ENTRY #3
"The New Generation"
by @bitterestofall
Amber's P. O. V.
"Yehey! Ang ganda naman po dito, mommy!" Pakinig kong sabi ng anak nina Math at Jeremy.
"Oo nga 'nak!" Saad naman ng ama ng batang si Jeremiah. Mukhang mas isip bata pa yata itong si Jeremy kesa kay Jeremiah eh!
"Whatever. I'm so bored. It's not that magnificent! I mean, rides. They are just some junk thrown up to this place." Nagulat ako ng magsalita naman ang anak namin na si Raver. Manang-mana talaga sa ama niya!
"I agree. This is not that fun, i guess." Mukha talagang nahawa na tong anak namin sa virus ni Gray! Pati ata anak nina Math eh! Parang walang nakuha kay math!
"I disagree with you guys. Rides are fun! We can have fun." Mukhang nagkamali ako ng pag sasalita. May nakuha nga itong ugali kay math. Payabang!
"Tama na yan! Tara na sa rides. Whether you like it or not!" Saad ko. Naiiyamot na talaga ako sa kaingayan nila! Nag aaway sila eh andito nga kami para magpahinga!
Wala na silang nagawa. Sumama na lang sila sa akin. Napili ko na pumunta sa roller coaster. Wow! Pambata tong lugar na to, pero ang theme, parang horror house! Andaming mga nakakatakot na pigura dito! Sabagay, Halloween naman ngayon.
"400 po ang babayaran niyo." Masiglang bati sa amin ng pinagbibilhan ng tickets.
Kumuha na ako ng 400 pesos at nagbayad. Masayahin talaga si kuya?
Nang pagpasok namin sa entrance, maluwag na ang pila kaya sumakay na kami. There are few of us on the ride.
"Yey! Fun Fun Fun!" Sabi ni Jeremy kaya nagtinginan ang mga sakay sa roller coaster sa amin. Nakakahiya talaga to! He was almost 30 years old at ganyan pa talaga siya?
Umandar na ang roller coaster. Nag relax lang ako. Kaya naman kami nandito eh... Para mag relax...
Mukhang mabilis talaga tong roller coaster na to ah! Liyo na ako! I almost puke! Pero, pinigilan ko ang sarili ko kasi nakakahiya!
Maya-maya, may nakita ako na parang kuweba. Dito yata dadaan ang roller coaster.
Nasa may kuweba na kami nang may naramdaman ako na malagkit na likido na mabilis na tumutulo sa akin. Para tong hose! Ano kaya to? Malansa eh! Di kay...
"Kyaaaaaaaah!!!!" Sigaw ng lahat nang makita namin ang lalaki na nasa pinaka una ng ride ay pugot na ang ulo!
***
"Mee! Moo! Mee! Moo!" I can hear the sound of the siren of the ambulance. Nagulat ang lahat ng makita nila ang pugot na ulo sa loob ng kuweba.
Nagsiiyakan ang mga bata sa loob dahil aa takot sa pugot na ulo. Sinarado ng mga pulis ang roller coaster because of the incident.
"I did not see that coming!" Sabi ni Jeremy.
"Bakit ba parang kulay green na yang anak natin, Je!" Sabi ni math. Jusko! Their son is gonna puke!
"Eh kasi, green minded siya!" Sabi ni Jeremy sabay tumawa. His laugh is so annoying! It's like a devil's laugh!
"Nakuha mo pang tumawa! There's a dead body and you even laugh on that?!" Sigaw ni math. Pasikat.
Inaalala ko lang ang nangyari noong mga nakaraang taon. I remember my roommates... Andi and Therese... Kahit nagtaksil ang isa sa kanila sa akin, mahal na mahal ko siya. Kilala niyo na naman kung sino yun, diba?
Maya-maya, dumating na ang mga pulis. According to the police report, Siya ang pinakamatangkad sa mga nakasakay sa Ride! Which means... Somebody plan this one! They have to put a sharp rope or anything in the top of the ride. Then, because the ride was so fast, the force of the rope on the neck of the victim was so very great! That's why his head is decapitated.
"Mom, are you thinking what I'm thinking?" Nagulat ako dahil bigla-bigla na lamang sumulpot ang anak namin sa gitna ng pag iisip ko. Muntikan ko na tuloy siya masapak.
"Ano ba ang iniisip mo?" Tanong ko. Binulong niya sa akin ang "iniisip" niya. Parehas nga kami! Mukhang nagmana talaga ito kay gray.
"The only thing we can do is to sneak in the roller coaster and look for clues!" Saad ko. Wait! May naisip ako... Paano kung siya na lang magisa ang mag solve ng case na to.
"I have an Idea, my son. What if you solve the case by yoursel-"
"No!" Napatalon kami sa gulat dahil bigla na lamang sumigaw si Gray. Mukhang mahihimatay kami sa gulat!
"Dad, I can do this! Besides, i have mom to guide me."
Napaisip na lang si Gray.
"Payagan mo na lang kasi yang anak mo. It serves as a test for our little boy." Sabi ko. Mukhang agree siya!
"Ok, Fine." Walang emosyong sabi ni Gray.
"Good!"
"Let's do this thing!" Sigaw namin ng anak namin.
***
Mukhang anak nga namin to! Ang galing lumusot sa harang! Hindi pa siya napapansin ng mga bantay. Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin ni Gray nung unang pagtatagpo namin sa cafeteria. Nahuli kami ng bantay nun! Ang palusot ni gray talaga ang naalala ko. Simula noon, nagpanggap na ako na walang pagmamahal sa kanya. Pero ang hirap! Matapos naming guma-raduate, sinabi ko na kay Gray ang feelings ko sa kanya. Nag hihintay lang kami ng tamang panahon. Nagplano na kasi kami ng kasal noon. Ang bilis, diba? Pero ganyan talaga ang love... Pag mahal mo, bibilis na ang oras... Dimo alam, mamaya, may ahas na nakapaligid sa inyo. Pero masuwerte talaga ako dahil hanggang ngayon, ako pa lang ang minamahal ni Gray. He's into Me!
"Aha! I found the rope!" Sigaw na pabulong ng anak namin. Marami kasing bantay kaya baka may makadinig.
"Hey! Stop what you're doing!" Natakot kami dahil parang may tao na nakakita sa amin! OHMYGOD! Are we going to jail?!
"I got you three!" Pabulong na sigaw ng anak ni Math. Tss. Anak talaga to ni Je.
"Jeremiah, don't do that again. You almost killed me!" sabi ko.
"Ok, back to the rope, There are Bloods here. This must be the murder weapon" Saad ni Raver.
"What's this? White fibers?" Nang marinig ko iyon, tiningnan ko ang fibers at laking gulat ko nang mayroon nga! Ang linaw naman ng mata nito!
Wait... I have seen this before... Don't tell me... Wala namang naka white sa mga nakasakay sa rides kaya isang tao lang ang maaaring makagawa nito-
"ANG NAGBIBILI NG TICKETS!" Wait, alam na din ng anak namin ang killer? Wow!
That was fast! I can say that this is our son.
"Lets go see the police-"
"Where do you think you're all going?!"
Oh my god! Andito na yung nagbebenta ng tickets! Baka naparinig nya ang pinagsasabi namin!
"And, I think that you already know that---"
"Yeah, we know that already! You killed that man!" Sigaw ni Jerimiah. Kahit kailan, mana talaga to kay math... Napaka-KJ! Nagsasalita pa si kuya eh.
Masyado yata kaming maingay kaya maya-maya ay may nakita kami na mga pulis na paparating. Patay!
"Oh! Bat andito kayo sa Crime scene?" Saad ni police officer.
"Sinusubukan lang po namin i solve ang kaso hanggang sa nalaman na namin kung sino ang may kasalanan. At ito ay... SIYA!" Sabi ng anak namin sabay turo sa lalaki.
"At bakit naman kita paniniwalaan?" Hay... We're in a big trouble-
"We found white fibers on the rope which is our murder weapon and the only one with the white shirt is-"
"Wait!" Sabi ko nang may mapansin akong kakaiba. Pano nangyaring may white fibers sa lubid eh wala namang bakas na may natagtag na fiber sa damit ng ticket seller? Oh my god! Could it be...
THE OFFICER!
"What is it, mom?"
"It's not the ticket seller which is the killer but YOU!" Sabi ko sabay turo sa officer. Napansin ko kasi na naka white din siya tapos nakita ko din na may punit sya sa gilid ng damit niya.
"At bakit mo nasab-" Di na naituloy ng officer ang sasabihin nang um-epal na ako.
"May punit ka sa gilid ng suot mong polo. That must have been the same fiber as well as the fiber on the rope." Sabi ko at napanganga na lamang si Gray. He didn't notice it?
Napatingin ako sa officer at nakita ko na parang tatakas ito.
Mabilis na tumalon ang anak namin sabay binugbog ang officer. Wow! Mana nga sya sa akin!
Kinuha ko ang posas sa likod ng officer. "You're under arrest, officer" sabi ko. Narinig ko na lamang ang mga wang-wang ng police car. Napansin ko na kasama na nila si Jerimiah. Nagsumbong siguro ito habang kinakausap ko ang officer. Napapansin ko na, ha! Bakit lagi na lamang tuwing tapos na ang ganap saka dumadating ang mga pulis. Hayst.
***
Matapos ang nangyari, balik na kami sa normal. Parang wala lang. Umuwi na kami pagkatapos magclose ang park.
Paguwi namin, sumalubong agad sa amin si Scooby. Aso namin. He wagged his tail which is a sign of being excite.
After some play time with our son, bagsak kami sa kama. Pagod na pagod na kaming lahat. Panibagong araw na naman bukas.
***
"Mom! Gising ka mom! Andito ang family nina Jeremiah!" Magising ako nang dumamba si Raver sa higaan. Wait. Parang ang aga naman ata nina Math dito ngayon?
Bumaba na agad ako at bumungad si Math sa akin. Ano na naman kaya?
"Amber! Nabalitaan mo na ba?!" Parang gulat na gulat talaga si math sa news niya.
Ang alin kaya...
Napansin ko na lamang na biglang parang ayaw niyang sabihin sakin kung ano yun. Baka kung ano to...
"Nabalitaan mo na ba? Patay na daw si Andi..." Sabi ni Math. Hay. May case na naman. Hindi na tumi- wait. Si Andi?! Patay?! Parang tumigil ang mundo ko. Si Andi na napakabait? Si Andi na lagi kong kasama? Si Andi na Roommate ko noon? Si Andi na... Kaibigan ko?
Nanghina ako sa narinig ko. I swear to god that I will kill that man! Humanda sa akin ang kung sino man ang pumatay kay Andi. Wala na nga si Therese, si Andi pa din? Masyado nang napakabigat ng katawan ko. Gusto nang pumatak ng luha ko. Hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.
***
Math's P. O. V.
Ang aga kong nagising ngayong araw tapos bad news pa ang makikita ko?
"Rest in peace... Andi" Napabulong na lang ako. Sino nga ba si andi... Andi... And-Oh my god! Yung roommate ni amber? I've got to go and tell her!
***
Amber's P. O. V.
"Amber? Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni math. Well, atleast now i realize that Mathilde Corazon Care for me.
Hindi na ako nakaimik... Si Andi, Patay na? Masyado na atang malungkot ang bad news na ito.
"Sino amg pumatay kay Andi..." Bulong ko. Desperada na ako. Gusto ko nang pumatay! Minsan na akong pumunta kay Ryu upang magpaalam na maging reaper ngunit di niya ako pinayagan. Kung hindi niya ako papayagan ulit, ako mismo... Ako mismo... Ang... Magpapakulong sa kanya...
Andi is like my sister... I won't let someone kill her.
"Mayroon ka bang nakuha na picture ng crime scene mula sa facebook?"
"Wala eh... Pero puwede tayong pumunta sa tinitirahan niya ngayon! Iiwanan ko na si Je... Hindi pa naman inaalis ang bangkay ni Andi sa kwarto niya." Sagot niya sa tanong ko.
***
Diko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Seeing my friend being killed by just a human being almost killed me! I left her. I can save her if I was there that time... It's all my fault!
Hindi ko na napigilan pa at napasigaw na lamang ako nang makita ko si Andi na nakasabit at may tali na nakapulupot sa kanyang leeg.
"It's a suicide..." Sabi ko. May nakita kasi akong upuan sa ilalim ng mga paa niya. Nakatumba ito. Halata na nagpakamatay ito. Pero bakit?
May nakita akong papel sa ilalim ng kanyang bangkay. Siguro, hawak niya ito kanina bago siya magpatiwakal.
"Hindi ko na kaya, Amber. Gusto ko nang mamatay. Patay na si Therese at wala na akong makausap! Lagi ko na lamang napapanaginipan si Therese. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sumunod sa kanya para may makausap na ako. Ang babaw naman siguro ng dahilan ko, no? Halata namang hindi talaga yun ang dahilan. Ang totoo, nakipag-break na sa akin ang boyfriend ko. Mababaw din ang dahilan, alam ko. Pero hindi lang siya isang boyfriend. Para siyang ikaw Amber, mabait at mapag-aruga. Kung nababasa mo to, sana malaman mo na mahal na mahal kita. Ayun lang. Wag mo akong kakalimutan, ha?" Nang mabasa ko ang nakasulat ay agad na ulit akong napaiyak. Naaalala ko ang mga bagay na pinaguusapan namin noon at yung mga pinagsamahan namin... Di kita malilimutan, Andi...
***
Third Person's P. O. V.
Maraming taon na ang lumipas...
May trabaho na ang mga magulang nina Jerimiah at Raver. Kaya sila na lamang ang magkabatkada. Nasa 20 years old na din sila. Kaya na nila ang sarili nila. Pinalaki naman siya ng kanilang mga magulang ng maayos kaya marami na silang alam sa pamumuhay.
Magkasama na din sila sa pag-so-solve ng mga kaso. Sila ang bagong Khael at Gray...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro