Chapter 9
"Ang seryoso ni Avery, talaga bang mag-aaral tayo ngayon? Akala ko magchi-chikahan lang tayo..." narinig kong bulong ni Yari kay Lulu.
The latter chuckled. "For once, let's study in our study session..."
Hindi ko sila pinansin. Tatlong beses ko pang binasa ang paragraph sa libro para lang pumasok ito sa utak ko dahil si Enrique lang ang laman nito mula kagabi.
Ang sabi niya, wala siyang gagawin para sa nararamdaman niya sa akin? Bakit ganito? Kung palagi niya 'tong gagawin, malamang ay mahuhulog ako sa kaniya! Eh wala naman siyang balak manligaw kaya paano ako?
"Nakakainis!"
Nag-angat ng tingin si Ivo sa akin, nagtataka ang mukha. Nandito kami ngayon sa bahay nila Raya para mag-aral sa paparating na exam. Gusto na nilang matapos ito kaagad para intramurals na at wala nang iintindihin sa susunod na linggo.
"Anong nakakainis? Yung libro?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
I clamped my mouth shut. I didn't realize I had said my thoughts out loud. Walang pumapasok sa utak ko kahit anong pilit kong mag-aral. Hindi ko pinansin si Ivo at tinabihan si Celeste.
"Cel, hypothetical question lang..."
"Naku, huwag mo akong hina-hypothetical question, Avery! Alam mong hindi gumagana ang mga utak ko sa ganyan!" Palaban niya kaagad sa akin.
Hinawakan ko ang braso niya para manahimik. Napapatingin kasi sa amin sina Raya at Lulu. Mukhang sila lang atang dalawa ang sini-seryoso itong pag-aaral namin. Pati sina Karlo at Yari ay wala namang ibang ginawa kundi magbangayan.
"Anong gagawin mo kapag may nagsabi sa'yo na gusto ka niya tapos wala daw siyang balak gawin sa nararamdaman niya?" Bulong ko.
"Susuntukin ko," diretsong sagot ni Celeste.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I know she likes to do things... this way but I wasn't expecting her to answer like this!
"Nakakainis yung mga gan'yan, Avery! Mga pa-fall! Kung walang gagawin eh di huwag nalang umamin, diba?! Ginugulo lang nila ang buhay mo..."
I slumped in my seat. "Ganun ba yun?"
"Oo, te! 'Tamo, kung sino man yang hinayupak na yan, siya na ang magiging laman ng isip mo mula ngayon. Siya makaka-move on dahil umamin. Ikaw, stuck ka d'yan dahil alam mong may gusto sa'yo ang tao!"
Bumuntong-hininga ako.
Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi ni Celeste. "Si ROTC commander—"
Kaagad kong tinakpan ang bibig niya bago pa siya marinig ng iba! My heart was beating so fast inside of my chest.
"Tumahimik ka!" Banta ko sa babae.
She giggled in my palm, making me feel grossed out. Kaagad kong binawi ang kamay sa kaibigan at sinamaan siya ng tingin.
"Anong pinag-uusapan niyo? Sali ako!" Excited na wika ni Ivo pero kaagad itong umatras nang makita ang galit na pagmumukha ko. "Huwag nalang pala..."
Nag-alphabetical order kami para sa exam namin. Tumayo ako at kinuha ang bag ko para magtungo sa likuran. Alam ko na kung saan ang assigned seat ko kaya naman binagalan ko ang lakad para makaalis muna si Enrique sa upuan niya bago ako magtungo roon.
Kaso mabagal din ang kilos ng lalaki. I was roaming around the classroom impatiently hanggang sa masita ako ng adviser namin.
"Perez, maupo ka na!"
"Yes po, Ma'am..." kaagad akong nagtungo sa upuan ni Enrique. He was still wiping his desk with some tissue when he saw me. Kaagad niyang ibinulsa ang alcohol na hawak at bahagyang tumagilid para makadaan ako.
Hindi ko na sana siya papansinin kaso may inilapag ulit siya sa desk ko/niya. Napa-angat tuloy ako ng tingin.
"Good luck sa exam."
"Aanhin ko 'tong gummy bears?"
He just shrugged and went in front. Magkatabi silang dalawa ni Yari. She was grinning widely at me so I rolled my eyes. Pinagtuonan ko ng pansin ang exam kahit na palaging bumabalik ang paningin ko sa lalaking nakaupo sa harapan. Siguro andaming magrereklamo kung talagang sa harap siya nakaupo dahil hindi nila makikita ang blackboard. Isa pa, ang lakas din ng hatak niya kaya paniguradong hindi rin ako makakapag-focus kung dito talaga ako nakaupo... gaya nalang ngayon.
"Mixed signals 'to, diba?" Tanong ko kay Yari habang nanananghalian kami. Wala ang mga bata ngayon kaya kami lang muna tatlo ang nandito sa manggahan. Balita namin ay sobrang hirap ng math nila kaya kahit nag-bell na ay wala pa ring lumalabas hangga't walang natatapos.
"Bakit di mo nalang siya tanungin?" Si Karlo ang sumagot para sa akin. I already told Yari everything and she keeps on teasing me about it.
"Anong sasabihin ko? Hi, Enrique! Sabi mo gusto mo ako, tapos wala kang gagawin sa nararamdaman mo. So bakit mo ko binibigyan ng pagkain palagi? Mukha ba akong aso? Ganun?" Sarkastiko kong wika kay Karlo.
He laughed. "Maybe that's his way of spoiling you?"
"Oo nga! Tsaka, ano ba! Kinikilig pa rin ako sa gummy bears!" Si Yari.
"Tama na ang kilig, Yari. Nakain at natae ko na yung gummy bears na yun."
"Yuck! Avery!" Mahina akong hinampas ni Karlo ng school paper na binabasa niya sa ulo. "Kadiri mo, paano kung narinig yan ni Enrique?"
I shrugged and continued eating.
"Alam mo, balak ko sanang mangopya kay Enrique kanina..." ani Yari. "Nagpapakopya naman pala siya kaso hindi ko maintindihan ang handwriting niya!"
Tumawa nang malakas si Karlo. "May mas pangit pa pala ng handwriting sa akin!"
"Seryoso, yung letrang g niya parang nine! Imbes na makakopya, na-stress lang ako sa kaniya!"
I found myself laughing. Enrique was so serious in everything - his cadet duties, academics, and his part-time jobs. Hindi ko akalaing magpapakopya pala ang lalaking iyon. Akala ko kagaya siya ni Lulu na kahit mamatay na ang lahat, hinding-hindi magpapakopya sa kahit sino! Kahit crush pa niya!
"Kung magiging kayo man, Avery, turuan mo kung paano magsulat nang maayos ang lalaking yun, ah? Siguro kaya pini-perfect ng mga teachers ang essays niya kasi ayaw na nilang basahin lahat! Kaka-stress!"
The first quarter exam is finally over. Hindi na kami nakapag-check ng mga papel dahil intramurals week na. Lulu and I were busy coordinating events here and there as part of the student council. Ang alam ko ay may chess competition si Raya kaya naman nagnanakaw kami ng oras para makapanuod din sa mga games niya. Ang kambal naman, sunod-sunod na tinalo ang second year at third year kaya ang alam ko, ang team nila ang magiging representative sa interschool competition.
Nakikita ko si Enrique pero sa mga opening programs lang. He would usually lead the ROTC during the silent drills or would sometimes be on gate. All ROTC officers were full-on duty during the intrams.
"Inaya namin si Enrique sa team namin kasi marunong namang mag-volleyball ang lalaki," kwento ni Yari habang nakaupo sa bleachers. Inabutan siya ni Lulu ng tubig dahil pawis na pawis ito. Katatapos lang ng game nila. "Hindi naman siya pumayag. Gusto niya daw mag-focus sa ROTC. Tsaka may advanced ROTC siya ngayong bakasyon, diba?"
Tiningnan ako ni Yari na para bang alam ko ang sagot. Nag-taas lang ako ng kilay sa kaniya. Wala naman kaming kahit anong pag-uusap ni Enrique bukod lang dun sa binigyan niya ako ng gummy bears sa unang araw ng exam. Wala na din akong pagkakataon na kausapin siya. He's always busy, always off to somewhere, always working...
Sa last day of intramurals, naka-toka ako at iba pang mga SSG officers sa gym kung saan naroon ang final basketball game. Iyon ang pinagtutuonan ng pansin namin dahil palagi nalang merong nagsusuntukan pagkatapos ng laro. Andami na ding mga na-disqualified na basketball players dahil dito.
"Kael! Tawag ka ni Coach..."
Gumilid ako dahil bigla nalang mayroong sumigaw sa likuran ko. The star player, Kael, came running to the other side of the gym. Naging classmate ko 'to nung first year pa lang kami pero hindi naman kami naging close dahil iba ang circle niya. I just know him because he's been popular lately and he is Celeste's long-time crush.
Kaso, iba ata ang gusto ng lalaki...
"Tingnan mo 'tong gago na 'to, ang sabi magpapahinga daw muna sa game ngayon pero pagkakita dun sa SSG officer, biglang gusto ulit maglaro," narinig kong nagtatawanan iyong basketball player na tumawag sa kaniya kanina. "Ano nga ulit pangalan nun?"
"Di ko na tanda. Basta PSG chief yung tatay."
"Ganda rin nun, ah? Sayang, naunahan na tayo ni Kael. Kung magpapapansin siya dun, wala na tayong pag-asa..."
"Ulol! Asa ka namang papansinin ka nun!"
I frowned when I realized that they're talking about Luanne. Hindi ko nalang sila pinansin at dinala sa baba ang box na may lamang bottled water para sa mga basketball player mamaya. Tinabihan ko si Lulu na may hawak na DSLR.
"Tingnan mo! Nakahiram ako sa journ club ng DSLR," proud na proud niyang wika sa akin sabay taas ng camera.
"Hindi ka naman photojournalist, ah?"
"Kaya nga, nagkasakit ang photojournalist nila kaya ako muna ang sub. Isa pa, kailangan din naman natin ng pictures para sa Facebook page natin, diba? Gagalingan ko ang mga kuha ko!"
"Patingin nga..."
Ibinigay ni Lulu sa akin ang camera at umalis muna nang may tumawag sa kaniyang kaibigan. Natawa ako nang mapagtantong halos sa lahat ng mga kinuha niyang litrato, naroon si Kael. Hindi naman siya ang subject, pero palaging nasa likuran ang lalaki o di kaya'y nahahagip ang braso, likod, o ulo nito.
Itinaas ko ang camera para subukang kumuha din sana ng litrato. Muntik ko pa 'tong mahulog nang ilapit ko ang mga mata sa viewfinder at si Enrique ang nakita!
I cursed under my breath. I realized I zoomed the lens too far. Akala ko talaga ay nasa harap ko siya! He must've noticed me because he turned his attention towards me, slightly raising a brow.
Kaagad kong ibinaba ang camera. Baka akalain niya, kinukunan ko siya ng litrato! Maging Lulu version 2.0 pa ako!
I'm still lurking at him from the corner of my eye. He's talking to someone. Iyong ROTC officer na nagpunta sa classroom namin. Limot ko na ang pangalan. I panicked when I saw him walking towards me. Kinalikot ko nalang ang DSLR at hiniling na sana ay bumalik kaagad si Lulu.
"Tubig?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. He's offering me bottled water. I suppress a smile and pointed at the box of water in front of me.
"Water girl ako ng mga basketball players."
Napatingin siya sa tubig na tinutukoy ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o ano dahil matagal din niya akong tinitigan nang hindi nagsasalita. Sa sobrang awkward ko ay tumawa nalang ako at tinanggap ang tubig na inaalok niya.
"Pero salamat, ah?"
"Kayo ba ang coordinator ng men's basketball?"
Tumango ako at binuksan ang tubig para makasimsim kahit konti. Baka sabihin niya, hindi ko naa-appreciate ang ginagawa niya! I took a sip in front of him. Enrique watched me with serious eyes, then immediately looked away.
"Oo. Sa men's basketball ako naka-assign. Yung iba, sa kabilang court. Sa women's basketball..."
Enrique nodded and pointed to the empty seat next to me.
"Pwede ba akong maupo?"
I hesitated for a bit. Lulu might come back any moment now. But a small part of me wants to talk to him. Hindi ko nga lang alam kung anong sasabihin.
"Sure!" Sa huli ay sinabi ko.
"I feel like I owe you an explanation..." he said in a small voice.
"Sinabi mo pa," I murmured. Ilang linggo din akong hindi makatulog nang maayos, 'no! Kahit na gustong-gusto kong kitain si Chuchay, busy naman ako sa pag-iwas-iwas sa kaniya kaya wala din. Bakit pa kasi umamin ang lalaking 'to sa akin?! Pwede naman niyang dalhin sa libingan niya ang unrequited love na yan!
"Sorry," he sighed.
"Saan?"
"Sa pagsasabi kong gusto kita..."
"Ay, binabawi mo na?"
He chuckled, turning to me. Bahagya siyang nakayuko para magtama ang mga mata namin.
"Hindi. Pero sana hindi ko sinabi kasi wala naman akong magagawa..."
"Nalilito ako."
"Hindi kita pwedeng ligawan, Avery." Seryoso niyang wika.
"Bakit?" Mahina kong tanong.
He went silent for a bit. Napaka-seryoso ng mukha niya habang nag-iisip. After what seemed like forever, he let out an exasperated sigh.
"Because I have no money to date you."
I stared at him in disbelief. Napatayo ako habang ang mga mata'y nang-aakusa na nakatingin sa kaniya.
"A-Ano?!"
"Sit down, Avery."
Para akong tuta na sumunod sa sinabi niya. He looked at me seriously.
"Gusto kita... pero mahirap lang ako... kami. Kung anu-ano ng part-time job ang pinapasukan ko para sa allowance ko. Nag-iipon din ako para sa PMAEE. At mayroon akong mga kapatid... may darating pa. Gusto mo bang manligaw ako sa iyo na walang maibigay na tsokolate at mga bulaklak? Ni hindi ko nga alam kung kaya kitang ilibre sa isawan, eh." He let out a painful laugh.
"Enrique..."
"Alam kong posibleng sabihin mo na ayos lang kung walang bulaklak o tsokolate pero para sa akin... hindi. Normal lang na ginagawa ng lalaki ang mga bagay na yun sa babaeng gusto niya. Ayoko ding makipag-relasyon gayong wala naman akong maibubuga."
I went silent, gripping the camera too hard. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Sorry kasi sinabi ko pa sa iyo. Hindi ko man lang naisip kung anong mararamdaman mo... Sinubukan ko namang pigilan pero..." he trailed off and went silent.
Sobrang ingay na ng isipan ko ngayon. Andami kong tanong, andami kong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko.
"Sabihin mo lang sa akin kung hindi ka komportable na lumalapit pa ako sa'yo o nagbibigay ng kung anong makakaya ko. Minsan kasi, nagsusungit ka kaya hindi ko alam kung joke lang ba yun o talagang ayaw mo sa ginagawa ko."
I quickly shook my head. "Joke lang yun! Kilala mo naman ako, diba? Sira-ulo ako."
He laughed. "Don't say that."
Nagbuntong-hininga ako. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko ang ganitong dahilan sa dami-dami ng mga scenario na in-magine ko. I feel so guilty about it...
"Napaka-selfish naman kung sasabihin kong hintayin mo akong maging mayaman at successful bago ako makapanligaw. You don't have to do anything for me... or respond to me. Gusto ko lang na maging mag-kaibigan pa rin tayo kahit papaano. Isa pa, nami-miss ka na ng anak mo..."
I smiled. "Miss ko na rin siya."
He nodded and stood. "Sige, babalik na ako sa post."
Ang akala ko ay malilinawan ako sa mga sinabi ni Enrique sa akin pero natulala lang ako habang nagbabantay sa basketball game. Thankfully, natapos naman ang laro na walang nagpapatayang mga players. Buhay pa naman silang lahat kahit maiinit ang ulo kaya tapos na ang trabaho ko.
"Avery! Lulu! Manglilibre si Ivo!" Tuwang-tuwang bungad ni Celeste sa amin pagkalabas namin ng student council office. Tumatalon-talon pa ito na parang bata.
"Talaga?! Himala! Panalo si Raya, 'no?" Si Lulu.
"Manalo-matalo, manlilibre pa rin naman yun hangga't naroon si Raya!" Humalakhak si Celeste at tiningnan ako. "Punta ka, ah?"
"Pass muna..." nanghihina kong sagot. "Medyo masakit ang ulo ko. Uuwi na ako diretso sa amin."
"Hala, okay ka lang? Baka may gamot pa ako dito sa bag ko..." alalang-alala naman si Lulu.
"Ayos lang, Lulu. Kailangan ko lang itulog 'to..."
Nagpa-alam na ako sa dalawa at lumabas ng eskwelahan. Malayo pa rito ang boarding house namin pero pinili ko pa ring maglakad. I want to empty my mind.
Now that I don't have to guess the reason behind Enrique's action, I should be happy and relieved, right?
Pero sa hindi malamang rason, ang lungkot-lungkot ko...
Maiiyak na ata ako. Pinigilan ko ang luha habang naglalakad nang mabagal sa gilid ng palayan. Papalubog na ang araw. Nuot na nuot sa katawan ko ang pagod ng intramurals ngayong araw pero hindi ko ito ininda.
I stopped walking when I heard cute voices behind me. Napalingon ako sa mga batang estyudante. Malapit na rin kasi ako sa San Juan Elementary School kaya maraming bata.
Kaagad kong namukhaan ang kambal sa malayo. They were chasing each other... on the street! Napatingin ako sa Mama nila na galit itong tinatawag. May dumadaan kasi na mga tricycle at baka mahagip pa sila!
"Leslie! Lianna!" Napatingin ako sa Mama nila nang tumawag ulit ito. "Balik na dito!"
The mother is already huffing. She is heavily pregnant and chasing after two energetic kids. Pupuntahan ko na sana para tulungan ang ginang pero napahinto ako.
"Ma, ako na..."
Lumitaw si Enrique sa likuran, dala-dala ang dalawang pink na mga backpack. My eyes widened. Nagpabaling-baling ang tingin ko sa kanilang apat... lima? He quickly caught up with his sisters and held their wrists. He was so engrossed with them that he didn't even notice me watching them.
"Naku, Kiko, buti nalang at maaga kang nakalabas ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga batang ito!" His mother sighed loudly. She's beautiful, but she looks so stressed out.
Nanatili akong nakatingin sa kanila. Enrique is so gentle with his siblings while still supporting their mother. Mukhang nag-aabang ata sila ng tricycle pauwi. Pinauna niyang pinasakay ang nanay saka pinatabi ang mga kapatid. Sa likod siya ng driver naupo. Ang iingay pa rin ng mga kapatid hanggang sa umusad na ang tricycle.
Napasapo ako sa ulo ko.
Siguro hindi ko talaga siya lubos na maiintindihan pero sa ngayon... sapat na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro