Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"Bakit sa sementeryo mo gustong makipagkita?"

"Kasi patay na patay ako sa'yo..." seryoso kong sagot kay Enrique.

Gulat itong napatingin sa akin. I laughed out loud.

"Biro lang, oy!"

He looked away, his jaw clenching. "Huwag kang magbibiro nang ganyan..."

I tilted my head. "Bakit?"

Hindi niya ako sinagot. Ang hilig mang-seen ng lalaking ito! Kaya sa sementeryo ako nakipagkita dahil gusto ko ding dumalaw at nagtitipid ako sa pamasahe pero syempre hindi ko sasabihin sa kaniya yun! Nakakahiya kaya...

"Isa pa, gusto naman ni Chuchay dito. Dati niya 'tong teritoryo, eh. Siya ang reyna dito..." I kidded.

Enrique sighed. Nababanas na siguro 'to dahil sa mga jokes ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mag-biro dahil kinakabahan ako sa presensya niya! The only way to conceal my feelings is to lighten up the mood.

Chuchay is running around freely. Wala namang gaanong tao dito sa sementeryo kaya malaya siyang nakakatakbo. Sana lang talaga hindi niya ihian ang mga puntod dito. Ayokong makarinig ng babaeng humihingi ng hustisya mamaya sa kwarto ko...

"Kumusta siya? Ayos lang ba siya sa inyo?"

Enrique nodded. Naka-basketball shorts at itim na shirt ulit siya ngayon.

"Ayos naman. Hindi na siya gaanong umiiyak tuwing gabi."

I nodded. Itinuro ko ang magkatabing puntod.

"D'yan tayo maupo."

Enrique looked at me in disbelief. "Ayos lang ba?"

I laughed. "Ayos lang." itinuro ko ang lapida. "Carmelita Santiago Perez... Joselito Francisco Perez Sr., lolo't lola ko yan."

Enrique hesitated while I made myself at home. Medyo maalikabok na pala dito. Kailan ba ang huling dalaw ni Tita?

"Makikiupo po kami, Lolo at Lola, ha?" I said cheerily while tapping the tomb in front of me. "Upo ka, ayos lang daw sabi ni Lolo."

Enrique just shook his head. By now, he must've given up on me. Siguro sa isipan niya ay baliw ako at pinagsisisihan na niyang nadawit pa siya sa akin.

"Sino 'to?" Enrique stared at the small tomb near them. Maliit lang iyon dahil cremated jar naman ang laman at hindi buong kabaong.

"Mama ko yan,"

"Sorry..."

I waved my hands in dismissal. "Matagal ng wala ang Mama ko kaya okay lang. Kahit gusto ko siyang ma-miss, hindi ko naman naaalala ang mukha niya. Tuwing pinapakita ni Tita ang litrato naming mag-ina, talagang hindi ko siya mamukha-an."

"Nakatira ka ba sa Tita mo ngayon?"

I nodded. "Oo. Dati yung may asawa, pero dahil pangatlong beses na siyang nakunan ay iniwan din siya. Tarantado yun kaya huwag na nating pag-usapan."

Itinukod ni Enrique ang siko sa mga tuhod at seryosong tumingin sa akin.

"Only child?"

Umiling ako. "Hindi. Pero ayaw ko ding pag-usapan..."

"Ayos lang."

I sighed out loud. "Nakaka-depress pag-usapan ang pamilya ko kaya sa susunod nalang. Ikaw ba?"

"Buhay pa ang mga magulang ko. May dalawa akong kapatid na babae."

"Panganay?"

He nodded. I smiled.

"May kaibigan din akong panganay. Ang mature niya. Same vibes kayo."

Enrique chuckled. "At ikaw?"

"Ako yung immature at pagala-gala lang dito sa mundo dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay," I laughed. "Buti sana kung maganda man lang ako..."

"Maganda ka naman, ah?"

Natahimik ako sa sinabi niya. It was meant to be a joke! He should be siding with me so we can make fun of myself! My cheeks burned in embarrassment.

"Dino-dog show mo ba ako?"

"Hindi. Seryoso ako."

Inirapan ko ang lalaki. "Ayoko sa mga pa-fall na lalaki."

He shrugged. "Wala naman akong ginagawa."

Wala daw! Akala mo lang wala! Pero meron, meron, meron!

Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa childhood niya kaso baka akalain niya na feeling close ako kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. Mayamaya din ay bumalik si Chuchay sa amin. May nilabas na bottled water si Enrique para sa kaniya at plastic cup na binili niya kanina sa nagtitinda ng buko juice.

Chuchay was drinking the water noisily while I was busy staring at Enrique's face. Pinagpala ata to sa lalaking lahat. Kahit saang anggulo ako nakatingin, napaka-gwapo talaga niya. Siguro ang gaganda din ng mga kapatid nitong babae. Siguro sumasakit na ang ulo niya dahil panigurado ako, maraming manliligaw sa mga kapatid niya.

Inaya ko na din siyang umuwi pagkatapos. Dumidilim na kasi at baka mag-alala pa si Tita sa akin. Ako din ang naka-tokang magluto ngayong gabi kaya hindi na dapat ako magtagal dito.

"Salamat, ah? Alam kong busy ka sa mga ganap mo sa buhay. Na-miss ko talaga si Chuchay..." I said genuinely as we headed out the gate.

"Ayos lang. Pahinga na rin 'to para sa akin..."

"Ako ang pahinga mo?" Biro ko sa kaniya.

Nagulat ako nang biglang higitin ni Enrique ang kamay ko para mapahinto ako sa paglalakad. Maging si Chuchay ay huminto din at tumingala sa amin.

"Paano ko malalaman kung seryoso ka o hindi?"

"Huh?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Hindi ko ma-gets anong connect dun sa sinabi ko!

"Paano ko malalaman kung seryoso ka o hindi?" Pag-uulit niya. "Kasi baka pinagt-tripan mo lang pala ako."

"Hoy, hindi kita pinagt-tripan, ah!" Depensa ko kaagad.

"Talaga? Totoo yung mga sinabi mo sa akin na patay na patay ka sa akin tapos ngayon..." he trailed off due to embarassment. Maging ako ay biglang nahiya sa pinagsasabi ko kanina!

"J-Joke lang kasi yun..." nauutal kong wika. Humihigpit ang hawak niya sa kamay ko pero hindi ko na yun ininda dahil mas malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Paano kung nanggaling yun sa akin? Iisipin mo bang joke lang?"

"Huh? Uh... uhm... hindi... uhmm..."

Wala na akong maisagot sa kaniya! Kung kanina ay napakadaldal ko, ngayon halos wala nang lumalabas na letra sa bibig ko! Hinigit ko ang kamay mula sa lalaki at kinapa ang dibdib ko. My heart is beating wildly.

"Sorry..." sa huli ay sabi ko. "Nao-offend ka ba sa mga joke ko? Hindi ko na uulitin, sabihin mo lang."

"Hindi." Diretso niyang sagot. He sighed and picked up Chuchay's leash. Nauna siyang maglakad. "Nakakaasar lang na para sa'yo, joke lang yun..."

My jaw dropped. Hindi ako makapagsalita habang pilit na pino-proseso ng utak ko ang sinabi niya! Seryoso ba 'to?

"Pinagt-tripan mo ba ako?" Balik-tanong ko sa kaniya.

He turned to me, tilting his head. "Sa ilang buwan nating magkakilala, sa tingin mo hilig kong mang-trip ng tao?"

I slowly shook my head.

"Nakuha mo na ang sagot mo."

My cheeks burned. Ang lakas-lakas ng loob kong landiin siya tapos kapag siya naman ang gumagawa nito sa akin ngayon, halos hindi ako makahinga! Pero pakiramdam ko gumaganti lang sa akin ang lalaking ito.

The next day, I acted like nothing happened between us. Hindi pa naman ako late kaya kinabahan ako nang makita ko siya sa gate, nakatayo at suot ang fatigue uniform nila. Balita ko ay magt-takesiya at ang iilang ROTC officers ng PMAEE ngayong September. Kung gayon ay magiging busy ulit siya. Paniguradong hindi ko na naman makikita si Chuchay kapag nagkataon.

"Ipakita mo yung mga hikaw mo para sitahin ka ng ROTC officer. On-duty ang crush mo, dali!"

Napatingin ako sa dalawang second year na nagbubulungan habang papasok kami ng gate. Itinali ng isa ang buhok niya para ibalandra ang mga hikaw niya at humagikhik.

"Sa tingin mo papansinin niya ako ngayong umaga?"

"Sigurado yan!"

"Pero yung ID ko?"

"It means makakasama mo ulit siya mamayang hapon!"

I held back a sigh. Naalala ko si Celeste. Siguro kung crush niya din si Enrique ay ganito ang magiging galawan niya. Pero iba naman ang crush niya, tapos hindi pa siya crush ng crush niya!

"ID mo," ani Enrique nang makita ang mga hikaw niya.

"Ay, sorry po, officer!" Nginitian siya ng second year habang hinuhubad ang ID niya. "Hindi na mauulit..."

"Pakisulat ng pangalan sa logbook."

"San po ako mamaya—"

"May ibang officer na mag-a-assist sa'yo." He dismissed her and turned to me.

Ngumiti lang ako nang tipid sa kaniya at nilagpasan ang lalaki. I could hear the two second years blaming each other at the back. Nagulat ako nang marahang hawakan ni Enrique ang braso ko.

"Anak ng—"

"Bukas ang bag mo, Perez."

Napamura ako sa isip. Umagang-umaga, ha! Paid actor ba itong bag ko?! Dapat ay hindi ko papansinin ang lalaking 'to, eh!

"Salamat," suplada kong sagot sa kaniya habang padabog na inaayos ang bag ko.

Enrique took a step closer to me. His shadow fell over me so I dared not to look up because I know we'll be face to face.

"Galit ka?" Bulong niya sa akin.

"Hindi." I hissed. "Bakit naman ako magagalit? May ginawa ka ba?"

"Wala."

"Oh, eh di hindi ako galit!"

"Galit ka, eh."

"Hindi nga!" I insisted and glared at him. "Tsaka, anong paki mo kung galit ako?!"

"Dahil ba dun sa sinabi ko sa sementeryo?"

I looked at him in disbelief. "Wala akong dahilan para magalit sa'yo," sabi ko sa mas kalmadong boses.

"Are you sure—"

"Averyyyyy!"

Kaagad akong lumayo kay Enrique nang makita ko sina Lulu, Celeste, at Raya na papalapit sa gate. Enrique kept staring at me so I immediately went over to greet them.

"Aga niyo, ah?"

"Nagbabantay ka na pala sa gate, Avery? O may binabantayan ka?" Makahulugang tanong ni Lulu.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. Celeste and Raya looked innocently around, trying to figure out who she's pertaining to.

"Parang tanga 'to, baka akalain nila may crush ako sa security guard."

"Eh sa officer—"

"Tara na, tara! Jusko, anong oras na! Mali-late na tayo!" Untag ko sa mga babae para tigilan na nila ako.

Lulu's grin widened. Hindi ako tinigilan sa pang-aasar maging sa lunch break namin nang makita nilang naka-formation ang mga ROTC officers kahit tirik na tirik ang araw.

"Diba kakilala mo yun?"

"Hindi, ah!"

Para akong timang na todo iwas kay Enrique dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Naguguluhan ako sa inaakto ng lalaki pero aminado naman akong kasalanan ko din kasi nilalandi ko siya. Hindi ko naman inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya! Sanay na akong hindi pinagtutuonan ng pansin kaya ngayong nakukuha ko ito mula sa taong akala ko ay walang interes sa akin, talagang hindi ko alam ang gagawin.

"May nagaganap ba na LQ sa favorite couple ko?" Bulong ni Yari sa akin nang makabalik kami sa classroom.

"Huh?" Inismiran ko ang kaibigan. "Pinagsasabi mo?"

"Eh kasi, hindi mo na pinapansin si Enrique tapos kanina, dine-ny mo pa na kilala mo siya. Paano ko kayo mash-ship kung hindi naman kayo nagpapansinan?"

I rolled my eyes. "Wala namang namamagitan sa amin. Hindi ko siya kaibigan, hindi required na pansinin ko siya."

Yari was about to say something when we both noticed that Enrique entered the classroom. Hindi na siya nag-abalang magbihis mula sa fatigue uniform niya. Dire-diretso ang lakad nito hanggang sa huminto sa upuan ko.

Napatingin ako sa kaniya. Gayon din ang iba ko pang mga classmate.

Walang imik si Enrique pero may kinuha ito mula sa bag niya. Naglapag siya ng chocolate cupcake sa desk ko saka nagtungo sa upuan niya. Napanganga ako at muntik pa itong mahulog nang hampas-hampasin ako ni Yari pati na rin ang katabi ko.

"Hoy, hoy, hoy! Ano yun ha?! May namumuo ba talagang love team dito?!"

"Yari, ang sakit! Awat na!" Sita ko sa kaibigan dahil talagang nasasaktan ako sa mga hampas niya. Volleyball player pa naman 'to!

"Ay, sorry!" Binawi niya ang kamay at humagikhik. "Kinikilig ako sa inyo! May note pa, oh! Basahin natin!"

"Karylle!" I warned her.

She pouted. "Oo na, titigil na. Pero pasilip ng note?"

Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan kaya tuluyan na niya akong tinantanan. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataon na silipin kung anong nakasulat dahil pumasok na ang Filipino teacher namin. Lumilipad ang isip ko habang nagd-discuss si Ma'am. Laking pasasalamat ko nang hindi niya inubos ang oras at nag-iwan na lamang ng assignment para sa amin.

Yari went to her groupmate to discuss a report so I was left in my seat. Hindi ako lumilingon sa likuran dahil natatakot akong baka magtama ang tingin namin ni Enrique. Dahan-dahan kong kinuha ang cupcake mula sa bag ko at pinilas ang nakatuping note sa plastic. Binuksan ko kaagad ito.

Sorry.

"Ampangit ng handwriting," bulong ko. "Hindi talaga ibinibigay ni Lord sa iyo lahat..."

Kaagad kong itinago ang note pati na rin ang cupcake. Para akong timang na natatawa dahil hindi ko akalaing may kapintasan din pala ang lalaking ito. But it made the note 100 times better because of it.

Ang second period namin ay Philippine History. Substitute teacher ang pumasok sa amin dahil absent daw si Sir. Fresh grad pa lang siya kaya naman nakaka-vibes niya ang ibang classmate ko at ang gaan rin ng atmosphere kapag siya ang nagtuturo.

"Okay, get ¼ sheet of paper." Bigla niyang anunsyo pagkatapos ng klase.

"¼, Sir?"

"Yes, ¼."

"Psst, pahingi ako papel." Bulong ko kay Yari.

"Sige, wait." Aniya sabay tupi sa papel at nilawayan pa ito. Nang inabot niya 'to sa akin, tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano, kinain mo ba 'to? Daming laway, eh!"

Tumawa lang ang kaibigan.

"Okay, number one. What was the name of Rizal's sibling who died early on age?"

Nag-panic na kaagad ako at dali-daling isinulat ang pangalan ko sa papel.

"Hindi ito multiple choices, ah! Mag-isip isip kayo..." paalala ng sub namin.

I groaned and recounted Rizal's siblings. Memoryado ko na ang mga girlfriend ni Rizal, ngayon pati mga kapatid din?!

"Number two, between what years did the Orang Dampuans come to the Philippines?"

Paikot-ikot ang sub namin kaya walang tyansang makapag-kopya ang naroon sa likuran, maging ako kay Yari. Hindi ko talaga gusto ang Philippine History dahil ang daming kailangan i-memorize! Pero nag-e-enjoy ako sa klase kaso naiiwan ata ang natutunan ko pagdating sa quiz.

"Number three. Name the war when the first republic of the Philippines was established."

Umabot hanggang twenty-items ang quiz namin at 10 items naman para sa fill in the blank. Dahil malapit nang mag-bell, akala ko ay hindi na namin ic-check pero ipinapasa ng sub ang papel namin sa harapan. Hinalo-halo niya ito at ibinalik sa iba-ibang row.

"Sige, let's check your paper. Double time guys dahil malapit na ang bell!"

I heard some groans from my classmate. Masaya lang talagang ka-vibe ang sub namin pero ayoko na sa kaniya pag quiz ang usapan! Dahil nasa harapan kami ay una akong nakatanggap ng papel. Napahinto ako nang makita ang pangalan ng papel na ic-check ko.

Enrique Jacob Cabrera.

Halos hindi ko maintindihan ang pangalan niya dahil nga sa handwriting na napakagulo! Habang chini-check ko ang papel niya, ang unang letra at pinakahuling letra lang ang tinitingnan ko kung magkatunog ba sa mga sinasabi ng guro na tamang sagot. I was shocked when he got all the answers correct.

I smiled to myself. Naisipan kong magsulat sa papel niya sa baba.

Corrected by: Avery Felicia Perez
P.S. Apology accepted <3

"May naka-perfect ba?"

Nag-panic kaagad ako nang magtanong ang sub namin. Buburahin ko pa sana ang sinulat ko kaso hinablot na ni Yari ang papel sa akin at proud na proud iyong ibinigay sa guro.

"Meron, Sir!"

"Wow, Cabrera. Ang ating gwapong ROTC Commander!" Hirit pa niya habang binabasa ang papel nito. Bigla nalang kumunot ang noo niya nang mabasa ang isinulat ko sa baba. "Ano 'to? Corrected by Avery Felicia Perez, P.S. apology accepted? Heart sign?"

Naghiyawan ang mga kaklase ko habang ako naman ay gusto nang magpalamon sa lupa. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

"Oh, Cabrera! Apology accepted daw sabi ni Perez. Kung ano man ang kasalanan mo, pinatawad ka na."

Tinakpan ko na ang tainga ko dahil halos mabingi na ako kakasigaw ni Yari pati na rin ang katabi ko. Kung sumagot man si Enrique doon, hindi ko na narinig. Our sub teacher smiled sheepishly at us.

"Kayo ha, hindi naman ako na-inform na mayroon palang magsing-irog dito. Tsk, tsk. Mga kabataan talaga..."

"Lord, kung mamamatay man ako, pwedeng ngayon nalang?" Bulong ko sa sarili ko.

Hindi pa ata na-kontento ang sub teacher namin at inasar-asar pa ako bago tuluyang kinolekta ang mga papel. Naghihintay na sa labas ang math teacher namin kaya nawalan na ng tyansa ang mga classmate ko na asarin din ako. Ipinag-panalangin ko nalang na sana ay makalimutan na nila ang lahat ng nangyari pagkatapos ng isang subject.

Nang matapos ang klase namin ay dali-dali kong inayos ang mga gamit ko. Nagpalusot nalang ako kay Yari na may meeting kami sa student council para makalabas kaagad ako. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang iba na tuksuhin ako sa nangyari kanina.

I walked fast towards the student council office. Hindi ko alam kung may tao doon ngayon pero ayos lang basta't makapagtago ako sa kanila. Makapal naman ang mukha ko pero ngayon, hindi ko pa ata sila kayang harapin pagkatapos ng kagagahan ko.

"Avery."

Muntik na akong mapasigaw nang may humawak sa balikat ko. My heart was racing fast and it only doubled when I turned and saw Enrique.

"I-Ikaw pala..." nauutal kong wika sa lalaki.

"Nagmamadali ka?"

"Oo, uh... m-may meeting kami ngayon! Sa student council! Tama, tama. Importanteng meeting yun kaya—"

"Avery! Enrique!" Itinikom ko kaagad ang bibig ko nang bumukas ang office at lumabas ang president namin. Tiningnan niya ako. "Ba't nandito ka? Bukas pa ang meeting natin, ah?"

I faked a laugh to save my face. Siguro naman ay may limit ang katangahang nagagawa sa isang araw? Parang sobra-sobra na itong nangyayari sa akin!

"Meeting, huh..." Enrique mused.

Iniwan din kami ng president sa harap ng office. Silence fell upon us. Hindi ko maatim na magsalita dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig ko.

"Pinapatawad mo na ako?"

Napatingin ako kay Enrique nang bigla itong magsalita. I pouted like a child.

"May iba pa bang meaning ang apology accepted?"

He chuckled. Walang katao-tao sa hallway kaya naman umalingawngaw ang tawa niya. It sent shivers down my spine.

"Bati na tayo?"

"Bati na nga!" Inirapan ko ang lalaki. "Enjoy na enjoy ka naman kanina..."

"Paano mo nalaman? Eh ayaw mo nga akong lingunin, eh."

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

"Kahit ngayon, ayaw mo pa rin akong tingnan..." untag niya.

I took a deep breath. Be brave, Avery. Si Enrique lang yan! Nag-angat ako ng tingin at tumitig sa mga mata niya. He slowly smiled at me. Hindi ko iniwas ang tingin ko kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko.

"Kailangan mo nang masanay sa akin..." aniya sa mababang boses.

"Anong—"

"At huwag mo na din akong iiwasan," bahagya niya akong sinimangutan. "Sabihin mo kaagad sa akin kapag may nagawa akong mali o hindi mo gusto."

Natahimik ako at nag-iwas ng tingin. Wala na, Avery! Gustong-gusto mo na talaga siya! Akala ko ba ay iiwasan mo ang lalaking 'to?!

"You really need to stop being so nice to me..." I mumbled.

"Hmm?" Malambing nitong tanong.

"Wala! Gwapo ka sana kaso bingi ka!" I took a deep breath and stared at him. Nang makatagal ako ng ilang segundo, binawi ko na ang tingin ko at naglakad palayo.

I heard him chuckle behind me.

"Ang ganda mong magalit..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro