Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

"Oh, Avery? Nasan ang bebe mo?"

"No boyfriends allowed nga, diba!" Hirit kaagad ni Lulu nang marinig ang tanong ni Celeste. "Tayo-tayo muna..."

"Nagsasawa na ako sa pagmumukha ninyo!" Protesta ni Celeste. "Gusto kong makakita ng gwapo!"

Ivo cleared his throat. Napatingin naman si Celeste sa kaniya at kaagad na sumimangot.

"Ang sabi ko, gwapo!"

"Gwapo naman ako, ah?" Inosenteng tanong ni Ivo sabay baling kay Raya. "Diba? Diba?"

Raya just gave her a blank look. Natawa ako at hinila si Ivo palayo sa kanila dahil may gusto akong itanong sa kaniya.

"Teka lang, Avery! Alam kong gwapo ako pero kailangan mo pa ring pumila!"

"Tumahimik ka nga, Primitivo." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. The wind is picking up. Tirik na tirik ang araw kaya sakto talaga sa pagpunta namin ngayon sa dagat. "May itatanong ako sa iyo..."

"Sorry, Avery. Loyal ako kay Raya. Dapat ganun ka din sa boyfriend mo..."

Kaagad kong hinampas si Ivo at pinanlisikan ng mga mata. He laughed, rubbing his chest.

"Ano yun?"

"Gusto kong bigyan ng regalo si Enrique kapag nakapasok siya sa PMA. Hihingi sana ako ng suggestions mula sa'yo..."

"Bakit ako?"

"Lalaki ka! Alam mo kung anong gusto ng mga lalaki."

Nginisihan niya ako. "Ang gusto ko ay i-crush back ako ng crush ko."

I rolled my eyes at him. "Seryoso, Ivo... anong ibibigay ko sa kaniya? Iyong madadala at magagamit niya sa loob ng academy."

"Tawas para iwas putok..."

I shot him a warning look. Napakahirap talaga kausapin nang matino ang lalaking 'to!

He laughed. "Uh... depende kasi sa kaniya yan, eh. Pero alam mo yung mga sundalo sa pelikula, diba? May picture sila ng mga mahal nila sa wallet o di kaya sa locket nila. Paano kung yun nalang ang ibigay mo?"

"PMA ang papasukin niya, Ivo. Hindi gyera."

"Eh dun din naman siya patungo!" He retorted. "Kasi kapag binigyan mo siya ng bonggang regalo, hindi niya yun madadala sa loob. Ic-confiscate yun bago pumasok. Picture nalang. Mukhang gusto ka naman talaga ng lalaki. Ma-appreciate niya yun."

I gave it some thought. Most days, I don't like what I see in the mirror so the thought of giving him my picture never really occurred to me. Isa pa, nakakahiya! Baka sabihin ng tao ng GGSS ako, 'no! Pero may point din naman si Ivo.

Hindi ko afford bumili ng relo o mamahaling wallet. Would he be able to use it inside the academy? I highly doubt it. They'd be rolling in mud, climbing, running, and carrying firearms inside the academy. I doubt the cadets are allowed to wear watches in the first place.

He will stay inside the academy, day in, day out! Lulu even told me that they're not allowed to use their cellphones without the authority of their officers. Hindi ko siya makakausap basta-basta... sa loob ng apat na taon!

"Tangina, first relationship, LDR kaagad..." bulong ko sa sarili nang mapagtanto.

We spent the entire day at the beach, forgetting our responsibilities as students. Deserve din namin 'to dahil sa sobrang stress na dala ng research at final defense namin. Akala ko malalagas lahat ng buhok ko sa ulo dahil sa dami ng gawain.

"Narito sa papel ang outline ng research natin. Basahin niyong maigi para pag may tanong si Ma'am, masasagot niyo kaagad." I instructed my groupmates while we were waiting outside the classroom.

Grupo nila Enrique ang unang nag-defense. Gusto ko sanang sumilip kaso bawal iyon kaya matiyaga nalang kaming naghintay sa labas. Ours is the last group to defend so by the time we were called, I was pretty much drained.

Still, I gave it my best shot. Hindi ako pwedeng bumagsak sa research. Kahit na mamimiss ko sina Lulu, ayoko rin namang umulit ng fourth year! I did most of the talking because my groupmates, as expected, were clueless about our paper.

"Okay, so what is the purpose of the study?"

"The purpose of the study—"

"Miss Perez! Si Miss Perez na naman!" One of the panelists sighed out loud. "Ano ba yang mga ka-group mo, Miss Perez? Pipi?"

Sinulyapan ko sila. They were all scrambling and panicking while clutching the paper.

"Oh, Mr. dela Rosa, what is the purpose of the study?"

"Uhm... the purpose, Ma'am, of the study is... is..."

Kinabahan na ako dahil wala man lang maisagot si Adam sa tanong ni Ma'am. I was so worried because I might fail the subject! Hindi naman individual ang grado dito sa research. We are still going to get graded as a group! If they fail, that means I will fail, too...

"What is it? How about Mr. Aquino? Except for Miss Perez, do any of you actually know what your research is all about?"

Nagtutulakan na sila. Gusto kong maiyak sa pinaghalong lungkot at frustration. Kapag bumagsak ako dahil sa kanila, isusumpa ko talaga sila habambuhay!

"Well?" Our teacher prodded impatiently. Wala man lang makaimik sa kanilang apat.

"Ma'am, can I please answer?" Mahina kong tanong, naiiyak na.

Our research teacher sighed. "Okay, the four of you, get out. Miss Perez, you can finish defending the research. The rest of you have to start over again. I'll still sign your clearance but you have to submit a separate research paper before graduation. I know only Miss Perez is working on this paper."

Napanganga ako sa sobrang gulat. Bakas naman ang takot sa mukha ng mga groupmates ko.

"Pero, Ma'am..."

"We will talk later. But right now, please get out..." binalingan ako ng research teacher namin. "Okay, Miss Perez. You may proceed..."

My hands were clammy as I continued the presentation. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakikita ng research teacher namin ang lahat ng sakripisyo at effort ko para sa research na 'to o maaawa dahil may apat kaming kaklase na baka hindi makapag-martsa ngayong Marso.

"The results indicate that social selection mechanisms are present in all three periods studied. Emotional and behavioral problems were associated with performing poorly in academics. In conclusion, mental health problems in high school students can increase the risks for poor academic performance. There is a need to increase awareness and treatments to provide fair opportunities to high school education." I concluded after I have gone through the paper.

"Well done, Miss Perez!" Our research teacher clapped in delight.  "Actually, your paper is the best in your batch." She said, smiling while scanning the papers. "I wasn't expecting much because I'm handling a high school class but I'm... impressed. I hope you know that you have a gift in writing research papers, Miss Perez. And I hope in the future, you use that gift to work in the academe."

Muntik na akong maiyak sa sinabi ni Ma'am sa akin. I blinked back my tears and gave her a shaky smile.

"Thank you, Ma'am..."

"Congratulations in advance on your graduation..."

I was smiling from ear to ear when I stepped out of the classroom. My classmates gave me a puzzled look. Ang akala siguro nila ay kaming lahat bumagsak dahil sa pagpapalabas ni Ma'am sa apat kong ka-grupo. Pinabalik na kaming lahat sa loob.

"This is our final class and I want to congratulate you all for trying so hard, especially Miss Perez. She got the highest grade in this subject."

Yari gasped and turned to me with a huge smile.

"Congrats, Avery!"

I beamed and automatically turned to the other side of the room. Enrique is watching me with a smile on his face.

"Proud of you..." he mouthed.

"At gusto ko nalang mahiga ngayon sa riles..." narinig kong bulong ni Yari sa tabi ko. Hindi ko alam na nakita niya pala iyon!

Tinawanan ko lang si Yari. Our research teacher asked for our clearance slips and signed all of our papers. Ito nalang ang natitirang subject namin na hindi pa napipirmahan kaya sobrang tuwa ng mga kaklase ko.

Ito na talaga yun. Tapos na ang high school life ko.

"Tita, pwede bang huwag kang maging masyadong maganda sa graduation ko?" Reklamo ko nang makita ang tiyahin. She looked radiant in her white formal blouse, black slacks, and her tail in a neat ponytail. Tinaasan niya ako ng kilay. "Andami pa namang single father dun, baka pagkaguluhan ka lang."

"Loka-loka!" Pabiro niya akong tinulak saka tumawa.

She did my makeup today. We didn't bother going to the salon for my hair and makeup. Nag-day off si Tita ngayon para sa graduation ko at sa maliit na handaan mamaya sa boarding house.

"Dapat lang na maging maganda ako, 'no! Best Research awardee ang pamangkin ko!" Proud niyang wika.

I pouted and pulled her into a hug. When my mother fell in love with my father who had autism, everyone in the family protested except for her. She funded their wedding and made sure her little sister is okay. She was there while my mother was pregnant with me. When I lost my mother, Tita did not hesitate to step up and take me and my brother under her wing. When Aaron died because of heart complications, she blinked back her tears to be strong for me on top of handling her separation with her husband.

Hindi ko alam kung narito pa ako sa mundong ito kung hindi dahil sa Tita ko. I owe her a lot. I owe her my life...

"Huwag iiyak, ha? Ang make-up mo!" Banta niya sa akin nang mapansing bigla nalang akong tumahimik.

I laughed weakly. What is it with me these days? I'm getting so emotional! Normal lang ba 'to? While the others are so excited to start their college life, I am dreading the end of my high school life.

Ayaw kong umalis sa La Union. The best memories of my life happened here. Alam kong kahit saan ako dalhin ng buhay, babalik at babalik ako dito dahil Elyu ang tahanan ko...

Kaya siguro ako nahihirapang umalis dahil sobrang na-attach na ako sa lugar na 'to. Nag-aalala din ako sa mga iiwanan ko dito... si Tita, ang mga kaibigan ko, si Chuchay, at pati na rin itong boarding house kung saan ako lumaki...

Nang magsimulang mag-martsa, hinanap ng mga mata ko si Yari, Karlo, at Enrique. The three of them are first to march, given their surnames. But Enrique took the seat in the front row for high honor students while the rest of us sat in alphabetical orders. Nang magtama ang mga mata namin ni Yari, she gave me a wide smile and a thumbs up.

I smiled back at her. My heart wouldn't stay still until we marched to get our diploma on the stage. Sunod na tinawag ang mga honor students.

"With high honors, Enrique Jacob Cabrera, Best in Mathematics, ROTC Leadership Excellence Award!"

Our classmates cheered when he went on stage with his mother. Even if she looks tired and worn, I could see the glint of pride in her face.

"For our Special Awards, Avery Felicia Perez, Student Council Leadership Award, Best in Research!"

Tita was giddy like a kid when we went to the stage to get my medal. Proud na proud niya itong isinuot sa akin at nakailang ulit pa ng picture sa stage kahit na dalawang beses lang ang allowed. Hiyang-hiya tuloy ako nang bumaba kami.

When we all received our awards, our class valedictorian went to the stage to give her speech.

"Ladies and gentlemen, esteemed faculty, proud parents, and my fellow graduates... Today, we stand on the threshold of a new chapter in our lives, adorned with the medals of our hard work, dedication, and perseverance. As the valedictorian of our class, I am honored to address you all on this momentous event..."

Nagpalinga-linga ako para sana hanapin si Tita pero ang mga kaibigan ko ang nakita. Naghaharutan sina Celeste at Lulu habang magkatabi naman sina Raya at Ivo. When Raya saw me in the crowd, she smiled at me and gave me two thumbs up. Natawa ako at nag-thumbs up rin sa kaniya.

"Congratulations, St. Agnes Class of 2009! As we bid farewell to high school and step into the vast world awaiting us, let us carry the spirit of unity, resilience, and hope that has defined our time together. Our futures are bright, and I have no doubt that each of us will go on to achieve great things in life. Thank you."

Nagpalakpakan ang mga tao. Hudyat din iyon ng mga graduates para tumayo at ihagis ang graduation cap nila. Pinaalalahanan na kami ng mga guro na huwag iyong gagawin at pagbabayarin daw kami pero wala namang nakinig sa kanila. Yari instantly found me in the crowd and pulled me into a hug. Mas lalong humigpit ang yakap nang makisali si Karlo.

"Graduate na tayo..." mangiyak-ngiyak na wika ni Yari.

Karlo chuckled while holding the two of us. "Magiging legal na tayo in two years."

I didn't say anything and allowed myself to be comforted by the warmth of their embrace. When the parents and visitors are allowed into the gym, our friends instantly flock to us. Isa-isa kaming nagyakapan na para bang hindi na magkikita mamaya sa kainan.

"Congratulations, Avery!" Si Ivo na kaagad akong niyakap. "May lechon ba kayo mamaya?" Bulong niya sa akin.

Tumawa ako nang malakas at tumango. "Oo, may lechon sa boarding house, Ivo."

"Ayown. Kita nalang tayo mamaya, ah?"

I nodded and turned to Celeste. Tumalon-talon pa ito saka ako niyakap nang mahigpit.

"College ka na! Huwag mo kaming kakalimutan, ah?! Hahanapin talaga kita kahit saan lupalop ng mundo!"

I laughed and hugged her back. "Uuwi naman kami dito tuwing weekend, ano ka ba!"

"Ehem," Yari cleared her throat. "Tabi muna guys, dadaan ang boyfriend..."

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Celeste para makita kung sino ang tinutukoy ni Yari. Enrique was standing there, holding a big bouquet of roses. It was wrapped in a sky blue wrapping paper, bundled together in a silk blue ribbon. My jaw dropped.

"Congratulations," aniya sabay abot sa akin ng bouquet. The scent of the roses enveloped me. Hindi lang iyon isang dosena kundi higit pa! Nagmukhang sisiw ang natanggap kong bouquet mula kay Cris noon!

I looked up at him, tears welling in my eyes. "Thank you..." I almost whispered.

"Kakain muna kami nina Mama pero pupunta ako sa boarding house ninyo mamaya," paalam niya sa akin.

Tumango naman ako. Nagulat ako nang bigla siyang akbayan ni Ivo na para bang close sila ng lalaki.

"Congrats, bro! Punta ka mamaya, ah? Binyagan ka namin. Ikaw ang unang lalaking isasali sa squad." Binalingan naman ako ni Ivo. "Huwag mo 'tong hihiwalayan, Avery, ah? Magri-ritwal pa tayo't lahat lahat."

"Gagong 'to!" Hinampas ko si Ivo ng diploma dahil kung anu-ano na ang pinagsasabi niya kay Enrique. He just laughed and didn't seem to mind it. Napailing na lang ako.

Pagkatapos naming magpaalam sa mga kaklase at pati na rin sa mga paboritong guro namin, umuwi na kami sa boarding house. May handaan din sa mga Chi Ong pero bukas pa daw sila magc-celebrate kaya dumiretso na din ang kambal sa amin.

Tita's tenants helped with the food. May lechonero kasi siyang tenant kaya naging mas madali at doon nalang din sila nag-lechon sa labas ng bahay. Tumulong si Karlo sa paglalabas ng mga lamesa at upuan habang kami naman ni Yari ay nagpapalit sa loob.

"Ang sweet naman!" Naiinggit na wika ni Yari habang nakatingin sa bouquet ko. "Gusto ko din!"

"Hanap ka muna ng boyfriend." Pambabara ko sa kaniya.

She rolled her eyes. "Ang damot-damot mo! Porket sweet, caring, at gwapo ang boyfriend mo, ganyan ka na makaasta!"

Tinawanan ko lang ang kaibigan at pumasok sa kwarto. I couldn't help staring at the flowers. Napapangiti ako na parang tanga. Kung pwede nga ay dalhin ko 'to kahit saan ako magpunta, eh!

Bumaba na din kaming dalawa ni Yari pagkatapos namin sa taas. One by one, our friends arrived. Sabay pa sina Raya at Ivo dahil mukhang sinundo ng huli si Raya. Lulu came in a little later while Celeste is already friends with Tita's tenants and kept on joking with them.

"Wala pa ba ang bebe mo? Uubusin ni Ivo ang lechon niyo, 'tamo!" Ani Celeste habang nagsasandok kami ng pagkain.

I shook my head. Nag-text na ako sa kaniya pero hindi pa siya nagre-reply. Sinilip ko ulit ang cellphone pero wala pa rin.

"Avery..."

Muntik ko nang mahulog ang hawak na plato nang biglang makarinig ng boses sa likuran. I glared at my Enrique, who looked clueless about my sudden anger.

"Nanggugulat ka naman, eh! Hindi mo ba nabasa ang text ko?"

"Wala akong load..." tumikhim siya.

I nodded and gestured to the food. "Kumain ka na muna. Dun ka sa table namin."

Tumango din si Enrique habang nagtungo naman ako sa lamesa namin. Dalawang maliliit na kahoy na lamesa ang pinagdikit para magkasya kaming lahat. Magkakatabi sina Ivo at Karlo, samantalang sina Celeste, Lulu, Raya, Yari, at ako naman sa kabilang dulo.

"Bakit wala kayong lumpia?" Reklamo ni Celeste habang nakatingin sa plato niya. "Alam niyo bang essential ang lumpia sa anumang handaan?"

"Sa dami ng gumraduate ngayong araw, impossibleng maka-order pa kami ng lumpia, Cel." Tugon ko naman.

"May utang kang lumpia sa akin, ah!"

Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan. "Ikaw na nga 'tong nakikikain, ako pa ang nagkautang ng lumpia sa iyo?"

Napalingon ako nang maramdam ulit ang presensiya ni Enrique sa likuran ko. Kaagad kong iminuwestra ang bakanteng espasyo kina Ivo banda.

"Dun ka nalang maupo, fully-booked na kami dito, eh." Biro ko pa.

He nodded. The guys scrammed to make some space for him. Nang maupo siya, tinitigan siya lahat ng kaibigan ko.

"Boyfriend mo talaga 'to, Avery? Ang gwapo! Share tayo?" Bulong ni Celeste kaya siniko ko siya.

Lulu smiled sheepishly at him. "Alam kong crush mo si Avery noon pa!"

Enrique looked away. I chuckled. He looks embarrassed. Hindi niya alam kung paano magre-react sa mga kaibigan ko.

"Ang ganda ni Avery, diba?" Bigla nalang siyang inakbayan ni Ivo. "Lahat ng mga kaibigan ko, magaganda!"

Pinanlisikan ko ng mga mata si Ivo. I really do not trust the words that are coming out of this guy's mouth! Ilang beses na ba akong pinahamak ng lalaking 'to?

"Alam mo bang kinukwento ka niya sa amin, Enrique?" Si Karlo naman.

"Talaga?"

"Oo! Sabi niya, ang macho—"

Sinipa ko kaagad si Karlo sa ilalim ng lamesa pero si Ivo naman ang humiyaw. I double checked again only to find out that I accidentally kicked him instead of Karlo. Nagtawanan naman sina Lulu at Celeste.

"Paano ba yan?! LDR kayo!" Hirit ulit ni Celeste. "Baguio siya, sa Manila ka naman!"

"LDR pinagsasabi mo? Ang lapit-lapit lang, eh. Isang sakayan lang yan ng bus!" Si Yari.

"Tanga! Di naman makakalabas nang basta-basta si Enrique dun! Yung sinasabi ni Lulu, dapat may privilege chuchu bago makalabas!" Si Celeste ulit.

"Home privilege." Lulu corrected.

"Oo! Yun, yun!"

"Hanep yan, ah? Apat na taon kayo dun?" Pang-uusisa ni Karlo.

Tumango naman si Enrique bago uminom ng tubig.

"Mag-sundalo nalang din kaya ako? Ano sa tingin niyo, bagay sa 'king maging sundalo?"

"Ikaw ang unang mamamatay sa gyera, Karlo! Bawal ang tanga dun!" Pambabara kaagad ni Celeste.

Nilunod ulit kami ng ingay ng mga kaibigan ko. I glanced at Enrique. Palingon-lingon lang siya kung sinong nagsasalita. Kapag may napapansin siyang kaibigan ko na hindi pinapakinggan, pinagtutuonan niya ng pansin. Tumatawa na din siya sa mga biro nila. Kapag nagtatagpo ang mga mata namin, ngumingiti siya.

I think he's slowly becoming one of us now...

Tumayo ako nang mag-request ng softdrinks sina Karlo. Sumama naman sa akin si Lulu para tulungan akong dalhin ang mga bote.

"Gusto ko siya..." bulong niya sa akin.

"Sorry, Lulu, taken na si Enrique."

She threw her head back and laughed. "Look at him fitting in our crazy group. I really think he's right for you."

"Sabihin mo ulit sa 'kin yan pagkatapos ng limang taon. Masyado pang maaga ngayon..." biro ko naman.

Lulu smiled while picking up the bottles from the cooler. "Ang swerte mo. I think he really, really likes you. Kanina pa siya nakatingin sa'yo..."

I quietly accepted the bottles from her habang pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.

"Ako din... gusto ko siya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro