Mistaken
Binitiwan naman agad niya. Maglalakad na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Nana, I really like you!" Sigaw niya.
Nangilid naman ang luha ko sa sinabi niya. Napatingala nalangako para hindi siya lubusang tumulo.
Pagkatapos nya lang magtapat na gusto niya ako at ngayon ipinagsigawan pa niya na gusto niya din si Nana.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang marinig ko ulit siyang magsalita at yun ang mas masakit na salita na sinabi niya.
"No, let me rephrase it. I just don't like you. I love you. Ikaw lang yung babaeng nakapagpapatibok sa puso ko. Kahit na marami akong naging fling ikaw parin nag-iisang babaeng umuukupa ng isip ko." tumigil muna siya at bumuntong hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Lagi ngang sinasabi ng mga kaibigan ko na playboy naman daw ako kaya madali lang ang pagtatapat sayo---"
Ayaw ko nang marinig wasak na wasak na ang puso ko. Kaya tinakpan ko nalang ang tenga ko at binilisan ko nalang ang paglalakad hindi ko nalang pinansin yung mga estudyanteng nakakita sakin umiiyak. Na parang na weweirduhan sa akin dahil ikaw ba naman na maglalakad tapos nakatakip pa yung dalawang kamay mo sa tenga mo at plus umiiyak kapa. Sinong hindi titingin.
Tatakbo na sana ako para hindi ko na marinig yung confession niya kay Nana pero bigla nalang may humawak sa balikat ko.
Bakit ba bigla nalang may hahawak sa akin pag aalis na talaga ako?
"Nana." I flinched nung narinig ko ang boses niya sa likod.
Iwinaksi ko naman yung kamay niya at humarap sa kanya na galit.
"Hindi ako si Nana!" sigaw ko sa kanya. Patuloy parin sa pag-tulo yung luha ko.
Nagulat naman siya sa pagsigaw ko pero mas lalo siyang nagulat nong nakita niya ang luha sa mga mata ko.
Lumambot naman ang expression niya at pinunasan niya ang mga luha ko na patuloy lang sa pagpatak.
"B-bakit ka umiiyak?" na waring naguguluhan siya kung bakit ako umiiyak. Inalis ko naman yung kamay niya sa mukha ko at pinunasan nalang ang mga luha ko. Masyado nang nakakahiya.
"Nagtatanong kapa! Bakit mo ba ako ginaganito Sebastian ha? Kung ginagawa mo lang ito para saktan ako, pwes nagwagi ka dahil nasasaktan ako. Wengya, tinawag mo pa akong Nana eh nasa likuran mo lang si Nana." tiningnan ko naman si Nana na nakatingin lang sa amin. Hindi ko mabasa ang expression niya. Galit ba siya o ano ba.
"Ha?" parang naguguluhan siya kung bakit ko yun nasabi at tumingin siya sa likuran niya.
Napatango naman siya na waring nauunawaan na kung ano yung sinabi ko kaya bigla siyang tumawa. Hindi naman tawa na halagakpak. Yung boyish na tawa lang. Nakatakip pa yung kamay niya sa bibig niya.
Mas lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko.
Ano ba itong iniisip ko.
"Do you think na siya yung tinutukoy kong Nana?" natatawa paring tanong niya.
"Bakit hindi ba?" tinaasan ko naman siya nang kilay. Galit parin ako sa kanya. Anong karapatan niyang umamin sa akin na gusto niya ako kung umamin din siya kay Nana na gusto niya ito. Dadalawa pa, siguro para may reserba
Mas lalo siyang natawa.
"Are you Jealous?Kaya kaba umiyak dahil dun" bigla tanong niya.
Parang nasamid ko naman ang laway ko dahil sa sinabi niya. Bigla naman uminit yung pisngi.
"A-an-no? Na-nagpapatawa k-ka ba?B-bakit naman a-ako ma-magseselos?" Pesteng dila ito, ngayon pa talaga ako nautal.
At nunka naman akong aamin na nagseselos talaga ako sa Nana na yan.
Inirapan ko naman siya dahil halatang tuwang-tuwa siya reaction ko.
"Really? Kung hindi bakit ka umiiyak?
"Napuwing lang ako." pagdadahilan ko.
"Talaga lang ha, bakit ka namumula?"
"G-galit ako k-kaya ako n-namumula, o-oo t-tama. Tama galit ako sayo dahil sa ginawa mo." sinamaan ko naman siya nang tingin.
"Hmm, anong ginawa ko?" napatigil naman siya sa pagtawa at sumeryoso naman yung mukha niya.
"Ah, basta!"
"Na--"
"Sinabi ko nang hindi ako si Nana eh!" putol ko sa sasabihin niya sana.
"Okay okay. Yllana." diniinan naman niya ang pagbigkas sa pangalan.
"Bakit palagi mo akong tinatawag na Nana. Hindi ko naman pangalan yun." curious na tanong ko sa kanya.
"Nakalimutan muna ba na yun ang gamit mo dun sa Charity event na pinamumunuan mo? Nana." mabilis na sagit niya.
"Ha? A-ano?" Nanlalaking matang tanong ko sa kanya. "H-how did you know that?" nagtatakang tanong ko sa kanya na nanlalaking mata.
May bigla namang nag pop up sa utak ko.
Mas lalo naman nanlaki ang mata ko. Doon nga pala sa event na yun una ko siyang nakita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro