Chapter 22
Trigger warning: mention of violence
-
"Ang gara ng condo mo, Lulu!" Komento ni Karlo pagkatapos kaming papasukin ng kaibigan sa loob.
"This is cute, right?" Lulu asked happily. The entire place is so like her... from the hanging plants on the window, the eclectic throw pillows scattered in a green togo sofa, a persian rug, and vintage mugs that don't match the rest of her plates. "Mommy is always criticizing my taste..."
"Hindi, ah! Ang ganda nga, eh. Parang yung sa Pinterest lang," Yari laughed while putting down her bag.
Lulu, Celeste, Ivo, and Raya are finally in college. Sina Ivo at Raya lang ang nagpa-iwan sa La Union habang sina Lulu at Celeste naman ay lumipat dito sa Maynila para mag-aral. Celeste is taking a pre-dental course in UST while Lulu got into the Bachelor of Science in Management at John Gokongwei School of Management. Isa siya sa top 10% ng Ateneo College Entrance Test kaya nakapasok siya sa program na ito.
"Pwede bang gamitin ang mug na 'to o dekorasyon lang? Nauuhaw na ako, eh!" Tanong ni Ivo mula sa kusina.
Lulu laughed. "Just use whatever you want, Ivo!"
Tahimik na naupo si Raya sa sofa at iginala ang tingin sa paligid. It's a loft-style condo, and her small bedroom is just upstairs. Napakalawak ng living room niya at malalaki din ang bintana. The natural light came pouring in.
"Ang laki dito..." narinig kong bulong ni Raya.
Tinabihan ko ang kaibigan. "Diba? Tapos si Lulu lang mag-isa..."
Her books were stacked neatly on a shelf. Katabi nito ang napakalaking desk kung saan siya nag-aaral. Even her clutter looks... aesthetic. Sobrang layo nito sa dating bahay na tinitirhan niya sa La Union. In her old house, everything was organized to perfection. Parang bawal huminga o magkamali. This place is bursting with life.
"Okay! Dahil mga college na tayo, mag-iinom tayo!" Bungad ni Celeste pagkapasok niya sa loob. Late na itong dumating dahil kakagaling pa lang sa UST para ipasa ang mga to-follow niyang documents.
"Itong si Cel, kakapasok pa lang pero puro inom na ang iniisip..." rinig kong reklamo ni Karlo.
"Shush!" Celeste put down her bag and took a 100-peso bill from her wallet. "Oh, tig-iisang daan tayo. Ambag niyo..."
Everyone groaned while taking out money from their wallets. Maging si Ivo na hindi umiinom ay na-bully ni Celeste at pinag-ambag pa rin. In the end, the boys went out to buy the drinks, following her orders.
"Paano mo nauutusan yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yari nang makalabas na ang kambal. "Puputok na ata ang ugat ko sa ulo dahil napakatamad nun sa condo namin, eh!" Reklamo pa niya.
"Ganda lang ang puhunan, sis," mayabang na sagot ni Celeste.
Yari pulled her hair jokingly. Nagtawanan naman sila habang nagp-prepare ng mga basong gagamitin mamaya.
"Raya, tawagan mo nga si Ivo, sabihin mo magdagdag sila ng ice," ani Lulu pagkatapos nitong i-check ang laman ng ref niya.
"Bakit ako?" Rinig kong hinaing ng kaibigan.
"Sige na, beh. Kukulamin na ako ng dalawa kapag nag-utos na naman ako!" Untag naman ni Celeste.
Raya mumbled something under her breath before going to the living room to get her phone. Mayamaya pa, narinig ko ang mahinang pag-uusap nila ni Ivo sa cellphone.
"Kumusta ang commander mo?"
Gulat akong napatingin kay Celeste nang bigla itong tumabi sa akin.
"Huh?"
"Huwag mo akong hina-huh, Avery Felicia... napakasagana ng love life mo mula high school!"
"Oo nga! Ang galing ko kasi..." Yari laughed wickedly. "Ako ang dahilan ng true love mo, Avery!"
Inirapan ko ang dalawa. Lulu smiled knowingly at me. "You two have always looked good together... third-class cadet na siya, diba?"
Tumango lang ako. Three more years... the first year has always been challenging for me. Ngayon ay medyo nasasanay na ako. Napapagtanto ko na kung anong oras sila pinapayagang mag-cellphone o di kaya'y nararamdaman ko kung magt-take life ito para lang makatawag sa akin. He's been doing well in academics to get as much home privilege as he can. Noong summer ay mabilis niya ding tinapos ang basic military training nila habang ang ibang mga kaklase ay nagpaiwan sa loob ng academy para punan ang naibagsak nitong mga subject.
"Pero diba may namatay dun last year dahil sa hazing?"
Nagpantig ang tainga ko sa tanong ni Celeste. Kaagad kong binalingan si Lulu para kumpirmahin iyon. My heart skipped a beat when she nodded.
"Oo, iyong anak ng retired general. Maltreatment daw mula sa mga upperclass niya..."
Yari made a face. "Ginagawa pa nila yun?"
Lulu sighed. "Apparently, if you came from a family of soldiers, you're an easy target for bullying or maltreatment. Ganun sila sa loob, eh."
"Bakit nila pinapayagan na bugbugin ang mga cadet nila?"
"Hindi naman kasi yun namo-monitor, 'no! Take life din ang pambubugbog nila. May mga ibang plebe na inire-report ang upperclass nila kapag sumusobra na ito sa pagmamaltrato pero may ibang tinitiis nalang hanggang sa maging first-class cadet na din sila. Iyon ang sabi ni Daddy sa akin."
Yari looked at me worriedly. "Wala namang problema kay Enrique, diba?"
Umiling kaagad ako. "Wala naman siyang sinasabi..."
Lulu placed a comforting hand on my shoulder. "Don't worry, Avery. He's not related to a PMA alumni or any retired officer, right?"
Umiling ulit ako. "Wala din naman siyang nasasabi sa akin..."
Minutes later, the boys arrived with the drinks and chips. Nagpunta na kaming lahat sa sala. Hindi na namin napag-usapan ulit ang tungkol sa hazing pero nanatili iyon sa isipan ko hanggang sa matapos ang gabi.
Sakto namang tumawag si Enrique kinagabihan kaya lumabas muna ako ng dorm para hindi maka-disturbo sa mga roommates ko.
"Kumusta?"
"Nag-take life ka ulit?" Sumimangot ako nang mapagtantong hindi ito ang oras na inilalaan nila para makapag-cellphone. "Paano kung mahuli ka d'yan?"
He chuckled. "I just wanted to hear your voice..."
"O, ayan. Narinig mo na! Ibalik mo na ang cellphone at baka mahuli ka pa..." nag-aalala kong wika.
Enrique easily caught my worries. His tone changed. "Anong problema, Avery?"
I bit my lower lip. Sila kasi, eh! Wala akong kaalam-alam na may nangyayari palang ganun sa loob ng academy kaya heto ako ngayon, hindi mapakali...
"Uhm... wala naman. Napag-usapan lang namin ng mga kaibigan ko kanina yung tungkol sa hazing... sa loob ng academy."
He went silent for a bit. Mas lalo akong kinabahan.
"Hindi ka naman... hindi ka nila ginagalaw, diba?" Halos bulong na iyon.
"Hindi." Mabilis niyang sagot. "Wala naman akong ginagawa para galawin nila ako dito."
I let out a sigh of relief. "That's good to hear..."
"Stop worrying, Avery. I'm fine. Kita tayo ngayong Sabado?"
I agreed and decided not to let these things worry me anymore. Ipinagsantabi ko iyong lahat at hiniling na sana Sabado na ngayon. I finished all my homeworks in advance so that I wouldn't have to worry about anything this weekend.
"Hindi ka makakapunta, Avery?" Tanong sa akin ng kaklase ko habang nagm-meeting kami sa grupo.
"Sorry, may gagawin akong importante sa Sabado. Isend ko nalang sa inyo yung part ko kapag tapos na ako..."
Pumayag naman sila. Ngayon lang din naman ako lumiban sa meeting namin. Buti na ring hindi ako pumayag maging leader nila kaya malaya akong nakakaalis kahit papaano.
Pagkatapos ng huli kong klase sa Biyernes, umuwi na ako sa amin. Doon ako matutulog sa boarding house bago ako tumulak patungong Baguio. Pagkatapos, uuwi ulit ako dito at sa Linggo na babalik ng Maynila.
"Hindi ka ba napapagod sa biyahe?" Tanong ni Yari sa akin. Magka-video call kami ngayon sa bus. Bigla nalang itong tumawag dahil aayain sana akong gumala nang malamang patungo akong La Union ngayon.
Umiling naman ako. "Hindi. Hindi naman kalayuan..."
She grimaced. "Ang arte-arte ko pala... napapagod ako sa biyahe kahit de-kotse, eh! Ikaw pa 'tong nagc-commute sa ating dalawa..." she sighed. "Nako, Avery, kapag hindi kayo nagkatuluyan ng commander mo..." she tsk-ed.
Tumawa ako. "Sira. Ginagawa ko lang kung anong dapat gawin, Yar."
"Oo, alam ko. Alagang-alaga ka n'yan noong highschool pa lang tayo kaya naninibago ako na ikaw naman ngayon ang gumagawa n'yan sa kaniya."
"Hindi naman kasi siya pwedeng lumabas ng Baguio..."
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa makarating ako sa La Union. Malalim na ang gabi kaya wala ng katao-tao sa labas ng boarding house pagkarating ko. I used the spare key and let myself in. Nang makapasok ako sa loob, naroon si Tita, natutulog sa sofa habang hawak ang cellphone sa isang kamay. She knew I was coming... she must've been waiting for me.
I bit my lower lip and slowly put down my bag. Pumasok ako sa kwarto niya para kumuha ng kumot. My brows furrowed when I saw a familiar packaging atop her drawer. Muntik ko nang mabitawan nang mapagtantong pregnancy test pala iyon. I quickly went out of her room. Kinumutan ko si Tita at inalis ang cellphone sa kamay niya.
Sumisikip ang dibdib ko habang nakamasid sa tiyahin. She had long given up on having children. Ang palaging sinasabi ng mga doktor ay siya ang may problema kaya hindi sila magkaroon ng anak. But now that she has Ron in her life, she got her hopes up again... ayokong makitang nasasaktan ulit siya kapag naging negative ang resulta ng pregnancy test niya.
Pumasok ako sa sariling kwarto at pinilit na magpahinga. Maaga pa ako bukas para mas mataas ang oras na magkasama kami ni Enrique. He has to return to the academy by 3:00 pm. Hindi ako pwedeng ma-late!
"Avery! Hindi mo ako ginising kagabi..." pagmamaktol ni Tita kinabukasan habang naghahain ng agahan namin.
"Tulog na tulog ka, Tita, eh. Naghihilik ka pa nga!" Biro ko sa kaniya.
Mahina niya akong hinampas. "Hindi na ako naghihilik, 'no! May ibinigay na CPAP machine si Ron sa akin. So far, effective naman..."
Nagtaas ako ng kilay. "Talaga? Naririndi na rin siya sa paghilik mo, Tita?"
"Concern lang siya sa kalusugan ko. Napaka-unusual na daw kasi ng paghilik ko. Sinamahan nga niya ako magpa-check up, eh!"
I smiled. It's a good thing that her relationship with Ron is healthy and nurturing. Para bang pinupunan ng lalaki ang mga taong mag-isa lang si Tita at walang karamay sa buhay. To be honest, I was also relieved to know that she is not alone here in La Union. Iyon ang palagi kong iniisip bago ako mag-kolehiyo. Paano na si Tita mag-isa dito? Sinong mag-aalaga sa kaniya kapag nagkasakit siya? Sinong makikinig sa kaniya kapag malungkot siya?
Hindi ko na pala dapat problemahin ang mga bagay na 'to...
"Magkikita ba kayo ni Enrique?"
Tumango ako habang kumakain. She finally sat down and took a sip of her coffee. Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Magpapakasal na ba kayo?"
Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko sa biglaang tanong ni Tita. I punched my chest and took a huge gulp of water.
"Tita!"
She chuckled. "Baka kasi maunahan mo ako... naniniguro lang."
I rolled my eyes. "Ang bata pa namin! Hindi pa nga ako graduate sa kolehiyo, eh. Atsaka... uhm, bawal magpakasal ang mga sundalo sa unang tatlong taon pagka-graduate nila. Kailangan muna nilang mag-serbisyo."
Tita grinned. "Talaga? Buti naman. Dami ko pa palang time."
Napailing nalang ako. "Ewan ko po sa inyo. Mag-aayos na ako."
I took a shower and went inside to fix myself. I learned my lesson last time and wore a wool sweater this time. Umaambon pa nang tumulak ako mula sa La Union kaya mabuti na rin. Ang usapan namin ay sa labas ng academy na kami magkikita kaya doon na ako dumiretso.
I texted him that I'm already here. I checked the contents of the paper bag once again. Hindi sila basta-bastang nakakabili ng pagkain sa labas kaya naisipan kong bigyan siya ng mga kakanin galing sa La Union. I'm sure he misses it...
"Kiko, and'yan na ang tagapaghintay sergeant mo!"
Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Ramjay. Sure enough, it was him. He was grinning widely while pointing at me. Kasama ni Enrique ang ibang mga cadet na napatingin din sa akin. I stared back awkwardly at them.
May sinabi ito sa kanila bago sila iniwan. Nagkantiyawan naman sila nang makitang palapit ito sa akin.
"Ampota, ayoko nang mag-home privilege kung walang sasalubong sa akin sa labas!" Rinig kong pang-aasar ng isa niyang classmate.
Hindi sila pinansin ni Enrique. Kaagad niya akong niyakap nang makalapit.
"I missed you..." he murmured into my hair. Tila ba wala itong pakialam na nakikita siya ng mga kaklase niya at tinutukso.
I chuckled and tightened the embrace. He stiffened.
"Na-miss din kita..."
Enrique pulled away and took my hand instead. Napatingin siya sa paper bag na hawak ko.
"Ano yan?"
Ibinigay ko ito sa lalaki. "Mga pagkain... kung gusto mo lang naman. Pwede naman itong ipasok sa loob, diba?"
He chuckled and accepted the bag. "Illegal transaction 'to pero... pwede naman."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Huwag nalang pala! Baka mahuli ka pa, eh!"
"Masyado kang praning, Avery. Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo, hmm?"
My cheeks burned in embarrassment. Hindi lang naman kasi kami ang narito! Other cadets are glancing at us. Mukhang sila ata lahat ay pinayagang makalabas.
"Third class!"
Kaagad na napalingon si Enrique nang may tumawag sa kaniya. I stared at a cadet who called him. He's wearing a different uniform.
"Hindi ka sasama sa kanila? Magsi-sine sila sa SM..."
"Hindi po, Sir." He answered quickly. "Nandito po ang girlfriend ko."
He grinned and nodded. Nang makaalis ito, kaagad akong lumingon kay Enrique.
"Sir? Mukhang mas bata pa yun sa iyo, ah?"
"Yes, but he's still my senior. Nauna siyang makapasok dito sa academy..."
I nodded. Little by little, I'm becoming familiar with their culture inside. May ibang gawain sila na nakakapagtaas pa rin ng kilay ko, pero bukod doon ay halos pamilyar na ako sa lahat.
"Saan mo gustong pumunta? May natitira pa sa allowance ko ngayong buwan."
"Itago mo nalang yan, may pera din naman ako, eh!" Saway ko sa kaniya. Baka mamaya, ubos na naman ulit ang allowance nito!
"I won't allow you to spend a single penny while you're with me, Avery." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Saan mo gusto?"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Without even saying a word, I took a step closer to kiss him on the lips. He looked taken aback. I smiled and wrapped my arms around his torso to pull him in a hug.
Kaso, kaagad siyang umatras nang niyakap ko siya.
Napatingin ako sa kaniya.
"Anong problema?"
Enrique shook his head. "Wala, wala."
"Enrique..." hindi ko binitawan ang hawak ko sa hoodie niya. I took a deep breath and went to him again. "Ano?"
Hindi siya nagsalita. Sa inis ko ay marahas kong hinila ang tela ng suot niyang hoodie. Tumambad sa akin ang malaking pasa sa tagiliran at pati na rin sa tiyan niya. The bruise turned bluish-purple, scattered like spilled paint across his body.
"Enrique!"
Umatras siya mula sa akin at kaagad iyong itinago. Ni hindi makatingin sa akin nang diretso ang lalaki.
"Ano yan?" Namumuo ang mga luha sa mata ko habang pilit na pinagtatagpo ang mga mata namin.
"Wala yan, Avery." He dismissed and reached for my hand. "Tara? May bagong coffee shop malapit sa Burnham Park—"
"Enrique, please..." I slowly pulled my hand away from him. "Hindi ako aalis dito kapag hindi mo sinabi sa akin kung saan mo nakuha iyan." My lips trembled at the thought of it! Ayokong isipin na nangyayari din ito sa kaniya. "Are you... are you being maltreated?"
"Avery..." his voice sounded like he's almost pleading.
"Are you being mistreated by your upper class inside?" Pag-uulit ko sa tanong.
Hindi siya sumagot sa akin. Napasinghap ako.
"Hindi naman 'to big deal, Avery. Isang beses lang nangyari—"
"Hindi big deal?! For fuck's sake, Enrique, someone died from hazing inside the academy last year!" I screamed at his face. "Ka-batch mo yun, diba? Alam mo yun, diba?!"
Tumahimik lang si Enrique at nag-iwas ng tingin sa akin. A lone tear escaped from my eye.
"I don't understand... why don't you report it to the higher-ups? Hindi pwede 'tong ganito, Enrique."
"Gaya nga ng sabi ko, isang beses lang yung nangyari. May na-violate lang akong upper class. Hindi na 'to mauulit, Avery. I promise you..."
"Bakit?"
"Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang dahilan..." bulong niya.
"Bakit nga?!" Tuluyan na akong naiyak sa pinaghalong frustration, awa, at sakit.
"Avery, please... can't you just trust me?"
"Paano kita pagkakatiwalaan kung ang dami mong hindi sinasabi sa akin? You don't even want me to know about this! Kung hindi ko nakita, hindi mo rin sasabihin!"
"Wala naman kasing dapat ipag-alala..."
I took a step back from him. Fear painted across his face when he saw my expression.
"Then you should quit PMA..."
"Avery..."
"Quit." Panghahamon ko sa kaniya. "You're going to die inside!"
"Alam mong hindi ko pwedeng gawin yan..."
"Fine." I wiped my tears harshly and turned my back from him. Mabilis akong naglakad palayo. Kaagad naman akong hinabol ni Enrique at hinawakan ang palapulsuhan ko pero marahas ko itong binawi mula sa kaniya.
"Avery..." tawag niya sa akin. "Avery, please. Wala na kaming home privilege sa susunod na mga buwan. Hindi kita makikita—"
"Ayaw muna kitang makita, Enrique." Desidido kong wika. "Andami-dami mong tinatago sa akin. Halos hindi na kita kilala..." I whispered. "Imagine, we're almost two years into this relationship and I still don't know who your father is. Pinalagpas ko iyon dahil baka mahirap para sa iyo pero pati ito?" I shook my head.
"Alam mong matagal ko ng pangarap ang PMA, Avery. Kaya ko 'tong tiisin..."
"Sorry, ah? Hindi ko maintidihan. Wala kasi akong pangarap... hindi ko magawang intindihin ang mga taong handang magpakamatay para sa putanginang pangarap na yan." I spat out bitterly.
He looks hurt and in pain. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko.
"Ihahatid nalang kita sa terminal..." he murmured.
"Huwag na." I warned him.
I'd rather suffer and lose him in this relationship than cry over his grave when he dies chasing this dream of his.
Lumayo ako sa kaniya at mabilis na naglakad. My vision is blurry because of my tears. Muntik pa akong madapa sa kakamadali ko. When I got to the terminal, I got inside the first bus bound for La Union.
Pinunasan ko ang mga luha nang makaupo. Naninikip pa rin ang dibdib ko.
"San ang baba?" Tanong sa akin ng konduktor habang hawak ang ticket.
"La Union po..."
He gave me my ticket and went to the next passenger. Napatingin ako sa bintana. A few more tears escaped when I saw Enrique watching me from a distance. Alam kong sinusundan niya ako kanina pa.
Hanggang sa umandar ang bus, naroon pa rin siya at nakatingin sa akin. I looked away and bit my lower lip to stop myself from crying even more.
As the bus drove away from Baguio, I realized we were having our first big fight...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro