Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

"Nag-take ka ng UPCAT, diba?" Tanong ko kay Raya habang nasa kusina kami nina Lulu.

Nagpatulong ako sa mga kaibigan para ipag-bake ng cake si Tita ngayong kaarawan niya. Bukas ang first day of school pero sa Baguio naman ang punta ko kaya minabuti ko nang umuwi dito para maayos na i-celebrate ang kaarawan ng tiyahin.

Dahil si Raya lang ang marunong na mag-bake sa amin, kinausap ko siya at nanghingi ng tulong. Sina Lulu lang ang merong oven kaya narito kami. Hindi ko lang talaga alam kung anong ginagawa nina Celeste, Ivo, Karlo, at Yari dito. Ayun tuloy, napaka-ingay namin dito sa kusina!

She nodded. "Hinihintay ko pa ang results..."

"Nag-take ka ba sa iba? Ako kasi, bukod sa La Salle, nag-take din ako sa UST at Ateneo para kapag hindi ako nakapasa..." I trailed off and laughed. "Pero hindi mo na kailangan yun. Matalino ka naman, eh!"

She just pouted and continued rolling the dough. Raya lets me do the easy tasks that she knew I couldn't mess up while she does everything else. Sina Lulu at Celeste naman, nagc-chikahan sa counter. Hinampas ko ang kamay ni Ivo nang makitang kukuha na naman ito ng chocolate chips.

"Ang damot-damot, eh!" Reklamo niya habang hinihimas ang namumulang kamay.

"Mauubos yan kakakuha mo!" Singhal ko sa kaniya.

He pouted and went to Lulu. Si Karlo naman ay sumilip sa ginagawa namin.

"Ilang taon na ba si Tita?"

"40 years old," tipid kong sagot habang ang mga mata'y nakatutok kay Raya. Napaka-natural ng kilos niya dito sa kusina na para bang buong-buhay na niyang ginagawa ito.

"40 years old na siya?! Takte, parang trenta lang, ah!"

"Sino?"

"Tita ni Avery!"

"Ah, oo. Crush iyon ng bodyguard nila Lulu, eh."

"Ha?" Napatingin ako sa kaniya, gulat na gulat. Ivo gave me an innocent look.

"Bakit? Di mo alam?"

Binalingan din ako ni Lulu. "Naalala mo yung handaan pagkatapos ng graduation? Sinundo kasi ako ng bodyguard ko nun. Nagagandahan siya sa Tita mo..."

Sumimangot kaagad ako. "Ilang taon na ba yang bodyguard na yan? May trabaho ba yan? Mapapakain ba niya ang Tita ko ng tatlong beses sa isang araw?"

Lulu laughed. "Relax. He's just 39 years old.... At uhm, bodyguard namin siya kaya iyon ang trabaho niya. Nakapagtapos siya ng VIP Security and Protection Course pero hindi naman siya tumuloy sa PSG."

My frown got even deeper. "Is he making a move on her?"

Nagkibit-balikat ang kaibigan. "Ang alam ko ay inaya niya itong kumain sa labas pero hindi naman pumayag ang Tita mo. It's just a silly crush, really..."

Hindi ako mapakali hanggang sa natapos kami sa ginagawa. I really love my aunt more than anyone else in this world. She suffered from things she didn't deserve but she took it gracefully and still has love to give for me.

Hindi naman sa pinagbabawalan ko siyang magka-relasyon ulit. Natatakot lang akong baka masaktan na naman siya at wala ako sa tabi niya kapag nangyari iyon. Bukod sa trabaho at pag-aasikaso ng boarding house, wala na siyang ibang pinagkaka-abalahan ngayong nasa kolehiyo na ako.

Nang mai-set na ni Raya ang oven ay lumapit kami sa sala nila. Hindi kami masyadong nagkukulitan dito sa takot na makabasag o makasira ng kung anong mamahaling bagay sa loob. Maging si Celeste ay mahinhin na umiinom ng juice mula sa baso niya.

"Are you worried? I can tell Kuya Ron to stop bothering her if you're not happy with it..." bulong sa akin ni Lulu nang makita ang mukha ko kahit ilang oras na ang nakalipas pagkatapos ng usaping iyon.

Hilaw na ngiti ang ibinalik ko sa kaibigan. "Hindi naman ako para diktahan ang Tita ko kung anong dapat gawin niya..." I sighed. "Naninibago lang kung sakali..."

Lulu nodded in understanding. Hindi tuloy maalis ang tingin ko sa bodyguard nila nang makauwi ang Mommy ni Lulu at nakita ko itong nakasunod sa kaniya.

He doesn't look friendly... well, that's part of his job. Matangkad at matipuno ang katawan. Walang-wala ang dating asawa ni Tita kung katawan at mukha ang pag-uusapan. Stable naman daw ang trabaho nito at walang pamilya kaya naisip kong okay na rin. By the time we left their house, I made up my mind to support Tita on what's to come.

Excited kong inilagay ang cake sa lamesa at nagsindi na rin ng kandila. Ang alam ko ay anumang oras, uuwi na si Tita kaya hindi na ako nag-abalang mag-text sa kaniya. I sat anxiously on our sofa while waiting for her. Nang makitang nauupos na ang kandila, hinipan ko muna ito at inilabas ang cellphone ko para tawagan ang tiyahin.

"Hello? Avery?"

Maingay sa kabilang linya na para bang nasa gumagalaw na sasakyan si Tita.

"Tita? Pauwi na po ba kayo?"

"Oo! Sorry, sorry! Malapit na ako..."

Hindi na ako nagtanong kung saan na siya o sino ang kasama niya pagkatapos niyang magpaalam. Tumayo nalang ako at lumabas para hintayin siya. Mayamaya, natanaw ko ang motor sa di kalayuan. Bumagal ang andar nito hanggang sa huminto sa tapat ng boarding house. Nagulat ako nang makita si Tita na sakay pala ng motor. She was laughing as she handed the helmet back to the driver. Dahil naka-helmet ang lalaki, hindi ko makita ang mukha niya pero sigurado akong si Ron iyon, bodyguard nila Lulu. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya sa bahay ng kaibigan kaya alam ko ang hubog ng katawan niya.

Kaagad akong pumasok ng boarding house at dali-daling sinindihan ang kandila kahit nangalahati na ito. I couldn't ignore the dull pain sitting right below my chest upon the sight of them. Kaya ba siya na-late dahil magkasama silang dalawa? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"Happy birthday, Tita!"

I put on a wide smile as soon as she entered the boarding house. Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita akong may dalang cake para sa kaniya.

"Avery!"

"Nagpatulong ako kay Raya mag-bake. Masarap 'to!" proud kong wika kahit na nagwawala ang puso ko ngayon.

Her eyes turned soft while looking at me.

"Wish ka na po, Tita..."

Inilagay muna ni Tita ang bag niya sa lamesa bago lumapit sa akin at ipinikit ang mga mata. She muttered under her breath and blew the candle. Kaagad ko 'tong inilapag at niyakap ang tiyahin.

"Salamat, Avery..."

"Ikaw pa! Malakas ka sa 'kin, eh..."

She chuckled and immediately went to get some plates. "Kainin na natin 'to! Tamang-tama, gutom ako... hindi pa ako kumakain!"

Hindi ko maiwasang hindi masaktan nang mapagtantong baka nagsisinungaling siya para sa akin. Nagkita silang dalawa ni Ron sa birthday niya... malamang kumain na sila. Ibig bang sabihin nito, wala talaga siyang balak ipaalam sa akin ang tungkol sa lalaki?

"Tita?"

Nilingon niya ako habang nags-slice ng cake. As usual, she gave me the bigger portion of the cake and smiled.

"Ano yun?"

"Galing ka pong trabaho?"

"Oo, bakit?"

Kaagad akong umiling at hindi na nagtanong pa. That settles it. She's not ready to talk about Ron yet... I guess.

Sabay kaming tutulak ni Enrique patungong Baguio kinabukasan para sa Oath Taking at Reception Rites niya bilang incoming fourth-class cadet. Napagkasunduan din naming dumaan muna sa bahay nila para maipakilala niya ako nang maayos sa Mama niya.

"Okay lang ba 'tong suot ko, Tita?" tanong ko sa tiyahin nang makita itong lumabas mula sa kwarto niya. Maaga kaming natulog kagabi pagkatapos kainin ang cake dahil may trabaho pa siya ngayong araw at ako naman ay may pupuntahan.

She ran her gaze across my body. Simpleng black na off-shoulder lang ang suot ko at maong na mom jeans. I put on a belt and paired it with a pair of black string sandals. Nag-thumbs up naman siya sa akin.

"Ang ganda naman ng pamangkin ko... dinaig pa ang Tita sa love life!" humalakhak pa ito bago buksan ang ref.

Napanguso nalang ako. Kahit anong pasimple ko kagabi, talagang walang binanggit si Tita sa akin tungkol kay Ron kaya hinayaan ko nalang ito. Maybe, just like other couples out there, they were just getting to know each other. Baka hindi pa sigurado si Tita kaya naman wala siyang sinasabi sa akin...

"Aalis na po ako."

"Mag-iingat ka, ha! I-text mo kaagad ako kapag nasa Maynila ka na."

Tumango ako at kinuha ang bag. Gusto pa akong sunduin ng nobyo pero hindi na ako pumayag dahil alam kong abala din siya sa pagp-prepare. Kabisado ko na din naman ang bahay nila kaya dun na ako dumiretso. Nag-text lang ako sa kaniya nang malapit na ako.

"Psst! Chuchay!"

Tinawag ko ang alaga nang mamataan itong nakatayo sa gate na para bang may hinihintay. Kaagad na kumawag ang buntot nito nang makita ako at tumatalon-talon pa dahil hindi naman niya ako maabot. Lumabas naman si Leslie nang marinig ang ingay.

"Kuya, andito na si Ate Ganda!" anunsiyo nito dahilan upang mamula ang mga pisngi ko sa hiya.

Enrique appeared in the doorway, wearing a simple white shirt and old jeans. Naka-tuck in ang shirt niya. Ang alam kong pinagsusuot sila ng lumang pantalon na pwedeng madumihan o masira sa gagawing reception rites mamaya.

"Avery..." dali-daling binuksan ni Enrique ang gate para sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

They will shave his head later on. This will be the last time I'm going to see him with this buzz cut.

"Ready ka na bang makalbo mamaya?"

He chuckled and pressed a kiss against my lips softly. Tumili si Leslie sa nakita at kaagad na pumasok sa loob. Si Chuchay naman, talon nang talon at nagpapapansin sa 'ming dalawa.

"May ibibigay nga pala ako sa'yo..."

Nilingon ako ni Enrique. Nahihiya kong inilabas ang ID picture ko saka inabot sa kaniya.

"Lucky charm mo."

Napangiti ito sabay abot sa picture. "Ito lang?"

"Choosy ka pa!"

Natahimik ako nang bigla akong halikan ng lalaki. It was just a chaste kiss, innocent and gentle. Siguro dahil na rin pasilip-silip ang kapatid niyang babae sa amin. I bit my lower lip to stop myself from smiling widely.

"Nasa loob si Mama..."

Tumango ako at sumunod sa kaniya. Dahil may strap ang suot kong sandal, naunang pumasok si Enrique sa bahay nila habang hinuhubad ko pa ito. Pagkapasok ko naman, tanging si Chuchay lang at ang kambal ang naroon sa sala. I heard voices in the kitchen so I followed them there.

"--mo pa ipapakilala sa akin? Girlfriend lang naman yan, hindi asawa!"

Natigilan ako nang marinig ang pagalit na boses ng Mama ni Enrique. I heard him sigh.

"Ma, napag-usapan na natin 'to..."

"Hindi ko lang maintindihan bakit kailangan ko pang pakisamahan ang babaeng yan! At ikaw?! May sinabi ba akong pwede ka nang mag-syota syota? Paano kung ma-distract ka lang at hindi mo matapos ang PMA?"

"Magtatapos ako, Ma..."

My head began to swirl. This reminded me of that day when I overheard Cris talking about me with his friends...

"Mayaman ba yan? Naku, Kiko, baka mas mahirap pa yan sa daga, ah! Baka mabuntis mo pa yan!"

"Mama naman..." I could hear the defeat in Enrique's voice. "Aalis na ako ngayong araw. Talaga bang gusto mong mag-away pa tayo?"

"Nakakabanas, eh! Kita mong ang busy-busy ko dito sa mga bata tapos gusto mo akong papuntahin sa sala para makilala ko ang girlfriend mo... hindi naman yan artista!"

Kaagad na akong bumalik sa sala bago pa nila ako mapansin. Nanunubig ang mga mata ko pero pinilit kong ngumiti nang balingan ako ni Leslie.

"Iyak ikaw, Ate?"

Kaagad akong umiling at pinalis ang namumuong luha. "H-Hindi!" I cleared my throat. "Hindi umiiyak si Ate!" I even faked a laugh so she would believe me.

Tumango naman ang bata habang nakatitig pa rin sa akin. Their youngest is still in a crib. Gawa iyon sa kahoy na mukhang si Enrique pa ang gumawa. She's sleeping silently amidst the chaos in their house.

Mayamaya pa, lumabas na sina Enrique at ang Mama niya mula sa kusina. I gave her a warm smile. Tipid lang itong ngumiti sa akin.

"Magandang umaga po, Tita..."

"Magandang umaga," she said stiffly and ran her gaze across my body. Mas lalo akong na-conscious nang makita ang ekpresyon niya sa mukha. "Ilang taon ka na?"

"Mag-e-eighteen pa po..." bulong ko.

"Kalaking babae..." bulong niya.

Nagkunwari nalang akong walang narinig. Lianna was trying to get her older brother's attention so he must've missed what she said, too. After whispering something to his sister, Enrique stood next to me and wrapped his arms around my shoulders as if to reassure me.

"Sasama po si Avery sa 'tin ngayon, Mama..."

Tumango lang siya at nilapitan ang bunso nila. "Sige, magbibihis lang ako." binalingan niya naman ako. "Kumain ka na ba? Mahaba pa ang biyahe."

Kaagad naman akong tumango. Hindi na nagsalita si Tita Judy at pumasok ito sa kwarto nila.

"Ayos ka lang ba?"

Napansin ata ni Enrique na kanina pa ako tahimik. Tumango lang ako. I reassured him that I'm fine even though my knees would get wobbly every time I hear his mother's voice.

"May mga weekend at home privilege naman kami kahit papaano... mabibisita ko pa rin si Chuchay dito sa bahay at pati na rin ikaw sa Maynila."

I nodded again. This day is important to him. I should be happy. Hindi dapat ako nagpapadala sa nararamdaman ko na wala namang kakwenta-kwenta. Kung palagi kong pepersonalin ang mga sinasabi ng tao sa akin, bakit pa ako kumuha ng sikolohiya? Kailangan ko silang intindihin...

I took a deep breath and looked at him. "I'm proud of you..." bulong ko.

Enrique chuckled. "Hindi pa ako nakaka-graduate sa PMA, Avery."

"Kahit na! There were 30,000 students who took the exam. Only 1,200 of them passed. Isa ka doon. This is a big deal! Only 800 of you reported for the medical and physical examination and only 300 cadets were selected..."

"Nag-research ka ba?" Natatawang tanong sa akin ng lalaki.

Napanguso ako. Eh totoo naman, eh! Hindi biro ang pinasok niya at magiging buhay niya doon sa loob. I've heard some horror stories about PMA and their plebes. Marami ang nag-turnback at hindi nakayanan ang training. Hindi biro ang apat na taon sa loob ng academy.

Nang matapos si Tita Judy ay tumulak na kaming tatlo patungong Baguio. Iniwan nila ang kambal pati na rin ang bunso sa kapitbahay dahil ayaw ng Nanay nila na bumiyahe pa ang mga bata.

"Magpapakabait kayo kay Mama, ha?" Narinig kong malambing na wika ni Enrique kina Leila. "Huwag kayong masyadong pasaway..."

"Kelan ikaw balik, Kuya?"

He chuckled. "Saglit lang, Lei. Babalik kaagad ang Kuya mo..."

"Dala ka kendi, Kuya, ah?"

He hugged and kissed the twins. Hinalikan niya din ang bunso bago ibinigay sa magbabantay nilang kapitbahay. Sumakay kami ng tricycle patungo sa terminal. The three of us were silent. I'm too scared to start a small talk with his mother who doesn't seem to be in the mood right now. Maging sa bus ay naupo sa kabila si Tita Judy habang magkatabi kaming dalawa.

"Pagpasensiyahan mo na si Mama..." bulong ni Enrique.

Kaagad akong umiling. "Ayos lang, Enrique. Wala naman siyang ginagawa..."

Matapos ang ilang oras na biyahe, nakarating kami sa Fort del Pilar kung saan naroon ang academy. The cadets lined up inside while the two of us were ushered to the Jodero Hall. They're going to shave the heads of the plebes before the program. We were surrounded by fellow relatives who were excited yet sad to see their sons and daughters enter the academy.

I scanned the surroundings. Napakalaki ng Borromeo field nila katapat ng hall. The PMA's long standing motto was painted in big, bold letters for everyone to see.

Courage. Integrity. Loyalty.

"Ang init-init..." narinig kong reklamo ni Tita Judy. Iaalok ko sana ang dala kong pamaypay pero binalingan na niya ang katabi at kinausap.

May kumirot sa dibdib ko habang pinapakinggan silang dalawa ng babaeng nakatabi niya. Tawa siya nang tawa at nagbibiro pa sa kaniya gayong ngayon niya lang ito nakilala.

"Mag-isa lang po ba kayo, Ma'am?" Narinig kong tanong ng babae.

"Ah, hindi. May kasama ako." She briefly glanced at me. "Anak ko ang papasok sa PMA."

"Ay, ako din!"

Hindi na ako umimik hanggang sa magsimula ang program. It was administered by the Commandant of Cadets, followed by the message of the Superintendent and a Brigadier General to inspire the students.

"Gaya niyo din ako, minsan kong pinangarap na maging sundalo... kahit noong bata pa lang ako ay alam ko na ang destino at landas na tatahakin ko. Hindi magiging madali ang buhay niyo rito. You will learn how to survive. Many are called but only a few were chosen. Congratulations, members of PMA Class of 2013."

The new cadet battalion were on the field, under the heat of the sun, standing tall and strong. Isa si Enrique sa kanila. Napangiti ako nang mamataan siya sa formation. After the turnover of the new plebes, the reception rites were conducted by the Second Class cadets. They had to undergo another bout of a physical fitness test that includes push-ups, sit-ups, timed run, and rolling in the mud.

By the time it was over, they were all muddy and worn out. May ibang hinimatay pa dahil sa tindi ng init. We were given a chance to see them one last time before they entered the academy. Bumaba kaming dalawa ng Mama ni Enrique sa field.

When I saw him, my face lit up with pride and excitement. His head was really shaved off. It only defined the sharp features of his face and made his cheekbones more prominent. Tumutulo pa ang pawis at ang puting t-shirt ay naging kulay tsokolate na...

"Kiko!" Masayang tawag sa kaniya ng ina. Kaagad kaming lumapit sa kaniya. His mother didn't mind the mud and hugged him tightly. "Mag-iingat ka dito sa loob, ah?"

Niyakap niya pabalik ang ina. I stood there, watching the two with admiration when Enrique extended his hand. Nag-aalangan pa akong kunin iyon dahil nakayakap pa ang Mama niya pero si Enrique na mismo ang humila sa akin.

As soon as I was in his arms, all the noises inside of my head died. The worries, the doubts, the insecurities... they were all gone. All I could think of is how safe I feel whenever I'm around him, and the security that no one else could give me.

"Mami-miss ko kayong dalawa..." bulong niya habang yakap pa rin kami.

-

Note:

CDT 1CL - Cadet First Class is an equivalent of fourth year students in a civilian university, sometimes referred as "firsties" or "first class-men".
CDT 2CL - Cadet Second Class refers to third year students, aka "cows".
CDT 3CL - Cadet Third Class refers to second year students, aka "yearlings".
CDT 4CL - refers to freshmen students, also called as "plebes".

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro