Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(2) First Day High - Continuation

Both girls gasped and exclaimed "This is it!" paglabas ng sasakyan. Nagkatinginan sila at nagtawanan nang magsabay pa sila. Samantalang si Heever ay napakunot-noo na lang sa kaartehan ng dalawa.

"Sumunod kayo sa akin, ituturo ko ang classroom niyo," saad niya sa magbestfriend. Nagkatinginan ulit ang dalawa at napangiti sa isa't-isa habang sinusundan ng tingin ang nagsusungit na binatilyo.

"Gosh! Ang guwapo niya talaga!"

"Sayang sa kabilang building na siya."

Nagkatinginan ang magkaibigan nang marinig ang reaksiyon ng mga babaeng nadaanan nila. Hindi kasi sila naniniwala kanina nang sabihin ni Heever na maraming nagkakandarapa sa kanya dito sa school. Akala nila ay niyayabangan lang sila nito.

"I told you!" nakangising lingon ng binatilyo sa kanila. They both rolled their eyes.

"Duhh, kuya! They are not even girls! They are gays!" nang-aasar na tudyo ni Shiela sa kapatid. Napatawa naman si Zashee sa tinuran ng kaibigan.

Tumigil sa paglalakad ang binata at hinarap ang mga ito.

"Aminin niyo na kasing sobrang guwapo ko!" nakatawa niyang saad saka pinitik ang mga noo nila.

Parehong napahawak sa noo ang dalawa at tiningnan ito ng masama.

"Kainis ka talaga, kuya! Basta para sa amin hindi ka guwapo!" inis na tugon ni Shiela.

"True! Feeling guwapo kasi yang Clayv na yan!" segunda naman ng kaibigan niya. Nainis naman si Heever sa pagtutulungan ng dalawa kaya tinalikuran na lamang niya ang mga ito.

"Arte niyo! Tara na!" saad niya saka ito naglakad  patungo sa elevator. Nagkatinginan naman ang dalawa at nagngitian. Batid na kasi nila ang pagkainis ng isa. Alam na alam na ng dalawa kung paano ito asarin.

Nagkatinginan ulit ang dalawa ng makarinig ng eksaheradang pagsinghap ng ilang babae na kasabay nila sa elevator habang tinitingnan ang kasama nilang si Heever. They both raised their eyebrows. Agad namang pinindot ni Heever ang 4 sa button saka hinarap ang dalawa.

"Sa 4th floor ang rooms ng grade 7," saad niya sa mga ito na hindi inaalintana ang mga babae na humahangang nakatitig sa kanya. Parang hindi ito aware sa presence nila at sa magkaibigan lang nakatingin. Napatango nalang ang dalawa sa sinabi niya.

"Ngayon ko lang kayo ihahatid. Bukas bahala na kayo," dagdag niya.

"Okay!" magkasabay namang tugon ng dalawa.

"Kapatid kaya sila ni Heever?"

"Baka kambal."

 

 

Princess/Zashee's POV

Nagkatinginan kami ni Shiela nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Kung makapag-usap sila as if naman hindi namin maririnig. Madalas talaga kaming mapagkamalang kambal ni Shiela dahil sa closeness namin. Hinahayaan nalang namin para na rin naman kaming magkapatid.

I looked at Clayv, deadma lang naman ito sa kanila. I prefer to call him Clayv instead of Heever. Para sa akin mas cool ang Clayv. Hehe!

Bumungad sa amin ang malawak na hallway na maraming estudyanteng tumitingin sa listahan ng pangalan sa pintuan ng classrooms.

I don't understand kung bakit kailangan nilang i-check ang names nila eh nakalagay naman sa website ng school ang room number at sections ng mga enrolled students.

"Sa dulo ng hallway, turn right, yung pangalawa ang room niyo," turo sa amin ni Clayv. Grade 7 lang daw ang nandito sa 4th floor. I wonder kung ilang sections ang naririto kasi parang ang daming rooms. Malaki din ang school namin dati ni Shiela pero hanggang 3rd floor lang at wala pang elevator.

"Yung canteen nasa groundfloor," saad niya ulit habang naglalakad kami. Walang sumasagot sa amin ni Shiela dahil parehong gumagala ang mga paningin namin. May audio-visual room pala dito, may nadaanan din kaming speech lab. Kitang-kita kasi ito mula sa glass wall.

Pansin ko rin na glass ang kalahati ng lahat ng walls ng classrooms from the hallway kaya kitang-kita ang ginagawa sa loob ng classrooms. Parang ang hirap magpasaway sa loob ng klase dahil nakikita ng lahat ng nagdaraan sa hallway, nakikita rin ang mga tao sa katapat na rooms. Ang maganda lang ay fully air-conditioned at sound proof dahil wala kaming naririnig na ingay mula sa classrooms kahit kitang-kita na maraming nag-uusap-usap.

"Bez, nakita mo?" siniko ako ni Shiela. Napangiti ako, alam kong ang tinutukoy niya ay yung grupo ng Fil-Am students sa loob ng isang classroom.

"What are you two doing?" inis na tanong ng kuya Clayv niya sa amin. Napatigil kasi kami sa paglalakad.

"Go to your classroom!" inis niyang saad at itinuro ang susunod na room.

"KJ ng kuya mo," bulong ko kay Shiela. She just laughed.

"Sinong KJ, Princess?" I almost jumped when I heard his stern voice. Pero kilala ko na siya pag nagpapatalo ako mas lalo niya akong ibu-bully. Bata pa lang kami lagi na akong inaasar niyan.

"Whatevs, Clayv!" saad ko at inirapan siya. Napatawa naman si Shiela at tiningnan lang ang kuya niya na mukhang inis na.

"When will you ever call me kuya Heever?" he sighed.

"When you stop calling me Princess!" I answered. Akala ko tuluyan na siyang magagalit pero napailing lang siya.

"So your answer is NEVER," saad niya bago tumalikod.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro