Chapter 20
"Magkwento ka naman tungkol sa La Salle, Avery! Marami bang pogi dun?"
Sinimangutan ko si Celeste. "Hindi ko alam. Hindi naman ako naroon para maghanap ng pogi..."
"Eh!" Reklamo niya. "Mayayaman ang mga estyudante 'dun, diba? Eh di kutis-artista!"
I sighed and turned away. Kanina pa niya kami kinukulit tungkol sa college life namin. Siguro ay dala na rin ng excitement dahil ilang buwan nalang, ga-graduate na din sila ng high school.
"Kailan ba sembreak niyo? Dagat na dagat na ako..." Yari leaned back on her chair and let out a huge sigh.
Siya ang pinaka-excited sa 'ming tatlo sa kolehiyo pero ngayon ay halos ayaw na nitong pumasok sa mga klase nila.
"Okay ka lang, Yar?" Bulong ko sa kaibigan.
She shrugged. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, gusto ko nalang mag-dropout."
"Dropout agad? Nasa first semester ka pa lang!" Karlo flicked her forehead. Nagsamaan ng tingin ang magkapatid kaya agad na pumagitna si Ivo bago pa sila tuluyang mag-away.
I checked my phone again for the third time today. Baka kasi may itinext si Enrique nang hindi ko napapansin. I could never predict the time that he's allowed to use his phone. Minsan ay nagt-take life pa ito para lang makagamit ng cellphone at ma-kontak ako. Naging habit ko na ang palagiang pagc-check ng cellphone dahil dito.
"Sa birthday ko, mag-dagat tayo, ah!" Paalala ni Celeste bago kami umalis sa bahay nina Raya.
Ang inisyal na usapan ay sasabay ako sa kambal patungong Maynila pero nagbago ang isip ko sa huli. Gusto kong dumaan muna sa boarding house at makausap si Tita. Nalulungkot ako sa dorm namin kahit na friendly at mabait naman ang mga roommates ko. My life in Manila is so dull and unbearable because I don't have other friends outside of my circle here in La Union. Sila nalang talaga ang nil-look forward ko tuwing sasapit ang Sabado at Linggo.
"Sigurado ka? Traffic na mamaya, baka gabihin ka..." nag-aalalang paalala ni Yari sa akin.
I nodded firmly. "Gusto ko lang talagang makita si Tita..."
She nodded in understanding. "Text mo 'ko ah kapag nasa Maynila ka na."
Dumiretso kaagad ako sa boarding house. Simula nang ipamana ito nina Lolo't Lola kay Tita, ni minsan ay hindi pa ito nare-renovate. Sakto lang naman kasi ang rentang natatanggap namin para sa pang-araw araw na gastusin. Hindi rin biro ang tuition fee sa La Salle kaya nag-apply ako bilang isang student assistant. But as soon as Tita found out about it, she scolded me and told me to focus on my studies instead.
"Kaya ko pa naman, Avery. Hindi mo kailangang magtrabaho..." ang palagi niyang paalala sa akin.
Kaya hindi na ako nagtataka kung walang perang naipundar para ipaayos ang sira sa iilang unit. May isang unit pa kaming hindi mapa-rentahan dahil tuluyan nang bumagsak ang kisame. Ang iba naman, tumutulo ang bubong tuwing umuulan o di kaya'y barado ang lababo. I hear complaints from tenants all the time. May iba pang nagbabanta na lalayasan nila si Tita kapag hindi nito pinababaan ang renta.
"Tita?"
Walang tao sa sala pero may mga boses na nanggagaling sa kusina pagkarating ko. Inilapag ko ang bag at nagtungo roon. Gayon nalang ang gulat ko nang makita si Ron at isang batang babae na nakaupo sa lamesa. Si Tita naman ay nasa lababo at mukhang may ginagawa.
"Avery!" Gulat na gulat ito nang makita ako. "A-Akala ko luluwas ka ng Maynila?"
I slowly shook my head. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Finally, my aunt sighed.
"Pwede ba tayong mag-usap sa labas?"
Tumango ako at sinundan si Tita. Ron smiled at me but I maintained a stoic face. Hindi ko makapa sa dibdib ko na maging mabait sa kaniya. Siguro dahil hindi ko pa siya gaanong kilala at kahit anong gawin ko ay may bahid pa rin ng pagdududa sa tuwing naiisip ko ang intensyon niya kay Tita.
"Avery..."
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ako sanay na nakikita siyang kinakabahan at hindi mapakali kaya naman ngumiti ako. I wanted to reassure her even though I couldn't give the same to myself.
"Nililigawan ka po?"
Marahan siyang umiling.
I nodded. "Kailan pa?"
"Mag-iisang buwan na." She sighed. "Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa iyo kasi..." she waved her hands frantically in the air. "Wala naman ito sa plano!"
"Ano bang plano, Tita?"
Her expression turned soft while looking at me. "Ikaw, syempre. Ikaw ang plano, Avery... dapat makapagtapos ka, makapagtrabaho nang maayos, makapag-asawa nang matino. Saka na ako... kaya hindi ko masabi-sabi sa iyo dahil nahihiya ako."
"Tita..." I trailed off. "Bakit ka naman mahihiya sa akin? Ni wala pa nga akong napapatunayan sa sarili ko, eh. Kung tutuusin, hindi mo naman ako responsibilidad. Kaya... kaya ayos lang sa akin kung may relasyon kayo. Hindi naman ako para pigilan kang maging masaya. Masaya ka ba sa kaniya, Tita?"
She slowly nodded. I smiled at her.
"Masaya din ako para sa iyo..."
Tita hugged me tightly. Alam kong iiyak na ito dahil naririnig ko ang pag-singhot singhot niya. I chuckled and hugged her tighter.
"May anak ba yang boyfriend mo, Tita? Baka palitan ako n'yan, ah!" Pagbibiro ko pa.
"Hindi, hindi!" Kaagad niyang tanggi sabay palis sa mga luha. "Pamangkin niya lang yun. Si Sarah..."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pumasok na din kami sa loob. Sa pagkakataong ito, ginantihan ko na ang mga ngiti ni Ron at maayos na ipinakilala ang sarili. Isinantabi ko lahat ng takot, pag-aalala at pagdududa nang makita kong masayang-masaya si Tita sa kaniya. She never laughed like this with me before... sino ba naman ako para ipagkait ang kaligayahang iyon sa kaniya, diba?
Naghuhugas ako ng pinagkainan namin nang lumapit si Ron sa akin.
"Uhm..." tumikhim ang lalaki na tila ba nahihiya. Nasa sala kasi si Tita at nilalaro si Sarah kaya kaming dalawa lang ang naiwan dito. "Salamat."
Iyon lang at iniwan niya na din ako. Napailing ako habang nakangiti. I guess they really like each other...
"Dito nalang ako matutulog, Tita." Anunsyo ko pagkatapos kong maghugas ng pinggan. "Aagahan ko nalang bukas. Alas onse pa naman ang una kong klase."
Tita nodded happily. "Sige, tamang-tama. Kakalinis ko lang sa kwarto mo, Avery."
Binalingan ko naman si Ron at tinaasan ng kilay. Mag-aalas nuebe na, ah? Hindi pa ba 'to uuwi? Tulog na tulog na si Sarah sa sofa!
"Tita, hindi naman mags-sleep over dito si Ron, diba?" Bulong ko nang makapasok kami sa kwarto ko.
Kaagad siyang umiling, bahagya pang namumula. "H-Hindi! Ano... mag-uusap lang kami saglit tapos pauuwin ko na sila."
I nodded and collapsed on my bunk bed. Na-miss ko ang kutson pati na rin ang mga punda at bedsheet ko. Napakatigas kasi ng mattress na ginagamit namin sa dorm. Hindi naman kami pwedeng magreklamo dahil naroon na iyon at kasama na din sa binabayaran naming renta.
Dahil sa pagod ay nakaidlip na rin ako. Nagising lang ako dahil sa ingay ng motor sa labas. Siguro ay paalis na ang boyfriend ni Tita. Pupungas-pungas kong inabot ang cellphone ko at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang napakaraming text ni Enrique at iilang tawag!
I was panicking when a call came through again. Kaagad ko itong sinagot.
"Enrique!"
He chuckled on the other line. "Were you sleeping?"
"Oo, sorry! Sorry! Ilang minutes nalang?" Tanong ko kaagad dahil alam kong may limit ang paggamit nila ng cellphone.
"Dalawang minuto."
My shoulders dropped. Nakakainis naman! Ngayon pa talaga ako nakatulog kung kailan pinayagan siyang gumamit ng cellphone?!
"Kaya bumaba ka na r'yan. Nandito ako sa labas."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He ended the call so I was left dumbfounded for a minute before I found myself running towards the door.
"Avery? Saan ka pupunta—"
Hindi ko na nasagot si Tita sa bilis ng takbo ko. I was panting when I finally made it to the gate. Kaagad ko itong pinagbuksan at nakitang nakatayo ang lalaki sa labas, may dalang itim na backpack at nakasuot din ng kulay abong cap.
"Hi."
I gaped at him. It's only been a few months since I last saw him but I thought I was gonna lose my mind.
"Paanong...?"
He chuckled when he saw my face. "Home privilege."
Alam kong hindi basta-bastang pinapayagan ang mga plebe na magka-home privilege lalo na ang mga may violations sa kanila. They often spend their weekends inside the academy, exercising or resting since there is nowhere else to go.
I took a deep breath and nodded. Nang lumingon ako sa taas, nakatingin na si Tita sa amin mula sa terrace.
"Dito ka ba matutulog?"
"Gusto lang kitang makita. Uuwi din ako..."
"Dito ka na matulog, Enrique." Narinig kong wika ni Tita mula sa taas. Rinig na rinig niya ang usapan namin dahil nasa second floor lang naman siya. "Pero sa sala, ha? Hindi sa kwarto ni Avery..."
"Magandang gabi po, Tita." Magalang nitong bati.
Umakyat na kaming dalawa nang pumasok si Tita. My heart wouldn't stop beating like crazy. I still can't believe he's here...
"Uhm, kumain ka na?"
"Dumaan ako sa bahay," he set his bag on the sofa and took off his cap. Medyo tumubo na ang buhok niya sa ilang buwan niya sa loob. He looked really clean and sharp.
"Huwag kayong masyadong magpuyat, ah? Matutulog na ako. Enrique, maaga pa yang si Avery bukas." paalala ni Tita bago ito pumasok sa sariling kwarto.
"Magbibihis lang muna ako..." pahayag ko. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapagbihis kanina dahil nga nakaidlip ako.
Tumango naman si Enrique at naupo sa sofa. I went inside my bedroom and started looking for clothes. Nanlumo kaagad ako nang mapagtantong dinala ko halos lahat ng maayos kong damit sa Maynila. Ang natitira nalang dito ay malalaking oversized shirt na butas-butas pa at mga shorts.
Sa huli, puting t-shirt galing sa Boysen ang isinuot ko. Iyon lang kasi ang walang butas! Inilugay ko nalang ang buhok para di masyadong kita ang logo atsaka nagsuot ng itim na shorts.
"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kaniya nang makalabas.
"Tumawag ako sa landlady ninyo. Hindi kita makontak..."
"Bakit may number ka ng landlady ko?" Natatawa kong tanong.
"Para sa ganitong mga pagkakataon, Avery. May number din ako ng Tita mo pati na mga kaibigan mo..." he said seriously.
"Talaga?" I feel guilty that I can't even memorize his number nor do I have numbers of his friends and family! Si Ramjay lang naman ang kasama niya doon sa PMA pero pareho naman silang plebe kaya malamang ay hindi rin iyon nakakagamit ng cellphone basta-basta.
Tumabi ako sa lalaki habang sinusuklay ang buhok. "Kumusta si Chuchay? Dadaan sana ako sa inyo kaso nahihiya ako..."
"Ayos lang naman. Unti-unti nang lumalakas ang kain niya, sabi ni Mama."
I nodded. When Enrique left for PMA and I went to Manila to study, Chuchay gradually lost her appetite. Ilang beses ko siyang dinadaanan sa bahay nila para ako na mismo ang magpakain dahil walang gana ang alaga. She must've been depressed that Enrique is suddenly gone after spending so much time with him.
Knowing dogs, when their owner leaves, they always think that they're not coming back. Kaya ganun nalang ang saya nila kapag nakikitang umuuwi ang amo kahit na lumabas lang ito ng bahay para bumili ng suka sa tindahan. I can't imagine how she feels right now...
I hope she doesn't think that she's being abandoned... again.
"Daanan natin siya bukas bago tayo umalis." Desidido kong wika.
Enrique nodded. I just noticed the dark circles under his eyes now that I could see his face clearer.
"Kumusta ka? Ayos ka lang ba sa loob?"
He let out a small sigh. "Ayos lang. Medyo mahirap... pero sa umpisa lang naman. Nag-a-adjust pa ako."
Nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay niya sa loob ng academy habang nagt-tsa-a. May routine daw silang sinusunod araw-araw. At exactly 5 in the morning, they'd get up for a formation and then go for a jog. May mga pang-umagang klase at pang-hapong klase gaya ng mga sibilyang unibersidad.
Eksaktong alas dose ng tanghali sila kumakain sa mess hall. Bawal silang bumili ng pagkain sa regalia hangga't hindi pa sila recognized cadets. There are also rumors of maltreatments between first-class cadets and plebes. Hiwalay din ang barracks nga mga babaeng cadets sa mga lalaki. Sa iisang barack ay apat na cadet ang mags-share ng kwarto.
"That sounds tough..." was all I could say after he finished talking.
"May military training ngayong summer kaya baka hindi ako makauwi..."
I nodded. Dito rin naman ako magbabakasyon sa Elyu kasama ang mga kaibigan ko. I have no desire to visit other places... yet. Changes in my life tend to overwhelm me. Sobrang nahirapan pa akong mag-adjust sa college life ko noong unang buwan at ilang gabi din akong natutulog na umiiyak dahil miss na miss ko si Tita pati na rin ang mga kaibigan ko.
"Are you gonna be okay with this?"
"With what?"
For some reason, he looked sad. Enrique heaved out a sigh and glanced at me with a worried look on his face.
"I'm gonna miss a lot of things... hindi ako narito sa tabi mo sa lahat ng oras. Ngayon pa lang, hirap na akong makapunta sa iyo. Palaging may limitasyon ang oras na magkasama tayo."
"Okay lang, 'no!" Hinampas ko ang lalaki. "Para namang ano! Eh anong magagawa ko, yan ang pangarap mo, diba?"
He nodded.
"Ako na ang mag-a-adjust para sa 'ting dalawa. Pwede namang ako ang pumunta ng Baguio sa tuwing may home privilege ka. Sa birthday ni Chuchay, ako na ang pupunta sa bahay niyo. Sa birthday ko, hindi ako sigurado kung may ba-biyaheng bus sa bagong taon pero susubukan kong pumunta sa iyo. There are two people in this relationship, Enrique. We're not like other normal couples out there. We have to work extra hard to make this work—"
"I love you, Avery."
I look at him, stunned. It must be the first time he had said those words out loud! Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.
"I-I l-love—"
He chuckled and pulled me closer to him. "You don't have to force yourself to say it right now..."
He pressed his forehead against mine and caught my lips for a kiss. Nanlalaki pa ang mga mata ko pero unti-unti ay ipinikit ko ito habang lumalalim ang halik niya. I tried not to make a sound because my aunt is just sleeping in the next room!
Enrique's hand slipped inside my shirt. Something inside me stirred when I felt the roughness of his hand cascading along the side of my stomach. Halos mapaungol ako nang maramdaman ang kamay niya sa dibdib.
"Enrique..." my eyes were dark with lust as I stared at him.
"Ssh..." bulong niya habang naglalakbay ang kamay patungo sa likuran ko. He unclasped my bra swiftly. Halos nakadagan na siya sa akin sa sofa kaya naman amoy na amoy ko siya. I closed my eyes and quivered when his thumb grazed the fabric of my bra. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa t-shirt niya nang tuluyan niya itong inalis. Isinubsob ko nalang ang mukha sa dibdib niya habang pinipigilan ang sariling gumawa ng ingay. He cupped my breasts and started kissing my neck.
"Mahuhuli tayo ni Tita..." nanghihina kong saway sa kaniya.
"So be quiet, Avery..."
"Oh, God!"
This is the first time that we have gone this far and it's driving me insane! I didn't realize I would ache for his touch. Maybe because we have been apart from each other for so long? Nalalasing ako sa mga halik at haplos niya!
His hand traveled down my stomach. Umarko ang katawan ko. I could even feel him getting harder in my legs. Kaagad akong nanigas at napatingin sa kaniya. Huminto din ang kamay niya pagkarating nito sa suot kong shorts.
I looked at him.
He sighed and pulled away. "Fuck, I'm sorry. You're right..."
I let out a sigh of relief and slowly pulled away from him. We can't do this! Not yet... not right now. Pulang-pula ang mukha ko habang pilit na inaayos ang nakalas na bra sa likuran.
"Ako na..."
Tumalikod ako kay Enrique para ipaayos sa kaniya ang bra. Nang matapos ay pinatakan niya ulit ng halik ang leeg ko.
"God, you're so beautiful, Avery..." bulong niya at isinandal ang ulo sa balikat ko. "Tama nga ang Tita mo, hindi tayo pwedeng iwanan sa iisang kwarto."
I chuckled and patted his head. "Matutulog na ako."
"Please lock your door..."
Napailing nalang ako at kinuha ang basong ginamit namin. Dali-dali ko itong hinugasan. My cheeks are still burning at the thought of it! Are we going too fast? How are we supposed to endure each other like this?
"Uhm.. good night." Nahihiya kong wika.
Enrique turned to me and nodded. "Good night."
Kaagad akong pumasok sa kwarto at mabilis na ini-lock ang pinto. Sinuntok-suntok ko pa ang dibdib para pakalmahin ang sarili. Sa lahat ng araw na pwede naming gawin ito, ngayon pa talaga! Nakakahiya dahil ganito pa ang suot ko. Good thing we stopped right there! Otherwise, he'd see my mismatched bra and panty!
"Jusko, Avery. Matulog ka na..." pinagalitan ko ang sarili at naupo sa kama. I took a deep breath and closed my eyes. Pagkatapos ng ilang segundo ay idinilat ko rin ito.
I chuckled humorlessly. "Who am I kidding? I'm not sleeping tonight!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro