Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

"Remember class, the introduction should grab the reader's attention from the start. It builds to your thesis statement and should only consist of one to two paragraphs. Let's look at these examples..."

Pasimple kong nilingon si Yari. She's been silent since this morning. Nag-aalala ako para sa kaibigan pero mas lalo akong nag-aalala para sa kapatid niya. I didn't know Karlo was dating Jazmine! Wala namang sinasabi sa amin ang lalaki. Siguro, kung hindi namin nakita ang panyo sa bag niya ay hindi rin namin malalamang may girlfriend pala siya.

Leukemia, huh? I sighed. Napaka-iksi talaga ng buhay. Ang unfair ng mundo. Hindi mo talaga alam kung kailan kukunin ang mga mahal mo sa buhay. This feels like a sick joke to me...

"Anong nangyari kay Yari? Break ba sila ng jowa niya?" bulong sa akin ni Celeste habang nagla-lunch kami sa manggahan. Um-absent at umuwi na si Karlo kaya kami lang lima ang narito. Some of my friends have no idea about what happened... yet. Hindi rin naman ako makapagsalita dahil wala ako sa lugar para magsabi sa kanila.

"Wala, stress lang siguro sa research nila," pagsisinungaling ko. "Huwag mo muna 'yang guluhin, ha? Si Karlo na din... balita ko... ano... nakaka-stress din ang mga groupmates niya sa research!"

Tumango-tango si Celeste. I know Yari could hear me but she didn't say anything. Nagpatuloy kami sa pag-kain hanggang sa mag-bell, hudyat ng pagtatapos ng lunch break namin.

"Av, absent muna ako. Nag-aalala ako kay Karlo. Wala pa namang tao sa bahay ngayon..."

Tumango ako.

"Sige, ako na mag-iinform kina Ma'am mamaya."

"Salamat, Avery."

I was dragging myself the entire week. Pansin din ng mga kaibigan namin ang tension. Ilang beses na akong tinatanong ni Celeste kung mayroon bang problema pero natatakot akong pangunahan si Karlo.

"Si Jazmine ba?"

Nagulat ako sa biglaang pag-upo ni Ivo sa tabi ko. Yari and Celeste went to the canteen to buy some drinks. The two of us were doing our assigned tasks for the research papers while Lulu, Ivo, Celeste, and Raya were just hanging out with us.

"Paano mo...?"

"Alam kong sila ni Karlo. Late ko lang na-realize na siya pala yung..." he trailed off, and then sighed. "Kaya pala halos hindi ko na makausap si Karlo."

I nodded. Well, if he knows... there's really no use of keeping it as a secret. Raya and Lulu were busy talking about something else and we were whispering to each other. Hindi naman ata nila kami maririnig!

"Pupuntahan ko yun mamaya sa bahay nila."

"Binabantayan naman siya ni Yari pero nag-aalala pa rin ako sa kaniya."

I'm not used to seeing Karlo stripped off his usual cheerful self. Pumapasok pa naman siya pero hindi na gaanong nagsasalita. Napapansin ko lang na pinipilit niyang pasayahin ang sarili kapag nariyan sina Celeste, Lulu, at Raya pero sa tuwing kaming tatlo lang ang magkakasama ay halos hindi umiimik. He's been going to the family's house every night for the wake. Minsan ay hindi na natutulog dahil siya ang nagbabantay sa lamay.

"Ayos ka lang ba? Wala bang problema sa research niyo?"

Napalingon ako kay Enrique. I feel guilty because I think I have been ignoring him these past few days. Ambigat din kasi ng dinadala ko. I love my friends so much, and so I am very affected when one of them are going through hard times. Alam na alam ko ang pakiramdam nang mawalan. Mula sa mga magulang ko, hanggang sa kapatid ko... wala nang natira sa akin.

"Ayos lang naman..." mahina kong sagot.

Minsan, sumasagi sa isipan ko na patigilin nalang muna siya sa panliligaw. Wala naman siyang napapala sa akin, eh! I could not focus on him and I can't bring myself to smile more because of all these burdens. Gustong-gusto ko siyang sagutin pero pakiramdam ko, hindi pa ito ang tamang panahon. Napaka-wrong timing lang.

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang pagsulyap-sulyap ni Enrique sa akin. My brows furrowed. Nac-conscious ako, eh! Suplada kong binalingan si Enrique. He looks nervous and taken aback when our eyes met.

"Ano?"

Umiling kaagad siya. Binilisan ko ang paglalakad pero halos wala din iyong epekto sa kaniya dahil natural na malalaki ang mga hakbang niya.

I wanted to pull my hair in frustration. Anong sinabi ko kanina? Sasagutin ko siya? I can't even communicate properly with him! Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pinag-iisip.

Eventually, I calmed down when we arrived at our boarding house. Bumagal ang lakad ko at nahihiyang nilingon si Enrique.

"So... uhm... bukas...?"

"Susunduin kita dito."

I nodded. "Sige."

A small smile touched his lips. "Hindi na mainit ang ulo mo?"

"Huh?"

"Bad mood ka kanina, eh."

I resisted from pouting. Sumimangot lang ako dahil sa kahihiyan.

"Hindi naman!"

"Bad trip ka. Hindi ko alam kung dahil ba sa research o sa kaibigan mo... o sa akin."

"Sa'yo?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Am I giving him that impression? Now I'm feeling twice as guilty! "Wala ka namang ginagawa!"

"Okay tayo?"

"Okay tayo."

Enrique nodded and gave me my books.

We were okay for the next few days. Gusto kong tanggalin ang bigat ng loob ko at kausapin si Enrique tungkol sa nangyari pero ayoko din namang pangunahan si Karlo. I tried to put on a facade every time I'm with him so he doesn't notice how affected I am. Today is the last day of the wake. Mukhang hindi pa rin alam ng iba ang tungkol kay Jazmine dahil ako lang naman ang sinama ni Yari sa bahay nila. We both hugged Karlo as soon as we saw him. He tapped our shoulders.

"Hindi naman nila alam, diba...?" Nag-aalangan nitong tanong.

Yari shook her head. "Hindi, pero naw-weirduhan sila sa inaasta mo. Wala ka bang balak sabihin?"

He shook his head. "Ayoko nang dumagdag sa problema nila. Alam niyo namang malungkot si Raya dahil hindi ulit makakauwi ang Mama niya ngayong taon. Si Celeste, mukhang may problema ata sa pera dahil nilapitan ako. Si Lulu naman, alam kong nagtatalo sila ng Mommy niya dahil sa grades niya..."

I sighed. They were so joyous and energetic earlier but the truth is, all of us are carrying our own burdens. Nakakagaan lang talaga dahil kapag magkasama kami, puro tawanan at asaran lang naman.

It looks like we are on a colorful parade, each wearing a different mask to hide our pains and struggles.

"Group 5! You need to revise this! This is copy-pasted! Sino ba ang leader ninyo?!"

Napaawang ang labi ko sabay tingin sa groupmate ko. After days of pestering them to help me with the body paragraphs, they finally submitted me a copy. Hindi ko na ito naicheck dahil busy din ako sa revision ng introduction namin.

"I'm sorry, Ma'am," hinging paumanhin ko sa guro. Hiyang-hiya ako dahil sa harapan pa talaga ng klase iyon sinabi ni Ma'am. Nakayuko lang ako habang naglalakad pabalik sa grupo namin.

"Class, this research paper is an important requirement for your graduation. Gusto niyo bang umulit ng fourth year kung ibabagsak niyo ang research?"

Hindi ako makapagsalita. Our research teacher went on and ranted about us. Other groups were doing well, especially Enrique's group. Sila ang nangunguna palagi sa pagpapasa at palaging pinupuri ng teacher namin. Hindi naman iyon nakakapagtaka dahil puro matatalino ang mga groupmates nila.

"Magm-meeting tayo mamaya," I said coldly to my groupmates.

"Huh? Eh may laro pa ako sa basketball, eh!"

I shot Adam a sharp look. "Sige, kapag hindi ka sumipot mamaya, hinding-hindi ko isusulat ang pangalan mo!"

I was so stressed out and pressured. Alam kong kami lang ang pinariringgan ni Ma'am dahil wala namang problema sa ibang grupo, eh. Ilang gabi din akong nagpupuyat sa computer shop dahil wala akong napapalang tulong sa mga groupmates ko. Minsan ay sinusundo pa ako ni Tita dahil madaling araw na ay naroon pa rin ako. Naiinggit ako kapag naririnig ko na nagkikita ang ibang mga grupo tuwing Sabado at Linggo sa kani-kanilang bahay para tapusin ang research nila samantalang maski sa text ay hindi man lang ako masagot ng mga ka-grupo ko.

Chuchay became my stress reliever these days. Enrique had a lot of time off because they don't have any revisions and he finished his tasks ahead of time. Dinadala niya si Chuchay sa parke kasama ko o di kaya'y hihintayin ako sa labas ng computer shop para makita ko man lang ang alaga bago umuwi.

"Gusto mong tulungan kita?"

Napatingin ako sa kaniya. Naghihintay kaming dalawa ngayon na may mabakante sa computer shop para masimulan ko na ang revision sa body paragraphs namin.

"Hindi, ayos lang... nakakahiya."

"Ilang gabi ka nang nagpupuyat, hindi maganda yan sa kalusugan mo."

"Kaya ko naman 'to! Matapos lang 'tong lecheng research na 'to, makaka-graduate din ako."

Sobrang sama ng loob ko hindi lang sa groupmates ko kundi pati na rin sa mundo. Tama nga iyong sinabi ng isa kong classmate noon, sobrang unfair na nasa iisang grupo ang lahat ng matatalino. Kahit man lang may isa akong matinong groupmate, pakiramdam ko makakayanan namin 'tong dalawa. Ang hirap-hirap na ako lang mag-isa ang nagtitiis nito.

"Wala ka bang part-time job ngayon? Bakit narito ka?" I asked, trying to change the topic.

"Hindi muna ako kumuha ng part-time job para makapag-focus ako sa paparating na neuro exam."

"Malapit na ba yun?"

"Sa susunod na buwan. Kapag naipasa ko yun, pwede na akong mag-PFT at magpa-medical."

"Kayang-kaya mo yan, ikaw pa. Huwag mo akong kakalimutan kapag nakapasa ka, ah?"

Enrique chuckled and pulled me closer to him. Unconsciously, he kissed the top of my head. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. I allow him to hold my hand or hug me but this is new! Pati iyong mga nagdo-dota ay napatingin sa amin.

"Pucha, may naglalandiang fourth year dito! Time-out na ako, ate!"

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki at nilapitan saka kinuha ang headseat niya.

"O, alis na. Timeout na pala, eh. Bilis, gagawa pa ako ng research dito!"

Lumayas naman siya sa harapan namin kaya nakaupo na din ako sa wakas. Kumuha ng bakanteng upuan si Enrique at naupo din sa tabi ko. Isinaksak ko ang USB kung saan naroon ang lahat ng files namin.

"May formula kasi n'yan kapag nagsusulat ng body paragraphs. Dapat may topic sentence ka, tapos evidence, tapos i-link mo doon sa thesis statement mo. Masyadong maselan si Ma'am pagdating sa formula kaya tinitingnan niya talaga kung nagf-follow kayo o hindi," Enrique said while pointing at the screen after reading our body paragraphs.

"Huh? Hindi niya naman 'to diniscuss!"

"Nasa libro natin yung formula," aniya at inilabas ang research book namin. I watched him lick his thumb to scan the pages, while his eyes held a serious glint. "Ito..."

Ipinakita ni Enrique sa akin ang tinutukoy na formula. Paulit-ulit ko itong binasa at ginawang guide sa pagre-revise. Enrique commented every now and then, guiding me without sounding condescending or overwhelming. He didn't made me feel stupid for not knowing the formula in writing our body paragraphs. Ni hindi ko namalayan ang oras dahil first time kong mag-enjoy na gawin ang research paper na 'to.

Pagkatapos namin doon ay ihinatid pa niya ako pauwi. Nasalubong pa namin sina Ivo at Karlo na maglalaro daw ng volleyball sa gym. Medyo nabawasan ang pag-aalala ko sa kaibigan dahil hindi na ito nagkukulong sa kwarto at lumalabas-labas na para maglaro.

"Sige, Avery. Dito na kami..." si Ivo sabay baling kay Enrique. "Ihatid mo yan sa boarding house nila, ah? Hawak ko ang pamilya mo..." he even made a slicing gesture across his throat.

Hinampas ko ng papel si Ivo at kinaladkad palayo si Enrique mula sa kanila. Karlo just chuckled weakly. Napailing na lamang ako.

"Huwag mo yung pansinin, sira-ulo yun..." bulong ko sa kaniya.

"Your friends are protective." He commented. "I'm glad you have them."

"Pinagsasabi mo? Naghahanap lang ng away yang si Ivo! Parang tanga, eh. Wala naman siyang laban sa'yo..."

He chuckled. Napatingin tuloy ako sa kaniya. "Sa tingin mo?"

"Oo naman! Nakikita mo ba ang biceps mo?! May ugat-ugat pa ang braso mo... 'tsaka pakiramdam ko may abs—" natigilan ako sa pagsasalita. I cleared my throat when I felt my cheeks burn. Nakalimutan kong siya pala ang kausap ko. Itong si Yari kasi, eh! Ito nalang ang palagi naming pinag-uusapan kapag si Enrique ang topic.

"Abs?" He smiled. "Sa tingin mo may abs ako?"

"Aba malay ko ba! Hindi ko naman yan nakikita, 'no! Pero kung ipapakita mo, go lang din beh!"

Enrique started laughing. "Hay, Avery..."

"Bakit? Curious naman talaga ako, eh. Wala namang abs ang mga kaibigan ko kaya sa'yo nalang ako titingin!"

Tinulak niya ang mukha ko palayo nang akmang lalapitan ko siya.

"I'm only showing my abs to my girlfriend." He said seriously.

"Huh? Eh oh di tayo na! Patingin ng abs mo..."

"Shut up, Avery."

"Huwag mong is-shut up ang girlfriend mo!" Pangungulit ko pa sa kaniya. "Sige na, patingin! Para namang others, eh!"

"Sasagutin mo ako dahil gusto mong makita ang abs ko? Seryoso ka?"

"Gusto kong makita ang abs mo 'tsaka gusto din kita..." it slipped out of my mouth. Kaagad na nawala ang ngiti sa mukha ni Enrique.

Nag-iwas ako ng tingin pero sinilip niya pa rin ang mukha ko.

"Gusto mo ako?" Malambing niyang tanong sa akin.

"M-M-Malamang!" Nauutal kong sagot sa kaniya. "Shungang 'to, magpapaligaw ba ako sa iyo kung hindi kita gusto?! Atsaka, sinabi ko na yan sa'yo nung prom!"

"Dalawang beses mo nang sinabi sa akin..." nakangiti niyang wika.

"Duh! Big deal?"

"Big deal sa akin, Avery."

I swallowed hard. Naiinitan ang buong katawan ko at hindi ako mapakali! Ayan, yang bibig mo na yan, Avery! Napakapahamak!

Binilisan ko ang paglalakad dahil sobrang nahihiya ako pero marahang hinigit ni Enrique ang braso ko. Napatingin ako sa kaniya.

"Seryoso muna... sinasagot mo na ako?" He searched for my eyes. I could feel my pupils dilating while looking at him.

I shyly nodded.

Enrique smiled. "Talaga? Sabihin mo."

"Paulit-ulit, eh!" Reklamo ko.

"Sige na..."

"Baka himatayin ka sa kilig..."

"Ikaw ang mukhang hihimatayin sa ating dalawa ngayon, Avery."

I laughed out loud. He's right! My knees are wobbly and my vision is impaired. Gusto ko nalang malusaw dito sa kalsada. Ayan kasi, eh! Inunahan ko pero hindi ko naman mapanindigan.

I took a deep breath and focused on his eyes. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa dibdib.

"Tayo na?" He softly asked.

"Tayo na..." It was almost a whisper.

Enrique pulled me to a hug. His hand was resting on the top of my head and the other snaked around my waist. Nahihiya ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao, tsaka naka-uniporme pa kami! Pero mukhang wala naman sa kaniya kaya ipinikit ko nalang ang mga mata.

"Tara, ihahatid na kita sa inyo..."

I nodded and followed him like a puppy. Nabibingi pa rin ako sa tibok ng puso habang nakasunod sa kaniya. I can't believe this! May boyfriend na ako!

Pilit kong pinigilan ang ngiti hanggang sa makauwi kami. Wala naman siyang ginawang kakaiba ngayon. I wasn't expecting him to kiss me or something. We were still awkward and nervous around each other.

"Ingat ka..." I waved goodbye to him and went up. As soon as I closed the door, I started shouting like crazy and jumping up and down. Nabulabog si Tita na nagn-nap sa sofa.

"Ano?! Anong meron?!" Nagpapanic niyang tanong nang makita ako.

"May boyfriend na ako, Tita! Boyfriend ko na si Enrique!" Tuwang-tuwa kong wika sa kaniya.

Kumunot and noo niya. "Huh? Hindi mo pa pala sinasagot yun? Akala ko kung ano na, eh..." she rolled her eyes at me.

"Sinagot ko siya kanina!" I giggled and went to her. Naupo ako sa paanan niya at tiningala siya. "Girlfriend na niya ako."

"Oo, narinig ko. Huwag mo namang ipamukha sa akin na single ang Tita tapos luma-love life ang pamangkin!" She scoffed.

I smiled sheepishly at her. "Baka mag-boyfriend ka din, Tita, ah?"

"Bawal ba?"

"Dapat kasing-gwapo ni Enrique!"

"Bawal nga."

Nagtawanan kaming dalawa. When the laughter died, her face turned soft yet serious.

"Pinayagan kitang magpaligaw kay Enrique dahil mukha naman siyang mabait na bata, Avery. Pero ito, ah? Ayaw ko namang maging KJ na Tita, pero mag-focus pa rin kayong dalawa sa pag-aaral ninyo. Ayokong mabuntis ka—"

"Tita!"

"Ano?" She pointed at my chest. "Ang hirap tanggihan yan..."

Napailing ako. This is not what I wanted to hear from her!

"Basta, hinay-hinay lang kayong dalawa. Magc-college ka na. Mahirap sa college. Gawin niyong inspirasyon ang isa't isa..."

I nodded. "Opo, Tita."

"Gusto kong um-attend ng graduation, hindi binyag! Kapag naka-graduate ka na, malaya ka nang gawin kahit anong gusto mo."

Napanguso ako. Para sa taong walang pangarap na katulad ko, nilakasan ko talaga ang loob kong i-look forward ang magiging buhay ko sa college. Heck, I even found myself searching for my possible careers once I graduated with a degree in Psychology. There are so many paths I could take... and I'm overwhelmed.

We had a really long talk that night. Tita might seem fun and easygoing, but she really cares about me and my future. I'm also worried about her's. Ayokong tumanda siyang mag-isa. Darating ang panahon na aalis ako. Sinong mag-aalaga sa kaniya? Paano siya dito mag-isa sa boarding house?

Kinakabahan ako nang magising kinabukasan. Alam kong nariyan sa baba si Enrique at naghihintay sa akin. Ilang ulit kong inayos ang buhok ko pero dahil maiksi ito, wala din naman akong masyadong nagawa. In the end, I decided to wear a pair of simple gold earrings that I got from my mother.

Pinakalma ko muna ang sarili bago ako nagpaalam kay Tita at lumabas. Sure enough, Enrique was there. He's sitting on the wooden bench outside, scanning his review material. Naka-dekwatro pa ito. The morning sun spilled across his face when he looked up. My stupid heart picked up its pace again.

"Hi!" Bibo kong bati sa kaniya. Kulang nalang ay tumalon ako patungo sa lalaki.

He stared at my face. Dahan-dahan niyang pinalis ang buhok ko at sinilip ang tainga. He smiled.

"Ngayon mo pa 'to sinuot..."

I got a bit conscious. Kaagad kong tinakpan ang mga tainga gamit ang buhok. Simple lang naman at hindi agaw-pansin ang hikaw! Bakit nakita niya kaagad?!

"Uh... kasi sa Mama ko 'to..." pagdadahilan ko nalang. "Tara?"

He nodded and we started walking. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayong naglalakad kami biglang mag-nobyo. I am so aware of his presence right now. Lahat nalang ay napapansin ko sa kaniya — ang bahagyang pagtaas ng buhok niya, ang maliit na kunot sa uniporme niya, pati ang amoy ng sabon niya.

"Oo nga pala, may isang house rule lang ako..." wika ko habang ginagala ang tingin sa palayan.

"Ano yun?"

"Huwag muna tayong mag-holding hands sa eskwelahan. Nakakahiyang magholding-hands tapos baka bagsak pala ako sa research!" Natatawang wika ko.

"That's it?"

Tumango ako. "Sisiguruhin ko munang gagraduate ako bago ako lumandi nang bongga."

He chuckled. "There's more to this?"

"Isa pang house rule, huwag mo din akong ini-english!"

Tumawa si Enrique. Napailing nalang ako pero hindi rin natanggal ang ngiti sa mukha ko hanggang sa makarating kami sa eskwelahan. Nang makaupo ako sa tabi ni Yari, kaagad niya akong hinampas ng libro.

"Alam mo beh, nag-aalala na ako sa'yo. Ilang beses na kitang nakikitang tumatawa nang mag-isa. Okay ka lang ba?"

I laughed like a lunatic again. Gusto kong kiligin sa harapan niya at sabihing may boyfriend na ako pero biglang pumasok ang adviser namin. Kaagad kaming tumahimik at naghanda na para sa klase.

"Kayo na?!"

Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Yari sa sobrang lakas ng boses niya. Celeste and Lulu looked shocked. Raya is in a meeting so it's just us here.

"Kailan pa? Kailan?!"

"Uh, kahapon. Sinagot ko siya sa tapat ng computer shop."

"Ang romantic, ah? Dun talaga?" Sarkastikong komento ni Celeste.

I laughed. "Hindi ko naman pinlano yun!"

"So, si Avery ang unang nagka-boyfriend sa atin?" Iginala ni Yari ang paningin sa aming apat. "Ikaw, Celeste, baka may tinatago kang boyfriend d'yan sa bulsa mo?"

She laughed. "Boyfriend ko si Ravi sa imagination ko."

Yari turned to Lulu. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Wala akong tinatagong boyfriend. Study first before you enter the kingdom of love!"

"Ang ganda mo sana kaso ang corny mo..." Celeste hugged Lulu. Nagtawanan sila.

"Anong feeling, Avery? Nag-kiss na ba kayo? First base?"

"Yari!" Saway ko sa kaibigan.

She laughed out loud. "Eh paano yan? Magp-PMA siya, diba? Tapos sa La Salle ka! LDR kayo!"

"Oo nga, di pa naman basta-bastang nakakalabas ang mga cadets dun," ani Lulu. "PMA graduate din si Dad, tapos palaging nagt-take life para makita si Mommy!"

They were all gushing when Lulu started talking about her parent's love story. Buti naman at nawala na sa akin ang atensyon. Napatingin ako kay Yari nang bigla akong sikuhin sabay nguso doon sa field. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Enrique kasama ang ibang cadets. They were practicing the silent drill under the scorching heat of the sun.

"Ang astig nilang tingnan pero alam kong kapag ako ang nar'yan, hihimatayin ako sa init!"

"Same, same. Paano nila natitiis yan?"

"Mas malala pa d'yan sa loob ng academy." Si Lulu.

"Hindi naman magq-quit si Enrique, diba? Huwag mo siyang pag-quit-in, Avery! Sayang ang pension!"

Nagtawanan ulit kami. Amidst the sea of laughter, our gazes connected. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. I know he can't smile or show any emotion right now, but his eyes were telling me everything he's feeling.

Isusumpa ko talaga ang tadhana kapag pinaghiwalay kami pagdating ng panahon. First love ko 'to!

"Okay, very good, Group 5..." our research teacher said while scanning the paper. "See? It isn't that hard! Ito iyong hinahanap ko!"

Nakahinga ako nang maluwag. First time ata naming mapuri ng guro namin pagkatapos naming ipa-check ang papel namin. She encircled a few errors and handed the paper back to us.

"Just follow the minor revisions and we're good to go."

Tumango ako at bumalik sa circle namin. Our teacher proceeded to discuss how to write the conclusion for our research paper. Pinaalalahan niya din kami na ayusin na ang references namin. There will be a defense for the research and after that, she'll sign our clearance.

The school year is ending. Busy kaming lahat sa paghabol-habol ng mga teacher namin para pirmahan ang clearance namin. Ang iilan sa mga kaklase ko naman ay um-attend ng remedial classes para lang mairaos at maka-martsa ngayong Marso. Talks about college, courses, and universities were everywhere.

A part of me is excited for this new chapter but a part of me is also sad. We will be leaving Lulu, Celeste, Raya, and Ivo here. Kahit na sa Manila kaming tatlo, iba-iba na rin na eskwelahan ang papasukan namin. Yari will be attending UP as a multimedia arts student while Karlo will be in FEU for aeronautical engineering. Ako naman ay Psychology sa La Salle.

I would surely miss all the moments I have with them here. Hindi ko na basta-bastang madadaldal si Yari o di kaya'y makakasalubong si Karlo sa hallway. Wala na ding study sessions na nagiging daldalan session tuwing may exam. I will miss seeing the twins playing volleyball in the gym after the class or Ivo with his surfboard or Raya in the chess room. Hindi ko na makikita si Celeste na sumasayaw ng zumba sa flag ceremony. Maiiwan ko na si Lulu sa student council.

All these new changes are now starting to overwhelm me. I have to start preparing my requirements for school admission, too. As for Enrique, I'm sure he'll get into the Philippine Military Academy.

When that happens, we'll be spending the next four years apart from each other. I'll be apart from my friends and my only family.

"Dagat tayo, ha?"

"Huh? Baliw na 'to, andami pa nating aasikasuhin tapos gusto mo dagat?!"

I pouted at Yari's remarks. Ayoko lang kasing malungkot masyado dahil graduating na kami.

"Gusto kong mag-dagat..."

"Ayain mo jowa mo!"

"Gusto kong kayo ang kasama ko..."

She sighed. "Nalulungkot ka lang, eh, kasi graduating na tayo!"

Nagbuntong-hininga din ako. I've never really had friends in elementary school so I cherish them so much. They were like my brothers and sisters from different families.

"At kung iniisip mo na magkakawatak-watak tayo pagkatapos ng graduation, mag-isip ka ulit! Hinding-hindi mangyayari yun, Avery Felicia!"

I smiled at Yari's words. She pulled me into a hug. "Dagat tayo sa Sabado..."

I nodded, feeling emotional.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro