Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

"Gusto ko ng grand romantic gesture!" Ani Celeste habang kumakain ng Piattos. Tumayo pa ito at iminuwestra ang paligid. "Gusto ko may fairy lights tsaka background music. Yung dress ko, dapat maganda! Dapat perfect ang lahat!"

"First kiss ang tinatanong, Celeste. Hindi proposal." Inirapan siya ni Karlo.

Tumawa naman si Lulu. "I think that's nice. Importante ang first kiss sa mga babae,"

"Talaga?" Si Ivo sabay lingon kay Raya. "Gusto mo din ng ganun? Fairy lights tsaka background music?"

Kaagad na umiling ang babae. "Bakit ko naman gugustuhin yun? Basta kasama ko ang taong gusto ko, okay na ako..."

I sighed. Napatingin tuloy si Yari sa akin. Siya ang unang nagtanong kung anong magiging expectation namin sa first kiss namin dahil ni isa sa grupo ay hindi pa nakakaranas na mahalikan!

"Ikaw, Avery? Anong gusto mo?"

Matangkad na ROTC commander, dog lover, at moreno. Yan ang gusto ko.

Umiling kaagad ako para mawala ang imahe niya sa isipan ko. Palagi ko nalang siyang naiisip nitong nakaraan! Hindi naman ako tanga para hindi ma-realize na nagkaka-crush na ako sa tao. Medyo natatakot lang ako dahil kumpara sa iba kong mga naging crush noon, iba na ata 'to...

"Kahit ano pang suot ko, basta gusto ko ang hinahalikan ko..."

"Naks! Kahit walang suot?!"

Sinipa ko ang upuan ni Karlo dahil napaka-bastos ng bibig nito. Celeste threw some chips on him while the other girls groaned in protest.

"Nakakadiri ka, Karlo! Pwede ba nating i-disown 'to?! May Chi Ong na din naman tayo sa grupo!"

Yari laughed out loud. "Please, be my guest..."

They ended up bantering again. Wala namang okasyon o kung ano pero narito ulit kami at nakatambay sa bahay nina Raya. Kilala na kami ng tatay at mga kapatid niya sa dalas namin dito. Pati mga kapitbahay ay naging kaibigan na rin ni Ivo. Buti hindi pa sila pinapa-barangay dahil sa ingay namin.

"Kuha muna ako ng juice," ani Raya sabay tayo. Otomatiko namang sumunod si Ivo sa kaniya. We all looked at them.

"Gusto ko din na kasing-baliw ni Ivo ang magkakagusto sa akin..." dagdag ni Celeste.

Usually, we'd tease each other but this time, we just nodded our heads in unison.

Kinabukasan, pinilit ko ang sarili na huwag lingunin o tapunan ng tingin si Enrique sa likuran. Baka kasi kung anu-ano na naman ang mapansin ko tungkol sa kaniya at mas lumalim ang nararamdaman ko. It's just a silly crush, I'm sure it will go away some time.

"Para sa susunod na linggo, kailangan ninyong gawan ng buod ang natalakay natin sa El Filibusterismo..." wika ng guro namin. I fought back a yawn and tried listening to her sleepy voice. "Bibigyan ko kayo ng pagkakataon para makapag-usap at makapaghanda sa grupo ninyo kung paano ip-presenta ang buod."

She looked around and then smiled. "Okay, so itong hanay na ito ang group 1," turo niya sa ka-row naming dalawa ni Yari. "Ito naman ang group 2, group 3, at group 4."

My classmates looked around, identifying their groupmates. Hindi pa rin ako lumilingon sa likod dahil alam kong naroon nakaupo si Enrique at malamang, ka-grupo ko siya!

"Group 1 ay ang Aralin 1: Kaligirang Pangkasaysayan at mga Tauhan ng El Filibusterismo. Sa group 2 naman, Aralin 2: Paglalantad ng Katotohanan..."

Our teacher went on assigning our lessons while my classmates scrambled to form their groups. Nagbuntong-hininga ako nang higitin ni Yari patungo sa grupo namin.

"So, sinong leader?" Nakangiting tanong ni Yari habang nakatingin sa ka-grupo namin. Hindi ako umimik kaya ako ang pinagtuonan niya ng pansin. "Avery?"

"Ano? Porket nasa student council ako, leader kaagad?" Inirapan ko ang kaibigan.

"Panindigan mo ang makukuha mong leadership award sa graduation, beh! Nakakaloka ka!" Tumawa pa ito.

"Si Cabrera nalang!"

Napalingon ako sa isa ko pang ka-grupo, si Shaina. She pointed at Enrique with a huge smile on her face. Nginingiti-ngiti ng isang 'to? Happy ka?

"Oo! Si Enrique na!" Panggatong naman ng isa ko pang groupmate.

Hindi na ako umimik. Sakto lang naman na siya ang maging leader dahil matalino siya at initiative. Hindi rin naman siya umalma. Naglabas siya ng papel mula sa bag at hinati-hati ito para maging ¼ sheet of paper.

"Andaming papel ni Enrique, try mo kayang manghingi sa kaniya sa susunod?"

Sinamaan ko ng tingin si Yari. Humagikhik lang ang kaibigan at lumayo sa akin. Nakakahiya dahil mas marami pa atang papel si Enrique kesa sa akin! Tsamba-tsamba lang talaga kung may papel akong dala sa bag. Umaasa lang ako palagi kay Yari o kung sino man ang magiging katabi ko.

Inabot ni Enrique sa katabi niya ang papel pati na rin ang ballpen.

"Ikaw na magsulat..."

Hindi ko mapigilang matawa kaya napatingin siya sa akin. I immediately cleared my throat and started punching my chest like an idiot.

"N-Nabilaukan lang ako..." palusot ko pa.

"Gusto mo ikaw na magsulat?" Inagaw niya ang ballpen sa babae at inabot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

"Huwag na! Pangalan lang naman yan, jusko! Hindi yan graded!"

Yari cackled. Siniko ko ang kaibigan. Ibinalik naman ni Enrique ang ballpen at papel sa katabi. Naguguluhan tuloy ang mukha ng mga ka-grupo namin.

"Bukod sa buod ay gusto ko rin ng written report bawat grupo." Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita ang teacher namin sa likod ko. "Gumawa kayo ng ulat tungkol sa mga aral na napulot sa bawat lesson at kung papaano ito isasabuhay..."

"Feeling major subject naman 'tong si Ma'am..." bulong ni Yari.

"Tanga ka ba? Hindi tayo college, wala tayong major/minor subject!"

"Oo nga pala," tumawa pa ito at siya na ang nagpasa ng papel namin sa guro.

"So paano 'to? Pangkalahatang aral lang naman tsaka mga tauhan ng El Filibusterismo ang report natin..." wika ng isa kong ka-grupo. "Paano natin ip-present sa kanila?"

Nagtinginan kaming lahat. Madiing ipinaalala ng guro namin na ayaw niya ng roleplay sa reporting na ito pero gusto niya pa rin ay creative. Kahit anong alog ko sa utak ko, wala naman akong maisip!

"May idea ako!" Napatingin kaming lahat kay Shaina. She turned to Enrique with a wide smile. "Magaling kang mag-drawing, diba? What if, i-drawing mo bawat character tapos lalagyan natin ng description? Iba pa dun ang pangkalahatang aral. Ididikit natin sa cartolina tapos hahatiin natin ang report sa bawat isa..."

Yari turned to Enrique. "Magaling kang mag-drawing?"

He shrugged. "I can do that..."

"Pero andaming characters ng El Fili!" Protesta ko naman. Napatingin tuloy silang lahat sa akin. I chuckled nervously. "Pero kung iyon talaga ang gusto ng puso niyo, go!"

They all agreed with that. Since Enrique will be the one to draw the characters, the rest of us have to divide the remaining tasks. Na-assign ako sa pagsusulat ng description habang si Yari at tatlo ko pang ka-grupo ay ang gagawa ng written report. The rest would help in putting up the report. Dahil kami ang group 1, mas maikli ang oras na makakapag-prepare kami kumpara sa ibang grupo.

"May gagawin ba kayo sa Sabado? Monday na ang reporting, eh. Tapusin na natin 'to sa Sabado!"

Napalingon ako kay Enrique. Didn't he take part-time jobs on weekends? Magd-drawing lang naman siya. Pwede niya lang ipasa ang gawa niya tapos kami na ang bahala sa iba.

To my surprise, he shook his head.

"Pwede ako sa Sabado."

"Ayown. San tayo?" Nagniningning na ang mga mata ni Yari habang palipat-lipat ang tingin sa mga ka-grupo namin. Gusto ko siyang sapakin dahil alam ko ang ngiti na yan. "Bawal sa 'min kasi may ganap sa bahay. Gabi pa mababakante ang sala namin."

"Ay, sa amin din! Maliit lang ang bahay namin tapos kahoy pa—"

"Pwede sa amin," Enrique said. Nagtinginan ang lahat sa kaniya. He's scanning the papers of our assigned part. "Susunduin ko kayo sa basketball court malapit sa elementary ngayong Sabado." Tuluyan na itong nag-angat ng tingin.

"Sige, dun nalang, dun na!"

"Nice, nice..." I heard Yari whisper next to me. Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin sa akin at tumayo. "Woo! Sakit ng likod ko! Mags-stretch muna ako!"

Bumalik na kami sa mga upuan nang mag-bell, hudyat ng kasunod na klase namin. Miyerkules pa ngayon pero ang kaba ko, hanggang Sabado na!

Inisip ko nalang na makikita ko si Chuchay ngayong sabado kapag nagkataon. Makikita ko kung saan siya natutulog doon sa bahay nila, pati na rin ang pakikisama ng mga kapatid at pamilya ni Enrique sa aso.

"Excited ka na sa Sabado?" Makahulugang tanong sa 'kin ni Yari habang nagwawalis kami sa labas kinabukasan. Inilaan ng homeroom teacher namin ang oras na ito para makapag-general cleaning ang buong klase.

"Anong meron? Magda-dagat ba tayo?" Pabalang kong sagot sa kaniya.

Yari threw her head back and laughed. "Walang ganap sa bahay namin. Gusto ko lang talagang sa inyo o di kaya kina Enrique gawin ang report."

Hinampas ko ng walis tingting si Yari kaya tumili ito. Napatingin tuloy ang iilan sa mga kaklase namin pero wala na akong pakialam.

"Gaga ka ba?! Ano na namang pinaplano mo?!"

"Trabaho ko yun bilang matchmaker! Ano ka ba!" Inagaw niya sa akin ang walis at ako naman ang pinalo. "'Tsaka, pakipot ka, ah! Alam kong crush mo rin si Enriq—"

Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Yari bago pa niya matapos ang sasabihin. I glared at her when I saw Enrique and some of the boys carrying buckets of mop water into the classroom.

"Tumahimik ka, Yari. Tatamaan ka na talaga sa akin." I warned her.

She giggled as a response. Nang makapasok na sila, saka ko pa binitawan ang kaibigan.

"'Tsaka, huwag ka nang mag-abala. Ke crush ko siya o hindi, wala rin naman akong pag-asa sa kaniya."

"Anong pinagsasabi mo?"

I rolled my eyes at her. "Kailan ba ako nagka-crush na nag-crush back sa akin? Hindi pa nangyayari yun sa tanang buhay ko. Alam mo kung bakit? Dahil hindi ako pasok sa societal beauty standards natin. Gusto nila ng maputi, slim, at mahinhing mga babae. Morena, mataba, at maingay ako."

"Wala ba kayong salamin sa bahay niyo?!" She scoffed. "Girl, kung hindi lang masakit sa volleyball pag umaalog ang ano..." she glanced at my chest. "Hihiramin ko yan! Akin nalang yan!"

Tinulak ko ang mukha niya palayo.

"Atsaka, sino bang nagsabi sa'yo na pangit ka?! Eh ang ganda-ganda mo! Hindi mo lang nakikita dahil pinaniwala ka ng mga pesteng bully sa elementary na hindi ka maganda!"

Natahimik ako sa sinabi niya. I knew something was wrong with me from the start. I knew all that bullying would mess up with my head, I just didn't want to confirm the gravity of their words. I even looked up body dysmorphia one time because I was afraid I'm experiencing the symptoms.

Pero kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko na maganda ako... hindi ko talaga kaya. Siguro noong bata pa ako at kulay lang ng balat ang problema ko. O di kaya kung ibang eskwelahan ang pinasukan ko nung elementary at hindi ko nakilala ang mga nambully sa akin. Siguro kung lumaki akong tanggap ng mga tao ang timbang ko kahit gaano man ako kaliit o kalaki.

"And you're not even fat! You have a fucking hourglass body! Models would kill for that!"

Si Yari na ngayon ang masama ang tingin sa akin. She scoffed and picked up the broom.

"Kung magkakaroon ako ng time machine, Avery, babalik ako sa elementary days natin at susuntukin ko yung mga nambully sa'yo. They have no idea what they've done to you..."

"Yari..."

"Nakakainis, eh! Ilang beses mo na bang pinigilan ang sarili mong magka-crush sa iba dahil sa tingin mo, pangit at mataba ka?! Palagi mo nalang dina-down ang sarili mo, Avery!"

Hindi ako nakasagot sa kaniya. She looks so done and frustrated with me. When she saw my face, she let out a huge sigh and shook her head.

"Alam mong halos kapatid na ang turing ko sa'yo, diba? Kung pwede nga lang, ikaw nalang ang kambal ko!"

I chuckled. "Paano si Karlo?"

She pouted and pulled me closer to a hug. "Ayos lang sa 'kin kung hindi na si Enrique, pero sana makakita ka ng lalaki na magpapa-realize sa'yo kung gaano ka kaganda..." bulong niya.

Saturday came and I was nervous as hell. Binagalan ko ang galaw ko para hindi ako ang maunang dumating sa meeting place namin. Bumili pa ako ng ice cream sa daan pero gayon nalang ang panlulumo ko nang makitang si Enrique pa ang nandun!

I stopped walking and stared at him. Nakaupo siya sa mismong bakal ng basketball ring at mukhang malalim ang iniisip. Aalis na sana ako para hintayin si Yari sa kanto nang mag-angat ng tingin ang lalaki at nakita ako.

I gave him an awkward smile and walked closer to him.

"Uhm, wala pa sila?"

He shook his head.

Tumango naman ako at sinulyapan ang relo ko. Anak ng! 9:30 na, ah?! 9 am ang usapan tapos wala pa ni isa sa kanila? Talaga bang pinaninidigan nila ang Filipino time nila?

"Natapos mo na ang drawings?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Dalawa nalang." He stood and looked around. Wala namang ibang mauupuan dito dahil kaharap ng maliit na court ay isang lumang bahay at may mataas na kawayang gate. "Dito ka lang, manghihiram lang ako ng upuan."

I was about to protest but he had already left. Napaawang ang bibig ko nang katukin niya talaga ang may-ari ng bahay. An old lady came out, looking grumpy. Pinanuod ko lang si Enrique na malumanay na nakikipag-usap sa kaniya. Mayamaya ay itinuro ako. Napatingin din tuloy ang matandang babae sa akin. She gave him a stiff nod and went back inside the house. Paglabas niya, may dala na siyang plastic na monobloc chair.

Enrique smiled and thanked her before jogging back to me. Inilapag niya ang upuan sa harap naming dalawa.

"Upo ka..."

"Hindi mo naman kailangang gawin yun, nakakahiya kay Nanay..." bulong ko.

"Matatagalan pa sila, mangangalay ka lang d'yan."

"Eh ikaw?"

Itinuro niya ang bakal na kinauupuan kanina. I scoffed. "Pwede rin naman akong maupo d'yan."

"Not with that skirt, Perez."

My cheeks burned. Sinunod ko nalang ang utos ng lalaki at naupo sa upuang pinaghirapan pa niyang hiramin. I was so nervous around him. Buti nalang talaga ay dumating na din ang isa pa naming ka-grupo na lalaki, si Adam.

"Tangina, wala pa sila?" Reklamo niya nang makitang kami lang dalawa ni Enrique ang narito. "Sana pala nag-basketball nalang muna ako..."

I looked away. Enrique remained silent while Adam paced around. Binalingan niya ako.

"San mo nakuha yang upuan, Avery?"

"Wala ng ibang upuan," sabat kaagad ni Enrique. "Maghintay ka d'yan."

I looked at him in disbelief. Nagsusungit na naman siya! Adam looked at him and then laughed.

"Sige, sabi mo eh..."

The two of them talked about basketball while we waited for the rest of our groupmates to come. Yari came along with majority of our groupmates at ang dalawang sobrang late ay hahabol nalang daw sa mismong bahay nila Enrique. Kinuha ni Enrique ang upuan at ibinalik ito sa matanda bago kami umalis.

Tinabihan ako ni Yari habang naglalakad kami. Nasa unahan si Enrique kasama ang iba ko pang maiingay na ka-grupo.

"So, nakapag-bebe time ba kayo kanina? Sinadya ko talagang ma-late!"

I glared at her. "Nakakahiya sa Lolo mo, Yari, kapag nalaman niyang nagf-Filipino time ka!"

She just laughed. Hindi naman gaanong malayo ang bahay nila mula doon sa court pero makipot at bahagyang maputik ang daan. Maliit ang mismong bahay nila Enrique na gawa sa kahoy at yero pero napakalawak naman ng bakuran nito. Gaya ng ibang bahay dito, kawayan din ang gamit nila sa gate. It gave me a sense of relief knowing that Chuchay could run around here as much as she wants.

"Chuchay!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tawagin ang alaga nang bigla itong lumabas ng bahay at pinagtatahulan kami. Our groupmates were taken aback. Nang makita ako ni Chuchay ay kaagad na tumigil ang pagtatahol niya at excited na tumakbo patungo sa gate.

Enrique opened the gate and Chuchay jumped on me. She looks so happy and healthy. Ibang-iba sa histura niya noon kung saan bakat pa ang tadyang niya. Ngayon ay mataba na siya at wala na rin ang mga sugat-sugat sa katawan niya.

"Kilala mo ang aso nila, Avery?" Si Shaina habang nakasilip sa aming dalawa.

"Uhm..." hindi kaagad ako nakasagot. Nakalimutan kong wala nga palang nakakaalam ng tungkol kay Chuchay bukod sa mga kaibigan ko!

"Pasok kayo."

Nagsisunuran naman ang mga ka-grupo namin sa loob ng bahay nila. Kahit na maliit, malinis naman iyon at walang kalat. Naabutan pa namin ang Mama ni Enrique na nagtatahi sa sala nang makarating kami.

"Magandang araw po, Tita..." our groupmates chorused when they saw her.

She glanced at us and briefly nodded. Tumayo siya mula sa kawayang upuan at itinuro ang kusina.

"Kiko, sa kusina lang ako. Kung may kailangan kayo..." she trailed off and left us.

Tumabi ako kay Yari sa sahig. Puno na kasi ang upuan nila at nakasunod pa rin sa akin si Chuchay. She keeps on wagging her tail and licking the side of my face. Natawa ako at hinimas ang ulo niya.

"Seryoso, kilala mo ba yung aso? Para kang nanay n'yan, eh!" Pag-uulit ulit ni Shaina habang nanunuod sa amin.

"Chuchay ang pangalan niya," sagot ko nalang.

"Palagi ka ba dito? Kasi mukhang close na close kayo ng aso, eh..." makahulugan niyang wika.

My cheeks burned. Nilingon ko kaagad si Enrique para sumaklolo pero mukhang wala naman siyang pakialam at inaayos niya ang mga drawings niya para sa report. I cleared my throat and turned to her again.

"Ano... kasi..." I trailed off.

"Kayo ha! Napaghahalataan na, beh!" Kinikilig nitong wika.

Enrique cleared his throat. Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya. "Aso namin yan ni Avery. Pwede na ba tayong magsimula?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro