Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Sa imagination mo ba, gwapo si Simoun?" Untag sa akin ni Yari habang abala kami sa pagsusulat ng description para sa main characters.

Sinulyapan ko siya. "Siguro. Nagkagusto sa kaniya si Maria Clara, eh..."

She giggled. "Nai-imagine ko siya na matangkad tapos moreno tapos masungit tingnan pero matalino!"

"Share mo lang?"

"Crush ko na din si Basilio. Badtrip lang kasi may girlfriend na siya. Pero med student kasi, eh... 'matic crush kapag ganun!"

"Patingin nga ako ng gawa mo! Baka mamaya kung anu-ano na ang isinusulat mo d'yan!" Pinagalitan ko si Yari at kinuha ang papel na hawak niya. Nakakunot pa ang noo ko habang binabasa ang katangian ni Basilio. "Si Basilio ay kasintahan ni Huli at isang mag-aaral sa medisina. Kalaunan ay napapayag ni Simoun na sumapi sa kaniya..."

Ibinalik ko kay Yari ang papel at tumango. "Pwede na yan."

"Sungit mo! Hindi ko naman sa'yo 'to ipapa-check 'no!" Pambubuska pa niya bago lumapit dun sa grupo nila Enrique.

I sighed. Our groupmates were taken aback with his little revelation earlier but no one dared to ask him because he looks pissed off. Maging ako ay nababahala din dahil baka nabadtrip siya tungkol sa pagiging marites ng mga ka-grupo namin tungkol sa akin at sa aso!

Itinuon ko ang pansin sa ginagawa. Iyong main characters lang naman ang guguhitan namin at gagawan ng description pero marami-rami pa rin kaya mabagal ang usad namin. Enrique is sitting on the floor, drawing silently while our groupmates chattered around him. Mukhang wala naman sa kaniya ang ingay dahil nakakapag-focus pa ito sa pagguhit.

"Ang galing! Kuhang-kuha mo si Simoun, Enrique! Avery, tingnan mo, 'o!"

Napapitlag ako nang bigla nalang akong higitin ni Yari patungo sa kanila. I frowned at her but it immediately faded when I saw the drawings.

Simoun is drawn intricately, like a true educated man. His eyes were dark and his long hair cascaded along his back. May suot itong itim na sumbrero at itim ding coat. Even his beard was intricately drawn. Wala siyang kahit anong reference, umaasa lang siya sa description na binigay namin pero ngayong nakita ko na ang gawa niya, buhay na buhay si Simoun sa imagination ko.

Maging sina Isagani, Basilio, Paulita, Padre Tolentino, Don Custodio, at Huli ay ang galing din ng pagkakagawa! Wala nang ibang ginagawa ang iba kong ka-grupo kundi panuorin siyang gumuhit. Hindi ba siya nac-conscious? Ako kasi, natitimang kapag pinapanuod ako ng iba na may ginagawa! Pero siya, dire-diretso pa din at tila walang pakialam sa mga matang nakatitig sa kaniya.

"Ang galing..." bulong ko.

Nag-angat ng tingin si Enrique na tila ba ngayon lang niya napansin ang presensya ko. Kaagad akong tumayo at hinila si Yari habang nakasunod naman ang mga mata niya sa akin.

"Mananghalian muna tayo..." Enrique cleared his throat and stood. Sumunod naman sa kaniya ang tingin ng mga ka-grupo. Tamang-tama dahil mag-a-alas dose na din!

"Enrique, bibili nalang kami ng pagkain sa labas," si Yari. "Nakakahiya sa Mama mo!"

Kaagad na umiling ang lalaki. "Ayos lang, Karylle. Alam niyang pupunta kayo dito"

Hindi na nakipagtalo ang kaibigan kay Enrique. He disappeared into the kitchen. I heard some giggling noises from little girls. Mayamaya pa, lumabas si Enrique na hawak ang kamay ng isang batang babae samantalang ang isa naman ay nakasakay sa balikat niya.

Napaawang ang labi ko. Maging si Yari ay nagulat sa nakita.

"Ma, bili lang ako sa labas!" Paalam niya saka tinapunan kami ng tingin. "Sa labas na tayo kumain, hindi tayo kasya lahat sa kusina..."

Nagsitanguan lang ang mga ka-grupo ko. Shaina pointed at the twins.

"Kapatid mo?"

Enrique nodded.

"Ang cute-cute! Pwede pahingi isa?"

Yari chuckled and elbowed me again. Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan.

"Nai-imagine mo na ba ang kasal niyo, Avery? Kasi ako, oo!" Humagikhik pa siya.

I sighed and went back to my work. Tatapusin ko nalang 'to habang hinihintay ang pagkain. Enrique went out with his sisters to buy something while my group mates were busy with their phones.

Nang makabalik siya, may dala na siyang apat na isang litrong bote ng mga softdrinks habang ang mga kapatid naman ay mag tig-iisang lollipop. The twins squealed when they saw Chuchay and started playing with her on the yard.

"Tutulong na kami, pare, nakakahiya naman..." wika ng isa kong groupmate na lalaki nang makitang mag-isang binubuhat ni Enrique ang lamesa palabas.

Nagsilabasan na din kami. Di tulad ng bakuran nila Raya, walang kahit anong halaman o puno man lang dito. But the bermuda grass was well-maintained. Kahit mataas ang sikat ng araw ay hindi nito abot ang bakuran dahil sa malaking bahay sa harap.

I looked around and saw a dog house. Malaki ito at gawa sa kahoy. Kaagad akong lumapit doon. Pulido ang pagkakagawa at may unan pa sa loob. Nang makita ko ulit si Enrique, itinuro ko yun.

"Dito natutulog si Chuchay?"

Kaagad siyang umiling. "Ginawa ko yan para sa kaniya pero... ayaw niya namang matulog d'yan. Tumatabi siya sa akin sa sala..."

I nodded. Sa sala silang dalawa natutulog? Dun sa kahoy na upuan? Hindi ba sumasakit ang likod niya dun?

Naupo kaming lahat pagkatapos maayos ng mga lamesa at upuan. Enrique went back and forth into the house, bringing the food. Simpleng pinakbet at ginisang ampalaya ang ulam namin.

"Ang sarap mag-picnic dito, 'no!" Untag ni Yari pagkatapos niya akong tabihan.

Hindi ko pinansin ang kaibigan dahil baka asar-asarin na naman ako. Nang ilapag ni Enrique ang mga plato, kutsara't tinidor, isa-isa nang kumuha ang mga ka-grupo namin. Hindi muna ako gumalaw para hintayin silang matapos.

Biglang lumitaw si Enrique sa harapan ko at kumuha ng plato, kutsara't tinidor saka inilapag sa harapan ko. Nagtataka kong tiningnan ang lalaki. Yari smiled while reaching for her own plate. Hindi na ako umimik kahit na kitang-kita ko ang pasulyap-sulyap ng mga ka-grupo ko sa banda namin.

Mukhang hindi pa ata dun natatapos dahil nagsandok din siya ng kanin at walang imik na inilagay sa plato ko. Itinuro niya ang ulam na naroon.

"Anong gusto mo?"

I cleared my throat as I felt my cheeks burning. "Yung ano... uhm, ampalaya nalang..."

Humalumbaba si Yari habang sinusundan ng tingin si Enrique na nilalagyan ng ginisang ampalaya ang plato ko. He doesn't even have a plate of his own yet! May kamay naman ako! Ayoko lang talagang nakikipagsiksikan kaya naghihintay akong matapos sila...

"Kung ayaw mo na kay Enrique, bigay mo sa 'kin, ha?" Bulong ni Yari.

Kaagad ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa para tigilan ako. Humagikhik lang siya. Inabot sa akin ni Enrique ang plato. I mumbled a thank you. He even poured softdrinks into my cup and placed it next to my plate. Saka pa siya naghanap ng sariling plato.

"Alam mo, mas magiging madali para sa aming may crush sa kaniya na maka-move on kung aamin kayong may namamagitan na sa inyong dalawa..." wika ni Shaina pagkaalis ni Enrique. Nauubusan na kasi ang lalaki ng kutsara kaya pumasok muna sa bahay nila.

"W-Wala namang kami!" Tanggi ko kaagad. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon.

"Weh? Eh ano yun?" Pang-aasar naman ng isa ko pang ka-grupo.

Hindi ko sila sinagot nang makitang pabalik na si Enrique. Mukhang wala na ata itong nakitang ibang kutsara sa kusina nila dahil kulay pink ang dala nito at may hello kitty design pa! I bit my lower lip. I'm sure it belongs to one of his sisters. Magka-match pa ang kutsara't tinidor na mukhang parte ng isang lunch box set!

"So, Enrique!" Biglang nagsalita si Yari habang kumakain kami. "Ang tahi-tahimik mo sa klase palagi... akala tuloy ng iba masungit ka!"

"Hindi ba?" Nagtaas ng kilay sa kaniya ang lalaki.

Tumawa si Yari. "Hindi ka naman masungit kay ano..." binalingan niya ako saka ngumiti. She cleared her throat. "Hindi ka naman masungit!"

Enrique just nodded. Shaina joined the conversation and laughed.

"Oo nga, Enrique! Palaging ikaw ang nae-elect na president kasi natatakot sila sa'yo! Napaka-seryoso mo kasi..."

Hindi umimik si Enrique. Mabagal lang akong kumakain habang nakikinig sa kanila.

"Pero kahit na snob ka, marami pa ring nagkaka-crush sa'yo!" Si Yari naman. "May mga third year din na may gusto sa'yo..." bumaling ulit ang babae sa akin. "Diba, Avery? Sa classroom nina Celeste..."

Tumango nalang ako kasi totoo naman. Minsan pa nga ay pakalat-kalat ang mga third year sa building namin para lang masulyapan ang lalaki. Hindi ko naman sila masisisi kasi kahit ako, nagkaka-crush din sa kaniya...

"May crush ka ba ngayon, Enrique? Nagugustuhan?"

I froze at her question. Tumango lang si Enrique habang nakatuon ang atensyon sa pagkain kaya nagsitilian sina Yari at Shaina.

"Sino?! Sino?!"

Kinurot ko ang tagiliran ni Yari dahil halatang-halata na ito! Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Baka maisuka ko pa 'tong kinakain ko dahil sa sobrang kaba ko!

"Bakit ko sasabihin sa inyo? Hindi nga niya alam..." masungit niyang sagot.

Yari leaned back on her chair, watching him with amusement in her eyes.

"May balak ka bang umamin?"

Natigilan si Enrique sa tanong ni Yari. He sighed and looked at me. Tinaasan ko lang siya ng kilay hanggang sa inilipat niya ang tingin sa kaibigan ko.

"Wala..." mahina niyang sagot.

Buti nalang at hindi na siya kinulit-kulit pa nina Yari at napunta sa ibang topic ang usapan. Enrique ate in silence for the rest of the time. Nang matapos ay ang mga babae naman ang tumulong sa pagliligpit pati na rin paghuhugas ng mga plato. Nakakahiya kasi sobrang rami nun! Nagsiksikan kami sa kusina nila para matapos kaagad ang paghuhugas.

"Feeling ko ikaw ang crush ni Enrique..." bulong sa akin ni Shaina habang sinasabon na namin ang mga plato.

Biglang tumabi si Yari sa amin at inabot sa akin ang kakabanlaw na kutsara. "Feeling ko din..."

I rolled my eyes. "Mga feelingera kasi kayo! Wala naman siyang sinasabi..."

"Duh! Hindi na niya kailangang magsalita. Obvious na obvious naman..." si Shaina habang tumatawa. "Sayang, crush ko pa naman siya. Pero kung ikaw ang magugustuhan niya, ipapaubaya ko na siya sa'yo, Avery..."

"Tangang 'to! Paano mo ipapaubaya? Sa'yo ba siya in the first place?!"

Nag-asaran lang ang dalawa habang tulala naman ako sa dami ng iniisip. Pagkatapos naming maghugas, bumalik na kami sa sala. Tinapos na din ni Enrique ang natitirang drawings at ngayon ay pino-proofread nalang ang isinulat naming mga description. Pagkatapos niyang i-check, saka pa lang namin idinikit ang mga drawings at isinulat ang description.

"Kiko, bilisan niyo na d'yan! Baka umuwi na ang Tatay niyo..."

Napalingon kami nang biglang magsalita ang Mama ni Enrique. Tumango lang siya sa ina at ibinalik ang tingin sa ginagawa. Kaagad naman itong pumasok sa kwarto nila.

Palipat-lipat ang tingin ko sa nag-iisang kwarto ng bahay at sa sala. Kung naroon natutulog ang kambal at ang Mama niya, ibig sabihin, talagang dito sa sala natutulog si Enrique at si Chuchay? I hope, at least, he has a foam here. Napakaliit pa ng upuan! Paniguradong lagpas sa paa niya iyon kapag humihiga siya...

Binilisan nalang namin ang kilos dahil nakaka-pressure din ang panaka-nakang pagsilip ng Mama ni Enrique sa amin. We finished everything on time, even the written report. Napagkasunduan na din na si Enrique ang magdadala ng report namin dahil baka mawala o masira pa ito ng mga ka-grupo bago ang reporting ngayong lunes.

"Tita, alis na po kami! Salamat po!" My groupmates chorused upon leaving. Tumango lang ang Mama niya sa amin at wala nang ibang sinabi.

"Salamat, Enrique, ah? Nag-abala ka pa talaga sa pagkain..." si Yari habang isinusuot ang sapatos sa hamba ng pintuan nila.

Tumango lang din si Enrique sa kaniya. When she was done, I pulled her up. Ngumiti ang kaibigan kay Enrique.

"See you on Monday!"

Hindi na ako umimik dahil baka ma-seen lang din ako ng lalaki. Puro tango lang naman ang isinasagot niya! Papalubog na ang araw kaya nagdesisyon kami ni Yari na maglakad na lang pauwi ng bahay. Naghiwa-hiwalay na din kami ng mga ka-grupo hanggang sa kaming dalawa nalang ng kaibigan ang natira.

"Gustong-gusto ko talaga siya..."

"Si Enrique?!" Gulat kong tanong.

She laughed. "Para sa iyo..."

"Oh..."

"Sa tingin mo magagalit siya kapag kinausap ko siya kung sino talaga ang crush niya?"

"Malamang. You're invading his privacy, Yari..."

She pouted and linked her hands with me. Mabagal lang ang paglalakad namin dahil hindi naman kami nagmamadali.

"Eh!" Reklamo niya. "Paano ko malalaman kung aasa pa tayo o hahanap ako ng ibang manok?!"

I glared at her. "Hindi ko kailangan ng "manok" mo, Yari. Graduating na tayo. Ayoko nang magulo pa ng crush-crush na yan!"

She chuckled and tightened her hold. "Pasensiya ka na kung masyado na akong pakialamera sa love life mo. I have no control over mine so..." she trailed off.

"Pinagsasabi mo?"

Umiling lang si Yari. Surprisingly, she dropped the subject for the rest of the walk. Magkahawak lang ang kamay namin hanggang sa makarating kami sa boarding house.

"I-text mo ako ah kapag nakauwi ka na!" Habilin ko bago pumasok.

When Monday came, everyone was really chill except for us. Dahil kami ang unang presenter, umaga pa lang ay abala na kami. We double-checked all of our materials and the written report.

"Wala pa si Shaina..." nag-aalalang wika ni Yari. Si Shaina kasi ang reporter namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito! "I-text mo nga!"

Inilabas ko ang cellphone para i-text ang classmate. Tumawag na rin kami hanggang sa ang Nanay niya ang sumagot.

"Absent si Shaina ngayon. Sumasakit ang tiyan niya mula pa nung Sabado..." paliwanag niya.

I bit my lower lip and thanked her. Ibinalita ko kaagad sa kanila na hindi makakapunta ang reporter namin.

"Tangina, paano 'to? Wala pa namang ibang nakapag-prepare sa 'tin!" Stress na stress na si Yari dahil bawal magdala ng kahit na anong kopya ang reporter sa harapan. Ayaw ng guro namin na parang binabasa lang ang report.

Our groupmates exchanged worried glances. Maging ako ay nag-aalala din. Hindi naman ako matalino para ma-memorize kaagad ang report eh ang taas-taas nun!

"Asan ang copy? Ako na ang magre-report..."

Napatingin sila kay Enrique. Yari chuckled awkwardly.

"Huwag na, Enrique. Ikaw na nga ang nag-drawing tapos ikaw pa magre-report. Ikaw na nga din ang leader natin!"

Kinuha ni Enrique ang papel mula kay Yari at binasa ito. I could see the dark circles under his eyes, as if he didn't get much sleep last night. Nagtrabaho ba siya pagkatapos ng ROTC formation nila kahapon? Kung gayon ay pagod na pagod siya...

"Ako nalang—"

"Ako na." Pagpuputol ni Enrique sa sasabihin ko. "Mag-focus nalang kayo sa gagawin niyo."

Natahimik kaming lahat. We couldn't argue with him anymore because there's finality in his words. Nagsitanguan nalang kami at bumalik sa sari-sarili naming upuan.

Nang magsimula ang klase, lumipat ng upuan si Enrique sa pinakalikuran. Hindi na siya nakikinig sa guro dahil abala sa pagme-memorize ng report mamaya. I feel guilty that he has to take this burden on top of everything else that he's handling. But at the same time, I couldn't help but admire him for being such a responsible man...

Napansin kong hindi rin siya lumabas ng classroom namin nang mag-ring ang bell para sa lunchbreak. He remained on his seat, his eyes still glued on the paper. Dali-dali kong hinila si Yari palabas at binilisan ko din ang pag-kain.

"May marathon ka ba? Hinay-hinay lang, oy!" Saway ni Yari sa akin.

Hindi ko na pinansin ang kaibigan. Ibinalik ko kaagad ang tray ko pagkatapos kumain saka bumili ng sandwich at juice. May iilang minuto nalang bago mag-bell ulit. Nang makarating ako sa classroom, naroon pa rin si Enrique, nakaupo at nagbabasa.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya. He turned to me. Ngumiti ako sa lalaki at dahan-dahang inabot ang sandwich at juice na binili ko.

"Uhm... hindi ka kasi nag-lunch." Mahina kong saad.

"Salamat."

"Sorry din kasi parang inako mo na lahat ng gagawin sa grupo na 'to..." I sighed. "Kung matalino lang sana ako..." bulong ko pa.

Naupo ako sa harapan niya. Kaming dalawa lang ang narito sa classroom. Buti nalang at bahagya nang nabawasan ang pagkailang ko. Nananaig ang guilt ko na hindi man lang ako makatulong sa kaniya kahit nasa iisang grupo lang kami.

"Oo nga pala, huwag mong masyadong pansinin si Yari, ha?" Paumanhin ko para sa kaibigan. "Baliw yun. Kapag kinukulit ka niya tungkol sa crush mo, i-seen mo nalang! Hindi yun titigil hangga't hindi niya nalalaman—"

"How about you?"

"Huh?"

Inilapag ni Enrique ang hawak na papel at tumitig sa akin. Napaawang ang bibig ko.

"Hindi mo ba gustong malaman kung sino?"

Kaagad akong umiling. "Hindi! Bakit ko naman gugustuhing malaman kung sino ang crush mo?!" I laughed awkwardly. "Wala naman yung kinalaman sa akin..."

He stared at me before nodding slowly. "I see..."

Binalot ulit kami ng katahimikan. I cleared my throat and immediately stood when I saw a few of our classmates headed this way. Baka kasi mas lalo pa kaming tuksuhin kapag nakita nilang magkasama ulit kami.

"Bago natin talakayin ang pangunahing tauhan ng El Filibusterismo, pag-usapan natin ang pangkalahatang aral na mapupulot mula sa nobela..."

I watched in awe while Enrique reported in front of the class. He doesn't seem nervous, at all. Mukhang na-memorize niya talaga lahat ng nasa papel na iyon at nagdagdag pa ng sariling insights.

"Una, ang nagagawa ng labis na galit. Si Kabesang Tales ay napahamak sa kagustuhang maghiganti... Dito ay ipinapakita kung papaano ginagawa ang pagdedesisyon na may kaugnayan sa mga bansa..."

My head swirled while looking at him. I feel so immature and stupid compared to him. Siguro katulad ng ibang tao, wala siyang naging choice kundi mag-mature para sa kapatid at pamilya niya. He makes it look so easy... when I know it's not.

"Pangalawa, maging tapat sa iyong minamahal..." Enrique cleared his throat. Saglit na nagtama ang mga mata namin. "Tularan natin si Huli na handang magpaka-alipin matubos lamang ang kaniyang ama at kasintahan na si Basilyo. Mas pinili ng dalaga na maging katulong kaysa ibenta ang agnos na ibinigay ng kasintahan sa kaniya..."

Enrique sighed as he continued.

"Pero kahit na isinugal ni Huli ang kaniyang buhay para matubos ang kaniyang ama at matulungan ang kasintahan, may mga bagay pa ring hindi umaayon sa atin... nagpatiwakal si Huli matapos niyang piliin ang kaniyang dangal bilang babae. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay, pero minsan, hindi pa rin ito sapat... Inilalarawan nito ang mapait na katotohanan na hindi lahat ng taong lumalaban nang patas ay pinapaburan ng panahon at pagkakataon..."

I went silent. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod pero kitang-kita ko ang pagbabago ng mood ni Enrique pagkatapos niyang i-discuss ang character ni Huli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro