Prologue
"Congratulations sa kasal mo, Second Lieutenant Cuizon..."
"Salamat, Sir!" He gave me a salute before stepping back and introducing his wife to me. "Asawa ko po..."
I gave the bride a small smile. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.
"Akala po namin hindi ka makakapunta, Sir, kasi ang busy mo daw..." aniya at mahinang tumawa sabay baling sa asawa. "Ang swerte naman namin dahil narito ang captain..."
"Bakit? Si Cap ba nag-sponsor ng kasal niyo?" Biglang sabat ni Ramjay sa likuran. Second Lieutenant Cuizon also saluted as soon as he saw him. "Ilang lechon yung sa'yo d'yan, pre?"
I wanted to curse him but I held my tongue in front of my subordinate. I congratulated the newlywed again before I dragged my best friend out of their sight.
"Ano? Badtrip ka?" Natatawang tanong sa akin ni Ramjay. May dala pa itong maliit na plato na may lamang dessert. The couple already had their first dance, so I'm going to leave now that I've congratulated them.
"Nakakabad-trip naman talaga ang mukha mo, First Lieutenant Abalanque." Sita ko sa kaibigan.
He laughed at me. "Badtrip ka lang dahil hindi ka binigyan ng clearance sa vacation leave mo. Sino ba naman kasi ang mags-signify ng dalawang buwang leave? Ano, mag-a-abroad ka ba?"
"Hindi." Kumuha nalang din ako ng plato para makakain bago umalis. Tama si Ramjay, nagbigay nga ako ng lechon para sa mag-asawa. Hindi ko lang alam kung alin dito ang akin dahil hindi ko na natanong sa private officer na nautusan ko. "May gagawin lang ako."
"Alam ko na yan, eh! Hahanapin mo ulit si Avery pero kapag nakita mo, naduduwag ka naman! Are you keeping track of her boyfriends?"
I clenched my jaw with his comment. The idiot laughed even harder, knowing that he had struck a nerve.
"So, pang-ilang boyfriend niya na ba simula nung maghiwalay kayo?"
Pang-apat na nobyo niya na sa pagkakaalam ko. This current boyfriend of hers right now looks like it's not going to last. The guy came from a messy family, and Avery hates it.
Just like how she hated mine...
Ibinaba ko ang plato at pinilit na huwag bumuntong-hininga.
"Hindi ka ba talaga interesado sa mga babaeng nagkakagusto sa'yo? Napakaloyal mo, ah! O hindi ka pa nakaka-move on? Naiintindihan ko naman dahil limang taon din yung naging relasyon niyo pero Cap..." seryoso akong tiningnan ni Ramjay. "Limang taon na din kayong hiwalay."
Hindi ko sinagot si Ramjay at nagtungo nalang sa lamesa. Our Lieutenant Colonel is there, speaking motivational words to the cadets who were assigned for the drawing of swords for the wedding.
"Kaya kayo, take and take lang! Huwag niyong susukuan ang training! Mabilis nalang yan, 'kita niyo. Pagka-graduate niyo, mga sundalo na kayo..."
The trainees looked at him in awe. It was the same expression I had when I first entered the Philippine Military Academy. We were graced by the presence of a Brigadier General who spoke at our oath-taking ceremony. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang mga sinabi niya sa isipan ko.
"Sa Sulu ang deployment ko next month," wika ni Ramjay na nagdagdag pa ng isang plato ng pagkain pagkaupo niya sa lamesa. "Mukhang hindi ko pa ata maaabutang makapanganak si Misis."
Tinapik ko lang ang balikat ng kaibigan. Hindi lang naman siya ang unang sundalo na wala sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya. Most of our soldiers were absent during their child's birth, their parent's deaths, their comrade's weddings, and other special occasions. Nagiging espesyal ang bawat pag-uwi dahil hindi nila alam kung kailan sila makakabalik sa piling ng pamilya at kailan tatawagin ulit ng serbisyo.
Kaya naiintindihan ko si Avery kung talagang napagod na siya sa akin. She was struggling to keep her head above the water... and I wasn't there.
I wasn't there when she was crying in pain. Her friends held her hand instead of me. I wasn't there when she graduated in flying colors, but her friends were there to cheer her up. I wasn't even there when she made important life decisions, so she had to confide in someone else.
Kaya wala akong karapatan na mahalin siya hanggang ngayon dahil sa lahat ng pinaggagawa ko sa kaniya. Ang buhay ko ay nasa serbisyo. Maging ang sarili kong mga kapatid ay halos limot na ang mukha ko sa tagal kong nawalay sa kanila.
"Captain Cabrera!"
Nagulat ako nang bigla akong ituro ng Lieutenant Colonel namin.
"Tingnan niyo ang lalaking 'to. Anim taon pa lang sa serbisyo pero kapitan na! Wala 'tong ibang buhay kundi ang pag-susundalo. Wala din 'tong girlpren!" Tumawa siya nang malakas kaya nagsitawanan din ang mga cadets sa akin. "Kaya kayo, huwag na kayong mag-girlpren girlpren kung magsu-sundalo!"
I shook my head. He's a family man for all I know. Dahil nasa mas mataas na posisyon ay mas malayang nakakabalik sa pamilya niya kapag gusto. He said he missed some important events in the early life of a newlywed so he's trying to make up for it. Kahit na puno lang ang character ng anak niya sa isang theater play ay sinisigurado niyang naroon pa rin siya para sumuporta.
After the wedding, I excused myself from the troop. Wala akong sariling sasakyan kaya ang four-wheeler na in-issue para sa platoon ang ginamit ko. May mga balde-baldeng gunpowder at ruck suck ng mga sundalo pa sa likuran nang paandarin ko ito.
I drove in silence. Gabi na pero kabisado ko naman ang daan. How could I not? We used to walk down this ricefield path almost every day when I was still courting Avery.
A small smile touched my lips at the sweet memory of her popping into my head. Isang beses niya lang akong nakitang kinulang ng pamasahe sa tricycle, sinabi niya kaagad na naglalakad lang siya patungo sa eskwelahan para hindi na kami mamasahe.
Kumirot ang dibdib ko sa alaala. It's supposed to be a happy memory but it's hurting me. Giniba na ata ang munting kubo sa gitna ng palayan kung saan kami nagpapahinga minsan kapag napagod sa paglalakad. I drove past it and slowed down when I saw the public cemetery in the distance.
Dahil hindi ko na maipasok ang sasakyan ay ipinarada ko nalang ito. I'm sure no one would try to break into a military truck. Nasanay na ang mga mata ko sa dilim kaya dire-diretso ang lakad ko papasok kahit na pundi ang mga street lights.
Nang makita ang pakay, naupo ako at marahan na inilapag ang bungkos ng mga rosas na binili ko kanina bago umalis sa kasal. The tomb looks clean and maintained. I'm sure she comes here regularly. Iilang beses ko na siyang nakita dito pero gaya nga ng sabi ni Ramjay, naduduwag akong lapitan siya.
"Kumusta?" Umalingawngaw ang boses ko sa tahimik na sementeryo. "Ayos ka lang ba d'yan? Pasensiya na, natagalan ulit ako. Alam kong binibisita ka naman palagi dito, diba?"
As part of my military duty, I have handled numerous K9 dogs before but nothing could ever break the bond between me and my first dog.
I've never shed a tear while attending military funerals of service dogs who died during a war. Kahit pa ako ang handler nila. May bahid lang ng lungkot sa dibdib ko. That, and the fact that I could never show tears or emotions in front of my subordinates and troops. I would give the fallen dog a salute as a final pay of respect for his legacy. And then I'll move on.
But with them, I'm still stuck in the past. Sa isip ko, kapiling ko pa rin si Avery. Hindi pa rin niya ako sinusukuan kahit na nakakapagod akong mahalin. She's been so strong to hold unto me throughout all those years and I just wasted it.
But what do I know? We were just two kids trying our best in love...
And I know it isn't enough, so I'm going to prove myself to her once more.
"Sa susunod na punta ko rito, kasama ko na ang Mommy mo. Huwag kang mainip, ah? Alam mo naman yun, baka ibato niya sa akin ang mga libro niya kapag nakita ako. Gagawa muna ako ng paraan para kausapin man lang ako ng Mommy mo."
I stood and stared at the dark sky, wishing that we were staring at the same sky right now. Kinuha ko ang pitaka at hinila ang lumang litrato ni Avery doon. I chuckled to myself. Mukhang ID picture pa ata ang binigay sa akin dahil naka-puting uniporme siya dito. Her eyes shone in the picture, smiling politely for formality.
I held onto the picture throughout these years. It's been with me wherever I go. Sa training sa academy, sa unang deployment ko, sa patrol namin sa bundok kung saan naubusan kami ng maiinom na tubig kaya ginamit namin ang tubig mula sa lumot para makapag-luto ng kanin, nang in-ambush kami at nalagasan ako ng iilang tao, habang nanginginig ako at humihingi ng tawad sa pamilya ng nawalan, at kung anu-ano pang pinagdaanan ko.
But I don't want to spend the rest of my life hanging into the thin thread of regret and loneliness.
I want her back, by whatever means I have. I want her to love me again, just like she did before. And this time... this time, I'll love her even more. I can't promise to be by her side at all times but I will promise that my feelings would transcend borders and islands between us... only if she'll accept me again.
Sa huling pagkakataon, gusto kong piliin niya ako... kahit na ang kapalit ay ang buhay ko na pagiging sundalo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro