Chapter 24
"Ivo, samahan mo 'ko. Kukunin natin si Chuchay..."
"Bakit ako?" Reklamo kaagad ng kaibigan. Sinamaan ko ito ng tingin kaya napabuntong-hininga ang lalaki at binitawan ang pang-wax sa board niya saka tumayo. "Ginagawa mo na akong bodyguard, ah."
Hindi ko siya pinansin. Simula nang umalis si Raya, kapansin-pansin ang pagiging matamlay nito. He wasn't there when we said our goodbyes to her but we all suspected that something happened before she left. Kung wala ay hindi naman magkakaganito ang kaibigan.
Kaya naman palitan ang pangangamusta namin dito. Palagi siyang kinukulit ni Celeste tuwing umuuwi dito sa La Union at si Lulu naman ay sinasama siya sa kung saan-saan para lang hindi ito magmukmok sa bahay.
Ngayong nagkita-kita ulit kami sa dagat, kanina pa siya nagwa-wax ng surf board niya at walang imik. Malaki naman ang alon pero wala itong ganang sumulong kaya inaabala nalang ang sarili sa paglilinis ng board kahit na wala naman itong dumi. Ayokong mas lalo siyang magmukmok kaya naisipan kong hatakin ito patungo sa bahay nila Enrique.
"Asan nga pala ang boyfriend mo? Hindi ba uso ang bakasyon sa PMA?"
I shook my head. He's supposed to be home two weeks ago but he's still in the academy for the summer training and various outdoor activities that the PMA planned for them. Sa susunod na pasukan ay magiging second-class cadet na siya.
"Baka sa katapusan pa siya makauwi." Hinila ko ang kamay ni Ivo para makatawid kami dahil tulala lang ito habang naglalakad. "Kumusta ka?"
For a moment, he was dozing off. I tugged at his shirt to get his attention. Doon pa lang siya napatingin sa akin.
"Huh? May sinasabi ka?"
"Kako, kumusta ka?"
He shrugged. "Eh."
I chuckled. "Down bad?"
"Down bad, Av. Down bad..." umiling-iling ang kaibigan.
Tinapik ko lang ang balikat niya. I do not need to tell him words. He knows exactly what I mean and knows that no matter what happens, I'll always be here for him. Hindi lang ako nasasanay na ganito siya katahimik pero hindi ko rin naman siya susukuan.
Nang makarating kami sa bahay nila Enrique, tanaw ko kaagad si Tita Judy sa bakuran nila. Little Marnie is almost three years old already. She's super energetic around her growing sisters. Napakadaldal din nito kaya naaliw ako sa tuwing nakikita ko ang bata kapag bumibisita sa bahay nila.
"Magandang hapon po, Tita," bati ko sa kaniya nang makarating kami.
She frowned upon seeing me. I ignored the stung in my chest and pushed the gate open.
"Susunduin ko lang po sana si Chuchay," ani ko sabay sulyap sa dog house. Luma na ito at madumi. Walang tubig ang bowl ni Chuchay at ang mga dumi nito ay nakakalat lang sa baba. My heart broke at the sight. She's slowly looking like when I first met her as a stray dog in the cemetery.
Hindi siya umimik at pinanuod lang kaming lumapit sa aso. Chuchay seemed scared at first, as if she didn't recognize me. Nang maamoy ako ay saka lamang ito tumayo at iika-ikang lumapit sa akin.
"Anong nangyari?" Narinig kong bulong ni Ivo sa akin.
By then, my heart is breaking into a million pieces. Nakita ko agad ang naiwang mga buto-buto sa bowl niya. Kaagad kong nilingon ang Nanay ni Enrique.
"Uh, Tita... hindi po pinapakain ng buto si Chuchay. Nakakahirin po ang mga buto sa aso."
She rolled her eyes at me. "Bakit ba nakikialam ka kung anong pinapakain ko sa aso na yan? Nagbibigay ka ba ng pera? Buti nga pinapakain ko pa yan, eh!"
Both of us were startled at the sharpness of her voice. Nakalimutan kong hindi nga pala ako gusto ng Nanay ni Enrique. Nahihiya akong bumaling kay Ivo. He looked mad and ready to protest but I shook my head firmly.
"S-Sorry po, Tita. Magbibigay nalang po ako ng allowance para sa dog food niya sana..."
"Bibigyan mo pa ako ng trabaho? Aba, dinaig mo pa ako, ah! Katulong mo ba ako?"
I lowered my gaze to the ground. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Pansin ko na noon pa ang tuluyang pangangayayat ni Chuchay simula nang pumasok sa PMA si Enrique.
I can't blame his mother for this. Hindi niya naman talaga responsibilidad ang aso. At sa mga oras na iyon, kapapanganak niya pa lang at nag-aalaga pa ng kambal. I really can't expect her to shoulder the responsibilities of taking care of a dog. Especially with Chuchay who had a traumatic past.
"Hindi ko talaga alam kung anong nakita ng anak ko sa aso na yan, eh!" She let out an irritated sigh. "Hay, kabwisit! Buti sana kung may breed yan!"
I bit my lower lips as tears welled in my eyes. Alam kong hindi naiintindihan ni Chuchay ang sinasabi ni Tita Judy ngayon pero ramdam naman nito ang matinding emosyon ng babae. She whimpered and cowered behind me, as if she's afraid she's going to be striked at any given moment.
"Pasensiya na po talaga sa abala, Tita..."
She cast a downsided glance at me. "Hindi ko rin alam kung anong nakita ng anak ko sa'yo..." bulong niya pero nahagip pa rin iyon ng pandinig ko.
Mapait akong ngumiti. Ni hindi ko magawang lingunin si Ivo dahil hiyang-hiya ako. I don't want him to see me like this.
"Alam mo, mabuti pa kunin mo nalang ang aso na yan! Alam mo bang ang dami-dami ko pang gawain dito sa bahay?! Tapos baka makagat pa n'yan ang mga anak ko." She shook her head firmly.
My heart started constricting in fear. I swallowed hard. "Bawal po kasi ang aso sa dorm namin," pagrarason ko.
"Aba, eh hindi ko na problema yan! Kunin mo yan dito ngayong linggo kung ayaw mong ipa-dog pound ko yan!"
And with that, she slammed the door before us. Tahimik kaming dalawa ni Ivo. Chuchay is still shaking. I gently patted her head to assure her that she's going to be fine.
"Sa amin nalang siya, Avery..." alok ni Ivo. "Pwede ko siyang alagaan sa bahay. Kami lang naman ni Lola..."
Kaagad akong umiling. "Hindi. Ako ang mag-aalaga sa kaniya. Aso ko siya." I took a deep breath and stared at her again, wondering when she'd last eaten properly. The glow in her eyes faded and there's an air of sickness lingering around her. "Kailangan ko lang maghanap ng malilipatan."
Ivo nodded in understanding. He allowed Chuchay to lick him before gently picking up the dog. Gusto ko pa sanang magpaalam kay Tita Judy kaso mukhang wala na ito sa mood para makipag-usap sa akin. I pulled out my phone instead to send her a text message.
To: Tita Judy
Tita, aalis na po kami. Salamat po sa pag-aalaga kay Chuchay at pasensiya na po talaga sa abala.
Ibinalik ko ang phone sa bulsa at isinara nang maayos ang gate bago kami tuluyang umalis ni Ivo. I didn't expect her to reply. She never did. Kahit minsan ay hindi nito itinago ang iritasyon sa akin kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na maski sa text ay ayaw niyang makarinig ng kahit na ano galing sa akin.
"Hindi ba kayo bati ng Nanay ni Enrique?" Tanong ni Ivo sa akin kalaunan habang naglalakad kami pabalik sa beach resort.
Marahan akong umiling. "Ayaw niya sa akin, eh..." mapait kong wika.
He frowned. "Kahit na ayaw sa'yo ng tao, hindi pa rin makatarungan ang pagsasalita niya sa'yo. Hindi ko nagugustuhan na ginaganun ang kaibigan ko..."
Hindi nalang ako nagsalita. I've received more hurtful words from her, especially when she's in a bad mood. In the years that I've been with Enrique, I've tried so hard to break the barriers between me and his mother but it was just a huge failure. Kahit ngayon ay estranghero pa rin ang trato niya sa akin at natatakot akong baka maging ganun pa rin ako sa kaniya pagdating ng panahon.
Pinakain ko si Chuchay pagdating sa resort. She wolfed down the dog food I gave her. Nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa tadyang niya at maliliit na sugat sa mga paa. Pati sa leeg niya ay may marka na din galing sa lubid na ipinangtali sa kaniya para hindi ito makalabas ng bahay.
I knew I couldn't return her to that place. I just can't. Punong-puno na sa akin si Tita Judy at baka kung ano na naman ang masabi niya kapag nakita niya ako mamayang isasauli ulit si Chuchay.
For now, I'll talk to my aunt and let her stay in the boarding house while I look for a new place to move. Alam kong hindi naman siya sasaktan ni Tita at aalagaan nang maayos pero nag-guilty na ako na ipapasa ko na naman sa iba ang responsibilidad ko sa kaniya.
"Gusto mong paliguan natin?" Alok ni Lulu nang makita akong nanunuod sa aso habang umiinom ito ng tubig. "Hi, Chuchay!" She beamed when the dog turned to us. She happily wagged her tail but didn't move much.
"Hindi na muna. Dadalhin ko siya sa vet, mukhang may iniinda kasi, eh. Baka bawal paliguan..."
She nodded in understanding. My friends commented on her weight and the small wounds she got but no one said a word about Enrique's mother. Alam kong nagpipigil lang sila dahil hindi naman nila kilala ang tao.
Pagbalik ko ng Maynila ay paghahanap kaagad ng malilipatang apartment ang inatupag ko. Imbes na mag-enroll ay kung inisa-isa kong bisitahin ang mga bakanteng apartment na nakita sa internet o ni-refer ng mga classmate ko.
"May aso po ako..."
"Ay, aso? No pets allowed dito!"
Ilang beses na akong napagalitan ng may-ari dahil hindi raw sila tumatanggap ng mga aso o alagang hayop. May iba namang pet-friendly apartment na tinatanong kung anong breed o gaano kalaki ang asong dadalhin.
"Aspin po sana..."
"Malaki yan, hija. Hindi pwede dito sa apartment namin..."
I was so tired and unproductive that day. Pagod akong umuwi sa dorm at nagbihis. I only have two weeks left here. Sinabihan ko na ang landlady namin na hindi ko ire-renew ang lease contract. Wala naman iyong problema sa kaniya dahil marami namang naka-abang dito at naghihintay na mabakante. For students studying in La Salle, this dormitory is the perfect place. For a while, it was perfect for me too... but not anymore.
"Avery? Kinuha mo daw si Chuchay sa bahay?"
I bit my lower lip when Enrique randomly made a phone call to me. Paalis na sana ako para kitain ang may-ari ng apartment na nakita ko malapit sa Quezon City Hall. Alam kong medyo malayo na ito sa campus pero gusto ko pa ring puntahan at baka sakaling okay lang sa kanila na may alaga akong aso.
"Oo, eh... miss na miss ko na kasi..."
Pinigilan ko ang sarili sa pagbuntong-hininga. I don't have the heart to tell him about his mother. He just loves her so much. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag narinig niya 'to mula sa akin.
"Ganun ba? Tinawagan ko kasi si Mama kanina. Bigla mo nalang daw kinuha si Chuchay sa bahay..."
Good thing he doesn't have any privilege to come home right now. I have to nurse Chuchay back to life so that he will never know what happened to her. Ayokong makita niya ulit ang aso sa ganoong kalagayan... noong una namin siyang nakilala sa sementeryo. Knowing how much he loves the dog, I'm sure it would break his heart, too.
"Lilipat na din ako ng apartment. Gusto ko sanang makasama si Chuchay."
He sighed on the other line. "Dapat tinutulungan kita sa mga bagay na yan..."
"Okay lang, 'no! May mga lalaki naman akong kaibigan. I could always ask for help."
"But still..."
I could hear the desperation and frustration in his voice. Ilang birthday na ba ng mga kapatid niya ang hindi niya napuntahan? Maski sa sarili kong kaarawan ay wala din siya. We even stopped celebrating monthsaries because we couldn't be together at that time and looked forward to anniversaries instead. But I have a sinking feeling that there would be anniversaries in the future that he would inevitably miss.
After a brief talk with him, I commuted to Quezon. Gated at malaki ang apartment kaya naman nagtataka ako kung bakit walong libong piso lang ang renta na hinihingi ng matanda. Nang makapasok ako sa loob, saka ko lang napagtanto na mukhang ilang taon na pala itong nabakante.
The white paint is peeling all over. Even the hardwood floors looked like they haven't been mopped in years. There were empty plant pots strewn across the floor and a broken window. Lagpas na ito sa budget ko pero nang tanungin ko siya tungkol sa aso ay ngumiti lang ito sa akin.
"Kahit isang dosenang aso pa ang dalhin mo dito, ineng, basta responsable ka namang amo... walang problema 'yan!"
The place was too big for me, but I didn't mind it. Dalawa ang kwarto sa loob. Wala naman akong masyadong gamit kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko sa isa. Ang importante lang sa akin ngayon ay sa wakas, nakahanap na rin ako ng lugar kung saan pwede si Chuchay.
"Ayos ba ang nakita mong apartment? Malaki?" Tanong sa akin ni Tita nang ibalita ko sa kaniya ang tungkol sa paglipat sa susunod na linggo.
"Malaki naman po, Tita. Pwedeng-pwede kami ni Chuchay dito."
"Eh ang renta?"
I bit my lower lip. Napag-isipan ko na din ito. Apat na libo lang ang renta ko sa dormitory noon at nakakahiya kung hihingin ko pa sa kaniya ang natitirang apat na libo kaya nagsinungaling nalang din ako.
"Apat na libo pa rin po, Tita..."
"Wow! Jackpot ka, ah?" Tuwang-tuwa nitong wika.
As soon as the call ended, I worked on my papers and enrolled for this academic year. Hindi na ako sumabay sa mga kaklase ko na kakain sa labas pagkatapos. I decided to get a job while studying to sustain both our needs this year. Hindi pupuwedeng iaasa ko lang kay Tita ang lahat.
"Do you have any experience in call center?"
Umiling ako sa tanong ng recruiter sa akin. "No, Ma'am. But I'm willing to learn the ropes of this industry..."
"Uh-huh. Working student?"
Tumango ulit ako. It's better to be honest about this.
"Well, you have to submit your schedule to us. Working students are always welcome to work here, and we make adjustments every now and then."
"Thank you so much, Ma'am!"
By the time I got back to the dorm, I collapsed on my bunk bed. Sobrang pagod ng katawan ko kaya nakatulog kaagad ako. Gayon na lamang ang panlulumo ko nang makitang tumawag pala si Enrique sa akin kagabi habang tulog na tulog ako. Binuksan ko ang mga text message niya.
From: Tatay ni Chuchay
20 mins lang ang phone priv ko. Can I call you?
From: Tatay ni Chuchay
You're not answering. Hindi ka pa ba tapos sa enrollment?
From: Tatay ni Chuchay
You must be tired. Get enough sleep and eat properly, Avery. I haven't seen you in months and I miss you so much.
I wanted to cry in frustration but I had to brush it off because I'm busy once again. Kailangan ko pang kunin ang schedule ko at ipasa sa pagtatrabahuan ko. Ngayon din ang unang araw ng training at graveyard shift pa kaya kailangan kong makaidlip mamaya bago pumunta sa site.
Unang araw ko pa lang sa trabaho, napagalitan na kaagad ako nang makitang paidlip-idlip ako sa harap ng computer. I tried to stay up but I had a hard time doing so. Hindi ako sanay na nagpupuyat. I even downed three energy drinks earlier just to keep myself awake.
"Remember, there are some irate clients every now and then. We have a script to handle that you need to execute first before forwarding the call to your supervisor..."
I took out my phone and clicked the power button. Tumambad sa akin ang wallpaper na picture naming dalawa ni Enrique sa PMA. It was the day of his oath-taking. His mud-soaked shirt and shaved head tugged something in me. He's been working so hard all these years, why couldn't I do the same? Kung tutuusin, temporary lang naman ang sakripisyo na ito. Kapag gumraduate na ako, pwede na akong umuwi ng La Union at iwanan ang trabahong ito...
"Perez, wake up!"
I jolted out of my sleep and came face to face with my angry professor. Nakatingin na din lahat ng mga kaklase ko sa akin. For a moment, my brain lagged and wondered where the hell am I. Saka ko lang napagtanto na maski petsa ay hindi ko na matandaan sa sobrang pagod.
"You're always sleeping in my class! This is Clinical Psychology, hindi ito tinutulugan lang!"
"I'm so sorry, Ma'am..."
"Get out of my classroom!"
Pagod kong kinuha ang bag mula sa desk at tahimik na lumabas ng classroom. Hindi rin naman ako para makipagtalo pa sa professor namin. She's right. I've been sleeping in her classes lately. Nakakabastos iyon.
Pero hindi ko rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. I never thought it would be this hard. Dahil kulang na kulang sa tulog, halos hindi na gumagana nang maayos ang utak ko. I have lost my sense of time and essence. All I could think about is the weekend, where I can sleep all day in the dorm. Pero ngayong linggo din ako lilipat ng apartment kaya alam kong hindi ko magagawa iyon.
Ang hirap pala ng buhay... bakit pa ginusto ng batang Avery na tumanda noon? If I had known it would be this hard...
I quickly shook the thoughts away. I don't have the right to complain that this life is hard because I made my own decisions. I have responsibilities now. Kahit napapagod, hindi ako pwedeng sumuko.
All of my friends showed up on the day I moved out. I am supposed to be excited because I'll be getting my new place but all I could feel is tiredness that's drilling my body down to my bones. I have relief patches all over my body and even drank a can of energy drink first thing in the morning just to keep myself functioning.
Pagod na pagod ako... kaya naman nang tinanong ako ni Lulu kung okay lang ako, hindi ko na napigilang umiyak.
"What's wrong, Avery?" Her face dimmed with concern as she held my shoulders. Rinig na rinig ko ang ingay ng mga kaibigan sa loob habang naglilinis. Kaming dalawa naman ang nakatokang bumili ng softdrinks at tinapay pero mukhang made-delay pa ata ito.
"Pagod lang ako..." hikbi ko.
"Do you want to talk about it? Hayaan mo na ang softdrinks nila! Makikinig ako..."
I took a deep breath as she guided me to a wooden bench outside the apartment. I didn't want her to worry about me, but I found myself ranting and letting it all out. Mula sa pagmamaltrato ni Tita Judy kay Chuchay, ang paghahanap ko ng apartment, ang dobleng renta, ang bago kong trabaho, at ang paghihirap kong ipagsabay ito sa pag-aaral. I was so worn out...
"Avery..." Lulu reached for my hand and gave it a gentle squeeze. "I'll move in with you. I'll pay half the rent. I'll be your roommate!"
Through my tears, I stared at Lulu in shock.
"Huh?"
She smiled at me. "I'll be your roommate, Avery. Hindi mo na kailangang magtrabaho para sa dagdag na renta. Or you can find a part-time job instead. Not this one... it will kill you."
"Pero Lulu..." mahina akong umiling. "You loved your condo so much. It's your safe space..."
"I love you more than my safe space, Avery." She said gently. "I'm willing to give it up. Besides, who says I can't make this apartment as cozy as my condo? Baka nga mas maganda pa!"
Instead of jumping in joy, I continued to stare at her while my tears kept sliding down my face. Lulu gave me a reassuring smile and pulled me into a hug.
"Everything's going to be fine, Avery. I'm here. I'll never abandon you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro