Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(2) First Day High

"Dalaga na ang anak ko. Hmm," hinawakan ni Nicasia ang pisngi ng anak at hinalikan ito.

"Ma, naman eh! Ang oa mo na," biro naman ni Zachia sa ina niya habang pinupunasan ang nabasang pisngi na ikinatawa lang ng huli. Pati ang daddy niya ay napatawa rin sa mag-ina. Inayos niya ang necktie ng uniform niya at binuhat na ang bag niya.

"Heever, ikaw na ang bahala sa dalawang yan ha?" bilin naman ng daddy ni Zachia kay Heever, binatilyong anak ng kaibigan niyang si Javer. Sa parehong subdivision sila nakatira at naging malapit na rin ang kanilang pamilya. Napangiti lang din ang kapatid nitong si Shiela na nasa tabi lang niya.

"Don't worry, Tito King! Akong bahala," natatawa naman niyang tugon saka tinapunan ng tingin ang magkaibigang Shiela at Zachia na parehong nagtaas ng kaliwang kilay. Napailing nalang si Heever sa inakto ng dalawa.

"Sige ma, dad, alis na po kami, bawal ma-late, first day of school, you know?" maarte itong lumapit sa mga magulang niya at humalik sa pisngi nila. Napapailing naman si Heever habang pinagmamasdan ito.

"I'm so excited, bez! Tara na!" aya niya sa kaibigan at hinila na ito palabas ng bahay nila. Sumunod naman si Heever sa dalawa.

Magkasunod na sumakay sa backseat ang dalawa samantalang ang binatilyo nama'y sa passenger's side sumakay.

 

Heever's POV

Napalingon ako when I heard the two giggling.

"Sana maraming guwapo." I overheard Shie whispering. Nagbulungan pa, naririnig naman.

"Yeah, gusto ko yung Spanish meztizo or Brazilian meztizo, meron kaya?" sagot naman ng isa.

"Of course naman. International School yun," Shie answered and they both giggled.

Unang day kasi nila sa school na pinapasukan ko ngayon. They are already in grade 7 at ako naman ay nasa Junior High. Pareho pa rin naman kami ng campus kaya lang sa kabilang building ang sa Senior at Junior High at may malawak na quadrangle between our buildings. But of course, it won't stop me from monitoring the two of them. Binilin siya sa akin ni Tito King so I have to take care of them.

"Hoy, kayong dalawa, pupunta kayo ng school para mag-aral hindi para maghanap ng boyfriend!" sita ko sa kanila.

"What are you talking about kuya?" patay-malisyang sagot ni Shie.

"Naririnig ko kayo kaya wag ka ng mag-alibi! Guwapo-guwapo pa kayong dalawa. Hindi ka pa ba nagsasawa sa guwapo? Lagi mo na nga akong nakikita sa bahay!" tudyo ko sa kanya saka ibinato ang maliit na stuff toy sa dashboard.

"Yuck! Kuya! Ang feeling mo! Hindi ka guwapo, noh!" naiinis niyang saad matapos damputin ang tumamang stuff toy sa kandungan niya. Napatawa naman ako. Ang sarap talagang inisin nitong kapatid ko, minsan. Hehe!

"Anong hindi? Makikita niyo pagtuntong niyo ng school, lahat ng babae nagkakandarapa sa akin!" I winked at them. Mas lalo namang nainis ang kapatid ko habang si Princess ay napailing lang.

"Hindi ka guwapo noh! Walang taste yung mga babaeng yun!" ingos niya. Napatawa naman ako.

"Talaga lang ha!" tudyo ko pa rin at binato ulit ang isa pang stuff toy. I looked at Princess tumatawa lang ito.

"Ano ba!? Hindi ka naman talaga guwapo eh, di ba Zashee?" baling nito sa katabi niya. I looked at her ngumiti naman ito bago sumagot. "Yeah, exactly!" saad niya sa kapatid ko saka sila nag-apir at nagtawanan. Medyo nainis ako. Lagi kasi akong pinagkakaisahan ng dalawang ito.

They are best of friends since pre-school. Sa pareho kasi silang school nag-aral ng elementary. They both studied in an all-girls school.

"Isa ka rin Princess ha! Bawal ka pang magpaligaw!" I said saka ko itinuro ang dalawa kong mga mata gamit ang dalawang daliri ko saka inilipat sa kanya as a sign that I'll watch all her moves. I saw her forehead creased.

"I'm already in high school hanggang ngayon pa ba naman Princess pa rin ang tawag mo sa akin. Call me Zashee, okay?" pinandilatan niya ako. Napailing nalang ako at tumingin sa labas ng kotse.

Zachia kasi ang totoo niyang pangalan but everyone calls her Zashee except me. Mas sanay kasi ako sa Princess pati sa parents niya mas sanay akong tawagin silang Tita Queen at Tito King.

It all started when I first saw her at their castle house. Lagi ko kasing nakikita noon ang bahay nila na kapareho ng mga castles sa storybooks ni Shie kaya iniisip ko na king at queen ang nakatira doon. Then one time, I saw her playing in their lawn. Nakasuot kasi siya ng damit pang-prinsesa at may maliit pang korona kaya tinawag ko siyang Princess. I smiled at the memories.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro