Chapter 13
"Okay, Perez, number sixteen,"
Napakurap ako nang marinig ang apelyido. "P-Po?"
"I'm asking you a question."
Napakurap ako at kaagad na ibinaba ang tingin sa test paper na hawak.
"Based on the excerpt Courage by Anne Sexton, the feeling that the writer intends us to have toward life is...?"
"Courage, Ma'am." Tahimik kong sagot.
"And what word in the poem gave a hint to the mood?"
I scanned the poem briefly, trying to remember my answer.
"The word aspired..."
"Correct, and the figure of speed used is?"
"Metaphor, Ma'am."
"Thank you, Miss Perez. Please do not zone out in my class next time..." she said before proceeding to the next student.
Napabuntong-hininga ako. Hindi mawala sa isipan ko ang pagpunta ni Enrique sa guidance office kanina. Maging ang mga kaklase ko ay hindi tumigil sa kaka-tsismis. Iba't ibang bersyon na ang narinig ko mula sa kanila. Each of the new version sounded worse than the last.
Maging si Yari ay seryoso at tahimik lang sa tabi ko. She gave me an encouraging look when I glanced at her. Ibinalik ko ang tingin sa test paper. Kahit na pinagsabihan na ako ng guro namin na huwag ma-distract, bumabalik ulit ang isipan ko doon.
Enrique hazing his cadets? That's impossible! Hindi niya magagawa ang ganung bagay.
But again, what do I know? I like him so much that my view of him is biased and distorted.
Paano kung ginawa niya talaga 'yun? What will happen to him? To his dreams of entering the Philippine Military Academy? Hindi siya mabibigyan ng Good Moral Certificate!
"Okay ka lang?" Bulong ni Yari sa akin nang makalayo si Ma'am sa amin.
Kaagad naman akong tumango. "Susubukan ko siyang kausapin mamaya."
Yari gave me a weak smile. "If it helps, I don't believe in any of these rumors. Walang basehan."
I felt relief somewhere in my chest. If Yari believes in him, so will I! I need to start believing in him from now on... I need to stop doubting his intentions with me... He's a good person, I know he is.
Akala ko ay makakabalik kaagad siya mula sa guidance office pero lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin sila nakakalabas. Lunch came. The door to the guidance office is shut. Mas lalong lumala ang bulong-bulungan ng mga estyudante.
"Na-guidance daw si Enrique, ah?" Tanong ni Karlo nang sumabay sa aming mag-lunch. "Anong nangyari?"
Yari sighed. "Sumabay ka lang ba sa akin para maki-tsismis?"
"Hindi, ah! Concern ako, future friend-in-law ko yun..." binalingan ako ni Karlo. "Avery?"
Umiling kaagad ako. He hasn't replied to any of my text messages yet. "Hindi ko pa alam."
The Chi Ong siblings dropped the subject and tried to lift my mood by talking about other things. Nang matapos ang lunch ay naglakad na din kami pabalik sa classroom. Out of the corner of my eye, I saw a parent going inside the guidance office. She looks rich and sophisticated. I bit my lower lip, my head is running with endless thoughts again. Natatakot ako kung anong malalaman ko mamaya...
To: Tatay ni Chuchay
Ako na ang magdadala ng bag mo mamaya. Pwede ba tayong magkita sa freedom park?
Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa at pinilit ang sarili na mag-focus sa nalalabing klase.
"Mauna muna ako, ah?" Paalam ko kay Yari pagkatapos ng last subject namin. "Kikitain ko si Enrique mamaya..." paliwanag ko kaagad nang lumipad ang tingin niya sa bag ng lalaki na hawak ko.
She nodded. "Sige, ingat ka..."
I took his bag and went out. May kabigatan pala ito. Andami naman kasi niyang dalang libro at extrang damit! Siguro naaabala na siya kung uuwi pa para magbihis kaya dumidiretso nalang sa mga part-time job niya.
Nang makarating ako sa park, naupo ako at iti-next siya ulit. As soon as I sent it, something vibrated inside his bag. Kaagad ko itong binuksan at nakita ang cellphone niya sa loob!
"Anak ng..."
I sighed. Malamang magtataka yun kapag bumalik siya sa classroom at wala na ang bag niya! Narito pala sa loob ang cellphone niya.
I felt defeated when I saw his untouched lunch box inside his bag. Kumain na ba siya? Hindi ba sila pinalabas para man lang kumain? May tubig pa siya at dalawang extrang t-shirt sa loob. Tatlong libro at isang review material tsaka mga notebook na. Bukod doon, wala ng ibang laman ang bag niya.
Babalik nalang siguro ako sa eskwelahan. Magpapahinga lang ako saglit dahil talagang ambigat ng bag niya at nilakad ko lang papunta rito!
Mabigat na nga ang bag, mabigat pa ang loob ko nang tumayo. I was about to head out when I saw him running towards me.
"Enrique...? Paanong—"
"Nakasalubong ko si Karylle..." pawis na pawis ito nang makarating sa akin. Tumakbo ba siya patungo rito?
I watched the quick rise and fall of his broad shoulders.
"Ano... sorry. Hindi ko naman alam na narito pala sa loob ng bag mo ang cellphone."
He quickly shook his head. "Ayos lang. Akin na, ang bigat n'yan..."
Ibinigay ko sa lalaki ang bag. He pulled out his water and chugged almost half of it. Hinila din niya ang t-shirt palabas at ito ang ginawang towel para sa pawisan niyang mukha.
"Kumain ka na ba?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. "Nakita ko ang lunch box mo dito."
He shook his head. "Hindi pa, pero ayos lang."
"Kumain ka na muna! Nalipasan ka na ng gutom!"
Enrique looks like he's about to protest so I yanked the bag from him. Inilabas ko ang lunch box niya at binuksan ito sa harapan niya. Pakbet at nilagang itlog ang ulam niya. Inamoy-amoy ko muna para masiguradong hindi pa ito napanis bago inabot sa lalaki.
"Ayaw mo bang marinig kung bakit ako pinatawag sa guidance office kanina?"
"Kumain ka muna." Pag-uulit ko. "Mamaya na yan."
A small smile touched his lips upon hearing those words. Kinuha niya ang kutsara't tinidor at naupo sa harapan ko.
"Gusto mo?" Pag-aalok pa niya.
Umiling ako. "Tapos na akong kumain, ano ka ba. Sige na, kumain ka na d'yan. Kung naiilang ka, maglalakad-lakad nalang muna ako..."
I was about to leave when Enrique caught my arm. Napatingin ako sa kaniya.
"Hindi mo na kailangang umalis."
Tumango ako at tumahimik na lamang. He was quickly eating his food. The comfortable silence engulfed us once again. Iginala ko lang ang tingin sa paligid habang hinihintay siyang matapos. Wala siyang tinira kahit isang butil ng bigas. Pati iyong malalaking sibuyas mula sa pakbet ay kinain niya. Hindi ko yun gusto, eh!
He took a sip of his water again after ending his meal and placed his lunch box inside his bag.
"Absent ka ngayon kahit alam ng mga teacher na nasa guidance office ka lang," pagbabalita ko naman.
"Ayos lang. Nag-check lang naman ng mga test paper, diba?"
Tumango ako. Kaya pala dalawa ang papel na ichi-neck ni Yari kanina dahil wala siya! Reklamo pa ito nang reklamo habang hinahabol ang tamang sagot na ibinibigay ng guro namin.
"Ang sabi nila... hazing daw." Lumiit ang boses ko at napayuko na lamang. "Sino yung estyudante? May estyudante daw, eh."
"Si Cris."
I turned to him in shock. Fear suddenly crept into my chest when he mentioned his name.
"S-Si Cris?"
He nodded. "I did punch him, but it was not hazing..." the guy chuckled. "People tend to exaggerate things, don't they?"
Nalilito ko siyang tinitigan. "Anong nangyari? Paanong...?"
"Someone took a video of me punching him while I was still in my ROTC uniform." He sighed. "Iyon ang simula ng lahat..."
"Enrique..." nag-aalala akong tumingin sa kaniya. I can't even probe myself to ask him the reason behind his actions!
"Sorry..." bahagya siyang yumuko. "Hindi ko lang matiis ang mga pang-iinsulto niya."
"Bakit? Hindi naman kayo magkakilala, ah?"
"Pwede akong insultuhin ng kahit sino, Avery. Hindi ako natitibag. Pero ibang usapan na kapag ang iniinsulto ay mga taong importante sa akin..." he looked at me.
"I don't understand..."
"You don't have to. Not right now, okay? I don't want you to overthink." He stood and offered me his hand. "Suspended lang ako ng tatlong araw pero ihahatid pa rin kita sa eskwelahan. Suspendido din si Cris, isang linggo."
"Ibig bang sabihin n'yan ay ikaw ang pinanigan ng guidance office?"
"As long as you're truthful and honest, Avery... everything will work out."
I nodded and took his hand. I trust him. I trust everything he says. Naniniwala akong hindi siya ang mali. Kung ano man ang naging alitan nilang dalawa, mukhang ayaw pa niyang pag-usapan. I tried to think about something or someone that would link the two of them. Hindi ko naman kasi sila nakikitang magkasama o magkausap kaya anong pinag-awayan nila?
"Oo nga pala, si Ramjay, naroon rin..." untag ko habang naglalakad kami palabas ng park.
"Ah, oo. Siya ang pumigil sa akin kakasuntok kay Cris."
I bit my lower lip. Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit nakita ko si Ramjay na kasama ni Cris noong araw na yun. I wanted to tell him about it...
"Best friend mo si Ramjay, diba?"
"Oo." Diretso niyang sagot. "Bakit?"
Umiling kaagad ako. "Wala naman, naitanong ko lang."
He reached for my hair and started ruffling it. Napasimangot ako. "Hindi ko alam kung anong iniisip mo pero wala ring kasalanan si Ramjay dito. If anything, I'm thankful for him. I would've beaten that bastard to death if not for him..."
I turned silent, still thinking about the incident. Napatingin lang ako sa lalaki nang maramdaman ko ulit ang kamay niya sa braso ko. He was gently touching my arm, rubbing his thumb lightly over my skin. I shuddered inside.
"Hindi ka ba natatakot sa akin...?"
"B-Ba't ako matatakot?" Nautal pa ako dahil nadi-distract ako sa hawak niya sa kamay ko!
"May sinuntok akong tao. Bayolenteng bagay ang ginawa ko."
I nodded. "Alam ko... pero naniniwala akong tama ka. Mali ang ginawa mo, pero tama ka..."
He laughed lightly. "Ni hindi mo nga alam ang rason kung bakit ko sinuntok si Cris."
"Oo, pero naniniwala naman ako sa'yo. Sorry kay Cris pero... deserve!"
I couldn't help but be personal on this one. Sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya sa akin noong nakaraan. Ilang araw din akong hindi nakatulog at palaging naiiyak kapag naaalala ko iyon. It's funny how you spend years and years building your confidence but a few mean words from someone and you crumble before them.
Pati ako gusto ko din siyang suntukin.
"Sumakay na tayo ng tricycle," ambang paparahin ni Enrique ang pulang tricycle na papalapit sa amin kaso pinigilan ko kaagad ang kamay niya.
"Huwag na!"
He looked at me, confused.
"Kasi ano... gusto kong maglakad nalang tayo!" Palusot ko naman.
"May konti akong naipon, Avery. Hindi mo na kailangang magpanggap na gusto mong maglakad sa tuwing sinusundo at hinahatid kita."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Alam kong nag-aalala ka kasi baka maubos ang pera ko."
When I pouted, he reached for my cheek and gently poked it with his finger.
"Nung una, napipikon ako pero na-realize ko na mas makakasama kita nang matagal kapag naglalakad tayo kaya sinabayan ko nalang ang trip mo."
"Ang sama mong tao," pabiro ko siyang sinamaan ng tingin para itago ang hiyang nararamdaman.
"Pwede na tayong sumakay ng tricycle," he assured me. "May pamasahe pa ako pauwi."
Defeated, I just nodded. I was so tired from everything that happened today.
We chatted about other topics on the way home. Dahil hapon naman na, nagpapahinga na lamang ang mga magsasaka sa gilid ng palayan habang papalubog ang araw. Anihan na naman ngayon.
Mabilis lang kaming nakarating sa boarding house namin. Agad akong bumaba ng tricycle pagkatapos magbayad ni Enrique. Inabot naman sa akin ng lalaki ang bag ko.
"Salamat sa paghatid..." ani ko. "Pero hindi ako papasok kapag hindi kita nakitang sumakay ng tricycle."
Enrique threw his head back and let out a manly chuckle. "Sige, sasakay ako..."
"Avery! Tamang-tama, nakauwi ka na pala... may ibibigay daw sa'yo na damit itong si Kesha. Naroon sa sala, sukatin mo!"
Gulat akong napatingin kay Tita na bigla na lamang nagsalita sa likuran ko! Kanina pa ba siya d'yan? Bakit hindi ko man lang napansin? Kasama niya ang boarder namin na si Ate Kesha at may dala-dala pang mug ng kape!
She tilted her head innocently, staring at us. Lumipat ang tingin niya kay Enrique.
"Classmate mo?"
"Uh... opo..." I could feel the beads of sweats forming in my forehead. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa naipapakilala si Enrique sa kaniya!
"Ngayon lang kita nakita, ah? Madalas sina Yari ang nakikita kong kasama ni Avery," komento naman ni Tita habang nakangiting nakatingin kay Enrique.
Tumingin naman sa akin ang lalaki, ang mga mata'y nanghihingi ng permiso. I slowly nodded. Tita raised a brow when she saw the brief exchange between the two of us.
"Good afternoon po, Tita. Ako po si Enrique. Nanliligaw po ako sa pamangkin niyo."
Napanganga si Tita sa narinig. Maging si Kesha ay naubo sa iniinom niyang kape.
"Manliligaw?!" Siniko-siko niya si Tita. "Jackpot ata pamangkin mo, 'te!"
Tita looked at me, her eyes full of questions. Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin. I heard her sigh.
"Nanliligaw ka? Anong apelyido mo?"
"Cabrera po."
"Ah, kayo yung may lupain malapit sa Salapsap, diba?"
"Naisangla na po namin iyon pero... opo."
She snickered. "Sa'yo din ba galing iyong bouquet—"
"Tita!" Saway ko kaagad sa kaniya. Humakbang ako patungo sa tiyahin. "Sa akin nga galing 'yon!" Diin ko pa. Ayokong ipamukha na naman ni Tita iyong bouquet na natanggap ko lalo pa ngayong hindi pa makabili ang lalaki ng ganoon kamamahaling bulaklak.
Sumimangot si Tita sa akin. "Eh ikaw kasi, eh! May pa-Happy International Tita's Day ka pa. Gawa-gawa mo lang naman yun!"
Tinabihan ko na ang tiyahin dahil hindi ko kinakaya ang nangingilatis niyang mga mata. She smiled sweetly at Enrique.
"Magkape ka muna sa 'min. Ipagtitimpla kita..."
"Salamat po," magalang naman na sagot ni Enrique. "Pero may part-time job po ako ngayon. Anihan po ngayon ng palay kaya magpupunta ako ng Aringay."
"Ah, ganun ba? Sayang naman. Sige, sa susunod nalang, ha? Bibisitahin mo naman ang pamangkin ko dito, diba?"
"Opo, magdadala po ako ng pagkain sa susunod..." aniya.
Tita smiled widely at him. Siniko pa niya ako. "Gusto ko 'to, Avery. Single pa ba 'to?" Bulong niya sa akin.
"Tita!" Saway ko kaagad sa kaniya.
She laughed at my face. I'm sure I'm already red!
"Mauuna na po ako, Tita..." nilingon naman niya ako. "Avery,"
"Sige, ingat ka 'toy. May nakaparadang tricycle d'yan sa kanto. Huwag ka nang maghintay rito dahil punuan na," si Tita naman.
"Ingat ka, pogi!" Rinig ko namang saad ni Ate Kesha.
I sighed. Both of them are giggling like high school teenagers while he walked away. Nang makaalis na si Enrique, binalingan ulit ako ni Tita.
"Ilang buwan nang nanliligaw sa'yo ang batang yun?"
"Dalawang buwan po..." nahihiya kong wika.
"Hindi mo man lang sinabi sa 'kin. Hindi naman kita papagalitan!"
"Oo nga, Avery. Kung ako ang Tita, hindi rin kita pagagalitan! Gwapo-gwapo 'nun, eh!" Saad naman ni Ate Kesha.
Pabiro siyang hinampas ni Tita habang umaakyat kami sa hagdanan. Nagpaalam na si Ate Kesha na papasok sa kabilang unit. Pinasalamatan ko siya sa mga damit na ibinigay niya nang ipaalala ulit sa akin ni Tita.
Nang makapasok kami sa loob, itinuro niya ang mga nakatiklop na damit sa coffee table.
"Isukat mo, Avery. Daming magaganda r'yan..."
I nodded and inspected the clothes one by one. They were cute, but some of them are just not my style! There were black tank tops, white cropped shirts with graphic designs, a cowl silk top, a few summer halter tops, and then the dresses that were a bit skimpy in my opinion.
"Ang cute, 'no? Sayang, kung bata-bata lang ako, ako sana ang magsusuot n'yan!" Biro pa ni Tita habang binubuksan ang ref.
I pouted. Iilan lang ata ang masusuot ko dito, eh! I don't have the confidence to wear any of these anytime soon. Siguro ay ibibigay ko nalang sa mga kaibigan? They might like it!
"Oo nga pala, kung hindi ko ba kayo nakita ni Enrique kanina ay wala kang balak sabihin sa akin ang tungkol sa panliligaw?" Isinara ni Tita and ref pagkatapos uminom ng tubig.
Kaagad akong umiling at inilapag ang hawak kong blusa. "Hindi po, Tita... naghahanap lang po ako ng perfect timing,"
"There is no such thing as perfect timing in life, Avery," she laughed. "You could've told me sooner. Napapansin kayo ng mga boarders."
I bit my lower lip in shame and slowly nodded. "Sorry po, Tita."
"Nakilala mo na ba ang Mama niya?" Naupo si Tita sa sofa at seryoso akong tinitigan.
Kaagad naman akong umiling. "Hindi pa po..."
"I see..."
"Bakit po?"
She sighed and leaned back on the sofa. "Iyong nanay niya, si Judy, dati ko iyong kaibigan..."
Namilog ang mga mata ko sa narinig. "Kaya ba kilala mo ang apelyido nila?"
She nodded. "Ang ganda-ganda 'nun, eh. Ngayon..." she shook her head.
I recalled the first time I saw her. She really looks stressed out and haggard. Inisip ko nalang na dahil sa mga anak niya iyon at mukhang buntis pa siya nung nakita ko. Her hormones must be all over the place.
"Hindi siya kasal sa kung sino mang nakabuntis sa kaniya. Ayokong paniwalaan ang mga tsismis pero ang sabi nila... kabit daw siya ng isang opisyal."
Ito ba ang rason kung bakit nagpapaka-Tatay si Enrique sa mga kapatid niya? Dahil ang sarili nilang Tatay ay hindi maaasahan at puro problema lang ang dala sa pamilya?
His son has to work multiple jobs just to get by! Nagtitipid at kailanman ay hindi gumastos para sa sarili. Ang sapatos na suot niya noong third year pa lang kami ay iyon pa rin hanggang ngayon.
I know my anger is unreasonable. Wala naman akong alam sa pamilya nila bukod sa sinabi ni Tita. Ang ikinu-kwento lang din sa akin ni Enrique ay puro masasayang alaala ng mga kapatid nila kaya naisip kong ayos lang sila kahit na medyo kapos.
"I know you're still too young to think about marriage but this is just my advice, Avery..."
Nag-angat ako ng tingin nang marinig si Tita.
"If you marry a man, you will marry into the family, too. Just look at me... all of his sisters and even his mother hated me for not being able to bear a child. It's one of the reasons why we separated. I can't deal with his family any longer and he can't stand our family's problems, too." She sighed and rubbed her temples.
Nang makita niya ang nag-aalala kong mukha, agad siyang bumawi ng ngiti.
"B-But of course, this is just my opinion! There are still successful marriages out there even if their in-laws are hard to deal with. It really depends on your husband..." she chuckled lightly. Tumayo siya at nag-inat.
"Pero hindi ka pa naman magpapakasal, diba, Avery? Kailangan mo munang tapusin ang pag-aaral mo. You don't owe it to me... you owe it to yourself."
I lowered my gaze. "Opo, Tita..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro