Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

"Ito, Avery... magbaon ka ng bonamin. Hiluhin ka pa naman sa biyahe," bilin sa akin ni Tita habang inaayos ang gamit ko.

"Salamat, Tita...."

"'Tsaka iyong sinabi ko sa'yo, ha? Huwag kang basta-bastang makikipag-usap sa kung kani-kanino! Alam mo naman ang Maynila..." she trailed off.

"Mag-send ka sa 'kin ng pictures ng dormitory! Kung masyadong maliit, maghanap nalang tayo ng iba. Baka hindi ka makapag-focus sa pag-aaral n'yan..."

I pouted. This would be the first time the two of us would be apart from each other for so long. Alam kong pati siya ay nalulungkot din kaya naman ganito ang pag-aalala niya para sa akin.

"Opo, Tita..."

"O s'ya, kumilos ka na at baka nar'yan na ang mga kaibigan mo sa baba."

Lumapit ako sa kaniya at yumakap. Her birthday is coming up soon. The class is in two weeks. Buti naman at sa weekend ang magiging birthday niya dahil makakauwi pa ako.

Pagkalabas ko ng boarding house, naroon na naghihintay sina Yari at Karlo. Neurological exam ni Enrique ngayon kaya hindi siya makakasama sa amin. Kaming tatlo lang muna ang luluwas ng Maynila gamit ang sasakyan na ipinahiram ng mga magulang ng kambal kay Karlo.

"Sinasabi ko sa'yo, Karlo, ha! Huwag kang kaskasero!" Banta ni Yari habang sumasakay kami sa loob.

He glared at us from the rearview mirror. "Ba't nand'yan kayong dalawa?! Para akong driver!"

"Eh driver ka naman talaga!" May bahid pa ng tampo ang tono ni Yari.

Siya ang unang natutong mag-drive sa kanila at siya pa mismo ang nagturo kay Karlo pero dahil babae siya, hindi siya pinayagan ng mga magulang na kumuha ng driver's license. Nagagamit niya lang ang kotse kapag sa malapit lang ang pinupuntahan pero kapag luluwas ng ibang lugar, si Karlo ang nagd-drive.

"Badtrip," bulong-bulong ni Karlo habang pinapaandar ang sasakyan.

"So, excited ka na ba sa magiging bagong dormitory mo?" Yari turned to me and smiled.

I shrugged. "Hindi ko pa alam. Hindi ko pa naman nakikita sa personal, eh."

"Hay. Kung pwede lang sana, sa condo ka nalang namin," she sighed and looked out the window. "Pero alam mong kapag mga magulang ko ang nag-decide, talagang wala na akong magagawa."

"Ayos lang, 'no! 'Tsaka, nakakahiya! Binilhan kayo ng condo ng mga magulang mo para sa inyo, hindi para sa ibang tao..." I chuckled.

"Hindi ka naman ibang tao, Avery," binalingan ako ni Karlo habang nagmamaneho. "Kung papipiliin ako ng kapatid, ikaw ang pipiliin ko."

Sinipa ni Yari ang likod ng upuan ni Karlo kaya natawa na lamang ito. I shook my head when they started bickering again.

Kung nag-bus ako, malamang aabutin ng limang oras ang biyahe mula La Union patungong Manila. Dahil kaskasero naman talaga ang kaibigan, ang limang oras na biyahe ay naging tatlo. Yari keeps on scolding him whenever he curses when someone overtakes him.

Dahil may kailangan pang asikasuhin sina Karlo at Yari sa sari-sariling eskwelahan, dinrop lang nila ako sa Taft Avenue. Susunduin din daw ako mamaya pagkatapos nila. I waved goodbye and took a deep breath.

May labing-siyam na building ang De La Salle University dito sa Maynila. Sa kanan nito ay ang Saint Benilde. Gaya ng inaasahan, maaliwalas at malinis ang buong campus. Kaagad akong nagpunta sa registrar para kumpletuhin ang kulang kong requirements.

"Pwede ka nang magpakuha ng litrato para sa ID mo..." wika ng registrar pagkatapos ibalik sa akin ang mga papel ko. "Straight ka lang tapos sa kaliwa."

"Thank you, Ma'am..."

Pagkatapos kong magpakuha ng litrato, dumaan na din ako sa Psychology department. I just wanted to take a look at my department where I will be spending the next four years of my life.

Nagbuntong-hininga ako. I should be happy, but I'm just feeling ridiculous and homesick! Dapat ay masaya ako ngayon! La Salle is a prestigious university. Pero ang nasa utak ko ay ang Elyu at ang lahat ng iniwan ko.

Naibigay kaagad sa akin ang picture ko para sa ID. They gave out extra copies for myself. I stared at the picture. Pinagsuot nila ako ng uniporme. All-white sa amin dahil sa College of Counseling and Educational Psychology ako.

I stared at the picture. May filter ata ang camera nila, eh! I look... decent here. Ito nalang ang ibibigay ko kay Enrique!

Nang matapos na ako doon, itinext ko ang may-ari ng dormitory para mabisita ko ang lugar. Isang sakayan lang iyon ng tricycle mula sa campus pero pwede namang lakarin kung hindi ako nagmamadali. Malapit sa eskwelahan, piso print, at mga kainan ang dormitory kaya naman umayon kaagad si Tita.

Malinis ang dormitory pero medyo masikip. Isang maliit na cabinet para sa mga damit at libro namin, common ang CR pati na rin ang sink. Bawal daw magluto sa loob o magdala ng mga bisita. Lights off na kapag 10 pm at nagl-lock din daw ng gate kaya hindi pwedeng lumabas ng gabi.

I signed the lease and gave them the deposit. Wala namang kaso sa akin kung may curfew sila dahil hindi naman ako pala-gala. Isa pa, wala din naman ang boyfriend ko dito kaya walang rason para gabihin ako ng uwi.

Binigyan na ako ng susi pagkatapos. I texted Karlo that I'm done. Papunta na rin naman ang kaibigan dito.

"Last stop na si Yari," ani Karlo pagkapasok ko ng sasakyan. "Susunduin nalang natin siya sa UP."

Tumango ako at sinilip ang kulay asul na uniform niya na nakalagay sa passenger seat.

"Ba't pang high-school ang uniform mo?" Biro ko sa kaniya.

He glared at me. "Eh sa hindi ako taga-design ng uniporme, eh!"

"Parang sa St. Agnes..." dagdag ko pa.

Hindi ako pinansin ni Karlo at tuloy-tuloy ang pagmamaneho patungo sa UP.

"Suman, gusto mo?"

Nagtaas ako ng kilay nang bigla niyang buksan ang glove compartment at inilabas ang isang supot ng suman. Napakarami ng laman nun na para bang pam-pamilya ang binili niya!

"Naglilihi ka ba sa suman?" Inabot ko ito at binalatan. Tamang-tama din dahil kanina pa ako nagugutom at hindi makakain sa dami ng ginawa.

He shook his head. "May batang kalye na nagtitinda n'yan. Binili ko na para makauwi. Tirik na tirik ang araw..."

My heart melted at his words. Noon pa man ay talagang malambot na ang puso ng lalaki. He's always the first to worry or cry whenever something bad happens to any of our friends. Pero hinding-hindi niya iyon ipapakita sa amin o aaminin man lang. Palaging naiiyak kapag nanunuod ng nakakalungkot na movies pero todo deny kapag nahuli.

He cares so much about us, but he won't let us care for him. Until now, Lulu, Celeste, and Raya have no idea that his first love died.

"Kapag nabuntis ako, hahanapin kita, Karlo..."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Gago! Pinagsasabi mo?! Magpapabuntis ka sa iba tapos ako ang pananagutin mo?!"

Tumawa ako sa sinabi niya. "Hindi, paglilihian kita. Gusto kong maging kasing-ugali mo ang magiging anak ko. Ayokong magmana sa akin, ang sama ng ugali ko, eh."

"Buti aware ka."

I laughed again while we were stuck in traffic. Nang makarating kami sa UP, pinick-up na namin si Yari. She had already made some friends there. Masaya siya dahil gusto niya ang kursong kinuha at ilang taon niya din itong ipinagtanggol mula sa mga magulang niya. She was still beaming when she got inside the car.

"Excited na ako mag-college! Woo!"

Napailing ako. Karlo and I exchanged looks. Siya lang ata ang excited mag-college sa aming tatlo. Hindi pa man nagsisimula ang college life ko, nami-miss ko na ang La Union...

Nagsimula na akong mag-impake pagdating ko sa boarding house. Iilang damit, mga libro, at gamit sa eskwelahan lang ang dinala ko. Gusto ko pa ring nasa ganitong ayos ang kwarto ko sa tuwing uuwi ako dito.

"Avery! Nandito na si Enrique!" Sigaw ni Tita mula sa sala.

I quickly zipped my bag and gave my room one last look. Sabi nila, kapag umalis ka sa bahay niyo sa unang pagkakataon, kahit ilang ulit kang bumalik, hindi na iyon tulad ng dati. Magiging bisita ka nalang sa sarili mong probinsiya. The day you left to chase your dreams is the day this city will stop becoming your home.

"Avery?"

Nagulat ako sa boses ni Enrique sa likuran. Sumilip siya sa loob ng kwarto ko.

"T-Tara na!" Pinagtulakan ko kaagad siya palabas dahil nakakahiya!

Maliit lang ang kwarto ko at kupas pa ang puting pintura sa pader. Ang bunk bed ko naman, nilagyan ko pa ng fairy lights at saka artificial hanging vines para maging cozy ito para sa akin. Nakaayos ang mga damit ko sa taas at ang desk ay halos wala ng laman. Mayroon pang poster ng You Changed My Life ni Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na nakapaskil pati iilang mga notes na natanggap ko kina Lulu at Raya. Marami din kaming picture ng mga kaibigan ko na nakadikit sa cork board. I even hung the dried flowers that I got from him on Graduation day. Ginamit ko ang kulay asul na tali para isabit iyon sa pader, katabi ng mga litrato ng kaibigan ko.

"Ito pala ang kwarto mo..."

"Ang daya mo, ah! Hindi ko pa nakikita ang kwarto mo!" Bintang ko sa kaniya.

Kinuha ni Enrique ang bag mula sa akin. "Wala akong sariling kwarto. Sa sala ako natutulog dahil lumalaki na ang mga kapatid kong babae, hindi kami pwedeng tabi matulog."

"Oh..."

Isinukbit niya ang duffel bag sa balikat at pati ang paper bag na dala ko ay kinuha rin.

"Tara? Paalis na ang bus..."

Tumango ako at sumunod sa lalaki. Nag-hihintay na si Tita sa labas para sa amin. Ihahatid niya daw ako sa terminal dahil hindi naman siya makakapunta ng Maynila.

"Magt-text ka palagi, Avery, ha? Tapos kumain ka nang mabuti! Huwag kang magpapagutom doon!" Sunod-sunod niyang paalala habang umaandar ang tricycle. "Kung may oras ka, tumawag ka din. Hindi ako ang unang tatawag sa iyo dahil baka ma-disturbo kita sa pag-aaral mo. Maghihintay ako sa tawag mo..."

I reached for her hand and squeezed it. God knows how much she's sacrificing for me and my future. Kahit na maagang nawala ang Mama ko, hindi ko iyon ramdam dahil narito naman si Tita.

"Salamat, Tita..." bulong ko.

Niyakap ko siya nang mahigpit bago ako sumakay sa bus. May inihabilin pa siya kay Enrique. I chuckled while looking at them. Hindi naman kami magli-live in! Nasa Baguio siya habang nasa Maynila ako.

Pagkatapos ng mahabang litanya ni Tita ay sumakay na din sa bus si Enrique. I waved goodbye to her and when the bus finally moved, I blinked back my tears.

"Anong sinabi ni Tita sa'yo?" Mahina kong bulong kay Enrique.

"Hmm, huwag daw kitang buntisin."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. He chuckled and nodded, indicating that he wasn't joking. Knowing Tita, she probably really said that!

"P-para namang ano! Ni hindi pa nga tayo nagk-kiss, eh!" Depensa ko kaagad.

We haven't kissed officially as a couple. Iyong first kiss namin sa prom noong nililigawan niya pa ako, hindi na nasundan. We were always surrounded by friends and family every time we were together.

Malamlam ang mga mata ni Enrique na nakatingin sa akin ngayon.

"Do you want to kiss?"

I swallowed and immediately looked away. "Dito? Sa bus?" Umirap pa ako. "Gusto mong pababain tayo ng driver?! Baka maglakad tayo patungong Maynila!"

Enrique chuckled and reached for my hand, intertwining our fingers. Nahihiya ako sa matandang nakaupo sa tapat namin dahil kitang-kita niya kami kaya tinakpan ko ng bag ang magkahawak naming kamay. Napatingin tuloy si Enrique sa akin.

I just smiled at him and slowly leaned against his broad shoulder. Nakatulog lang ako sa pagod. Ilang beses ata akong nagising tuwing humihinto ang bus. Inabot pa kami ng halos anim na oras dahil na rin sa traffic pagkarating namin sa Maynila.

Dumiretso kaagad kami sa dormitory. Ayaw pa sanang papasukin ng landlady namin si Enrique pero dahil walang elevator at nasa fourth floor pa ang kwarto ko, pumayag siyang tulungan akong iakyat ang mga gamit ko.

"Baba ka agad ha!" Banta pa niya sa lalaki.

Tumango si Enrique at pinauna ako sa hagdan. Ang sabi sa akin ay bukas pa daw darating ang dalawa kong roommate kaya ako na muna mag-isa ngayon dito. Palingon-lingon ako kay Enrique dahil alam kong mabigat ang bag ko pero mukhang wala naman ito sa kaniya. Nang makarating na kami sa fourth floor, binuksan ko agad ang kwarto namin.

He scanned the surroundings after placing my bag on the floor. Nasa taas ako ng bunk bed habang ang isa kong roommate ay sa baba. Kahit na maliit ay tig-iisa pa rin kami ng mga desk para makapag-aral nang maayos.

"Uuwi ka na?" Nanlulumo kong tanong sa kaniya.

He nodded. "Last trip na ng bus ngayong alas singko."

"Ano... sa oath-taking niyo pala, pwede akong pumunta kung gusto mo..." I smiled at him.

"Sigurado ka?"

I nodded. "First day lang naman ng klase. I'm sure wala naman sa mga professors ang magk-klase talaga. Magb-bus nalang ako patungong Baguio tapos balik ulit pagkatapos ng program. May naipon din akong pera kaya huwag ka nang mag-alala sa pamasahe ko..."

He stared at me before nodding slowly. "Come here..."

Inilapag ko ang paper bag sa desk at lumapit sa kaniya. Enrique immediately engulfed me into a hug, burying his face at the crook of my neck. Bahagya siyang nakayuko para abutin ang leeg ko. I swallowed when my heart started beating wildly again.

"That means a lot to me, Avery. Thank you..." he mumbled into my skin.

Halos hindi ako makasagot dahil nakikiliti ako sa init ng hininga niya. Tumango nalang ako. I gasped when he started placing little kisses on the side of my neck, tracing my jawline, and gently pressing his lips on the side of my mouth.

"Can I kiss you now?" He whispered against my lips.

I nodded. Kaagad niya akong siniil ng halik. Napapikit nalang ako nang maramdaman ang kamay niya sa buhok ko habang ang isa naman ay nasa baywang. His tongue deftly glided inside my mouth, while his other hand started caressing my skin just above my jeans. A low moan escaped from my mouth.

Ako ang naunang bumitaw sa halik. Both of our faces were flushed as we looked at each other.

"Alam mo, baka palayasin din ako ng landlady ko kapag nalaman niya 'to..." I chuckled, my face burning red.

Kinuha ni Enrique ang braso ko at marahan akong hinigit pabalik sa kaniya. "She'll never know..." Bulong niya habang yakap ako.

"Sinusulit mo ba 'to kasi aalis ka na?"

He chuckled and kissed me again on the cheeks. "Yeah..."

I tiptoed and reached for his lips. Enrique's arms snaked against my waist and lifted me from the floor, deepening the kiss.

Nawawala na ata ako sa wisyo dahil sa mga halik niya. Bakit ngayon lang namin ginawa 'to?! Parang ninakaw ang tatlong buwan sa akin kung ganun! Hindi pa ata kami titigil kung hindi kami nakarinig ng ingay sa labas. Kaagad akong kumalas sa lalaki at inayos ang nakusot na damit.

Our landlady appeared with another girl, carrying a suitcase and a small bag.

"Avery, si Stephanie. Stephanie, si Avery. Maaga pala ang flight niya. Galing pa 'tong Davao."

"Hi, Stephanie!" I waved at her. She smiled at me and then looked at Enrique who was standing next to me.

"Uhm, hindi naman natin siya roommate, diba?" Mahina niyang tanong.

"Hindi, hindi!" Depensa ko kaagad. "Tinulungan niya lang ako sa mga gamit ko."

She nodded, smiling. "Phew. Akala ko lalaki ang isa nating roommate."

"Bukas pa yun darating. Mag-ayos na kayo ng mga gamit niyo. Kung nagugutom kayo, may karinderya d'yan sa baba. Pwedeng bumili ng pagkain sa labas pero bawal magluto. Pwede rin kayong gumamit ng rice cooker para tipid sa kanin. Tsaka heater, pwede din..." She started reminding us the policies in her dormitory again.

"Salamat po..." we chorused when she left.

Napatingin ako kay Enrique. He nodded at me. "Aalis na ako."

"Sige, ihatid na kita sa baba."

Habang pababa kami, ngayon lang ako tinamaan ng mga sinabi ni Tita kanina. If getting kissed by him is so addicting, how will I ever control myself?! Buti nalang talaga at nasa Baguio siya! I've never thought of my boyfriend as a walking temptation until now.

Nang makarating kami sa gate, bumagal ang lakad ko. Nilingon naman ako ni Enrique, nagtataka.

"Bakit?"

"Ang tagal ng apat na taon..." bulong ko nang mapagtanto.

He chuckled. "PMA ba?"

Dahan-dahan akong tumango. Enrique pulled me to him and hugged me.

"Alam ko..." bulong niya. "Hindi biro yun."

I sighed in his chest. Kapag may mga problema ako, hindi ko na siya basta-bastang makakausap. Ganun din sa kaniya. Buti sana kung makakapag-cellphone siya gabi-gabi para may komunikasyon kami kahit papaano pero hindi rin! I've never been in a relationship before, so I don't have the slightest idea how to handle this.

"Magtiis muna tayo ngayon, ah? Alam kong mahirap, pero kakayanin natin 'tong dalawa. Pangarap ko to, Avery, eh. Wala namang madaling daan patungo sa pangarap kaya pagtitiisan ko 'to... natin."

I nodded in understanding. "Sorry, I just feel lousy these days. Hindi ganito ka exciting ang college life na pinapalabas nila sa pelikula. It's full of changes and it's... scary. Nar'yan naman sina Karlo at Yari pero iba pa rin yung naroon ako sa Elyu at napapalibutan ng mga taong importante sa akin."

"Hang in there, Avery... pakakasalan pa kita..."

I chuckled and swatted his chest. Iniisip na ba niya ang mga bagay na yun? Parang ang advance naman! Natigil lang ako sa kakatawa nang makita ang seryoso niyang mukha.

He's serious, huh?

"Sige, pero hindi ka pwedeng mamatay nang maaga!"

Enrique chuckled and kissed my forehead. "I promise."

I closed my eyes. We were young and dumb and in love at that time...I may not have much experience in love but I know that it's worth it. We are worth it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro