Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

"Magkakaroon ng week-long anti-bullying campaign ang guidance office at tayo ang mag-a-assist sa event na ito..." our student president said on a meeting.

I wrote down notes while listening. Bigla nalang kasi siyang nagpatawag ng meeting dahil may bagong activity daw kaming gagawin ngayong linggo. Ito pala ang tinutukoy niya.

"DepEd Order No. 40 series of 2012 or the Child Protection Policy...zero tolerance against any form of violence against the child and provided for the establishment of a Child Protection Committee in all public and private schools..."

"May nabubully pa ba ngayon?" Natatawang tanong ng SSG secretary namin. "Parang wala na ata, diba? Kasi mga high school na tayo..."

"I beg to disagree. Bullying takes form in all levels of education. Halos 40% ng mga estyudante sa high school ay nabubully..." I said stiffly, recalling how I first met Raya in the girl's bathroom before.

She went silent and nodded, urging our president to continue.

"Basically, they're going to revise the anti-bullying or child protection policies in this school. Then we will submit it to the Regional Director. This is going to be a comprehensive and a multi-faceted bullying prevention program..."

"Anong role ng SSG dito, President?" Tanong naman ni Lulu.

"Well, for starters, we will be the one to conduct the seminar. Tayo ang magsusulat ng letter, magpapa-approve, magse-set up sa gym, at maghahanap ng speaker. It should be done before the intrams because players and athletes will be using the gym all the time."

Nagpatuloy ang meeting namin hanggang sa ma-finalize na ang mga kakailanganing detalye. We're going to be so busy this week, then. Buti nalang at kami ang naunang nag-present sa Filipino kaya bawas na iyon sa iisipin ko.

We got praised for our report that day. Kahit na hindi gusto ni Ma'am si Enrique gawa ng myembro ito ng ROTC, hindi niya naman ipinagkait sa amin ang grado na deserve namin. Our group mates were happy about the results and I even heard that we have set the standards for other groups to perform.

Hapon na nang matapos kami dahil nilinis pa namin ang office bago umalis. May mangilan-ngilan pang mga volleyball players ang naglalaro sa field para sa darating na intrams. Kaming dalawa ni Lulu ang magkasama ngayon dahil nagsiuwian na din ang ibang mga kaibigan namin.

"May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?" Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway. Naiwan ko kasi ang tumbler ko sa classroom kaya babalikan ko muna bago umuwi. Sana lang ay bukas pa ang classroom hanggang ngayon.

Umiling ako. "Wala na, uuwi na ako..."

"Sabay ka na sa akin," nakangiti niyang wika.

Pumayag ako dahil mukhang mahihirapan na akong maghanap ng tricycle sa ganitong oras. Meron namang mangilan-ngilang nakaparada sa labas pero dahil halos wala ng estyudante, kailangan kong pakyawin ang tricycle at magbayad ng malaki.

"Dito ka lang muna!" Paalam ko kay Lulu saka pumasok sa classroom. Wala na ngang tao sa loob. Good thing it's still open. Kinuha ko kaagad ang tumbler at lumabas.

When I stepped outside, I saw Enrique sitting by the stone bench in front of our classroom. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon ng kausapin siya dahil kaagad na tumayo ang lalaki pagkakita sa akin at naglakad palabas.

I stared at him, confused. Anong ginagawa niya dito? Wala ba siyang ROTC formation? Part-time job? Late na, ah!

"Luanne!" Tawag ko sa kaibigan nang makitang may kausap na itong volleyball player. She excused herself and went to me. "Tara na..."

Naghihintay na ang sasakyan nina Lulu sa labas ng gate. When I looked around, I saw Enrique again looking at me from a distance. Kumunot ang noo ko. Alam kong kitang-kita niya ang ekspresyon sa mukha ko pero wala naman siyang ginawa.

"Diba classmate mo yan?" Sinundot-sundot ako ni Lulu sa tagiliran. "Si Enrique?"

Tumango lang ako. "Oo..."

"Baka gusto mong kausapin muna? Maghihintay kami ni Manong dito..."

"Huh? Hindi na! Wala naman kaming pag-uusapan, 'no!"

Lulu just giggled and nodded. Napailing nalang ako nang umandar na ang sasakyan. Saka ko pa nakitang naglakad palayo si Enrique.

Nagpasalamat ako kay Lulu at sa driver nila pagkahatid sa akin sa boarding house. Naguguluhan pa rin ako sa inaakto ng lalaki kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinext ko siya.

To: Tatay ni Chuchay

Anong meron sa'yo kanina?

I thought it's going to take a while for him to reply. For all I know, he's busy doing something from God knows where. But within seconds, he replied.

From: Tatay ni Chuchay

Anong ibig mong sabihin?

I bit my lower lip and started typing. Ayokong maging assumera pero kasi... may malaking parte din sa puso ko na umaasa dahil sa mga kilos at salita niya!

To: Tatay ni Chuchay

Wala ka namang ROTC formation. Nakita kita sa classroom kanina.

Nahiga ako sa bunk bed at tumitig sa screen ng cellphone ko. When it lit up with a new message, my heart jumped in my chest.

From: Tatay ni Chuchay

Alam ko. Hinihintay lang kitang makauwi.

Napaawang ang labi ko sa sobrang gulat. I stood and rubbed my eyes clear. Paulit-ulit kong binasa ang text niya. Baka kasi sa sobrang delusyonal ko ay iniimagine ko nalang pala ang lahat ng nangyayari! Minsan, hindi ko pa pinaniniwalaan ang sariling reyalidad kasi... kasi lumaki akong naniniwala na hinding-hindi mangyayari sa akin ang mga bagay na ito.

Sobrang distracted ko tuloy kinagabihan. May quiz kami bukas sa Science pero wala naman akong ginawa kundi tingnan ang text niya nang paulit-ulit kahit na hindi ko siya nireplayan.

Tuloy, pumasok ako kinabukasan na nagc-cram para sa quiz namin. Maging sa tricycle ay nagbabasa ako ng notes hanggang sa makarating kami sa classroom.

"Pakopya ako mamaya, ah?" Si Yari pagkarating niya. Naupo siya sa tabi ko at sinilip ang notes ko. "Kapag tinakpan mo ang papel mo, malilintikan ka sa akin!" She joked.

I rolled my eyes at her. "Useless kung tatakpan ko ang papel na wala namang sagot, Yari."

She just giggled and opened her textbook. Pinilit kong huwag lumingon sa likuran nang marinig ko ang pangalan ni Enrique. He's talking to one of my classmates at the back. Mukhang kakagaling niya lang sa morning formation nila. I focused on the paper in front of me and muttered a quick prayer when our science teacher entered the class.

"Okay, class! This is a multiple choice quiz..." our teacher announce while setting her things on the table. "Number one... a substance that cannot be broken down into simpler form by ordinary chemical means is called... letter a, compound, letter b, mixture, or letter c, element..."

I did my best to recall what I've written on my notes so far. 30 items ang quiz namin na kaagad din naman naming ichi-neck pagkatapos.

As usual, Enrique and the other top students got a perfect score. 23 lang ang score ko samantalang 24 naman si Yari.

"Bakit mas malaki ang score mo eh ikaw 'tong nangopya!" I hissed after giving her back the paper.

She laughed. "Sorry, beh! Akala ko kasi letter C ang letter D mo!"

Napailing nalang ako. Yari excels in other subjects except for math and science. Wala siyang interes sa mga bagay na ito pero pagdating sa film, arts, at essays, palagi siyang napupuri ng mga guro namin.

During our lunch breaks, I would go to the student office to help out. May ibang na-assign na maghanap ng speaker para sa seminar samantalang ako, si Lulu, at iba pang mga officers ang mags-set up ng gym namin.

"Ang bigat naman nito!" Reklamo ni Lulu habang pinagtutulungan naming ilabas ang malaking cork board. Gagamitin namin ito sa activity pagkatapos ng seminar kung saan magsusulat ng kahit na ano ang mga estyudante para sa biktima ng bullying at ididikit dito. "Nakakaloka! Wala bang lalaking officer dito?!"

"Malapit na tayo, Luanne..." I focused on carrying the giant cork board into the field. We both groaned when we finally dropped it to the ground. Sobrang init pa dahil tanghaling tapat pero wala kaming choice kundi linisan ito bago dalahin sa gym.

"Wait, mahihimatay na ata ako..." Lulu fanned herself. "I'll go get us some drinks. Anong sa'yo?"

"Tubig nalang..."

She nodded and went to the canteen. Ako naman, kinuha ko ang pamunas at binasa ito ng tubig. Maalikabok na kasi ang frame kaya kailangan muna itong linisin. Pagkatapos nito, kami na din ang gagawa ng design at maglalagay nito sa baba ng stage.

Tulo nang tulo ang pawis ko habang pinupunasan ang frame ng board. Ininda ko nalang ang init para matapos na ito kaagad. I was so busy wiping when a shadow fell over me. Nag-angat kaagad ako ng tingin at nakita si Enrique na nakatayo sa harapan ko. He's... literally blocking the sun.

"Anong ginagawa mo?"

"Naiinitan ka..."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng lalaki. Biglang humigpit ang hawak ko sa basahan habang nakatingin sa kaniya.

"So? Naiinitan ka rin naman, ah!" I tried sounding mean, hoping that he would just go away so my heart could calm down.

Natahimik lang din ako nang ma-realize na ginagawa niya pala 'to sa training nila kaya malamang ay wala na sa kaniya ang init. Defeated, I let out a sigh and continued what I was doing. Hindi naman ako para magreklamo sa ginagawa niya. In fact, he's doing me a great favor! Mas mabilis ang galaw ko gayong wala na ang nakakapasong init sa balat ko.

"Excuse me? Uhm, nagmo-moment ba kayong dalawa? Kasi kung oo, babalik nalang ako sa gym tapos hintayin ko kayo dun..."

Sinamaan ko ng tingin si Lulu na kakarating lang. She smiled at me while handing out the drinks. Tumabi kaagad siya sa akin at kinuha ang isa pang pamunas.

"Hindi ko kinakaya ang commander mo, Avery..." bulong niya.

"Naririnig ka niya, Luanne." I deadpanned.

She giggled like a kid. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang hiya. My friends must've made it a habit to embarrass me in front of the guy I like! Puro kahihiyan nalang ang nararanasan ko sa tuwing kasama ko sila at naroon si Enrique!

Pagkatapos naming linisan ay siya na rin ang nagbuhat ng cork board patungo sa gym. Nakasunod lang kami ni Lulu sa kaniya sa likuran.

"D'yan mo nalang ilagay, Enrique. Okay na yan..." ani Lulu habang itinuturo ang magiging pwesto ng cork board.

Tumango naman si Enrique at inilapag ito. When he was done, he turned to me.

"Anong oras ka matatapos?"

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Lulu cleared her throat and discreetly walked away. Panicking, I glanced at my wrist watch.

"Hindi pa sure kasi..." I trailed off. "Marami din kaming gagawin ngayon."

"If I help, can I get you out of here faster?"

I swallowed the lump in my throat, wondering what he's up to again. Hindi pa ako nakakasagot ay lumapit ang isa pang officer sa amin.

"Enrique, ikaw pala! Anong ginagawa mo dito? May collab ba ang ROTC at SSG na hindi ko nalalaman?" Natatawa niyang tanong.

Nag-iwas lang ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Inasar-asar pa kami ng officer na yun bago tuluyang umalis. I picked up the box of cleaning supplies that we will be using for this afternoon.

"Baka alas singko..." bulong ko.

Tumango lang si Enrique at tahimik na sumunod sa akin. Dahil halos mga babae kami rito, siya ang nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Siya rin ang nag-a-arrange ng mga upuan at umaakyat para isabit ang mga dekorasyon. Some of the officers were still teasing us so I tried to steer clear of his way as much as I could.

"Mag-o-offer pa ba ako sa'yo ng hatid mamaya o dun kana kay commander mo?" Lulu teased when we were done and fixed up our things.

Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan. Buti nalang malayo si Enrique at hindi niya kami naririnig!

"Pinagsasabi mo, Luanne Rose?"

She sighed dreamily. "Kapag naging kayo, huwag niyo kaming kakalimutan, ah? Isa ako sa mga number one shipper niyo..."

Napailing nalang ako. Siguro isa na rin sa mga naging rason kung bakit nagugustuhan ko ang lalaki ay dahil sa mga kaibigan ko. Naririndi na ako sa panunukso nila pero tumatatak naman iyon sa isipan ko.

Gusto namin kung ano o sinong makakabuti sa isa't isa, kaya kahit na dinadaan sa panunukso, naiintindihan ko naman na gusto nila siya para sa akin...

Hindi lang ako sigurado kung gusto niya rin ba ako... para sa kaniya.

Nag-init ang mga pisngi ko sa pinag-iisip! Eh kasi naman! If he's just doing this toy me around, I will curse him to death. No sane girl would recover from all of this! May karapatan naman siguro akong mag-assume pagkatapos ng lahat-lahat ng ginagawa niya para sa 'kin, diba?! He wouldn't do that just for nothing!

Ang hirap lang din kasing paniwalaan na ang lalaking iyon... may gusto sa akin. How could he like me when I don't even like myself? Anong nakikita niya sa akin na kahit anong gawin ko... hindi ko makita gamit ang sariling mga mata?

"Avery..."

Nilingon ko si Enrique. Mukhang tapos na siya sa ginagawa niya. I nodded and pointed outside.

"Tara?"

Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko nalang siyang sumunod sa akin habang naglalakad ako pauwi. Kapag sumakay ako ng tricycle ngayon, siguradong mapuputol kaagad ang oras namin. He was silent while walking next to me. Nasa kalagitnaan na kami ng palayan at papalubog na rin ang araw.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?"

He glanced at me. Nangungusap ang mga mata niya. Kanina ko pa din halata na malayo ang iniisip niya.

"Hmm?"

"Kasi ano..." I trailed off. "Hinintay mo pa talaga ako kanina..."

"Gusto lang kitang ihatid."

I just nodded and gave him some space. Pero nakarating nalang kami sa boarding house, wala pa ring lumalabas sa bibig niya.

"Ingat ka."

Enrique just nodded and went off. I sighed as I entered our boarding house, wondering what the hell was all that! At this rate, my heart is really going to explode if he say what I think he's going to say but this torture is far worse!

I could feel his hesitation, and as much as I want to ignore it, it hurts...

Buti sana kung ganito din ang trato niya sa ibang babae, kaso hindi! Hindi na sana ako mag-a-assume diba? Even my classmates are pointing it out. Imposibleng ignorahin ko lang ito.

Kinabukasan, hindi pa rin ako mapakali kaya minabuti kong manahimik nalang sa upuan. Hindi rin nakatulong na pumasok nalang ang Science Teacher namin ay wala pa rin siya. Asan na ba ang lalaking yun? Late ba siya?

"Okay, take out your books and let's start..."

I panicked when I heard our teacher's voice. Kaagad kong hinalughog sa bag ang libro pero hindi ko ito makita. Muntik na akong mapamura nang mapagtantong naiwan ko ang Science texbook sa bahay.

"Those who don't have their books, get out." our teacher said sternly. Mandatory kasi ang pagbili ng libro kaya naiinis siya sa mga estyudanteng hindi nagdadala. Doon din kami sumasagot kaya importanteng may libro ang bawat isa.

Nilingon ako ni Yari. "San ang libro mo, beh?"

I shook my head. "Naiwan ko ata."

"Hiramin mo yung kay Karlo, bilis."

Halos ipagtulakan ako ng kaibigan palabas. Kasabay ko ang iilang estyudante na wala ring libro. Kaagad naman akong nagtungo sa classroom ni Karlo para hiramin ang sa kaniya.

"Huh? Wala akong Science ngayon..." aniya nang makausap ko. "Hindi mo ba dala ang libro mo?"

I shook my head, feeling defeated. Ayan kasi! Iginugol mo ang oras mo kagabi kaka-overthink sa lalaking iyon! Gusto kong sisihin ang sarili dahil kasalanan ko naman talaga. Hindi na nga mataas ang grado ko sa Science, makaka-miss pa ako ng activity dahil sa lintek na libro na yan!

Matamlay akong naglakad pabalik sa classroom namin. Nakatayo na ngayon sa labas ang mga estyudanteng walang libro habang nagd-discuss naman si Ma'am sa loob. I blinked back my tears knowing that it won't help me in this situation. Nakakainis lang talaga...

"Avery?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Enrique. May dala pa itong bag kaya malamang ay late na ito sa klase. Binalingan niya ang iba kong mga kaklase na nakatayo sa labas.

"Anong ginagawa mo rito?"

Suminghap ako. "Naiwan ko ang libro ko..."

He stared at me for a while before nodding. Sumilip siya saglit sa classroom bago ibaling ang tingin sa akin. Sumandal nalang ako sa pader at hiniling na sana bumilis ang oras para matapos na ang kahihiyang 'to nang makita kong inaabot ni Enrique sa akin ang libro niya.

"Pumasok ka na..."

"Huh?"

Mas lalong inilapit ng lalaki sa akin ang libro niya. "Gamitin mo ang libro ko."

"Paano ka?"

He shrugged. "Dito lang ako."

"Ayoko! Nakakahiya!" napatakip ako sa bibig dahil sa lakas ng boses ko. Maging ang Science Teacher namin ay nilingon pa ako at sinamaan ng tingin. I pushed the book back into his chest. "Hindi ko naman 'to libro, 'tsaka ikaw ang makakamiss ng activity. Running for valedictorian ka pa naman..." bulong ko.

"I won't attend the class then. I'm already late..."

Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Is this guy for real?! I am getting so frustrated!

"Enrique..." I took a deep breath and looked into his eyes. Wala na akong pakialam kung naririnig man kami ng mga kaklase ko. "Anong ginagawa mo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nitong nakaraan..." I trailed off as I recalled everything he did for me since our group project in Filipino together. "Pinagsasandukan mo ako, hinahatid, hinihintay tapos ngayon... itong libro." I swallowed hard. "Naguguluhan ako sa'yo..."

"Naguguluhan ka?" Lumapit si Enrique sa akin para ibulong iyon dahil nagtitinginan na talaga ang mga kaklase ko. "Hindi pa ba klaro sa iyo?"

Nag-iwas kaagad ako ng tingin. I can't even move away from him! Literal na pader na ang nasa likuran ko. My heart was about to explode inside my chest so I lowered my head.

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo..." I mumbled.

"Tingin ka sa 'kin, Avery..." utos niya.

Instead of submitting, I used the book as a thin shield between us. Enrique sighed and slowly tucked the book away. Para akong kinuryente nang maramdaman ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya.

"Gusto kita..." bulong niya habang nakahawak kaming dalawa sa libro. "Gustong-gusto kita, Avery."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro