Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ENTRY #10

Hidden Desire

by @CutieKatie721

Amber Sison's POV

The loud ringtone of my phone pulled me away from the dreamland. Today is Saturday and there's no classes. I checked the time. It is 7:00 am. Who the hell would wake me up at this early hour? Today is supposed to be my rest day and yet it is disturbed by an uknown caller. Sinagot ko pa rin ang tumatawag.

"Amber! Thank goodness you've answered my calls" sabi ng nasa kabilang linya. Who is she? And how did she know my name?

"I'm sorry I just woke up. Who is this?" I tried to sound casual despite of her ruining my deep sleep.

"It's me, Pia, the muse of our section. Don't you remember? I found your number at the class record so I called you immediately." Pinilit ko siyang alalahanin kahit wala talaga akong maalala. I guess I'm so aloof that I don't care who are my classmates. Besides, I went to school just to study.

"Well I guess you doesn't remember me at all. Oh, by the way, are you free today? I need you and Gray's help." She said pleadingly.

"I'm free today, I don't know if Gray's free also." Well I don't heard of him lately. Maybe he's just too busy on his family.

"Make sure that Gray will be here. I need his help. Do you know Michelle Dizon? The Oscar winning actress? My aunt is an acquaintance of her and she just diedrecently, the police can't figure out who is the suspect. I recommended Gray to the police to help them with the investigation. I also told them na Gray solved thecases in our school kaya sana mapapayag mo si Gray, Amber." Magproprotesta pa sana ako nang magsalita ulit siya. "And I don't take an excuses. Magkita nalang tayo sa coffee shop malapit sa school at 9 am. See you! Oh, and don't forget to bring Gray!"

She ended the call. Kung puwede lang sana, sinigawan ko na siya. First of all, she ruined my sleep. Second, she bragged in the police what Gray have done. Hello? Nandoon din ako sa pagsolve ng case. Hindi lang siya ang nagsolve noon, kasama rin si Math at Jeremy. And third, why would she inform me if she doesn't take a no for an answer? She's really getting into my nerves.

Tatawagan ko sana si Gray nang may kumatok sa pintuan. Another guest? Great.

Naghilamos muna ako at chineck ko rin ang sarili ko kung presentable na akong tingnan bago ko buksan ang pinto. To my surprise, it's Gray. He was wearing a denim shirt na nakatiklop hanggang siko at black jeans.

"What's with the outfit? May lakad ka?"

"Ano, uhm, P-pwede ba kitang..."
Then a thought suddenly pops in my mind.

"Nevermind my question. May lakad tayo ngayon, we're going to investigate Ms. Michelle's death." A smile of success formed in my mind knowing that I don't have a problem to worry anymore.

"Just wait there, maliligo lang ako, then aalis na tayo." Bago ako pumanhik sa kwarto ay nakita ko siyang pinapalo ang noo gamit ang sariling kamay. Weird.

~~~

After a few minutes ay ready na ako. I wear denim jacket and skinny jeans. Pagpunta ko sa sala, saka ko lang napansin na magkaparehas pala kami ng outfit.

"Sorry it took a long time, magpapalit lang ako ng damit." Babalik ulit sana ako sa kwarto nang magsalita si Gray.

"Nevermind your outfit, kailangan na nating umalis." Lumabas na siya sa apartment. I looked at my watch. Shoot! It's 9:10 already.

~~~

Twenty minutes passed and we're here at the coffee shop. Pagpasok namin ay hinanap ko kaagad si Pia. I saw her waving at us in the corner while sipping her drink.

"I'm sorry we're late." Si Gray na ang nagsabi. Umupo kami sa harap niya and I looked at the menu.

"No, it's okay. Kadadating ko lang din. I'm glad you made it." Pinasadahan niya ng tingin si Gray pagkatapos ay tiningnan nya rin ako. Bago niya ibalik ang paningin kay Gray ay nakita ko ang pasimpleng pag irap nya sa akin.

"Wearing same outfit huh? Are you guys dating?" Naalerto ako sa sinabi niya.

"No, it's just an accident that I-" pinutol kaagad ako ni Gray.

"Yes." Natahimik ako sa sinabi niya, pati na rin si Pia. Few minutes passed and awkwardness surrounds us that's why I decided to take an order. Tatayo sana ako nang tumayo rin si Gray. I stared at him, confused. He's been acting strange since earlier at the apartment.

"I'll get our orders, what do you want?"

"Iced caramel macchiato." Then he left our table. Uupo sana ako nang magsalita si Pia.

"Is it true?" She glared at me like I am a mice and she is the cat.

"What?"

"The 'dating' part." At first I didn't understand what she is saying then I remembered the scene earlier.

"Of course not! We are just friends." I answered. "I don't know why he said that"

"Good." Tumayo siya. "Pupunta lang ako sa cr."

Few minutes later, dumating na si Gray dala dala ang order namin. Hindi pa rin bumabalik si Pia kaya kinausap ko siya.

"Bakit mo yun sinabi kanina?"

"Which part?"

"The 'dating' part." I imitate Pia's voice.

"That? To shut her up. She's too nosy. We came here to investigate, not to have a chit chat on her." That caught me speechless. I just sipped my coffee so he wouldn't ask questions.

~~~

Pagbalik ni Pia galing sa cr ay umalis na kami papunta sa crime scene. Ang biktima ay si Michelle Dizon. 30 years old at isang Oscar winning actress under the management of Kenneth Olivar. Sa likod ito ng condo unit ni Michelle naganap and the time of her death is 10 pm, kagabi lang ito nangyari. The police said that she was pushed on the balcony that's why she died. Her condo unit is in the fourth floor. We checked her room but it's clean. Its either na close ang suspect sa victim or nilinis ito ng suspect and disposed the clues.

"Have you trace the fingerprints of the suspect?" Gray asked to the police.

"This room have no fingerprints. Pagdating namin dito ay bukas na ang pintuan at tanging sa likod lang ng biktima nakita ang fingerprints. Natagpuan din namin na may bakas ng hand marks sa braso ng biktima. Darating na rin mamaya ang result upang malaman ang identity ng killer."

"Something is odd here, sino-sino ba ang huling kasama ng victim?" I asked. Nagmamasid lang si Gray sa paligid habang nagsusulat ng kung ano sa notebook nya.

"Unfortunately, walang CCTV dito sa condo niya at napag-alaman namin na hindi rin nagpalagay ang biktima ng CCTV sa labas ng kanyang condo. But we have a list ng mga kaclose ng biktima." Saad ng pulis. Tiningnan ko ang listahan niya.

Una sa listahan ang boyfriend niyang si Jhonas Olivar. 33 years old. Nagkakilala sila dahil kay Glycah Tan, malapit din na kaibigan ni Michelle. Kabilang na rin ang tita ni Pia na si Louise Cruz, ang bff ni Michelle. Nalaman ko rin na pinsan ni Jhonas si Kenneth Olivar, ang manager ni Michelle kaya hindi rin nalalayo na isa siya sa suspect. At panghuli, isa sa kaclose niyang janitor sa condo, si Jojo Cupang.

Natagpuan ng mga pulis ang phone ng biktima kaya tiningnan namin ang call history dito. Tumawag si Kenneth ng 9 pm at ang call duration ay 36 seconds. Si Jojo ang tinawagan din niya sa oras na 9:30 at may text message din sya na nareceive galing kay Jhonas Olivar noong 8:45 pm na nagsasabing magkikita daw sila pero nireplyan ito ni Michelle ng 'huwag na, pagod ako ngayon' at isang smiley emoticon. Nakakapagtaka, dahil wala namang schedule si Michelle ng araw na yun. Tiningnan din namin ang Messenger ng biktima, unang una sa recent chat niya ay si Kenneth pero wala namang message dito bukod sa schedule niya at meetings pero noong nakaraang araw pa ito. Pangalawa si Jhonas na pinangalanan niyang 'Babe'.

Pinatawag ni Gray ang mga hinihinalang suspects, umalis naman ang mga pulis upang magtanghalian.

Tiningnan ko ang relo ko, alas dose na pala. Two hours na kaming nag iinvestigate at wala pa ring progress sa kaso. Yayayain ko sana si Gray na magtanghalian pero pinauna na niya ako. Sinabi niya na ginaganahan daw siya sa kaso kaya wala akong magawa kundi magtake out ng kakainin namin. Binilisan ko lang ang pagbili dahil ayokong may mamiss na statement ng mga suspects.

Pagdating ko sa loob ng apartment ay nandoon na sina Louise, Jojo, Glycah, at Jhonas. Hindi ko na nakita si Pia simula nang ihatid niya kami dito. Mukhang hindi pa dumadating si Kenneth.

Sinuyod ko ng tingin ang bawat isa sa kanila. Si Louise ay umiiyak habang pinaglalaruan ang kanyang daliri. Si Jojo ay may katext sa cellphone niya. Pasmado siya dahil nanginginig siya habang nagtatype. Medyo malaki rin ang eyebags nya dala siguro ng antok. Si Glycah naman ay nakapoker face lang habang nakatulala sa isang kanto. Napansin ko na may sugat siya sa kaliwang tenga niya. Si Jhonas ay hindi mapakali at mukhang kanina pa niya gustong manuntok base sa galit na makikita sa mata niya. He formed his fist like a ball at nagngangalit ang kanyang panga. Nilapitan ko si Gray at inalok ang binili kong burger steak habang inoobserbahan niya ang mga suspects.

"Nasaan na yung isa? Si Kenneth Olivar?" Pagtatanong ko kasabay ng pagkat ko ng binili kong burger. Walang umiimik sa tatlo hanggang sa nagsalita si Jhonas.

"Kagabi pa siya hindi umuuwi sa bahay sabi ni Tita, umalis siya ng bandang 9 pm. Nung tinanong ko sa kanya kung saan siya pupunta, ang sabi niya ay kakausapin niya yung assistant niya, si Richie Aquino." Hindi niya ako tiningnan, sa halip ay tumingin sya sa pintuan ng balcony.

"Anong ginagawa niyo noong nangyayari ang krimen?" I asked. Si Gray ay nagsimula nang kumain habang tinitingnan pa rin ang mga suspects. Ang unang nagsalita ay si Louise. Umiiyak pa rin siya kaya pinunasan niya muna ang luha niya.

"N-nasa bahay lang ako habang nanonood ng tv. Kasama ko rin ang anak ko noon, kung gusto nyo ay tanungin nyo pa sya." Humihikbi niyang saad.

"May iba pa bang makapagpapatunay ng alibi mo?" Si Gray naman ang nagtanong.

"S-siya lang ang kasama ko noon, ang asawa ko naman ay nasa trabaho kaya wala pa siya sa bahay."

Si Glycah naman ang nagsalita. "Nasa bar ako noon para maginom kasama ang barkada ko. Pwede nyo silang kausapin o kaya yung bartender doon tutal matagal na akong suki ng bar nila."

"Nasa bahay lang ako noon nung tinawagan niya ako ng bandang 9:30 para sabihing puntahan ko daw siya sa condo niya. Medyo natagalan ako ng kaunti kaya pagpunta ko dito pero walang tao. Akala ko umalis lang siya saglit pero pagtingin ko nakabukas yung pintuan sa balcony kaya tiningnan ko ito at nakita ko ang bangkay niya kaya nireport ko ito sa mga pulis." Tumigil muna si Jojo sa pagtetext sa cellphone niya at tumingin sa amin ng may malungkot na mata.

Medyo kumalma ng kaunti ang mukha ni Jhonas nang magsalita siya, "Balak ko sanang surpresahin ang girlfriend ko kaya tinext ko siya na magkita kami pero nagreply siya na huwag na daw kaya hindi na ako tumuloy kasi baka pagod na siya. Napapansin ko rin na nagiging cold na siya sa akin these days dala siguro ng pagod niya sa trabaho. Madalas din siyang umaalis para pumunta sa work niya."

Si Gray naman ang magtatanong nang pumasok yung dalawang pulis kanina.

"Gray, Amber, nakumpirma na ang fingerprint ng suspect at wala sa kanila ang nagmatch." Sabi ng isang pulis habang pinapakita sa amin ang fingerprint analysis.

"Kung ganun ay si Kenneth ang suspect? pero ano ang motibo niya sa pagpatay?" Nagtatakang tanong ko, manager lang naman siya ni Michelle.

"May nagreport kanina na may nakita daw silang dalawang bangkay sa abandonadong building malapit dito at kung hindi ako nagkakamali, ang bangkay ay si Kenneth Olivar at si Richie Aquino na kahapon pa inireport na nawawala." Sabi naman nung isang pulis.

Isa na namang krimen?

~~~

Pinuntahan namin ang abandonadong building. Sa istruktura ng building ay masasabi kong matagal nang walang nagmamay ari dito. Nakita ko ang malaking pintuan na mukhang nakakonekta sa garahe. Kinakalawang na ito pero magagamit pa naman ng maayos. Naghanap ako ng mga CCTVs dito, pero nasa malalayo lang ang footage at hindi umabot dito.

"Sa loob namin natagpuan ang mga bangkay. Ang isa ay nakabigti at ang isa naman ay maraming hampas sa katawan. Natagpuan din namin ang fingerprints sa isa't isa."

Pinatay nila ang isa't isa? Saka bakit dito sila magpapatayan?

"Nakasarado daw ang pintuan kanina kaya hindi sila nakalabas. May nabubuo na akong teorya sa isip ko pero kailangan ko pa ng ebidensya." Wika ni Gray habang nagmamasid pa rin sa paligid. Pansin ko ang pagiging tahimik niya simula pa kanina. Mukhang nahihirapan din siya sa kasong ito.

Kung ganoon ay may nagkulong sa kanila dito. Pinagmasdan kong mabuti ang lock ng pinto. Hindi ito magagawa ng sinumang babae. Base sa higpit ng pagkalock ay malakas ang gumawa nito. Patunay na lalaki ang salarin. Tumingin tingin din ako sa paligid, may nakita akong isang pares ng gloves. Puro bakal lang ang nandito at ang lubid na ginamit ni Richie sa pagbibigti. Napansin ko na may kinuha si Gray sa sahig kung saan may kaunting patak ng dugo. Nilapitan ko siya at tinanong.

"Ano yang hawak mo?"

Ngumiti muna siya bago magsalita, "Evidence. Kailangan ko na lang ng statements para mapatunayang siya nga ang killer. It will be an interesting deduction show."

Nagpatuloy lang kami sa imbestigasyon hanggang sa naisipan muna naming magpahinga samantalang si Gray ay may pinuntahan kasama ang ibang pulis. Bumalik na kami sa condo ni Michelle habang pinatawag naman ng pulis ang kasama ni Richie at Kenneth bago sila tuluyang mawala.

~~~

Pagkatapos ng labing limang minuto, dumating na ang kasama ni Richie at Kenneth. Dumating ang mama ni Kenneth na mukhang kagagaling lang sa pag iyak at ang kapatid ni Richie na sa tingin ko ay highschool student pa lang.

Tumingin si Gray sa mama ni Kenneth, "Anong sinabi ni Kenneth bago siya umalis?"

"P-pupuntahan l-lang daw n-niya si R-Richie. Nung t-tinanong ko k-kung anlng pag-u-usapan nila, h-hindi na siya sumagot at u-umalis na sa bahay."

Ang kapatid naman ni Richie ang binalingan niya ng tingin, "Anong sinabi ng kuya mo sayo bago siya umalis?"

"Mga bandang 10 siya umalis ng bahay dahil pinatawag daw siya ng boss niya. Sabi niya pupunta lang siya sa condo ni Michelle." Seryosong saad ng kapatid ni Richie. Confirmed.

"B-bakit ganun eh ang s-sabi ni Kenneth p-pupuntahan niya d-daw si R-Richie?" Nagtatakang tanong ng mama ni Kenneth.

"It's because obviously, Kenneth is lying." I answered. It's time to start the deduction show. I stand in front of them and continued what I'm saying, "Kaya hindi nagpalagay si Michelle ng mga CCTV cameras ay dahil ayaw niyang mabuking siya sa panloloko niya sa boyfriend niya." Tumayo naman si Jhonas at nagsalita,

"Liar! Kailanman ay hindi ako niloko ng girlfriend ko!" Napangiti ako sa aking isip.

"Sa iyo na mismo nanggaling na nagiging cold na siya sa'yo, Mr. Jhonas."

"Pero dahil lang yun sa pagiging busy niya sa trabaho niya! Wala kang alam sa relasyon namin!"

This time si Gray naman ang sumabat, "It looks like ikaw ang walang alam sa girlfriend mo, Olivar. Bakante ang schedule niya for the whole week. O baka naman ayaw mo lang umamin na niloloko ka niya para hindi namin malaman ang kasalanang ginawa mo." We caught him. He's speechless. Pero nang makarecover ay nagsalita na naman siya.

"Ano namang gagawin kong kasalanan? Napatunayan niyo na kanina na si Kenneth ang killer, bakit ako nadamay dito?!" Lalapit sana siya sa amin pero hinawakan na siya ng mga pulis.

Ako ang naunang magsalita, "9 pm ay tinawagan ni Kenneth si Michelle upang makipag usap sa condo niya. Dumating siya dito ng bandang mga 9:10, pinagusapan nila ang kanilang relasyon at kung kailan ka niya hihiwalayan.-" pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"Paano ka naman nakasiguro na may relasyon nga sila ni Kenneth?"

"Dahil dito." Pinakita ko ang cellphone ni Kenneth na may convo nila ni Michelle. "Wala ito sa cellphone ni Michelle dahil dinelete niya ito upang hindi ka makahalata." Kaya pala noong tiningnan ko ang messenger ni Michelle ay wala silang convo ni Kenneth dahil dinelete niya ito.

"Isa ring dahilan kung bakit sigurado ako na alam mo ang pangloloko ni Michelle ay dahil nakita mo sila. Tinext mo siya na magkita kayo pero tumanggi ang biktima kaya pinuntahan mo siya sa condo niya para makasigurado. Pagpunta mo ay nakita mong nag uusap ang dalawa habang tinatawagan ni Michelle si Jojo noong 9:30 para siguro paalisin si Kenneth. Dahil doon, nagalit si Kenneth at dinala si Michelle sa balcony. Kinorner niya ito at hinawakan ng mahigpit sa kamay habang ikaw ay nakasilip lang sa pintuan ng balcony. Itinulak ni Kenneth si Michelle kaya siya namatay. Tinawagan niya si Richie upang linisin ang fingerprints sa bahay. Kaya may gloves sa abandonadong building ay dahil iyon ang ginamit niyang pambura ng mga fingerprints mo. Hindi niya alam na may fingerprints na naiwan sa damit ng biktima." Tumigil muna ako ng saglit, "Tinawagan mo ang dalawang suspect upang papuntahin sa abandonadong building upang ikulong sila sa loob. Dahil sa ginawa nilang krimen, nagsisihan sila at nag away. Unang namatay ay si Kenneth dahil sa dami ng natamo niyang hampas galing kay Richie. Hindi rin kinaya ni Richie ang mga pangyayari kaya nag decide din siya na patayin ang sarili niya at nagbigti. Kung titingnan namin ang phone ni Kenneth at Richie ay makikita doon sa call history ang pagtawag niyo."

Si Glycah naman ang sumabat, "Paano ka nakakasiguro? Basta ka nalang nang aakusa ng walang matibay na ebidensya! Nagiimbento ka lang ng maling kwento!"

Sasagutin ko sana siya pero naunahan ako ni Gray. "Tama ka, Mali si Amber dahil kasama ka rin sa paggawa ng krimen." May pinakita siyang hikaw at napagtanto kong si Glycah ang nagmamay-ari noon dahil isang hikaw lang ang gamit niya. Mukhang hindi niya ito napansin kanina.

"Nakita ko ito mismo sa crime scene. Walang CCTV malapit sa abandonadong building pero may mga CCTV sa daan papunta doon at nakita ko ang kotse mo papunta doon." Kaya pala umalis siya kanina ay upang makita ang CCTV footage.

"Tinulungan mo si Jhonas marahil ay may gusto ka sa kanya. Well I guess this is some sort of a twisted love story but I'm sad that it would continue in jail. Remember, justice always wins in the end." Jhonas let out a sigh. He knew he's doomed. In the end, umamin na silang dalawa ang may kagagawan ng krimen kaya dinala na sila ng pulis sa presinto.

~~~

Tapos na ang kaso, naglalakad-lakad kami ni Gray dito sa may park malapit lang sa school. Hindi pa masyadong naaabsorb ng utak ko ang mga pangyayari, a murder just because of jealousy? To give justice to the dead? Would it bring back your loved ones to life if you kill them? Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko.

"Well, I guess that love can truly kills" I stated. Nagulat naman si Gray sa biglaan kong pagsasalita kaya napatawa na lang ako. Biglang kumalam ang sikmura ko. Kanina pa kami palakad-lakad. Hindi ko namalayan ang oras. Hapon na pala.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Mukha namang natauhan din si Gray dahil kahit siya ay hindi alam kung saan na kami papunta.

He let out a chuckle before he speak, "Sa mansion na lang tayo pumunta. Namimiss ka na ng mama mo doon." Bigla akong na excite pagbanggit niya palang ng mansion. Matagal na nga ang huli kong bisita dun, namimiss ko na rin ang mga luto ni mama.

"Sure!"

~~~

And the day ends with a smile on our faces knowing that the case is solved by....

"Jeremy!!!!!!!!" Nandito ako sa classroom ngayon habang pinapanood si Math na hinahabol si Jeremy dahil kinuha nito ang highlighter niya. Nakaupo ako habang gumagawa ng mga assignments nang may maglapag ng iced caramel macchiato sa harap ko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Gray na pabalik na sa upuan niya. May naka attach na sticky note dito kay binasa ko ito.

'I was going to invite you to watch a movie yesterday but the case interrupted. Can we continue it next Saturday?'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro