Chapter 8
"San si Karlo?" Tanong ko kaagad sa nakasalubong niyang kaklase sa pintuan ng classroom nila.
"Oy, ikaw pala, Avery—"
"Wala akong time sa'yo. Si Karlo, nasan?" Ipinag-krus ko ang kamay sa dibdib at tinaasan siya ng kilay. Tumawa naman ang lalaki.
"Ang highblood naman. Teka, tawagin ko." Pumasok siya ulit at sumigaw. "Karlo, shota mo andito sa labas!"
I just rolled my eyes. Hindi lang naman ako ang dumadayo sa classroom ni Karlo kaya malamang ay wala lang ito sa kaniya. Sometimes, Celeste and Lulu would pester him in his classroom. Hindi na bago sa kanilang may mga babaeng kaibigan na nagpupunta dito.
"Sinong shota—" natigilan siya nang makita ako at kaagad na sumimangot. "Oh, ikaw lang pala."
I smirked when I saw the reaction on his face. "Bakit? May in-expect ka bang iba, ha, Karlo?" I asked playfully.
He frowned at me. "Kung mangungutang ka, wala akong pera."
"Teka nga!" Hinila ko ang kuwelyo ng uniporme niya para hatakin siya palabas ulit.
"Hoy, Avery! Nakukusot ang uniporme ko, ano ba!" Reklamo naman niya.
"Gusto kitang kausapin..."
"Tungkol saan?"
"Promise hindi ako mangungutang. Pwede bang lumabas muna tayo?"
Karlo sighed and followed me. "As if namang may maipapautang ako sa'yo. Nagalit si Daddy sa akin kaya wala akong allowance ngayong linggo."
"Marami ka namang pera. Intsik ka, diba?"
He just glared at me. Nagtungo kami sa manggahan kung saan kami madalas na tumatambay. Wala naman silang klase at free time ko din ngayon kaya ayos lang.
Sa hindi malamang dahilan, si Karlo kaagad ang hinanap ko at gustong makausap tungkol kay Enrique. I know this is supposed to be a girl talk but for some reason, I feel more comfortable talking to Karlo about him. Gusto kong hingin sng opinyon niya...
"So, anong chika?" Karlo crossed his leg over the other while staring at me with an impatient look on his face.
I took a deep breath and sat in front of him. "So, ito na nga... alam mong nilalandi ko nang slight si Enrique diba?"
"Huh?"
"Alam mo yun! Kapag kinakabahan ako, nagj-joke ako tapos nahuhulog sa lamdisn."
"Oh? Tapos?"
"Kasi may kinupkop kaming aso sa sementeryo kaya madalas kaming nagkikita."
"May kinupkop kayong aso sa sementeryo?!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Si Chuchay!" Bahagya ko siyang sinipa dahil napaka-slow.
"Ahh, si Brownie?"
"Chuchay!" Diin ko.
"Brownie ang sabi mo sa 'kin noon, eh!" Depensa naman niya. "Kumusta na yun?"
"Inaalagaan siya ni Enrique."
"Naks. Father material naman pala."
"Off-topic ka na, eh!" Umirap ako sa sobrang inis. Parang nagsisisi na ako na siya ang kinausap ko tungkol dito.
Karlo laughed apologetically. "Sorry, oh, tapos?"
"Nagkikita kami last school year, tapos noong bakasyon din. Hindi ko naman siya sini-seryoso kapag nararamdaman kong nilalandi niya ako kasi... sino ba namang magkakagusto sa akin, diba?" I laughed humorlessly.
Karlo's face turned serious while looking at me.
I cleared my throat and carried on with my story. "Tapos nitong nakaraan, sinabi niya sa akin na gusto niya daw ako."
Umangat ang kilay niya sa narinig. "Talaga? Anong sabi mo?"
"Wala."
"Wala?"
"Eh anong sasabihin ko?!" I cried. "Gulat na gulat ako!"
"Huh? Hindi ba siya nagpapakita ng motibo sa iyo?"
"Akala ko gino-goodtime niya lang ako! Gaya ng panggo-goodtime ko sa kaniya!"
Karlo let out an exasperated sigh.
"Tapos..." suminghot-singhot ako. "Tapos sabi niya... wala daw siyang gagawin sa nararamdaman niya. Gusto niya lang daw malaman ko."
"Ha?"
"Wala daw siya sa posisyon sa buhay niya para ligawan ako..." I bit my lower lip.
"Gago ba siya?"
I sighed out loud. Hindi ko rin maintindihan! Bakit niya sasabihin sa aking gusto niya ako tapos iiwan lang pala sa ere? Ni hindi man lang sinabi sa akin kung ano ang rason!
Natahimik kaming dalawa ni Karlo, parehong nag-iisip. Kaya siya ang naisip kong kausapin dahil lalaki siya at baka maintindihan niya ang motibo ng ginagawa ni Enrique.
"Mag-b-bell na, Karlo, wala ka bang advice d'yan?"
He sighed once again. "Hindi ko naman kasi gaanong kilala ang Enrique na yan, eh."
"Pucha, dapat talaga si Yari nalang ang kinausap ko..." bulong-bulong ko.
"Pero palagay mo ba, nagsisinungaling siya? Kasi kung totoo talaga ang sinasabi niya, saludo ako sa kaniya. Ang hirap kayang magkagusto sa isang babae tapos wala kang magagawa. 'Tamo si Ivo, malapit nang mabaliw yan."
Natawa ako at talagang naglatag pa siya ng example.
"Alamin mo muna kung anong dahilan niya. Malay mo may problema din pala sa pamilya niya kaya hindi muna siya pwedeng magka-girlfriend ngayon. O di kaya may pinaggagastusan siya. Dami niyang part-time, diba? Nakikita ko siya palagi sa tindahan."
Tumango ako.
"Mukha naman siyang matinong lalaki kung ako ang tatanungin mo. Siguro hindi niya lang talaga mapigilan ang nararamdaman niya kaya sinabi na niya sa'yo. At least if he decides not to pursue you, he can start moving on..."
"Ang daya..." napanguso ako habang nakatitig sa dahon ng mga mangga. "Ngayong sinabi na niya sa akin na gusto niya ako, malamang magkakagusto din ako sa kaniya!"
"Na-reverse psychology ka!" Pang-aasar ni Karlo sa akin kaya sinapak ko siya.
"Pero, Avery, kung sakaling manligaw siya sa iyo..." sumeryoso ang tono ni Karlo. "Sasagutin mo ba?"
I shrugged. "Paano ko malalaman? Eh wala nga daw siyang gagawin sa nararamdaman niya sa akin, eh!"
"Magpaalam ka muna sa Tita mo. Siya ang nagpapa-aral sa iyo, diba? Baka mamaya ayaw niya palang nagbo-boyfriend ka. Kung wala siyang gagawin sa nararamdaman niya, mabuti. Makakapag-focus kayong dalawa sa pag-aaral. Kung manliligaw naman siya, kilatisin mo muna. Kapag sinagot mo, tanong mo sa kaniya anong workout niya. Batak ng katawan, eh."
Hindi ko alam kung mata-touch ako sa sinabi ni Karlo o maiinis dahil hindi niya talaga kayang mag-seryoso. He grinned at me and pulled me into a hug, startling me.
"Basta kahit anong mangyari, nandito naman kami. Tanggap ka pa rin namin kahit may boyfriend ka o wala."
"Baliw!" Hinila ko muna ang buhok niya bago ako bumitaw sa yakap. I feel a little better now. Maybe talking to him isn't a bad idea after all.
Aalis na sana ako pero biglang hinila ni Karlo ang palapulsuhan ko. Tinitigan ko ang kamay niya, inaalala kung paano magwala ang puso ko sa tuwing si Enrique ang gumagawa nito sa akin.
"At hindi ko alam kung bakit iniisip mo na hindi ka maganda, Avery," seryoso niyang wika sa akin. "Pag may nagsabi sa'yong pangit ka, sabihin mo sa akin! Sasapakin ko!"
Tumawa ako at hinila pabalik ang kamay mula sa kaniya. Tanging ang magkapatid na Chi Ong lang ang nakakaalam ng dati kong hitsura. Walang kamalay-malay sina Celeste, Lulu, Ivo, at Raya kung gaano ako kalaki noong elementary pa lang. Maybe it's better that way. Natatakot akong baka mag-iba ang tingin nila sa akin.
Nagpaalam na ako sa kaibigan at bumalik sa classroom namin. My heart skipped a beat when I saw Enrique's chair... but it was empty. Si Yari naman ay nakikidayo sa likuran at dinadaldal ang mga lalaking kaibigan niya doon.
I sighed and went to my seat. Tama ang sinabi ni Karlo, siguro ay dapat ko munang kausapin si Tita tungkol dito.
My phone beeped inside my pocket. Kumunot ang noo ko. Sino na naman 'to? Wala pa naman akong load!
From: Tatay ni Chuchay
Kumain ka na?
I bit my lower lip. Anong ir-reply ko dito?! Eh wala nga akong load!
From: Tatay ni Chuchay
Hindi kita nakita sa canteen kanina.
I ignored his text message and decided to join Yari and the boys at the back. Ayokong makitext sa cellphone ni Yari dahil paniguradong aasarin niya lang ako! Buti nalang at kahit papaano'y huminto na ang pang-aasar tungkol sa aming dalawa.
Akala ko kung ano ang pinag-uusapan nila sa likuran pero binu-bully lang pala ni Yari ang mga lalaking classmate para pahiramin siya ng cellphone at makapaglaro ng games. Aniya luma na daw ang cellphone niya at hindi kinakaya kapag nagd-download siya ng mga games na gusto niyang laruin.
"Oh, Avery. Kumusta ang bebe mo? Late ata?" Pang-aasar sa akin ni Yari habang ang mga mata'y nakatutok sa screen ng cellphone na hindi naman sa kaniya.
Inirapan ko ang babae kahit hindi naman ako nakikita.
"Bebe mo mukha mo."
Umusog patungo sa akin ang isa kong classmate na lalaki, si Macky. "Nililigawan ka ba niya, Avery?"
Kaagad akong umiling. Hindi naman talaga!
"Kung liligawan ka niya, may magiging couple na pala sa classroom na 'to!" Dagdag naman ng isa.
Sasagutin ko pa sana siya nang pabalang pero may tumawag sa akin. Nag-taas ang kilay ko sa kaklase dahil pinapapunta niya ako sa pintuan eh hindi ko naman kilala ang naroon! Matangkad na lalaking nakasuot din ng fatigue uniform at mukhang galing pa ata sa kabilang section.
"Hinahanap si Enrique!"
My cheeks burned in flames. "T-Tapos?! Bakit ako tinatawag mo!?"
"Huh? Hindi mo ba alam kung nasaan si Enrique?"
"Hindi!" Mabilis kong sagot. "Ba't ko naman malalaman?"
Tiningnan ako ng lalaki, saka sumilay ang pilyong ngiti sa mukha niya. Siya ang tipo ng lalaking hindi mo mapapansin sa unang tingin pero kapag tinitigan mo nang matagal, saka mo pa lang siya maa-appreciate.
"Ikaw pala si Avery..." makahulugan niyang wika.
Kinunutan ko siya ng noo. Sino ba kasi 'to?
As if on cue, he held out his hand. "Ramjay nga pala, sergeant major ako ng ROTC."
"Huh..." I wondered out loud. Bakit hindi ko gaanong nakikita ang lalaking 'to?
"Best friend din ako ng boyfrie—ehem... ng commander-in-chief namin."
Tumaas ulit ang kilay ko. "So? Share mo lang?"
He laughed. "Hindi mo talaga alam kung nasaan siya? Hindi siya sumabay sa amin kaninang lunch, eh."
"Malay ko ba! Bakit mo sa akin hinanap si Enrique?!"
He shook his head, still smiling. "Sige, salamat, ah?"
Bumulong-bulong pa ako nang makaalis na ang lalaki. Late nang pumasok ang Filipino teacher namin pero mas late si Enrique kaya naman nainis ang matanda naming guro at pinatayo lang siya sa labas. He did not complain and just stood there quietly. Ni hindi niya makuha ang bag niya para man lang makapagsulat ng notes sa dini-discuss namin.
Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya. He was just listening attentively but he wasn't allowed to participate. Pagkatapos ng klase namin, kinausap siya ng guro. Alam niya namang ayaw ng guro sa mga cadet officers tapos nagpapa-late siya!
I could see Enrique's lips moving while talking to the teacher. He lowered his head, he must be apologizing. The teacher scoffed and walked away. Saka pa lamang nakapasok ang lalaki. Nagkasabay pa sila ng sub namin sa History. Kung gayon ay absent ulit ang teacher namin.
Iiwas na sana ako ng tingin pero huli na nang magtagpo ang mga mata namin. My face remained expressionless while looking at him. He just gave me a slight nod and went to his chair.
Siniko ako ni Yari kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hoy, kita ko yun, ah! May something talaga sa inyo, eh..." bulong niya.
"Sana ang maging new year's resolution mo sa susunod na taon, Yari, ay tigilan na ang paniniko at panghahampas ng tao. You're a volleyball player! Ang sakit ng mga hampas at siko mo!" Pinagalitan ko siya.
"Huh? Eh hindi naman nagrereklamo ang kambal ko sa akin..." she pouted.
"Malamang kasi lalaki iyon! Try mong hampasin si Raya! O di kaya si Celeste!" I hissed.
"Gagi! Hindi ko mahahampas si Raya, baka bugbugin ako ni Ivo! Atsaka si Celeste naman, kakagatin ako nun!"
I let out an exasperated sigh. Pakiramdam ko nitong nakaraan ay sa mundo ng kambal lang umiikot ang mundo ko. Yari apologized and said that she'll try not to smack me again whenever the urge hits her.
"Okay, class. Magq-quiz ulit tayo ngayon..." anunsyo ng sub namin nang makarating sa teacher's table. "Get ¼ sheet of paper."
"Pucha, quiz na naman?" Bulong ni Yari habang naghahalungkat ng papel. Maging ako ay nagpa-panic dahil hindi naman ako nag-aral! Kaka-quiz lang namin, eh!
"Question number one..." he glanced at me, then glanced at the back of the class before grinning widely. "Anong kasalanan ni Cabrera kay Perez at kailan niya ito pinatawad?"
Nagtawanan ang buong klase namin. Napapikit ako sa sobrang hiya. Takte, akala ko pa naman naka-move on na si Sir! Ang tagal-tagal na nun, eh!
"Joke lang. Isulat niyo lang ang pangalan niyo sa papel tapos ipasa niyo sa harapan. Attendance niyo yan. May gagawin ako ngayon kaya maaga kayong makakauwi."
I heaved a sigh of relief and wrote down my name. Ang lakas ng trip ng sub na'to. Hindi naman niya ako pinagtutuonan ng pansin noon!
Dumiretso ulit ako ng uwi pagkatapos ng klase. May chess practice si Raya ngayon, at naroon din si Ivo sa club nila. Si Celeste naman, nasa dance club nila para mag-meeting daw sa gagawin nila ngayong intramurals. Nagv-volleyball ang kambal dahil bakante ang gym ngayon at si Lulu ang malas na nautusan ng president namin sa student council na ayusin ang files dahil postponed ang meeting namin ngayon.
Pagkarating ko sa boarding house, nakita ko agad si Tita na nakahiga sa sofa at may boteng nakapatong sa may puson niya.
"May dysmenorrhea ka, Tita?" Tanong ko kaagad pagkapasok.
She opened her eyes weakly. "Oo, eh. Pwede mo ba akong ikuha ng gamot sa kusina? Hindi ko talaga kayang tumayo..."
I nodded and quickly went to our small kitchen. Nagdala na rin ako ng tubig para sa kaniya.
"Salamat..." she whispered. I helped her to get up and drink some medicine. She let out a heavy sigh. "Kumusta?"
I blinked. "P-Po?"
"Hindi na kita nakakausap nitong nakaraan, ah? Kumusta sa school niyo?"
"Uhm... ayos lang naman po."
"Hindi ka rin nagpapaalam sa akin na gagala kasama ang mga kaibigan mo. Hindi naman kayo nag-away, ano?"
Kaagad akong umiling. "Hindi po! Ayos lang kami ng mga kaibigan ko..." I trailed off. I'm not sure if this is the right time to talk to her about Enrique.
"Avery...?"
"Uh, may itatanong lang po sana ako, Tita."
"Ano yun?"
"Kasi..." I lowered my head. I've always been close with her. Siya na ang kinilala kong ina sa buong buhay ko. When I lost everything, she was there. When she also lost everything, I was there. We were there for each other when we needed it the most. Only the two of us can understand the pain of losing someone you love. Me with my mother, father, and brother. Tita with her husband, unborn children... and just last year, her dog.
"Bakit, Avery? May problema ba sa school?" malumanay ang boses niyang tanong sa akin.
"Hindi naman po problema, Tita... Ano, uhm... may c-classmate kasi ako... sabi niya g-gusto niya daw ako."
She looked startled. Napatingin siya sa akin.
"P-pero wala naman akong sinabing gusto ko siya o ano!" I faked a laugh. Hindi ko alam kung para saan itong kaba ko. "Wala akong sinabi sa kaniya..."
"Liligawan ka ba niya?"
"Wala din po siyang sinabi..." bulong ko.
"Alam mo bang nakilala ko si Ramon noong highschool pa lang ako?" She said, pertaining to her estranged husband.
"Po?"
"Majorette ako nun, nasa marching band naman siya." A hint of a smile touched her lips while reminiscing her past. "We were good back then. Siya ang first boyfriend ko, ako din ang naging first girlfriend niya."
I stared at her, wondering why she wanted to talk about him. Usually, she brushes off the topic involving her former husband.
"What we had back then was beautiful. I wouldn't deny that. Pero hindi ko rin maipagkakaila na sa kaniya at kaniya lang umikot ang mundo ko. Nagpakasal kaagad kami pagkatapos ng kolehiyo. Kung hindi kami naghiwalay, ni hindi ko mararanasang magkaroon ng trabaho sa opisina. Lumiit ang mundo ko at unti-unting nawala ang mga kaibigan ko. That was the price I had to pay for love."
I nodded slowly. Wala talaga akong alam sa relasyon nilang dalawa maliban sa maaga silang nagpakasal at ilang taon ding sinubukang magka-anak pero talagang nakukunan si Tita. Her unborn children were also laid next to my mother, brother, father, and grandparents. She even had names for them.
"Ngayon, trenta y otso na ako. Hindi ko na pinapangarap pang mag-asawa o magka-relasyon ulit," she sighed. "Ikaw nalang ang gusto kong alagaan pero alam kong dadating ang panahon na aalis ka din. You have to grow up and lead your own life, Avery." She stared at me emotionally. "Do you understand what I'm saying?"
"Actually, Tita, naguguluhan po ako pero baka sapakin mo ako kaya oo nalang," biro ko.
She laughed weakly. "Kung gusto mo yung lalaki, magpaligaw ka sa kaniya. Kilatisin mo. Kung sa tingin mo ay handa ka na para sa isang relasyon, hindi ako tututol. Pero huwag na huwag mong ikukulong ang mundo mo sa kaniya. Dapat may mga kaibigan ka pa rin, may mga pangarap sa buhay. Alam mo yun, kapag nawala man siya, kaya mo pa ring tumayo sa sarili mong mga paa."
Tumango-tango ako. Somehow, I felt relieved.
"Tsaka, pogi ba yan?" Nagtaas siya ng kilay. "Ang ganda-ganda ng pamangkin ko, eh! Kaya dapat lang pogi ang boyfriend!"
"Tita!" Saway ko sa kaniya.
"Pakilala mo sa akin yan, ah? Dalhin mo dito kung may time kayo..."
I nodded again.
"Pipikit lang muna ako. Ayos lang ba kung ikaw na muna ang sumagot sa hapunan natin? Ako magluluto sa miyerkules at huwebes." Pangako niya.
"Oo naman, Tita." Tumayo kaagad ako at nagpunta sa kwarto ko para magbihis. Ibinabad ko sa chlorine ang puting uniporme bago nagtungo sa kusina. Wala na pala kaming pagkain rito. Noong isang linggo pa kami huling nag-grocery, eh.
"Tita, mamamalengke lang muna—" natigilan ako nang makitang naghihilik na siya sa sofa. I quickly grabbed my bag and went out. Dahan-dahan ko pang isinara ang pinto para hindi maka-disturbo sa kaniya.
Malapit lang naman ang pampublikong palengke sa amin kaya nilakad ko nalang. Dahil nagtitipid, hindi na muna ako nagpunta sa grocery. Total, isang putahe lang naman ang lulutuin ko. Kailangan ko lang bumili ng carrots, patatas, tsaka karne na din ng manok para sa afritada.
Binili ko muna ang manok bago ako nagtungo sa section ng mga gulay. Medyo basa pa ang sahig kaya naman naghinay-hinay ako sa paglalakad. Minamata ko ang mga carrots na naka-display sa may entrance kaso ang tamlay nilang tingnan kaya pumasok pa ako para maghanap ng mga presko.
"Ate ganda, bili ka na ng carrots namin!" Malambing na wika ng babae nang makita ako.
"Hindi naman ako maka-hindi sayo n'yan, Ate." Biro ko din sa kaniya. "Sige, sampung kilo nga."
"Sampung kilo?"
Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. My jaw dropped when I saw Enrique, carrying a wooden crate of cabbages. His hair is damp from the sweat and his tan skin is shining. Madumi ang suot niyang sando at may butas pa ang pantalon niya. May nakasabit din na tuwalya sa leeg niya.
"Anong..." I trailed off.
"Kilala mo, Kiko?" Tanong ng babae sa kaniya.
"Kiko?" I tilted my head, looking at him.
"Classmate ko po," aniya sabay lapag ng dala niya sa pwesto nila. He handed me a small plastic tray. Tahimik ko naman iyong tinanggap at namili na ng carrots.
"Ang gaganda naman pala ng mga classmate mo, Kiko!" Natutuwang wika ng babaeng tindera sa akin.
Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Enrique pero wala namang umimik sa amin.
"Kapag bumili ka din ng sibuyas, bibigyan kita discount!" Untag niya.
Tumango lang ako at nagdagdag na rin ng sibuyas pati bawang. Kinuha ni Enrique ang tray mula sa akin at tinimbang isa-isa ang pinamili ko. His hands worked deftly on the digital scale, sanay na sanay sa gawain rito. I wouldn't be surprised if this is one of his part-time jobs, too.
"Sixty-seven lahat. Sixty nalang," nakangiting wika ng babae.
"Salamat po..." wika ko sabay kuha ng mga barya mula sa bag ko.
Inabot sa akin ni Enrique ang plastic ng mga pinamili ko. Tipid kong nginitian ang lalaki.
"Uuwi ka na?" Malumanay niyang tanong.
Tumango din kaagad ako. Wala naman akong ibang bibilhin dito, eh.
"Kiko, pagkatapos mo d'yan, mayroon pang mga sako ng kamote dun sa truck. Dalhin mo na din dito," habilin ng babaeng tindera habang may isinusulat sa maliit na notebook. "Atsaka, yung mga nabulok na paninda, alisin mo na rin. Ipamigay mo nalang sa mga magsasaka baka pwede pa nilang gawing pataba."
Tumango siya at binalingan ako.
"Ngayon ka na aalis?"
I tilted my head. "Oo, wala na akong ibang bibilhin, eh."
I saw his shoulders slightly slumped from disappointment.
"Sige... ingat."
I nodded and thanked the lady again before going home. Assuming ata ako dahil akala ko ay hahabulin niya ako pagkalabas ko ng palengke pero nakita ko siyang nagtungo sa naka-park na elf truck. Nakatingin siya sa akin habang buhat ang sako ng kamote. I quickly shook my head and continued walking.
Wag kang assuming, Avery! Huwag na huwag!
Nang makarating ako ng boarding house, isa-isa kong inilabas ang pinamili ko para mahugasan ito at makapagsimula na akong magluto. Habang naggagayat ako ng gulay, bigla nalang tumunog ang phone ko. Pinunasan ko muna ang basang kamay bago ito iniabot.
From: Tatay ni Chuchay
Nakauwi ka na?
I bit my lower lip. Wala pa naman akong load! Dali-dali akong nagpunta sa sala at kinuha ang cellphone ni Tita para maki-text sa kaniya.
To: 09150890000
Nakauwi na ako. Si Avery to, wag kang magre-reply dito. Nakitext lang ako.
Binura ko din ang text pagkatapos ko itong isend at bumalik sa kusina. Muntik ko nang mabitawan ang hawak na kutsilyo sa biglaang pagtunog ng cellphone ko.
Tatay ni Chuchay calling...
My heart leapt to my throat. Bakit tumatawag ang isang 'to?! Nakailang ring pa iyon bago ko nagawang pindutin ang cellphone.
"H-Hello?"
"Sorry hindi kita niahatid kanina..." bungad niya kaagad.
"Ayos lanng, 'no!" I clutched my chest in an attempt to calm myself. "Nakauwi naman ako. Buhay pa ako!" Pagbibiro ko pa.
He sighed on the other line. Pati ako ay natahimik din nang mapagtanto.
"This is so unfair..." bulong ko. "Ang sabi mo sa akin, wala kang gagawin sa nararamdaman mo pero ginagawa mo 'to..."
Paano naman ako? Anong gagawin ko sa nararamdaman ko?
Ipinikit ko ang mga mata habang hinihintay ang sagot niya.
"I'm sorry, Avery." He apologized after a while. "Gusto mo bang dumistansiya nalang ako sa'yo?"
Ako naman ngayon ang hindi nakasagot.
Seeing him work in the wet market earlier tugged something inside of me. He's dirty and worn out. Siguro kung ibang lalaki iyon, mahihiya sila kapag nakita silang nagtatrabaho sa ganung lugar. But he doesn't care. He could've waited for me to go before going back to their stall but he made himself known. Wala siyang pakialam na nakikita ko siya sa ganoong ayos at histura. Wala namang nakakahiya sa ginagawa niya pero nalulungkot ako sa tuwing iniisip ang rason kung bakit ginagawa niya iyon.
Kahit na hindi niya sabihin, unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit ayaw niya akong ligawan.
"Didistansiya ako sa iyo, kung ganun..." he said after a while when I didn't speak.
Naghintay pa siya ng ilang segundo sa sagot ko pero ako na mismo ang naunang nagbaba ng cellphone.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro