Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I

"Anong gusto mong maging paglaki?"

Tanong sa amin ng science teacher namin noong Grade 6. Parang question and answer portion lang sa Little Miss Philippines at That's My Boy ng Eat Bulaga ang peg ni mam nung araw na yun. Sasagot ang bata, may follow-up siyang bakit. May mag-do-doktor para makapanggamot sa mahihirap. Engineer para gumawa ng matataas na building. Nurse para daw alagaan ang nanay na maysakit. Teacher para makapagturo sa mga bata sa kalsada.

Dalawa ang sumagot ng specific, yung isa gusto niya maging beauty queen na parang si Miriam Quiambao kasi bumabangon pag nadadapa at hindi ito ikanahihiya. O di ba, pang beauty queen talaga sumagot. Yung isa namang klasmeyt, gusto daw maging expert sa kompyuter para mahanap ng solusyon ang Millenium Bug Y2K na kinatukan ng mga tao bago pumasok ang 2000.

Nung tinawag ako ni mam, alam na alam ko ang isasagot ko. Ito na kasi ang sinasagot ko kay mama pag tinatanong niya ako anong gusto kong maging paglaki. Yung kisame ng kwarto namin, puro glow-in-the -dark stickers ng mga planeta, stars at buwan na free sa Nido.

"Mam, I want to be an astronaut someday." Proud na proud kong sinabi. Naghintay ako sa tanong ni mam na bakit pero walang dumating. Kung umiinom si mam ng kape baka nabuga niya sa akin yun. Lakas kasi ng tawa niya eh. Kung may dyaryo lang siyang hawak baka narolyo niya pa yun at nahampas sa ulo ko.

"Imposible ka maging astronaut anak. Una, wala namang Pilipinong astronaut. Pangalawa, kailangan mo pang pumunta sa NASA, eh paano yun nasa Pilipinas ka."

Para akong binagsakan ng mga planeta, stars at buwan pati na buong kisame namin. Kapag kasi sinasabi ko kay mama na gusto kong maging astronaut, ang sinasabi niya lang ay kaya mag-aral daw ako ng mabuti.

Hihirit pa sana ako ng tanong kay mam paano makapasok sa NASA pero tumunog na ang bell hudyat para papilahing kaming lahat sa labas dahil may praktis ng choreo para sa it's the time of the great Jubilee.

Ito ang unang pagkakataon na napahiya ako sa klase hindi dahil mali ang sagot ko o malayo ang na-solve ko sa math sa board. Napahiya ako dahil naging totoo lang ako sa gusto kong maging paglaki. Sa murang edad, natutuhan ko ang isang importanteng lesson na dadalhin ko hanggang sa paglaki ko, wag kang bida-bida at gayahin mo na lang din ang sasabihin ng iba, kasi laging nakakatawa kapag bago sa pandinig nila.

Eh ano na ngayon ang magiging bagong pangarap ko? Ano ng gusto ko paglaki? Para akong astronaut na nawalan ng kontak sa Earth. Palagi kong babalikan ang sandaling ito kasi pakiramdam ko, ito ang ugat kung bakit nagpalipat-lipat ako ng mga tinahak na landas sa buhay. Ito siguro ang dahilan na sa tuwing nararamdaman ko kung gaano ka-imposible ang mga mangyayari o sadyang mahihirapan lang talaga ako ay nagpapalit na lang ako ng gagawin. Nag-shift ng course sa college. Nagpalit ng relihiyon. Nag-resign at nagbago ng trabaho. Nag-iba ng major sa pagtuturo. Iniwan ang dating paniniwala kasama ang ilang kakilala at kaibigan.

Isa akong dakilang shiftee.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro