saan.

"I'll be right back." Lumabas ng room si Math pero hindi ko na siya pinag tuunan ng pansin dahil nakita ko na yung maliit na notebook nya.

I flip through pages, at napabuntong hininga ako ng makitang wala dun na kahit anong nakasulat na Fritz.

"Don't be so sad, Amber. Mahahanap din natin ang friend mo." Nagulat pa ako sa pagpasok ni Math.

"What's that?" Turo ko sa itim na box kit na hawak niya.

"My personal things. Ita try kong i-open ang phone na 'to, baka sakaling gumana." tinitignan ko lang ang ginagawa niya. Math is good in everything. Nag ring ang phone ko at si Gray ang tumatawag.

"May nakita na kayo?"

"Wala pa, but we found Andi's old phone, tina try ni Math na ayusin kasi hindi siya nag oopen."

"Okay, sige. I'll just go back to the boy's dorm. Call me when you're done."

"Okay." After I drop the call, binalikan ko ng tingin ang ginagawa ni Math. After a couple of minutes, nag open ang phone.

"You're good at fixing phones, too."

"Wala yun, it's just a piece of cake. I can do more than this." Wala akong panahong mainis sa oras na 'to sa pagmamayabang niya at hinintay na tuluyang mag open ang phone.
When the phone is on, chineck agad namin yung contacts at may Fritz Guevarra na naka save dun. I immediately copy the number to my phone then dial it.

"Hello?" Babae ang sumagot. Nilagay ko sa speaker mode ang call para marinig din ni Math.

"Yes, hello. Is this Fritz Guevarra?"

"Speaking. Sino 'to?"

"Hi Fritz. I'm, I'm Amber Sison, Andi's friend. Yeah. Hello."

"Oh! Yung detective na best friend ni Andi. Bakit?"

"Hi Fritz, this is Math Corazon, friend din ni Andi. Kayo ba yung kasama niya kagabi nung nanood ng sine?" Si Math na ang nagpatuloy. I'm so worried kaya parang nabubuhol ang dila ko.

"Ah oo, kami nila Hannie at Ian, kasama din niya si Jacob, boyfriend niya." nagkatinginan kami dahil sa pagbanggit niya dun sa Jacob.

"Really? Pwede ba tayo magkita? Kailangan ko kasing makausap ka ng personal. It's about Andi."

Kaharap namin ang isang babae na medyo morena, maiksi ang buhok na hanggang tenga at matangkad. Pumunta kami sa bahay nito pagkatapos namin siyang tawagan.

"Hi Amber. I'm Fritz, eto si Hannie na friend din namin. Anong nangyari?"

"I'm Gray, kaibigan kami ni Andi. Hindi nakauwi si Andi kagabi. Anong oras kayo naghiwa-hiwalay?"

"Around 10 mahigit na ata yun nung umuwi na kami dahil nagtatalo pa si Andi at Jacob, pinauna na kami ni Andi since tumatawag na din ang Mom ko." Sagot ni Hannie.

"So iniwan niyo si Jacob at Andi?" Tanong naman ni Math.

"Yep. Gusto na kasing umuwi ni Andi at pinapasakay siya ni Jacob sa motor pero ayaw niya. Nung patawid na kami, nakita ko pa na sumakay ng taxi si Andi, at nakasunod si Jacob. Hindi ko na alam nangyari after." Paliwanag naman ni Fritz.

Napahilamos ako ng mukha.
"Ahm, kilala mo ba yung Jacob, personally? May contact ba kayo sa kanya?" Tanong ko.

"Wala eh, sinama lang naman niya yun kagabi, first time lang din namin nakita yung lalaki." Ani Fritz.

I don't want to lose a friend again. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Hey, don't worry, gagawin natin ang lahat makita lang si Andi, okay?" I nod at Gray.

"Pero baka makilala niyo, I have a picture kasi nag picture taking kami sa harap ng sinehan bago pumasok." Nagkaroon ako ng pag asa sa sinabi ni Hannie. Agad naming hiningi ang file at ng makita naman namin ay hindi pa din namin kilala.

"Hindi ba nabanggit ni Andi kung taga saan yung Jacob, Amber? Or His full name?" Tanong sakin ni Math.

"Sorry wala eh. Nung pinakilala niya kasi sakin siguro yung si Jacob, I'm still mourning." Sagot ko at napayuko.

Tiningnan ko ang picture at parang familiar nga pero hindi ko siya kilala.

"Paano natin malalaman kung taga saan yang guy na yan?" Tanong ni Jeremy. A face came up on my mind. I bid them goodbye at pumara ng taxi. Sumunod yung tatlo sakin.

"Where are we going?"

"Sa Vander's mansion." I answer. Hindi na nagtanong si Gray kung bakit dahil baka alam nya na kung anong dahilan, kaya tahimik kaming nagba byahe, hanggang sa makarating kami sa mansion.

Pumasok agad ako at akmang aakyat ng hagdan ng pinigilan ako ni Gray.

"Bakit naman papasok ka bigla sa kwarto niya?"

"What's the matter? Ilang beses na ako pumapasok doon, kaya walang problema." Binawi ko ang kamay ko at dumiretso sa kwarto ni Ryu. Walang katok katok na binuksan ko ang pinto.

Matalim na tingin ng isang lalaking prenteng nakaupo sa may swivel chair at nakaharap sa mga monitor ng computer ang sumalubong sa akin.

"I need your help."

"I don't want to help you. Now, leave."

"Devil, this is urgent. My friend is in danger."

"Your friend, not mine." Lumapit ako sa kanya pero tumayo siya at umiwas sakin. I rolled my eyes.

"Ryu! Please, help me." There, I used the word please.

"Woah, so a witch can say please. Ano bang kailangan mo?" Kung hindi lang ako nagmamadali ay kanina ko pa siya tinarayan like I always do, pero kailangan kong malaman kung kasama nga ni Jacob or may alam si Jacob tungkol kay Andi.

Pinakita ko sa kanya ang picture at pina trace.

"You'll pay for this, witch. Ang hirap nito."

"Para ano pa at si Apollo ka kung profile lang ng isang tao hindi mo mahahanap? His name is Jacob." Bumaba ako habang nagta type ng kung ano ano si Ryu sa computer, at nadatnan doon sila Math at Jeremy na kumakain.

"Ano daw Bestie, nakita na ni Ryu?"

"He's still working on it. Where's Gray?" Tanong ko bago umupo sa tabi ni Je.

"Here. So, paano ang gagawin natin pag nahanap ni Ryu ang address nung Jacob?"

"Magtanong tayo agad. Tsaka bakit ba kasi kinuha si Andi, kung kinuha nga nung Jacob?" Tanong ni Math.

"Oo nga, obsessed siguro kay Andi." Wika naman ni Je.

"Andi said last night that she broke up with him, kaya baka nga nagalit si Jacob. Sana lang walang masamang ginawa si Jacob kay Andi."

"Hey witch, nahanap ko na yung pinapahanap mo." Napatingin kaming apat kay Ryu na bumababa sa hagdan at lumapit samin.

Inabot ko ang papel na hawak niya.

"Eto na yung address?" Tanong ko matapos mabasa ang isang address na nasa papel. Kinuha ni Je ang papel at tinignan din ni Math.

"Let's go." Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?"

"Sa address, let's not waste any time," I said then I make my way out of the mansion.

"You witch! A simple thank you will do!" Ryu shouted but I just ignored him.

Nasa tapat naman kami ngayon ng isang medyo kalakihang bahay. Kulay brown ang gate at kanina pa kami nag dodoor bell pero walang nag bubukas.

"May tao ba sa bahay na 'to? Ang laki at ang ganda naman para maging haunted house." Wika ni Jeremy.

"Jeremy, it's 20th century na, you still believe that? Walang ghost, hindi totoo ang mga multo." Bwelta naman ni Math.

"Merong multo Math! Totoo sila!"

"Oh totoo? May pruweba ka? You call yourself a detective, so present us a proof." Napapailing na lang ako sa sagutan nilang dalawa.

"Para silang mga aso't pusa kaya hindi na ako magtataka kung sila ang magkakatuluyan." Bulong sakin ni Gray na nasa gilid ko. Nagulat naman ako kasi kanina nandun siya sa tabi ni Jeremy.

"Bigla ka namang sumusulpot kung saan." He smiled at may sasabihin pa sana siya kaso tinawag ako ni Jeremy.

"Bestie! May salamin ka ba dyan?"

"Jeremy, where's your proof?" Tanong ulit ni Math.

"Maya 'wag kang excited. Bestie, salamin meron ka?" Tumango ako at kinuha sa dala kong bag ang compact mirror ko.

"Wala ka namang dumi sa mukha, puns."

"Wala nga, nakita ko na kanina mukha ko sa salamin sa taxi."

"O e para saan yang salamin na yan?" Muling tanong ni Math. Hindi talaga sila mananahimik.

"Eto, eto ang pruweba ko na ghost do exist. Nakikita mo ba yang mukha mo sa salamin, Math? Yan ang proof ko!" Tawa ng tawa si Jeremy at tumatakbo habang hinahabol naman siya ni Math na inis na inis.

Napatingin kami ni Gray bigla sa gate ng may magbukas noon at lumabas ang isang lalaki. Hinila ako ni Gray palapit sa gate.

"Sino kayo? Kanina pa kayo nag do doorbell ha." Tanong nung lalaki. Tinititigan ko siya at parang pamilyar nga ang mukha niya at nakita ko na in person.

"Are you Jacob?" Tumiim ang tingin sa amin nung lalaki.

"Bakit? Anong kailangan ninyo sa akin?"

"I'm Amber, kaibigan ko si Andi." Bigla naging matalim ang tingin niya sa amin.

"Wala dito si Andi."

"We didn't ask you if Andi is here or not, but based on your actions and words." Hindi natapos ni Gray ang sinabi niya dahil biglang pumasok sa gate si Jacob at sinarado ito.

"Nandito nga si Andi." It's not a question now, it's a statement.

"Anong gagawin natin? Paano natin makukuha si Andi? Hindi naman tayo pwedeng mag report sa mga pulis, wala pang 24 hrs simula ng mawala siya." Napatingin ako sa relo ko at mag a-alas dose pa lang ng tanghali. Wala pa ngang isang araw pero kailangan makauwi ni Andi!

"Amber, ano na naman naiisip mo? Don't do anything reckless this time, please." Napapikit ako dahil sa tanong ni Gray.

"Bestie, kailangan natin makaisip ng paraan. Hindi kasi tayo basta pwedeng pumasok sa bahay nila Jacob kasi pag nahuli tayo, consider as tresspasing yun."

Kanina pa ako nandito sa kwarto namin ni Andi pero wala pa din akong maisip na paraan paano makukuha si Andi. Akala ko naman wala ng mangyayaring masama dahil tapos na, pero may mga wala pa din pusong tao na gagawa talaga ng kasamaan para sa pansariling interes nila.

I wore a black shirt and pants, a black converse and got my hoodie jacket saka bumaba ng dorm.

Sumakay ako ng taxi pagkalabas ko ng school at nagpahatid sa bahay nila Jacob.

Impulsive na kung impulsive pero ayokong maghintay na may maisip pa akong ibang paraan kung may paraan naman na in the first place.

Pagkabayad ko sa taxi ay bumaba ako. Maglalakad na lang ako papunta sa mismong bahay nila Jacob dahil pag aaralan ko pa paano ako makakapasok.

Ala sais pa lang at medyo dumidilim na kaya naghintay muna ako ng ilan pang sandali habang umiikot sa sa paligid ng bahay nila Jacob. Good thing his house is meters away from other house, typical house of rich people.

Tumingin tingin ako sa paligid bago nagpasyang akyatin ang gate. Medyo mataas siya pero eto lang ang pwede kong daanan. Mas mataas kasi yung mga pader na nakapaligid sa bahay kaya mahihirapan ako.

Nang makarating ako sa tuktok ay dahan dahan akong bumaba pero alerto ako. Who knows, maybe they have guards here sa loob, but I still proceed with what I'm doing. Tinalon ko ang may kataasan pang lapag at buti na lang maayos ang pagkakabagsak ko. Saka ako nagmasid sa paligid at unti unting pumunta sa likod ng bahay. May isang pinto doon, at nung sinubukan kong buksan ay bumukas naman kaya dahan dahan akong pumasok at tumingin sa paligid.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako.
Malaki ang takot ko pero heto ako parang malakas ang loob na pumasok sa bahay ng isang taong may masamang hangarin sa kaibigan ko.
I didn't know why am I this stubborn, I have no concrete plan but here I am at the place of a person I didn't know but I need to do this to save my friend.

Medyo madilim ang lugar dahilan para hindi ko Makita ng maayos kung ano ang nasa paligid ko pero dahan dahan pa din akong naglakad pa abante.
May konting liwanag na nanggagaling mula sa buwan at yun ang ilaw ko. Dirty kitchen yata tong napasukan ko.
I make my way to a dim hallway.
Palingon lingon ako at pilit tinatalasan ang pakiramdam ko.

Paano kung nandito si Jacob? Tapos wala pala talaga dito si Andi? Trespassing talaga magiging labas ko nito! Nagdadalawang isip ako na tumigil.

Bumuntong hininga ako at nagpasyang tumuloy. Kung wala dito si Andi, then I'll just escape as fast as I can.

My body froze and my heartbeat is pounding rapidly as I hear some footsteps. Nanggagaling yun sa kabilang dulo kung saan ako nakaharap, at mukhang papunta dito. Naghanap ako ng matataguan at ng makakita ng isang pinto sa may malapit sa dirty kitchen ay binuksan ko agad. Swerte na hindi naka lock kaya pumasok ako at sinara ang pinto. Nakiramdam ako sa mga yabag na narinig ko kanina. Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa takot.

Unti unting lumalapit ang tunog ng yabag ng naglalakad kaya nataranta ako at naghanap ng matataguan kung nasaan ako.

Natalisod ako sa kung ano na nasa lapag, pero pinilit ko na wag makagawa ng ingay. Bumagsak ako sa lapag at tinakpan ang bibig ko ng muntik na may makawalang impit na hiyaw.

Medyo bumilis ang yabag at alam kong papunta na yun malapit sa pinto kung nasaan ako.
I'm so dead! Kumapa kapa ako sa lapag at may nahawakang pahabang bagay. I lift the thing that I grab at nagulat ng may hagdan sa baba. Agad akong bumaba doon at dahan dahang isinara ang parang manhole cover. Iningatan ko talagang walang magawang ingay ang pagsasara ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng maisara ko ang cover at tumingin sa baba ng hagdan. May ilaw sa bandang baba kaya dahan dahan akong lumapit doon at medyo nasilaw pa ako sa liwanag dahil ang dilim kanina sa taas. Nag adjust pa ang paningin ko ng magulat sa nakita ko.

Puro mga box na nakasalansan sa gilid, may ilang mahabang mesa, at may ibang paraphernalia doon. I try to reach the long table that is near to me but I won't let my guard down, baka may tao dito.

Shock is an understatement ng makita ko ang nasa ibabaw ng mesa. White like crystals na mga nasa pakete, at yung iba ay nasa tubes.

Drugs! Tinignan ko pa ang ibang mga mesa at parang may mga nag pot session pa dito dahil may mga nakabukas na pack at mga remnants ng mga cigarettes. Jacob is a drug user?

May narinig akong ingay kaya agad akong napahinto sa pagtingin tingin. Pinakinggan ko ng maigi ang ingay at galing yun sa isang pinto doon sa bandang dulo nitong lugar. Ang daming kwarto naman dito! I'm sure that Jacob wanted to hide these things in this room. At hindi nga siya madali makita, kung hindi lang ako napatid kanina.

Nilapitan ko ang pinto kung saan ko naririnig ang ingay. Habang palapit ako, naririnig ko na ng maigi kung ano yung ingay. May umiiyak!

"I don't want yo be here, help me please. Anyone!" Pagmamakaawa ng isang boses at kumabog ng malakas ang dibdib ko. Boses ni Andi yun!

"Andi?" Pabulong kong tanong. Tumigil ang iyak at parang narinig ako ng nasa loob.

"M-may tao ba dyan? Help me, please!" Tinakbo ko ang distansya ko at ng pinto ng masiguro kong si Andi yun.

"Andi, Andi thank God you're here!"

"Amber? Ikaw ba yan? Amber anong ginagawa mo dito? Baka mahuli ka ni Jacob!" Sigaw ni Andi mula sa loob.

Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka lock yun.
"Andi, mabubuksan mo ba 'tong pinto? We need to get out of here."

"Amber I can't, naka posas ako sa kama! Hindi ko abot ang pinto!" Nagsimula ulit siyang umiyak and my tears roll down on my cheeks, too.

"Teka, hahanap ako ng paraan. Wala bang susi dito?"

"Looking for this?" Agad akong napabaling sa nagsalita sa likod ko at nagulat dahil si Jacob ang nandun. Pinapaikot ikot nya sa daliri nya ang isang bungkos ng susi.

"Ang tapang mo din para pumunta dito ng ikaw lang mag isa." Nanginginig na ako sa takot para sa akin at para kay Andi.

Heto na nga ba sinasabi ko. Sumusugod ako ng walang plano, kaya mapapahamak kami pareho ni Andi. Pero atleast I tried, right? At uulitin ko ang ganito para lang iligtas ang kaibigan ko.

Unti unti siyang lumapit sa akin habang ako naman ay umuurong patagilid. Lumikot din ang mga mata ko para maghanap ng panangga.

Tumakbo ako palayo sa kanya ng malapit na siya sa akin pero nahawakan niya ako sa buhok.
I tried to free from his grip pero inikot niya ako at sinapo ang mga pisngi ko.
"You have the damn guts, isusunod kita sa kaibigan mo. Magkano ko kayo ipagbibili?" Hindi lang pala siya drug user, mukhang human trafficker din siya!

As if I'd let him!
Pinaghawak ko ang kamay ko at inilagay sa gitna namin saka malakas na binuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Nang maalis ang kamay niya sa mukha ko ay tinuhod ko ang pagkalalaki niya bago sinipa siya sa dibdib.
Akala ko babagsak na siya pero tumayo siya kahit namimilipit sa sakit. Hindi ko na hinintay na makabawi siya kaya tumakbo na ako sa pinto kung nasaan si Andi at sinipa sipa yun.

"Amber umalis ka na, tumakas ka na please!"

"No! I won't, Andi. I want you to be safe, ayokong may mangyari sayo. I already lose Therese, I won't lose you now!" Memories of Therese with us flash in my mind. Kaya mas tumindi ang kagustuhan ko na iligtas si Andi.

"Playing a hero won't make you one." Hinila niya ako at ibinagsak sa lapag. Sumakit ang bewang ko pero I tried to stand up but I can't.
Lumapit siya sa akin habang umaatras naman ako. Damn!

"Bakit mo ba ginagawa 'to kay Andi? Pakawalan mo na siya!"

"Pwede naman sana kung hindi niya nakita 'tong lugar na 'to. At hindi ko naman hahayaan na maisumbong ako sa mga pulis. At ikaw, isa ka pang nagmamagaling! Magsama kayong dalawa sa mga babaeng ipagbibili ko." At saka siya tumawa. He's drugged, at ngayon ko lang nakita sa mga mata niya.

Sa kaka atras ko ay nabunggo ako sa mesa kaya agad akong tumayo at pinulot ang una kong nakuha, isang syringe.

"Wag kang lalapit." Banta ko saka iniumang sa kanya ang syringe, pero tumawa lang ulit siya.

"Go, I'd love to have some of that." May drugs din 'to? Binato ko sa kanya ang syringe na pinulot niya naman.

"Let's try this on you, gusto mo?" Nanlaki ang mga mata ko.

"No! Don't you dare!" Sigaw ko pero lumapit na siya sa akin at isasaksak ang syringe na hawak niya kaya napapikit na lang ako at hinintay na may tumusok pero wala akong naramdaman. Ang bilis ko naman mamanhid?

Dahan dahan akong nagmulat ng mata at napatakip ng bibig ng nakahandusay na sa lapag si Jacob at nakatayong galit na galit si Gray.

"G-gray." Tumingin siya sa akin at hindi maipinta ang mukha niya.

"You're so stubborn, Amber! Sabi namin iisip tayo ng plano, but why am I not surprised by this? Good thing Math puts a tracking device on you. It always comes handy for a stubborn woman like you." Nanginginig ang tuhod na napaupo ako. Ngayon ko lang din narealize na sobra ang takot ko ng mawala ang adrenaline rush.

Gray crouched in front of me and wiped the remaining tears on my face. He examine my face and his face crumpled when I hissed in pain as he touch ny cheeks.

"What did he do to you?" Umiling lang ako. Nagulat ako ng niyakap niya ako, but as soon as he envelope his arms around my body, I feel safe.

"Next time, please, even just for once, listen to me. I don't want you to get hurt." I nod and hug him too.

Nang maalala ko si Andi ay humiwalay ako at agad na tumayo at pumunta sa pinto ng kwarto.
"Andi, okay ka lang dyan?"

"Oo! Ikaw?"

"Yeah, wait till we'll get you out of there!" Lumapit sa akin si Gray at may inabot na susi. Tiningnan ko ang nakahiga sa lapag na si Jacob.

"What are we gonna do after this? How did you find me?" I ask as I turn the doorknob open with the key I have.

"The police are on the way here. I got a call from Ryu a while ago. May nakita pa daw siyang ibang information regarding dito kay Jacob, but when I'm going to tell you, you already make your way here." Napakagat na lang ako ng labi ko at ng tuluyang mabuksan ang pinto ay tinakbo ko kung nasaan si Andi. She's pale and gulo gulo ang buhok.

"I'm now here, makakalabas tayo dito, okay?" I hug her as she cries. At least safe na siya.

Tinanggal ni Gray ang handcuff ni Andi at itinayo ko naman siya. Nakaalalay samin si Gray habang lumalabas kami. Nakasalubong pa namin ang mga pulis na pababa.

"Gray, ikaw muna bahala sa kanila, dadalhin ko lang sa hospital si Andi, okay?" He nodded at sumunod sa mga pulis na pababa habang umaakyat naman kami ni Andi.

"Amber, thank you very much. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan." Umiiyak na sabi niya. Umiling ako at ngumiti.

"Andi, you're my friend. Gusto kong iligtas ka kasi ayokong may mangyari sayong masama na pagsisisihan ko kung hindi ko ginawan ng paraan kung kaya ko naman." Nakarating kami sa labas ng bahay ni Jacob at nagulat ako kasi nasa gate sila Math at Je. May mga tao din sa labas, may mga police car at mga pulis na nagkalat.

"Bestie!"

"Amber! Thank God!" Sinalubong ako ng dalawa at niyakap. Tinanong din nila si Andi kung okay na.

"Nasaan si Abo, bestie?" Nilingon ko ang nagtanong na si Jeremy.

"He's inside, kakausapin nya pa yata ang mga pulis." Kinuha sa akin ni Jeremy si Andi at inalalayan.

"Bestie, kami na ni Maya ang bahala dito kay Andi, puntahan mo na lang si Gray doon at sabay na kayo. Itetext ko siya kung nasaan na kami mamaya, okay?" Wala akong nagawa ng hinila ni Jeremy si Math habang akay si Andi. Tiningnan ko lang sila na isinakay sa police car. Tumalikod ako at pumasok ulit sa bahay para puntahan si Gray.

Pagkababa ko sa kung nasaan kami kanina ay maraming mga pulis na nag iinspect sa lugar. Naka posas na din ang lulugo-lugong si Jacob. Sinamaan ko siya ng tingin pero dinala na siya sa taas. Hinanap ko si Gray at ng hindi siya makita ay nagtanong ako sa pulis.

"Nasa loob sila ng kwarto. Kasama si Inspector Dean." Wow, so the Inspector is here.

Tumuloy ako sa pinagkulungan kay Andi at nandoon nga si Gray at Inspector Dean na parang seryosong nag uusap.

"Gray." Tawag ko sa kanya. Parang nagulat pa silang dalawa ng humarap sakin.

"Amber, I thought pupunta ka sa ospital?" I shrugged.

"Sabi ni Jeremy, sabay na daw tayo eh."

"Hi Amber. Kumusta ka naman?" I eyed the Inspector and produce a thin smile.

"I'm fine now that Andi is rescued. Ano palang pinag uusapan nyo?" Lumapit ako sa kanila at napatingin sa kamay ni Gray. He maybe thought na hindi ko mapapansin yung hawak niya.

"Nothing, nakita ko lang 'to." Sabi nya ng mapansin na nakatingin ako sa kamay niya. Nagkatinginan sila ni Inspector Dean at kumunot naman ang noo ko.

"Gray? Ano yang hawak mo?" He sighed and held his hand in front of me and as I look at what he's holding, I was shocked and can't move.

The blue crystals that we've known as STX 2 is in front of me. The deadly STX 2. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro