Chapter 23
"That bad, huh?"
I sighed and entered Lulu's condo. Nang makauwi ako ng La Union, medyo nahimashimasan na ako. Kaya lang, pagdating ko sa boarding house ay nakita ko si Tita at si Ron na nagtatawanan sa kusina.
I didn't want Tita to send him away just to comfort me. I know she'll insist once she sees my face. Hindi na ako nag-atubiling sumakay ulit ng bus patungong Maynila. The silence of the dorm was frightening. Umuwi ang dalawa kong roommates kaya solo ko ito kaso... mababaliw yata ako.
Good thing Lulu called me.
"Anong gusto mo? Juice? Kape?" Tanong niya sa akin nang makaupo ako sa couch niya.
"Tubig nalang..." I whispered. My throat feels dry and hollow. Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko pero hindi ko na ito pinansin. Alam kong siya lang din naman ang tumatawag sa akin. Tumigil lang iyon pagsapit ng alas tres ng hapon. Ibig sabihin ay pinabalik na sila ng academy.
I could hear Lulu making noises in the kitchen. Tubig lang naman ang sinabi ko pero bumalik itong may bitbit na tray. She placed the tray gently on the coffee table. Bukod sa tubig, may maliit na platito ng cookies atsaka mainit na gatas.
"Cheer up. This is my comfort food..."
Nag-aalangan akong tumingin sa kaibigan.
She laughed when she saw my face. "Don't worry. Hindi ko niluto yan."
Tumango lang ako at kumuha ng isa. Matamlay akong kumain habang nakatingin sa sun catcher niyang sumasayaw sa hangin.
"We can watch movies if you want. Just to distract yourself for a bit."
Tango lang ulit ang isinagot ko. The cookies are surprisingly good. Kumuha pa ulit ako ng isa bago uminom ng tubig. Si Lulu naman, in-on ang flatscreen TV niya at naghanap ng mapapanuod habang nakapamaywang.
"Wala ka bang gagawin ngayon? Baka nakaka-disturbo ako..." nahihiya kong wika sa babae.
She turned to me. "Wala naman. Nag-rearrange lang ako ng bedroom kanina. Gusto ko sanang gumala kaso nakakatamad ang sobrang init. I'm glad you're here."
I gave her a small smile. I was so relieved that she didn't ask questions right away and allowed me to be lost in my own space. Sometimes, all I need is to know someone's here for me without even telling that person my problems.
Tahimik kaming nanuod ng Kung Fu Panda sa living room ni Lulu. The show was funny, and soon enough, I found myself laughing every now and then. Nakahiga si Lulu sa kabilang sofa habang ako naman ay nakayakap sa isang throw pillow niya.
"Ganun ba talaga sa loob?"
"Ano?"
"Nagkakasakitan ang mga cadets..."
She shrugged. "It's a long-standing culture, Avery. After all, they're trained to kill enemies."
I swallowed hard. "Pero hindi pa rin tama yun..."
"Alam ko. Alam din nila yun. May batas naman pero parang wala pa ring ginagawa ang nasa taas. Patibayan nalang talaga ng loob kapag nandun ka."
Tumahimik ako. Lulu turned her full attention to me.
"Si Enrique din ba?"
I slowly nodded. I could feel the physical pain of his bruises and cuts when I saw it. Hindi iyon gawa ng isang suntok lang. Sa laki ng mga pasa niya, impossibleng kamao ang may gawa nun. Was he stomped? Hit? Hindi ko alam...
Lulu sighed and went to me. She engulfed me in a hug and I just cried silently like a baby.
"I'm sorry it has to happen to him, Avery..." she murmured. "I wish I didn't have to normalize their behavior but my father went through the same hell, too. His father is a retired general and he became a target of his seniors. Buti nalang hindi niya iyon ginawa sa sariling plebe niya. He doesn't believe in unnecessary violence, even when you're a soldier."
Para akong batang nagsusumbong sa kaniya nang sabihin kong ayaw ipaalam ni Enrique sa akin ang rason kung bakit nagalit ang senior niya. Lulu listened to me silently until I calmed down.
"You should talk... kapag kalmado ka na, kapag hindi ka na galit, kapag malinaw na ang nasa isipan mo. But right now, just let it all out... I'm also frustrated but then again, I'm only hearing your side of the story. He deserves to be heard, too."
Tumango ako at pinalis ang mga luha. Sa sobrang pagod ay doon na ako nakatulog sa condo niya. Nag-order lang kami ng pagkain kinagabihan. Nag-text na rin ako kay Tita para ipaalam na hindi na ako uuwi sa La Union at didiretso ng Maynila gayong narito na ako. I don't want her to know that we're having problems... silly problems. Gaya nga ng sabi ni lulu, pag-uusap lang ang solusyon rito.
From: Tatay ni Chuchay
Nakauwi ka na ba sa La Union? At least let me know if you're safe and home.
From: Tatay ni Chuchay
Gusto kong tawagan ang Tita mo para malaman kung nakauwi ka na pero baka magtaka siya. Please reply to me, Avery. If you hate me right now, even a period will do. I will understand.
From: Tatay ni Chuchay
Malapit na kaming pabalikin sa loob. I still don't know if you're home or not...
From: Tatay ni Chuchay
I have to surrender my phone now, Avery. I know you're still mad at me. I'm sorry. I want to talk to you. But if you want some space, I'll give it to you. We will be busy with activities and I'm not sure when I'll get the chance to use my phone again. I'm sorry, Avery. I'm really sorry. I love you.
Binasa ko nang paulit-ulit ang text niya hanggang sa makatulog. Wala rin namang kwenta kung magre-reply pa ako dahil hindi niya mababasa. Who knows when they're allowed to use their phone again?
Nagpaalam na ako kay Lulu kinaumagahan. Kaagad akong bumalik sa dorm para maghanda sa susunod kong klase. I occupied myself with school works and even tried to volunteer in student council activities para lang mawala sa isipan ko ang pag-aaway namin at paanong kailangan ko pang magtiis ng ilang buwan bago ko siya makausap ulit.
Maya't maya pa rin ang pagsilip ko sa cellphone pero nadidismaya lang ako kapag nakikita kong walang bagong text o tawag mula sa kaniya. I still feel guilty about not letting him know that I got home safely that day.
"Ayaw mong sumama sa 'min, Avery?"
Umiling ako habang inilalagay ang mga libro sa bag. "Uuwi ako ng La Union..."
"Uwing-uwi ka na talaga, beh?" Humalakhak pa ito. "Napakasipag mong umuwi sa inyo, ah!"
Ngumiti lang ako. Katatapos lang ng exam namin sa Theories of Personality at ito na din ang huling araw ng examinations kaya naman nagc-celebrate ang mga kaklase ko. I was also worn out because of the non-stop activities and homeworks even during the exam week.
At tama nga siya, uwing-uwi na ako sa La Union...
Habang nasa bus ay inilabas ko ulit ang cellphone ko. Naisaulo ko na ata bawat letra ng huling text ni Enrique sa akin. That was almost three months ago. I was living in agony all this time. Hindi ko inaasahang aabot ng ganito katagal ang away namin. By now, my anger had already subsided. I'm ready to listen to what he has to say. I'll forgive him no matter what. I'm sure of it. I just needed to hear from him.
My phone suddenly started ringing in my lap. Napatalon ako sa gulat at kaba pero napalitan din iyon ng dismaya dahil ibang pangalan ang lumitaw sa screen ko.
"Ano? Busy ako." Masungit kong sagot kay Ivo.
He laughed at the other line. "Sungit mo. Hindi mo ba ako nami-miss?"
"Hindi."
"Aray, Avery. Nakakasakit ka na, ah?"
I rolled my eyes. "Anong meron? Ba't ka napatawag?"
"Ah, yung yearbook niyo kasi available na... kinuha na nina Yari at Karlo iyong kanila. Nagtataka lang ako bakit nandito pa rin yung sa iyo..."
"Ba't mo alam? Nagpupunta ka pa rin sa St. Agnes?"
"Sinasamahan ko lang si Raya para sa recommendation letter niya..."
I bit my lower lip. One of the reasons why I'm feeling so down these days is because Raya finally decided to tell us that she's going to continue her studies in New York. Sasama silang magkakapatid sa Mama niya pagbalik.
I tried to ignore the sadness from the start. She's finally chasing her dreams. Ilang taon niya na ba itong inignora para sa pamilya niya? Ilang oportunidad na ba ang pinalampas niya para sa kanila? She deserves it...
But I still couldn't help but feel so devastated. Kapag nawala siya, hindi na kami mako-kompleto. The sadness that I felt when I graduated high school and has to leave La Union behind came rushing back to me.
Ito na naman ako, takot sa mga pagbabago...
"Kukunin ko nalang d'yan mamaya. Dadaanan ko."
"Oo ngapala, Avery, may itatanong ako sa'yo."
"Ano yun?" Kumunot ang noo ko dahil biglang nagbago ang tono ng boses nito.
"Mahirap ba ang LDR? LDR kayo ni Enrique, diba?"
Napailing ako. "Ba't mo tinatanong yan? May ka-LDR ka ba?"
"Wala, ah!" Tanggi niya kaagad. "Ano... uhm, curious lang ako."
"Talaga?"
"Oo! Madapa pa si Karlo!"
I laughed. "Huwag ka na, Ivo... ang hirap. Nasa Baguio lang naman siya pero parang hindi ko pa rin abot. Kung tutuusin, isang sakay lang ng bus, eh. Kaso hindi ko pa rin makausap. Para na akong mababaliw kakahintay kung kailan ko sya pwedeng kausapin ulit. Kapag may away, ang hirap resolbahin dahil hindi naman kayo magkasama dalawa palagi..."
He sighed. "Ganun ba yun?"
"Kailangan mo ng balde-baldeng pasensiya at pag-uunawa kung papasok ka sa ganitong relasyon."
"Weh? Parang di ka naman ganun..."
Kung narito lang si Ivo sa harapan ko ay baka nasapak ko na ang lalaki. But he has his own problems. Alam kong hindi ako ang pinaka-malulungkot kapag talagang nangibang-bansa si Raya...
Nilinis ko ang kwarto pagkarating sa boarding house. Pansin ko ding may bago nang umuupa sa dating bakanteng unit pero sabi nga ni Tita, kalahati nalang ng dating renta ang sinisingil niya para dito. Sila-sila nalang din ang nag-aayos doon dahil wala namang budget ang tiyahin sa ngayon.
I changed into a pair of sweat pants and an oversized cotton shirt to go for a jog. Na-miss ko ring mag-jogging sa palayan. Hindi naman ako makapag-jogging sa Maynila dahil mausok, makipot ang daanan, at maraming manyak sa kanto. Dito, malaya akong nakakatakbo para bakantehin ang utak ko.
"Avery, uwi ka agad, ah? Ipagluluto kita ng paborito mong sinigang," ani Tita habang pinapanuod akong mag-ayos ng sintas ng sapatos ko.
"Talaga? Gusto ko yung malapot ang sabaw, Tita, ah!"
She laughed and nodded her head. "Sige, huwag kang magpapagabi masyado sa labas."
I started jogging. Mabagal ang pace sa umpisa pero nang ma-regulate ang hininga ay binilisan ko na. The sun is slowly setting. Malamig din ang hanging nagmumula sa dagat. I closed my eyes and basked in the peacefulness of La Union. Kahit saan siguro ako mapadpad ay hahanap-hanapin ko 'to. Hindi ko maintindihan ang mga taong gustong-gustong magpunta sa Maynila dahil kung tutuusin, ang ganda-ganda naman rito. Malinis ang tubig, presko ang hangin, malapit sa dagat... hinding-hindi ka magsasawa sa lugar na ito.
May kung anong kumirot sa puso ko nang madaanan ko ang sementeryo. Without even thinking about it, my feet brought me to Enrique's house. Ilang beses na ba akong naduduwag magpunta dito dahil baka paalisin na naman ako ni Tita Judy? Kahit wala siyang sabihin ay alam kong naiinis talaga siya sa akin. Kahit anong gawin kong pagpapakumbaba, parang hindi niya pa rin tanggap na ako ang nobya ng anak niya.
"Ate ganda!"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong tawagin ni Leslie. Naglalaro ito sa labas ng bahay nila kaya agad akong lumapit.
"Ssh!" I placed my index finger on my lips. "Baka marinig tayo ng Mama mo..."
Humagikhik ito. "Hintay ka ni Chuchay, Ate..."
I nodded. Mukhang nasa loob ata ang dalawa niyang kapatid dahil bukas naman ang pinto at naririnig ko din ang boses ni Tita pati ang nakabukas na TV. I followed Leslie to the dog house.
Mukhang kakalinis lang nito dahil basa pa ang sahig pero mayroon namang nakaangat na foam para makatulog pa rin nang maayos ang aso. Her bowls were recently refilled, I guess. Kalahati lang ata ang nabawas dito. She weakly wagged her tail when she saw me.
My heart broke. Kaagad akong lumuhod sa harapan ng dog house at inabot si Chuchay.
"Ayos ka lang ba?"
"Miss ni Chuchay si Kuya, Ate..." pagsusumbong naman ni Leila. "Tampo yan kasi alis na naman si Kuya..."
"Na naman?" Napalingon ako kay Leslie.
She nodded. "Dito si Kuya kanina... tapos alis na naman..." she pouted. "Sad tuloy kami ni Chuchay..."
My heart started thumping inside my chest. Nakauwi ba siya? Bakit hindi siya tumawag?
Bigla akong natakot nang may mapagtanto. Three months is too long even for a patient man like him. Baka inisip niya... wala na kami! Kaagad akong tumayo at tinapunan ng tingin si Chuchay.
"Babalik ako dito bukas. May kailangan lang akong gawin," I assured her.
She went to sleep. Kahit labag sa loob ay umalis ako sa bahay nila at nagmamadaling bumalik sa boarding house. Hindi ko naman kasi dala ang cellphone sa mga oras na iyon. How will I ever contact him?
I kept running and didn't even stop when I felt my chest constricting. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kailangan ko siyang makausap kaagad. Halos madapa-dapa pa ako nang makarating sa boarding house pero tuluyan din akong napahinto nang makita ang pamilyar niyang bulto na nakaupo sa labas ng gate namin.
"Enrique..." tawag ko.
He quickly stood when he saw me. Mabibilis ang hakbang nito patungo sa akin. Tears flooded my eyes as soon as I saw him.
"I'm sorry. I was stupid to act that way! I didn't mean to—"
Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niya akong yakapin. Tuluyan na akong naiyak nang humigpit ang yakap niya sa akin na para bang mawawala ako anumang minuto.
"Hindi mo man lang pakikinggan ang paliwanag ko?" I croaked through my tears.
I felt his head move. "Wala kang dapat ipaliwanag. Ako ang may kasalanan." Bulong niya.
Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko at suminghap. We stayed like that for a few minutes before he slowly pulled away. His eyes shone from unshed tears. May kinuha ang lalaki mula sa bulsa ng suot na hoodie at iniabot ito sa akin.
"Ano 'to?"
I stared at the cadet in what seems to be a PMA graduation picture. He's wearing a service blouse with the PMA flag and Philippine flag in his background. Pamilyar ang ukit ng mukha nito sa akin pero hindi ko mapagtanto kung sino.
"Naalala mo ba ang Brigadier General na nag-speech sa Oath-Taking Ceremony namin?"
I nodded. Now that he mentioned it, this cadet looks utterly familiar...
"Siya ang tatay ko..."
Gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
"He's handling the Infantry Brigade Combat Team in Mindoro..."
"Hindi ko maintindihan..."
He took my hand gently and guided me to the wooden bench. Sumunod naman ako sa kaniya habang hawak pa rin ang litrato ng tatay niya.
"Hindi ko siya maipakilala sa iyo dahil hindi niya rin ako kinikilala bilang anak niya. He has a family. You can look it up."
Gumuhit ang sakit sa mukha niya habang nakatitig sa litrato. "Ako, ang mga kapatid ko... mga bastardo kami ni Papa. Kaya hindi niya kami pwedeng ipakilala sa publiko."
"Iyon ba ang rason kung bakit...?" I trailed off and glanced at his torso.
He shook his head. "Dala ko ang apelyido ni Mama, Avery. I have no middle name. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko dadalhin ang apelyido niya. Kaya walang nakakalam na anak ako ng isang Brigadier General." Tumawa ito nang sarkastiko sa huli.
"Enrique..." I reached for his hand and gave it a gentle squeeze. Alam kong isinumbat ko ito sa kaniya at sobrang nagsisisi ako ngayong narinig ko na ang kwento niya.
"I look up to him as a soldier, you know? When it comes to serving, he is selfless, dedicated, and a strong leader. He's one of the reasons why I joined the army. Pero pagdating sa pagiging ama..." he shook his head and sighed. "I'm sorry it took me so long to admit this. Hindi ko lang talaga alam kung papaano sabihin."
I quickly shook my head. "A-Ayos lang! Hindi mo naman kasi kasalanan..." I bit my lower lip, thinking of my own father. "I feel so bad about lashing out like that. I was so immature. Antagal pa nating hindi nakapag-usap..."
Enrique pulled me closer to him. Kung PDA man kami sa mga boarders ni Tita ay wala na itong pakialam. He rested his head on my shoulders.
"Alam ko... hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba 'to."
My eyes widened. Mahina kong hinampas ang hita nito. "Ano ka ba! Third-class ka na, eh! Ngayon mo pa ba susukuan ang pangarap mo? Mabilis nalang 'yang two years..."
"Hindi yan ang ibig kong sabihin, Avery."
"Ano?" Mahina kong tanong.
"Pagkatapos ng graduation, isang buwan lang ang magiging pahinga namin. Tapos Basic Officer Leader Course at Scout Ranger Orientation Course na. Deployment na kaagad sa susunod."
"Isang buwan...?" Iyon lang ata ang narinig ko sa lahat ng sinabi niya.
I heard him breathing painfully. "Oo, isang buwan lang. Kapag na-deploy kami, makakatawag lang ako sa iyo kapag may signal o authorized kaming gumamit ng cellphone. Pwede naman kitang padalhan ng sulat pero... hindi ko pwedeng sabihin sa iyo kung nasaan ako."
I bit my lower lip. Ngayon pa lang ay parang nanlulumo na ako. I would spend most of my days wondering where in the world he is, then?
"Pero sa Pilipinas ka lang din naman, diba?"
He shook his head. "I can't even tell you that..."
Natahimik kaming dalawa. Even our current setup is hard for me right now. Kahit alam ko kung nasaan siya ngayon, nahihirapan pa rin ako. Paano na sa susunod? Paano ako makakatulog nang maayos gayong hindi ko alam kung maayos at ligtas ba siya, kung saan man siya ma-deploy?
He spoke after a while, his voice low and full of sorrow.
"Kaya ayokong nag-aaway tayo, Avery... hindi kita basta-bastang mapupuntahan."
I nodded in understanding. Nagsisisi ako sa ginawa at naging reaksyon ko noong araw na yun. Oras namin yun para sa isa't isa tapos inaway ko lang siya.
"About the bruises—"
"You don't need to tell me." Desidido kong wika.
Hinarap ako ni Enrique at seryosong tinitigan sa mukha. "Are you sure?"
Tumango ako. "Just promise me one thing."
"Ano?"
"Na hindi mo gagawin sa plebe mo ang naranasan mo mga upper-class cadets mo..."
His face softened. Pinatakan niya ng halik ang mga labi ko.
"You have to ask for something else, Avery. I've decided not to do that in the first place..."
"Good." I giggled and started kissing him.
"Iyon lang? Wala ka nang ibang hihilingin sa akin?"
I tilted my head and tried to think of anything else. Wala nang pumapasok sa isipan ko.
"Just kiss me..." I whispered.
"Gladly." He drew my body closer to him and caught my lips for a kiss.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro