Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Warning: mention of violence, abuse

-

"Sa isang sandali ng katapangan at bayanihan, isang sundalo ang nagligtas ng isang batang babae mula sa kamay ng isang terorista..."

Napatingin ako sa TV. Lumapit si Mama at nilakasan ang volume nito.

"Isang kakaibang pagpapakita ng tapang at kabayanihan ang naganap kanina habang si Major Harvey Cajucom, isang dekoradong sundalo, ay isinugal ang buhay niya upang iligtas ang isang batang babaeng nasangkot sa gulo dulot ng mga terorista..."

Lumipat ang focus sa witness na ikinuwento kung anong nangyari.

"Kita mo yan, Kiko?" Turo ni Mama nang lumipat ulit ang focus sa lalaking naka-uniporme habang ini-interview ito ng reporter. Ngumiti siya sa akin. "Siya ang Tatay mo..."

Noon, hindi ko pa maintindihan kung bakit sa tuwing Parent's Day sa eskwelahan ay kulang kaming pamilya o tuwing Father's Day ay wala akong mapagbigyan ng regalo di tulad ng mga kaklase ko. Saka ko lang napagtanto noong highschool na iba kami... hindi kami ang tunay na pamilya ni Papa.

"Ang sabi mo hihiwalayan mo na ang asawa mo?! Anong nangyari, huh?!"

Natigilan ako nang marinig ang malakas na boses ni Mama. Paminsan-minsan lang umuuwi si Papa rito at nag-aaway pa sila. Mas madalas ko pang nakikita ang ama sa TV kung saan tampok ang mga achievements at awards nito bilang sundalo kesa dito sa bahay namin.

"Kumalma ka nga muna, Judy... hindi naman ganun kadali yun, eh. Atsaka, nangako na ako, diba? Bakit hindi ka ba makapaghintay?"

"Tatlo na ang anak natin, Harvy! Hindi mo pa rin ako pinapakasalan!" Palahaw ni Mama.

Napatingin ako sa mga kapatid ko. Inosente silang nakikinig kahit na hindi naman nila naiintindihan ang pinag-aawayan ng dalawa.

I took their hands and guided them outside of the house. Hinayaan ko silang maglaro at binantayan hanggang sa matapos ang away nila. Kahit na hindi ko naririnig ang nagtatalong boses ng dalawa ay hindi pa rin kami pumasok. Mayamaya pa, dali-daling lumabas si Papa sa bahay.

Natigilan ito nang makita kami. Lumapit siya sa amin at tinapik ang balikat ko.

"Magiging sundalo ka, Kiko, ha?" Ang palagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nagkikita kami.

Tumango lang ako.

Nakipaglaro pa saglit si Papa sa kambal bago ito umalis. Hindi ko na naman alam kung kailan ito babalik sa amin. Hindi naman ako pwedeng malungkot sa harap ng mga kapatid ko dahil baka mahawa din sila.

Kung si Mama nga, kayang ngumiti pagkatapos ng pag-aaway nila ni Papa, ako pa kaya?

Iyon ang naging puno't dulo ng pangarap kong maging sundalo. Dahil sa pangungulila sa ama ay binabalik-balikan ko ang mga balita kung saan nabanggit ang pangalan niya. Sinusunod ko kung anong gusto niya. Hindi ako nagrereklamo kapag natatamaan ako kapag galit siya. Ganun daw ang magiging buhay ko kapag naging sundalo na ako. Taga-sunod kung sino ang mas nakakataas sa iyo.

"Naglalaro ka ba ng volleyball?"

Nag-angat ako ng tingin nang bigla akong kausapin ng kaklase namin. Nginisihan ako ng lalaki habang naghihintay sa sagot ko.

"Kulang kami ng isa, eh."

I shrugged. "Kailan ba yan?"

"Mamayang hapon."

Um-oo ako dahil wala naman akong gagawin. Ayoko ding magmukmok sa bahay kaya mas mabuti pang magpapawis nalang muna. Second year na kami pero hanggang ngayon ay tanging si Ramjay pa rin ang kaibigan ko. Nahihirapan akong makisalamuha sa iba dahil ang palagi kong naririnig ay natatakot daw sila sa akin.

Itong lalaking 'to, mukhang hindi naman.

"Karlo nga pala, classmate tayo noong first year din, diba?"

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. Sinabihan niya akong magkita kami sa gym pagkatapos ng huling klase namin.

Doon ako dumiretso pagkatapos kong tumulong sa paglilinis at nakita ang maliit na kumpulan ng mga lalaki roon.

"Sino yan? Classmate mo?" Narinig kong tanong ng isang babae na naka-varsity shirt. Kamukha niya iyong lalaking nagtanong sa akin kanina.

Tumango naman si Karlo. "Oo, kulang eh. Magaling yan."

Hindi ako nakaimik. Isang beses niya lang naman akong nakitang mag-volleyball noong nakaraang intramurals. I enjoy the game but as soon as the ROTC started recruiting cadets, I dropped out of it and focused on a different path.

"Galingan mo, Karlo, ah! Huwag kang bobo!"

Napalingon ako sa maliit na babaeng bigla nalang sumigaw. Mukhang kaibigan ata nitong si Karlo. May kasama siyang tatlo pang babae at isang lalaki na tabi-tabing nakaupo sa bleachers. Inisa-isa ko ang mga mukha nila at nagtagal ang tingin ko sa morenang nakaupo sa pinakadulo.

Ang ganda niya.

Iyon agad ang naisip ko habang nakatitig sa malumanay niyang mukha. Nakikipagbiruan pa ito sa mga kaibigan at nakikipagtawanan. Saglit na nagtama ang mga tingin namin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang tumingin siya sa akin.

"Putangina naman!" Reklamo ng kabilang team nang walang makasalo sa sinerve kong bola. Hindi rin iyon out kahit na malakas ang pagkakahampas ko kaya sa amin ang puntos.

"Dinala mo ba siya rito, Karlo, para magpabuhat?" Pang-aasar ng babaeng teammate namin. Sinamaan naman siya ng tingin ng lalaki.

"Makakapuntos din ako," mariing wika ni Karlo.

Nilingon ako ng babae at nginisihan. "Yari nga pala. Ang galing mong mag-serve!"

Tumango lang ako sa papuri niya at nag-focus sa laro. Sa kabila ng pagod at panginginig ng binti ay nakatuon ang tingin ko sa bawat galaw ng bola. Isang matinding palo mula sa akin ay nabuwag ulit ang depensa ng kalaban. Nagsigawan naman ang mga kaibigan ni Karlo sa bleachers.

"Pakialis si Karlo d'yan! Pabuhat, eh!" Sigaw ng babaeng maliit kaya pinakyuhan ito ni Karlo.

Magaling na setter si Yari kaya naman hindi ako nagkakaproblema sa pagtanggap ng bola at pag-spike sa tuwing kailangan. Nang mag-request ng time-out ang kalaban, umalis kaagad ako sa korte at tumakbo patungo sa bag ko, pawis na pawis.

"Amboring ng laro! Matic panalo na sina Yari!"

Napatingin ako sa nagsalita. It was one of his friends, the girl with long hair and fair skin. Iyong palaging maingay. Inakbayan nito ang morenang kanina ko pa pinagmamasdan.

"Isawan tayo mamaya, Avery?"

Tumango naman ito. Pinigilan ko ang pagngiti bago ako uminom ng tubig.

Avery...

Patingin-tingin na ako sa kaniya hanggang sa matapos ang laro. Minsan ay hinuhuli ko pa ang mga mata nito tuwing nakaka-score ako pero sa kaibigan niya namang babae siya nakatingin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nagpapapansin sa kaniya eh hindi naman kami magkakilala.

"Balita ko naglaro daw kayo ng mga Chi Ong?" Tanong sa akin ni Ramjay habang hinihintay namin ang ROTC commander namin para sa formation.

Tuwing linggo ang training sa ROTC kaya minsan ay nagagalit si Mama sa akin dahil wala nang tumutulong sa bahay. Bata pa ang mga kambal kaya madalas ay pagod ito sa maghapong pagbabantay sa kanila, pagluluto, at paglilinis.

Tumango ako sa kaibigan. "Kinulang lang sila."

"Ba't di mo ipagpatuloy ang pagv-volleyball mo? Magaling ka naman, ah?"

I shrugged. "Katuwaan lang yun."

Nginisihan lang ako ni Ramjay at umiling. I've already set my mind that I'm going to be a soldier someday. Dapat ngayon pa lang ay tini-training ko na ang pagiging responsable at disiplinado ko.

"Masyado kang seryoso..."

Mas dumalang ang pagbisita ni Papa sa amin, dahilan ng palaging away nila ni Mama sa tuwing umuuwi ito ng bahay. Minsan naiisip kong kaya hindi nito gustong umuwi dahil ayaw niyang marinig ang mga sigaw ni Mama sa kaniya.

"Kailan mo ba talaga ako pakakasalan?!"

"Talagang hindi kita pakakasalan kung iyan ang laging bukambibig mo!"

Nagpunta ako sa computer shop at hinanap si Ramjay. Gusto ko lang makatakas saglit sa bahay. Naupo ako sa bakanteng upuan tabi niya at hinintay na mag-load bago ako pumili ng character sa dota.

"Oy, oy, oy, tingnan mo, oh!"

Napalingon ako sa ingay ng mga katabi ko. Mga kaibigan iyon ni Ramjay na pinapasali ako sa dota kapag kinukulang ulit sila sa team. Sinundan ko ng tingin ang mga mata nila at nakita ulit si Yari kasama ang mga babaeng nasa gym noon.

"Pucha, crush na crush ko talaga si Lulu! Kaso mukhang pino-pormahan ni Kael..."

"Gagong 'to, as if naman papansinin ka nun!"

Nagtawanan sila kaya inalis ko na din ang tingin ko mula sa grupo. Wala naman doon ang hinahanap ko.

"Pero mas gusto ko yung isa nilang kaibigan. Yung malaki yung jugs!"

"Ano nga ulit pangalan nun?"

"Teka, morena yun, eh..."

"Ay, Avery!"

Humigpit ang hawak ko sa mouse nang marinig ang pangalan niya. Nakabukas na ang Facebook profile nito sa screen ng monitor nila at pinagkakaguluhan iyon.

"Zoom mo nga! Wala na bang ibang picture?!"

"Maglalaro ba kayo o hindi?" Irita kong tawag sa kanila.

Napatingin ang mga ito sa akin, nagtataka ang mukha.

"Lag pa, 'tol. Chill ka lang muna."

I stood and removed my headseat. Napatingin din si Ramjay sa akin.

"Uuwi nalang pala ako sa bahay."

Hindi ko na pinansin ang tawag ng kaibigan sa akin. Nang makarating ako sa bahay, naupo lang ako sa labas at hinintay na makaalis ulit si Papa. Saglit lang na nagtama ang mga tingin namin nang lumabas siya. Tinanguan lang niya ako at dumiretso na sa sasakyan niyang palaging naka-park sa kabilang kanto.

From: Ramjay

Badtrip ka? Hahaha

Hindi ako nag-reply sa kaibigan. Nang makita ko ulit siya sa Lunes ay kinulit-kulit na niya ako.

"Bakit? Ayaw mo na ba kaming kalaro? Hindi naman kami bobo, ah?"

Hindi ko sinagot si Ramjay. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang badtrip ako. Nanggigigil ako sa tuwing naririnig ko sa isipan ko ang tawanan nila habang pinag-uusapan ang ano ni Avery. Pucha, napakabastos.

Nang mag-third year kami ay ako na ang pumalit sa Staff Sergeant namin sa ROTC. Pinangako din sa akin ang pinakamataas na posisyon pagtungtong ko ng fourth year kaya sineryoso ko na ang training.

Kasama ang mga CAT officers ay naghihintay kami sa gate para sa mga late students. Nakakabagot ang gawaing ito, sa totoo lang. Kami ang nagiging late sa sarili naming klase at pinag-iinitan pa kami ng mga guro.

"ID mo," hinarang ko kaagad ang isang lalaking estyudante na nagmamadaling pumasok sa gate. Mukhang kaibigan pa ata 'to ni Karlo.

"Huh?" Nagtataka itong napatingin sa akin.

"Late ka, e-embargohin namin ang ID mo."

"Huh?!" Protesta niya at lumingon-lingon pa para humingi ng tulong. "Sure ba 'to?"

Tumango lang ako. He looked around helplessly, and then he started shouting like a lunatic.

"Avery! Avery!"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ulit ang pangalan niya. Shit. Kaibigan niya nga 'to. Kasama 'to sa nanuod sa aming mag-volleyball sa gym.

"Gusto nilang kunin ang ID ko!"

Pasimple akong tumingin kay Avery na kaagad sumaklolo sa kaibigan. Kumunot ang noo nito.

"Shunga ka ba? Late ka, eh. Malamang kukunin ang ID mo!"

"Officer ka, diba? Tulungan mo ako, oy!"

I watched the two of them, sensing for any kind of tension. Mukhang wala naman. Siguro ay magkaibigan lang talaga. Pati si Karlo ay pinagmamasdan ko din sa tuwing kasama niya si Avery. Ayoko namang sumawsaw sa kanila kung may gusto pala ang mga ito sa kaniya.

"Ano ka ba?! Pinapahamak mo ako! Tatakbo pa ako sa susunod na eleksyon!"

Nagtalo na silang tuluyan kaya lumapit na din ako.

"May problema ba dito?"

Sa unang pagkakataon ay tiningnan ako ni Avery. Pinasadahan ng inosente niyang mga mata ang suot kong uniform. Kaagad siyang umiling.

"Erm... wala. Ibibigay na ng kaibigan ko ang ID niya dahil late siya at iyon ang nararapat!"

Pinigilan ko ang sariling matawa. Kung kukumbinsihen niya ako na patakasin ang kaibigan niya, papayag ako. Kaso... mukhang hindi ata siya ganung klaseng tao.

"Sana masaya ka na." Narinig kong bulong ng kaibigan nito.

"Anong sinabi mo?"

"Ay, hindi po ikaw ang kausap ko, Sir. Si Avery Felicia Perez ng student council. Diba may klase ka? Ba't narito ka sa labas? Kunin mo din ID niya!"

Hindi ko na narinig ang sagot ni Avery dahil tumatak sa isipan ko ang buo niyang pangalan. Avery Felicia Perez. Tulad ng mukha niya, ang ganda rin...

I tried to calm myself while they continued bickering in front of me. Isinulat nung Ivo ang pangalan niya sa log book at ibinigay ang ID sa akin. Dali-dali itong umalis sabay hila kay Avery. Nanatili ang mga mata ko sa kamay nilang magkahawak hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

"Kaninong ID 'to?"

Napalingon ako sa kasamahan naming may pinulot na ID sa lupa. Kaagad ko iyong hinablot nang makita ang pamilyar na mukha ni Avery. I looked around while still holding her ID. Did she drop it?

"Ako na ang magsasauli," ani ko sabay bulsa ng ID niya.

May rason ulit ako para kausapin siya. Kinakapa ko pa ang sarili ko kung seryoso ba 'tong nararamdaman ko o sadyang nagagandahan lang talaga ako sa kaniya.

I've had girlfriends in the past. Hindi naman iyon seryoso. Gusto ko lang sigurong makaranas na humalik kaya shinota ko sila. Wala namang espesyal sa nararamdaman ko sa kanila kaya nakipaghiwalay rin ako dahil pakiramdam ko, nababastos ko sila.

I saw her at the gym again and returned her ID. Mukhang palagi niya atang kasama ang mga kaibigan. She looks genuinely happy with them. I didn't want to look like a creep so I distanced myself from her that day.

Kaso... nakita ko ulit siya. Hawak pa ang asong pinapakain ko ng ilang linggo at nilukat ko mula sa dog pound.

"Aso mo?"

"Depende..."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. She laughed nervously, her eyes sparkling with kindness. "Pinapakain ko lang."

"Hindi lang siya 'aso' 'no! May pangalan siya..."

"Oh? Ano?" Panghahamon ko sa kaniya.

"Chu...chay..." she seemed embarrassed for whatever reason.

I chuckled. Damn it, she's cute. Brownie ang tawag ko dito, eh. Sige, Chuchay nalang.

Somehow, we ended up in agreement to co-parent the dog. Wala talaga sa plano na magdala ako ng aso sa bahay pero nahahabag ako sa sitwasyon nito. Ayokong may mangyaring masama sa kaniya o mahuli na naman siya ng taga-dog pound.

It didn't matter if I met Avery that day or not, I had already decided to take the dog home with me...

Iyon ang naging simula ng madalas na pagkikita naming dalawa.

Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung nagugustuhan ko na ba si Avery. Palaging siya nalang kasi ang laman ng utak ko at halos magtatalon pa ako sa tuwa nang malamang classmate na kami sa huling taon namin sa high school.

"Marunong kang mag-volleyball tapos ROTC ka pa tapos magaling ka pang mag-drawing!" Daldal ni Yari sa akin habang tinatapos ko ang gawain namin para sa reporting. "Ang gara mo, ah?!"

Hindi ko pinansin ang kaibigan niya at nag-focus lang sa pagguhit. Kanina pa ako nakatingin kay Avery at kinakabahan simula nang pumasok siya sa bahay namin. Baka kasi kung anong makita nito at kung anong isipin sa akin.

"Ang galing..."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses niya. Nakatitig na ito sa gawa ko at nang mag-angat ang tingin niya sa akin, doon ko lang napagtanto.

Ah, pucha. Gustong-gusto ko pala talaga si Avery.

I could see the panic in her face when our eyes met. Agad niyang hinila si Yari patayo at lumayo sa amin. I lowered my head and shook my head, nagdadasal na sana pareho kami ng iniisip ngayon.

Simula nung inamin ko sa sarili kong nagugustuhan ko na talaga siya, mas lalo lang siyang gumanda sa paningin ko. Minsan ay nahuhuli na ako ni Ramjay na nakatitig sa kaniya kaya sinasapak ako sa likod.

"Pormahan mo na kasi! 'Tamo, maagaw pa yan ng iba!"

I shrugged. "Anong ipapang-date ko sa kaniya?"

"Hindi naman mukhang maarte. Pwede na yan sa isawan."

I frowned. Maski pang-isaw ay wala yata ako!

"Huwag na... graduating na tayo. Magpi-PMA ako. Ayoko ng long-distance relationship."

"Sino bang nagsabing kailangan niyong umabot ng graduation?" Tumawa si Ramjay. "Katuwaan lang."

Kinuha ko ang bag at isinukbit sa balikat. "Hindi pang-katuwaan lang si Avery..."

Gustong-gusto ko talagang ligawan si Avery, at may isang bagay lang na pumipigil sa akin...

"Huwag na huwag kang tatanggap ng pera mula sa tatay mo!" Galit na turan ni Mama. "Hiwalay na kami. Hinding-hindi ko na siya babalikan!"

Hindi na ako umimik. Ilang beses na ba silang naghiwalay at nagbalikan? May relasyon ba sila in the first place kung itinatago naman ako at mga kapatid ko sa publiko?

Kahit anong pagmamakaawa ni Mama na pakasalan siya noon, hindi naman yun nangyari at malabong mangyari din yun lalo pa't kilalang-kilala ng mga tao ang asawa ni Brigadier General Cajucom bilang isang tanyag na Philanthropy Advisor. Palagi kong nakikita ang mukha nito sa TV kasunod ang mga charity donations na ginagawa niya para sa mga batang itinapon sa daan o mga mahihirap na pamilya.

It would be bad for his image to annul their marriage. And... he also has a son.

Inignora ko ang sakit na nararamdaman sa tuwing nababanggit ang anak ni Papa. Papasok din daw ito sa PMA. He's two years younger than me so by the time I'm a second-class cadet, he's going to be a plebe.

"I hope that without the money... you'd still pursue me."

I stared at Avery's face in shock. These are the last words that I was expecting to hear from her. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at inamin kong gusto ko siya. Bukod pa roon ay sinabi ko rin ang dahilan kung bakit hindi ko siya pwedeng ligawan.

After a few days of painfully avoiding each other and watching her receive flowers from a suitor, she said those words to me.

Alam kong hulog na hulog na ako sa kaniya... takte, hindi na ata ako makakabangon.

I did my best to win her heart. Kung anu-anong trabaho ang pinasok ko para lang makapag-ipon ng kahit kaunting pera. Sumasakit ang katawan ko tuwing nahihiga ako sa papag gabi-gabi katabi ni Chuchay.

"Sa tingin mo... magugustuhan ako ng Nanay mo?" Bulong ko sa kaniya.

She whimpered and gave me a single wag of her tail. Natawa ako. Kapag may nakakita sa aking kinakausap ang aso ay aakalaing baliw na talaga ako.

I saved enough money to bring her to a decent restaurant but my mother gave birth to our youngest and had to undergo C-section. Hindi naman kalakihan ang naipon ko pero pumirma pa rin ako ng consent sa ospital. Saka ko pa inisip kung saan ko pupulutin ang pera.

"Akala ko ba ay ayaw niyo ng pera ko?" Malamig na tugon ni Papa nang ipaalam ko sa kaniya kung ano ang nangyayari.

"Abnormal po ang heart rate ng bata kaya sabi ng doktor, kailangang mailabas kaagad..." paliwanag ko sa kaniya na para bang hindi anak niya ang pinag-uusapan dito.

He sighed. "Magpapadala ako ng pera pero..." he trailed off on the other line. "Simula ngayon, susundin mo na kung anong sasabihin ko."

"Opo, Pa."

"Nag-take ka na ng PMAEE?"

"Tapos na 'ho."

"Kapag nakapasa ka, sabihin mo sa akin. May tatawagan ako para hindi ka na mag-neuro. Wala ka namang sakit, diba?"

"Wala po."

"Sige, balitaan mo kaagad ako. Inimbitahan ako sa Oath-Taking Ceremony ng kasunod na batch, Kiko. Dapat naroon ka."

I've always looked up to him as a soldier. For me, he is the face of the Philippine Army. Strong, dedicated, and resilient. He brings hope to people who were terrorized by the enemies and had their lands taken away from them.

When I started following the footsteps of my father, I become suffocated. Ang tanging pahinga ko lang ay ang relasyon naming dalawa ni Avery.

Pangarap kong makapasok sa PMA pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong excitement sa Oath-Taking Ceremony namin. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung kailan ako makakalabas ulit para makita siya.

She gave me her picture, and that was all I could hold unto while I was inside the academy. Tinititigan ko iyon bago ako matulog sa gabi habang masakit ang katawan dahil sa mga training namin.

"Cabrera!"

"Yes, Sir!"

"Ano yan?"

Hinablot ng upperclass ko ang litrato ni Avery. Bigla nalang kaming pinasok ng mga senior namin sa barracks kahit dis-oras na ng gabi. We all scurried out of our bunks to greet them.

He smirked when he saw her face. "Akin na 'to, ah?"

"No, Sir."

Nawala ang ngisi sa mukha nito dahil sa naging sagot ko.

"Ano 'kamo?"

"No, Sir." Matigas kong sagot habang nakatitig sa mukha niya.

I'm still a yearling. I'm not allowed to refuse any of his requests, no matter how ridiculous it is. Pero... hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang litrato ni Avery. Iyon lang ang ibinigay niya sa akin at wala ng iba.

"Gago ka ba?" Ibinulsa ng senior namin ang litrato at sinapak ako sa mukha. I stumbled a few steps but I immediately got back on my feet. Nag-iwas ng tingin ang ibang mga yearling, takot na madamay sa gulo naming dalawa.

"Ano 'to, syota mo?!" Sigaw niya sa mukha ko.

"Yes, Sir!"

He started punching me. He couldn't hit me on the face anymore because it would be so obvious that I'm being hazed so he targeted my stomach instead. Sa bawat suntok niya ay kaagad akong bumabangon kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko.

When I couldn't get up anymore, he started kicking me on the stomach. I could hear the blood ringing in my ears as his combat boots made contact with my skin.

I already know that this kind of thing happens inside the academy. I even prepared myself for it. Nag-iiwas ako ng tingin kapag ibang mga yearling ang binubugbog ng mga senior namin kaya karma ko na siguro na nangyayari din sa akin 'to ngayon.

"I do not take no for an answer, Cabrera!" He shouted at me again. "Kung gusto mong makuha ulit ang picture, mag-tour ka sa Borromeo Field kinabukasan! Naiintindihan mo?!"

"Yes...Sir." I weakly answered.

The seniors stormed out of the room. Ilang segundo pang nakatayo ang mga bunkmates ko bago nila ako tinulungan.

"Gago ka kasi," si Ramjay habang pinapatayo ako. "Bakit hindi mo nalang ibigay ang litrato?"

"Gusto mong mag-signify muna bukas? Dadalhin ka namin sa infirmary..."

I shook my head, feeling defeated. I got kicked and punched for nothing... hindi ko pa rin nakukuha ang litrato niya mula sa senior ko.

I started my touring punishment the next morning. The senior made me march around the Borromeo Field in my full military uniform and made me wear a 20-kilo jungle pack and a rifle. Ako lang mag-isa ang nagt-tour kaya kapansin-pansin ako sa mga kaklase ko.

"15 hours 'tong touring mo, Cabrera, ah!" Sita niya sa akin bago kami nagsimula.

"Yes, Sir."

"Kapag nakompleto mo 'to, pag-iisipan ko kung ibibigay ko pa ulit sa iyo ang litrato..." he smirked and then started marching.

I followed him all around. Tirik na tirik ang araw at tumutulo ang pawis ko pero hindi ko magawang mag-reklamo. The bruises in my stomach are starting to hurt like hell. I gritted my teeth and endured it. Lagpas pa sa 15 hours na napag-usapan namin ang touring punishment pero hindi na ako nag-reklamo pa.

In the end, he gave me back the picture.

"Masyado kang nagpapadala sa emosyon mo, Cabrera. 'Yang babaeng yan ang magiging hadlang sa pagiging sundalo mo!" He scolded upon giving me the picture.

"Yes, Sir."

I endured everything inside the academy. Simula noon ay napag-iinitan na ako palagi ng mga senior ko. Sometimes, they'd extort the money that I got as my allowance as a cadet. Hindi ako nag-reklamo nang kunin nila ang pera ko o utusan ako ng kung anu-ano. Minsan ay ako ang nagti-take life sa kanila pagdating sa mga illegal transaction. Ako din ang pinagbabantay habang nagsisigarilyo sila sa likod ng Jodero Hall.

So it pained me when Avery told me to quit PMA.

"Ayaw muna kitang makita, Enrique. Andami-dami mong tinatago sa akin. Halos hindi na kita kilala..."

I panicked when I saw the pain in her eyes. Tama naman siya. Andami kong hindi sinasabi at hindi pwedeng sabihin sa kaniya. How could I tell her that I got hazed because I wouldn't give up her picture? She'd tell me to quit PMA for good or worse, she'll blame herself why I got hurt!

We fought and it took me fucking months just to see her again. Hindi kami pinayagang makalabas o makapag-cellphone dahil kasagsagan ng FTX namin. I tried doing well in classroom instruction and advanced military training to get an exception to use my phone but it all failed. Kahit pa naging maganda ang mga marka ko ay ipinagbawal pa rin ang paggamit ng cellphone.

"Yung mata mo, Ramjay," sita ko sa kaibigan nang makitang nakatitig na naman siya sa kaklase naming babae, si Almira.

"Ang ganda niya..." bulong ni Ramjay.

Napailing nalang ako. Relationships between cadets are considered taboo inside the academy. Kung mayroon man ay palaging patago at hindi nagtatagal. No sane soldiers would want to have a relationship with each other. Hindi na sila magkikitang dalawa kapag deployment na.

So when I found out about Ramjay's relationship with Almira, I tried to talk him out of it.

Almira purposely failed her classes so she would be discharged honorably. Hindi niya itutuloy ang pagsusundalo. Mas gusto niyang makasama si Ramjay.

Dumagdag pa talaga ang dalawang 'to ngayong problemadong-problemado ako dahil hindi ko nakakausap si Avery.

So when I saw her running towards me with a pained expression on her face, I vowed to myself that I will never hurt her again like this.

Sa unang pagkakataon ay sinabi ko kung sino ang totoong tatay ko. Even Ramjay has no idea about it.

I wanted her to trust me... to trust us. Masyadong maraming sikreto ang relasyon naming dalawa at talagang hindi kami magtatagal kung puno ng pagdududa sa akin si Avery.

So I became vulnerable in front of her. I took down my walls and let my guard down. I set aside my principles as a soldier when it comes to her.

Pero mukhang hindi pa rin iyon sapat.

"Sinabi ko na sa'yo, may kailangan pa kaming i-revise sa thesis namin. Magdi-defend na kami ngayong Lunes!"

I could hear the frustration in her voice. All I want is to see her briefly during my internship training at Taguig. Pagkatapos noon ay magmo-move na kami sa battalion hanggang sa patrol area. I won't be able to contact her again for a while.

"Bakit? Inako mo na naman ba lahat ng responsibilidad sa thesis na yan?"

Nagsisi kaagad ako sa tono ng boses ko dahil mas lalo lang nagalit sa akin si Avery. These days, I could barely hear the joy in her voice. Palagi itong pagod o stress. Ever since she moved into a new place and took Chuchay with her... something changed.

"I'm sorry..."

When I heard her crying, it took all my willpower not to smash my head against the wall due to frustration.

Putangina mo, Enrique. Pinaiyak mo na naman si Avery.

"I'm sorry, too. I just really wanted to see you..."

Alam kong may nagbago na sa amin noong araw na iyon. I was in-denial about the changes in our relationship. When she said she couldn't attend the Ring Hop Ceremony, I tried to hide my disappointment and called my mother instead.

"Ayoko, Kiko. Naroon ang tatay mo... malamang naroon din ang pamilya niya. Ayoko silang makita."

I was one of the few graduates who didn't have a family on that day. I was forced to rent a drag to slip the bull ring on my finger just to get over it. Ni ayaw kong um-attend sa ceremony na iyon dahil sa sobrang lungkot at frustration.

"Gusto mo bang si Mama nalang ang magsuot ng singsing sa'yo? O di kaya si Ate!" Ramjay tried to cheer me up.

I shook my head. The drag I rented is from La Union. She's been doing it for years but I doubt she had really understood the essence of our PMA bull ring. Matamis itong ngumiti sa akin habang isinusuot ang singsing. I had to smile back because they were taking pictures of us. Iyon pa ang naabutan ni Avery.

"You invited me to the Ring Hop Ceremony but I couldn't come because of my fucking thesis. Hindi ko rin ginusto yun. Ang sabi mo, si Tita Judy ang magsusuot ng singsing sa'yo! Eh sino yung babae kanina, ha?!"

I was hurt when I heard the accusation in her voice... na para bang iniisip niya na kaya kong magloko sa kaniya. I don't know why I lied to her when she asked if my mother came.

Siguro dahil na rin wala nang dignidad ang naiwan sa akin sa Ring Hop Ceremony dahil ako lang ang kailangang magrenta ng drag para magsuot sa akin ng singsing. All of the other cadets have their loved ones or mothers to do it for them.

Hindi ko na pinalaki ang away. I swallowed my pride and immediately asked for forgiveness that night. I stared at the mini PMA ring I was supposed to give her tonight... only if I knew she was coming.

We fixed our issues and she went to my graduation. Akala ko ay may magbabago sa aming dalawa dahil sa away na iyon. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makita siyang ngumiti sa akin nang umakyat ako sa stage.

God, I want to marry her so bad...

If only marriage would fix all of our problems, I'd do it in a heartbeat. Pero ayokong magpakasal ngayon na nagkakalabuan pa kami. We have to fix our issues...together. I just knew that she was the one I'm going to marry while I recited my speech to the crowd as the class valedictorian.

She probably doesn't think the same when I continue to disappoint her by missing her graduation.

"Sir, hindi po ba talaga mamo-move ang Donning of Ranks?"

Tinigasan ko na ang mukha ko at kinuwestyon ang commandant namin. He glared at me.

"Nagmamadali ka ba? Atsaka, this is the military way of doing things, Cabrera. Expect changes every minute of the day!"

He smacked me on the head for mentioning my girlfriend during my graduation speech, but that didn't bother me. Nasasanay na ako sa pamimisikal ng mga superiors at seniors namin sa larangang ito. I wasn't expecting to be babied when I'm going to step into the battlefield one of these days.

I tried my best to win her back when I finally got sent off. Isang araw lang akong umuwi sa La Union para bisitahin sina Mama at dumiretso kaagad ako sa Maynila.

"Talagang mas gusto mo pang makasama ang girlfriend mo kesa sa sarili mong pamilya, Kiko?!" Mama would always lament to me.

"Ma..." I sighed tiredly.

"Sige, magsama kayo ng girlfriend mo! Kapag nabuntis mo yan, huwag na huwag kang lalapit sa akin!"

Hindi ko na sinagot si Mama. The twins are staring at me with disappointment. Ito na nga lang ang oras na makikita nila ang kapatid nila, aalis na naman.

But I just couldn't disappoint Avery again. I want to be with her. I want her to feel special even for a short time. Gusto kong iparamdam sa kaniya na walang nagbago sa nararamdaman ko sa nagdaang taon. Ngayon ko pa ba susukuan ang relasyon namin?

"Pwede kong i-renovate ang bahay pagkatapos ng turn-over, diba?" Tanong ko sa real estate agent habang pinipirmahan ang mga papeles.

"Yes, Sir. Kahit gawin niyo pang three-storey building!" Biro naman nito.

Real estate and investment companies came to PMA to promote and educate the graduating cadets. Most of cadets are still around my age, so none of them were really interested in buying a house.

"Hoy, bakit ka bumibili ng bahay? Magpapamilya ka na ba?" Biro ni Ramjay sa akin nang makitang tinuloy ko talaga ang pag-acquire ng bahay sa Valor Heights.

I picked up my rucksack and checked its content. Mamaya ay babiyahe na ako patungong Maynila. Dumaan lang ako sa PMA para i-claim ang diploma ko.

"Gusto ni Avery na tumira sa La Union..." tanging sagot ko lang sa kaibigan.

"Tangina, endgame mo na talaga si Avery, 'no?"

I slung my rucksack across my shoulders and smirked at him. "Ano pa ba?"

I spent my entire vacation trying to win her back. Itinabi ko na ang perang pang-down sa bahay at nagbigay na rin ako kay Mama. Nagtabi lang din ako ng konting allowance para sa training namin sa Fort Magsaysay. The rest of the money I got upon graduating from PMA, I poured on Avery...

Binili ko siya ng mga bagay na hindi ko nabibili para sa kaniya noon. I paid attention to her needs and wants. I wanted her to know that I am capable of providing for her when the time comes.

"May bahay ka na pala! Pakasalan mo ako, ah?!" Biro pa niya nang malamang nag-acquire ako ng bahay.

I smiled at her. Oo naman.

Ipinangalan ko sa kaniya ang bahay para kung sakaling may mangyari sa akin sa deployment, hindi sila magkakagulo ng pamilya ko. Siya rin naman ang rason kung bakit ko binili ang bahay na yun.

I wish I didn't have to leave her. Each morning of that vacation, when I wake up, I wish time would stop. I didn't want to leave her again. Mas magiging mahirap ang komunikasyon namin ngayon. I will be sent to a patrol base in a remote area in Bataan. Within a 2km radius of the base are multiple NPA encounters. Marami nang nalagas na sundalo sa lugar na iyon.

Siyempre, hindi ko ito pwedeng ipaalam sa kaniya...

"Don't cry, Avery, please..." I pleaded when it was time to say goodbye. Ayokong ang huling kita ko sa mukha niya ay umiiyak siya.

Avery wiped her tears and handed something to me.

"M-May isinulat ako... doon mo na basahin."

"I love you, Avery..." I reminded her again.

"Mahal din kita, Enrique."

Iyon lang. Iyon lang ang kailangan kong marinig mula sa kaniya kaya napanatag na ako. I kissed her once more before getting into the bus. Pinagmasdan ko ang mukha ni Avery hanggang sa umandar na ang bus patungong Fort Magsaysay.

"Ito ang barracks, tapos sa dulo ng hall ang banyo ninyo. Five counts dapat ready na kayo sa formation!" Sigaw ng commandant namin kaya dali-dali naming inilapag ang bag namin at nagtakbuhan sa labas.

I took the training seriously. A lot of soldiers have fallen in that area where I'm going to be deployed. Avery is waiting for me to come back, so I can't even afford to die.

Kinuha na ang mga cellphone namin kaya sa unang pagkakataon ay binasa ko ang sulat niya habang nakaupo sa bunk bed ko.

Dear Kiko,

Hindi pa kita natatawag na Kiko, diba? Pakiramdam ko kasi para lang iyon sa mga nakakakilala talaga sa iyo. Qualified na ba ako? Magli-limang taon na tayo, eh.

Hindi ko rin alam kung para saan ang sulat na'to. Alam kong pagkatapos ng training mo, hindi na kita makikita. Made-deploy ka na at kung saang lupalop mang ng Pilipinas iyon, mag-iingat ka sana.

I'm sorry for all the fights we had these days. Everything is so draining, and I want to seek solace from our relationship. Pero madalas, inaaway pa rin kita. I'm sorry.

Miss na kita. Nasa tabi kita ngayon habang sinusulat ko 'to pero miss na kaagad kita. Ang hirap pala nang ganito. Pero kung ikaw ang kasama ko hanggang sa huli, ayos lang. Mapagtitisan naman.

Bumalik ka agad, ah? Bumalik ka nang buhay. Ayokong umiyak sa libing mo. Hindi pwede yun. Magpapakasal pa tayo, diba? Gusto ko ng military wedding! Kaya bumalik ka sa akin. Mahal na mahal kita, Kiko.

Love,
Avery

For the first time, I cried upon reading her letter.

Buti nalang at tulog na ang mga bunkmates ko kaya walang nakakita sa akin habang pinipigilan ko ang iyak ko. I folded the letter carefully and slid it under my mattress. Hindi na ako nakatulog nang gabing iyon kakaisip kay Avery at sa magiging future naming dalawa.

"Check your alignment, check your cadet! Check your asawa, baka may kabit!"

Kumunot ang noo ko sa chant ni Ramjay habang nagj-jogging kami. Gawa-gawa niya na naman 'to kaya nagtatawanan ang ibang cadets sa likuran.

He really married Almira as soon as he graduated from PMA. Gagong 'to. Hindi naman ipinagbabawal pero tinataasan ng kilay ng mga officers ang mga fresh graduates na nagpapakasal kaagad pagkatapos ng training.

"Anong magagawa nila? Bubugbugin ako?" He smirked when confronted about it.

"Gago ka talaga."

Wala kaming komunikasyon sa labas sa loob ng tatlong buwan na training. Kaya pagkatapos namin, nagulat nalang ako sa narinig na balita.

"Wala na si Chuchay, Enrique."

I wanted to punch myself again for not being there for her. Rinig na rinig ko ang pagod sa boses niya at kung pwede pa lang ay liparin ko ang La Union para madaluhan siya kaagad.

"Bakit ka ba nagmamadali? Eh wala pa nga kayong send-off!" Galit na wika sa akin ng commandant namin nang tanungin ko kung pwede ba akong mauna ng labas.

"Namatayan po ako ng aso, Sir."

"Oh? Eh aso lang naman! Tangina mo, Cabrera, ah? Sa PMA ka pa. Naiirita na talaga ako sa'yo!"

I promised her that I would go to her... but I failed again. She must be waiting for me. When I saw her sleeping in the apartment, my heart broke. Kahit natutulog ay pagod na pagod ang mukha nito.

Pinigilan kong maiyak at naupo sa kama, hinihintay na magising siya. When she woke up, I stared at her eyes.

Doon ko na napagtanto na talagang pagod na siya sa akin. Sa amin.

Ayaw ko pang aminin sa sarili ko pero alam ko na ang patutunguhan naming dalawa. Me, with my empty promises and Avery who is drained to the bones.

"Itigil na natin 'to..."

Gusto kong magmakaawa sa kaniya na bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon. Kahit huling pagkakataon na, para lang mapatunayan ang sarili ko. But seeing her in a state like this and knowing I brought so much pain in her life... It made me surrender.

"Good evening, Sir."

Pumasok ako sa opisina ni Brigadier General Cajucom. He summoned me. Ever since his son didn't make the cut for the PMA, the pressures on me doubled. Andami na niyang gustong ipagawa sa akin ngayong ganap na akong sundalo.

"You'll join this operation."

He handed me a map. Kaagad ko itong binasa at kumunot ang noo ko nang mapagtantong high-profile ang target sa misyon na ito.

"Sir, fresh graduate pa po ako..."

"So? Take this as an opportunity. You have your lead, you have your target. All you need to do is kill the man. Bring your men in front, use them as a distraction. Kailangan mong mapatay ang target na yan."

Second lieutenants are usually not allowed to be part of high-profile missions like this. My father must've pulled some strings to include me. Iyon din ang usap-usapan sa batallion kaya nagdududa na silang lahat sa relasyon naming dalawa.

"Backer mo ba ang Brigadier General? Mukhang paborito ka ata, ah?" Komento ni Ramjay habang naghahanda ako para sa misyon.

Hindi ako umimik. I am still torn if I should go. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Avery. I wonder if her friends are with her right now? I hope they are... I hope they're consoling her. Kahit murahin nila ako para lang mapabuti ang loob ni Avery...

I tried to erase her from my mind during the mission. I was leading 40 soldiers with me. The terrains were difficult and the navigation made it even harder. I could tell why they would set up a camp here.

As soon as we reached our destination, we ambushed them. Anim lang naman sila at marami kami. I did not hesitate to shoot when I spotted my target. Isa pang putok ng baril ay nilapitan ko na ito. When I turned the body, I found a woman instead.

"Objective Charlie secured. Mike Alpha, I repeat, Mike Alpha."

"Babae 'to!" I shouted angrily to my soldier.

He nodded grimly. "Siya ang target natin."

I took a few steps back and started throwing up. This is the first time that I've killed someone... a woman! Pumasok ang mukha ni Avery sa isipan ko nang makita ko ang nakahandusay niyang katawan.

My soldiers retrieved all documents and some items from their camp while they dragged the corpses down the mountain. When I came back to the patrol base, for the first time, my father looked proudly at me.

I glared at him, knowing that he purposely gave me the wrong intel for this mission. Is he afraid that I wouldn't shoot knowing that my enemy is a woman? Dahil mahal na mahal ko si Mama at alam niyang may ka-relasyon akong babae rin?

"Good job," tinapik lang niya ako sa balikat at umalis.

Someone attended to my injury. Ilang araw din akong tulala pagkatapos ng nangyari. Ramjay tried to talk to me, but all I could see was the repeated image of the woman I just killed.

When I finally got to check my phone, I saw that she called. Once.

After my first deployment, I went straight to Avery's boarding house. Baka lang... nagbago na ang isip niya tungkol sa akin.

"We are done. I'm sorry that you're still hurting and I hope I can do anything about it. But... but I hope you can finally start moving on..."

Para na din akong binaril sa mga sinabi niya. I took it as a cue that she's finally done with me. I went back to the army instead of taking a leave and immersed myself in combat operations. Dapat ay hindi na ako nasusuka kapag nakakakita ako ng patay na tao. Trabaho ko 'to. Ginusto ko 'to.

Nakaugalian ko nang balikan siya pagkatapos ng deployment ko. I've been deployed to several places in the Philippines. But each time my deployment ends and I'm still alive, I celebrate my life by checking in on her.

Sa malayo pa lang ay kita ko na siyang naglalakad palabas ng campus. She must be taking higher education here. Nakakunot ang noo nito sa cellphone at mukhang may hinihintay.

I stepped back into the shadows, careful that she would not see me. After a while, a man started walking towards her. She smiled politely and kissed him on the cheek.

Mas lalo kong itinago ang sarili sa dilim. I hope she's happy... with that man. Whoever the fuck he is. Huwag lang niyang sasaktan si Avery at bubugbugin ko ang gagong yun.

Ramjay is already expecting his son. Seeing him happy with Almira made me think that a long-distance relationship might actually work with the right people.

So when he died in an encounter in Sulu, just before his wife gave birth, all my illusions were shattered.

Umiiyak si Almira sa tabi ko. I held her shoulder firmly. She was once in the PMA. She knows how it is. I stood as the honor guard for Ramjay's several funeral.

And when the traditional 21-gun salute was fired in honor of the deceased officer, Almira cried even harder. The bugle call sounded, signifying the end of the day... and the end of Ramjay's service to the army.

"Are you sure you're going to be okay?" I asked Almira once again.

"Yeah, I'm fine."

I studied her face. "You can marry me, Almira."

Gulat itong nag-angat ng tingin sa akin.

"I'll be the father to your child. I'll take care of you and the baby."

Nanubig ang mga mata ni Almira. She reached for my face and cried.

"Sinasabi mo lang 'to dahil best friend mo si Ramjay, Kiko." She sobbed. "If you really want to help... just be here."

Nag-iwas ako ng tingin. Tama naman siya. Pero wala na akong nakikitang pag-asa sa aming dalawa ni Avery kaya mas mabuti nalang siguro ang ganito? Almira knows the demands of a soldier's life and would understand.

Me, on the other hand, I get to go home to a wife and a child.

"Go after her, okay?" She wiped her tears. "Si Avery? Alam kong mahal mo pa siya. Huwag mo nang sayangin ang oras mo, Kiko. Magiging okay ako at ang anak ko."

I nodded and obeyed her. Hindi ko nga lang alam kung paano. All I could do was stalk her from a distance. I'm afraid she will send me away again if she sees me.

"Ano?! Magtatrabaho ka na naman? Kakauwi mo lang, ah!" Galit na sita sa akin ni Mama nang makitang naghahanda na ako.

Hindi ako umimik. Hindi rin naman ako matatahimik dito sa bahay kung wala akong gagawin. Traveling to other places does not suit me. Kaya mas mabuti pang may gagawin ako para ma-distract ako sa mga iniisip.

Isa pa, naka-mandatory leave ako ngayon. During my last mission, I lost three of my soldiers on a botched operation. I couldn't shake the image of their dead bodies out of my head. Kahit nang makababa na kami sa bundok ay palagi ko pa rin iyong iniisip.

My psychologist said that I have symptoms of PTSD. Hilaw pa ay isinabak na kaagad sa ganung mga misyon. My father orchestrated everything to expedite my promotion and now, I'm a Captain. Marami na akong naririnig na batikos sa likuran ko dahil palagi akong nasasama sa mga high-profile at combat mission.

Sometimes, I would wake up in the middle of the night from a nightmare. Iyong unang misyon ko. I could see the dead body of a woman clearly and when I turned her around, I saw Avery's face.

Halos mabaliw na ako sa kakaiisip. Hindi pa nakatulong na kamamatay lang ng best friend ko. I decided to go to therapy to remove the horrifying images inside of my head.

"Come back here again after a week..." he said after our session. "The AFPMC will forward your records to another institution. You have to undergo a comprehensive intervention."

Tumango lang ako at umalis na. Instead of going home, I went to one of my friends who owned a construction firm. Naghahanap ako ng kahit na anong trabaho.

"Magc-construction ka na naman?" Natatawa nitong tanong sa akin. "Hindi ka ba marunong magpahinga?"

"May bagong projects ba?"

"Hmm, dito mga local lang, eh. Pero may isang boarding house na gustong ipa-renovate. Ilang buwan din yun. Gusto mo?"

I already suspected that it was going to be Avery's boarding house and I was damn right. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko o hindi.

But this time, she won't be able to send me away, right? Because I'm working for her...

Ilang araw ang nagdaan pero hindi niya pa rin ako napapansin. She works too much! Maagang umalis at hatinggabi na kung umuwi! Ano, may pinapakain ba siyang anak?

Naiinis ako dahil mukhang sinasagad na naman ata ni Avery ang katawan niya sa pagtatrabaho. But a part of me is happy because if she has too much work, she won't have time for men, right?

I haven't seen any of her boyfriends lately. Siguro ay hiniwalayan na? I also stalk the guys who come near her and make sure that she's dating a decent man. With the military intel, any information is within my reach.

So when she finally noticed me, I thought my heart would explode. Gulat na gulat itong nakatingin sa akin habang naglalakad palabas. Pero hindi naman ako kinausap.

Inagahan ko ang punta sa kanila kinabukasan. Naabutan ko pa siyang naka-jogging attire at mukhang tatakbo ata.

"Nakauwi ka na pala?"

Her words rang inside my head over and over again. It's as if my mind couldn't comprehend that she's finally talking to me, instead of me imagining her voice throughout these years.

"Anong ginagawa mo dito?"

Babalikan ka, ano pa ba?

"Naka-leave ako."

She doesn't seem convinced but she accepted my reasons anyway. And I took that as my chance to prove myself to her once again... now that there are no annoying boyfriends around.

Hinanda ko na ang sarili ko sakaling hindi niya ako tatanggapin ulit. Ginawa ko naman ang lahat. Gusto kong patunayan sa kaniya at sa sarili ko na wala akong pagsisisi sa naging relasyon namin.

So when she finally accepted me back in her life, I was beyond happy. Sa ilang taong miserable ang buhay ko sa militar, ngayon pa ako nakaramdam ng ganitong saya.

I promised to take care of her better this time, to love her harder. Mamahalin ko siya nang tama... bagay na hindi ko nagawa noong mga bata pa kami.

"Second Lieutenant Cuizon was killed by his own privates," My father smirked when he looked up from his paper. Ipinatawag na naman ulit ako sa opisina niya pagkatapos niyang opisyal na mag-retiro. "Why do you think it happened?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Alam ko ding nangyayari ang mga ganito sa amin. A platoon leader is killed by his own privates when they can't handle his dictatorship.

I am not close with Second Lieutenant Cuizon, and his death was covered as an encounter with the rebels in the mountain when in truth, it was his own soldiers who shot at him.

"The soldiers are talking, Enrique... they're suspecting you. Bakit ang bilis mong ma-promote kung wala kang backer?" He chuckled. "Ngayon ka pa ba susuway sa akin?"

Cold fear enveloped me when I realized that sometimes, these privates would take it too far as to target the soldier's family, too. Wala naman akong alam na may galit sa akin, o baka inggit dahil sa mabilis na promotion. Gawa itong lahat ng tatay ko, kung sakali.

"Kung hindi mo ako susundin, magkalimutan nalang tayo, Enrique. Hinding-hindi kita tutulungan kapag dinamay nila ang pamilya mo... at ang babae mo."

I just gave him a salute and walked out of his office. He is pissed at me because I refused another mission that he wanted me to do.

I don't want to stop my therapy, not right now. Not when Avery had accepted me back into her life. I want to fix myself for her. Gusto kong mahalin siya nang tama at buong-buo.

But these threats from my father are not for me to ignore, either...

After my training in Camp Evangelista, I started accepting combat missions again. Maging ang mga higher-ups ay nagtataka kung bakit ako sasabak ulit gayong hindi pa tapos ang therapy ko.

"Uhaw na uhaw kasi sa promotion," narinig kong wika ng isa kong kasamahan.

Hindi ko na sila pinansin. I'll do what my father tells me to do, alright. After all, he spent half of his lifetime serving in the army. Alam niya kung anong dapat kong gawin.

But the more I go into combat missions, the more my PTSD is messing with me. Hindi na ako makatulog kapag naka-base kami sa bundok. Konting ihip ng hangin o tunog ng mga dahon sa labas ay naa-alerto kaagad ako.

And in a heated fight against my father, I mentioned retiring early just to piss him off.

He punched the living shit out of me. Damn it! Even if he's old, he sure can land a punch! Binugbog niya ako nang paulit-ulit dahil sa galit.

I'm not sure where his delusion of me continuing his legacy in the army is coming from. Hindi ko naman dala ang apelyido niya.

Mamamatay siyang walang nakakaalam na may anak siyang sundalo. Kaya anong mapapapala ko kung susundin ko ang mga yabag niya?

Bumalik ulit ako sa AFPMC. I almost begged my psychologist to fix me because it is getting worse. My case is the hardest he'd handle but he promised to help me.

I have to fix myself. I have to heal. I have to come back alive. Avery is waiting. She's waiting for me...

And even I admit to myself that I developed anger issues because of my PTSD. Kaya nang malaman kong sinaktan ni Papa si Avery, kumulo ang dugo ko at parang gusto ko ulit makapatay ng tao.

I was afraid of myself... I was afraid of the monster I'm becoming. Sa tuwing may deployment ay dumadaan ako sa AFPMC para kausapin ang psychologist ko. If anyone in this world understands what the fuck I'm going through right now, it's him.

"You'll go back to your normal life soon, Captain... I assure you." He would always say to me after every session.

I'm sure Avery already has an idea about what's going on. She's a psychologist, too. Alam niya kung anong pinagdadaanan ko.

She patiently supported and waited for me each time I came back from deployment. Nagsisimula na akong makatulog kapag naka-base kami. For me, that was an improvement...

"Sir, ako na d'yan, nakakahiya naman!" Tugon ng private nang makita akong nag-aayos ng tent.

"Hindi ka naman utusan dito, sundalo ka." Binalingan ko lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa. "Kaya ko 'to."

Hindi umimik ang private at pinagmasdan lang ang ginagawa ko.

"Andami sigurong naiinggit sa inyo Sir, 'no, kasi ambilis ng promotion niyo? Usap-usapan kayo ng iba... may backer daw."

Humigpit ang hawak ko sa tali at nagdilim ang paningin nang maalala ko na naman ang walang kwenta kong ama.

"Ano sa tingin mo?"

He grinned at me. "Ikaw lang po ang platoon leader na rumespeto sa akin bilang private. Yung ibang nagha-handle sa akin noon, kulang nalang ay halikan ko ang dinadaanan nila, eh!"

Napailing ako. Power tripping and abuse is common between platoon leaders and enlisted personnel. Palagi nalang minamaliit ng officers ang mga EP kesyo hindi daw nila pinagdaanan ang pinagdaanan namin o hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral at basta-basta nalang nagsusundalo.

"Ilang taon ka na?"

"23 pa po, Sir."

"Bumalik ka sa college." Tinanguan ko siya. "Kapag nakapagtapos ka, pumasok ka sa Officer Candidate School."

"Ha? Eh may sinusuportahan po akong pamilya—"

"Ako na ang magpapaaral sa'yo," I said with finality. "Basta walang bagsak."

Hindi ko na hinhintay ang sagot niya at pumasok sa inihanda kong tent para makapagpahinga. The next morning, we continued our trek and found our targets. Dalawa sa kanila ang nakatakas, tatlo ang patay sa engkwentro.

When I came back, I proposed to Avery and she said yes. Iyon din ang araw na tuluyan ko nang tinalikuran ang tatay ko. I cut him off and told myself that I'm going to earn my rank diligently and honestly. Kahit abutin pa ako ng ilang taon bago ma-promote, basta wala na siya sa likod ko...

"You're showing great signs of improvement, Captain..." my psychologist said, sounding pleased. "And you're still taking combat operations?"

I nodded.

"Great, great. I think I'll wean you from the medications I prescribed. Hindi rin biro ang side effects."

Tumayo ako at kinuha ang jacket sa upuan.

"I heard you're going to be a father soon?"

"Opo."

"Congratulations."

Tumango lang ako at lumabas na. I need to go home immediately or I'd miss the birth of my child! Tita Eliza called me earlier that Avery is already in labor and that she's looking for me.

Nang makarating ako sa ospital, nadurog ang puso ko nang makita ang sitwasyon ni Avery. She's on the verge of passing out. The baby is breech. Kailangan ng surgery.

With trembling hands, I signed the consent form and stayed outside the operating room the entire time. Hindi ako gumagalaw sa pinto.

Her friends came one by one. Pinapaupo nila ako o inaalok ng maiinom pero tinanggihan ko sila. I know I couldn't keep anything down due to nervousness.

My wife is fighting for her life inside the operating room while giving birth to our child! How can I relax?!

Pagkatapos ng ilang oras ay may lumabas na din mula sa loob. The scrub nurse took off her mask and smiled at me.

"Lalaki po ang anak niyo."

Napagalitan pa ako nang tinangka kong pumasok para kumustahin si Avery. They said to wait and sign more papers as both of them were wheeled out of the operating room.

Dali-dali akong sumunod sa kanila nang ilipat si Avery sa isang private room. She's still unconscious, with tubes and IV all over her body.

When she was settled, I stayed by her side the entire night in case she woke up. Marahan kong hinalikan ang noo nito.

I've seen things I shouldn't have in all my years in the military. I've witnessed traumatic events, the death of my comrades, the ruthlessness of our enemy.

I'm already rough on the edges, and maybe even broken inside. But still, looking at my wife right now, I vowed to myself to love her as softly as I could, with all my broken pieces.

I will shelter her from now on and until the end of my life.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro