ENTRY #4
Twinnie Twin
by @Lilymazing
It's already 12 O'clock and I'm hungry kaya pumunta na ako sa cafeteria at umorder ng pizza. Naghanap agad ako ng mauupuan kaso wala ng bakante. I was about to go and take my meal to my room but I heard a familiar laugh. Je's laugh, specifically.
Napakunot ang noo ko at dumeretso ako sa table niya para sawayin siya. He did just got everyone's attention.
"Hey, Je. Tanghaling tapat, ang ingay ingay mo." saway ko sa kanya at hindi niya ako pinansin sa halip nakatutok pa din siya sa kanyang cellphone. I know why he can't hear me. Naka headset siya kaya yumuko ako at tinignan kung ano ang pinapanood niya. And when he felt my presence, agad niyang tinanggal ang headset at tumawa.
"Nakakain ka na ba?" sarkastikong tanong ko.
"Good noon besty! Halika't umupo ka." masayang bati niya at pinaupo ako. Napataas naman ang kilay ko. Not that I'm not used seeing him as bubbly as he is.
"What were you watching? Alam mo bang nanonood ang mga tao sayo?" tanong ko habang umuupo at umiling naman siya na parang wala siyang pake.
"Panoorin mo besty, send ko sayo ang file. Huwag ka ng mahiya may data naman ako" sabi niya.
"Data lang? You know what Jeremy, you should connect to my WiFi. Mahina na kasi ang WiFi sa school natin kaya I decided to have my own tutal cheap lang naman. Alam mo bang mas malakas ang WiFi ko kesa sa WiFi ng school? You should've -"
"Kilala mo si Queen, Math?" nakangiting tanong ni Je at umiling naman ang kakarating na si Math.
"Sino ba siya? Bagong student ng Bridle? I should've known her, me being the pr-"
"Si Queen, queento mo sa pagong." nakangiting sabi ni Je at nabara naman si Math. Umirap ito't umupo sa table namin.
"Besty, may tanong ako sayo at pag sinabi kong sayo, sayo lang hindi sa bangko." sabi ni Je at hindi ko na gets yung panghuling sinabi niya. And I'm sure, he's going to ask me one of his puns.
"Spill." sabi ko habang kumakain.
"Pag ba ang babae may period tapos umupo sa lamesa, periodic table na ba tawag nun?" sabi niya at humagalpak ng tawa. Napapoker face naman ako at sinubuan siya ng pizza ni Math.
"Ayan, para matahimik ka." sabi ni Math at umirap naman si Je.
"May multo ba dito besty? Ba't parang may nagsasalita?" tanong ni Je at umarteng takot na takot matapos niyang lamunin ang pizza. Umirap na lang ako sa kalokohang nalalaman niya.
"Where's Gray, by the way?" tanong ko at binigyan naman ako ni Je ng pilyong ngiti at mapanuksong mata. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"I saw Gray kanina while I'm having a walk with Medicol. He said he's going out to see a friend. I wonder ilang friends ang meron siya, I have over a thousand friends, given na yung pagiging friendly ko at pagiging m-"
"Kilala mo si Ken?" tanong ni Je and I'm expecting na magsasabi na naman siya ng puns.
"Ken? Kensa ang nangutana? Alam ko na yan Jeremy." sabi ni Math with her alien language. I choose not to interfere with their conversations since puro walang kwenta lang naman ang pinag uusapan nila.
"Wag ka ngang mag salitang alien. Hindi kita maintindihan. Ang ibig kung sabihin, hinahanap ka ni Ken. Ka groupmate mo daw sa project natin sa Science." sabi ni Je
"Talaga ba. Alis muna ako. Bye Jeremy and Amber." sabi niya at umalis. Napakunot naman ang noo ko. Project sa Science? Ba't parang wala akong matandaan na may binigayng project yung teacher?
"Kala ko ba matalino si Maya, wala naman tayong project sa Science. Besty, na send ko na pala sayo yung pinanood ko." sabi ni Je at dahil curiosity kills me. Inopen ko yung link at tumambad sa akin ang mga puns na videos. Kaya pala tawang tawa siya.
"Nakakatawa, diba besty?" tanong ni Je at nagpoker face na lang ako.
"Ang corny nito .Kumain ka na nga lang." komento ko at nag pout siya.
"Okay po, besty." sabi niya at umalis upang mag order. Habang nag scroll down sa mga at humanap ng makakapag palibang sa akin habang naghihintay kay Je. May nakita akong newly posted na vid.
Clinick ko yun at pinanood. Uploaded by a youtuber with an username of 'Demi'. Isa itong footage ng babaeng nasa room puno ng dolls. It's a creepy video dahil may mga dolls sa paligid at naka doll na make up at damit siya. Nakayuko ang babae habang umiiyak at ng unti unting lumalapit ang camera. Bigla itong tumigil sa paghikbi kasabay nun ang pag harap niya. It's obvious that she was been beaten up and there are sign of asphyxiation. Bigla siyang umiyak na parang nagmamakaawa kasabay nun ang paulit ulit na pagsaksak ng nagvideo sa babaeng umiiyak.
Halos matapon ko ang cellphone ko sa videong napanood ko. Buti na lang at dumating si Je. Dala dala ang kanyang mga pagkain.
"Oh besty? Nawala lang ako saglit, para ka nang nakakita ng multo." sabi ni Je at umupo na sa harap ko. He was about to get my phone and watch what I was watching but suddenly it rings and Gray's name was displayed.
Kinuha ko yun at sinagot.
"Hey, Amber. I need your help." bungad niya
"How can I help you?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Go to the address I'll send you." sabi niya at ibinaba ang phone.
Nagpapatulong na nga lang, aabalahin pa akong umalis? Ang init init.
"Besty, ano daw sabi?" tanong ni Je habang lumalamon. I already received Gray's message kaya sinabihan ko si Je na sumama sa akin.
Nakarating na kami sa address na ibinigay ni Gray at nasa cafeteria na kami. Paano? Tinatanong pa ba yan? Edi sa secret na daan. Je and I immediately entered when we saw Gray na tila malalim ang iniisip. Nang makita niya kami, agad itong umupo ng maayos. Umupo naman ako sa harap ni Gray, gayundin naman si Je.
"Anong pag uusapan natin? At bakit dito pa talaga sa cafeteria?" tanong ko ka agad sa kanya.
He was about to answer my question but suddenly, may babaeng lumapit sa amin at umupo sa tabi ni Gray. I think I've seen her somewhere. Familiar yung mukha niya. !
"Are you okay, Mary?" tanong ni Gray sa babae. Tumango naman ito at humarap sa amin tsaka ngumiti sa kabila ng namamagang mata. Okay, so I'm confused. How can I help them?
"Ikaw ba si Amber? Na ikwento ka ni Gray sa 'kin." sabi ni Mary and I just smiled as response. She's older than us. It's pretty obvious, mukhang nasa 20's na siya.
"So, why did you call me, Gray?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman kasi ito ang oras para mag meet and greet lang.
"Mary's twin, Maria, is lost. I think it’s a serious abduction." sabi ni Gray na nakapag pataas ng kilay ko.
"And so? I mean, willing akong tumulong. But how? We're not a police officer or something. In case you forgot, abduction is an another phase." tanging sabi ko. Like, hello? Paano kami mag sisimula?
"But I know one thing that can make you help me, it's not just a simple abduction, Amber." wika ni Gray na nakapag kunot ng noo ko. What is he talking about?
"What one thing?"
"I think it's one of Tross minions." by the time he said that. He fully get my attention.
"Ito ang picture ni Maria, ang kakambal ko." pagpapakita ni Mary sa kakambal niyang nawala. Agad ko itong kinuha at sinuri. From the looks, I now remember why is her face familiar. Her twin was the lady I saw a while ago.
"Nakita ko na siya sa isang video. Demi. A guy with an username of Demi posted that vid." sabi ko at bigla namang nagsalita si Je sa tabi ko.
"Ito ba yung video na nakita mo kanina, besty?" seryosong tanong niya, which I find odd. I'm not used seeing him serious. I just nod as response.
"Video? Anong ibig mong sabihin, Amber?" tanong ni Mary kaya kinuha ko yung phone at hinanap yung nakita ko kanina. Buti na nga lang at hindi pa yun deleted but ang daming nag comments. Some even said that the edit was cool. If only, they know.
Pinanood yun namin yung video. I'm used to seeing dead bodies but killing? No, never. Gusto kong masuka but I needed to act natural. Kaya kahit ganun, pinanood ko pa din. Tinapos namin yung video at ngayon ko lang napansin na nagpakawala ng ahas ang killer. Snake, eww.
Pagkatapos naming manood sa video, humagolgol naman si Mary sa nakita niya. She already got a swelling eyes. I'm not good at comforting kaya hinayaan ko na lang siyang mailabas ang kanyang nadarama.
"Are you okay?" tanong ni Je at tumahan naman ito at tsaka umupo ng maayos. Okay, fine. I find Je kinda weird today. Bakit parang ang seryoso niya?
"Yes. Can I have a favor? Pwede bang bigyan niyo ko ng mga balita tungkol sa case nato?" tanong niya na nakapagunot ng noo ko. We are not the police so we can't be sure if mahahandle namin ang case nato.
"I'm not really sure if makakatulong kami sa you but we're gonna try our best" wika ko at tumango naman siya at saka ngumiti.
"Snake. Bakit may ahas? Is that a message?" tanong ni Gray. I was about to ask the same question pero naunahan niya ako.
"It's the killer's signature." an unfamilliar voice said from my back. Napatingin naman ako sa babae. She's not familiar to me.
"I'm Angel by the way. I'm the detective incharge of this case. Mary, my condolences." sabi ni detective Angel kay Mary at ngumiti sa amin. Her names suits her, she's pretty like an angel. I think nasa same age lang sila ni Mary. May maliit siyang nunal sa bangang mata. Makikita mo lamang yun kapag pinagmasdan ng maigi.
"You're familiar." sabi ni Mary sa detective at ngumiti ito sa kanya. The way Mary said, it is weird. Ewan o baka gutom lang ako.
"Maybe you've seen me at the convention center, Mary." sabi ni Angel at ngumiti. Umupo naman siya kasabay nun ang pag lapag ng mga gamit niya sa table namin. I looked at Gray and he's now in a deep thought.
"Maria's case, we'll I prefer to call it as Doll's case, is not the first time murder. Ang ibig kung sabihin, hindi ito ang kauna unahang murder na may ganong pattern. May mas nauna pa, the Book's case, the victim was a genius. Musician's case, the victim was a musician and the Wardrobe's case, the victim was a model." sabi ni detective Angel at pinakita niya sa amin ang mga pictures nung murder scene.
Book's case. It's obvious dahil ang setting nito ay parang nasa library. Naka school uniform naman yung victim at tsaka andaming medals na nakasabit sa kanyang leeg. Musician's case. The setting is in the music room and nakadamit pang performer ito. Wardrobe's case. There were so many dresses, gowns and clothes. Naka designer gown yung victim. All of them shared a similarities. The sign of being beaten up and asphyxiation.
"Oh I forgot, lahat sila ay may kambal." pahabol na sabi ni Detective Angel.
The snake symbol. Does it mean jealousy? Well, kambal. Malamang pareho ng pisikal na anyo pero my ibang kambal na may lumalamang kesa sa isa. Dolls, books, clothes and instruments? What does it mean?
"I already got a hint. Books as intelligence, musical instruments as talent, wardrobe as insecurities and dolls as -" di na natapos ang sinabi ni Detective Angel dahil biglang nag salita si Gray.
"All of those items may trigger jealousy. Talents, looks and all, it can be the motive of this continuos murder." ani ni Gray.
"You're right young man. I think you can help me with this case. I've got a lot of things to do kaya mauuna na ako. Here, take my calling card." sabi ni Detective Angel at ibinigay kay Mary yung calling card. Gray did just glance on it.
Pagkatapos umalis ni Detective Angel, aalis na sana kami kaso biglang nag salita si Mary na nakapagpukaw ng atensyon naming tatlo.
"I've seen her, not just in convention center. I've seen her talking to Maria the night before the murder at our house." Mary said at tumango naman si Gray. If I know, mas malalim pa sa Marianas trench ang iniisip niya.
I woke up with the loud ring of my phone. Good thing it didn't woke my roommates kaya I decided na pumunta sa CR para doon makausap ang tumatawag. Baka kasi makakita ako ng multo kapag lumabas ako, mas better dito sa CR dahil kapag may mangyaring masama, sisigaw lang ako at maririnig lang.
"Oh ba't napatawag ka? Ang aga aga." ina antok na sabi ko sa taong tumatawag sa akin.
"Demi uploaded a new video. Napanood mo na ba?" sabi ni Gray. Does he even sleep?
"Nope. Papanoorin ko muna." sabi ko then I ended the call and watched the video.
I searched for Demi's uploaded videos and I found one. The Doll video was already deleted. It was replaced with something. Something dark and more creepy. The difference between the past videos is that this video is a footage. It's a vague footage, actually. But I'm pretty sure na si Mary at detective Angel ang nandon. At first, aakalain mong nag uusap lang sila, pero mukhang nagkaka inisan na at nag aaway. Detective Angel was the most furious on the video.
Ang sabi ni Mary, nakita niyang nag usap si Maria at Detective Angel .What if si detective Angel talaga ang nagpatay kay Maria? It can be a motive. But the question is, ano naman ang motive niya sa pagpatay ng mas naunang cases? Can it be a cover up crime? Ang ibig kung sabihin ay pumatay siya ng mas mauna pa para hindi mahalata ang plano niya kay Maria? Plus, Gray said it can be one of Tross's minions. Considering Tross as detective and Angel, I see no difference.
Arghhh! This case is complicated. I didn't know how arrived at our classroom. But I'm certain of one thing, lutang ako dahil sa mga conclusion na nabubuo sa isip ko. Nagising na lang ako ng tinapik ako ni Je at inayang mag snacks.
Nakatambay kami ngayong apat sa cafeteria. Je, Math, Gray and I, while eating, nag uusap kami tungkol sa kaso. Math already know because Gray told her a while ago habang lutang ako. I didn't bother to tell my conclusio baka kasi mali, mapahiya pa ako.
"Kahapon pa ako naiintriga kung ano ang ginagawa nila sa convention center. Alam mo ba, besty?" inosenteng tanong ni Je na nakapag paliwanag ng isip ko. Ano nga ba ang meron sa convention center?
"I'm going to call detective Angel. She may be one of our primary suspects, but we need her as our source of informations." Gray said at tumango naman kami. May point naman kasi siya. For sure, kabisado na niya ang numero ni detective Angel dahil nakita ko siyang nakatingin dito kahapon. He got this damn photographic memory.
"Detective Angel said that it was just an assembly. Nandoon daw si Mary dahil isa siya sa mga nagdonate at nandon naman si Detective Angel dahil namimiss niya daw ang pagpunta sa mga gatherings nila. The convention center was near the town." sabi ni Gray na nakapag kunot ng noo ko. Namiss? It can be an alibi.
"Hey guys, what if let's go there and find more clues that can lead to the right suspect?" I suggest and they nod.
"Susunod din daw si Detective Angel." wika ni Gray kaya tumango kami.
We immediately ride Gray's car pero nag pahuli si Je at sinabing hintayin na lang namin siya sa may kanto dahil lilinlangin niya ang guard. We agreed kaya pinark muna ni Gray ang kotse niya malapit sa gate habang minamasdan namin si Je na papunta sa guard. May sinabi siya sa guard at agad na tumakbo paalis sa gate. Nagbigay naman ng signal si Je kaya pinaandar ni Gray ang kanyang kotse.
We are successful in getting out of the school, gaya ng napag usapan, hinintay namin si Je. Di nagtagal, pumasok na siya sa loob ng kotse habang nakangiti.
"Saan lupalop na kaya umabot si kuya guard kakahanap ng fountain sa school?" biglang sabi ni Je na nakapagkunot ng noo namin.
"What do you mean, Jeremy?" tanong ni Math
"Sinabi ko kasi sa kanya na may nalulunod sa fountain." natatawang sabi niya. Kahit kailan talaga, puro kalokohan lang ang alam.
Ilang minuto, nakarating kaagad kami sa convention center, parang inaayos ang ilang floors dahil may mga construction worker. Hindi agad kami nakapasok kasi wala daw kaming appointment or hindi daw kami authorized na pumasok na lang basta basta. Buti na nga lang at ang head supervisor ng convention center ay kakilala ni Math. I don't know how pero tinawagan niya lang ang head at tumawag naman yung head sa guard kaya pinapasok kami.
It is an advantage to us. We can easily access the files here dahil binigyan kami ng permisyo. Huwag lang daw magkalat at mag ingay. Kaya dumeretso na kami sa fifth floor, storage room kung saan na ka store ang mga papeles at ang mga footages.
Gray, Je and I was busy finding the files three months ago while Math is trying to restore the footages. If Ryu is here then it would be easier. Hindi sa may paki ako sa kanya. Sadyang may skills kasi siya pagdating sa computer. On the other hand, mas mabuting wala siya dahil magpapatayan lang kami dito.
Enough with Ryu, I should be focusing on finding the files. Baka may mga mahahalagang impormasyon akong makita. Pagod na ako kakahanap ng mga papeles kaya tumayo ako at pinagmasdan ang paligid. May bulletein board sa dingding kaya agad ko itong nilapitan.
There were old pictures displayed. Hindi lang ito simpleng picture, picture ito ng mga taong may kambal. There were six pairs of twins. The twins are the victims! Tatawagin ko sana si Gray upang malaman niya ang imposrmasyong ito ngunit nasa likod ko na pala siya, nakamasid sa mga larawan. Kinuha niya ang picture ng mga magkakambal na may hawak hawak na laruan. Who would have thought that those toys can be the cause of their death? Nakakalungkot lang.
"This is the musician, the model, the genius and Maria." turo niya sa mga bata na nasa larawan. The twins were holding a toy. The musician was holding a plastic xylophone, the model was holding a Barbie make up toy, the genius was holding a book while Maria is holding a doll.
There are two unidentified twins. The both pairs are girls. Pero yung isang pair ng kambal ay laruang baril ang hawak habang ang isa naman ay walang dala sa halip nakahawak lang sa kanilang magulang.
Ito ba ang pattern na sinusunod ng killer? The killer must have an access with this room or it can be someone who knows the pairs of twins so much. Sasabihin ko na sana ang aking opinyon ng biglang bumukas ang pintuan.
"Ano ang ginagawa niyo dito?" biglang sabi ng babaeng kakapasok lang. She is somewhat familiar kaya tinignan ko ang larawang at ang mukha niya. It was her! Siya yung isa sa kambal na naka hawak lang sa kanilang magulang.
"Ikaw po tong babaeng nasa larawan." sabi ni Je at kumunot naman ang noo nung babae.
"And so? Do you know me or something?" pagtataray niya sa amin.
"Pwedeng po bang magtanong? Asan po yung kakambal mo?" tanong ko and then umirap siya sa akin. Wow! Just wow! Siya na nga tong ginagalang, siya pa magiinarte?
"Oh right, siya naman palagi ang hinahanap. You mean Isabelle? She's coming." sabi nito at umupo na sa tabi ng computerng ginamit ni Math at tsaka nagsimulang mag trabaho.
Hindi kami nag abalang umalis tutal may permiso naman kami pero mas tumahimik kami kumpara kanina. Mga ilang oras ang lumipas ng may narinig kaming sigaw. Nagkatinginan kaming apat at agad agad tumakbo kung saan nangyari yun.
Maraming tao ang nagkukumpulan sa labas. Pinuntahan namin kung ano ang tinitignan nila sa isang room. There was a dead body lying down with a dead snake beside her. Yung mataray na babaeng kasama namin kanina, biglang pumasok sa scene at sumigaw.
"Isabelleeee!" sigaw niya at umiiyak. So it's her twin.
Before we could step in, Detective Angel was already there but may napansin ako, somewhere in her eyes. Ang isang bata ng necklace niya ay nawala din or maybe tatlo lang talaga yun. Nawala ang atensyon ko sa kanya ng pagbabawalan sana kaming makisatsat but good thing Detective Angel permitted as kaya wala silang magawa kundi papasukin kami.
Susuriin ko sana ang patay na katawan ngunit biglang may notification ang phone ko. I was about to ignore it but it states their na may bagong uploaded video na naman si Demi. Clinick ko yon at bumungad sa akin ang murder scene ngayon. Napalingon ako kay Gray pero nakatingin na siya sa phone niya. He's probably watching it.
Napalingon naman siya sa paligid na parang naghahanap ng clues kaya pinuntahan ko siya habang sina Math at Je ay busy sa pag iinterview sa mga unang nakakita ng katawan. Isabelle's body was already moved by the police kaya sumama naman yung kakambal niya.
"I think hindi lang isa ang suspect sa krimeng ito." bungad ni Gray pagdating ko sa tabi niya.
"Why do you think so?" tanong ko
"The murders shown in the videos show a schizophrenic behavior. Makalat and there are signs of panicking, if you judge it by the stabs she/ he made. Pero ngayong nandito na talaga tayo sa murder scene, it was clean. Just the dead corpse lying. No sign of any panicking." sabi ni Gray at tama naman siya. Bigla kong naalala ang pabor ni Mary kaya sinabihan ko si Gray na tawagan ito tutal may number siya.
"Hey, Mary. Nandito kami sa crime scene. Makakapunta ka?" tanong ni Gray and I heard Mary saying yes kaya tumango ako.
Di nagtagal, dumating si Mary sa murder scene na hinihingal. Medyo magulo ang buhok at gusot gusot ang damit. Tinanong ko siya kung bakit ganon itsura niya, ang sabi niya mahangin sa labas at dahil daw sa stress. I did just nod.
Later on, biglang kinausap ni Gray si Detective Angel. Nanatili lang ako sa tabi ni Mary habang pinagmamasdan ang murder scene. Napag isipan ko ang sinabi ni Gray. I've read an article kaninang umaga that states na most organized killers are intelligent and educated. The unorganized mostly have low IQ and most have a family problems or child abuse. So the other suspect can be someone who have a connection to the police. It can be Detective Angel. Magmumuni muni sana ako kaso biglang inaresto ang katabi kong si Mary.
"You are under arrest for being one of the suspects in killing the twin's serial murder case." ani ni Detective Angel bigla naman umangal si Mary.
"How? Wala naman kayong ebidensya at isa pa isa ako sa namatayan." kalmadong sabi niya. "I even ask Amber to help me find justice to my twin."
"Yes, indeed," sabi ni Detective Angel
"But how do you get in here?"
"Gray told me that they were in the murder scene kaya pumunta ako dit-" hindi niya natapos ang kanyang sinabi ng marealize niya na nagkamali siya.
"He did just said that andito siya sa murder scene. But he never said the address or give you some clue. Am I right?" tanong ni Detective Angel at bigla namang lumabas ang totoong Mary. Bigla siyang may itinuro sa likuran niya at sinabing ito daw ang nagtulak sa kanya upang pumatay. Well infact, walang tao sa kanyang likuran. She's having a delusions.
"Angel, siya ang totoong mastermind." biglang sabi ni Mary at itinuro si Detective Angel at saka tumawa. What could it mean? Totoo kaya ang sinabi niya o parte ito sa kanyang mga hallucinations?
Umalis na ang mga pulis kasama si Mary. Umalis na din kami at sumakay sa kotse ni Gray papuntang school. It is still 3:45 pm.
"While I was interviewing, may nakapag sabi na may nakita daw siyang babaeng weirdo. Galing daw ito sa hagdang papuntang itass na palapag." Math said. This case is much complicated that the past ones.
"Don't stress your life. May bukas pa." wika ko at bigla namang nagsalita si Math
"Baka marami pa ang mamamatay kapag ipagbubukas pa natin ito." sabi ni Math
"Who could be the other victim? Anim lang naman ang nasa picture. Wait, lima na ang namatay. Who could be the other pair of twin?" I said referring to the picture I saw a while ago. Yung kambal na may dalang baril.
"It could be a victim or a suspect." wika ni Gray
Our travel ended with Gray's voice echoing my mind. Pumasok agad kami sa last subject tutal makakaabot pa kami. Mukha lang akong napapa attendance dito dahil gaya kanina, lutang ako. I didn't even know how we ended the class and how I arrived here in my room na may dalang larawan. Napatingin naman ako dito.
I now remember that I asked Gray if dala - dala niya ba ang larawan. He nod and I took it from him, then I ended up here.
Umupo ako sa kama, wala pa yong mga roomates ko kaya mag isa ako dito. Napag isipan kung titigan ang larawan baka sakaling may makuhang clues na magagamit.
Mas nag focus ako ng tingin duon sa unidentified twins . May dala silang dalawa ng laruang baril. Yung nasa left side ay parang pinag aaralan ang baril na hawak hawak niya may maliit din siyang birthmark sa paanan. Yung sa right side naman ay yung happy go lucky kind of person. Nakangiti ito habang dala dala ang baril. Unlike sa isang kambal, yung birthmark niya ay nasa forehead.
Tinignan ko sila, mata sa mata, kahit nasa larawan lang sila. Then I noticed somthing, yung masiyahing bata sa unidentified twins. Her eye is somewhat familiar. May nunal ito sa ilalim ng kanyang mata, mag aakala kang dumi lang ngunit kapat pagmasdan mo ito ng maiigi. It would be Detective Angel's eyes.
" Nandoon daw si Mary dahil isa siya sa mga nagdonate at nandon naman si Detective Angel dahil namimiss niya daw ang pagpunta sa mga gatherings nila."
Ngayong alam ko na ang katotohanan.
Biglang nag ring ang phone ko and Je's number was registered. Sinagot ko iyon at bumungad ang boses ni Gray.
"Hey, Amber. Can you go here in the cafeteria? We'll talk about the case. I got something to tell you." sabi niya at umoo namna ako tsaka binaba ang tawag at umalis papuntang cafeteria.
Nadatnan kung nag uusap sina Gray, Je at Math kaya lumapit ako.
"A dead body was found after two hours since we left the convention center. The body was found at the fourth floor. The thing is, hindi ma identify ang mukha ng biktima. It was brutally murdered." Gray said at may ipinakitang picture sa amin. Sabi niya kay Detective Angel daw yun galing.
Kinuha ko yun at pinagmasdan. I can't identify it clearly but I got this strong weird feeling.
We decided na pumunta doon. The case is still on going kaya may posibilidad na hindi pa sila umalis. 30 minutes had passed since they found the body. Sa secretong daan kami dumaan at nag taxi na lang papunta doon.
Just like what I've expected, nandoon yung mga police including Detective Angel, the twin of Isabelle is also present. Lumapit kami sa kay Detective Angel and she told us about what happened. The victim's body was still there. Kaya pinagmasdan ko ito ng maiigi. Yung mukha niya ay nalagyan na acid kaya imposible itong makilala.
"The victim was found walking in the CCTV footage. Someone abducted her at dinala siya dito, where a janitor found her body." wika ni detective Angel at tumango naman ako. I looked straight at her eyes and I confirmed something but first I need to find more concrete evidence.
I was eyeing the victim and then I saw something. The acid only affected half of her face. Then I saw something, I'm really sure of.
"Detective Angel was the killer!" Math said kaya napalingon ako sa kanya. How?
"Hey kiddo, I'm the detective here. Why would you suspect me to do such thing?" sabi ni Detective Angel.
"First, you said na nakita ang victim sa CCTV footage. Galing ako doon and then they said, the CCTV didn't work due to constructions. And how did you know such informations? Unless, you were present in there!" wika ni Math at tumawa lang si Detective Angel.
"Do you have a concrete evidence?" hamon niya kay Math at ngumisi lang si Math.
"Maybe this is enough." wika ni Math at may ipinakitang bato. Ang batong iyon ay kapareho ng kanyang necklace kaya lahat ng tao ay nagulat. Hindi na din mapakali si Detective Angel. She was about to be arrested pero bigla akong nagsalita.
"It's not detective Angel." wika ko at napatingin naman sila sa akin including Math.
"First, this lady in front of you is not detective Angel. I don't know if you're aware or not but Detective Angel has a twin. The corpse lying here is the real detective Angel." wika ko at naguluhan naman sila. I know it was Detective Angel dahil yung forehead niya ay may birthmark plus the nunal under her eyes.
"Siya ay yung kakambal ni Detective Angel. If napapansin niyo, may nunal sa ilalim ng mata si Detective Angel. But her twin doesn't have, instead may birthmark siya sa bandang paa." I said at lumapit naman yung pulis sa kanya and confirmed.
"How could you prove na kakambal talaga kami?" depensa ni Detective Angel sa kanyang sarili. It was the cue na kailangan kung kunin ang larawang dala ko. By the time she saw that, anger immediately showed in her eyes.
"They deserve to die! Especially my twin. Ako yung mas matalino sa kanya, ako ngunit nasa kanya palagi ang atensyon. Siya yung naging successful. Siya yung spinospoil. The other twins should die too! They like comparing us, well in fact I'm the smartest one than them. Mas maigi pang mamatay sila. They don't even deserve receiving those titles. Being the best musician? Honor student? Model? Disgusting. They don't deserve a title they didn't made. Alam ko ang mga baho ninyo. BINABAYARAN NIYO FINANCIALLY ANG MGA TITLE NA NAKUHA NIYO. You took it from me. Ngayon dapat kayong mag bayad sa buhay na sana meron ako." sigaw niya
"Angelica, we're sorry. We didn't mean to offend you. I'm sorry if we took everything from you. From being a talented person." wika noong kambal ni Isabelle habang umiiyak.
The case ended with a down in the mouth expression of other people. Nakakalungkot ang mga nangyayare. Everyone thanked us for solving the crime and we just nod. Di naglaon, umalis na kami at bumalik sa Bridle.
"I know the two of you could do it." sabi ni Gray. So ang ibig bang sabihin nito, he knew all of this all along?
Lunch time na at nandito ako sa cafeteria, naka upo habang pinagmamasdan sina Je at Math na nagbabangayan. Bakit? Well dahil kay Ken. Narealize kasi ni Math na niloloko lang ni Je kaya ayun todo bangayan.
Kung naging mas honest sila sa isa't isa at kung nag tutulungan sila. They wouldn't end up killing each other. They can be a best set of friends.
"Hey, Amber. How did you know that informations?" tanong ni Math at kwenento ko naman sa kanila. Maybe this is a good start to stop hating every one but just love them. Gray introduce this case to us para maging mas malapit kami. And I'm thankful for that.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro