Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14


"Since we didn't have a JS Prom last year, we have to make this one special. After all, it's our last year here..." wika ng student council president namin. She reached for the marker and turned to the whiteboard. "So, okay na ang date natin. March 3 tayo..."

Nagtaas ng kamay si Lulu kaya napatingin kami sa kaniya.

"May I suggest the hotel? I've found a place where we could hold it!" Excited niyang wika.

"Sure, go ahead..."

"Aureo La Union is a great place for our JS Prom. It's spacious, luxurious, and it's also accessible for all of us. I was there last summer so I know that their function hall is big for all of us..."

"Thanks, Lulu, but ALU is too expensive for us."

A look of disappointment crossed Lulu's face. "Oh..."

"Hindi tayo pwedeng pumili ng mamahaling hotel dahil kapag mas tinaasan natin ang contribution, mas maraming hindi magpupunta sa prom."

Lulu nodded in understanding. Nang maupo siya sa tabi ko, binulungan ko siya.

"Nagpunta kayo sa ALU? Ba't di mo kami sinama? Palagi nalang tayo dun sa beach resort na sampung piso ang entrance fee, ah?" I joked to lighten up the mood.

Siniko ako ni Lulu. "Hindi naman ako ang nagbayad, 'no! Tsaka, hindi ko rin alam na mahal pala dun. My mom treats it like a local spot."

"Asus, yaman!"

Nagpatuloy ang meeting namin. Gumawa na din kami ng program at nag-assign ng color code para sa mga dadalo. Fourth year girls are required to wear red ball gowns or any formal evening attire while the third year students are assigned to wear blue. Kung ano ang kulay ng damit ng mga babae ay siyang im-match ng necktie ng mga lalaki.

"Excited ako!" Bulong ulit sa akin ni Lulu. "I already want to shop for dresses now!"

Nginitian ko lang ang kaibigan. Buti naman at hindi kalakihan ang contribution para sa JS Prom namin. Tita promised that I could go on my last year in high school. Buti nalang talaga at natuloy kundi ga-graduate ako nang hindi nakakaranas ng JS Prom.

After our meeting, I checked my phone. Enrique told me that he'll wait for my meeting to end if he finishes first. May practice lang sila para sa gagawing silent drill.

Pagkatapos ng suspension niya ay bumalik naman sa normal ang dati. Hindi naman niya sinasagot ang mga kaklase ko kaya akala pa rin ng karamihan ay talagang hazing ang nangyari. Only my friends know the truth and of course, those who were involved. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang niya ipinagtanggol ang sariling pangalan.

I don't want to think about what Cris will do when he comes back to school again. I hope he won't spread lies, because if he will, I won't stand and do nothing about it! Kaming dalawa na ni Enrique ang inagrabyado niya kaya hindi na ako papayag na ituloy niya ang ginagawang pang-aabuso.

Ako ang nauna kaya ako na ang nagpunta sa field kung saan ang formation ng mga ROTC. Enrique is dismissing the officers, so I waited patiently. First in line is his best friend, Ramjay. Our eyes briefly met. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit kasama niya si Cris nung araw na 'yun.

After they were done, the officers spread out to retrieve their bags and go home. Enrique walked to me while removing his white gloves.

"Sorry, natagalan kami. Kanina ka pa?"

Umiling kaagad ako at hinayaan siyang kunin ang dala kong libro. Hindi naman mabigat iyon pero alam kong hindi naman siya papayag na ako lang ang magdadala nun kapag kasama ko siya.

"Nag-meeting kami tungkol sa JS prom kanina..." excited kong balita sa kaniya.

"Mm-hmm." He picked up his own bag and slung it over his shoulder. "May assignment tayo sa Mathematics, diba?"

Tumango naman ako. Nang makalagpas na kami sa gate, sinubukan ko ulit siyang kapain tungkol sa prom.

"Nakakita ng budget hotel ang president natin kaya hindi gaanong kamahal ang contribution sa prom. Red naka-assign sa seniors, tapos blue naman sa juniors natin." Nakangiti kong wika sa kaniya.

I was waiting for him to tell me if he's going to join or not. Hindi naman siya umimik.

Sinilip ko ang seryosong mukha ng lalaki. "Ano...uhm, s-sasali ka ba?"

He glanced at me. A small smile touched his lips. "Gusto mo ba akong maging ka-date?"

I pouted and looked away. "Tinatanong lang eh kung sasali! Date agad?! 'Tsaka, diba dapat ang mga lalaki ang nagtatanong n'yan?!"

Enrique laughed. Ginulo pa niya ang buhok ko.

"Hindi ako sasali sa prom."

My shoulders slumped in disappointment. I tried my best not to let it show on my face.

"Bakit?"

"Manganganak na si Mama, maraming gastusin sa bahay..."

Hindi ako nakaimik. Naisip ko ulit iyong sinabi ni Tita tungkol sa nanay ni Enrique. I wanted to ask him about it but I'm afraid I am invading the privacy of his family. Para sa ibang tao ay sensitibong bagay ang financial status ng pamilya nila. And I would surely look like an idiot if I continued to ask him about him. Kakayod ba siya at magpapakapagod kung hindi kinakapos ang pamilya nila?

"Sayang..." bulong ko.

Ito siguro ang nararamdaman ni Ivo noong ibinalita ni Raya na pati siya, hindi rin sasali sa JS Prom.

"Gusto kong sabihing sa susunod nalang pero graduating na tayo. Pasensiya na, Avery..."

May kurot sa puso ko nang marinig ang malungkot na boses ni Enrique. I immediately put on a happy face because I feel guilty that I'm making him sad about something that is out of his control.

"A-Ayos lang! Ano... hindi ko pala naitatanong. Magkakaroon ka ba ng babae o lalaking kapatid? Kailan ang due date ng Mama mo?"

He told me about his new sibling. Babae ulit. Nahimashimasan ako nang makita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya habang nagkukuwento tungkol sa magiging kapatid niya. Tatlo na ang magiging kapatid niyang babae, kung ganun. Excited daw siyang makilala ang bagong kapatid.

I was smiling while listening to him but at the back of my mind, I couldn't help but worry about them. One more sibling means another mouth to feed. They could barely get by... how are they going to care for this child? Walang trabaho ang Mama niya. Ang tatay naman nila, hindi na daw nagpapakita. The girls are too young to work, nasa elementary pa lang! It means they are all dependent on Enrique and whatever penny he could scrape from all of his part-time jobs.

Nalulungkot ako para sa kaniya. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ito. Ni hindi pa nga siya college, eh! And what's going to happen to them when he enters PMA? Sinong titingin sa mga kapatid at Mama niya? Talaga bang wala ng planong bumalik sa buhay nila ang tatay? Hindi ko alam kung tama itong iniisip ko pero kahit na walang pagmamahal, basta't nag-aabot lang ng pera sa pamilya ay labis itong makakatulong sa sitwasyon nila.

"Mahal na mahal mo talaga ang Mama mo, 'no?"

Enrique nodded. "Minamahal ko nang tama si Mama dahil hindi niya yun naranasan sa tatay namin..."

I nodded. Kaya naman pala... napaka-swerte ng Mama niya sa kaniya. She gave birth to a son who loves her so much. Iyong anak na kayang gawin ang lahat para sa kaniya at hinding-hindi siya iiwan.

I think that made me fall even harder for him.

Kinakapa ko pa ang sarili sa susunod na gagawin. I want to say yes to him, but I also want to make it special for the both of us. Hindi ko pa naitatanong kung ako ang magiging unang nobya niya pero siya ang akin kaya gusto kong gawin 'to nang maayos...

Alam ko sa una pa lang na hindi talaga siya sasali pero hindi ko pa rin naiwasang malungkot nang makitang wala ang pangalan niya sa final list ng mga dadalo sa prom. I was managing the list while Lulu is in charge of the money and paying all of our suppliers.

Sa sumunod na linggo ay nagp-practice na kami ng cotillion dance pagkatapos ng klase. Dahil nasa gym kami, madalas sa labas na naglalaro ang mga volleyball players. Iyong mga basketball players naman ay nakikihati kaya minsan ay may sumasayaw na natatamaan ng bola.

"Naalala mo yung natamaan ka ng bola, Lulu?" Pangloloko ni Ivo sa kaniya habang nagp-practice kami ng sayaw. "Ang laki ng bukol mo 'nun!"

"Tumahimik ka!" Saway kaagad ng kaibigan. "Bubukulan din kita, 'tamo!"

"Oo nga, Lulu. Ayokong matawa 'nun kasi nakakaawa ang sitwasyon mo pero ang laki talaga ng bukol!" Si Karlo naman. The boys laughed and even high-fived each other.

Napailing ako. It's getting late already... late na dumating ang dance instructor namin kaya late din kaming nakapagsimula. I'm sure Enrique and the officers are done with their formation by now. Ramjay is not included because he joined the prom.

"Okay, get in line everyone! Let's start from the top!" Sigaw ng instructor habang patungo sa speaker.

I sighed and looked around. Wala pa rin iyong partner ko. Umalis siya saglit dahil masakit daw ang tiyan niya pero pakiramdam ko hindi na yun babalik.

"Ma'am, wala pong partner si Avery!" Malakas na sigaw ni Yari.

The instructor looked at me and sighed. "Asan ang partner mo, Perez?"

"Masakit daw po tiyan," tipid ko namang sagot.

"O, siya, Abalanque, ikaw na muna ang partner ni Perez. Wala ka din namang partner, diba?"

Ramjay turned to me. I just gave him a small smile. Hindi naman kami gaanong close ng lalaki. And ever since I saw him with Cris, I couldn't shake off the uneasy feeling about him.

"Yes, Ma'am..."

Lumapit si Ramjay sa akin at tumayo sa harapan ko. I placed my hand on his shoulders and him on my waist. I flinched a little when his hand touched my uniform.

"Sorry, okay ka lang?" Bulong niya sa akin nang magsimula na kaming sumayaw.

Tumango lang ako. It was so awkward between the two of us. Isang beses lang talaga kaming nag-usap at wala na kaya hindi ko alam kung anong itatanong sa kaniya.

"Ganito ka ba talaga ka-tahimik?" He chuckled after a while. "Tahimik ang kaibigan ko, tapos tahimik ka din? Nag-uusap pa ba kayo?"

I glared at him. Hindi siya gaanong katangkad kaya hindi ko na kailangang tumingala kapag kausap siya.

"Hindi lang talaga ako madaldal sa hindi ko ka-close."

"Sungit," saad niya.

I sighed. He searched for my face and smiled boyishly.

"Galit ka sa 'kin, 'no?"

"Hindi, ah!"

"Naf-feel ko, eh. Galit ka. Anong ginawa ko?"

Nakakainis naman! Bakit ba hindi ako tulad ng ibang kaibigan ko na madaling makipag-plastikan sa ibang tao? Kasi ako, hindi ko kaya yun! Kapag galit ako, galit talaga ako. Kapag hindi ko gusto ang tao, hindi ko sinasayang ang ngiti at mga laway ko para makipag-plastikan sa kaniya!

"Nakita kitang kasama si Cris..." pag-amin ko sa wakas.

A look of surprise crossed over his face. "Si Cris?"

"Oo." Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Alam ko din na... pinag-uusapan niyo ako."

I tried to swallow the lump that formed in my throat. Ni hindi ko masabi kung ano 'yun! Kahit na galit na galit ako kay Cris, alam ko naman na sa loob-loob ko, nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya.

"Ah, yun ba?" He chuckled. "Hindi ba nasabi sa'yo ni Kiko kung bakit niya sinuntok si Cris?"

"May alitan daw sila..." I trailed off.

"Tama. Alam mo ba kung sino ang dahilan?"

"Sino?"

"Ikaw."

Napa-awang ang bibig ko sa narinig. Tumigil ako sa pag-sasayaw pero igi-nuide pa rin ako ni Ramjay. Natatakot atang mabulyawan kami ng instructor kapag bigla nalang kaming tumigil dito sa gitna!

"Ako?"

He nodded and chuckled. "Tangina, naging whistleblower pa ako... kaibigan ko din naman si Cris pero hindi ko lang nagustuhan ang mga sinabi niya tungkol sa'yo kaya nabanggit ko kay Kiko. Akala ko alam niya pero hindi pala. Ayun, sinugod ng lalaki. Pumutok yata labi nun, eh."

I gasped. My heart is thundering inside of my chest right now. Enrique made me believe that what happened between the two of them is nothing personal! Kaya hindi ko na siya kinulit kasi hindi ko naman alam na may kinalaman pala ako doon!

But now that I know...

I could feel someone staring at me... at us. Nang lingunin ko ang bleachers, naroon si Enrique na tahimik na nakaupo. His legs were wide open, with his elbows propped on his knees. He had a serious look on his face while staring at us.

Ramjay chuckled. "Huwag kang masyadong dumikit sa 'kin, Avery, baka mag-selos ang commander ko. Ayokong mag squat thrust!"

Inirapan ko lang ang lalaki. As soon as the music ended, I withdraw myself from him. Enrique was still sitting there, so I went to him while our dance instructor was giving instructions for tomorrow's last practice.

"Hi! Kanina ka pa?" Pagmamaang-maangan ko sa kaniya.

He nodded.

"Sabay tayong umuwi mamaya?"

Enrique sighed at me. "Sabay naman talaga tayong umuuwi."

Napanguso ako. I just don't know what to say! Hindi naman siya nagseselos sa kaibigan, diba? I mean, it's Ramjay! His best friend!

"Hihintayin kong matapos ang practice mo..."

Tumango nalang ako at bumalik sa pwesto. Si Ivo ang pumalit sa pwesto ni Ramjay. Nakangisi ito nang tumabi ako sa kaniya.

"Ano yun? Sabay kayong uuwi ni bebeloves mo?" Bulong niya sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Tumahimik ka nga, Ivo."

He chuckled. "Kapag sinagot mo ba siya, hindi na niya kukunin ang ID ko kapag late ako?"

I sighed. "Ivo..."

"Nagtatanong lang, eh! Tanong mo na din kung pwede ko bang hiramin ang biceps niya sa darating na surfing competition ko para cool din akong tingnan..."

"Baliw. Primitivo. Baliw."

"Grabe ka, Avery! Di ko naman aanohin ang bebeloves mo, tatanong ko lang kung nagw-workout ba siya at kung anong routine niya! Batak na batak, eh."

Hindi ko na pinansin ang kaibigan. After the practice, I excused myself from them. Nagsisikuhan pa sina Lulu at Celeste nang makita nila akong kasama si Enrique. They already know that he's courting me. Si Raya nalang ata ang hindi gaanong nakakakita sa lalaki.

But on the way home, he was silent and didn't talk much. Ayokong mag-assume na nagseselos siya kaya itinikom ko nalang ang bibig ko. Pero nang makarating na kami sa kanto namin, hindi na ako nakatiis at binalingan siya.

"Nagseselos ka ba?"

Nag-angat ng tingin si Enrique. A look of surprise crossed his face. "Huh?"

"Kanina..." bahagyang namula ang mga pisngi ko. "K-Kasi kasayaw ko yung best friend mo."

Enrique tilted his head, staring at me. "Hindi."

Napapikit ako sa sobrang hiya! Kaagad akong tumalikod sa kaniya at mabilis na naglakad.

"Teka, Avery," marahan niyang hinablot ang braso ko.

"Hindi ka naman pala nagseselos! Bakit ang tahi-tahimik mo?! Pinag-ooverthink mo ang tao! Alam mo bang masama sa kalusugan yun?!"

I heard Enrique chuckle. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Amusement glinted in his eyes.

"Kung ibang lalaki siguro ang kasayaw mo kanina, siguro... magseselos ako," pag-amin niya.

"Bakit? Hindi ba ako type ni Ramjay?" As soon as the words rolled out of my mouth, I immediately regretted it!

Nawala bigla ang ngiti sa labi ni Enrique. "Well, he better not. He knows I have feelings for you..."

My heart raced. Bakit ang dali-dali lang sa kaniyang sabihin yun?! May feelings din naman ako pero hindi ko ata kayang sabihin nang ganun ka-kaswal sa harapan niya!

Enrique sighed. "Nalulungkot lang ako kasi hindi ako ang makakasayaw mo sa prom."

Both of us went silent. Unti-unting kumalas ang hawak niya sa braso ko. Hindi ko naman gustong iparamdam sa kaniya na wala siyang pera o nagkukulang ang pamilya nila, eh! In fact, I admire him so much for stepping up and working so hard for his family. In my eyes, he was perfect. I didn't know that this feelings would hit him every once in a while.

Hindi maalis sa isipan ko ang malungkot na mukha ni Enrique hanggang sa sumapit ang araw ng prom. Lulu and Celeste were so excited while I was so bummed out. Sa iisang salon kami nagpa-ayos ng buhok pati na rin makeup.

"Bakit nga pala hindi sumali ang bebe mo, Av?" Tanong sa akin ni Celeste habang kinukulot ang buhok niya.

"Huwag mo ngang tawaging bebe! Para ka namang si Ivo, eh." Sita ko sa kaniya.

Lulu laughed. "Female version yan ni Ivo, ano ka ba! Parehong maingay at makulit."

I sighed. "Manganganak na kasi ang Mama niya kaya nag-iipon siya ng pera."

"Ang layo naman ng agwat!" Si Celeste. "Magiging ka-close niya kaya ang kapatid niya? Tingnan mo sina Raya, close na close siya sa mga kapatid niya kasi hindi naman kalayuan ang gap."

"Kayo ba ng ate mo?" Tanong ni Lulu.

Kaagad siyang umiling. "Graduating na sa college ang Ate ko. Dati pa, hindi na talaga kami close. Ibang mundo talaga ang ginagalawan niya."

"Ako, wala akong pakialam sa gap-gap na 'yan! I would be happy if I had a sibling..." Lulu sighed out loud. "Kaso, si Ivo naman ang binigay sa 'kin ni Lord. Minsan, gusto ko na nga siyang isauli, eh!"

Pagkatapos naming mag-ayos, isinuot na namin ang mga gown na nirentahan para sa prom. Kaming dalawa lang ni Celeste ang nag-renta dahil yung kay Lulu ay binili talaga ng Mommy niya para sa kaniya.

Kulay red na off-shoulder gown ang suot ko. I was conscious about my breasts, so I picked the one that would cover me up the most. Naka-corset ang bodice nito kaya hapit na hapit sa katawan. Little red crystals shimmered in the neckline of the gown. Lulu and Celeste wore blue gowns. It looked flattering on them, and I couldn't help but admire the two.

"Ang ganda-ganda naman!" Si Celeste nang makita akong lumabas. "Sayang, di ka makikita ng bebe mo!"

"Celeste!" Saway ko sa kaniya. May iilan kasi kaming classmate na kasama tapos dala pa nila ang mga nanay nila. Baka ma-tsismis pa ako sa pinagsasabi ni Celeste!

She laughed and went to me. Itinuro niya ang dibdib ko. "Siguro nung namimigay si Lord ng blessings dito na part, palanggana ang dala mo! Saganang-sagana, eh!"

Lulu laughed while staring at my chest, too. Mas lalo lang akong na-conscious!

"This is meant to be a compliment, ha? You look like a college girl."

"Hot college girl. Bentang-benta ang beauty mo sa college, 'te! Buti nalang graduating ka na."

Napailing ako sa pinagsasabi nila. I'm just a big girl so naturally, my breasts are larger. Even though I trimmed down a lot before going to high school, I still ended up having a chest that is larger than usual. Sometimes it would give me that womanly confidence, other times it makes me feel like I'm being sexualized by boys.

Sinundo kami ng driver nila Lulu patungo sa venue ng prom. I wanted to be excited but I couldn't. The program started with the processional. My partner and I walked down the red carpet. Naka-assign kami alphabetically kaya si Pascual ang partner ko. Naunang mag-martsa ang mga teachers at ibang staff bago kaming mga estyudante.

After we were seated, our SSG president gave the opening remarks and told us a brief class history of our batch. She recalled all our hardships and experiences and congratulated us in advance as we are about to head to college.

Gaya ng iba, hindi ko rin magawang makinig sa president. Paikot-ikot lang ang mga mata ko sa paligid. We really did a great job decorating the place, huh? We cut down on some suppliers and did some things on our own to save on money. Isa pa, hindi naman venue ang maaalala ng mga estyudanteng dumalo ng prom kundi ang experience.

My eyes drifted to the buffet table. Some of the staff are already placing the metal trays of food and plates on the long table. Napangiti ako. Tumulong pa ako sa pags-skirting ng table dahil nga sa kagustuhang makatipid.

The door to the staff room opened, and several staff came out, carrying trays of food. My eyes widened when I saw Enrique was one of them! Namamalik-mata ba ako?!

"And now, ladies and gentlemen, the fourth year students!"

Everybody in red gowns and ties stood. Nagpapanic akong tumayo at sumunod sa partner ko. Mababali na ata ang leeg ko kakatingin sa buffet table para lang kumpirmahin kung si Enrique nga ang nakita ko! Nababaliw na ba ako?! Maybe I was so desperate to see him that my mind started playing tricks on me?

"Perez, mamaya pa ang kain," biro sa akin ng partner ko nang makitang nakatingin pa rin ako sa buffet table.

I glared at him. "Hindi naman pagkain ang tinitingnan ko!"

We danced to Zac Efron's Can I Have This Dance? just like we practiced. Pagkatapos nito ay ang mga third-year students naman. Kating-kati na akong makaalis sa dance floor. My heart was racing.

As soon as we were done, I headed out. Some of my classmates were teasing me because they saw Enrique, too! Kung gayon ay hindi talaga ako nagha-hallucinate!

I entered the kitchen. Napatingin tuloy sa akin ang mga staff. They were wearing black slacks, white shirt, and a black ribbon. Wala na akong pakialam at iginala ang tingin sa paligid.

"Excuse me, nandito po ba si Enrique?"

"Lumabas si Kiko," one of the girls told me. She must be the head of the staff. "Yung kabilang pinto ang gamitin mo."

I nodded and went after him. The corset was too tight in my stomach so by the time I reached the hallway, I was panting heavily. Walang tao roon. Rinig na rinig ko pa ang musika na nanggagaling sa loob ng function hall. It was A Thousand Years. Paniguradong ang mga third-year students na ang sumasayaw ngayon.

"Avery...?"

I turned when I heard his voice. He was pushing a metal cart tray with a surprised look on his face. Gaya ng ibang staff, itim na slacks, white shirt, at black ribbon din ang suot niya. It just looked better with him because of his physique. His hair was also neatly combed.

"Anong ginagawa mo rito?"

I composed myself first before going to him. Dahan-dahan kong itinulak ang cart palayo sa kaniya. We could still hear the music, and we were the only ones here. I smiled at him.

"Hindi mo naman sinabi na andito ka pala..." I smiled at him.

"Kanina ko lang din nalaman. Nakulangan sila ng servers kaya..." he trailed off and then looked around. Ibinalik niya ang mga mata sa akin. "Do you want to dance with me?"

"Thought you'd never ask." I rolled my eyes jokingly.

Mahinang natawa si Enrique at tuluyan nang binitawan ang hawak na tray. He placed his hand gently on my waist and I placed mine on his shoulders. The music was soft and slow and enchanting. We started dancing.

"Ang ganda mo," bulong niya sa akin.

I went stiff. Enrique chuckled and continued to guide me while dancing.

His hands were rough and steady, just as I expected. I know he could've gone to the prom just like everybody else. He could've been having a good time with us but he still chose to work. Dito pa talaga kung saan makikita niya kaming nagsasaya habang siya ay nagtatrabaho. He's been through a lot. I couldn't stop liking and admiring him even more.

Alam mo, Enrique, gustong-gusto kita...

Ihinilig ko ang ulo sa dibdib niya. The music started to slow down. My heart is much calmer now. Mula sa baywang, umakyat ang kamay ni Enrique sa tuktok ng ulo ko. He kissed the top of my head.

"Baka hinahanap ka na nila..." mahina niyang bulong.

I looked up, my eyes shining. I was feeling really bummed out earlier but now? Okay na ako. Okay na okay na ako.

"Gusto kita, Enrique..."

He looked shocked at my sudden confession. His red lips were slightly apart while looking at me before a tender expression settled on his face. Enrique cupped my face and slowly pulled me closer to him. I closed my eyes as soon as I felt his lips on mine, slow and gentle... like we had all the time in the world.

It was just a chaste kiss shared between two, innocent high schoolers but for me it felt like magic. We were both blushing when we pulled away. Bahagya pang nanginginig ang mga kamay ko kaya itinago ko ito sa likod.

"Bumalik ka na sa loob, baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko..." he sighed.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro