Chapter 3
Nagbabahay-bahayan ba kami?
Siya yung tatay? Ako yung nanay?
Gulong-gulo pa rin ang isip ko at hindi na nawala ang huling sinabi ni Enrique sa akin hanggang sa dumating ang summer vacation namin. Bago magtapos ang school year, kinausap niya ako at sinabing magiging busy siya sa bakasyon dahil sa mga part-time job niya pero nangakong hindi naman mapapabayaan si Chuchay. Talagang mawawalan lang siya ng oras na lumabas para makipagkita sa akin kasama ang aso.
"Karlo..." marahan kong sinipa ang kaibigan. He grunted. Narito kami ngayon sa beach resort pagkatapos magkasunduang lumabas bago magsimula ulit ang klase. Si Karlo ang pinakamalapit sa akin ngayon kaya siya ang tatanungin ko.
"Ano?" Naiirita niyang sagot.
"Highblood mo, huwag na lang!" I scoffed.
Karlo mimicked me, scoffing as well. "So ano? Kapag kayong mga babae ang highblood, okay lang dahil "nature" niyo yan tapos kaming mga lalaki, bawal? Ang daya niyo, ah!"
"May itatanong ako!" Lumapit ako sa kaniya para masigurong hindi kami maririnig ng iba. Wala pang kaaalam-alam sina Raya, Celeste, at Ivo tungkol sa aming dalawa ni Enrique. Hindi ko pa rin alam kung kailan ko sasabihin sa kanila pero sa totoo lang, wala naman talagang dapat sabihin.
Hindi ko naman kaibigan si Enrique. Hindi ko rin siya jowa. Pero tatay siya ng anak ko. Ang gulo, diba? Siya kasi, eh! May pa-anak natin pa siya! Ito tuloy, nai-imagine ko na ang magiging kasal namin!
"Paano mo malalaman kung may gusto sa'yo ang isang lalaki?"
"Oo nga, curious din ako," tumango-tango si Karlo. "Hindi ko alam. Hindi pa ako nagkakagusto sa isang babae eh."
"Talaga? Kahit crush lang?"
"Crush-crush lang pero yung "gusto"? Nahh, wala. Atsaka, ang bata pa natin para sa ganyang mga bagay."
Tumango ako. Kahit na balasubas ang sagot niya, may point naman siya.
"Tama ka."
"Bakit? May nagugustuhan ka ba?"
"Wala, 'no!"
"Crush?"
"Wala din."
"Sige, kwento mo yan, eh."
Inirapan ko si Karlo. Wala man lang akong nakuhang matinong sagot mula sa kaniya. Gusto ko sanang tanungin si Yari, pero mukhang wala din namang pag-asenso ang love life niya. Kung si Ivo naman ang tatanungin ko, baka mahalata niya kung sino ang tinutukoy ko. Nakakahiya kung magka-crush man ako sa lalaki tapos malaman ng mga kaibigan ko tapos iba pala ang crush niya.
Hindi naman ako maganda tulad ni Celeste, para magkaroon ng confidence na magka-crush sa iba. Worst case scenario, baka mandiri pa sa akin si Enrique at hindi ko na makita si Chuchay.
I took a deep breath. Kung para sa anak ko, bawal akong magka-crush sa tatay niya.
Dahil wala naman akong part-time job ay wala akong ibang paraan para bayaran ang utang ko kay Karlo kundi bantayan ang tindahan nila kapag gusto niyang lumabas at mag-volleyball. Gaya nalang ngayon. Dapat ay nasa bahay ako, nagpapahinga at nagbabasa ng mga pocketbook pero hinatak ako ni Karlo sa tindahan nila para gawing tindera dahil may laro daw siya.
"Balik ako mga alas kwatro," aniya habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Ako naman, nakasimangot sa upuan.
"Hanggang kailan ko 'to gagawin bago maging fully paid ang utang ko sa'yo? Sa dalas ko dito, kilala na ako ng Lolo mo, ah!" Pambubuska ko sa kaniya.
"Hmm, apat na libo yun tapos 10 percent interest kaya hanggang sa matapos ang bakasyon," nginisihan niya ako.
"Napakaganid mong tao, Karlo,"
"So true..."
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Yari sa likod. Naka-pajama pa siya at mukhang kakagising lang. Buti nalang at palagi niya akong sinasamahan kapag nagbabantay ng tindahan dahil halos hindi ko maintindihan ang sinasabi ng Lolo niya sa akin.
"Hoy, utang is utang. Kahit pa magkaibigan tayo..." pinagpag niya ang shorts at tiningnan ako. "Besides, pasasalamatan mo din ako mamaya..." nag-taas baba pa ang kilay niya habang nakangisi.
"Anong ipagpapasalamat ko sa'yo?" Inirapan ko ang lalaki.
"Makikita mo din. Sige, alis na ako!"
Bumuntong-hininga ako nang makaalis ang kaibigan. Si Yari naman, pumasok muna dahil kukuha daw siya ng kape. Malaki ang tindahan ng mga Chi Ong at may bigasan din sa harap kaya bukod sa akin ay may dalawang "boy" din na nagbabantay at tumutulong kapag maraming customer. Salitan ang magkapatid sa pagbabantay ng tindahan dahil ayaw mag-hire ng Lolo nila ng tindera dahil nariyan naman sila.
On the brighter side, kapag narito ako sa tindahan ay libre ang mga snacks at pagkain ko kaya nakakatipid ako. Kahit na summer vacation ay may allowance pa rin naman ako pero kalahati lang iyon ng nakukuha ko tuwing pasukan.
"Ambilis ng panahon, 'no? Fourth year na tayo..." lumabas si Yari sa bahay dala-dala ang dalawang kulay pulang mug ng Nescafe. Halos mabura na nga ang letra nito sa katawan dahil ito ang paboritong gamitin ng pamilya tuwing umaga. "Mamaya n'yan, graduation na... tapos college!"
"Oo nga," bumuntong-hininga ako. "Alam mo na kung anong kukunin mo?"
She hesitated for a bit. "Multimedia arts ang gusto ko..." she trailed off. "Pero mukhang malabo ata dahil hindi yun ang gusto ng pamilya ko para sa akin."
I nodded. In a way, we're at the same place. Ibang tao ang magdidikta kung anong kurso ang kukunin namin dahil sila ang nagpapa-aral sa amin. Ang kinaibahan lang ay si Yari, may gusto, may pangarap... samantalang ako, wala.
Wala akong pangarap sa buhay. Kung anong gustong kurso ni Tita na kunin ko ay gagawin ko. Na-iinggit ako kapag kausap ko si Ivo, o si Yari, maging si Celeste na alam na kung anong gagawin sa buhay. Minsan, parang gusto ko nalang gayahin ang pangarap ng iba para lang masabi na may direksyon naman ang buhay ko.
"Avery?"
Gulat na napatingin si Raya sa akin. I beamed when I saw her. Kasama niya ang nakababata niyang kapatid na si Sonny.
"Raya! 'No ginagawa mo dito?" Tanong ko kaagad. Ang alam ko eh malayo itong tindahan nila Yari sa bahay nila!
"Wala kaming makitang uling sa mga tindahan, eh. Kung saan-saan na kami nagpunta."
"Ay, may uling pa kami!" Dali-daling tumayo si Yari at kumuha ng plastic. "Ilang supot ba gusto mo? Buy 1 take 1 kami para lang sa'yo!"
"Hindi na..." nahihiyang lumapit si Raya sa kaniya. Napailing naman ako.
Ito ang madalas na ginagawa ni Yari kapag bored siyang nagbabantay ng tindahan. Biglang may buy 1 take 1 at may kung anu-anong discount sa mga taong gusto niya o sa mga lalaking crush niya.
"Nagbabantay ka pala rito?"
"Oo, may utang ako kay Karlo. Huwag na huwag kang uutang sa lalaking iyon," banta ko sa kaniya.
She laughed. "Talaga? Balak pa naman ni Celeste na mangutang..."
"Huwag na, napakalaki ng interest! Dinaig pa ang bangko!"
Tumawa lang si Raya sabay abot ng bayad kay Yari. Noong una ay ayaw pa nitong tanggapin pero binantaan siya na hindi na siya babalik dito sa tindahan kung hindi siya pagbabayarin kaya sa huli ay tinanggap niya na din ito. Iyong kapatid niya naman ang nagdala ng dalawang supot ng uling habang nakapayong si Raya.
"Bye, bye! Come again!" Sigaw pa ni Yari sa kanila.
"Di na yun babalik kasi nahihiya yun sa'yo..."
"Oo nga, parang walang pinagsamahan," she tsk-ed. "Ilang beses na akong pinakain sa bahay nila pero ayaw tanggapin ang buy one take one ko..."
Naghagikhikan kaming dalawa. That's just Raya. She's so independent that I sometimes feel like she's more mature than me. Partida, siya pa ang pinakabata sa grupo namin!
Siguro ay ganun talaga kapag ikaw ang nagpapalaki sa sarili mong mga kapatid. I don't have someone to take care of... not anymore.
Habang nagt-tsikahan kami ni Yari ay biglang dumating ang isang elf truck. Tumayo kaagad si Yari at tinawag ang Lolo niya. Iyan na ata ang mag-dedeliver sa kanila ng bigas. Punong-puno ang likuran nito ng sako-sakong bigas. Napalingon ako nang bumukas ang front seat at bumaba ang isang pamilyar na bulto.
Enrique.
Nag-panic kaagad ako nang makita ang lalaki. Nagkunwari nalang akong naglilista ng mga imaginary utang nang makitang papalapit siya sa akin.
"San si boss?"
"Oh! Enrique, ikaw pala! Hindi kita nakita, ha-ha-ha!"
He frowned at me. Tumahimik kaagad ako. Sobrang halata pala na peke ang tawa ko.
"Uhm... tinatawag pa ni Yari ang Lolo niya." Nagpalinga-linga ako para maghanap ng upuan na pwedeng ialok sa kaniya kaso wala akong makita. "D'yan ka nalang muna." Sa huli ay sinabi ko.
He nodded and wiped the sweat off his forehead using a white towel. Isa ba 'to sa mga part-time niya? Alam ko namang kayang-kaya niyang buhatin ang mga sako ng bigas sa laki ng katawan niya pero hindi ba masyadong nakakapagod ang trabahong ito?
"Nami-miss ka na ni Chuchay..."
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Pinagsisihan ko kaagad mag-angat ng tingin sa kaniya dahil nakatitig na pala siya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"T-Talaga? Mukhang busy pa ang T-Tatay niya, eh."
"Mm-hmm. May part-time din ako mamaya pagkatapos nito."
"Ang sipag mo naman, ilan ba anak mo?" I joked.
"Isa."
I swallowed. Hindi naman kasi sinasagot dapat ang joke na yun, eh! Ngayon, hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Buti nalang at nakalabas na din si Yari sa bahay nila kasama ang Lolo niya. Lumapit kaagad si Enrique at may ipinakitang maliit na notebook. Nag-usap muna sila sandali bago tumango ang Lolo ni Yari at nagsimula na ang pag-didiskarga ng mga sako ng bigas.
"Ang sipag, ah? Hindi ko alam na nagp-part time din pala siya sa supplier namin." Bulong ni Yari sa tabi ko habang nanunuod kami sa kanila. Tatlo silang lahat kasama ang driver pero sa dami ng bubuhatin nila, alam kong matatagalan sila dito.
"Tangina talaga ni Karlo, ito ba yung sinasabi niya kanina?" Bulong ko.
"Na ano?"
Umiling lang ako at hindi na sinagot ang kaibigan. Noong pumayag ako na dalhin ni Enrique sa bahay nila si Chuchay, kapakanan lang ng aso ang iniisip ko. Ngayon, nanganganib na din ang sarili kong kapakanan dahil pakiramdam ko ay magkaka-crush ako sa lalaking ito kapag palagi ko siyang nakikita.
Wala ba 'tong girlfriend? Nang matigil na ang kahibangan ko?
"Tanong mo nga sa kaniya kung may girlfriend siya..." siniko ko si Yari.
"Huh?! Bakit ako? Wala naman akong gusto sa kaniya!"
"Shunga! Wala din akong gusto sa kaniya. Curious lang ako."
"Eh di ikaw magtanong! Ginawa mo pa akong ambassador."
"Nakakahiya."
"So anong tingin mo sa 'kin? Walang-hiya?"
Nagtalo pa kami ni Yari pero sa huli ay pumayag din ito. Hindi niya ako matiis, eh! Ibinalik ko ang tingin kay Enrique. Tumutulo na ang pawis niya dahil tirik na tirik ang araw. Naka-itim siyang t-shirt pero bakat na bakat naman ang maskuladong katawan niya sa damit. I took a deep breath.
Diyos ko, ilayo mo po ako sa tukso. Amen.
Dahil malapit na ding mag-tanghali-an ay sinagot na ng Lolo ni Yari ang pagkain nila. Naglabas sila ng maliit na plastic table at inilagay ang in-order na pagkain para sa kanila. Dahil kapos sa upuan ay iyong driver lang na may katandaan ang nakaupo habang yung dalawa ay nakatayo habang kumakain.
"Parang nakiki-birthday lang," komento ni Yari habang inaayos ang baso na ibibigay sa kanila. Siniko ko kaagad siya.
"Itanong mo, ha?" Pahabol ko pa.
Yari sighed and went to them. Hindi ko marinig ang usapan nila dahil malayo naman ako kaya pasimple lang akong nanuod. She's talking to Enrique while he's drinking his water. Kita ko kaagad ang pag-iling ng lalaki. She turned to me and gave me a thumbs up. Sumunod ang tingin ni Enrique sa akin at nakita pa ako!
Gusto kong batuhin si Yari ng ballpen dahil sa ginawa niya! Malamang, ngayon ay alam na ni Enrique na ako ang nagpapatanong! Nakakahiya!
"Wala daw siyang girlfriend," masaya niyang balita nang makabalik sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Oo, alam ko. Kulang nalang ipagsigawan mo sa buong mundo, eh."
"'Nong gagawin ko?" Depensa naman niya. "Baka isipin niya na interesado ako sa kaniya kung hindi ko yun ginawa!"
"Akala ko pa naman kaibigan kita..." bulong-bulong ko.
"Kaibigan mo naman talaga ako. In-inform ko din siya na wala kang boyfriend, ang favorite color mo ay blue, at allergic ka sa mani."
"Yari!"
She laughed but I think she's serious. I grunted. Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang lalaking iyon dahil sa ginagawa ng magkapatid sa akin. Mukhang pinagtutulungan ako, eh!
Naka-ilang beses pa akong pinagbantay ni Karlo sa tindahan nila hanggang sa matapos ang bakasyon. Sabay ulit kaming lahat na nag-enroll para magka-klase pa rin kami. Bumili na din ako ng bagong ID sling para sa panibagong school year.
"Hindi kayo nagkita ni Enrique noong bakasyon?" Pabulong na tanong ni Yari sa akin. Bigla nalang niya akong tinabihan habang kumakain kami ng kwek-kwek sa labas.
I shook my head. "Hindi."
"Ehh, bakit?"
"Hindi ko alam. Siguro dahil sa ginawa mo? Akala siguro ng lalaki baliw ako sa kaniya." I glared at her.
"Huh? Wala naman akong ginawa! Pinapalakas nga kita sa kaniya, eh!"
"Sinong nagpapalakas?!"
Napamura ako nang bigla nalang kaming akbayan ni Ivo. Ang bigat-bigat ng kamay niya! Dalawa kaming nag-reklamo ni Yari pero hindi naman niya kami pinapansin.
"Sinong nagpapalakas? Kayo ha, may secret kayong dalawa 'no?!"
"Wala! Alis ka nga, baho ng mukha mo!" Si Yari.
"Bakit kami pinagt-tripan mo? Wala ba si Raya?"
"Ah, kausap pa ni Lenard sa loob." Inalis niya ang kamay at kinuha ang stick ko nang hindi nagpapaalam sa akin. Tinusok niya ang pipino at kinain.
"You're welcome, ah?" Sarkastiko kong wika sa kaniya.
Nginisihan lang ako ni Ivo kaya napailing ako. Nang makahabol na si Raya sa grupo namin ay saka pa kami umalis ng eskwelahan. Namasyal pa sila sa freedom park pero hindi na ako nakasama dahil day off ni Tita ngayon at ibibili niya ako ng mga bagong gamit sa eskwelahan kaya nagmamadali na akong umuwi.
May program kami sa first day of school kaya natagalan sa flag ceremony. Winelcome ng principal namin ang mga first year at nagbigay naman ng mga motivational words para sa graduating na fourth years. Nasa bandang likuran ako sa linya kasama si Yari.
Nag-exercise din kami bago bumalik sa classroom namin. As usual, Celeste and her dance group led the zumba. Hindi naman kami magaling sumayaw ni Yari kaya pinagt-tripan lang namin ang mga dance moves ni Celeste. I heard zumba can really help in losing weight so I tried to take it seriously.
"Alam mo ba kung sinong classmate natin ngayon?" Isinukbit ni Yari ang kamay niya sa akin.
"Huwag mong sabihing si Karlo dahil iuuntog ko talaga ang ulo ko sa pader," I scoffed.
"Hindi, Hindi siya ang tinutukoy ko..." she grinned.
I frowned at her. "Pinagsasabi mo? Tsaka, bakit mo alam? Nakita mo na ba ang master's list?"
She nodded. "Nauna ako sa school kanina. Classmate natin ang bebe mo! Si Enrique!"
Tinakpan ko kaagad ang bunganga ni Yari dahil napaka-ingay niya. Kulang nalang ay i-anunsiyo niya sa buong paaralan!
"Tumigil ka nga..." pinandilatan ko siya ng mga mata. "Eh ano naman kung classmate natin siya?"
"It means may pag-asa nang umusbong ang naudlot na love story ninyo noong summer."
I made a disgusted face to Yari. "Dati ka bang baliw?"
She just laughed hysterically. "Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam ni Celeste kapag shini-ship niya si Raya at Ivo."
"Ugh." I grunted and walked faster to the classroom. Napabuntong-hininga ako nang makita si Enrique sa labas ng classroom namin, hinahanap ang pangalan niya sa master's list.
"Hi, Enrique!" Yari beamed upon seeing him. Hinila niya ako palapit sa kaniya.
"Classmate pala tayo, huh?"
Enrique nodded and turned to me. "Hihingin ko sana ang number mo."
"Huh?"
Yari shrieked in delight. Kaagad ko siyang hinampas dahil nagtitinginan ang iba naming classmate sa amin.
"Number mo," pag-uulit ni Enrique habang nilalabas ang cellphone niya. "Hindi kita ma-kontak noong bakasyon. Hindi mo man lang nakita si Chuchay."
"Sige, iwan ko muna ang mga parents dito..." Yari said sheepishly and went inside the classroom.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. I cleared my throat and pulled my phone out. Pink pa ang gamit kong case dahil cute daw yun sabi ni Tita. When Enrique turned his phone, I caught glimpse of his wallpaper.
Si Chuchay.
"Uhm, pwede bang pa-send na din ng mga pictures niya? Feeling ko ang sama-sama kong ina, ni wala man lang akong bagong pictures ni Chuchay. Kailan ka ba free? Gusto ko na siyang makita ulit..."
"Magti-text ako."
I nodded and gave him my number. He thanked me and went inside the classroom. I composed myself first before going after him. Naupo kaagad ako sa tabi ni Yari dahil wala pa namang seating arrangement.
"Anong balita, beh? May date na ba?"
Inirapan ko ang kaibigan. "Hindi naman yun date."
"Sus! Denial ka pa. Hanggang kailan niyo ba itatago 'to? Kating-kati na akong i-tsismis kayo kina Celeste at Lulu..."
"Wala kang dapat i-tsismis dahil wala namang kami." I said sternly.
Nag-angat ako ng tingin nang pumasok ang isa pa naming classmate na babae. I heard some noise from the boys at the back. Siya yung pinakamaganda sa batch namin at palagi naming pambato pagdating sa mga pageant. Classmate din pala namin siya?
Mukhang wala siyang kaibigan o kakilala dito kaya naghanap nalang siya ng bakanteng upuan. Nagpunta siya sa likuran at tumabi kay Enrique.
"Omg! May bago atang couple dito sa classroom natin!" Kinikilig na wika ng katabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Omg din! Walang couple-couple dito sa classroom natin!" Pambubuska ni Yari.
My classmate made a face. "Whatever. Bagay sila. Pogi at maganda."
"Mas bagay sila—"
Tinakpan ko kaagad ang bunganga ni Yari dahil baka kung ano pang sabihin niya. Alam ko na kaagad na tutuksuhin ang dalawa dahil totoo naman... maganda at gwapo sila. Bagay na bagay. Ayokong ma-link kay Enrique dahil alam kong ikukumpara lang ako ng mga 'to sa kaniya.
Mabuti na din itong ganito. Kapag nagkaroon na siya ng girlfriend, hindi ko na siya magiging crush.
I took a deep breath and tried to focus on our class instead. Palagi kong inuulit sa isip ko na kaya ko lang naman nakakausap si Enrique ay dahil kay Chuchay. If it weren't for her, I doubt he'll talk to me.
Sirang-sira na ang confidence ko sa pambubully sa akin noong elementary pa lang ako. Ngayon lang ako natutong makipagkaibigan at alam kong higit pa ang ibinigay sa akin kaya dapat ay hindi na ako mangarap ng iba pa.
Pumasok na din ang adviser namin kinalaunan. She let us introduce ourselves to everyone and tell them about our dream. Ako na walang pangarap, sinabi ko nalang ang unang pumasok sa isipan ko.
"Pangarap kong maging nurse."
Ni hindi ko lumingon sa likuran dahil natatakot akong baka nakatingin ulit si Enrique sa akin. Our adviser nodded and praised me for wanting to serve the country. I tried not to make a face. Kung magiging nurse man ako, malamang aalis ako sa bansang ito! Ang baba kaya ng sahod!
Nag-file ulit ako ng form para makatakbo sa eleksyon ngayong taon. Kailangan kong libangin ang sarili sa student council para hindi na sumakit ang ulo ko kakapili ng club dahil para lang naman yun sa mga may talento. Wala akong kahit anong talent o pangarap sa buhay.
Tumambay muna kami sa isawan pagkatapos ng klase. Nag-meeting lang kami saglit sa student council para sa mga activities ngayong buwan.
"Ano yan?" Kumunot ang noo ko nang makitang may dala-dalang surf board si Ivo.
"Mags-surf ako mamaya."
"Dinala mo dito sa school? San mo iniwan?"
"Kay Manong Guard. Tropa ko yun, eh."
"Hanep, ah? Ginawa mong baggage counter ang guard natin,"
Tinawanan lang ako ni Ivo. Napalingon ako sa formation ng mga ROTC officers sa field namin. I was expecting to see Enrique there because he was wearing his fatigue uniform on our last subject this afternoon. He is leading the formation and dismiss the other officers. Nakita kong kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at seryosong nagtitipa doon.
Mayamaya, nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa.
Kaagad ko itong inilabas. My heart jumped when I saw the text.
From: Tatay ni Chuchay
Libre ka ba mamaya?
Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatitig siya sa akin, hawak pa rin ang cellphone niya. Si Ivo naman, nagsasalita sa tabi ko pero wala na akong naiintindihan sa pinagsasabi niya. I bit my lower lip and looked down at my phone again.
I sent him a text message. Tiningnan ko siya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. He smiled when he saw the text. Napahawak ako kay Ivo dahil nanghihina ang tuhod ko.
"Ayos ka lang?"
"Ayos lang..." bulong ko, nakatingin pa rin kay Enrique.
He never replied to my text, but I could still see the hint of smile on his face while commanding his cadets.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro