ENTRY #17
A Gift of Heart
by @CeeAeBee
Amber's POV
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako~
Hinahanap-hanap pag-ibig mo.
At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako~
Muling makita ka at makasama ka...
Sa araw ng pasko.
Naalimpungatan ako sa gitna ng pagkahimbing nang makarinig ng isang paghikbi. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata at iginala ito nang bahagyang sumakit ang aking ulo. Narito ako ngayon sa bahay ng kaklase naming si Chane dahil niyaya niya ang buong klase kanina para sa isang party bago magsiuwi sa kanya-kanyang probinsya ngayong Christmas Break. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako matapos kong makailang shot ng beer.
"Oy, Chane. Tahan na kasi. Ayan tuloy, nagising na si Amber," wika ni April habang hinahagod ang likod ng kaibigan.
"Lagot ka, Chane!Baka isumbong ka niyan kay Gray, sige ka!" gatong pa ni Claire na nagpatawa ng bahagya kay Chane na tumatangis pa rin.
"Bakit? Ano bang nangyari? At nasaan na sila Jeremy at Math?" tanong ko na ikinatahimik nila. Embis na sagutin ako, nagpalitan lamang sila ng tingin sa isa't isa na aking ipinagtaka.
"Hays.. Kaka-break pa lang kasi nila ng boyfriend niyang si Paul. At ewan ko ba riyan. Kumakanta lang 'yan kanina ng 'Sana Ngayong Pasko' tapos bigla na lang napahinto at umiyak," bulong ni Kisses ngunit hindi man lang ito makatingin sa akin dahil abala ito sa kanyang cellphone.
"Si Math nga pala umalis na matapos mag-order ng ilang kahong pizza para sa atin dahil maaga pa raw siya bukas na babyahe sa Mindanao," wika ng kadarating pa lamang na si Ophelia bitbit ang ilang kahon ng pizza. "Si Jeremy naman nagpaka-gentleman at ihahatid lang daw si Math pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik," dagdag niya pa at inilapag na ang mga ito sa mesa at umupo sa tabi ko.
"Feeling ko talaga may something sa kanilang dalawa eh! Pinopormahan ata ni Jeremy si Math." Lihim na lamang akong napatawa sa komentong iyon ni April. Kung alam niya lang kung paano magbangayan ang dalawa.
Natuon naman ang atensyon ko sa cellphone na hawak ni Chane. Nagbabadya na naman kasing tumulo ang mga luha niya habang nakatitig dito kaya agad itong hinablot ni April na nagtataka rin.
Natigilan naman si April nang malaman kung ano ang mayroon sa cellphone at nagdadalawang isip kung babasahin niya ba ito ng malakas. "I love you not because of anything you have, but because of something that I feel when I'm near you."Tila nagpantig ang kanilang mga tenga matapos marinig iyon at ipinakita sa amin ang isang poste sa Facebook kung saan, prenteng nakaupo ang isang pamilyar na lalaki habang may nakasandal sa kanyang babae na natutulog. Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking iyon ay si Paul. Madalas kasi nitong sinusundo si Chane sa labas ng classroom namin at minsan ko na ring nakita ang kanyang mukha sa mga poster ng Varsity Team sa campus.
"Tsk. Tsk. Tsk... paano ka nga naman makaka-move on kung pati sa Facebook, ini-stalk," puna ni Ophelia na sinang-ayunan naman nila.
"Hindi ko siya ini-stalk," walang emosyong sambit ni Chane.
"Hindi?Paano mo ipapaliwanag 'yong picture, aber? Paano mo 'yon nakita?" paghahamon ni Ophelia.
"Lumabas sa newsfeed," tipid na sagot ni Chane.
"Ah! Kaya pala! Hindi mo nga siya ini-stalk pero naka-see first naman."̶ Ophelia
"Wala kang alam."̶ Chane
"LOL! Kilala na kita, Chane. Akala mo siguro hindi ko alam na nagba-backread ka pa rin sa chatbox niyo. Tapos tuwing umaga nakaabang ka lagi sa dorm ng mga lalaki dahil umaasa— " Hindi na natapos ni Ophelia ang kanyang sermon nang biglang sumabog sa galit si Chane.
"PWEDE BA, PHEL! DON'T ACT AS IF YOU'RE A JEALOUS BOYFRIEND OF MINE 'COZ YOU ARE NOT AND NEVER WILL!"
Katahimikan ang namayani sa buong sala nang isigaw iyon ni Chane sa harap ni Ophelia at wala ni isa sa amin ang nagtangkang basagin ito. Pulang-pula pa rin ang mukha nito, isang pahiwatig sa labis na galit na nararamdaman. Ngayon ko lang din napansin na ako na lang pala ang naiwan na hindi kabilang sa barkada nila dahil umuwi na ang iba naming mga kaklase.
Gulat naman si Ophelia sa sinabi ni Chane at tila umabot pa ng isang minuto bago ito rumihestro sa kanya. "W-woah... E-english," tangi niya lamang nasambit at nagtungo sa kusina.
"Nakakaiinis na talaga 'yang Opheliang 'yan! Araw-araw na lang akong binu-bwesit," malakas na wika ni Chane na halatang pinaparinig niya kay Ophelia na nasa kusina lamang nila.
"Hindi ka pa nasanay, Chane?" pagsang-ayon ni April at marahan na lamang kaming napailing.
"Nakasalubong ko pala si Paul kanina at nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata na parang nagso-sorry siya. Kaya biglang tumaas ang dugo ko. Nakakainis siya. Magda-dalawang linggo pa lamang silang magkahiwalay ni Chane, may bago na agad siya! Tapos kung saan anniversary pa nila. Naku.Ang sarap niya talagang pagpira-pirasuhin!" Bahagya silang natawa nang sabihin iyon ni Claire. Sa kanilang lahat, sa tingin ko ay siya ang pinaka-malapit kay Chane kaya ganoon na lamang ang pag-usok ng kanyang ilong at tenga nang sabihin iyon.
"Tsss.. Sige guiz, sa kwarto lang muna ako,"rinig kongwika ni Chane.
Ilang minuto matapos niyang makaalis ay dumating naman si Ophelia na may dalang isang Emperador Light at ice bucket. Napatingin naman ako sa kanya at sa hawak niya. Medyo iniwas niya ang kanyang mukha at doon ko lang na-seguradong galing nga siya sa pag-iyak. Gayonpaman, isinawalang-bahala ko na lamang ito at nagsalita na, "Sa tingin ko ay kailangan ko nang umalis. Ayokong makaepal sa bonding n'yong magbarkada."
"Ano ka ba naman, Amber classmate ka naming at isa pa, malalim na ang gabi rito ka na lang magpalipas," buwelta niya.
"Oo nga, Amber. Siguro may date kayo ngayon ni Gray, nuh?" banat pa ni Kisses.
"Date!? Eh matapos nga ang Christmas Party natin, hindi na 'yon nagparamdam sa akin." Napasalampak na lamang ako sa gilid at kumuha ng pizza. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nainis.
Sinimulan na nilang magsalin ng alak sa baso at napapailing na lamang ako sa tuwing tinutungga nila ito na animo'y uhaw na uhaw.
Ilang minuto ang lumipas ay nabaling ang tingin ko sa gilid at nakita si Claire na tutok na tutok sa kanyang cellphone. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa hindi niya namalayang nasa likod niya na pala ako. Bahagya kong sinilip kung sino ang ka-chat niya at hindi ko mapigilang mapasinghap nang malaman kung sino, na ikinagulat niya at dalidaling ibinulsa ang cellphone.
"Paul? 'yong Ex bay an ni Chane?" deritso kong tanong na may bahid ng pagtataka.
"A-ano k-kasi—" Naputol ang sasabihin sana ni Claire nang bigla na lamang umalingawngaw ang boses ni Chane.
"GUIZ!Videoke na tayo!" Kumpara kanina, maaliwalas na ang mukha nito at nakangiti habang iwinawagayway ang remote control. Napaiwas ng tingin si Ophelia at napatigil din si Kisses. Tumalon-talon naman bigla si April dahil sa galak at mahahalatang tinatamaan na ito ng iniinom.
Nagsimula na kaming magkantahan at nakisali na rin sa pag-inom si Chane. Mag-aalaunana nang maubos nila ang ilang bote ng Emperador. Tumayo si April para kumuha ng panibagong bote ng alak at pagewang-gewang itong naglakad hanggang sa matumba. Sa kanilang apat, siya lamang ang na lasing.
Agad namang lumapit si Claire para alalayan itong tumayo."Ok ka lang, pril?"
"Owkey?Awko?Heh. Aym still hurt yow!" panimula ni April at nagtangkang tumayo ngunit natumba rin agad. "Ay lab him! Ay badly looovvveee him..."
"Ayan na nga ba sinasabi ko. Nagiging madaldal 'tong si April sa tuwing nalalasing," wika ni Kisses habang umiiling. "Chane, pahiram nga ng Cellphone mo para ma-videohan," nakakaluko pa nitong sambit.
"All this years, I still love him. But I know... he.can't.love.me.back. Huhuhu," Imbes na malungkot at damayan si April, natawa lamang sila habang seryoso naman ako na nakatitig sa kanya. "Why is fate so cruel to me? I thought pwede na... I thought ako na ang pipiliin niya. But... for the nth time, iba ang pinili niya," Tuluyan na siyang humagulhol pero ilang sandali lang, tumigil ito at bahagyang napangisi. "But this time's better... At least, hindi ko na kailangang pagsilosan ang kaibigan ko. Hahaha!"Tumayo ito ng tuwid sa harapan ni Chane at ipinatong ang kaliwang kamay sa balikat nito. "Buti na lang nagising ka na sa katotohanan, Chane... Paul is a total Jerk!"
Agad silang natigil sa pagtawa matapos iyong sabihin ni April sa mukha ni Chane na wala man lamang kaemo-emosyon.
"Pril, myged lasing ka na talaga," ani Ophelia at hinawakan ang kamay ni April para pa-upuin ito.
"Downt tash me.Shino ka ba?Hendi pa akow lasheeng!" —April
"See? Hindi mo–" —Ophelia
"Shatap, Ophelia! IknowYouAreJustConcernWithChane'sFeelingsRightNowBecauseOfWhatI'veSaidbut– heck! Alam ko rin kung gaano ka naglumpasay nang maghiwalay sina Chane at Paul and took that opportunity to be at Chane's side so that—"
"STOP IT, PRIL!" Tila nahimasmasan si April nang sumigaw si Chane na nasa kanyang harapan lamang kaya agad na itong humilata sa comforter na nakalatag. "Mabuti pa matulog na lang tayo. Sira na eh... sira na ang dapat na plano natin," wika niya sabay tingin kay Ophelia. Akmang tatalikod na ito upang magpunta sa kanyang silid nang bigla siyang tinawag ni Kisses.
"You! Yes you, bitch!" Akmang susugurin niya na si Chane nang bigla akong mapatayo at pinigilan ito. Nilapitan naman ni Ophelia si Chane na ngayon ay gulat na gulat.
Nagtungo si Claire sakusina para magtimpla ng kape kaya ako na lang ang nagpakalma kay Kisses. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nalasing samantalang kanina ay maayos pa siya.
"Amber... Amber ang sakit. Akala ko nakalimutan ko na siya pero hindi pa pala." Bigla akong napatahimik sa sinabi niya. Sino bang ibig niyang sabihin? "Pero alam mo ang mas masakit? 'yong malaman mong hinayaan ka lang masaktan ng kaibigan mo. Siya. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako," Nagpatuloy lang sa pagkwento si Kisses habang ako ay gulong-gulo pa rin. "Amber, ni-reto ni Chane 'yong cousin niya sa akin. Naging mag-textmate kami hanggang sa naging kami. Pero Amber, hindi man lang sinabi ni Chane na may girlfriend na pala 'yong cousin niya. Amber ang sakit-sakit!" Tuluyan nang dumaloy ang mga luha ni Kisses kaya wala na akong nagawa kundi yakapin siya. Palapit na rin sa kinaroruonan namin si Claire daladala ang isang tasa ng kape. Ngunit bago pa man ito makalapit nang tuluyan, kumalas si Kisses sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko na tila naggigiliiti sa galit. "Nakakainis ka, Chane. Pagbabayaran mo ang ginawa mo."
Matapos makainom ng kape ay muling bumalik sa katinuan si Kisses at tila nakalimutan ang mga katagang kanyang binitawan sa akin. Kinuha niya ang cellphone ni Chane at paulit-ulit na pinanood ang bidyu ni April sabay tawa ng malakas. Mag-aalas dos na nang mapagdesisyonan naming matulog dito sa sala embis na sa guest room. Magkatabi sina April at Kisses sa comforter samantalang sa sofa naman kami ni Claire dahil ayaw naming tumabi sa kanila na amoy alak. Sina Chane at Ophelia naman ay kanina pa nasa kwarto ni Chane kaya paniguradong doon na sila matutulog.
Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa kumikinang na Christmas light sa Christmas tree bago ipinikit ang aking mga mata. Sa isang barkada, hindi talaga maiiwasang magkaroon ng ganitong mga tampuhan o pangyayari. Kami kaya nila Jeremy, Math at Gray? Hindi ko sinasabing magbarkada kami pero sa tuwing naiisip ko ang Detective Triumvirate Plus One, napapatawa na lamang ako.
**
"AAAAAAHHHHHH!!!"
Agad akong napabangon nang makarinig ng malakas na pagsigaw. Nakita kong napabangon din sina April at Kisses at nakahawak sa kanilang ulo, si Ophelia na katabi pala nilang natulog at si Claire na namumugto ang mga mata.
Hinanap namin ang pinanggalingan nito at dinala kami sa kusina kung saan nadatnan namin si Chane na nakasalampak sa sahig habang tinatakpan ng mga kamay ang bibig at tila takot na takot. Nanginginig na itinuro niya ang mesa at doon napansin namin ang isang kahon na nakabalot ng mga palamuting pampasko— isang regalo. Lumapit kami rito upang tingnan kung anong laman nito at ganoon na lamang ang paglaki ng aming mga mata at pagbuo ng butil ng pawis sa aming buong katawan nang mapagtanto ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Chane. Isang regalo... isang regalong Puso... ng tao.
Wala ni isang nagtangkang magsalita sa amin. Gulat—tanging gulat at kaba ang nararamdaman namin.
"Oh My Father who art in heaven!"
Hindi pa man kami tuluyang nakabawi sa aming mga sarili nang magulantang na naman kami sa isang pamilyar na sigaw mula sa labas. Dalidali kaming tumakbo patungo rito at natagpuan si Jeremyna naistatwa sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa isang sulok.
"Jeremy, anong ginagawa mo rito?"
Dahan-dahan siyang lumingon sa amin nang may bakas ng takot sa mukha. "A-anong... g-gginawa... n-nyo?"
Ang takot na aming nadama ay nadagdagan ng pagtataka. Lumapit kami kay Jeremy at tiningnan ang kanyang tinitigan kanina at bigla na lamang bumaliktad ang aming sikmura nang bumulaga sa amin ang bangkay ni Paul na naliligo sa dugo habang tadtad ng mga saksak at wala ang... puso.
Habang hindi sila makagalaw sa gulat, kumuha ako ng isang patpat at lumapit sa bangkay ni Paul. Dilat na dilat ang mga mata nito na nakatingin sa nakakandadong pinto ng garahe at ang kanang kamay ay may hawak na kutsilyo habang ang kaliwa, naka 'thumbs-up'. Kalunos-lunos talaga ang sinapit niya dahil hindi lang nakuntento ang salarin sa ilang tadtad ng saksak, kinuha pa pati ang puso nito. Gamit ang patpat, nalaman ko na matagal nang naka-thumbs up si Paul dahil naninigas na ito. Samantalang ang kanyang kanang kamay na may hawak na kutsilyo, hindi pa ganoon at halatang kakalagay lang doon.
Narinig kong tumawag na ng pulis si Ophelia kaya kinuhanan ko na lang ng litrato ang posisyon ng biktima. Hinalughog ko ang bawat sulok para makahanap pa ng ebidensya at hindi nga ako nagkamali dahil natagpuan ko ang cellphone ni Paul sa may halamanan. Nagsuot ako ng isang cellophane sa kamay at kinuha ang cellphone. Nang mabuksan ko ito ay tumambad sa akin ang isang text message.
From: Chane <3
December 22, 2017
2:45 am
Last Christmas I gave you my heart
But the very next day, you gave it away
This year, to save me from tears
I'll give yours to someone special.
Napataas naman ang kanang kilay ko dahil sa pagtataka nang mabasa iyon. Naghanap pa ako sa inbox pero wala na akong makita. Dumapo naman ako sa sent items at natagpuan ang nag-iisang mensahe kaya agad ko itong tiningnan.
To: Chane <3
December 21, 2017
11:30 pm
Chane, may dpat taung paguspan. Pupunta aq dyan senyo mga alas-dos y medya. Gya ng dati :<
Muli kong tiningnan ang mga picture ng bangkay ni Paul at ang mga mensahe sa kanyang cellphone.
Ang posisyon ng biktima... ang mga mensahe sa cellphone ni Paul... ang mga nangyari kagabi... Ang regalo... Hindi ako nagkakamali. Nasa bahay na ito lamang ang(mga) salarin at kasama ko ngayon. Pero may ebidensya na hindi umaayon.
"Tawagan niyo si Gray!" utos ni Jeremy sa kanila at napatingin sa akin, "Bestie, let's solve this case habang tayo pa lang dalawa para may maipagmayabang tayo pagbalik ni Maya."
Napatawa na lamang ako ng bahagya bago nagwika, "Sa tingin ko alam ko na kung sino."
"Talaga? Ang daya! Diyan ka na nga lang. Pupuntahan ko ang bangkay," pagmamaktol niya na parang bata.
Matapos mapagtagpi-tagpi ang mga ebidensya, nagtungo na ako sa kanila at tiningnan sila isa-isa. Mababakas ang takot sa kanilang mga mukha. Tahimik lang si Claire at halatang may malalim na iniisip. Pinapakalma naman ni April si Chane na humagulhol na sa iyak. Muli, tiningnan ko ang kanilang mga mata. At tama nga sila, eyes don't lie.
Narito kami ngayon sa sala habang hinihintay ang mga pulis. Nais ko sanang sabihin sa kanila ang mga natagpuan ko kani-kanina lang pero bago iyon, kailangan ko munang pawiin ang bumabagabag sa akin.
"Ophelia, Kisses, bakit nga pala iba na ang damit na suot niyo?" tanong ko na ipinagtaka nila.
"Ano ka ba naman Amber. Hindi yan ang problema natin ngayon," naiiritang tugon ni April.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko."
Nagkatinginan muna sina Ophelia at Kisses bago sumagot."N-nasukahan kasi kami ni April kagabi buti na lang pinahiram kami ni Chane ng damit at agad nakapagpalit."
"Ok."
"Bestie, bago mo sabihin sa kanila ang mga natuklasan mo, sabihin mo muna sa akin," bulong ni Jeremy kaya agad ko siyang binatukan.
Sinabi ko na sa kanila ang mga natagpuan ko kanina at pinakita ang mga larawan sa aking cellphone. Laking gulat naman nila lalo na nang ipakita ko ang mga mensahe sa cellphone ni Paul.
"I-ibig sabihin... nagpunta si Paul dito at t-tayong lahat ay suspect?"hindi makapaniwalang tanong ni Kisses. "I-ibig s-sabihin... C-chane..." Lahat ng mga mata ay nakatuon kay Chane nang sabihin iyon niKisses.
Agad namang napatayo si Chane para dipensahan ang kanyang sarili."Teka! Wag niyo akong tingnan ng ganyan. Kagabi pa wala sa akin ang cellphone ko!"
"Alam ko," tipid kong sagot at sumilay ang kakaibang ngiti sa aking labi. Let the show begin.
[RESOLUTION]
"I-ibig sabihin... nagpunta si Paul dito at t-tayong lahat ay suspect?"hindi makapaniwalang tanong ni Kisses. "I-ibig s-sabihin... C-chane..." Lahat ng mga mata ay nakatuon kay Chane nang sabihin iyon ni Kisses.
Agad namang napatayo si Chane para dipensahan ang kanyang sarili."Teka! Wag niyo akong tingnan ng ganyan. Kagabi pa wala sa akin ang cellphone ko!"
"Alam ko," tipid kong sagot at sumilay ang kakaibang ngiti sa aking labi. Nagtaka naman sila sa biglaan kong pagngiti ngunit isinawalang-bahala ko lamang iyon. Kailangan nang mabunyag ang killer ngayon bago pa man dumating ang mga pulis. "Ang pumatay kay Paul ay hindi lang isa... kundi dalawa."
Lahat sila ay takang-taka sa huling katagang binitawan ko at tutok na tutok sa susunod kong sasabihin. "At walang iba kundi sina Ophelia at Kisses."
Lahat ng mata ay nakatuon na kina Ophelia at Kisses. Gulat na gulat si Kisses at tumitig sa akin nagbabasakaling nagkamali lang ako ng banggit at bawiin ang sinabi ko. Samantalang wala namang gulat o takot ang nakapinta sa mukha ni Ophelia, sa halip ay tumawa pa ito ng mahina. "Hahaha. Kung biro iyan, hindi nakakatawa. Buhay ang kinuha rito kaya huwag ka ngang turo ng turo riyan."
"Hindi ako nagbibiro."
"Pwede ba Amber. Akala ko pa naman totoong detective ka. E bakit nambibintang ka na lang basta-basta? You're such a pathetic detective wannabee! Si Gray lang naman talaga yata ang nakakalutas ng mga kaso eh! Mas mabuti pa sayo si Math. Kahit mayabang may maibubuga naman."
Nag-igting ang bagang ko nang sabihin iyon ni Kisses sa mukha ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa o ano. Ngunit sa huli, napatikhim na lamang ako bago sumagot.
"Ahem. Sa tingin mo ba sasabak ang bestie ko sa giyera ng walang sandata? Baka nakakalimutan mo, nasa middle part siya ng Detective Triumvirate," pagtatanggol sa akin ni Jeremy.
"Then show us what you've got!"
Napangisi na lamang ako. Sinenyasan ko silang maupo at manahimik habang inihanda ang mga sasabihin ko. Nang makita kong handa na sila para makinig, bumilang na ako ng tatlo at nagsimula. "Una sa lahat, na kanino ba ang cellphone ni Chane nang mga oras bago mangyari ang krimen? Hindi ba na sayo, kisses? Kaya ikaw lamang ang nakakaalam na pupunta rito si Paul." Akmang tatayo si Kisses para dipensahan ang kanyang sarili. "Pwede patapusin niyo muna ako? Mamaya na kayo magreklamo." Wala naman na siyang nagawa kundi bumalik sa kinauupuan. "Hindi mo ba naaalala ang mga sinabi mo sa akin kagabi nang bigla kang nalasing? Nadulas ang dila mo at nasabing pagbabayaran mo si Chane sa sakit na idinulot niya sayo kaya noong mga oras na nanonood ka ng video ni April, biglang nagtext si paul at ginawa mo 'yong pagkakataon para makapaghiganti dahil ikaw lamang ang nakakaalam na pupunta siya rito..." Napasulyap naman ako kay Ophelia bago nagpatuloy, "At ikaw Ophelia. Hindi lingid sa amin ang pagtingin mo kay Chane na umabot na sa obsession. Akala mo ba hindi ko alam na sinisiraan mo ang mga kaibigan mo kay chane? Para ano? Para ipamukha sa kanya na ikaw lang dapat ang pagkatiwalaan niya. Alam kong sobra kang natuwa nang mag-break sila ni Paul pero hindi mo matanggap na hanggang ngayon, si paul pa rin ang nasa puso niya at hindi mo iyon mapapalitan dahil babae ka. Inipon mo ang lahat sa kaloob-looban mo at mas umigting pa ang galit na iyong nadama dahil sa pagsigaw ni Chane sa iyo kagabi. Kaya noong nalaman mo na darating si Paul at si Kisses lang ang nakakaalam, bumuo agad kayo ng alyansa." Huminto muna ako saglit at tiningnan silang dalawa sa mata. "Nang dumating si Paul ay malaya niyo nang naisagawa ang plano niyo dahil tulog na kami. Pagkatapos ay nagbihis kaagad kayo ng damit nang mapansing may mga dugo rito at pinalabas na nasukuhan kayo."
Muli na namang binalot ang sala ng isang nakakabinging katahimikan hanggang sa dahandahang tumayo si Ophelia at pumalakpak ng dahan-dahan. "Nice try. Pero lahat ng 'yon ay circumstantial evidences lamang. At 'yong damit namin–"
Agad kong pinutol ang sinasabi ni Ophelia at nagsalita, "Hindi niyo alam, nag-iwan si Paul ng clue bago siya bawian ng buhay."
"A-anong clue?" naguguluhang tanong ni Claire na kanina pa tahimik buhat nang magising kami.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita sa kanila ang naka-zoom na bahaging iyon. "Naka-thumbs up ang kaliwang kamay ni Paul na nangangahulugang 'OK' o Ophelia-Kisses." Napalaki ang mga mata nina Ophelia at Kisses at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "And oh, nakalimutan ko. Chane, pwede mo bang dalhin dito ang damit nina Ophelia at Kisses na nakababad sa may labahan ninyo?" Agad namang sumunod si Chane at nang bumalik ay dala-dala na ang isang planggana. Agad kong kinuha ang laman nitong dalawang damit at ipinakita ko sa kanila. Kahit basa ay hindi pa rin nawawala rito ang mantsa ng... dugo.
"H-hindi... P-papaanong—"
Hindi na natapos ni Kisses ang sasabihin niya nang bigla na lamang siyang sinampal ni April. "Anong karapatan mong kunin ang buhay na hindi sa iyo? Hindi niyo man lang ba naisip ang mararamdaman ng ibang tao? Ang mararamdaman ng mga taong nagmamahal kay Paul ng totoo?" Tuluyan nang humagulhol sa iyak si April at pilit siyang pinapakalma ni Claire.
"Guiz... M-magpapaliwanag kami," pagsusumamo ni Ophelia.
"Para saan pa, phel?" Matapos sabihin iyon ay nagmadaling nagtungo si Chane sa kanyang silid.
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga naiwan sa sala. Ilang minuto na lang, darating na ang mga pulis. Tama ba ang ginawa ko? Tiningnan ko sila isa-isa at bakas sa kanilang mga mukha ang samot-saring reaksyon—Kaba.Takot.Galit. "The end justifies the mean."
**
"Hindi ako makapaniwalang magagawa nila iyon," wika niya habang patuloy pa ring tumutulo ang luha sa mga mata.
"Ako rin.Hindi makapaniwala."
"Paano nila nagawa iyon?Tinuring ko silang mga totoong kaibigan," ani niya.
"Paano mo nga ba nagawa iyon?Tinuring ka nilang totoong kaibigan."
Tumigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin na animoy may nasabi akong masama. "Anong ibig mong sabihin?"
"Wag ka nang magkaila. Alam kong ikaw ang may gawa non at pinalabas mo lang na sila."
"A-amber, h-hindi n-na n-nakakatuwa i-iyan. Ano ka ba!" kinakabahan niyang sambit na ikinangisi ko. Narito kami ngayong dalawa sa kanyang silid at ginamit ko na itong pagkakataon upang kumprontahin siya.
"Alam mong hindi ako nagbibiro Chane!" wika ko at tumingin sa kanyang mga mata na agad din naman niyang iniwas.
"Kagabi pa wala sa akin ang cellphone ko!" kampante niyang tugon.
"Alam ko," ani ko na ikinangiti niya. "Kagabi pa wala sayo ang cellphone mo. Pero ang simcard, oo." Agad napawi ang kanyang mapang-uyam na ngiti at nanginginig na napatingin sa akin. Naramdaman ko ang paglakas ng pintig ng kanyang puso at tila pinagpapawisan na siya.
"Nang sabihin ni Claire na nakasalubong niya si Paul at tila nanghihingi ng tawad, alam mo na agad na makikipagkita ito sayo gaya ng dati kaya agad kang pumasok sa kwarto mo at nilipat ang iyong simcard. Nang bumalik ka at nakipag-inuman, bukal sa loob mo itong pinahiram kay Kisses para umayon sa plano. Pinaalis mo si Ophelia sa kwarto mo at nang mag-isa ka na tinext mo si Paul gamit ang cellphone ni Kisses na naglalaman ng simcard mo. Akala mo ay tulog na kaming lahat nang dumating si Paul at isinagawa ang iyong plano. Alam mong bukas na bukas din ay mag-iimbistiga ako kaya nag-iwan ka ng clue at pinalabas mo na si Ophelia at Kisses ang may gawa nito. At iyon ang naka-thumbs up na kamay ni Paul. Ngunit lingid sa kaalaman mo, nag-iwan din si Paul ng clue na makapagtuturo sa iyo."
Napataas naman ang kanyang kilay ng sabihin ko iyon."Anong clue?"
"Nakadilat pa rin ang mga mata ng bangkay ni Paul at nakatingin ito sa nakasaradong pinto ng garahe— sa kadena o 'Chain' na katunog ng pangalan mo."
Napatango-tango naman siya.Ang kabang nararamdaman niya kanina ay biglang napalitan ng pagkamangha."E paano mo naman ipapaliwanag ang mga mantsa ng dugo sa damit nina Ophelia at Kisses?"
Napangisi naman ako nang marinig iyon bago nagsalita, "Hindi ka pa man tapos sa paglilinis ng makarinig ka ng kaluskos at nang magtungo ka sa sala, hindi mo napansin na wala na si Clairesa hinihigaan niya. Nakita niya ang karumaldumal na ginawa mo pati kung paano mo pinagpalit ng damit sina Ophelia at Kisses kahit hindi naman sila sinukahan ni April. At dahil nga nakainom ang dalawa, naniwala sila sayo. Nilagyan mo ng dugo ni Paul ang kanilang mga damit bago mo nilagay sa planggana. Nilagyan mo lang ng tubig ang planggana nang inatasan na kitang kuhanin ito upang hindi pa mawala ang mga ebidensya."
"Owh... That bitch. Kaya pala tahimik lang siya kanina."Pailing-iling pa siya ng sabihin iyon.
"Pero alam mo kung ano ang mas matinding clue na nagturo sayo, chane?" tanong ko pero imbes na sagutin ay tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Ang Gift of Heart."
"Base sa mensahe mo kay Paul,
Last Christmas I gave you my heart
But the very next day, you gave it away
This year, to save me from tears
I'll give yours to someone special.
Ang first line ay tumutukoy sa araw kung kailan sinagot mo si Paul. Ang second ay 'yong nakipaghiwalay ka sa kanya dahil tingin mo, ayaw niya na sayo. 'yong pangatlo at panghuli nangangahulugan 'yon na para hindi ka na masaktan pa, ibibigay mo ang literal na puso niya sa 'someone special'. At ang someone special na iyon, ay ang sarili mo."
Napatayo si Chane at marahang pumalakpak."Wow. You are truly a detective. Biruin mo, nalutas mo ang kaso... But sad to say, wala namang maniniwala sayo.Hahaha."
Embis na mabahala ay tumingin lang ako sa kanyang mga mata at nag wika, "Pero bakit mo nagawa 'yon chane? At bakit mo pinalabas na kasalanan nina Ophelia at Kisses?"
"You want to know the truth? Then fine." Tiningnan niya ako at hindi nakawala sa akin ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kanyang mata. "Pinaka-ayaw ko sa lahat iyong may taong naiinis sa akin. Yong nagtatago ng sama ng loob sa akin. Lalong-lalo na kung isa ito sa mga bestfriend ko. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang marinig ko ang sinabi ni Kisses sa iyo kagabi sa pag-aakala na ako ikaw. Hindi mo alam kung gaano dinudurog nito ang puso ko. Gusto niya raw maghiganti kaya uunahan ko na siya. At kay Ophelia? Nabu-bwesit ako sa kanya. Hindi pa ba sapat na dahilan, 'yon? At uh—yong kay Paul? April's right. He's a total jerk. Matapos niya kaming saktan ni April, si Claire naman ngayon ang target niya. Sa susunod, sino naman? Si Kisses? Well, hindi ko na hahayaang mangyari iyon."
"Malala ka na, Chane," pailing-iling na sambit ko.
"So, what? At alam mo, may mas ilalala pa ako. Gusto mo bang simulan ko na ang pagpaplano sa kamatayan mo?"
Ngunit imbes na kabahan at matakot ay taas-noo kung kinuha ang bagay na nasa aking bulsa at ipinakita ko sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang makita iyon at nag-akmang kukunin ito pero agad kong pinindot ang 'save' at inilayo sa kanya. Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng mga busina ng pulis mula sa labas.
"Ilang sandali na lang ay maririnig na ng mga pulis ang ni-record ko at pagbabayaran mo na ang mga ginawa mo."
"A-amber... p-please h-huwag m-mong g-gawin 'to," pagmamakaawa niya at lumuhod sa harapan ko.
"Hindi maaari, Chane. For the end justifies the mean and the mean will be punished in the end."
Matapos sabihin iyon ay tumunog ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ng isang taong nagpangiti na lamang sa akin nang hindi inaasahan.
###
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro