ENTRY #14
What Did I Do?
by @violetiere
"Sinong gustong mauna?"
"Ikaw muna Tol."
"Isa-isa lang para masaya."
"'Di ba kayo naaawa sa kaniya?"
"Ba't tayo maaawa? Ikaw na mauna sige!"
EURIE'S POV
"SEE YOU on Monday. Don't forget your assignment, okay?" ani Sir Science habang palabas ng classroom namin.
"Yes, Siiiiiir!" pasigaw namang sagot ng mga kaklase ko habang nagkakagulo.
Isinara ko na ang Science book ko at nilagay sa bag. Inilabas ko naman ang aking paboritong libro na hiniram ko sa library kahapon. I was about to read when someone interrupted my only hobby that gives me happiness in life.
"Eurie, pwede bang humiram sa'yo ng copy ng lecture natin sa Science?"
I sighed as I searched for my Science notebook in my bag at binigay kay Khiel, classmate ko.
"Thanks Eurie! Maaasahan ka talaga!" ngiting sabi niya at kumindat pa habang pabalik siya sa kaniyang upuan.
I don't know why pero nakaramdam ako ng pagkairita habang binibigay ko kanina ang kwaderno ko. I was like, hindi ba siya nag-take down ng notes kanina habang nagdi-discuss si Sir Science? Sabagay, busy kasi siya sa pagtingin or should I say titig kay Sir. Hmm, may hitsura naman talaga kasi si Sir. Matangkad, pormal lagi ang suot, matangos ang ilong, pinkish ang labi, magaling siyang magturo at ang bagay na pinaka-attractive sa kaniya (base sa naririnig ko sa mga kaklase kong babae) ay ang kanyang salamin na pinagmumukha siyang genius na talaga namang totoo. But whatever, narito tayo sa school to learn things we're gonna use in the future, not 'narito tayo sa school para maging isang maharot na estudyante'. Damn, I hate those lazy students na ang ginawa lang sa school ay ang maghanap nang maghanap ng gwapo.
KRIIIIIING!
Tumayo na ako at naglakad papalabas ng classroom. Ninamnam ko ang simoy ng hangin, mabaho kasi sa room. Kulob, tapos amoy putok pa. Gross.
"Hey, Eurie!" biglang tawag sa akin ni Elya. 'Di ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad. Sumunod naman ito. Ugh, this guy. Yes, lalaki si Elya and he's my classmate. He's creeping me since last week. I don't know why but Elya is a playboy, mahirap pagkatiwalaan so iniiwasan ko siya sa abot ng makakaya ko.
"Sasama ka sa team building?" pa-cool na tanong niya habang inaayos ang parang 'pinugaran ng ibon' niyang buhok. Ano kaya ang nakita ng mga babae sa kaniya at gwapong-gwapo sila rito? Are they blind? Tumango na lang ako at binilisan pa ang paglakad. Malapit na ako sa library pero patuloy parin siya sa pagsunod. Humarap ako sa kaniya at huminga ng malalim. Napatitig naman siya sa akin at huminto sa paglalakad.
"Why the heck are you following me?" inis na tanong ko.
"What are you talking about, Eurie? I'm going to the library, too," patay-malisyang sagot niya sa akin. His excuse is freakin' lame. He's definitely lying. I know that he hates libraries (according to my 'tsismosang' mga kaklase) because he just hate it. He's getting on my nerves.
"Stop playing dumb, Elya. What do you want? Me? Para maging girlfriend mo or makuha ang virginity ko?" nagtitimping sabi ko habang nakahawak ng mahigpit sa ballpen na hawak ko pa kanina sa bulsa ko.
"Whoa, easy," pa-cool niya uling sambit habang itinataas pa ang kamay niya na para bang a-arestuhin ng pulis.
"I'm not gonna play your nonsense games, Elya. Don't mess up with me. Now tell, what do you want?" unti-unting nawala ang pagiging 'cool' niya at sumeryoso.
"Chill, Eurie. I just wanna say that I have something that can make you explode." ngumisi siya at humakbang ng isang beses papalapit sa'kin na siya namang pag-atras ko. What is he talking about? Patuloy siya sa paghakbang at ako naman ay atras nang atras.
What the---
Bigla nalang niya akong kinulong sa kanyang mga bisig and guess what, I'm trapped here. Ugh, bakit nga ba ako huminto rito sa 'di mataong lugar? You're so stupid, Eurie.
"And what's that something, Elya?" matapang na tanong ko kahit alam kong nanginginig na ang tuhod ko. Damn, you need to be brave, Eurie or else.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at tinitigan ang bawat sulok nito.
"Stop staring at me," iniwas ko ang mukha ko dahil nakaramdam ako ng awkwardness kasama na ang kabang kanina ko pa nararamdaman.
"Ang ganda mo pala lalo na 'pag malapitan, Eurie," his voice become husky at hindi ko nagustuhan ang pagkakasabi niya no'n sa akin. Tiningnan ko siya at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. What's wrong with this guy?
Pakiramdam ko hindi na ako humihinga. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Lalo niya pang inilapit ang mukha niya kaya napapikit ako. Damn it!
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko.
"You have Mul----"
BLAAAAG!
He was about to say something ng bigla siyang tumilapon sa sahig. Oh my.
"You should not treat beautiful girls like that," ani ng lalaking kararating lang at 'sumuntok' sa panga ni Elya. Matapos no'n ay lumapit ito sa akin.
"Hey, Miss. Ayos ka lang?" tanong nito.
"I'm fine, no harm intended," sagot ko na lang at inayos ang sarili. Bigla siyang napatigil kaya na-conscious ako sa mukha ko. May dumi ba or something?
"You sounded like Special A," tumatango at namamanghang sabi nito. Napakunot naman ang noo ko. This guy is weird.
"What? Who's Special A?" tanong ko.
"She's my------"
"ALONZO!" natigil siya sa pagsasalita ng may tumawag yata sa kaniya. Lumingon siya, eh.
"Ang bagal mo, Silvan!" sigaw niya pabalik.
"So, your name is Alonzo?" natatawang tanong ko. Sayang, gwapo sana, eh. Kaso with that name, uh, nevermind.
"No Miss, sa gwapo kong 'to? But that's my surname," mayabang niyang sagot. So, he's an electric fan too. Hindi ko kinaya ang kahanginan niya. But he's nice. Tinulungan niya ako at magaan ang loob ko sa kaniya. I almost forgot what happened earlier.
"Hey Alonzo-----"
"Shut up, Silvan," inis niyang pigil sa lalaking sumigaw ng 'surname' niya kanina. Nagsamaan sila ng tingin. Magkaano-ano kaya sila?
BLAAG!
Nagulat ako nung bigla nalang sinuntok nung lalaki si Alonzo na nakaupo na sa sahig ngayon. Bumangon naman si Alonzo at sinuntok pabalik yung lalaki.
"What the hell you two are doing?!" histerikal kong tanong. What's their problem?! Are they crazy?!
"This is how we greet each other as bestfriends, we're cool, right?" sabi nung lalaki. Sumangayon naman si Alonzo at tumawa ng malakas.
"Kahit kailan talaga ang hina mo sumuntok, Silvan," sabi nito.
"Ang yabang mo, Alonzo. You know that I'm stronger than you," mayabang din namang sagot nung lalaking tinatawag na 'Silvan' ni Alonzo.
"Kanina pa 'ko naghahanap nandito lang pala kayo," nagulat silang dalawa nung may sumingit nanamang isang babae. Tumingin ito ng masama sa kanila sabay nilagay ang tingin sa akin---- wait.
"Eurie?"
"Amber?"
Omg!
Nilapitan ko ang babaeng kararating lang at niyakap. Yumakap din siya pabalik. Tulala namang tumingin sa amin yung dalawang nagsuntukan kanina.
"You know each other?" tanong nung lalaki.
"Magyayakap ba kami kung hindi?" sabay naming sabi ni Amber. We both giggled at nag-apir kami. Napanganga naman yung dalawa.
"What are you doing here?" tanong niya.
"I'm studying here." sagot ko naman. Gosh, I missed this girl.
"What a coincidence! I didn't expect na nandito ka."
"Me too. Kasama mo ba 'yang dalawang 'yan?" sabi ko sabay turo sa dalawa.
"Yes, we came here for some matter. You can come with us if you want." ani to.
"Really?"
"Yes of course!" masayang sabi nito.
"They're talking like we're not here," sabi ni Alonzo at tumango yung kasama niyang lalaki. Tumawa lang kaming dalawa ni Amber.
"Very well, saan ka nga pala papunta?" tanong uli ni Amber. Makulit parin as always.
"Sa library," nakangiting sagot ko.
"Papunta rin kami roon! Let's go!" sabi nito at hinila ako not minding those two maski si Elya na nakasalampak parin sa sahig. I feel pity for them, 'pag kasama ko si Amber ay 'di na nito halos napapansin ang paligid. Sumunod nalang ang dalawa at pinabayaan si Elya. Poor Elya, well he deserve it because of what he did to me earlier.
***
"Andami-daming schools na pwedeng pasukan, why Calirose High?" tanong ni Amber. Nandito na kami sa library at umupo kaming apat sa round table na may anim na upuan. While we're heading here, Amber told me na may dalawa pa silang kasamahan at dito ang meeting place nila.
Napaisip ako, "I chose here because I just want to," sagot ko na lamang.
"Sabagay, dream school mo itong Calirose right?"
"Yeah..."
Natahimik siya bigla sandali. Nagtinginan naman silang tatlo kaya napakunot ang noo ko.
"By the way, Eurie, have we formally introduced ourselves to you?" bigla niyang tanong out of blue. Natigilan naman ako.
"No," I answered. Oo nga, 'no? Hindi pa pala kami nagpakilala sa isa't isa. Kahit hindi na naman, kaso may kasama siya so okay.
"Okay, I'll introduce myself first. My name is Amber Sison, nice to see you again, Eurie," nakangiti nitong sabi kaya nginitian ko rin siya pabalik. "And these two are----"
"We can introduce ourselves, Special A. 'Wag mo na kaming pangunahan," putol ni Alonzo sa sinasabi ni Amber kaya sinamaan siya nito ng tingin. Nakita ko namang umarko ang gilid ng labi nung isa pa nilang kasamahan na 'di ko rin alam ang pangalan.
"My name is Khael Alonzo. Pleasure to meet you Miss Beautiful," nakangisi nitong sabi. Gosh, halos kaming tatlo na nakarinig ng pagpapakilala niya ay umasim ang mukha. Sobrang hangiiiin.
"It's not Khael, it's Mikhaela Alonzo, Miss," biglang sambit nung lalaki kaya nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig. I tried not to laugh. Natatawa namang tumakip din ng bibig si Amber.
"Still it's Khael for short!" Sinamaan ng tingin ni Khael yung lalaki.
"Whatever, wala akong naririnig," binigyan siya ng lalaki ng tinging walang pakialam. "I'm Gray Ivan Silvan, a detective," nakangising pagpapakilala niya at inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman ang kamay ko at nag-shakehands kami.Wow. So his name's Gray, huh. "How about you?" tanong nito.
"I'm Eurie Enriquez. Hello sa inyong lahat," pakilala ko at kumaway ng kaunti kaya natawa sila.
"Naalala ko, bakit nandoon kayo ni Alonzo sa wala masyadong tao na lugar?" tanong ni Gray.
"Khael saved me from a guy who's harassing me by punching him in his jaw," sagot ko at bumaling kay Khael. "By the way, I want to say thank you for saving me."
"You're welcome," ani to at kumindat. 'Di ko nalang ito pinansin at ngumiti na lamang. "Can I ask a question?" tanong niya.
"You're already asking," sagot ko kaya natawa sila Amber at Gray, si Khael naman ay sumimangot.
"Magkaano-ano ba kayo ni Amber?" tanong niya. Tumango naman si Gray na sumasang-ayon sa tanong ni Khael. Nagtinginan naman kami ni Amber na para bang naguusap kami gamit ang aming isipan, nakita ko siyang tumango.
"We're childhood friends," sagot ko. Nakita kong medyo nagulat silang dalawa.
"'Di ko akalaing may nakatagal pala sa'yo nung bata ka, Special A. Nananakit ka kasi," sabi ni Khael kay Amber kaya sinamaan siya nito ng tingin at inambangan ng suntok.
After that we talked about some throwback happenings we had in the past few years. Makalipas ang dalawampung minuto ay may dumating na lalaking mukhang nerd sa paningin ko at isang babaeng blonde na hindi ko gusto ang aura.
"They're here," sabi ni Gray.
"What took you so long? Late na kayo, oh," sabi ni Amber nang makaupo na ang dalawa.
"Sorry, Amber. Si Math kasi, eh. Ang bagal kumilos at saka naligaw kami kaya eto na-late," sagot nung lalaki. Tiningnan naman siya nung blonde ng masama.
"Excuse me?"
"Totoo naman, eh."
"Ikaw kaya 'tong babagal-bagal kumilos!"
"Ikaw!"
"Ikaw!"
"Both of you, stop your childishness at simulan na natin ang meeting," pigil ni Amber sa dalawa. Sumingit naman ako at nagtanong.
"Ano ba pagmi-meeting-an niyo?" napatingin naman sa akin 'yong dalawang bagong dating.
"Who is she, Amber?" tanong ni Blonde.
"Math and Je, meet Eurie, my childhood friend. Eurie, meet Jeremy and Math, my classmates and friends," pakilala ni Amber.
"Nice to meet you," sabi ko.
"Me too," sabi ni Math.
"Me three," sabi ni Jeremy kaya napasimangot silang lahat. What's wrong?
"Bakit ba natin sinama 'tong si Jeremy?" sabi ni Math. Wala namang sumagot.
"Ang sama niyo naman sa akin!"
"Okay let's start at late na tayo for our investigation, oh," biglang singit ni Gray kaya napakunot ang noo ko.
"Investigation?"
"Yes, investigation. We're here because we have to investigate something here in your school," sagot ni Amber.
"That's why I called myself as a detective earlier," sabi ni Gray.
"And we call our team Detective Triumvirate plus 1 and another one!" sabi ni Jeremy kaya sumimangot na naman sila.
"Get used to his ka-cornyhan, Eurie. He always do that," sabi ni Math sa akin.
"Get used to the business woman na walang ginawa kun'di ang magbuhat ng sariling bangko, Eurie. She always do that," sabi naman ni Jeremy na ginagaya ang tono ng boses ni Math. Natawa naman ako dahil sinamaan ni Math si Jeremy ng tingin. They're both funny.
"Ang tagal namang magsimula," bored na sabi ni Khael kaya nanahimik na silang dalawa.
"Para saan ba 'yong iimbestigahan niyo?" tanong ko.
"A police told Gray na may nangyayaring something na 'di maipaliwanag dito sa school niyo, may nawawalang mga estudyante, at may namamatay in a very weird way," kwento ni Amber kaya tumango ako.
"Bakit sa inyo inilapit? Highschool students lang kayo 'di ba?" tanong ko ulit.
"We're known as highschool detectives sa lugar namin, Eurie. We've solved many crimes na mismong pulis ay hindi nasasagot," sabi ni Gray kaya namangha ako.
"Hindi ko alam na ganito na pala ang hilig mo, Amber," sabi ko nalang.
"Well," sabi niya at tumawa.
"Kumusta ang mga investigations niyo, Jeremy and Math?" tanong ni Gray.
"Ininterview namin ang isa sa list ng suspects, he said na wala raw siyang kinalaman sa pagkamatay ng biktima, magtatanong pa sana kami kaso nagmamadali siya at may practice pa raw siya so nonsense ang nakuha naming impormasyon," sabi ni Math at tumango si Jeremy.
"Same as ours, wala rin kaming nakuhang importanteng impormasyon. So fail nanaman ang mission natin for today?" sabi ni Khael at tumango naman silang lahat.
"Bale tapos na 'tong meeting natin?" tanong ni Jeremy. Oo nga, gano'n lang ba 'yon kabilis?
"Yes," sabi ni Gray. Nagsitayuan na silang lahat kaya tumayo narin ako.
"It's time to say goodbye, Eurie. May gagawin pa kasi kami sa school kaya babalik nalang kami, see you again," sabi ni Gray kaya tumango nalang ako. Isa-isa na silang lumabas habang nagpapaalam sa'kin. Natira naman kaming dalawa ni Amber dito sa loob.
"So, wala palang impormasyong nakuha, sayang," sabi ko.
"At least nakadaldalan kita, Eurie. I'm very happy na nakita ulit kita after many years," sabi ni Amber at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.
"It's a goodbye for now, then?" sabi ko.
"No, not yet," sabi niya. "May team building kayo on Saturday, 'di ba?" dagdag niya. Tumango naman ako bilang sagot.
"Well, see you there," sabi niya at nagpaalam na.
"Wait, what----" tumakbo na siya palabas ng library.
Anong ibig niyang sabihin?
***
It's 8 p.m. at kararating lang namin sa destinasyon ng pagti-team building-an namin. It's already Friday and we're gonna stay here for two nights and one day. The ambiance here is very relaxing dahil narin siguro na ang lokasyon nito ay sa gubat. Our teacher lead us the way sa cabin na tutulugan namin. She told us to sleep because it's gonna be a long day at magaganap nga ang activities bukas.
Lahat kami ay naglatag na ng kanya-kanyang higaan at nag-sihiga na pagkatapos. Hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako ng cabin kahit pinagbabawal ito ni Ma'am Jane, teacher namin. Tumambay ako sa may hagdan at tiningnan ang langit. After that, everything went black.
"Goodmorning, everyone!"
Lahat kami ay napabangon sa gulat ng may sumigaw. Nakita namin si Ma'am Jane na nakaayos na at tinatamaan ng sikat ng araw mula sa labas.
"It's 6 already! Magsibangon na kayo at magsisimula na tayo after one hour! By the way, may mga bisita tayo so behave, okay?"
"Yeeees Ma'aaaam," sabay-sabay naming sagot. Sino kaya yung mga bisita? Ugh, ang sakit ng ulo ko.
"And, kung anong kulay ng ribbon ang nasa bags niyo ay iyon ang magiging group niyo," sabi niya ulit kaya nagsitakbuhan kami sa mga bag namin. Kanino kaya ako ka-grupo? Binuksan ko ang bag ko at nakita ko ang isang itim na ribbon.
Lahat kami ay nakapila na sa labas ng by group. Kakatapos lang naming mag-ayos at hinihintay ngayon ang sinasabi ni Ma'am Jane na mga 'bisita' raw. Nakakapagtaka naman, ngayon lang nangyari na may bisita sa team building namin. Nakatulala lang akong nakatingin sa kalangitan habang naghihintay ng may tumawag sa pangalan ko.
"Eurie!"
Napalingon ako kung sino 'yong tumawag. Nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan ang pigurang papalapit sa akin ngayon, si Amber. Nagtinginan naman sa amin yung mga kaklase ko. Nasabi ko na bang team building ito ng klase namin? Yes, kami-kami lang na magka-kaklase.
"Are you surprised?" tanong niya.
"What are you doing here? Wait, don't tell me kayo 'yong mga bisita?!" I hysterically said. Tumango lamang siya ng nakangisi bilang sagot.
"We're the one whose gonna lead your team building, too!" she giggled kaya napanganga nalang ako.
"Eurie, you're here!" napatingin naman ako sa paparating na si Gray, sa likod niya ay sina Jeremy at Math na mukhang nagtatalo na naman. Napansin kong hindi nila kasama si Khael.
"Where's Khael?" tanong ko.
"Nasabi na ba naming hindi namin siya schoolmate? He's studying in Athena while we're in Bridle," paliwanag ni Amber. Tumango nalang ako.
Dumating narin si Ma'am Jane at isa pala itong unity building ng Calirose at Bridle High and as what Amber told me, sila ang representatives na ipinadala na magiging team leaders (Amber also told me that sila ay detectives in disguise , while organizing this ay magiimbistiga raw sila). My ribbon is color black and luckily si Amber ang leader, Gray leads the Red team, Jeremy's Green team and Math leads the White team. Ma'am instructed us what we're going to do and what is our goal, ang mauna sa finish line, of course.
KYAAAAAAH!
We're about to start when we heard someone screamed. Nagtinginan sila Amber, Jeremy, Gray at Math at nagsitanguhan. Biglang nabahala ang mga kaklase ko maski si Ma'am Jane na siyang nagi-isang namumuno sa activity pero lumapit si Math sa kanila at pinakalma ang mga ito. Nilapitan ako ni Amber at hinila kasama sina Gray at Jeremy papunta sa pinanggalingan ng sigaw. Napunta kami sa likod ng cabin at nakita namin si Jenny, kaklase ko, na nakaupo sa lupa, pawisan at umiiyak habang may itinuturo. Napatingin naman kami sa itinuturo niya.
Napatakip ako ng bibig.
"He's dead," komento ni Gray.
Nakita namin si Elya, the one who harrassed me last Thursday, na nakabigti sa nakausling kahoy ng bubong ng cabin.
"Amber call the police at Jeremy, tulungan mo ako rito," Gray commanded. Tumango ang dalawa at nagsimula ng kumilos. I saw Gray handing Jeremy a pair of gloves. Woah, saan iyon galing?
Agad-agad na lumapit sina Gray at Jeremy kay Elya at nag ibinaba ito sa pagkakasabit nito. Inilabas ni naman ni Amber ang kaniyang cellphone at tinawagan ang pulis. Lumapit ako kay Jenny at sinubukan siyang pakalmahin.
"Walang signal!" inis na sigaw ni Amber while dialing on her phone. Damn, nasa gubat nga pala kami kaya wala talagang signal dito.
"What's happening here----Oh my God.."
Napalingon ako at nakita si Ma'am Jane na napatakip din ng bibig tulad ko ng makita ang bangkay. Napatingin naman sa kanya sina Gray at Jeremy na kakatapos lang ibaba ang katawan ni Elya. Sinenyasan kami ni Gray na lumapit kaya nagsilapitan kaming lahat. Kitang-kita ko na ngayon sa malapitan ang sinapit ni Elya, may pako siya sa noo at puro siya hiwa sa mukha't mga braso. Sinong walang puso ang gumawa nito?
"Walang signal, Gray. I can't call the police," ani Amber.
"Ms. Jane do we have any gadget or telephone that can contact the police?" tanong ni Gray kay Ma'am.
Naiiyak namang umiling si Ma'am at saka nagsalita, "Sira ang telepono rito sa cabin, akala namin walang mangyayaring masama kaya itinuloy lang namin ang activity, hindi ito inaasahan," tulalang sagot nito.
"Damn," rinig kong bulong ni Gray.
"Wait guys, nasi-CR ako," mahinang bulong ko. Tumango lang sila kaya nagtatakbo na akong umalis pero habang tumatakbo biglang nanlabo ang paningin ko. N-nahilo ako...
Nagising ako sa malakas na kalabog sa pintuan. Sinilip ko kung sino ang nasa labas at nakita ko sina Gray, Amber, Math at Jeremy na pawisan at parang pagod na pagod. Nakikita ko silang parang may sinisigaw pero hindi ko ito marinig. Binuksan ko ang pinto at pinapasok sila sa loob pero bigla akong sinampal ni Amber.
"Eurie what have you done!" ani to at may itinuro.
Inilibot ko ang paningin ko at muntik na akong masuka sa nakikita ko.
I saw all of my classmates hanging on the ceiling, may mga pako silang lahat sa noo at puro hiwa ang mukha at katawan, katulad na katulad nung nangyari kanina kay Elya. Tiningnan ko ang suot ko at nakita kong punong puno ito ng dugo. W-what's this? Anong ibig sabihin nito?
"You killed all of them! You're a killer! Psycho!" sigaw niya kaya napapikit ako at napaiyak.
"I didn't killed them, no I'm not a killer," paulit-ulit kong sambit sa aking sarili habang sinasabunutan ang aking buhok.
"Hindi ako pumatay, hindi ako pumatay..."
***
Tulala lang akong nakatingin sa kisame habang nakangiti. Tinutulak ni Nurse Lay ang wheelchair ko.
"Kailan kaya siya gagaling?"
"Kawawang bata."
"Ang bata niya pa para maranasan ang ma-rape, ano?"
"Lalo na 'yong ginawa niya sa mga kaklase niya, jusko po."
Pinapasok na ako sa kwartong puno ng kagamitan at sa gitna ay nakita ko si Doctor Jem.
"Are you okay, Lianah?"
"I'm not Lianah, I'm Eurie."
"You are Lianah."
"No I'm not!"
"Are you guilty on what you did on the Unity Massacre?"
Napangiti ako nang maalala ang pangyayaring iyon.
"They deserve it, they deserve it," ani ko habang tumatawa.
"I thought okay ka na ng magpakita ang persona mong si Eurie, pero hindi pala, naging malala lang ang lagay mo," sabi ng walang kwentang doctor na nagsusulat ngayon sa isang notebook.
"You've gone crazy."
"I'm not crazy, no one is crazy, matino ako, nagi-isip ako ng tama, get me out of here, wala akong sakit, wala akong sakit," tumawa ako at umiyak muli.
"Ilang beses ko bang kailangang ulitin, Lianah-----"
"It's Eurie! I'm not Lianah!"
"You're Lianah... You have suffered, you should rest, alam mo namang may Multiple Personality Dis------"
"STOP IT! I don't wanna hear it, please, I'm Lianah. Who's Eurie?"
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro