The Plan
Naglalakad pala kami ngayon papunta sa cafeteria. Galing kami sa tambayan namin at doon kami naglalaro ng Jackstones.
"Huwag mong sabihin na ngayon kapa nahiya?" Natatawang tanong ni Ashe.
"Hmm." nasagot ko nalang. Actually hindi naman talaga ako nahihiya kung maraming tao. Kaso nga lang hahalikan ko si Sabastian, sino bang hindi mahihiya.
Pag ginawa ko yun siguradong lulubog na ako sa kahihiyan.
Pagkarating namin sa cafeteria, umupo agad kami sa pwesto namin except kay Marielle. Turn nya kasi ngayon at dumiretso na siya counter.
Tiningnan ko naman si Ashe at Sarrah na nag-uusap at biglang silang lilinga. Baka may pinag tsitsismisan na naman siguro.
Napayuko nalang ako. Iniisip ko parin kong paano ko siya hahalikan. Napailing nalang ako.
Tinaas ko naman yung ulo ko nang inilapag na ni Marielle yung mga order namin.
Napalingon naman ako sa entrance nang cafeteria dahil sa pagkakalabog nito at bigla ring pagtitili nang mga babae na nasa loob nang cafeteria.
"Ohmygod! He's so gwapo talaga. Iloveyou Sebastian."
"Buntisin mo ako Max."
"Cleighn pakasalan mo ako."
Ilan lang naman yan sa mga sinisigaw ng mga babae. Napailing naman ako, akala mo celebrity sila dahil sa dami ng babaeng sumisigaw, halos lahat ng babae na nag aaral sa Kingdom High may gusto sa kanya.
"Oy Yna, pinagkakaguluhan na naman ang beyb mo." natatawang sabi ni Sarrah sa akin.
Inirapan ko naman siya.
At isa ako sa mga babaeng yun pero hindi naman ako kagaya ng mga babae dyan na halos ipaglandakan na may gusto sila dun.
Mas gusto ko kasi na titingnan lang siya sa malayo. Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa kanya sobrang playboy niya.
Iba-Ibang babae ang kasama niya. Masakit pag nakikita ko sila parang pinipilipit yung puso ko, pero hindi ko nalang pinapansin kasi ano ba naman ako sa kanya, ni hindi nga niya ako kilala eh.
Napayuko nalang ako at pasimpleng pinunasan ang luha ko.
Naramdaman ko na naman yung parang may tumititig sa sa akin, kaya napalingon ako kung san feeling ko dun banda nanggaling ang pagtitig pero wala naman akong nakitang tao na kahina hinala atsyaka ang grupo naman nila Seb ang nakaupo dun. Hindi naman sila nakatingin sa akin.
Imposible naman na galing sa grupo nila Seb ang tumitig sa akin.
Napabuntong-hininga nalang ako sa mga naiisip ko. Baka imagination ko lang yun.
Napatingin naman ako kay Ashe nung bigla suyang tumikhim.
Tinaasan ko naman siya nang kilay.
"What?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo Yna, kaya namin ito ang ginawa naming dare para sayo ay dahil para malaman niya na nag-eexist ka at baka malay mo magka Lovelife kapa pag katapos mong gawin yun." Tinaas taas na naman niya ang kilay niya
"Ewan ko sayo, kung anong naiisip mo."
"Hmmm, Yna abangan mo sya paglabas nya sa cafeteria at sunggaban muna." natatawang suhestiyon ni Marielle
Inirapan ko naman siya. "Sunggaban talaga?"
Ngumisi lang siya.
Pagkatapos namin kumain ay tumayo agad kami at naglakad na palabas ng cafeteria, pero andyan na naman yung mga titig na yun. Hindi ko nalang pinansin at napailing nalang ako
"Yna, yung suhestiyon ko ha."
Pinag-isipan ko naman ang suhestiyon niya
"Pwede naman. Wait girls cr lang muna ako, diyan lang kayo ha." Tumakbo na ako papuntang CR. Buti nalang malapit lang yung CR sa cafeteria.
Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin ay lumabas na ako at naglakad na papunta kong saan ko iniwan yung mga kaibigan ko.
Feeling ko mahihimatay ako ngayon ee. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko lalabas na sya sa katawan ko.
Huminga nalang ako ng malalim pagdating ko sa labas ng cafeteria.
"Ano, game?" bati ko agad sa kanila
Nagkatinginan naman silang tatlo at
"GAME!" sabay nilang sigaw.
Napatakip nalang ako sa tenga ko. "Dapat ba talagang sumigaw?" Medyo nawala na yung kaba ko.
Natawa nalang sila. Buti nalang walang masyadong mga estudyanteng lumabas ng cafeteria.
"Girls, palabas na si Sebastian." Bumalik na naman yung kaba ko sa sinabi ni Sarrah. Mas lumakas pa ang tibok ng puso ko.
Pumwesto na ako sa gilid ng pintuan.
Pagka bukas na pagka bukas nang pinto ay---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro