Chapter 11
"Totoo ba yung sinabi mo kanina?"
"Alin dun?" Nahihiya kong tanong kay Enrique. His steps were firm and quick but his hand was gently holding my wrist. It made me feel as if I was fragile and easy to break.
"Gusto mo ako?"
"Hoy, wala akong sinasabing ganun, ah!" Sabi ko kaagad.
"You were indirectly saying it..." his lips were slightly parted while staring at me. Nag-iwas ako ng tingin, namumula pa rin.
"Interpret it however you want..." labas sa ilong kong wika.
"Kung gayon ay gusto mo nga ako."
Napanganga ako at napatingin sa kaniya! A hint of a smile is already dancing across his lips, pinipigilan niya lang. Sa wakas ay binitawan niya na rin ang kamay ko.
He gestured to a nearby seating area. Kahoy iyon na upuan para sa night market mamaya. Dahil hapon pa naman ay walang tao maliban sa aming dalawa.
"Seryoso ako, Avery, wala talaga akong pera para manligaw sa iyo..."
I fidgeted in my seat. Para akong bata na pinapagalitan. I know I am going against the odds but for once, I'm allowing myself to listen to my instincts. Ayokong pagsisihan 'to... siya.... pagdating ng panahon.
"Hindi kita maibibili ng mga bulaklak gaya niyan..." dumapo ulit ang tingin niya sa bulaklak na ibinigay ni Cris sa akin. "Kung makapagbibigay man ako, hindi ganyan kaganda o kamamahalin. I don't want you to end up resenting me..."
"Alam ko..." bulong ko.
"And yet you're still willing to give me a chance despite my shortcomings... I shouldn't take it for granted."
Napatingin ako sa kaniya. Bigla nalang siyang naupo sa harapan ko. Dahil sa tangkad niya, kahit nakaupo ay nagtatagpo pa rin ang mga mata namin. Anyone who sees us would think that he's really courting me... and the flowers were from him.
"Avery..." he gently took my hand and rubbed his fingers against my knuckles. My heart feels like it's about to explode. "Pwede ba akong manligaw?" Halos bulong na iyon mula sa kaniya.
I slowly nodded. Enrique smiled and nodded. Hindi na magkamayaw ang puso't isip ko sa pinaghalong kaba, saya, at excitement.
"Ihahatid na kita sa inyo..." aniya nang makatayo.
"Wala ka bang trabaho?"
"Magt-tricycle nalang ako pabalik."
"Sigurado ka?"
Tumango lang si Enrique habang ang mga mata'y naghahanap ng tricycle. Pinara niya ito. May ibang estyudante na pasahero ang naroon kaya napatingin kaagad sila sa amin nang makitang may hawak pa akong bulaklak tapos katabi ko si Enrique.
"Manong, sa Taboc po..." aniya at pinauna ako ng sakay sa loob. Dahil sa laki ng bouquet ay mas lalong sumikip ang pwesto namin sa loob ng tricycle. Sinulyapan ko si Enrique.
"Kalahati nalang ng pwet mo ang nakakaupo, ah? Ayos ka lang?" Untag ko sa kaniya. Kapag kasi umusog pa ako ay matatamaan na ang driver ng bulaklak at ayaw ko namang ma-disgrasya kami.
He chuckled. "Ayos lang..."
"Kakausapin ko si Cris bukas..."
He nodded. I went silent too. Pansin ko ang hagikhikan at bulungan ng ibang pasahero sa likuran. Maybe it was rare for them to see a highschooler receiving such an expensive bouquet of flowers. Maski ako ay hindi rin ito inasahan mula kay Cris. Kakakilala lang namin kahapon, eh!
Nang makarating ay naunang bumaba si Enrique. Dahil hawak ko pa rin ang bulaklak ay hindi ko kaagad nakuha ang wallet ko at naunahan na ng lalaki. I stared at him while he counted the coins inside his wallet. Luma na ito at bitak-bitak na rin ang kulay itim na leather trim. Inabot niya kaagad sa driver ang barya.
"Salamat po..." aniya sa driver.
Kumunot ang noo ko at itinuro ang papalayong tricycle. "Hindi ka ba sasakay dun? Akala ko ba magt-trabaho ka?"
"Papapasukin lang kita."
I raised a brow at him. "Hindi graded ang panliligaw, Enrique. Huwag mo namang masyadong galingan."
He chuckled. "Aalis na ako kapag nakapasok ka na..."
I nodded and smiled at him. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya unti-unti nalang akong umatras palayo. Hindi ko pa siya pwedeng halikan, diba? O di kaya'y yakapin? Parang ang awkward naman. Kakatanong niya pa lang sa akin kung pwedeng manligaw, eh!
Kinawayan ko ang lalaki bago tuluyang pumasok sa boarding house namin. Inilapag ko ang bulaklak sa lamesa at naghintay ng ilang segundo bago ako lumabas para silipin siya.
I sighed when I saw him walking away despite the numerous tricycles passing by. Sinasabi ko na nga ba... sapat lang ang pera niya pamasahe back and forth. Malamang ay naubos iyon nang bayaran niya din ang pamasahe ko!
Guilt flooded my chest. Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Tita sa likuran.
"Avery...? Nakauwi ka na pala?"
"Uh, opo, Tita!"
Lumipad ang tingin niya sa mga bulaklak na nasa lamesa. "Kanino galing yang bulaklak?"
Dali-dali kong kinuha ang bouquet at inabot sa kaniya. "Sa akin po! Happy International Tita's Day po, Tita!"
She frowned at me. "Pinagloloko mo ba ako?"
"I love you, Tita. Pasok na po ako, andaming assignment, eh!" I laughed awkwardly before shoving her the flowers and going inside my room.
Kinabukasan, nagulat ako nang makita si Enrique sa harap ng boarding house namin. May pasok si Tita ngayon pero nag-aayos pa siya sa loob kaya naman nagpaalam akong mauna nang aalis.
"Enrique...? Anong ginagawa mo dito?"
"Ihahatid kita." Seryoso niyang wika.
"Huh?" Nagpalinga-linga ako sa sobrang kaba. Baka mamaya ay makita kami ng mga boarders at ma-tsismis pa! Hindi ko pa nasasabi kay Tita ang tungkol sa kaniya! Ni hindi ko pa nga nakakausap si Cris, eh!
"Hindi ko alam kung anong oras ka umaalis ng boarding house niyo kaya inagahan ko nalang kanina..."
"Alas sais y media ako lumalabas!" I waved my hand in dismissal. "Pero hindi mo na kailangang gawin 'to!"
"Why not?"
Kasi... mauubos ko na naman ang pera mo sa pamasahe.
I caught my lower lip before the words escaped from my mouth. From the start, Enrique told me about their financial situation. I accepted it and told him to persuade me. Wala akong karapatang mag-reklamo o ma-guilty sa mga ginagawa at gagawin pa niya sa akin mula ngayon.
"I can't give you an expensive bouquet of flowers... yet. It's the least I could do for now." He said sincerely.
"Okay..." I said at last. "Okay, sige. Pero maglalakad tayo, ah? Hindi ako nagt-tricycle tuwing umaga, eh. Exercise ko kasi 'to..." palusot ko naman sa kaniya.
"Sigurado ka? Malayo pa ang St. Agnes—"
"Kaya nga simulan na nating maglakad!" Masigla kong wika at nauna na sa kaniya. Binilisan ko ang mga hakbang ko para makalayo na kaagad kami sa boarding house. Mabilis naman na sumunod si Enrique sa akin.
"Talaga bang naglalakad ka papunta sa eskwelahan? Araw-araw?"
"Oo!" I lied with a happy face. I don't want him spending any more of his hard-earned money with me. If he's willing to compromise just to spend time with me... so do I!
Kaso... unang beses ko pa atang nilakad mula boarding house hanggang sa paaralan namin kaya hindi ko inakalang ganun pala kalayo! Ilang minuto lang kasi sa tricycle kaya inakala kong malapit lang.
"Uhm... hindi pa nila alam na nanliligaw ka sa akin." Ani ko nang makarating kami sa gate. "Pwedeng huwag na muna nating ipaalam sa iba?"
He nodded. "Naiintindihan ko."
"Mauuna akong pumasok, ah?"
Enrique nodded again and slowed down his steps. I flashed him a weak smile and went straight to the classroom.
Pagkapasok ko sa room, dumiretso kaagad ako sa upuan ni Yari at binuksan ang bag niya. Alam kong nagdadala siya ng tubig. Sobrang saya ko nang makitang may baon nga siyang tubig ngayon! Kaagad ko iyong binuksan at ininom.
"Wow, you're welcome, ah?"
Muntik na akong maubo nang marinig ang boses ng kaibigan.
"Ikaw magr-refill n'yan sa water fountain!" She scolded.
I nodded apologetically. Ni hindi ako makasagot dahil hinahabol ko pa ang hininga ko. She stared at me skeptically.
"Anong nangyari sa'yo, 'te? Nag-marathon ka ba bago nagpunta dito?"
Umiling lang ako at inilapag ang tumbler niya. "Salamat sa tubig..." I took a deep breath. Out of the corner of my eye, I saw Enrique entering the classroom.
Napaka-unfair! Ang fresh pa rin niyang tingnan kahit na ang layo-layo ng nilakad namin! Walang bakas ng pagod sa mukha niya, kahit pawis man lang! Siguro ay talagang sanay na siya sa pagta-trabaho at ehersisyo na ang paglalakad patungong eskwelahan ay wala lang sa kaniya... samantalang muntik na akong mamatay ngayong umaga.
Hinugasan ko muna ang tumbler ni Yari bago ako nag-refill sa water fountain. Kailangan ko na talagang mag-ehersisyo nang husto dahil alam kong mapapasabak ako sa lakaran araw-araw! O di kaya'y tatanungin ko si Ivo kung anong mga workouts ang ginagawa niya para lumakas ang stamina ko. Pumayat lang naman ako dahil iginuide ni Tita ang mga kinakain ko pero wala namang exercise kaya bago talaga sa akin 'to...
"Avery?"
Muntik ko nang mahulog ang tumbler sa sobrang gulat. It was Cris. He looked relieved to see me.
"Ayos ka lang ba? Nag-aalala ako sa'yo kahapon. ROTC Commander yun, diba? Bakit ganun nalang siya maka-asta—"
"Cris..." kaagad kong pinutol ang mahabang litanya niya. He looks like he's going to devour Enrique alive. Well... he has the right to. I wouldn't deny that what Enrique did to Cris yesterday was rude and unreasonable. "May sasabihin ako sa'yo."
He nodded. "Ano yun?"
"Pasensiya na pero... ayokong payagan kang manligaw sa akin."
His shoulders dropped in disappointment. "Bakit?"
Nag-iwas kaagad ako ng tingin. I should just tell him the truth! If I say bullshit like I want to focus on my studies first, he'll hate me for the rest of his life when he sees me hand in hand with Enrique!
"May iba akong gusto."
Tumahimik si Cris. I don't want to look at his face right now because I'd feel so guilty doing so. Hindi ko alam na aabot pala ako sa ganitong posisyon. I couldn't imagine how a fat girl like me could reject someone like Cris and allow someone like Enrique to court me...
He sighed.
"Yung ROTC Commander kahapon, diba?" Halos bulong na iyon nang lumabas sa bibig niya.
I slowly nodded.
He laughed humorlessly. "Sabi ko na nga ba. Kita kitang nanunuod sa formation nila imbes sa laro namin, eh."
"Sorry, Cris."
"Ayos lang, salamat at sinabi mo kaagad sa akin. Good luck sa inyong dalawa."
I gave him a small smile before turning away. Pagkapasok ay inabot ko kaagad kay Yari ang tubig niya.
"Sorry nga pala kanina, di na mauulit..." paglalambing ko sa kaibigan.
"Parang tanga 'to! Tubig lang yun, eh!"
I annoyed Yari for the rest of the first period because our teacher didn't show up. Yung iba kong mga classmate ay ginamit ang oras para makapag-aral kaya akala ko ganun din ang ginagawa ni Enrique pero nung sumulyap ako sa kaniya, natutulog siya sa upuan niya.
"Ano? Wala ba talagang progress?" Bulong ni Yari sa akin, nakatingin din sa kaniya.
Hinampas ko siya dahil masyadong halata ang babae. "May sasabihin ako sa'yo, pero mamaya na..."
Her eyes widened. "Anong mamaya?! Sabihin mo na!"
"Hindi, mamaya na..."
"Mamamatay ako kakaisip, Avery!" Reklamo niya.
Tinawanan ko lamang ang kaibigan. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa dumating ang teacher namin sa second period. Saka lang tumahimik ang babae.
"May meeting lang kami saglit sa volleyball team, hintayin mo ako sa canteen, ah!" Ani Yari bago dali-daling lumabas ng classroom.
I looked around for Enrique. Pero wala na siya. As if on cue, my phone beeped.
From: Tatay ni Chuchay
Formation lang kami.
I stared at the text, trying to figure him out. Ano 'to? Nagpapaalam ba siya sa akin? Pwede naman siyang mag-formation kahit kelan niya gusto, eh! But I still couldn't help the smile from touching my lips. Ito ba ang pakiramdam ng mga girlfriend kapag nagpapaalam nang maayos ang boyfriend nila?
Parang sira, Avery! Wala namang kayo! Wala pa...
"Avery? Bakit ka tumatawa nang mag-isa?"
Napamura ako nang marinig ang boses ni Karlo. Agad kong tinanggal ang ngiti sa mukha ko at sinimangutan siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa? Kakain ako. San si Yari?"
"May meeting daw sila sa volleyball team. Bakit hindi ka kasama? Evicted ka ba?"
"Hindi ah," nagpalinga-linga ang lalaki. "May... ginagawa lang ako."
Nag-taas ako ng kilay pero mukha namang walang balak magpaliwanag si Karlo sa akin kung ano yun kaya hinayaan ko nalang siya. At ang sabi niya, kakain daw siya pero iniwan din ako sa corridor nang makita ang kaibigan nito mula kabilang section! Napailing nalang ako at nagtungo sa canteen nang mag-isa.
"Ate, chicken curry po sa 'kin tapos pansit. Dalawang rice po..."
Ako na ang nag-order para kay Yari dahil matatagalan pa ito kung pipila pagdating. Nag-order din ako ng dalawang softdrinks at nagtungo sa lamesa namin.
To: Yari
San ka na, beh? Pa-bell na!
Ipinasok ko ang cellphone sa bulsa. Saktong pag-angat ng tingin ko ay ang pagpasok ni Enrique kasama ang ibang ROTC officers at cadets. They stood out because of their uniform. I gave him a small smile.
"Sorry! Late!" Yari was panting heavily when she arrived. Naupo kaagad siya sa tapat ko. "So, anong chika?"
"Uminom ka muna ng tubig, 'te. Mukhang mamamatay ka na, eh."
Inirapan ako ng kaibigan bago kinuha ang tumbler mula sa bag niya. She's still watching me with keen eyes while chugging her water.
I was about to open my mouth when a shadow fell over me. Nag-angat ako ng tingin. Hawak ni Enrique ang tray niya at nakatayo sa tapat ng table namin.
Magsasalita pa sana si Yari nang biglang maglagay ng saging si Enrique sa tabi ng plato ko.
"Hindi ka ba kumakain ng gulay o prutas?" Minata niya ang order naming dalawa.
"Uhm..."
A look of realization dawned upon Yari's face upon seeing the two of us together. Nagbukas-sara ang bibig nito na parang goldfish! I fought the urge to roll my eyes at her.
"Plato mo..."
Parang tuta akong sumunod nang iminuwestra ni Enrique ang plato ko. Isang saging, chopseuy, at isang rice lang ang order niya pero inilagay niya ang kalahati ng gulay niya sa plato ko.
"Erm, gusto mong chicken curry?"
He shook his head. "Ayos lang."
"Ako, Enrique? Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto ko ng saging?" Biglang sabat ni Yari. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng table. Enrique looked at his tray. Inalok niya ang saging sa kaibigan.
"Gusto mo?"
"Hindi! Huwag!" Kaagad kong awat at ibinalik ang saging sa tray ni Enrique. Wala na siyang kakainin eh kapag pinamigay niya lahat ng pagkain niya! "Kayang bumili ng pamilya ni Yari ng sampung-libong saging, Enrique. Dun ka na. Salamat sa saging mo!"
Yari burst out laughing. I saw a glint of smile in his eyes before walking away. Nang makaalis siya, muntik nang matumba ang softdrinks at mga baso namin sa lamesa dahil sa pagwawala ni Yari.
"Kayo na?! Kayo na?!"
"Ssh!"
"Ito na ba yung tsismis!?"
"Tumigil ka, hahampasin na kita!" Banta ko sa kaibigan.
She's still giggling like an idiot but she has calmed down a bit. Pati ako ay pinilit na pinakalma ang sarili.
"Nanliligaw siya sa akin..."
Yari looks like she's about to scream so I glared at her. Kaagad niyang itinikom ang bibig.
"Wala pang nakakaalam nito kundi ikaw lang... at syempre, siya."
"Paano si Cris?"
"I've already rejected him this morning..." the words rolled uncomfortably out of my mouth. I couldn't believe I'm saying these things! Sa napapanuod kong mga movie o di kaya'y nababasa sa pocket books, puro magaganda at main character lang ang nagsasabi nito!
"Hindi ka talaga matiis ni Enrique, 'no? Happy for you. Ninang ako sa kasal, ah?"
Sinipa ko ulit siya bago ako nagsimulang kumain.
Wala akong meeting o gagawin pagkatapos ng last subject namin kinahapunan kaya napag-desisyunan kong hanapin si Ivo. Nasa ibabang building lang naman ang mga third year. Enrique already texted me that he has to meet with the ROTC officers and go to his part-time job. Tinatanong niya ako kung may oras ba daw ako kaya sinabi ko lang na wala para hindi na ako makaabala sa kaniya.
"Avery?"
"Ivo!" Tuwang-tuwa ako nang makita ang kaibigan. "Jogging tayo?"
"Huh?"
"Jogging tayo!" Pag-uulit ko. "Gusto kong mag-jogging, pero wala naman akong kasabay. Ayokong kasama si Karlo dahil dinaig pa niya ang babaeng may menopause!"
Isinukbit ni Ivo ang bag at tumitig sa akin.
"Ba't ka magj-jogging? Diba ayaw na ayaw mo ang nage-exercise?"
"Gusto kong pumayat!" Pagdadahilan ko nalang. Hindi pwedeng palagi nalang akong hihimatayin sa tuwing maglalakad kaming dalawa ni Enrique patungong eskwelahan!
He gave me a weird look. "Pinagsasabi mo? Payat ka naman, ah? Sexy ka nga, eh! Ayoko lang sabihin sa'yo dahil baka sapakin mo ako..."
"Sige na, Ivo!" Hindi ko pinansin ang mga papuri ng kaibigan. "Kailangan mo ding magpalakas ng stamina para sa surfing, diba?"
In the end, he agreed to be my jogging buddy. Hindi pa ako ganun ka-confident na tumakbo mag-isa. Isa pa, matic na kapag may kasama akong lalaki o kahit sino, wala akong matatanggap ng cat call mula sa mga tambay sa barangay namin.
"Kita tayo sa freedom park mamayang alas-singko."
I gave him a hug and went home. Dun ko pa lang naramdaman ang pagod sa buong araw pero pinilit ko pa ring magbihis. Naka-hoodie lang ako at jogging pants. I tried to hide away as much skin as I can. Itinali ko din ang buhok at uminom ng maraming tubig bago nagtungo sa park.
"Mag-warm up muna tayo para hindi gaanong mabigla ang katawan mo..." ani Ivo. "Mula Aringay hanggang sa elementary lang muna tayo ngayon."
I nodded enthusiastically. Maybe this would help me. And knowing Ivo, he is disciplined in this area so I'm sure he's going to push me to work harder.
Sinundan ko lang ang warm-up workout ni Ivo bago kami nagsimulang tumakbo. Sinubukan ko pa siyang daldalin sa simula pero sinaway niya ako at sinabing i-regulate ko daw ang paghinga ko para mas humaba ang endurance ko.
I pouted and followed him. Ngayon ko lang ata nakitang seryoso ang lalaking ito, bukod sa mga pagkakataong nakatingin siya kay Raya.
"Teka, Ivo! Time first!"
Hindi ko na talaga kinaya at huminto ako sa kalagitnaan ng pagtakbo namin. Ivo is still moving but he's moving towards me. Slowly, he slowed down and looked at me.
"Ayos ka lang?"
"Mamamatay na ata ako," pag-amin ko sa lalaki.
He laughed and offered me his water. "Tubig ka muna."
Pinasalamatan ko siya at uminom na muna ng tubig. Nasa niyugan pa kami kaya maraming lilim galing sa mga puno. I sat on a wooden bench and looked around. May nagsusunog mula sa di kalayuan. Mayamaya pa, nakarinig ako ng tunog ng truck na papalapit sa amin. A rugged-looking blue truck came into view. Ipinark ito ng driver malapit sa daanan. There were young men at the back of the truck, probably to haul the dried coconuts. Dadalhin nila iyon sa karatig bayan para itinda.
"Classmate mo yan, diba?"
Napalingon ako nang kalabitin ni Ivo. Sinundan ko ang tingin ng kaibigan at nakita si Enrique nasa likuran ng truck, tahimik habang ang mga kasama nito ay nagkukulitan at nagtutulakan pa.
"O, sige baba na! Okay na 'to!" Rinig kong sigaw ng driver sabay turo sa sako-sako ng pinatuyong niyog na kakargahin nila.
I watched him in silence. Ilang libong trabaho ba ang mayroon siya? Banat na banat na talaga ang buto niya dahil sa mga pinaggagawa niya pagkatapos ng klase. I can't believe he can still perform well on ROTC on top of everything. Palagi na din siyang napapagalitan ng mga guro namin nitong nakaraan dahil nakakatulog na ito sa klase! Is he getting proper sleep?
It made me feel embarrassed about myself. He's taking on serious, adult problems as such a young age and handling it without complaint. Hindi ko mawari kung gaano kabigat ang dinadala niya. Ako, hindi man lang makatapos nang maayos sa pagj-jogging! Ibinalik ko ang tubig kay Ivo at tumayo.
"Tara. Kapag nag-reklamo ako, huwag mo 'kong papansinin, ah? Kailangan kong tapusin 'to..." desido kong wika sabay takbo palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro